You are on page 1of 24

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Dignidad ng Kapwa Ko, Igagalang at
Pahahalagahan Ko

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Dignidad ng Kapwa Ko, Igagalang at
Pahahalagahan Ko

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Dignidad ng Kapwa Ko, Igagalang at Pahahalagahan Ko


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author/s: Julmar D. Salvacion
Reviewers: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J.
Anino
Illustrator and Layout Artist: Victor John D. Bate III, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 8 ukol sa Ang kaugnayan ng konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 9

Isaisip ---------------- 9

Isagawa ---------------- 10

Tayahin ---------------- 11

Karagdagang Gawain ---------------- 14

Susi sa Pagwawasto ---------------- 15

Sanggunian ---------------- 16
Dignidad ng Kapwa Ko,
Modyul
8 Igagalang at Pahahalagahan Ko

Alamin

Tradisyon sa mga Pilipino ang


pagmamano.
Ito ay kaugalian bilang paggalang, pagkilala o Kuha ni VJ Bate III

pagbati sa mas nakatatanda sa atin katulad sa mga


magulang, mga lolo at lola, mga tiyo at tiya, sa mga
ninong at ninang. Minsan pa nga kahit ang nakatatanda
lalo na ang mga lolo at lola na hindi naman talaga
kaano-ano ay binibigyan din natin ng paggalang.
Ginagawa natin ito bilang paghingi na rin ng basbas mula mismo sa taong
pinagmanuhan.
Ang lahat ng tao ay nilikha ng Diyos ayon sa Kaniyang wangis at
nakatatangap ng pantay na pagtingin at pagmamahal mula sa Kaniya. Walang
sinuman ang maaring mag-alinlangan dito. Ngunit ganito rin ba ang ating turing sa
kapwa? Ikaw ba ay masasabing may paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng
iyong kapwa?
Mga mag-aaral, matapos mong mabasa ang modyul, inaasahan na iyong:
1. napatutunayan na ang:
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsilbing daan upang mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
b. paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao. (EsP7PT-IIh-8.3)
2. naisasagawa ang pagtulong sa kapamilya, kaibigan o kakilala na iangat
ang pagpapahalaga sa kanyang sarili. (EsP7PT-IIh-8.3)
Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, pahabain ang iyong pasensya na
alamin at suriin ang iyong binasa. Sundin nang maayos ang panuto sa mga
gawain.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba tungkol sa dignidad ng tao. Pillin ang titik
ng tamang sagot. Ilagay sa dyornal notbuk.
1. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban
sa:
a. pakitunguhan ang kapwa ayon sa kanilang kakayahang magbigay
b. maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao
c. isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
d. igalang ang sariling buhay at buhay ng iba
2. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. magbigay ng panahon upang iparamdam sa kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
b. maging tapat sa iyong kapamilya lamang
c. pahalagahan ang mga matatanda lamang
d. handang tumulong sa mga taong may kakayahang tutulong sa iyo
3. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang
kapwa?
a. isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
b. isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa bayan
c. isang taong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan
d. isang negosyante na nagpapahirap sa kanyang mga manggagawa para sa
malaking kita
4. Ano ang dignidad ng isang tao?
a. pagiging karapat-dapat sa pagpapahalaga mula sa kapwa
b. pagtitiwala sa kakayahan ng iba
c. pagtitiwala sa sariling kakayahan
d. may paninindigan sa sarili

