You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Iba’t ibang Aspekto ng Pamumuhay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Araling Panlipunan - Baitang 7


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Iba’t Ibang
Aspekto ng Pamumuhay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan nanaghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang -aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Development Team of the Module
Author/s: MAE AN B. OMLAN

Reviewers: LILIA E. BALICOG, HT III


DONNA P. OLARTE, HT I
RAMON A. VILLA, HT I
EDWIN V. BELOY, HT I

Illustrator and Layout Artist: SPARK ERL E. BALICOG

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent

Members Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Iba’t Ibang Aspekto ng Pamumuhay

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education-Region 10, at region10@deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita -------------------- i


Icons ng Modyul -------------------- ii
Pangkalahatang Panuto -------------------- iii
Alamin -------------------- 1
Subukin -------------------- 2
Balikan -------------------- 4
Gawain 1: You give Me Meaning - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4
Tuklasin -------------------- 5
Gawain 2: Tukoy-Simbolo -------------------- 5
Gawain 3: Punan Mo! -------------------- 5
Suriin ------------------- - 6
Pagyamanin -------------------- 12
Gawain 4: Hanap-Bilugan! -------------------- 12
Gawain 5: Paki-punan Mo! -------------------- 12
Isaisip -------------------- 13
Gawain 6: Tanong-Sagot -------------------- 13
Isagawa -------------------- 14
Gawain 7: Paki-tapat Mo Nga! -------------------- 14
Gawain 8: Sulat- Sagot Challenge - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15 Tayahin
-------------------- 16
Karagdagang Gawain -------------------- 17
Gawain 9: Sulat-Karanasan -------------------- 17
Susi sa Pagwawasto -------------------- 18
Sanggunian -------------------- 19
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 7 ukol sa Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Iba’t Ibang
Aspekto ng Pamumuhay

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


anona ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sanaunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
Suriin bagong konsepto at mga kasanayan.
i

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong Gawain upang pagyamanin
Karagdagang ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi saPagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

ii

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isip
ang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Ano ba ang kadalasan mong naririnig habang ikaw ay nagsisimba? “Amen o


Inshallah!” Ito ay ang pahayag na kadalasang binabanggit ng pari, pastor, ministro at
Imam. Sa pagkakataong ito ay malalaman mo ang bahaging ginagampanan ng
relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay partikular na sa Timog at Kanlurang
Asya. Marahil ay naitatanong mo sa iyong sarili, “Ano ba ang kahulugan ng
Relihiyon?.”, “Anu-anong mga relihiyon ang nasa Timog at Kanlurang Asya?” “May
impluwensiya ba sa ating pagkatao ang relihiyon?” Mabibigyang linaw ang lahat ng
mga katanungang ito sa mga inihandang gawain. Ang hamon ngayon, Handa ka na
ba?

Tatalakayin sa modyul na ito ang tungkol sa Bahaging Ginampanan ng


Relihiyon sa Iba’t ibang Aspekto ng Pamumuhay AP7TKA-IIIg-1.21

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, ang mga


inaasahang malilinang sa iyo ay ang mga sumusunod na mga karunungan:

a. Nasusuri ang iba’t ibang uri ng relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya


b. Napupunan ng mga datos ang talahanayan na kukumpleto sa detalye ng
relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya
c. Napahahalagahan ang paggalang sa ibang tao sa kabila ng magkakaibang
paniniwala

Sa pag-aaral sa modyul na ito ay kailangan mo lang maging relaks, malilibang


ka sa bawat sandaling hinahamon kang sagutin ang mga nakahandang gawain.
Basahin nang may pag-unawa ang mga panuto at sagutin ng maayos ang bawat
katanungan.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Saang salita nagmula ang relihiyon?
a. Filipino c. Dzongkha
b. Latin d. Mandarin
2. Qur ‘an, ang tawag sa banal na aklat ng aling relihiyon?
a. Hinduismo c. Islam
b. Zoroastrianismo d. Kristiyanismo
3. Sino ang isa sa tatlong pangunahing diyos ng mga Hindu na tinaguriang
tagapangalaga?
a. Vishnu c. Shiva
b. Nirankar d. Brahma
4. Anong relihiyon sa Asya na Hindu ang tawag sa mga tagasunod?
a. Hinduismo c. Sikhismo
b. Zoroastrianismo d. Jainismo
5. Sino ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ng
Buddhismo?
a. Confucius c. Moses
b. Zoroaster d. Sidharta Gautama
6. Ano ang tawag sa banal na aklat ng Hinduismo?
a. Torah c. Qur’an
b. Veda d. Bibliya
7. Ano ang tawag sa pagdarasal ng Muslim ng limang beses sa isang araw?
a. Salah c. Sawm
b. Zakah d. Hajj
8. Ano ang tawag sa mga nagsulat sa buhay, turo, at aral ni Hesus?
a. Evangelista c. Abu Bakr
b. Apostoles d. Makata
9. Anong relihiyon ang may pinakamalaking bilang batay sa dami ng mga
taga-sunod?

