You are on page 1of 25

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6
Pagpapaunlad Ng Mga Hilig

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6

Pagpapaunlad Ng Mga Hilig

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad Ng Mga Hilig
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Author/s: Fedila V. Quiano,
Virginia M. Cajan
Jessyl T. Garcia
Reviewer/Evaluators: Grace O.Gipulao
Lydia D. Malabas
Jocelyn B. Sumabat
Jhonrill L. Bulaga
Illustrator and Layout Artist: Marife Q. Bartolaba
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul 6: Pagpapaunlad Ng Mga Hilig
tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo
rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin --------------- 2

Aralin 6 --------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 6

Pagyamanin ---------------- 8

Isaisip ---------------- 9

Isagawa ---------------- 9

Tayahin ---------------- 12

Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - 15

Susi sa Pagwawasto - - - - - - - - - - - - - - - - 16

Sanggunian ---------------- 17
Alamin

Ang modyul na ito ay maaaring gabay mo bilang isang kabataan na


may angking talino, talento at kakayahan.
Dito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa


pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa mamamayan.
(EsP7PS-If-3.3); at

b. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga sariling


hilig. (EsP7PS-If-3.4)

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa kwaderno sa EsP.

1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain na gumaganyak


sa iyo na kumilos at gumawa.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga
2. Ito ay kalakasan upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad
ng musika o sining. Tinataglay ito ng tao ang kanyang talino o
kakayahang mag-isip.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga
3. Ito ang maging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging
kanais-nais, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang.
a. hilig b. mithiin
c. kakayahan d. pagpapahalaga
4. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong hilig? Dahil ito ay_______.
a. magbibigay-kahulugan sa pang-araw-araw na gawain.
b. makapagpapaunlad ng talento at kakayahan.
c. makatutulong sa pagtukoy ng mga bagay na nais mong gawin sa
libreng oras.
d. palatandaan ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at
kaganapan sa iyo.
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng hilig MALIBAN sa:
a. Si Jamir ay minulat ng kanyang ama na magiging inhinyero, taliwas
ito sa kanyang kagustuhan na magiging sundalo .
b. Hilig ni Emerlyn ang pagbabadminton at madalas siyang
nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

2
c. Natutuwa ang magulang ni Sharifa dahil tumutulong siya sa
kanilang patahian.
d. Nakahiligan ni Jesheryn na tumutulong sa mga outreach programs
at relief operations.
6. Ang pinakamahalagang maitutulong sa pagkakaroon ng bagay o
gawain na kinahihiligan ay _______.
a. nakapagpapasaya sa tao
b. nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
c. nakapagpapaunlad ng tiwala at kakayahan sa sarili
d. nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
7. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa:
a. suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. pag-isipan ang iyong libangan at paboritong gawin
c. siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo
d. suriin ang pamilya at kinahihiligang gawin na kasama mo
8. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Saan nakasentro
ang hilig ni Hadji?
a. Larangan : musikal Tuon: Tao
b. Larangan: musikal , artistic Tuon: Ideya
c. Larangan: musikal , literary Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musikal, literary Tuon: tao, datos, ideya
9. Ano ang ugnayan ng hilig sa pagpili ng mga kursong akademiko/
bokasyonal?
a. Magtutulak sa pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang
labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong
makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal.
d. Lahat ng nabanggit
10. “Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa
sarili o pagmamalaki”. Ang pahayag ay ________.
a. tama, dahil ito ang pinakamataas na antas sa pagtuklas ng hilig.
b. tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginawa ikaw ay masaya .

3
c. mali, dahil makakamit lang ito kung ginagawa mo sa pagtulong sa
kapwa.
d. mali, dahil mahalaga na magkatugma ang hilig sa talento at
kakayahan.
11. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagpapaunlad ng hilig ,MALIBAN
sa:
a. pagkakanta o paglilikha ng awit.
b. pagninilay kung paano makaahon sa buhay.
c. pagsasanay sa isports at ibang kinahihiligang laro
d. pagsusulat o paglilikha ng mga tula o sanaysay na
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi aspekto ng mga hilig?
a. nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor activities)
b. paghahanda para sa pagbabakasyon
c. nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan
d. nasisiyahang tumulong sa iba
13. Ang mga sumusunod ay pinagmulan ng mga hilig MALIBAN sa:
a. galing ito sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan
b. minamana ito sa mga magulang
c. natutunan ito mula sa karanasan
d. galing ito sa bayan
14. Ang mga sumusunod na mga pahayag ay mga positibong paraan sa
pagpapaunlad ng mga hilig, MALIBAN sa:
a. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
b. Madali akong mainis sa mga taong magulong kausap.
c. Mahalaga sa akin ang pag-aaral ng siyensya.
d. Natuto akong magluto at maghanda ng pagkain .
15. Ang mga sumusunod na mga pahayag ay angkop sa paghubog ng
kani-kaniyang mga hilig, MALIBAN sa:
a. Madali sa akin ang paglutas ng mga suliranin.
b. Madali akong sumuko sa mga pagsubok.
c. Pinananatili kong maging maayos at malinis ang aking mga
gawain.
d. Madali akong makabuo ng mga konsepto o paraan sa
pamamagitan ng pag-iisip.