2
5. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad
bilang tao?
a. kausapin upang maitaas ang tingin sa sarili
b. tumawag sa DSWD para mabigyan siya ng disenteng pamumuhay
c. tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang mag-aruga sa kanya
d. bigyan siya ng pera at pagkain sa tuwing nangangailangan
6. Mahalaga ang tao dahil siya ay may
a. posisyon o kayamanan c. dignidad
b. impluwensiya d. pangarap
7. Bakit ang tao ay kaugnay ng Diyos?
a. sapagkat ang tao ay nangangailangan ng Diyos
b. sapagkat ang tao ay natatanging anak ng Diyos na may dignidad
c. sapagkat ang tao ay may isip
d. sapagkat ang tao ay may kilos-loob
8. Ano ang pinakamabuti mong gawin kung nakita mong kinuha ng iyong kaklase
ang iyong bagong ballpen?
a. Kaagad kunin ang ballpen sa kaklase at sampalin siya sa mukha
b. Ipagsigawan sa silid-aralan na may kumuha ng iyong bagong ballpen
c. Tanungin muna nang maayos ang kaklase kung bakit kinuha ang ballpen
d. Ipapatawag ang iyong kaklase sa guidance office
9. Ang sumusunod ay pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa
kapwa maliban sa
a. paggalang sa karapatan ng iyong kapwa
b. pagmamahal sa sarili lamang
c. pagpapahalaga sa buhay ng iba
d. pagbigay ng malasakit sa iba
10. Sino ang dapat igalang?
a. mga tao na may pinag-aralan
b. mga pinuno sa ating pamahalaan
c. mga matatanda
d. lahat ng nilikha ng Diyos

3
11. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng
a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong kakilala mo lamang
c. pagbibigay-halaga sa lahat ng nilikha
d. pagbigay-pansin lamang sa mga taong naging parte ng buhay
12. Alin sa sumusunod ay totoo?
a. may dignidad ang lahat ng tao
b. may ibang taong karapat-dapat sa ating pagmamahal
c. may mga bagay sa mundo na may dignidad
d. may mga taong walang dignidad sa ating lipunan
13. Bakit may mga taong hindi pinapahalagahan ang kapwa?
a. sapagkat may taong mas mataas ang halaga tulad ng iba
b. sapagkat iba-iba ang pag-iisip ng mga tao
c. sapagkat sila ay naging makasarili
d. sapagkat hindi lahat ng tao ay dapat bigyan ng halaga
14. Ang tao ay ang pinakabukod-tangi sa lahat na nilikha ng Diyos dahil
a. ang tao ay may prinsipyo sa buhay
b. ang tao ay makakapagsalita
c. sa taglay nitong isip lamang
d. sa taglay nitong isip at kilos-loob
15. Ang labis na kahirapan ay maaaring hadlang upang mapanatili o mas mapataas
ang dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan o mapataas ang
tiwala ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang
upang maging batayan at paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak.
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang
upang maisabuhay ng isang bata ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging matagumpay

4
Balikan

Mas nararapat sa tao na magbigay galang at pahalagahan ang dignidad ng


kapwa sa kanyang paligid. May mga kaganapan ba sa buhay mo na ginagalang o
napahalagahan ang iyong dignidad bilang tao?
Gawain 1: Ganap na karanasan ko
Panuto: Balikan at ilarawan ang mga karanasan mo sa buhay na binigyan ka ng
halaga o paggalang sa kapwa. Isulat ang iyong nararamdaman noong ikaw
ay iginalang at binigyan ng halaga sa taong kakilala o hindi mo kakilala. Isulat
sa dyornal notbuk ang kasagutan.

kaganapan kaganapan
sa buhay 1 sa buhay 2

Sitwasyon Sitwasyon

pakiramdam pakiramdam
matapos ang matapos ang
pangyayari pangyayari

5
S

Tuklasin

Kung ikaw ay iginagalang at pinahahalagahan ng iyong kapwa, nararapat din


ba na ikaw ay gumalang at magpahalaga sa kapwa mo? Alamin natin ang mga
patunay sa paggalang sa kapwa mo.
Gawain 2: Patunay sa paggalang ko.
Panuto: Gayahin ang graphic organizer sa ibaba at isulat ang mga patunay sa
paggalang sa kapwa. Sagutin ang pamprosesong tanong. Isulat sa dyornal notbuk.
Halimbawa: pagbati ng maayos sa mga nakatatanda.

_________

______ Mga patunay sa


_______
paggalang sa kapwa.

___________

Pamprosesong tanong:
1. Bakit kailangang pahalagahan at igalang ang iyong kapwa?