2
a. Kristiyanismo c. Jainismo
b. Sikhismo d. Hinduismo
10. Ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at
pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Ano ito ayon sa
Hinduismo?
a. Dharma c. Analects
b. Karma d. Drama
11. Sino ang nagpalaganap ng relihiyong Zoroastrianismo?
a. Muhammad c. Kristo Hesus
b. Zoroaster d. Buddha
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi naimpluwensiyahan ng relihiyon?
a. Arkitektura c. Pananalita
b. Panitikan d. Sining
13. Ano ang nangangahulugang batas at aral na naglalaman ng limang aklat
ni Moses?
a. Nirvana c. Karma
b. Torah d. Kami
14. Aling relihiyon napabilang ang, “Walong Dakilang Daan?”
a. Judaismo c. Budismo
b. Jainismo d. Sikhismo
15. Ano ang tawag sa banal na kasulatan ng Sikhismo?
a. Veda c. Guru Grant Sahib
b. Bibliya d. Qur’an

3
Balikan

Gawain1: “YOU GIVE ME MEANING!”


Panuto: Balikan ang mga pangalan nang mga Asyano sa Gawain: You
Complete Me. Isulat sa bilog ang mga ambag nila sa kani-kanilang mga bansa.
Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa
2.
_________________
_________________
_________________
_________________
1. Mohandas _________________
Karamchad Gandhi ___
- ipinatupad niya ang
“Civil Disobedience” 3.
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_____
5.
_________________
_________________
4.
_________________
__________________
_________________
__________________
____
__________________
_________________
__________________
_
__________________
_____

4
Tuklasin

GAWAIN 2: TUKOY-SIMBOLO!
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang may kaugnayan sa mga
simbolong ipinakita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Mga Simbolo:

1.___ 2.___ 3.___ 4.___

. 4. 5.

5.___ 6.___ 7.___ 8.___


https://favpng.com/png_view/symbol-religious-symbol-religion-jain-symbols-jainism-png/D7s8uCLq\
http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/relihiyong-zoroastrianismo.html

A. Hinduismo D. Buddhismo G. Jainismo


B. Islam E. Kristiyanismo H. Zoroastrianismo
C. Sikhismo F. Judaismo I. Shintoism

GAWAIN 3: PUNAN M!
Panuto: Punan ng tamang titik ang bawat patlang para mabuo ang salita o
konseptong kumakatawan sa iyong mga naging sagot sa unang gawain.
R__L__ __I Y__N

5
Suriin

Relihiyon
 nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod
at pagbabalik-loob.
 ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa
Asya.
 naging parte na ng buhay ng bawat tao; kadalasan na pinagbabasehan ng
kanyang gagawin at ikikilos.
 May malaking bahaging ginagampanan ang relihiyon sa pamumuhay ng mga
Asyano sa kasalukuyan. Naimpluwensiyahan nito ang sining, arkitektura,
panitikan, drama, musika, sayaw, at maging personal na gawi, patakarang
pambansa, at patakarang panlabas. Samakatuwid, ang relihiyon ay isang
kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw
sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa espiritwalidad at minsan ay sa
moralidad.

Mga Relihiyon sa Timog Asya

Mga Relihiyon Doktrina/ Paniniwala


Rehiyon
Timog Hinduismo  Hindu ang tawag sa mga tagasunod nito.
Asya  Naniniwala sa mga diyos-diyosan na mula
sa iba’t ibang likha ng kalikasan.
 Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na
Nagtatag pagsamba
Mga Aryan  Naniniwala sa pagkakabuklod-buklod at

Banal na Aklat pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na


nagdadala ng pagkakaisang ispiritwal.
Vedas
 Naniniwala sa pagmamahal, paggalang, at
pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may
buhay, espiritu o kaluluwa.
 Karma- pangunahing paniniwala sa
Mga Diyos

