You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayan pang Nilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad, at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo).
B. Pamantayang sa Pagganap
Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy
sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga salik, pangyayari, at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. (AP7TKA-IIIc-1.7)
D. Pinaka layunin
1. Natutukoy ang kahulugan, anyo at manipestasyon ng nasyonalismo
2. Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa: Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
(Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya :Nasyonalismo sa India)
B. Kagamitang Panturo: Laptop, monitor
C. Sanggunian: Project EASE Modyul 7: Ang Pagsibol at Pagsilang ng Nasyonalismo sa Asya.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin Tatayo at manalangin
2. Pagbati “Magandang umaga/hapon po, Ma’am”.
3. Pagtatala ng liban “Wala/meron po”.
4. Balik-aral ng nakaraang leksyon

Pero, bago tayo magsimula sa bagong aralin, balikan


natin ang tungkol sa unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga kanluranin sa Timog at Kanlurang
Asya. Natatandaan ninyo pa ba ang kahulugan ng
kolonyalismo at imperyalismo?

Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?  Kolonyalismo- Ito ay tumutukoy sa tuwirang


pananakop ng isang bansa sa ibang dako para
pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito
ang iba ang pangangailangan ng mga kolonisador
kolonya.Katulad ng pananakop ng Kastila sa
Pilipinas na tanging hangarin ay maipangalap ang
3G.
Ano naman ang kahulugan ng imperyalismo?
 Ang Imperyalismo ay  paraan ng pamamahala
kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga
bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o
kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa
ibabaw ng ibang mga bansa.Ang mga bansang
1. Paghabi sa Layunin sakop nito ay tinaguriang kanilang Imperyo.

2. Pag-uugnay ng Halimbawa
Panuto: Alamin kung ano ang salitang tinutukoy o nais
buuin base lamang sa mga larawan.
“Pic-to-hula”

+ + = Bangladesh

+ = Bhutan

+ = Sri Lanka

+ = India

B. Panlinang na Gawain
3. Pagtatalakay ng Konsepto

1. Anu-ano ang mga salitang ating nabuo mula sa  Ito ay ang mga pangalan ng lugar.
mga larawan?

2. Kung atin silang pagsamasamahin, tayo’y  Mga bansa na nabibilang sa Timog Asya.
makabubuo ng salitang?

3. May ideya ba kayo kung anu-ano ang mga lugar  Ito po ay ang bansang Bangladesh, Bhutan, Sri
na nabibilang sa timog asya? Lanka, at India.

4. Panlinang na Kabihasaan
Malayang Talakayan:
Nasyonalismo sa Asya, Mga Manipestasyon ng
Nasyonalismo, Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog
Asya - Nasyonalismo sa India.
(Pagbibigay ng guro ng Input tungkol sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Timog Asya- Nasyonalismo sa India.at
mga mahahalagang pangyayaring naganap)

C. Pang wakas na Gawain


5. Paglalahat ng Aralin

1. Paano ipinakita ng mga Asyano ang kanilang  Naipapakita nila ang kanilang pagmamahal sa
pagmamahal sa kanilang bansa upang makalaya ang kanilang bayan sa pamamagitan
kanilang bansa mula sa mananakop? ngpakikipaglaban sa mga bansang nais sakupin
ang kanilang bansa.
2. Kung ito ay mangyayari sa kasalukuyan, Paano mo
maipapamalas ang pagmamahal mo sa ating bansa sa  Para sa akin maipapamalas ko ang
gitna ng mga kinakaharap na suliranin? pagmamahal ko sa aking bansa sa gitna ng mga
kinakaharap na suliraning sa pamamagitan ng
pagiging mulat at maalam ito ay mahalaga
upang makapagdesisyon tayo ng mas wasto at
tama para sa ating sarili at para na rin sa ating
bansa.
6. Paglalapat ng Aralin

1. Ano ang ibig sabihin ng Nasyonalismo?  Ang nasyonalismo ay ang damdaming


makabayan na maipakikita sa pamamagitan ng
matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa
Inang-bayan
2. Paano nagsimulang malinang ang nasyonalismong
Indian?  Ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansang
India ay nangyari noong panahon ng pananakop
ng mga Ingles sa kanilang bansa. Dumaan muna
sa mahabang panahon ng pag-aalsa, rebolusyon,
at reporma ang India bago nakilala sa
kasaysayan ng India ang “Pag-aalsa ng Sepoy”
noong 1857-1859.