6
Suriin

Ang bawat tao ay kaugnay ng Diyos. Nangingibabaw ang paggalang at


pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay ang lahat. Samakatuwid,
kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang
natatanging anak ng Diyos na may dignidad.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa
paraang hindi makapanakit o makasisira ng ibang tao. Ang paggalang sa dignidad
ng tao ay ang nagsisisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal
sa sarili. Nagmula ito sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon natin ang:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang
magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling
pagkatao. sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay
hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig
mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong
gagawin? nararapat pa ba itong gawin o hindi na.
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo.
Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga
sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa
mabuting pakikipagugnayan. Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mo sa
iyong kapwa.

Paano ba natin maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


isang tao?

7
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang
bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari may mga
taong makasarili sa saysay at halaga ng tao.

Ikalawa, ang paggalang at


pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay
ibinibigay hangga’t siya ay
nabubuhay. Dapat ay patuloy mong
isinasaalang-alang at hinahangad ang
lahat ng makabubuti para sa iyong
kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal
ng anak sa magulang ay dapat walang
pasubali o walang hinihintay na kapalit
(unconditional). Hindi nararapat na
Ang pagsunod sa utos ng ating magulang ay
mabawasan ang paggalang ng anak sa
patunay ng paggalang sa kanila.
kaniyang mga magulang kapag ang
mga ito ay tumanda na at naging mahina.
Mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat
ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob. Nakatatanggap tayo ng
labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya. Minsan ay
bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng kakulangan.
Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa
ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Nagmumula ang
kahalagahang ito hindi sa anumang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya
bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi
na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat
tao sa anumang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong
kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala
na tayo ay ANAK ng DIYOS.
Dapat kinikilala ang tao at iginagalang ang kanyang pangunahing karapatan.
Kailangang kilalanin ng tao ang kanyang kapwa bilang katulad niyang tao na
nangangailangan ng paggalang at pagpapahalaga.

8
s Pagyamanin

Iyong natutunan ang kahalagahan sa paggalang at pagpapahalaga ng


dignidad sa kapwa. Paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang dignidad ng
iyong kapwa?
Gawain 3: Dignidad ng kapwa ko, aalagaan ko!
Panuto: Mag-isip at gumuhit ng dalawang paraang makatutulong na
mapangalagaan ang dignidad sa kapwa. Ilagay sa iyong dyornal notbuk. Maaring
lagyan ng kulay at gawing malikhain.

Isaisip

Ating tunghayan ang iyong natutunan sa modyul na ito.


Panuto: Punan ang gawain sa ibaba. Kopyahin ang graphic organizer at Ilagay ang
sagot sa iyong dyornal notbuk.

ay nagmumula sa
_________

Ang paggalang
sa DIGNIDAD
ng tao

at nagsisilbing daan upang


____________

9
Isagawa

Sa pag-angat ng iyong sarili ay dapat iangat din ang dignidad ng iyong


kapwa. Makabuluhan ang buhay ng tao kung naisasagawa ang pagtulong sa
kapwa na mapahalagahan ang kanilang sarili.
Gawain 4: Kapwa ko, iaangat ko!
Panuto: Pumili ng isang pamilya, kaibigan o kakilala na kulang ang tiwala sa
sarili. Kausapin at tulungang maiangat ang kanyang pagpapahalaga at tiwala
sa sarili. Isulat ang iyong sagot sa dyornal notbuk gamit ang pormat sa ibaba.
Pangalan: _________________ (optional)
Edad: _______
1. Mga dahilan ng kakulangan ng tingin o tiwala sa sarili
____________________________,
____________________________.
2. Mga hakbang na gagawin ko sa pag-angat sa pagpapahalaga sa kanyang sarili
____________________________,
____________________________
3. Mga epekto ng ga hakbang na ginawa ko sa kanya
____________________________,
____________________________.

10
Tayahin

Ating alamin ang mga natutunan mo sa modyul na ito.