6
Brahma Hinduism. Ito ay isang bagay na nilikha o
bunga ng gawi ng isang tao. Ang
-ang manlilikha
pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan
Vishnu
ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman
-ang kung di- mabuti ang ginawa sa kapwa.
tagapangalaga  Reinkarnasyon- siklo ng kapanganakan at
Shiva kamatayan. Kapag namatay na ang isang
tao, ang kaluluwa niya ay muling
-ang
mabubuhay.
tagawasak
 Nirvana-tunay na kaligayahan at
katahimikan. Ganap na katiwasayan at
kalinisan ng kaluluwa.
Budismo  Iniwan ni Sidharta Gautama ang kanyang
pamilya, marangyang buhay at naglakbay
hanggang matuklasan ang kaliwanagan
 Budismo-nangangahulugang kaliwanagan.
Nagtatag: Dalawang (2) Paghahati:
Sidharta 1. Mahayana Buddhism- kinilala si Buddha
Gautama bilang diyos na tagapagligtas mula sa guro.
2. Theravada Buddhism- kinilala si Buddha
Diyos:
bilang guro at banal na tao.
Buddha
 Nirvana- paraiso o kaluwalhatian
Apat na Dakilang Katotohanan ng Budismo:
A. Puno ng pagdurusa ang buhay ng tao.
B. Nagmumula ang pagdurusa sa masidhing
pagnanasa
C. Magwawakas ang pagdurusa sa
pagwawakas ng pagnanasa

D. Mawawakasan ang pagdurusa kung


susunod sa walong landas at matatamo ang

7
tunay na kaligayahan o Nirvana.

Walong Dakilang Daan:

1. Tamang-pag-iisip
2. Tamang Aspirasyon
3. Tamang Pananaw
4. Tamang Intensiyon
5. Tamang Pagsasalita
6. Tamang Pagkilos
7. Tamang Hanapbuhay
8. Tamang Pagkaunawa
Jainismo  Ahimsa
- pag-iwas sa ano mang uri ng pananakit sa
may buhay na nilalang, maging ang mga
insekto
Nagtatag:  Pinaliwanag ni Mahavira ang kahulugan ng
Rsabha buhay batay sa tatlong hiyas ng Jainismo:
1. Wastong pananampalataya
Diyos:
2. Wastong kaalaman
Mahavira o Vardhamana
3. Wastong kaasalan

Sikhismo  Relihiyong naghahangad ng kapatiran


 Hindi sila naniniwala na maaaring
magkatawang tao ang diyos
 Limang bisyo na kailangang iwasan para
Nagtatag: makamit ang kaligtasan:
Guru Nanak 1. Pagnanasang seksuwal
2. Galit
3. Kasakiman
Banal na Kasulatan:
4. Pagkamakamundo
Guru Grant Sahib 5. Kahambugan

Diyos:  Tungkulin nilang sundin ang turo ng Guru,


pagninilay, paglilingkod, o
Nirankar

8
pagkakawanggawa

Kanlurang Judaismo  Naniniwala sa iisang diyos (monotheism)


Asya  Torah – nangangahulugang batas at aral na
binubuo ng limang aklat ni Moses: Genesis,
Nagtatag:
Exodus, Leviticus, Numbers at
Jew o Deuteronomy.
Israelite  Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo
Banal na sa wastong pagkilos at pamumuhay:
aklat: 1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang
higit sa lahat.
Torah
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-
Diyos:
diyosan.
Yahweh 3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo
asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag
kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo
pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo
asawa.
Kristiyanismo  Sinusunod ng mga kristiyano ang mga aral
at salita ni Hesus bilang paghahanda sa
pagbabalik ni Hesus upang husgahan ang
Nagtatag
lahat, buhay man o pumanaw na.

 Pinakamalaking bilang sa lahat ng mga


Banal na Aklat: relihiyon sa mundo batay sa dami ng mga
taga-sunod at kasapi nito

9
Bibliya  Monoteismo ang paniniwala sa iisang Diyos

Diyos: na pinaniniwalaan ng mga Kristiyano

Kristo Hesus
Islam  Galing sa salitang, “Salam” na ang ibig
sabihin ay kapayapaan, pagsunod, at
pagsuko sa propetang si Muhammad
Nagtatag:
 Hindi sila maaaring kumain ng baboy at
Muhammad uminom ng alak
Banal na Aklat:  Nais nilang magkaroon ng kapayapaan at
pagkawalang-gulo
Qur’an
Limang Haligi ng Islam
Diyos:
1. Iman (Pananampalataya)
Allah -maglingkod at sumunod kay Allah ng
buong buhay batay sa mga turo at gawa
ng propetang si Muhammad
2. Salah (Pagdarasal)
-magdadasal ng limang beses mula
madaling araw at sa tuwing tatawag ng
muezzin o tagatawag.
3. Zakah (Pag-aabuloy)
-magbigay ng ilang bahagi ng
kayamanan sa nangangailangan
4. Sawm (Pag-aayuno)
-Pag-aayuno, di-pagkain, di-pag-inom, at
pagpigil sa sekswal na relasyon ng mag-
asawa
5. Hajj (Paglalakbay)
-Pagpunta sa Mecca kahit isang beses
lamang sa kaniyang buhay
Zoroastrianismo  Nakapaloob sa relihiyong ito na ang