4
Aralin

6 Pagpapaunlad Ng Mga Hilig

Ang pagkilala sa sarili ay gabay sa pagtupad ng mga tungkulin tungo


sa pagpapaunlad ng ating pagkatao. Tanda ito na ang bawat tao ay may kani-
kaniyang talento, kakayahan at kahinaan, mga hilig at tungkuling
gagampanan na magiging salik sa pagkamit ng mga minimithi sa buhay.
Magkaiba man ang ating hilig sa buhay, ang mahalaga’y may maganda
itong patutunguhan na maging kapaki-pakinabang balang araw. Sa kabila ng
mga pagsubok, may pag-asa tayo na kailangan nating pagtuonan ng pansin
gaya ng iyong mga hilig gawin upang maaaliw o malilibang kayo. Sa
bandang huli, namamalayan mo na nahasa at napagtagumpayan mo ang
lahat ng pagsubok.
May kasabihan, ”May bahaghari pagkatapos ng bagyo.”

Balikan

Gawain 1

Panuto: Pumili ng pinakahilig mong larawan sa ibaba, sabihin kung bakit


mo ito gusto. Kung wala sa pagpipilian ang iyong hilig, maari
kang gumuhit o magdikit ng sarili mong larawan. Isulat ang
sagot sa kwaderno sa EsP.

5
Tuklasin

Nasisiyahan ka ba sa iyong piniling mga hilig? Kung gayon mas


tutuklasin pa natin ang mga bagay o gawain na gusto mo talaga sa buhay.

Gawain 2 “ Hilig ko Talaga Ito”


Panuto: Magsulat ng limang pinakagusto sa buhay at iranggo ito mula sa
pinakagusto hanggang sa pinakahuling gusto. Maaaring ang
mga hilig na ito ay ginagawa mo sa bahay, sa paaralan o sa
pamayanan.

Mga Hilig Ranggo(Rank)


1
2
3
4
5

Suriin

Mga Hilig

“Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain.


Ang mga ito ang gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka
kung may motibasyon dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at
nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-
unlad.” (Santamaria, 2006)

Ang mga hilig ay maaaring:


a. Natutuhan mula sa mga karanasan
b. Namamana sa ating mga magulang.
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan.

6
Makatutulong sa iyo ang kasunod na mga hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong
gawain.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiiwasang gawin.

Sampung Larangan ng Hilig:


1. Outdoor – nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. Mechanical – nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3. Computational – nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
4. Scientific – nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman,
pagdidisenyo at pag-imbento ng mga bagay o produkto
5. Persuasive – nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa
ibang tao o pakikipagkaibigan
6. Artistic – nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga
bagay
7. Literary – nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat.
8. Musical – nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng
instrumentong musikal
9. Social services – nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. Clerical – nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang – opisina

Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa


isang gawain. Ito ay maaaring:
1. Tao – may kinalaman sa tao
2. Datos – may kinalaman sa mga records, files, numero
3. Bagay – gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)
4. Ideya – pag -iisip at pag-oorganisa ng mga ideya

7
Pagyamanin

Gawain 3

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa


kwaderno sa EsP at ipaliwanag ang mga sumusunod.

1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?


________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?
________________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Kopyahin at dugtungan ang mga konsepto sa pagpapaunlad ng
mgachilig gamit ang graphic organizer: Ang unang bilang ay
ginawa na para sa iyo.

1. Pagtupad sa mga
tungkulin

2
Ang pagpapaunlad ng mga hilig
ay nakatutulong sa:

8
Isaisip

Batay sa iyong natutunan, makabuluhan din ang paglinang ng iyong


hilig dahil naging daan ito sa pagkamit ng iyong minimithi sa buhay at
makatutulong ito sa pagbuo ng mga adhikain kahit nasa murang gulang pa.

Gawain 5

Panuto: Kopyahin ang tsart ayon sa hinihingi: Magtala ng limang hilig, at


isulat ang iyong sagot sa kwaderno sa EsP.

