You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Eden Grace A. Paluca
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 2 ukol sa Sinaunang Kabihasnan ng Asya: Sumer, Indus, Shang!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin 1:
Kabihasnang Shang ---------------- 3
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 5
Pagyamanin ---------------- 7

Aralin 2:
Kabihasnang Indus ---------------- 8
Tuklasin ---------------- 8
Suriin ---------------- 9
Pagyamanin ---------------- 11

Aralin 3:
Kabihasnang Shang ---------------- 12
Tuklasin ---------------- 12
Suriin ---------------- 13
Pagyamanin ---------------- 15

Isaisip ---------------- 16
Isagawa ---------------- 17
Tayahin ---------------- 18
Karagdagang Gawain ---------------- 21
Susi sa Pagwawasto ---------------- 22
Sanggunian ---------------- 23
Alamin

Nais mo bang malaman ang pagsibol at pag-unlad ng sinaunang


kabihasnan sa Asya? Sa bahaging ito ng aralin, magsasagawa ng mga
kasanayan para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag-
usbong ng kabihasnan sa Asya. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at
pagsasagawa ng mga gawain. Simulan mo na!

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlo, ito ay:

 Aralin 1 – Kabihasnang Sumer


 Aralin 2 – Kabihasnang Indus
 Aralin 3 – Kabihasnang Shang

Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. masusuri ang mga katangian ng Kabihasnang Sumer, Indus at Shang


2. mapahahalagahan ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyan.
3. makagagawa ng isang collage na nagpapakita ng kagamitang
pangkultura ng mga sinaunag kabihasnan.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap. Isulat ang TAMA kung tama
ang inilalahad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto ang inilalahad ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________1. Sumerian ang tawag sa mga sinaunang taong nagmula sa Tsina.
_________2. Ang Kabihasnang Indus ay kabihasnang umusbong sa lambak
malapit sa Ilog Indus.
_________3. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa Tsina.
_________4. Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ay may mahahalagang
ambag sa kasaysayan ng Asya at ng buong mundo.
_________5. Ang mga kabihasnan ay nagsimulang umusbong sa mga lugar na
malapit sa ilog.
_________6. Ang isang kabihasnan ay bumabagsak dahil sa kawalan ng
pagkakaisa ng mga tao.
_________7. Patuloy na namamayagpag ang Kabihasnang Sumer sa kabila ng
tunggalian ng mga lungsod-estado.
_________8. Ang Ziggurat ay matatagpuan sa kabihasnang Indus.
_________9. Sinasabing mahiwaga ang Kabihasnang Indus.
_________10. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal
lamang.
_________11. Ang Cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang
Shang.
_________12. Maraming nakitang artifact sa Kabihasnang Shang na
nagpapakita
na masayahin at malikhain ang mga tao sa kabihasnang ito.
_________13. Pictograph ay isang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Sumer.
_________14. Paring-hari ang tawag sa pinuno ng mga Sumerian.
_________15. Bumagsak ang kabihasnang Shang dahil walang pagkakaisa.

2
Aralin
Kabihasnang Sumer
1

Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang


Asyano ay tuklasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga
kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos, sagutin ang
mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman.

Balikan

Bago natin pag-aralan ang tungkol sa Kabihasnang Sumer, Indus at


Shang, isulat mo sa bawat kahon ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan.
Gawing gabay ang halimbawa sa loob ng unang kahon.

Hal. Sentralisadong
pamahalaan

3
Tuklasin

Gawain 1:

Panuto: Buuin ang salitang nakatago gamit ang mga gabay na larawan at salita.
1. Halimbawa:

go + long =GULONG

Zig + go + rat = ________

cue + knee + form =_________

me + saw + pooh + tamia =___________


_
\\

Clay + tablet =__________

4
Suriin

1. Bakit tinawag ang Mesopotamia na cradle of civilization?


2. Ano ang mga mahahalagang ambag ng Kabihasnang Sumer?
3. Bakit bumagsak ang Kabihasnang Sumer?

Ang Kabihasnang Sumer

Ang Mesopotamia ang kinilala


bilang “cradle of civilization’’ dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na
tinawag na Fertile Crescent, (Iraq) isang

arko ng matabang lupa na naging Ilog Tigis at Euprates.


