You are on page 1of 15

77

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan –Modyul 5:
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-
Silangang Asya

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang
Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Janrie T. Aragones


Editor: Divina May S. Medez
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Magandang araw sa iyo!

Kumusta ang iyong araw? Alam ko na ikaw ay nasa mabuting kalagayan sa kabila ng
pandemyang naranasan natin ngayon.

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat
ninyong matutuhan sa nasabing baitang.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang mga sumusunod:

Most Essential Learning Competency:

*Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa


pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika

Mga Layunin:

K: Nasusuri ang katayuan ng mga kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa


Aspektong politika, ekonomiya at edukasyon.

S: Naihahambing ang mga kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Aspektong


politika, ekonomiya at edukasyon.

A: Napahahalagahan ang ambag ng mga kilalang kababaihan sa Silangan at Timog-


Silangang Asya sa pamamagitan ng paggawa ng autobiography.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Si ay kilala dahil sa kanyang mahabang pakikibaka para sa karapatang
pantao at demokrasya sa Burma(Myanmar).
A. Yingluck Shinawatra C. Aung San Suu Kyi
B. Benazir Bhutto D. Corazon Aquino

2. Sino ang naging pangulo ng Pilipinas mula Pebrero 25, 1986 to Hunyo 30, 1992?
A. Gloria Macapagal Arroyo C. Aung San Suu Kyi
B. Corazon Aquino D. Chandrika Kumaratunga

1
3. Si Yingluck Shinawatra ay naging unang babaeng punong ministro ng bansang________.
A. Pilipinas C. Singapore
B. Indonesia D. Thailand

4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan kay Park Geun-hye ng Timog Korea?
A. Kauna-unahang babaeng pangulo ng Timog Korea at naihalal bilang
unang “head of state” sa Silangang Asya.
B. Unang babaeng nagsulong ng demokrasya sa Myanmar.
C. Kilala bilang kauna-unahang babaeng naging bahagi ng parlyamento sa
Timog-Korea.
D. Wala sa nabanggit

5. Kailan nabigyan ng pagkakataong bumuto ang mga kababaihan sa bansang


Pilipinas?
A. September 18, 1936 C. September 21, 1933
B. September 20, 1938 D. September 17, 1937

6. Ano ang tawag sa mga kababaihang nakaranas ng pang-aabusong sekswal mula


sa Imperial Japanese Army noong World War II?
A. Footbinding C. Hara-kiri
B. Comfort Women D. Seppuku

7. Ano ang tawag sa karapatang bumuto na nakamit ng mga kababaihan sa Asya


pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Citizenship C. Political Party
B. Multiparty System D. Suffrage

8. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na ambag ng administrasyon ni Corazon


Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas?
A. Pagpapalawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program
B. Naging kilala siya bilang mahalagang personalidad sa 1986 People Power
Revolution.
C. Sinimulan ang peace talks sa mga miyembro ng communist insurgents at Moro
Islamic Movement
D. Pagpapalaganap ng Filipino First Policy.

9. Ano ang tawag sa sinaunang tradisyon ng pagpigil sa paglaki ng paa ng babaeng


Tsino sa Silangang Asya?
A. Footbinding C. Suttee
B. Female Infanticide D. Concubinage

10. Paano maitataas ang partisipasyon at katayuan ng mga kababaihan sa Silangang Asya
at Timog-Silangang Asya?
A. Pagpapanatili sa pagsunod sa mga sinaunang paniniwala at tradisyon.
B. Pagpapasailalim ng kababaihan sa sistemang patriyarkal.
C. Pagbibigay ng sapat na edukasyon sa kababaihan katulad ng sa mga kalalakihan.
D. Wala sa Nabanggit

2
Balikan
Kilalanin Natin
Ayusin ang mga titik at magbigay ng isang pangungusap na paglalarawan sa mga ito.
Sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

CIH OH HINM

Pinagkunan: https://www.biography.com/.image/t_share/MTE4MDAzNDEwNTU1NjAyNDQ2/ho-chi-minh-9340663-1-raw.jpg

OXREB BELLORINE

Pinagkunan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FBoxer_Rebellion&psig=AOvVaw0yqgscAQxomv

PUNANTIKA

Pinagkunan: https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.change.org%2Fp%2Fnational-historical-commission-of-the-philippines-rehabilitation-of-the-bonifac

KANORSU

Pinagkunan: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/01/Presiden_Sukarno.jpg/220px-Presiden_Sukarno.jpg

Mga Pamprosesong tanong:


1. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
2. Paano ipinakita ng mga tao o konsepto na nasa larawan ang nasyonalismo?

