You are on page 1of 30

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Samahang Pangkababaihan
at mga Kalagayang Panlipunan

CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang
Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Girlie Palmejar Abonita
Editor: Jim Paul M. Belgado, Freddie Rey R. Ramirez
Tagasuri: Zenon M. Oblan
Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte, Karl G. Buenafe, Irene Joy B. Pablico
Tagalapat: Liezl O. Arosio, Magnolia M. Mabulo-Delos Santos
Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director IV
Mariflor B. Musa, CLMD Chief
Danilo C. Padilla, Regional ADM Coordinator
Dr. Freddie Rey R. Ramirez, EPS-AP/LRMS
Dr. Cyril C. Serador, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS
Marites L. Arenio, EPS-AP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navila, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng Eduresources Publishing, Inc.


Department of Education – MIMAROPA Region
5th Floor Mabini Building, DepEd Complex, Meralco, Avenue, Pasig City, Philippines 1600
(02) 634-1054 o 634-1072
imcsetd@yahoo.com
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Samahang Pangkababaihan
at mga Kalagayang Panlipunan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Samahang Pangkababaihan at
mga Kalagayang Panlipunan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii CO_Q3_AP 7_ Modyul 5


Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Alamin

Halina’t simulan natin!

Nakita ng kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang


maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses sapagkat minsan
na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo nang pang-aapi at diskriminasyon sa
lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang
pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan
ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan sa mga kilusang ito sa ilang mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya.

Ikaw ba ay kasapi ng isang samahan? Sa iyong pananaw, bakit mahalaga ang


pagkakaroon ng samahan sa isang lipunan? May mga samahan kayang
pangkababaihang naitatag sa Timog at Kanlurang Asya noong ika-6 hanggang ika-
20 siglo?
Sa bahaging ito ay lilinangin mo ang iyong mga kaalaman hinggil sa mga
samahang pangkababaihan at mga kalagayang panlipunan sa Timog at Kanlurang
Asya. At upang ito ay maisakatuparan, malaki ang maitutulong ng mga gawain at
mga kalakip na teksto na matatagpuan sa modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:


1. Natutukoy ang mga samahang nabuo ng mga kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya;
2. Nailalahad ang mga layunin ng bawat samahan tungo sa pagkamit ng
pagkakapantay-pantay para sa mga kababaihan;
3. Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng mga kababaihan sa Asya
upang makamit ang pagkakapantay-pantay;
4. Nabibigyang halaga ang mga naging kontribusyon ng mga samahang
kababaihan tungo sa pagkamit ng pantay na karapatan sa lipunan;
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang
tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)


Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal
at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)


➢ Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo
sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampulitika. (Week 5)

1 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Subukin

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Anong taon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang


mga isyu tungkol sa kanila sa bansang Sri Lanka?
A. 1992 C. 1994
B. 1993 D. 1995

2. Ano ang mga nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi
marinig ang kanilang mga hinaing?
A. Naging balakid ang patuloy na digmaan na nagaganap sa pagitan ng
Israel at Palestine
B. Dahil sa mga pisikal na kakayahan sa isang babae na naglilimita sa
kanyang mga kayang gawin
C. Nagsilbing balakid rito ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala
dahil mas angat sa lipunan ang mga kalalakihan
D. Dahil karamihan sa mga kababaihan doon ay tanggap na ang kanilang
katayuan at ayaw nang makilahok sa mga samahan

3. Paano nakamit ng mga kababaihan sa bansang Bangladesh ang kanilang mga


karapatang ipinaglaban?
A. Ginamit ang ilang mga kabataang biktima ng child marriage upang
makamit ang kanilang ipinaglaban
B. Hinikayat nila ang mga samahan sa karatig- bansa lalo na sa
India na makiisa sa mga kilusan
C. Katulad ng LTTE ng Sri Lanka, sila ay naging aktibo sa pakikipaglaban
at pakikidigma para sa kanilang karapatan
D. Naimpluwensiyahan ng samahan ang kanilang pamahalaan lalo na sa
pagpapatupad nito ng mga polisiya kabilang ang pagbabawal ng ilang
mga nakagawiang tradisyon

4. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa


bansang India?
I. Maternity Leave
II. Pantay na sahod
III. Mga pasilidad ng day care
IV. Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki
A. I, II at III C. I, III, at IV
B. I, II, at IV D. I, II, III, IV

5. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973 ng Pakistan, nabigyan ang mga


kababaihan ng pantay na karapatan sa pulitika. Alin sa sumusunod ang naging
bunga nito?
A. Nailunsad ang Arab Women Connect
B. Ginawang legal ang Hindu Marriage Act ng 1955 ang diborsyo
C. Nakapagtatag ng maraming partidong pulitikal para sa mga kababaihan
D. Nahirang ang mga kababaihan sa matataas na posisyon sa pamahalaan

2 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
6. Ano ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang
Bangladesh na labis na nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng
pamahalaan?
A. Mahila Parishad
B. Women’s Coalition
C. Women’s Action Forum
D. Liberation Tigers of Tamil Eelam