\ buhay ng tao sa daigidig ay ang


pagtahak patungo sa kabutihan o
Nagtatag:

10
Zoroaster kasamaan

Banal na Aklat:  Kapag pinili ang mabuti, mapupunta sa


langit ang tao at kapag naging masama
Zend-Avesta
naman, mapupunta siya sa impiyerno
Mga Diyos:  Malulutas ang hidwaan sa pamamagitan
Ahura Mazda ng pagpapalaganap ng pag-ibig

- Kataas-taasang
Diyos, tagapaglikha
ng daigdig

Ahriman

- Tagapagtaguyod ng
kasamaan

Pagyamanin

11
Gawain 4. HANAP-BILUGAN
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya
na nasa loob ng crossword puzzle.

Z K R I S T I Y A N I K
O H S I K H I S M O L R
R O I J H U O P K E S I
O B U N D I S M O L A S
A N G A D I H I S M D T
S A R A T U L I S M O I
T R I B U T I S M O E Y
R B U D D H I S M O M A
I S L A M A T O M K O N
A A L A N G A N I O Q I
N N A T U T U N A N W S
I A L A M A N G S A X M
S G N A J A I N I S M O
M B I B L I Y A N K Z A
O J U D A I S M O P Y E

Gawain 5: “PAKI-PUNAN MO!”


Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat patlang para makabuo ng isang
salita na may impluwensiya ng relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya.

1. S__N__N__
2. A__ __I__ __K T__R A
3. __A__ I__ __K __N
4. D__ __ M __
5. __U__I__ A
6. S__Y__ W
7. G__ __ I

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJUhDKL5eMSkAK6QGIYpQ;

Isaisip

Gawain 6: “TANONG-SAGOT!”

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Dalawang


(2) pangungusap lamang.

12
1. Papaano nakaaapekto ang relihiyon sa iyong buhay?
________________________________________________________.
2. Papaano mo maipapakita ang paggalang sa iyong kapwa na may ibang
paniniwala?
________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
3 puntos 2 puntos Marka
Nilalaman Ang mga detalyeng Ang mga detalyeng
naisulat ay may naisulat ay
malaking kaugnayan sa medyo may kaugnayan
tanong sa tanong
Kaayusan Maayos na maayos na Hindi masyadongmaayos
naisulat ang mga na naisulat ang mga
pangungusap. pangungusap.Hindi
Nagsisimula sa talaga nagsisimula sa malaking
sa malaking titik ang titik ang mga ito.
mga ito.
Kalinisan Malinis na naisulat ang Medyo malinis na
sagot. Walang mga naisulat ang sagot. May
buradong salita sa mga dalawa o higit pang
pangungusap. mga buradong salita sa
mga pangungusap.
Kabuuan 9 6
Isagawa

Gawain 7: PAKI-TAPAT MO NGA!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang uri ng relihiyong isinasaad ng pahayag sa hanay


A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Bibliya ang banal na aklat ng A. Hinduismo
relihiyong ito. B. Kristiyanismo

13
2. Itinatag ito ni Guru Nanak. C. Judaismo
3. Si Allah ang kanilang Diyos D. Jainismo
4. Ang relihiyong itinatag ni Rsabha. E. Zoroastrianismo
5. Sumasamba ang mga tao sa iba’t F. Sikhismo
ibang uri at anyo ng diyos na G. Budismo
tinawag na polytheism. H. Islam

Gawain 8: SULAT-SAGOT CHALLENGE!