3
Tuklasin
Bakit naiiba ang karapatan ng kababaihan at kalalakihan sa Asya sa larangan ng
politika, lipunan at ekonomiya?
Ang mga tradisyon at paniniwala ng isang bansa ang nagiging dahilan sa paglawak
ng agwat ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan. May mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya na naglalagay ng limitasyon sa dapat gawin ng babae sa lipunan mula
edukasyon hanggang sa buhay lipunan.

Gawain 1:

Basahin ang maikling sanaysay tungkol sa katayuan ng mga kababaihan sa


bansang Taiwan. Sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Ang Kababaihan ng Taiwan Noon at Ngayon


Sanaysay -Taiwan
(Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina)

Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na


50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan. Una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito
sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad
sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay
walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. Ngayon,
nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling
salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,


pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga
kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay
handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas
ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga
babaeng namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa
edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga
babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang
huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay
nakikita na rin.

4
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa katayuan ng kababaihan sa Taiwan sa paglipas ng
panahon?

2. Paano mo maikukumpara ang mga kababaihan ng Taiwan sa mga kababaihan ng


Timog-Silangang Asya lalong lalo na sa Pilipinas?

3. Makikita ba sa mga bansa ng Asya lalong lalo na sa Silangang Asya at Timog-


Silangang Asya ang mga pagbabago sa katayuan ng kababaihan ng Taiwan? Paano
mo nasabi?

Suriin
Kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Kababaihan sa lipunan ng Silangan at Timog-Silangang


