You are on page 1of 20

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Sinaunang Kababaihan sa Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Sinaunang Kababaihan sa Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Melojane B. Tampos,
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Sinaunang Kababaihan sa Asya

schools, colleges, and or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedb
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
5 ukol sa Sinaunang Kababaihan sa Asya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Talaan ng Nilalaman
Alamin ------------------------ 1
Subukin ------------------------ 2

Aralin ------------------------ 3
Balikan ------------------------ 3
Tuklasin ------------------------ 4
Suriin ------------------------ 5
Pagyamanin ------------------------ 8

Isaisip ------------------------ 9
Isagawa ------------------------ 10
Tayahin ------------------------ 11
Karagdagang Gawain ------------------------ 13
Susi sa Pagwawasto ------------------------ 14
Sanggunian ------------------------ 15
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa kalagayan at bahaging ginampanan ng mga


sinaunang kababaihan sa Asya. Matututunan dito kung paano itinaguyod ang kanilang
kultura at tradisyon na may kaugnayan sa mga kababaihan sa lipunan noong sinaunang
panahon.

Saklaw ng modyul na ito ay Ang Kalagayan ng mga Kababaihang Asyano sa


Sinaunang Panahon. Dito nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng
kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

1. masusuri ang mga kalagayan at bahaging ginampanan ng mga sinaunang


kababaihang Asyano
2. makapaghahambing tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon
3. mapapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan Asyano sa
pagtataguyod at pagpapanatili ng kanilang katayuan sa lipunan

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung tama at M
kung mali ang nakasaad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ayon sa Boxer Codex, maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae kung ito ay nakita niyang may kasamang ibang
lalaki.
2. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para
sa mga kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
3. Hindi dapat mapasailalim sa di makataong parusa ang mga
kababaihan noon.
4. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol
na babae.
5. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polyandry.
6. Ang foot binding ay nagpapahiwatig ng kagandahan sa mga
kababaihan sa sinaunang Tsina.
7. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki
dahil sa kakulangan sa pagkain sa bansang India.
8. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na
harem sa India.
9. Ang pagiging baog ng babae ay maaring dahilan ng diborsyo sa
Tsina.
10. Pinagsusuot ng sapatos na bakal ang mga babaeng Tsino upang
hindi malayo ng tahanan.
11. Sa Tsina at India ay pinagkakasundo na ng mga magulang ang
kanilang mga anak habang bata pa.
12. Hindi uso ang diborsyo sa mga Asyano noon.
13. Hindi mahalaga para sa babaeng Asyano noon na magpakita na siya
ay may kakayahang magkaroon ng anak.
14. Mas pinapahalagahan ang mga anak na babae noon kaysa sa mga
lalaki.
15. Obligado na magbigay ng dowry ang mga kalalakihang mag-asawa sa
pamilya ng babae.

2
Aralin
Sinaunang Kababaihan sa Asya
1

Ang araling ito ay tungkol sa mga bahaging ginampanan ng mga kakabaihan sa


lipunan sa sinaunang panahon. Matutuhan sa araling ito ang pamumuhay ng mga
kababaihan sa lipunan noon na maaring maging salamin sa katayuan ng kababaihan
ngayon.

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na Aralin, balikan muna natin ang iyong mga
natutunan sa mga nakaraang modyul. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik upang mabuo ang tamang salita. Gawing gabay
ang clue sa bawat bilang.

1. Kristiyanismo : YABIBLI =

2. Judaismo : RAHOT =

3. Islam: RAN’QU =

4. Hinduismo: VDSAE =

5. Confucianism:OURF OOKBS DAN IVEF CLAISSSC=

3
Tuklasin

Gawain 1:
Panuto: Pumili ng isa sa mga larawang nasa ibaba at ibigay ang dahilan kung bakit
mahalaga ito sa lipunan. Sumulat ng isang maikling sanaysay patungkol sa larawang
napili. Gawin ito sa sagutang papel.

INA ANAK
Pamantayan: ASAWANG BABAE ASAWANG BABAE

Nilalaman -------------------------- 15 puntos


Organisasyon ng ideya -------------------------- 10 puntos
Kaayusan/Kalinisan -------------------------- 5 puntos

Kabuuan -------------------------- 30 puntos

4
Suriin

1. Anu- ano ang mga naging papel ng mga kababaihan noon sa Asya?

2. Ano ang dalawang pinakatanyag na Kodigo na may kinalaman sa kalagayan ng mga


kababaihan sa Asya noon?

Mga Kababaihan sa Asya

Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga kababaihan ay nakaranas ng


pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Pero, sa sinaunang panahon hindi masasabi
na nararanasan nila ang mga karapatang ito.

Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at nanatili sa tahanan. Sa


kulturang Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang mga kababaihan
upang hindi lalayo sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet sa simula ay
kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda at pagiging karapat- dapat sa pagpapakasal.
Sa Tsina din, ang pagiging baog ng babae ay dahilan ng diborsyo.

Foot binding Lotus Feet

Sa bansang India naman, sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire ng


kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng
pagmamahal, ito ay tinatawag na sutte/sati.

Maliban dito, ang isang babae sa India ay


maaaring maging asawa ng magkapatid na lalaki
(polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Suttee/ Sati
Karaniwan naman dito ang pag-aasawa ng isang lalaki sa

5
maraming babae (polygamy) na siyang tinatawag na harem sa India at maging sa mga
Muslim.

Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang batang babae. Ito ay dahil ang
babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag kinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Female Infanticide ang sadyang pagkitil sa
buhay ng mga sanggol na babae. Mahalaga para sa
babaeng Asyano na magpakita siya na may
kakayahang magkaroon ng anak na lalaki at higit
pa.
Female Infanticide
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at
polygamy (pag-aasawa ng marami) ang mga babae ay
nakasuot ng belo at pinag-iingatan ang dangal ng pamilya at iniiwasan ang anumang
bagay na magdudulot ng batik nito. Bilang isang paraan ng
pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng
damit na pantakip sa katawan, mukha at buhok ng babae na
tinatawag na purdah.

Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa


ang mga bata ay pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang
mga kababaihan noon ay hindi pinapahintulutang bomoto
maliban sa bansang Tsina at Pilipinas. Purdah

ANG MGA KABABAIHAN NOON SA PILIPINAS

Boxer Codex- bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang
kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Paano
naman winawakasan ang pagkatali sa kasal noon? Kung gustong hiwalayan ng lalaki
ang kanyang asawa, maari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari- ariang
binigay niya sa panahon ng kanilang pagsama. Subalit kung ang babae ang magnanais
na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag- aari.

Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

6
Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim na
hari ng Unang Dinastiya ng Babilonya) ng mga
batas upang itaguyod ang maayos na
kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan.
Bahagi ng mga probisyon na ito ang mababang
pagtingin sa mga kababaihan. Itinuturing ang
mga babae na parang produkto na ibinibenta at
binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo ang
babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay
ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa sa batas ni
Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parurusahan ng
kamatayan. Sa oras na mahuli siyang nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang
itatapon sa dagat hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kanyang
asawa at mga anak. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa
kalakalan.

Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga


batas tungkol sa mga kababaihan. Ang isang Brahmin
o pari sa Hinduismo ay hindi pinapayagan na
makipagtalik sa isang mababang uri ng babae sa
lipunan dahil siya ay mapupunta sa impyerno.
Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng isang babae at
hindi sa kanya. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa
kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon din sa Kodigo, ang agwat ng edad ng mag asawa
ay tatlong beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae. Isa pa na iniutos ng
kodigo, ay hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal
dahil ito ay isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.

Pagyamanin

7
Gawain 2: KILALANIN MO AKO!
Panuto A: I-tsek () ang KH na kolum kung ang pahayag ay nabibilang sa Kodigo ni
Hammurabi at i-tsek () ang kolum na KM kung ito ay kabilang sa Kodigo ni Manu.
Isulat ito sa sagutang papel.
PAHAYAG KH KM
1. Ibinibenta ang babaeng asawa sa kalakalan.
2. Basehan ang agwat ng edad ng mag-asawa.
3. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na ipagkasundo ang
kanyang anak na babae.
4. Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay itinatapon sa dagat
hanggang sa malunod.
5. Bawal makilahok ang mga babae sa kalakalan.

Panuto B: I-tsek () ang kolum na MK kung ang pahayag ay may katotohanan at i-
tsek () naman ang kolum sa WK kung ito ay walang katotohanan base sa sinaunang
panahon.
PAHAYAG MK WK
6. Ang babae ay simbolo ng isang mabuting ina.
7. Pantay ang mga karapatan ng mga babae at lalaki noon.
8. Mas magaling ang mga babae sa mga gawaing bahay kaysa
sa mga lalaki noon.
9. Ang mga kababaihan ay ang naghahanapbuhay para sa
pamilya.
10. Ang lahat ng mga kababaihan ay may karapatang mabuhay
ng matiwasay.

Isaisip

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Kung ito ay


may
katotohanan, iguhit ang masayahing mukha at malungkot
na

8
mukha kung sa tingin mo ito ay walang katotohanan.

1. Noong sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay may

karapatang bumoto.

2.Ipinapakita ng mga kababaihan sa India ang kanilang

pagmamahal sa kanilang asawa sa pamamagitan ng pagtalo


nito sa apoy kapag ito ay sumakabilang-buhay.

3. Simbolo ng kagandahang katauhan ang pagsuot ng purdah ng

mga kababaihang Muslim.

4. May karapatan ang mga kababaihan na pumili ng kanilang

mapapangasawa noon.

5. Pinapatay ang mga sanggol na babae sa India sa kadahilanang ito ay


malas.

Isagawa

Gawain 3: TULA

9
Panuto: Sumulat ng isang maikling tula na ang pamagat ay “Babae Noon, Babae
Ngayon” na binubuo ng tatlong (3) saknong na may apat (4) na linya. Isulat sa
sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/ Organisasyon 10 puntos

Kaayusan/ Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Tayahin

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung
tama at palitan naman ang sinalungguhitang salita kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

10
1. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol
na babae.
2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng
Tsino ay tinatawag na lotus feet.
4. Ayon sa Boxer Codex, maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang
babae kung ito ay nakita niyang may kasamang ibang lalaki.
5. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para
sa mga kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
6. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki
dahil sa kakulangan ng pagkain sa bansang India.
7. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na
harem sa India.
8. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire ng
kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
9. Ang purdah ay ginagamit ng mga Muslim na babae bilang pantakip
sa kanilang mukha sa publiko.
10. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang agwat na edad ng mag-asawa ay apat
(4) na beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.
11. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang mga kababaihan ay ibinibenta na
parang produkto sa kalakalan.
12. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kalalakihan ay hindi kinikilala
sa Kodigo ni Manu.
13. Isa sa mga tanyag na tradisyon ng Tsina ay ang funeral fire.
14. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga
sinaunang Asyano.
15. Ayon pa sa Kodigo ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa
kanyang asawa ay parusahan ng kamatay.

Karagdagang Gawain

Gawain 4: I- HUGOT MO!

Panuto: Sumulat ng isang hugot line na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga


kababaihan. Isulat ito sa isang short bondpaper.

11
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/Organisasyon 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Susi sa Pagwawasto

12
T

Sanggunian

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: (EDURESOURCES Publishing Inc.), pp.164-165

Department of Education, Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong Isyu (Training


Module, pp.266-267

Link:
pixabay.com

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like