7. Ang sumusunod ay kampanyang nagtagumpay sa Pakistan sa pangunguna at


impluwesya ng WAF sa Sindhian Tehrik na maalis sa kanilang kultura
MALIBAN sa?
A. Diborsyo
B. Poligamya
C. Pagpili sa mapapangasawa
D. Child Marriage o maagang pag-aasawa

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na


ginampanan ng mga naitatag na samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng
Timog at Kanlurang Asya.
A. Dahil sa mga samahang ito nabigyan ng higit na karapatang pampulitika
ang mga kababaihan at pagkakataong pamahalaan ang bansa
B. Dahil sa mga samahang ito naging matapang ang mga kababaihan at higit
na naging edukado nang mabigyan ng karapatang makapag-aral
C. Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang
makamit ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa
lipunan
D. Dahil na rin sa pagkakatatag ng samahan ay nakuha ng kababaihan ang
simpatya ng nakararami at ito ang naging daan sa pag-angat ng kanilang
ekonomiya.

9. Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ayusin ito batay sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa bansang Sri Lanka.
I. pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang isyu tungkol sa kanila
II. Sumalakay ang militanteng gerilya na nakilala sa tawag na LTTE
(Liberation Tigers of Tamil Eelam)
III. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang Kodigo Penal na may
kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan
IV. Isa sa mahahalagang samahang pangkababaihan na naitatag ay ang Mother’s
Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya at ikinulong
na mga sundalo
A. I, II, III, at IV C. II, IV, I, at IIII
B. IV, III, II, at I D. I, III, IV, at II

10. Alin sa mga samahan o kilusan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya
ang naging aktibo at agresibo sa pakikidigma?
A. Bharat Aslam
B. LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)
C. UFWR (United Front for Women’s Rights)
D. CEDAW (Convention on the Elimintaion of All Forms of Discrimination
Against Women)

3 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
11. Ano ang mahalagang papel ng Women for Peace na itinatag noong Oktubre
1984 sa Sri Lanka?
A. Naging daan sa ratipikasyon ng CEDAW
B. Nagsilbi itong bantay sa militarisasyon sa bansa
C. Isinilang ang Platform Against Sexual Harassment
D. Nagkaroon ng mga partidong pulitikal na nagnomina sa mga kababaihan
na tatakbo sa eleksiyon

12. Sino ang reyna ng bansang Jordan na nanguna sa kampanya laban sa


pang-aabuso sa mga kababaihan dito?
A. Reyna Rania Al-Abdulla
B. Reyna Sarojini Naidu
C. Reyna Sheika Fatima Bint Mubarak
D. Reyna Syed Ahmed Khan

13. Aling mga pahayag ang kabutihang dulot ng pagpapatigil ng child marriage o
maagang pag-aasawang ipinagkasundo sa mga kababaihan?
I. Mababawasan ang kanilang populasyon
II. Hindi sila magsisilbing pabigat sa kanilang magulang
III. Mabibigyan ng sapat na panahon ang mga kabataang kababaihan na
makapag-aral pa
IV. Maari silang maligtas mula sa panganib na maaring idulot ng maagang
pagbubuntis sa kanilang kalusugan
A. I at II B. I at III C. II at III D. III at IV

14. Ano ang dahilan ng mga bansa sa Kanlurang Asya kung bakit hindi naging
madali ang pagkamit ng mga kababaihan ng kanilang mga karapatan?
A. Dahil sa patuloy na sigalot at digmaang nagaganap sa rehiyong Arab
B. Dahil hindi matatag ang mga samahang nabuo at kalauna’y unti-unting
nabuwag
C. Dahil sa ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay
napangingibabawan ng mga kalalakihan
D. Dahil marami pa rin sa mga kababaihan dito ay hindi nabigyan ng sapat
na edukasyon upang ipagtanggol ang kanilang sarili

15. Anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang naniniwala noon na ilegal para sa
mga kababaihan ang makilahok sa eleksiyon dahil sa kanilang kasarian?
A. Israel at Palestine C. Oman at Qatar
B. Jordan at UAE D. Saudi Arabia at Kuwait

4 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Aralin
Mga Samahang Pangkababaihan
1 at mga Kalagayang Panlipunan

Nabanggit natin sa nakaraang aralin ang iba’t ibang ideolohiyang ginamit ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Natatandaan mo ba ang mga ito? Halika na, sagutin mo ang mga gawain!

Balikan

Isa-isahin at bigyang kahulugan ang mga ideolohiyang tinalakay sa


nakaraang aralin na naging dahilan ng pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.
Ideolohiya Kahulugan

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakatulong ang mga ideolohiyang ito sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
mga mamamayan ng Timog at Kanlurang Asya?
2. Alin sa mga ideolohiyang tinalakay ang sa iyong palagay ay magagamit mo
bilang isang Pilipino?
3. Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag ang iyong opinyon.

Mga Tala para sa Guro


Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain
upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral.
Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit
ng cross word puzzle, graphic organizer, pagsusulat ng maikling
sanaysay, picto analysis, Reflective Journal, atbp. Ang bawat
gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon.
Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga
mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan
ng mga mag-aaral.