https://www.climatechangepost.com/news/2013/5/21/cli
tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao mate-change-impacts-euphratestigris-basin/

mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa


lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong
ang kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa
Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros.
Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang
Mesopotamia. Pagsasaka ang uri ng pamumuhay ng mga mamayan ng Sumer.
Nagtayo ng mga kanal at dike para sa sistema ng irigasyon. Nagtatag din sila ng
mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo at namuhay ng pangkat–
pangkat at magkakahiwalay.Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang sistema
ng pamahalaan na kung saan ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-
estado at walang iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang lungsod–estado.
Madalas ang alitan dahil sa hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod

5
ng bawat estado. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk,
Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali
ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa
kanilang mga diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng
pagsulat na tinawag na cuneiform na binubuo ng 500 pictograph at mga
simbolong sinusulat sa tabletang luwad (clay tablet) gamit ang stylus. Kasunod
nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari
sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga
historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa
pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng mahahalagang tradisyon,epiko
na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng
Gilgamesh.
Ilan sa mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang Sumer ay ang pagkalikha ng
unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform, pagkaimbento ng gulong,
sentralisadong pamahalaan ng mga lungsod-estado, paggamit ng Kalendaryong
lunar, paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze. Umunlad ang mga
pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi
naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang dahilan ng walang pagkakaisa
ng mga mamayan. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga
pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang mga ito. Bumagsak ang Kabihasnang
Sumer dahil sa kawalan ng pagkakaisa, walang natural na depensa sa mga
mananakop, mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga
tagasunod.

Ziggurat Cuneiform Mga kasangkapang gawa sa


alloy bronze

6
Pagyamanin

Gawain 2: Krusigama ng Kabihasnang Sumer


Panuto: Buuin ang krusigama tungkol sa Kabihasnang Sumer. Gamiting gabay

ang mga pahayag na nasa ibaba na angkop sa bawat bilang.

Pahalang Pababa
5. tawag sa tagatala ng mga pangyayari 1. tawag sa pinakamataas na uri ng
tao sa lipunan
8. templo ng Kabihasnang 2. sistema ng pagsulat
10. sistema ng pamahalaan 3. epiko na nalikha sa kabihasnan
11. ginagamit sa karwahe 4. gumagamit ng mga kasangkapang
yari sa metal
12. tinawag na cradle of civilization 6. Tabletang luwad
7. ang kabihasnang umusbong sa
mga ilog ng Tigris at Euphrates

7
8. hanapbuhay ng mga mamamayan

Aralin
Kabihasnang Indus
2

Maliban sa Kanlurang Asya, naging sentro din ang Timog Asya ng isa sa
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro na
matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan. Halika at alamin natin ang mga
kabihasnang umusbong dito.

Tuklasin

Gawain 3: Itugma Mo!


Panuto: Itugma ang mga salita sa Hanay A sa Hanay B batay sa kahulugan nito.
Hanay A Hanay B
1. Dravidian A. mataas na moog
2. Citadel B. pangkat ng tao na bumuo sa
kabihasnang Indus
3. Pictograph C. isang sistema ng pagsulat
4. Indus River at Ganges D. daluyan ng sibilisasyong Indus
5. Indus E. Kabihasnang umusbong sa
India

8
Suriin

1. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus? Paano


ito naglaho?
2. Ano ang mga mahahalagang ambag ng kabihasnang Indus?

Kabihasnang Indus
Ang Kabihasnang Indus ay
umusbong sa lambak ilog ng Indus River,
pati na rin sa Ganges River. Ang
dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa
Timog Asya. Ito ay binabantayan ng
matatayog na kabundukan sa Hilaga. Ang
kabundukan ng Himalayas at ng Hindu
Kush ay may ilang landas sa ilang
Ilog Indus at Ilog Ganges na daluyan ng kabihasnang kab
Indus:https://en.wikipedia.org/wiki/Indus_River#/med
undukan nito, tulad ng Khyber Pass. ia/File:Confluence_of_Indus_and_Zanskar_rivers.jpg

Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at


Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng
Hilagang Kanluran ng dating India at ang lupain kung
saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Ang
tubig ng ilog Indus ay nagmumula sa malayelong
kabundukan ng Himalayas sa Katimugang Tibet.
Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay
ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May Citadel at mababang moog, lungsod Harrapa at
Mohenjo-Daro: https://ik-
dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ptz.ru/pt/literatura/mohendzho-daro-i-harappa-
indskaya-civilizaciya-harappa-i-mohendzho-
ang Harrapa at Mohenjo-Daro. Planado at daro.html
organisadong lungsod mayroon ang kabihasnang Indus. Bahagi ng lungsod ang

9
(1) Citadel o mataas na moog na nasa bandang Kanluran at nakapatong sa
platform na brick na may 12 metro ang taas at napapalibutan ng pader, may
malaking imbakan ng mga butil, malaking bulwagan at pampublikong paliguan.
(2) Mababang bayan naman ay may mga grid-patterned na lansangan at pare-
pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Ang mga bahay ay gawa sa mga brick
na pinatuyo sa pugon. Flat o pantayang bubong ng bahay at karaniwang
nakatalikod sa pangunahing kalsada. May ilang bahay na umaabot sa 2 o 3
palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy, may banyo na konektado sa
imburnal.
Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat
sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang
naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa
istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado
sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing
planado at organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian.
Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang hindi
masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan
ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictograph na unang ginamit
bilang sistema ng pagsulat.
May mga artifact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig
maglibang at maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng
Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin malinaw kung may
kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may matinding
kalamidad na nangyari dito.

10
Pagyamanin

Gawain 4: Hanapin at Kulayan Mo!

Panuto: Kopyahin ang puzzle at ilagay sa isang buong papel o maari din itong
iphotocopy. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng
pagkulay sa tamang sagot mula sa puzzle.

C D H O L A V I R A T O T R A

I M U D B R I C K S A T I S R

T A L A M A N A T H A Y O P T

L U P A N G S A K A H A N N I

D P I C T O G R A P H E L L F

E A T N I S E V E R D E E N A

L L A N K W A T E R C R A F C

I N D U S A T G A N G E S S T

E R T W D R A V I D I A N W E

1.Ano ang tawag sa mga bagay na nahukay mula sa Kabihasnang Indus? (pula)
2.Ano ang pangalan ng ilog na siyang pinagmulan ng Kabihasnang Indus? (dilaw)
3.Ano ang tawag sa mataas na moog ng Kabihasnang Indus? (berde)
4.Ano ang tawag sa kanilang sistema ng pagsulat? (kayumangi)
5. Anong pangkat ang bumuo sa Kabihasnang Indus? (asul)

11
Aralin
Kabihasnang Shang
3

Tuklasin

Gawain 5: Alamin mo!

1. Anong bansa ang isinasaad ng larawan?

____ _____ _____ ______ ______

2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa bansang ito?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

12
Suriin

1. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho at Yangtze sa kabihasnang Shang?


2. Ano ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Shang?
3. Paano nagwakas ang kabihasnang Shang?

Kabihasnang Shang

Ang Kabihasnang Shang ay


umusbong sa lambak sa pagitan ng
mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa
Sinaunang Tsina.Nagsimula ito noong
1500 B.C. nang maitatag ang mga
Dinastiyang Shang at Zhou. Naging
tagpuan ng Kabihasnang Shang ang
Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow
River dahil pagkatapos ng pagbaha

Ilog Huang Ho at Yangtze: http://rg21.jp/?p=1957

ang tubig nito ay nag iiwan ng dilaw na


lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang taunang
pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga
tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig
pati na ang paglalagay ng mga dike. Pinamumunuan ng mga paring-hari na

13
naging organisado sa pag-aayos ng kanilang
lungsod na napapalibutan ng mga matataas na
pader na naging pa ghahanda sa mga madalas
na digmaan sa kanilang lupain.
Piyudalismo ang sistemang panlipunan at
politika sa Kabihasnang Shang at laganap ang
sistema ng pang-aalipin. Nagtatamasa ang mga