Asya

Katayuan ng Kababaihan sa

Timog-
Silangang Silangang
Asya Asya

1. Singapore
1. Japan
2. Pilipinas Nasusukat sa 2. Korea, South
3. Indonesia
3. China
4. Thailand

Antas ng Partisipasyon
Edukasyon Partisipasyon sa Ekonomiya
sa Politika

5
Kababaihan sa China
Taong 1995, sa pamumuno ni President Jiang Zemin ginawa niyang polisiya ng estado
ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ano man ang kasarian. Subalit, ito ay hindi tumibay
dahil sa disenyo ng kanilang lipunan na may matinding pagpapahalaga sa kalalakihan na
hango sa katuruan ng Confucianism. Sa larangan ng edukasyon, ang mga kalalakihan ay may
mataas na enrolment rate kaysa sa kababaihan sa iba’t-ibang age group. Ang enrolment rate
sa edukasyong pamprimarya at sekondarya para sa kababaihan ay bahagyang bumaba ng
dumating ang Great Chinese Famine noong 1958-1961. Ang mga kababaihan sa China ay
may mababang participation rate sa politika. Sa Standing Committee of the Communist Party’s
Politburo ng China, walang babaeng nagsisilbing kinatawan o representative sa paggawa ng
desisyon para sa estado. Sa taong 1997, ang China ay nasa ika 53rd na ranggo sa aspekto
ng female representation sa parlyamento nito sa National People’s Congress ayon sa Inter-
Parliamentary Union. Sa ekonomiya, bahagyang tumaas ang female labor force participation
matapos mabuo ang People Republic of China. Ang China ay mas lamang kompara sa ibang
bansa. Sa taong 1982, 43% ng kababaihan ay sumasahod habang ang mga kababaihan sa
Amerika ay umaabot lamang sa 53.3% at 36% naman sa kababaihang Hapones. Bilang
resulta, ang kontribusyon ng mga kababaihan sa family income mula 20% sa taong 1950 ay
umabot ito hanggang 40% sa 1990.
Mga Kababaihan sa Japan
Ang mga kababaihan sa Japan ay nakatanggap ng pantay na karapatan pagkatapos ng
ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dulot nito, ang kalagayang pang ekonomiko ng mga
babaeng Hapon ay hindi balanse. Sa kabilang banda, ang mga modernong polisiya na
ipinatupad upang mas lumawak ang partisipasyon ng kababaihan ay may iba’t-ibang resulta.
Ang mga kababaihan sa Japan ay nabigyan ng karapatang bumuto noong 1947. Ngunit, dahil
sa mga tradisyunal na pananaw sa mga kababaihan, nagiging sanhi ito upang hindi tuluyang
umundlad ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Sa Pamahalaang Hapones, ang
monarkiya ay kumikiling sa kalalakihan bilang pinuno at ang babaeng prinsesa ay kailangang
iwan ang kanyang katayuan sa buhay kapag siya ay nakipag-asawa sa isang pangkaraniwang
tao.
Ang konstitusyon ng Japan na hango pagkatapos ng digmaan ay nagbigay ng legal na
balangkas na nagsusulong sa pantay na karapatan para sa kababaihan. Matapos mabigyan
ng karapatang bumuto ang mga kababaihan noong 1945, nagkaroon sila ng malawak na
kalayaan, pantay na karapatan gaya ng natatamasa ng mga kalalakihan at mataas na
katayuan sa lipunang Hapones. Ang ibang mga reform o pagbabago na nagtanggap ng mga
kababaihan pagkatapos ng digmaan ay ang pagbubukas ng edukasyon para sa kababaihan
at ang pantay na sahod sa trabaho. Subalit, konti lamang ang oportunidad na nakukuha ng
mga kababaihan sa trabaho dahil sa mahabang oras ng trabaho at pangingibabaw ng
kalalakihan.
Sa isang pag-aaral tungkol sa partisipasyon ng kababaihan sa parlyamento, ang Japan
ay nasa 123 na ranggo sa 189 na bansa. Nasa 10% lamang ng kababaihan ang bahagi ng
Diet o lehislatura ng Japan at bigo itong maabot ang target na 30% na babaeng naihalal bilang
bahagi ng Diet sa taong 2020. Sa aspekto ng edukasyon, maraming kababaihan na ang
nakakapag-aral simula pa sa pagsibol ng Meiji era. Ang mga unang paaralan para sa mga
kababaihan ay nagbukas din sa mga panahong ito. Ang mga itinuturo sa mga kababaihan
noon ay tungkol sa tea ceremony at ikebana. Ang 1871 education code ng Japan ay
nagsasaad na hindi dapat maging basehan ang kasarian sa edukasyon ngunit pagkatapos ng
1891, ang mga mag-aaral ay hinihiwalay base sa kasarian, marami sa mga babaeng mag-
aaral ay hindi na pumasok pagdating sa middle school.

6
Mga Kababaihan sa Timog-Silangang Asya
Kababaihan sa Thailand
Isa ang mga kababaihan sa bansang Thailand sa nabigyan ng karapatang bumuto taong
1932.Kilala si Yingluck Shinawatra bilang unang babaeng punong ministro ng Thailand mula
2011 hanggang 2014. Ang tunay na gampanin ng kababaihan sa pambansang kaunlaran ng
Thailand ay hindi pa ganap na nailalahad. Isa sa itinuturing na dahilan kung bakit mababa ang
partisipasyon ng kababaihan sa lipunan at ekonomiya ng Thailand ay ang kakulangan sa
kamalayan sa kasarian sa paglikha ng polisiya at pagpaplano. Isa sa mga dahilan kung bakit
mababa ang partisipasyon ng mga kababaihan ng Thailand sa politika ay (1.) mababang antas
ng edukasyon (2.) kaunting oportunidad (3.) hadlang na nakaugat sa kultura (4.)
pangingibabaw ng kalalakihan. Sa kasaysayan ng Thailand, nakilala si Orapin Chaiyakan
bilang unang babae sa bansa na naihalal sa National Assembly ng Thailand.
Kababaihan sa Pilipinas