5 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Tuklasin

Gawain: 4 PICS 1 ONE WORD


Panuto: Suriin ang nasa larawan at isulat sa kahon sa ibaba ang mabubuong salita.

(Pinagkunan: Thor Deichmann, Vote Ballot Box, https://tinyurl.com/y8ed3x68. Pixaby.com)


(Pinagkunan: Klimkim, Kids Girl Pencil Drawing Notebook, https://tinyurl.com/y5psqndp. Pixaby.com)
(Pinagkunan: OpenIcons, Public Restroom, https://tinyurl.com/yzz59lol. Pixaby.com)
(Pinagkunan: Mohamed Hassan, Hijab Jilbab Women, https://tinyurl.com/ygp38rw5. Pixaby.com)

K R A T N

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nabuo mong salita mula sa mga larawan?
2. Paano nakatulong sa iyo ang mga larawan sa pagbuo ng salita?
3. Ano ang ipinapahiwatig ng bawat larawan?

6 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Suriin

Epekto ng Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa Buhay ng


Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya, at
Karapatang Pampolitika.

(Pinagkunan: If women stop, https://tinyurl.com/yzey2d3y. womensglobalstrike.com)

Mga Kilusang Pangkababaihan

Ang pagkaka-organisa sa mga samahan ng kababaihan ay naging


napakahalaga upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang boses.
Sa kasaysayan, minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at
diskriminasyon mula sa lipunan at sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng mga
kilusang ito, Ang pagkakabuo ng mga kilusang pangkababaihan ay naging isang
napakahalagang pangyayari sapagkat ito ang naging pangunahing tagapagtaguyod
ng kanilang mga karapatan. Ang mga ilang kilusang ito na nabuo sa Timog at
Kanlurang Asya ay ating matutunghayan sa araling ito.

Timog Asya

Bhutan
Nepal
Afghanista
n

Pakistan India Myanmar

Bangladesh

Sri Lanka

(Pinagkunan: Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, and Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa
Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd- Eduresources Publishing Inc., 2014.)

7 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
India

Sa bansang India hindi


naging madali ang pagkamit
ng mga kababaihan ng pantay
na pagtingin sa kanilang
lipunan na maaring hanggang
sa ngayon ay may ilan pa rin
ang nakkaranas nito. Sa
pagsapit ng ika-19 na siglo,
naging aktibo ang mga
kababaihan sa bansa sa
paglahok sa mga kilusang
nagtataguyod ng repormang
panlipunan.
(Pinagkunan: Hazel Luts, India Clothing adornment,
https://tinyurl.com/yzc6lnaq. LovetoKnow.com)

Ang ilan sa mga kilusang naitatag ay ang Bharat Aslam ni Keshab Chunder
Sen ng Bramo Samaj (1870); ang Arya Mahila Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai
at Justice Ranade (1880); Bharat Mahila Parishad (1905) at Anjuman-e-Khawatin-e-
Islam na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa
kababaihan upang maisulong ang kanilang karapatan sa edukasyon.

Ang Women’s Indian Association (1917) at ang National Council of Indian


Women (1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga
pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian. Tinalakay ng All
India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa, rekonstruksyon ng mga
kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal.

Noong 1851, ang mga unyon sa industriya ng tela ay nangampanya laban sa


child labor. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang hindi
makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang pansin
naman ng All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng benepisyo sa
pagbubuntis, pantay na sahod, at mga pasilidad ng day care.

Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga kababaihang gumagawa at


bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang
Ingles. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association na nangampanya
upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto noong 1919. Noong
1950, ang karapatang bumoto ay iginawad sa mga kababaihan. Ipinagbawal naman
ng Factories Act ng 1948 ang pagtatrabaho ng kababaihan sa mga delikadong
makinarya habang umaandar ang mga ito. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng
wastong pasilidad na pangkalinisan, day care, at kompulsaryong maternity leave ang
mga kababaihan. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng hiwalay na palikuran
para sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage Act of 1955 ang diborsyo.
Noong 1970, itinatag ang mga kilusan tulad ng Kilusang Shahada, Shramik
Sangatana (1972), Self-Employed Women’s Association (1972), ang United Women’s
Anti-Price Rise Front (1973), at ang Nav Nirman (1974). Tinutulan ng mga kilusang
nabanggit ang mga isyu gaya ng karahasan sa tahanan at di-makatarungang
pagtaas ng presyo ng bilihin.

(Pinagkunan: Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, at Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa
Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd- Eduresources Publishing Inc., 2014.)

8 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh

Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Pakistan sa mga samahang


pangkababaihan ay bunga ng pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947.
Ang mga kababaihang Muslim ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa
edukasyon. Pinamunuan sila ni Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang
Khilafat bilang pagsuporta kay Turkish Khilafat na naging simbolo ng pagkakaisa ng
mga Muslim. Gayundin, naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan.

Ang Pakistan ay may malakas na kilusan ng mga kababaihan na nakatulong


upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa. Sa panahon ng pamumuno
ni Zulfiqar Ali Bhutto (1971-1977), nagkaroon ng mga pagbabago sa pagtingin sa
kababaihan. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973, nagkamit ng pantay na
karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para
sa mga kababaihan sa National Assembly at sampung bahagdan (10%) sa
Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa
pamahalaan.