Calligraphy : aristokrata ng karangyaan samantalang


https://theculturetrip.com/asia/china/articles/1
0-beautiful-characters-that-will-make-you-fall- namumuhay na parang aso ang mga alipin.
in-love-with-chinese/
Naniniwala sa animism o naniniwalang lahat ng
bagay sa kalikasan ay may kaluluwa, mayroon silang mga oracle bone o bahay
ng pawikan na sinusulatan ng pakikipag-usap sa kanilang diyos at namatay na
ninuno, sumasamba at nag-aalay sa mga ninuno para magdala ng suwerte sa
pamilya.
Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.
Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa
mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Ilan sa mga
ambag ng Kabihasnang Shang ay ang paggamit ng barya at chopsticks,
paghahabi at pagbuburda ng seda mula sa silkworm, paggamit ng bronze,
paggamit lunar calender, potters wheel, karwaheng pandigma at paglilimbag ng
unang aklat.
Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay
bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay
ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa
mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa
daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga
imperyo.

14
Paggamit ng harang laban sa mga mananakop.
Iginuhit ni K.D Avelino
Oracle bone.
https://debrabooks.wordpress.com/2014/06/13/
oracle-bones-the-original-fortune-cookies/
Pagyamanin

Gawain 5: Punan mo!

Panuto: Punan ng titik ang bawat patlang upang mabuo ang tamang salita na
tinutukoy sa bawat pahayag.

C_ _ _ _ _ _ _ _ 1. Sistema ng pagsulat ng mga Shang.

_ h_ _g 2. Kabihasnang umusbong malapit sa


Iambak sa pagitan ng Ilog Huang.

_ r a _ _ _ b _ _ _ _ 3. Butong panghula at paraan ng


pakikipag usap sa kanilang diyos.

_ u a _ _ _ o at _ a n g _ _ _ 4. Ilog na kung saan umusbong ang


kabihasnang Shang.

_ _ _ _ dalIs_ _ 5. Ang sistemang panlipunan at politika


sa Kabihasnang Shang.

15
Isaisip

Gawain 6: Sisimulan Ko, Tatapusin Mo!


Panuto: Tapusin ang sinimulang parirala sa ibaba.

1. Ang mga pagkakatulad ng tatlong kabihasnan ay


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ang mga pagkakaiba ng tatlong kabihasnan ay
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat mamamayan sa isang
kabihasnan dahil sa
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

16
Isagawa

Gawain 7: Itala at Sagutan Mo!

Panuto: Punan mo ng sagot ang talahanayan.


1.

Mga Lugar na Ilog Mga Ambag/kontri Dahilan ng


Kabihasnan Pinagmulan Katangian busyon Pagbagsak

Sumer

Indus

Shang

2. Bakit mahalaga ang ilog sa pagkabuo ng kabihasnan?

Rubrics:
Organisasyon - 5
Kalinisan - 5
Nilalaman - 10
Kabuuan 20 puntos

17
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa
sagutang papel.
______1. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile
Crescent
D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na
nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
______2. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na
tinawag na cuneiform?
A. Sumer B. Indus
C. Shang D. Lungshan
______3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na
kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal
C. Ziggurat D. Hanging Garden
______4. Ano ang tawag sa cuneiform, pictograph, at calligraphy?
A. Sistema ng Pagsulat B. Sistemang Pampolitika
C. Sistemang Panlipunan D. Sistemang Relihiyon
______5. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa pagitan ng Ilog
Huang Ho at Yangtze?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy
______6. Saang kabihasnan nagmula ang ziggurat ?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus

18
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______7. Bakit nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?


A. dahil sa mananakop.
B. kawalan ng mabuting pinuno
C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan
D. lahat ng nabanggit
______8.Saang kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng
kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______9. Saang kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel
at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______10. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na
pinaniniwalaang pinili ng langit?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin
ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa
kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay
nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang
ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang
panrelihiyon.

19
______12. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga
kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan
sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring
sumira
sa kanilang mga lupain kapag panahon ng pag-ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may
ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at
inayos
ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
______13. Ano ang tawag sa simbolo ng pagsulat na binunuo ng 500 na mga
simbolo?
A. Cuneiform B. Alibata
C. Calligraphy D. Dholavira
______14. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________.
A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat
B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
______15. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa
pagkakabuo ng kabihasnan?
A. Ilog B. Dagat
C. Lawa D. Talon

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like