Mailalarawan ang mga kababaihan sa Pilipinas bilang bansa ng mga malakas na


kababaihan, ito ay maiuugnay sa direkta at di direktang pamamahala nito sa pamilya, mga
negosyo, ahensya ng pamahalaan at kahit na mga hacienda. Ayon sa isang pag-aaral,
nagkakaroon ng muling pag-angat ng mga kababaihang Pilipino dulot ng prosesong politikal.
Ito ay naganap na bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol sa bansa.
Maraming kababaihan sa bansa ang naging matagumpay sa pagpapatupad ng mga polisiya,
may naging tagapayo na ng iba’t-ibang politiko at higit sa lahat naging tagapataguyod ng mga
NGO (non-government organization).
Ang mga kababaihang Pilipino sa kontemporaryung panahon ay gumagawa na ng mga
hakbang sa politika sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nakapokus sa
kababaihan. Sa pangkalahatan, marami sa kanila ay hindi nabibigyan ng pagkakataong
tumakbo sa eleksiyon dulot ng tinatawag na “dynasty system”. Sa ika-19 na siglo, ang lakas
paggawa ng kababaihan ay naging isang mainit na talakayan ng ganapin ang kumperensya
ng mga manggagawa. Sa taong 1910, nang ganapin ang unang first congress of labor, ang
desisyon upang ayusin ang trabaho ng mga kababaihan at bata ay inapbrubahan dulot ng di-
maayos na kondisyon ng mga paggawaan. Sa taong 1960, sa ilalim ng Kagawaran ng
Paggawa, ang Bureau of Women and Minors ay itinayo bilang responsible sa pagsulong,
pagpapaunlad at pagprotekta sa mga bata at kababaihan.

Kababaihan sa Indonesia
Ang gampanin ng mga kababaihan sa Indonesia ay nagbabago dahil sa maraming
dahilan, kabilang dito ang (1.) globalisasyon (2.) pag-unlad sa edukasyon (3.) pag-unlad ng
teknolohiya at (4.) modernisasyon. Maraming kababaihan sa Indonesia ang napiling tumira sa
mga bayan para gawin ang mga trabahong agrikultural dulot ng mga pangangailangang
personal, propesyunal at pang-ekonomiyang pangangailangan. Ang mga kababaihang ito ay
ninais na lumayo sa dikta ng kulturang Indonesian na kung saan ang mga kababaihan ay
gumaganap lamang bilang ina at asawa.
Sa kasalukuyan, dahan-dahang nagiging aktibo ang mga kababaihan sa mundo ng
pambansang kaunlaran at organisasyon na nakapokus sa isyung kinakaharap ng mga
kababaihang Indonesian. Isang tradisyon sa Indonesia na ang asawang lalaki ang dapat
bumuhay sa buong mag-anak. Nangangahulugan ito na kailangang ibigay ng asawang lalaki

7
ang kanyang kita sa asawang babae upang ito’y ma badyet para sa buong pamilya. Ngunit,
para sa kanila, normal na lumahok ang mga kababaihan sa mga pang-ekonomiyang gawain.
Halimabawa nito ang mga warung o maliit na sari-sari store ay maaring patakbuhin ng babae
man o lalaki. Ang mga kababaihan sa ilang parte ng Indonesia ay nakatatamasa ng mataas
na kalidad ng kalayaang pang-ekonomiya at panlipunan.
Isang karaniwang pagkakataon sa kanila na makakita ng mga kababahang may sariling
negosyo sa mga pamilihan. Matapos naman ang pagdagsa ng banyagang multinational
investors sa Indonesia sa taong 1970, maraming kababaihang Indonesian ang naging
pangunahing lakas-paggawa ng bansa at pinagmulan ng murang paggawa sa negosyo ng
pagmamanupaktura. Isa rin ang Indonesia sa mga bansang nagkaroon ng babaeng pangulo.
Ito ay si Megawati Sukarnoputri. Siya ay naging pangulo mula 2001-2004. Sa taong 2012,
18% ng kinatawan sa pambansang parlyamento ng Indonesia ay babae.

Pagyamanin
Gawain A
Paghambingin ang mga kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng Silangan at
Timog-Silangang Asya ayon sa mga aspekto ng edukasyon, ekonomiya, at politika. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

Mga Bansa Edukasyon Ekonomiya Politika


Japan

China

Indonesia

Pilipinas

Gawain B
Panuto: Sundin ang gawain sa ibaba.
Isabuhay sa pamamagitan ng paglikha ng makahulugang “comic strip” ang isa sa
mga karapatan ng mga kababaihan na isinasaad ng CEDAW na nakatala sa ibabang
bahagi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION


AGAINST WOMEN

1. Ang pagbibigay diin o pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay pantay ng


kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa konstitusyon.

2. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa Asya pagkakasatuparan niya ng


karapatang bumoto at mailuklok sa isang posisyong politikal.

8
3. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makatamasa ng edukasyon.