Ang ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi ng 1970


na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang sumusunod: United Front for
Women’s Rights (UFWR), ang Women’s Front, at Aurat at Shirkat Gah na sa
kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon ng Women’s Action Forum. Sa
paglipas ng mga taon, pinangalagaan nila ang mga karapatan ng mga kababaihan.
Sila rin ang nakipag-usap sa mga pinuno ng pamahalaan at mga partidong
pulitikal tungkol sa mga isyu ng kababaihan. Pagkatapos ng halalan ng 1988,
isinilang ng WAF ang kanilang Charter Demands na kung saan ay inilahad nila ang
isang komprehensibong programang pulitikal para sa mga kababaihan. Dahil sa
impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido pulitikal sa Sindh ay
nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang pag-aasawa (child marriage)
at poligamya, gayundin ang karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa
mapapangasawa.

Dahil sa kahinaan ng civil society at mga partidong pulitikal, gayundin ang


mapaniil na kapasidad ng estado, ang mga kilusang kababaihan sa bansa ay patuloy
na nagtatanggol sa mga karapatang pantao at nagsusulong ng pagkakapantay-
pantay sa karapatan ano man ang kasarian o etnisidad na kinabibilangan sa
Pakistan.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, at Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa Sa


Gitna Ng Pagkakaiba Iba, Pasig City: DepEd- Eduresources Publishing Inc., 2014.)

Sri Lanka

Ang kababaihan sa Sri Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa pulitika.


Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa mga
karapatan ng kababaihan. Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan
pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang pulitikal.

Noong halalan ng 1994, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na


ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman sa
mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong
pulitikal na magnomina ng mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon at
isama sa kanilang plataporma ang mga isyung kinakaharap ng mga ito.

9 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang probisyon ng Kodigo
Penal upang mawakasan ang pang-aabuso sa kababaihan at mga pagbabago sa
batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment at iba pa. Hinirang
din ng bagong pamahalaan ang tatlong kababaihang ministro at apat na deputy
ministers sa gabinete.
Isa sa mahalagang samahang naitatag noong 1984 sa bansa ay ang Mother’s
Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at
ikinulong ng mga sundalo. Samantala, ang Sri Lanka Women’s NGO Forum na
binubuo ng iba’t ibang samahan ay naging aktibo sa pagtataguyod ng partisipasyon
ng mga kababaihan sa pulitika.
Noong 1983, sumalakay ang mga militanteng gerilya na nakilala sa tawag na
LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam) na nagsimula ng digmaang sibil. Itinatag
ang LTTE noong 1976 upang maisulong ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri
Lanka. Ang mga kaguluhan ay tumagal hanggang 2009. Noong 1983, itinatag ng
LTTE ang Women’s Front of the Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi
rito na sa simula ay aktibo lamang sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at
paghahanap ng pondo para sa kilusan. Kinalaunan ay naging aktibo na rin sila sa
pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng bansa ang
dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng mga kababaihan sa kanilang pagsanib
sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan. Ayon sa pahayag ng LTTE
noong Marso 8,2004, habang ang kababaihang Tamil ay nakikipagdigma upang
palayain ang kanilang teritoryo, ito ay nangangahulugan rin ng pagpapalaya ng
kanilang mga sarili sa anumang uri ng opresyon at di makatarungang pagkilos na
dulot ng lipunan. Nararapat lamang na lumaban ang mga kababaihan upang
magkaroon ng pagbabago sa lipunan at wasakin ang mapaniil na istrukturang
panlipunan.
Para sa mga kababaihan ng Sri Lanka, ang naging implikasyon ng digmaang
sibil ay ang pagkakaroon ng panibagong direksyon sa isyu at kalagayan ng
kababaihan sa kanilang bansa. Ang Women for Peace na itinatag noong Oktubre,
1984 ay nagsilbing bantay sa militarisasyon ng Sri Lanka. Naging aktibo rin sila sa
iba’t iba pang mga samahang nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang
sibil hindi lamang ng mga kababaihan kung hindi para lahat ng mga nakararanas
ng hindi pantay na karapatan sa lipunan.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, and Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa
Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd-Eduresources Publishing Inc., 2014.)

Bangladesh

Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang


nasyunalista. Noong 1970, ang makakaliwang Mahila Parishad ay itinatag. Ito ang
itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa.
Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan
kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng pagbabawal ng
pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women). Ang pagdami ng mga samahang
kababaihan sa Bangladesh ay tugon ng mga ito sa mga kaganapan sa bansa simula
pa noong 1980. Ang mga samahan ng mga kababaihan ay instrument sa
pagpapatalsik kay Hussain Ershad dahil sa pamumulitika gamit ang relihiyong
Islam at ang pagpigil sa demokrasya.

10 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Sa pamamagitan ng United Women’s Forum, hiniling nila ang ratipikasyon ng
CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil, at dagdag sa kota ng kababaihan sa
Serbisyo Sibil. Maliban sa samahang ito, naitatag din ang Collective Women’s
Platform na pumigil sa anumang uri ng karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang
Platform Against Sexual Harassment.