Panuto: Punan ng mga hinihinging datos ang talahanayan para makumpleto ang
detalye ng mga relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya. Ang una ay ginawa na para
magiging gabay mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Rehiyon Relihiyon Banal na Aklat Diyos/Mga Diyos


Timog Asya Hinduismo Vedas Brahma,Vishnu,at Shiva

Kanlurang Asya

Taya
hin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Anong relihiyon sa Timog Asya ang naniniwala sa Apat na Dakilang
Katotohanan?
a. Hinduismo c. Budismo
b. Jainismo d. Sikhismo
2. Sino ang diyos ng mga Hindu na tinaguriang manlilikha?
a. Vishnu c. Shiva
b. Nirankar d. Brahma

14
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa tatlong hiyas ng
Jainismo?
a. Wastong pagpapatawad c. Wastong Kaalaman
b. Wastong pananampalataya d. Wastong Kaasalan
4. Anong relihiyon sa Timog Asya ang hindi naniniwala na
magkatawang tao ang diyos?
a. Jainismo c. Budismo
b. Sikhismo d. Hinduismo
5. Ano ang tawag sa pag-iwas sa uri ng pananakit sa anumang may buhay
na nilalang maging ang mga insekto?
a. Karma c. Nirvana
b. Ahimsa d. Torah
6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kailangang iwasan para makamit
ang kaligtasan?
a. Kasakiman c. Galit
b. Pagkamakamundo d. Lahat ng nabanggit
7. Alin ang hindi napabilang sa mga aklat ni Moses?
a. Genesis c. Mark
b. Leviticus d. Numbers

8. Anong relihiyon sa Kanlurang Asya ang naniniwala na malulutas ang


hidwaan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pag-ibig?
a. Zoroastrianismo c. Kristiyanismo
b. Islam d. Lahat ng Nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang diyos ng relihiyong Judaismo?
a. Nirankar c. Yahweh
b. Kristo Hesus d. Allah
10. Alin sa limang haligi ng Islam ang nangangahulugang magbigay ng ilang
bahagi ng kayamanan sa nangangailangan?
a. Hajj c. Iman
b. Zakah d. Salah
11. Ano ang tawag sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at pagbabalik-loob?
a. Relihiyon c. Arkitektura

15
b. Panitikan d. Gawi
12. Aling relihiyon sa Kanlurang Asya na ang banal na aklat ay Bibliya?
a. Islam c. Zoroastrianismo
b. Judaismo d. Kristiyanismo
13. Sino ang nagtatag ng relihiyong Zoroastrianismo?
a. Muhammad c. Maharvina
b. Buddha d. Zoroaster
14. Anong relihiyon sa Kanlurang Asya ang may paniniwala na hindi sila
maaaring kumain ng karneng baboy at uminom ng alak?
a. Islam c. Judaismo
b. Kristiyanismo d. Zoroastrianismo
15. Alin sa mga sumusunod ang naimpluwensiyahan ng relihiyon?
a. Sining c. Sayaw
b. Drama d. Lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Gawain 9: “SULAT-KARANASAN”
Panuto: Isulat ang isang hindi mo makakalimutang karanasan na tinupad ng
Diyos ang isa sa iyong mga kahilingan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pamatayan ng Pagmamarka:
Nilalaman - 10 puntos
Kaangkupan sa Paksa - 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
Kabuuan - 20 puntos

16
Susi sa Pagwawasto

17
Sanggunian

Book
Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pp. 155-159, 271.

Module
Project Ease (Effective Alternative Secondary Education) Araling
Panlipunan II Modyul 14 Ang Mundo ng Kabanalan sa Asya

Online Resources:
https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-12-relihiyon-at-pilosopiya-sa-asya
https://www.slideshare.net/sevenfaith/mga-relihiyon-at-paniniwala-ng-mga-asyano
http://aralingasya.blogspot.com/2014/10/relihiyong-zoroastrianismo.html
https://e-edukasyon.ph/filipino/paano-naimpluwensiyahan-ng-relihiyo-293900#otvet
https://www.slideshare.net/SMAPCHARITY/aralin-11-90384723
https://rmhalife.wordpress.com/2018/10/15/araling-panlipunan-3rd-grading/
https://www.slideshare.net/KenStudious/grade-7-4th-quarter-ang-asya-sa-sinaunang-
panahon-mga-relihiyon-sa-timog-at-kanlurang-asya

https://infogram.com/mga-relihiyon-sa-timog-at-kanlurang-asya-1go502ylnkxwpjd

18
https://www.scribd.com/doc/242047802/Mga-Relihiyon-Sa-Timog-Asya

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ1EKr5eVEMAbk4GIYp
Q;
https://ph-static.z-dn.net/files/deb/c5cef4f6fc86bbe0a003585fbc0793d5.pdf
https://www.academia.edu/35297892/Masusing_Banghay_Aralin_sa_Panlipunan_VII
https://www.coursehero.com/file/37378346/LP-1-14-19-religiondocx/

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

19

You might also like