Mga taong Paraan sa


Paano ko
Mga Hilig makatutulong pagkamit ng
paunlarin
hilig
Tuturuan ang
Tutugtog ng
mga kaibigan lalo
Hal. Pagtugtog dalawang oras sa
Mga kaibigan na sa
ng gitara isang araw
naggigitara sa
simbahan

Isagawa

Gawain 6
Panuto: Kopyahin sa iyong kwaderno sa EsP ang nasa ibaba at isulat
ang bilang 1 hanggang 7 ayon sa iyong hilig (1 ang
pinakagugusto mo at 7 ang pinakahuling gusto mo.) Ang mga
larawan ay ang batayan ng pagraranggo ng mga gawaing
kinahihiligan.

Mga gawaing panlabas

9
Mga gawaing mekanikal

Mga gawaing may kaugnayan sa computer

Mga gawaing may kaugnayan sa pagdidisenyo

Mga gawaing may kaugnayan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga


akdang pampanitika

10
Mga gawaing pang-opisina

Mga gawaing tumutulong sa ibang tao (social services)

Pitong Larangan ng mga Hilig Bilang


Mga gawaing panlabas
Gawaing mekanikal
Gawaing may kaugnayan sa computer
Gawaing pagdidisenyo
Gawaing may kaugnayan sa pagbabasa at
pagsusulat
Gawaing pang -opisina
Gawaing tumutulong sa ibang tao

Sagutin: Isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP:


1. Ano -ano ang inyong natutuklasan sa pagraranggo ng iyong mga hilig?

2. May kaugnayan ba ito sa pagtupad ng iyong kursong teknikal –


bokasyonal, negosyo at hanapbuhay?

11
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang


titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP.

1. Kung ang iyong gusto ay magbasa ng aklat, ibig sabihin nito ay:
a. Hilig b. mithiin
c. layunin d. pangarap
2. Ang hilig ay preperensya sa isang partikular na ________.
a. gusto b. gawain
c. layunin d. adhikain
3. Ang hilig ay gumaganyak sa iyo na ________.
a. kumilos at sumulat
b. magsimula sa paggawa
c. magsimula at magpatuloy sa paggawa
d. lahat ng nabanggit
4. Gumagabay at tumutulong ang hilig sayo sa _________.
a. pag-unlad b. pag-aaral
c. pagsusumikap d. paggawa nang tuloy-tuloy
5. Kung ikaw ay nagtatrabaho na hindi naaayon sa iyong hilig, ikaw ay
________.
a. nagagalak sa ginagawa
b. nababagot kadalasan sa ginagawa
c. produktibo sa ginagawa
d. ninanais na ipagpapatuloy ang ginagawa
6. Ang pagiging bukas sa pagtulong sa kapwa ay nangangahulugang
_______.
a. may inggit na nangingibabaw
b. may nadamang kaunting kasiyahan
c. may pagpapahalaga sa iyong kapwa
d. may kaunting kakulangan sa pagmamahal sa kapwa.

12
7. Ang hilig na nagmula sa pagtulong sa hanapbuhay sa pamilya ay
______.
a. namana
b. iniwan sa iyo ng pamilya
c. natutunan mula sa karanasan
d. natutunan mula sa kapwa at kapaligiran
8. Ang taong nasisiyahang gumagawa ay nagsisikap na _______.
a. ipinagsasabi ang ginagawa
b. magtatagumpay sa ginagawa
c. ipinagyayabang ang ginagawa
d. matapos at ipinagmamalaki ang ginawa
9. Ang mga sumusunod ay mga positibong hilig ng mga kabataan,
MALIBAN sa:
a. bukas sa komunikasyon gamit ang gadget
b. paglalaro sa kinagigiliwang isports
c. pagbibisyo kasama ang barkada
d. makabuluhang gamit ng sosyal media sa pakikipagkaibigan
10. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig MALIBAN sa
______.
a. tukuyin ang ninais mong gawin
b. siyasatin ang gawaing pinili
c. kilalanin ang taong nakaiimpluwensya sa iyo
d. alamin ang mga gawaing magdudulot sa iyo ng kasiyahan
11. Kung nasisiyahan kang gawin ang isang bagay at nais mong
ipagmalaki, ito ay ________.
a. nagpapasaya sa iyo
b. nagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. nagbibigay ng paggalang sa sarili
d. lahat ng nabanggit
12. Ang mga sumusunod ay larangan ng hilig MALIBAN sa __________.
a. clerical
b. artistic
c. kasiyahan
d. social services