Pamprosesong Tanong:
1. Isa-isahin ang mga diskriminasyong naranasan ng mga kababaihan sa
Timog Asya.
2. Ano ang mga samahang kababaihan ang nabuo at nagtaguyod upang
makamit nila ang kanilang mga karapatan?
3. Ano ang naging bunga ng pagkamit ng mga kababaihan sa hinangad
nilang pagkakapantay-pantay sa lipunan?
4. Sang-ayon ka ba sa mga naging hakbang ng bawat samahan upang
isulong ang kanilang karpatan? Oo o Hindi? Ipaliwanag ang iyong opinion.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, and Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa
Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd-Eduresources Publishing Inc., 2014.)

Kanlurang Asya

Sa kasalukuyan, ang hamong


kinakaharap ng kababaihan sa
Kanlurang Asya ay higit na
paigtingin ang kanilang mga
pagkilos upang matiyak ang
pagkakaroon ng pantay na
karapatan para sa kalalakihan at
kababaihan.

(Pinagkunan: Juan Miguel Palero, Kanlurang Asya,


https://tinyurl.com/yjxsktum, Slideshare.com.)

Sa kontekstong ito, ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong


lebel: imulat ang kababaihan sa kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay ng
pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan; hilingin sa pamahalaang nasyunal
ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad sa pagbibigay proteksyon
sa kababaihan sa lahat ng larangan at ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na ang
kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang naghihintay sa mga Kanluraning
bansa upang sila ay sagipin, sa halip ipaunawa na sila ay kababaihang
nakikipaglaban para sa kanilang karapatan kagaya rin ng ibang kababaihan. Na sila
rin ay kumikilos laban sa di-makatarungang patakaran dulot ng sistemang
patriyarkal at ng kanilang kasaysayan.
(Pinagkunan: Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, at Angelo C. Espiritu. ASYA: Pagkakaisa
Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd-Eduresources Publishing Inc., 2014.)

11 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Arab Region

Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga


bansang Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan,
Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian
Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria,
United Arab Emirates, at Yemen. Sa
rehiyong ito, ang partisipasyon sa pulitika
at paghahanapbuhay ng kababaihan ay
hindi halos nagbago. Milyong kababaihan
ang nangangailangan pang ipaglaban ang
kanilang mga karapatan.

(Pinagkunan: David Stanley, Iraqui Women,


https://www.flickr.com/photos/davidstanleytravel/299
10186726. Attribution 2.0 Generic.)

Sa Kuwait at Saudi Arabia, ilegal para sa kababaihan ang makilahok sa


eleksyon dahil sa kanilang kasarian. Bagaman ang mga pamahalaan sa rehiyong
Arab ay hindi pa rin tanggap ang ideya ng pagpapalaganap sa mga karapatang
pantao, noong 1982, pagkatapos ng pagpupulong ng mga grupo ng civil society na
ginanap sa Cyprus, unti-unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal
ang mga adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito ang
mga samahang kababaihan sa Israel. Sa pamamagitan ng Isha L’lsha-Haifa Feminist
Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council Resolution
1325. Hinikayat nila ang kababaihan na makilahok sa negosasyon at talakayan
tungkol sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa pamamagitan nito,
naipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa kababaihan at kung paano nila
maipagtatanggol ang kanilang karapatan.
Maraming non-government organizations (NGO) na samahang kababaihan,
samahang pangkapayapaan, at Women’s Coalition for a Just Peace ang aktibo sa
Israel. Karamihan sa kanila ay patuloy na nakikipagdayalogo sa kababaihang
Palestinian upang magkaroon ng solusyon sa problema na maaaring maging
instrument sa pagkakaroon ng kapayapaan. Bagaman ang mga samahan sa
karapatang pantao sa Kanluran ay napangingibabawan ng mga kalalakihan, ang
mga samahan ng kababaihan ay unti-unti ng kinikilala. May malakas na koalisyon
ng mga NGO na nagsusulong ng karapatang pantao at karapatan ng kababaihan sa
Bahrain, Egypt, Jordan, at Yemen. Sa panig ng grupo ng kababaihan, pinag-aralan
nila ang mga batas at polisiya na nagdudulot ng diskriminasyon sa kababaihan. Sila
ay humingi ng mga pagbabago na mangangalaga sa pagbibigay ng pantay na
karapatan sa mga babae, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na makilahok
sa pulitika at sosyo-ekonomik na kapangyarihan.

Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan sa Bahrain, Omar, at


Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bumoto. Samantala, ang
kababaihan naman sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng karapatan sa diborsyo. Ang
karapatan bilang mamamayan ay naibigay rin sa mga kababaihan sa Bahrain,
Egypt, at Lebanon. Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al- Abdulla sa kampanya
laban sa pang-aabuso sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni Susan
Mubarak ang National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas
pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan.