4. Ang pag-alis ng diskriminasyon ng kababaihan upang makapaghanapbuhay.

5. Ang pag-alis ng diskriminasyon ng kababaihan sa larangan ng kalusugan.

Rubrik:
Pagkamalikhain 15 puntos
Kalinisan ng nilikha 10 puntos
Koneksiyon ng komiks sa paksa 10 puntos
Kabuuang puntos 35 puntos

Isaisip
Sagutin ang mga tanong:

1. Bakit iba-iba ang katayuan ng mga kababaihan sa bawat bansa ng Silangan at


Timog-Silangang Asya?

2. Bilang produkto ng bagong henerasyon, paano natin mababago ang mga hindi
kaaya-ayang tradisyon at pagtrato sa mga kababaihang Asyano?

Isagawa

PAGGAWA NG AUTOBIOGRAPHY

PANUTO:
Gumawa ng pagsasaliksik sa isang kilalang babaeng
personalidad sa Kasaysayan ng Silangan o Timog-Silangang Asya.
Isali ang kanilang maikling talambuhay, mga karanasan, at higit
sa lahat, ang kanilang mga tagumpay sa karerang pinili. Pumili
ng isa mula sa mga sumusunod na personalidad:

1. Aung San Suu Kyi

https://wdrfree.com/stock-vector/cute-teacher

9
Susuriin ang iyong Gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa rubric

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


puntos

1.Organisasyon ng Organisado ang mga nilalamang 15


mga ideya ideya.
2.Presentasyon Maayos at malinis ang presentasyon 10

3.Kawastohan ng Wasto ang mga ibinahaging 15


mga nakalap na impormasyon tungkol sa iniuulat.
impormasyon

Tayahin

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at Mali naman kung
hindi. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
1. Ang mga kababaihan sa Japan ay nabigayan ng pantay na karapatan bago magsimula
ang Meiji era.

2. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ang may pinakamababang partisipasyon sa lipuanan,


ekonomiya at edukasyon sa Asya.

3. Nabigyan ng karapatang bumuto ang mga kababaihang Japanese sa taong 1945.

4. Ang tradisyunal na pananaw ang maituturing na dahilan kung bakit mataas ang katayuan
ng mga kababaihan sa bansang Japan.

5. Hindi nagkaroon ng babaeng pinuno sa kasaysayan ang bansang Indonesia.

6. Normal sa bansang Indonesia na lumahok ang mga kababaihan sa ekonomiya.

7. Mababa ang female participation rate ng China kumpara sa ibang bansa sa panahon ng
pagkakatatag sa PRC o People’s Republic of China.

8. Ang gampanin ng mga kababaihan sa Indonesia ay nagbabago dahil sa globalisasyon,


pag-unlad sa edukasyon, pag-unlad ng teknolohiya.

9. Ang mga kababaihang Pilipino sa kontemporaryung panahon ay gumagawa na ng mga


hakbang sa politika upang maisulong ang kanilang karapatan.

10. Ang mga katuruan ng Confucianism ang nagtuturo sa mga taga-Silangang Asya na
pahalagahan ang mga kababaihan.

10
Karagdagang Gawain

Isaliksik ang mga sumusunod na konseptong tinalakay. Isulat ang wastong kahulugan nito at
gamitin ito sa angkop na pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno

1. Labor Force Participation Rate 2. Gender Inequality Index


3. Maternal Mortality Rate 4. Gender Gap Index
5. Labor force/ Lakas Paggawa

Susi sa Pagwawasto

10. C 5. D 10. Mali 5. Mali


9. A 4. A 4. Tama 9.Tama
8. D 3. D 8.Mali 3. Mali
7.D 2. B 7. Mali 2. Mali
6.B 1. C 6.Tama 1. Mali
Subukin: Tayahin:

Sanggunian

Printed Sources:

 Jose, Ricardo, Grace Estela Mateo, Ma. Luisa T. Camagay, Evelyn A. Miranda,
Celestina P. Boncan. 2005. Asian Civilization: History and Culture. Quezon City:
Vibal Publishing House.
 (Jose et al . 2005, 312-317)

11
Online Sources:

 “Women in Thailand”. Last modified February 25, 2020.


https://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Thailand
 “Women in Japan”. Last modified August 6, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Japan
 “Women in China”. Last modified July 7, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_China
 “Women in Philippines”. Last modified June 15, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_the_Philippines
 “Women in Indonesia”. Last modified June 14, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Women_in_Indonesia.
 “Ang Kababaihan ng Taiwan”. Last modified March 21, 2014.
https://www.slideshare.net/daniholic/ang-kababaihan-ng-taiwan

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like