13
13. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng gawaing nagbibigay
kasiyahan, MALIBAN sa:
a. lagi mong ginagawa sa libreng oras
b. patuloy mong ginagawa ang isang bagay
c. hindi nakadama na pagkabagot sa paggawa
d. madali kang makadama ng pagod sa paggawa
14. Mahalaga ang hilig dahil nakatutulong sa _________.
a. pamumuhay ng pamilya
b. pagpili ng kursong kukunin
c. pagkakaroon ng pagkikitaan
d. lahat ng nabanggit
15. Ang lahat ay tuon ng atensiyon ng gawain MALIBAN sa _______.
a. bagay at datos
b. datos at tao
c. tao at ideya
d. ideya at kalikasan

14
Karagdagang Gawain

Gawain 7
Panuto: Gumuhit o gumupit ng mga larawan ng mga kurso , bokasyon o hilig
na pinapangarap. Ilagay sa kwaderno ng EsP.
Mga halimbawa:

Sagutin:

1. Bakit ito ang pinili mong larawan?

________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.

2. Bumuo ng repleksyon ukol sa napiling larawan.


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.

15
16
Mga sagot sa bahaging Tayahin
1. A Mga sagot sa bahaging Subukin
2. A
3. B 1. A
4. B 2. C
3. D
5. C 4. D
6. C 5. D
7. B 6. C
8. D 7. D
9. C 8. C
9. D
10. B
10. B
11. D 11. C
12. D 12. A
13. D 13. D
14. D 14. B
15. D 15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Electronics
__________________________________________________________________________________
https://www.google.com/search?q=picture+of+existentalist+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwje2crp2NXpAhU
GAKYKHZywCjIQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+existentalist+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQDFAAWABgPWgA
cAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=bDrPXt5zhoCYBZzhqpAD#imgrc=wlZNmO
GfQlEtAM&imgdii=HGbDUSaZXhCmvM

https://www.google.com/search?q=pictuure+of+naturalist+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwiu5MPU19XpAhV
N35QKHVzwBpwQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of+naturalist+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dl0hFYo50SYN
m1EmgAcAB4AoABmiCIAbCvAZIBBzctMi4xLjaYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=MznPXu7-
Gc2-0wTc4JvgCQ#imgrc=0yxoUOV5RUYaQM

https://www.google.com/search?q=pictuure+of+interpersonal+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwj78oOV1tXpA
hWFy4sBHeZKARAQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of+interpersonal+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Cp0RdY
ndwXYP3iF2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=oTfPXrueMoWXr7wP5
pWFgAE

https://www.google.com/search?q=pictuure+of+intrapersonal+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwjL1JKU1NXp
AhWZwIsBHYcUAyQQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of+intrapersonal+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1CSox9Y
1_MfYMb2H2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=hzXPXov1BZmBr7wP
h6mMoAI#imgrc=JN2z4zAmOoOcmM

https://www.google.com/search?q=picture+of+musical+rhythmic+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwjukLiF1NX
pAhXFI6YKHeDqBhcQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+musical+rhythmic+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1DvN
FjsWGDqX2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=aDXPXu68D8XHmAXg
1Zu4AQ#imgrc=KoHnYgGpiHRFPM&imgdii=KmDsR4BSKOdvkM

https://www.google.com/search?q=picture+of+bodily+kinesthetic&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=3Yhd3nJnlrlliM
%253A%252CgaUjWd0H2zalzM%252C_&vet=1&usg=AI4_kT0szS1UWqvBpQEla3nPf0FDRRURA&sa=X&ved=2
ahUKEwiP7Or_0tXpAhWbyosBHREOAx0Q9QEwBXoECAoQHA#imgrc=O7zXYLWVM5Rr3M

https://www.google.com/search?q=picture+of+mathematical%2Flogical+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwi4x
vO3z9XpAhUZKqYKHcrIAbEQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+mathematical%2Flogical+intelligence&gs_lcp=CgN
pbWcQA1Ci2gZY7rsHYK3CB2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=kzD
PXviwN5nUmAXKkYeICw&bih=652&biw=1215#imgrc=6asTKW22as_8-M

https://www.google.com/search?q=picture+of+verballnguisticl+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwiCreuCztXpA
hXRzIsBHSWgCqMQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+verballnguisticl+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dk9xVY
hLkWYMjAFmgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=GC_PXoLBC9GZr7w
PpcCqmAo&bih=652&biw=1215#imgrc=cH80D5N9urJsvM