12 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Samantala sa UAE, nanguna si Sheikha Fatima Bint Mubarak sa pagbibigay
ng karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko
o pangkabuhayan ang kababaihan. Dahil sa nabanggit na mga inisyatibo ng mga
Unang Ginang sa kani-kanilang bansa, nakatulong sila sa pagbibigay solusyon sa
mga isyung kinakaharap ng kababaihan. Gayundin, nagkaroon ng dagdag na
alokasyon ng badyet para sa edukasyon at kalusugan ng mga tao.
Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang pangrehiyong
network upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat
na taglaying mga karapatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng kababaihan sa
Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE, at Yemen.

Ang kapasidad ng mga samahang kababaihan upang maimulat ang publiko


sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng pagbabago lalo na sa mga isyu
tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at pananakot sa asawa
maliban na lamang sa mga bansang Kuwait, Oman, Saudi Arabia, at Syria. Ang
kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na aktibong nakikilahok sa pulitika,
gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, at Angelo C. Espiritu. ASYA:
Pagkakaisa Sa Gitna Ng Pagkakaiba Iba. Pasig City: DepEd-Eduresources Publishing Inc., 2014.)

Gawain: Sa ulap ang sagot!


Panuto: Dugtungan ang hindi tapos na pangungusap sa loob ng ulap upang
makabuo ng isang maiksing konklusyon tungkol sa mga hakbang na ginawa ng mga
kababaihan sa Kanlurang Asya upang makamit ang kanilang mga ipinaglalaban.

Ang mga hakbang na ginawa ng mga kababaihan sa


Kanlurang Asya upang kilalanin ang kanilang mga karapatan ay
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________ .

13 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Pagyamanin

Gawain 1: Klaster Web


Panuto: Sa bawat bilog, isulat ang ambag ng kababaihan sa Timog at Kanlurang
Asya.

.
.
Mga Ambag ng
Kababaihan sa
Timog at Kanlurang
Asya

.
Gawain 2: Punan Natin ng Sagot!
Panuto: Isulat sa hanay ng ang mga naranasang diskriminasyon ng mga
kababaihan at sa hanay ng , ang mga karapatang napagtagumpayang naisulong
sa bawat bansa ng Timog at Kanlurang Asya.

INDIA

SRI LANKA

PAKISTAN

ARAB REGION

14 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Gawain 3: Pagpupuno sa Tsart

Panuto: Punan ang hinihingi ng tsart sa ibaba. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

Rehiyon Kalagayang Samahang Tagapagtatag Layunin


Panlipunan Kababaihan / Pinuno

A. Timog Asya

1. India

2. Pakistan

3. Sri Lanka

4. Bangladesh

B. Kanlurang Asya

1. Arab Region

Isaisip

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga naging epekto ng pagkatatag ng samahang
pangkababaihan sa Timog at Kanlurang Asya.

Mga Epekto ng Samahang Pangkababaihan

Pagkakapantay- Pang-ekonomiya Karapatang


pantay Pampulitika

15 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Panuto: Mula sa paksang tinalakay, isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ang aking mga natutuhan

Mga kaisipang aking kinawilihan sa paksa

Mga nais ko pang itanong

Isagawa
Gawain 1: Mind Mapping
Panuto: Sa loob ng mga bilog ay isulat ang mga karahasan at diskriminasyong
naranasan ng mga kababaihan. Ihanay ito kung ang pang aabusong ito ay
nagaganap sa pamilya, lipunan at sa trabaho o opisina.

Lipunan
Pamilya Mga
Pang-aabuso
sa
Kababaihan

Trabaho
/opisina

16 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Gawain 2: Panukala Itala Mo
:

Panuto: Mula sa iyong sagot sa itaas gumawa ng isang panukala na tutugon sa


pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng ating
lipunan.

Ang Aking Mga Panukala

Gawain 3 : SUPER BINIBINING ASYANO

Panuto: Gumuhit ng isang babaeng superhero na ang pangalan ay Super Binibining


Asyano. Ang kanyang kasuotan ay dapat nagpapakita ng natatanging superpower o
mga kapangyarihang taglay ng isang babaeng Asyano. Sa gilid ng iginuhit ay isulat
ang mga super powers nito (magbigay lamang ng lima) na maari niyang magamit
upang isulong ang karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at pag-unlad ng
kalagayang panlipunan.

Halimbawa:

Ang kanyang kapangyarihan ay


ang kanyang talino na maaari
niyang magamit upang
mapaunlad ang sarili, pamilya, at
lipunan. Sa tulong ng
kapangyarihan niya ay malaki
ang posibilidad na uunlad ang
kaniyang bansa.