IV. PAGTATAYA NG ARALIN

Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at


isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa damdaming makabayan na
nagpapakita ng matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inang bayan?
A. Imperyalismo C. Merkantilismo
B. Kolonyalismo D. Nasyonalismo

2. Ano ang naging dahilan ng ginawang pag-aalsa ng


mga sundalong Sepoy laban sa mga Ingles noong
1857?
A. Pagnanais na mapalaya ang kanilang bansa sa ilalim
ng England.
B. Kawalan ng respeto ng mga Ingles sa kinagisnang
kaugalian at tradisyon ng India.
C. Makatarungan ang ginawang pakikialam ng England
sa kanilang paniniwala.
D. Panghihimasok ng mga Ingles sa pamamahala ng
kanilang bansa at maging sa kanilang pamumuhay.

3. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang ginamit ni


Mohandas Gandhi upang ipakita ang kaniyang pagtutol
sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido-politikal o samahang
Makabayan

4. Ano ang pamamaraang ginamit ng India upang


maisakatuparan ang hangaring kalayaan?
A. Itinatag ang India National Congress.
B. Nakipag-alyansa sila sa mga kanluranin.
C. Binoykot nila ang mga produktong Ingles.
D. Tinulungan nila ang mga Ingles sa panahon ng
digmaan.

5. Nagpatupad ng mga pagbabago ang mga Ingles sa


lipunan at pamahalaan ng India. Alin sa sumusunod
ang pagbabagong HINDI katanggap-tanggap para sa
mga Indian?

A. Pagsasaayos ng transportasyon at komunikasyon.


B. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon na ayon
sa pamantayang Ingles.
C. Paglipat ng sentro ng mga gawaing pangkabuhayan
sa mga baybaying dagat.
D. Pag-iral ng racial discrimination sa pagbibigay ng
posisyon sa pamahalaan.

6. Nakilala bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”.


Naging inspirasyon siya ng marami dahil sa tahimik at
katangi-tanging pamamaraan upang matamo ng India
ang kalayaan mula sa mga Ingles. Sino ang tinutukoy
sa pahayag?
A. Ali Jinnah C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal

7. Paano isinasagawa ang Satyagraha?


A. Pagdarasal C. Meditasyon
B. Pag-aayuno D. Lahat ng nabanggit

8. Ano ang dahilan kung bakit buong pusong


isinasagawa ang sati sa India?
A. Paniniwala na ito ay naglilinis ng kasalanan ng
lalaki maging ang kanyang biyuda
B. Makakamit ng mag-asawa ang kaluwalhatian sa
kabilang buhay.
C. Tradisyon at bahagi ng kanilang kultura
D. Lahat ng nabanggit

9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming


nasyonalimo ng bansang India?
A. Diskriminasyon sa mga Indian
B. Patakarang economic embargo
C. Pagpatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagbagsak ng kolonyalistang Turko

10. Anong tawag sa puwersa o lakas ng kaluluwa


upang labanan ang pwersa ng armas?
A. Ahimsa C. Samsara
B. Karma D. Sudra

V. KARADAGANG GAWAIN

Takdang Aralin

Sa isang bond paper, gumawa ng Collage na


naglalarawan ng sariling pakahulugan sa Nasyonalismo
Inihanda ni:

THRICIA B. SALVADOR
BSED-IV Social Studies

Pinansin ni:

LEONIL F. FRESNIDO
Tagapunang Guro

You might also like