https://www.google.com/search?q=picture+of+visual%2Fspatial+intelligence&tbm=isch&ved=2ahUKEwjk9Z34y9X
pAhVJdJQKHbssCvUQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+visual%2Fspatial+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCC
Ck6AggAOgYIABAIEB46BAgAEBg6BggAEAoQGDoECAAQHlC9liFYiekhYLvuIWgAcAB4AIABpAWIAfVPkgENM
C4xMS4xNS40LjIuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=6SzPXqTdBMno0QS72aioDw&bih=652
&biw=1215#imgrc=GwJnyhRaMq1bPM

https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=cartoon+icon+for+deepening&sa=X&ved=2ahUKEwjkt
JaIx9XpAhUtyIsBHSkB_kQsAR6BAgJEAE&biw=1215&bih=652#imgrc=ch_kv9cHUWQRwM&imgdii=poFJSTMGN
i3r4M

17
https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-2.html

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+different+types+of+designing+work&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjToOOXk9HpAhUXAaYKHWDbCn4Q2-
cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+different+types+of+designing+work&gs_lcp=CgNpbWcQA1CjsRlYhM4ZYL
bUGWgAcAB4AoABqgaIAbQvkgENMC4xLjQuMS4xLjMuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=
h9jMXpPBG5eCmAXgtqvwBw&bih=510&biw=1199&hl=en-US

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+different+types+of+writers+work&tbm=isch&ved=2ahUKE
win-OaKktHpAhVnzYsBHZ2EBFIQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+different&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgIIKTICCCkyAggpOgIIAFDGlxFYzbw
RYMTaEWgAcAB4AIAB6gGIAe0akgEGMC4xNy4zmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=X9fMXuf
MMeear7wPnYmSkAU&bih=510&biw=1199&hl=en-US

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+office+work&tbm=isch&ved=2ahUKEwiPg9XhkdHpAhUBb
JQKHdCAD8UQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+office+work&gs_lcp=CgNpbWcQA1CBiwRYqrgEYJq6BG
gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=CdfMXs_aIIHY0QTQgb6oDA&bih=
510&biw=1199&hl=en-US

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+social+services&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4rfW8jdHpAh
UYx5QKHVIIAtkQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+social+services&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ7bB
FWM7jRWDa50VoAHAAeAGAAfwCiAGTNJIBCDAuMTguNy42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img
&ei=itLMXvjALJiO0wTSkIjIDQ&bih=510&biw=1199&hl=en-US#imgrc=urXezrdVFvfE2M

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+soldier&tbm=isch&ved=2ahUKEwjIyq7h_tDpAhUN15QK
HSXBE0Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+soldier&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOg
YIABAIEB5Q7qquAVjZpK8BYLimrwFoAHAAeASAAZ8RiAHwmwGSAREwLjEuNC4zLjIuOC41LjktNJgBAKABAao
BC2d3cy13aXotaW1nsAFM&sclient=img&ei=HMPMXsjMJo2u0wSvrpLoBA&bih=510&biw=1199&hl=en-
US#imgrc=Evt5Xd-g0SxkKM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+policeman&tbm=isch&ved=2ahUKEwiQmZq9idHpAhXB
I6YKHUe8AH8Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+policeman&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ8JAKWIrB
CmCMxwpoAXAAeACAAbUEiAHeH5IBDDAuMTAuMS4yLjEuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img
&ei=Wc7MXtCIJMHHmAXH-IL4Bw&bih=510&biw=1199&hl=en-US#imgrc=jpEAc1cH0r0KWM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+teacher&tbm=isch&ved=2ahUKEwin7aSTitHpAhVE1ZQ
KHbKIBIcQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+teacher&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQl_gGWKiWB2CMn
AdoAHAAeACAAYoEiAHjLpIBCjItMS4xMC40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=Ds_MXqeu
B8Sq0wSykZK4CA&bih=510&biw=1199&hl=en-US#imgrc=2UWgsD6NAuhEkM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+doctor&tbm=isch&ved=2ahUKEwjvuoXOitHpAhVCApQ
KHWl5D04Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+doctor&gs_lcp=CgNpbWcQA1CpsRNY8ccTYJjNE2gAcA
B4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ic_MXq_SFMKE0ATp8r3wBA&bih=510&
biw=1199&hl=en-US#imgrc=se6FBKorQ23crM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+firemen&tbm=isch&ved=2ahUKEwiClbHsi9HpAhVNEKY
KHb1jCxMQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+firemen&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ6AKWNv5CmCl_
wpoAHAAeAGAAckIiAHdMJIBDTItMS40LjIuMy4xLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=1dDMX
sLWGM2gmAW9x62YAQ&bih=510&biw=1199&hl=en-US#imgrc=nK0jJTW0L_GkzM

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.gov.ph

You might also like