17 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Tayahin

Sa pagtatapos ng aralin, sagutan mo ang sumusunod na tanong upang malaman


mo kung hanggang saan ang iyong natutunan.
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Anong taon nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang


mga isyu tungkol sa kanila sa bansang Sri Lanka?
A. 1992 C. 1994
B. 1993 D. 1995

2. Ano ang mga nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi
marinig ang kanilang mga hinaing?
A. Naging balakid ang patuloy na digmaan na nagaganap sa pagitan ng
Israel at Palestine
B. Dahil sa mga pisikal na kakayahan sa isang babae na naglilimita sa
kanyang mga kayang gawin
C. Nagsilbing balakid rito ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala
dahil mas angat sa lipunan ang mga kalalakihan
D. Dahil karamihan sa mga kababaihan doon ay tanggap na ang kanilang
katayuan at ayaw nang makilahok sa mga samahan

3. Paano nakamit ng mga kababaihan sa bansang Bangladesh ang kanilang mga


karapatang ipinaglaban?
A. Ginamit ang ilang mga kabataang biktima ng child marriage upang
makamit ang kanilang ipinaglaban
B. Hinikayat nila ang mga samahan sa karatig- bansa lalo na sa
India na makiisa sa mga kilusan
C. Katulad ng LTTE ng Sri Lanka, sila ay naging aktibo sa pakikipaglaban
at pakikidigma para sa kanilang karapatan
D. Naimpluwensiyahan ng samahan ang kanilang pamahalaan lalo na sa
pagpapatupad nito ng mga polisiya kabilang ang pagbabawal ng ilang
mga nakagawiang tradisyon

4. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa


bansang India?
I. Maternity Leave
II. Pantay na sahod
III. Mga pasilidad ng day care
IV. Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki
A. I, II, at III C. I, III, at IV
B. I, II, at IV D. I, II, III, IV

5. Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng 1973 ng Pakistan, nabigyan ang mga


kababaihan ng pantay na karapatan sa pulitika. Alin sa sumusunod ang naging
bunga nito?
A. Nailunsad ang Arab Women Connect
B. Ginawang legal ang Hindu Marriage Act ng 1955 ang diborsyo
C. Nakapagtatag ng maraming partidong pulitikal para sa mga kababaihan
D. Nahirang ang mga kababaihan sa matataas na posisyon sa pamahalaan

18 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
6. Ano ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang
Bangladesh na labis na nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng
pamahalaan?
A. Mahila Parishad
B. Women’s Coalition
C. Women’s Action Forum
D. Liberation Tigers of Tamil Eelam

7. Ang sumusunod ay kampanyang nagtagumpay sa Pakistan sa pangunguna at


impluwesya ng WAF sa Sindhian Tehrik na maalis sa kanilang kultura
MALIBAN sa?
A. Diborsyo
B. Poligamya
C. Pagpili sa mapapangasawa
D. Child Marriage o maagang pag-aasawa

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na


ginampanan ng mga naitatag na samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng
Timog at Kanlurang Asya.
A. Dahil sa mga samahang ito nabigyan ng higit na karapatang pampulitika
ang mga kababaihan at pagkakataong pamahalaan ang bansa
B. Dahil sa mga samahang ito naging matapang ang mga kababaihan at
higit na naging edukado nang mabigyan ng karapatang makapag-aral
C. Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang
makamit ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa
lipunan
D. Dahil na rin sa pagkakatatag ng samahan ay nakuha ng kababaihan ang
simpatya ng nakararami at ito ang naging daan sa pag-angat ng kanilang
ekonomiya.

9. Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ayusin ito batay sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa bansang Sri Lanka.
I. pagkakataon ang mga kababaihan na ipahayag ang isyu tungkol sa kanila
II. Sumalakay ang militanteng gerilya na nakilala sa tawag na LTTE
(Liberation Tigers of Tamil Eelam)
III. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang Kodigo Penal na may
kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan
IV. Isa sa mahahalagang samahang pangkababaihan na naitatag ay ang Mother’s
Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya at ikinulong
na mga sundalo
A. I, II, III, at IV C. II, IV, I, at IIII
B. IV, III, II, at I D. I, III, IV, at II

10. Alin sa mga samahan o kilusan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya
ang naging aktibo at agresibo sa pakikidigma?
A. Bharat Aslam
B. LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam)
C. UFWR (United Front for Women’s Rights)
D. CEDAW (Convention on the Elimintaion of All Forms of Discrimination
Against Women)

19 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
11. Ano ang mahalagang papel ng Women for Peace na itinatag noong Oktubre
1984 sa Sri Lanka?
A. Naging daan sa ratipikasyon ng CEDAW
B. Nagsilbi itong bantay sa militarisasyon sa bansa
C. Isinilang ang Platform Against Sexual Harassment
D. Nagkaroon ng mga partidong pulitikal na nagnomina sa mga kababaihan
na tatakbo sa eleksiyon

12. Sino ang reyna ng bansang Jordan na nanguna sa kampanya laban sa


pang-aabuso sa mga kababaihan dito?
A. Reyna Rania Al-Abdulla
B. Reyna Sarojini Naidu
C. Reyna Sheika Fatima Bint Mubarak
D. Reyna Syed Ahmed Khan

13. Aling mga pahayag ang kabutihang dulot ng pagpapatigil ng child marriage o
maagang pag-aasawang ipinagkasundo sa mga kababaihan?
I. Mababawasan ang kanilang populasyon
II. Hindi sila magsisilbing pabigat sa kanilang magulang
III. Mabibigyan ng sapat na panahon ang mga kabataang kababaihan na
makapag-aral pa
IV. Maari silang maligtas mula sa panganib na maaring idulot ng maagang
pagbubuntis sa kanilang kalusugan
A. I at II B. I at III C. II at III D. III at IV

14. Ano ang dahilan ng mga bansa sa Kanlurang Asya kung bakit hindi naging
madali ang pagkamit ng mga kababaihan ng kanilang mga karapatan?
A. Dahil sa patuloy na sigalot at digmaang nagaganap sa rehiyong Arab
B. Dahil hindi matatag ang mga samahang nabuo at kalauna’y unti-unting
nabuwag
C. Dahil sa ang mga samahan sa karapatang pantao sa Kanluran ay
napangingibabawan ng mga kalalakihan
D. Dahil marami pa rin sa mga kababaihan dito ay hindi nabigyan ng sapat
na edukasyon upang ipagtanggol ang kanilang sarili

15. Anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang naniniwala noon na ilegal para sa
mga kababaihan ang makilahok sa eleksiyon dahil sa kanilang kasarian?
A. Israel at Palestine C. Oman at Qatar
B. Jordan at UAE D. Saudi Arabia at Kuwait

20 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Karagdagang Gawain

Gawain: Itala Mo

Panuto: Mula sa paksang tinalakay, magtala ng lima (5) na mga kaparehong


kalagayan sa lipunan na naranasan ng kababaihan sa Pilipinas. Magbigay din ng
isa o dalawang samahang pangkababaihang alam mo at mga programa ng mga ito
para sa mga kababaihan.

Mga Kaparehong Kalagayan sa Mga samahang Pangkakabaihan


Pilipinas sa Pilipinas

1. 1.
2. 2.
3.
4.
5.

21 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
CO_Q3_AP 7_ Modyul 5 22
PAGYAMANIN
Gawain 1: Cluster Web
1. Pagbibigay ng karapatan sa mga kababaihang bumoto o Right to Suffrage
2. Pagpapatalsik sa mga abusadong pinuno
3. Patas na oportunidad sa edukasyon
4. Karapatang humawak ng posisyon sa pamahalaan
5. Patas na karapatan sa trabaho o hanapbuhay
6. Pagkakaroon ng maternity leave
Mga iba pang posibleng sagot
• Pagkakaroon ng mga batas laban sa pang-aabuso at sexual harassment
• Pag-alis ng child marriage
• Pagkakaroon ng hiawalay na palikuran ng mga babae sa India
Gawain 2
Bansa - +
India *maagang pag-aasawa *batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal
*child labor *benepisyo sa pagbubuntis,pantay na sahod,mga
*hindi pantay na sahod at oras ng pasilidad ng day care at maternity leave
trabaho sa kababaihan
*iisang palikuran ng babae at lalaki
Pakistan *walang partisipasyon sa *sa pamamagitan ng samahan ay nagkaroon ng
pamahalaan posisyon ang mga kababaihan sa National
*maagang pag-aasawa, poligamya Assembly at Asembleyang panlalawigan
*batas laban sa maagaang pag-aasawa, poligamya
at karapatang pumili ng mapapangasawa
Sri Lanka *sexual harassment, panggagahasa *nagkaroon ang mga kababaihan na ipahayag ang
at iba pang pang-aabuso. isyu tungkol sa kanila at pagkakaroon ng batas
laban sa mga pang-aabuso
*nagkaroon ng malalakas na samahan at kilusang
ang kababaihan upang ipagtanngol ang kanilang
bansa.
Arab Region *Walang partisipasyon sa pulitika * sa pangunguna ng ilang mga NGO ay naiparinig
at paghahanapbuhay ang mga hinihinging karapatan ng mga
*ilegal ang makilahok sa eleksiyon kababaihan sa rehiyon
*hindi pagkilala sa karapatang *may mga kilalang pinuno at personalidad ang
pantao ng mga kababaihan patuloy na sumusulong ng karapatang
pangkababaihan sa rehiyon
ISAISIP
Mga Epekto ng Samahang Pangkababaihan
Pagkakapantay pantay Pang-ekonomiya Karapatang Pampulitika
*Pagkilala sa karapatang *pantay na sahod *pagbibigay ng mga posisiyon sa SUBUKIN AT
pantao ng mga kababaihan * patas na oras ng trabaho at pamahalaan sa mga kababaihan TAYAHIN
*pagbibigay ng batas na sa mga benepisyo *karapatang magpahayag ng mga
kababaihan at mga bata *karapatang makilahok sa damdamin sa mga isyung 1. C
laban sa mga pang-aabuso gawaing pang-ekonomiya at kinahaharap ng bansa 2. C
sa tahanan at trabaho paghahanapbuhay *Karapatang bumoto
3. D
*karapatang magpahayag ng *karapatang magbuo ng mga
mga damdamin sa mga partidong pulitikal 4. D
isyung kinahaharap ng *karapatang maging aktibong 5. D
bansa kalahok sa mga usaping 6. A
pulitikal,isyung pangkapayapaan at 7. A
seguridad ng rehiyon 8. C
9. C
10. B
GABAY SA PAGWAWASTO SA 11. B
TUKLASIN 12. A
13. B
K A R A P A T A N 14. D
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Modyul

Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque,


August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan
F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City:
Eduresources Publishing, Inc., 2014.

23 CO_Q3_AP 7_ Modyul 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like