Panuto: Basahin at sagutin nang mabuti ang pagtataya. Isulat ang wastong titik sa
bawat tanong sa iyong dyornal notbuk.
1. Bakit pahahalagaan mo ang tao bilang tao?
a. sapagkat ang tao ay may imahinasyon
b. sapagkat ang tao ay iba sa mga hayop
c. sapagkat hindi mawawala ang kanyang pagiging tao at dangal
d. sapagkat ang tao ay hindi bagay
2. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hanggat siya
ay:
a. nabubuhay pa c. may pinag-aralan
b. pinuno d. matanda na
3. Alin sa mga sumusunod na pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat
a. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
b. pagbibigay ng pera at materyal na bagay ay sapat na
c. mabawasan ang paggalang kapag ang mga magulang ay matanda na
d. Ilagay sa “home for the aged” para mabigyan ng pansin sa mga caregivers
4. Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay nitong
a. lakas at talino c. emosyon at isip
b. Imahenasyon d. isip at kilos-loob
5. Bakit bulag tayo sa katotohanan na ang Diyos ay nagbigay sa atin ng labis-labis
na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga?
a. dahil hinahanap natin sa ating sarili ang lahat na ating nakikita sa iba
b. dahil espesyal ang turing sa iba kaysa sa atin
c. dahil marami ang biyaya sa iba kahit na sila ay masama
d. dahil hindi natin binigyan ng pansin ang dapat nating makita.
6. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. ibigay ang bahagi ng sarili sa ating kakilala lang.
c. maging tapat sa sarili.
d. maglaan ng panahon sa mga sariling pagninilay.

11
7. Mapapangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng
a. pagtingin sa bawat tao na may silbi sa ating buhay
b. pagtingin sa bawat tao na kaugnay sa Diyos
c. pagmamahal sa ating pamilya lamang
d. pagmamahal sa mga nagmamahal sa atin
8. Mangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapwa-tao dahil
a. pantay-pantay ang lahat sa mata ng Diyos
b. may batas tayong sinusunod
c. may isip tayo
d. tungkulin nating bigyan ng pansin ang tao
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ginagalang ang sariling buhay?
a. magnakaw para maging mayaman at matustusan ang sariling pangangailangan
b. magbenta ng sariling laman para makatulong sa sariling pag-aaral
c. magbenta ng mga gulay para pansuporta sa sariling pangangailangan.
d. manakit sa iyong sarili kapag ikaw ay bigo sa pag-ibig
10. Ang sumusunod ay nararapat ipakita sa iyong kapwa maliban sa
a. pagmamahal sa kapwa
b. pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan
c. pagpapahalaga sa buhay ng tao
d. pagpapahalaga sa pamilya lang
11. Mahalaga ang tao dahil siya ay may
a. kayamanan
b. impluwensiya
c. dignidad
d. panaginip
12. Paano mo higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng kaniyang pagpapasiya ay dapat sundin
b. Ipaglaban ang iyong mga katwiran
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
d. Suportahan nalang ang kanilang mga programa

12
13. Natututunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin
b. pagsangguni sa mga barkada na nakauunawa sa kaniya
c. pakikinig at pagsasabuhay sa itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda
14. Ang sumusunod ay pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa
kapwa maliban sa
a. paggalang sa karapatan ng iyong kapwa
b. pagmamahal sa sarili lamang
c. pagpapahalaga sa buhay ng iba
d. pagbigay ng malasakit sa iba
15. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad
maliban sa:
a. pakitunguhan ang kapwa ayon sa kanilang kakayahang magbigay
b. maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao
c. isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
d. igalang ang sariling buhay at buhay ng iba

13
Karagdagang Gawain

Sa pamamgitan ng iba’t-ibang paraan at programa, ang ating pamahalaan ay


nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Mas mabuting
alamin at isaliksik at ang mga ito.
Panuto: Magsagawa ng pananaliksik at magtala ng isang (1) programa ng
pamahalaan na kumikilala sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa
dignidad ng ating kapwa Pilipino. Isulat ang programa o proyekto ng
pamahalaan, ang layunin at paano nito naiaangat ang dignidad ng tao. Isulat
ito sa dyornal notbuk.

Programa o Proyekto ng Layunin ng programa o Paano naiaangat ang


pamahalaan proyekto dignidad ng tao
1.

Binabati kita! Natapos mo na ang isang modyul. Naniniwala akong iyong


napagtagumpayan ang pagkakaroon ng kaalaman, kakayahan, konsepto at
pagganap na natutunan sa modyul na ito.

14
15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Mga Aklat

Compendium of the Social Doctrine of the Church. Word and Life Publishing. (2004).
Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila: Sinag-tala
Publishers, Inc.(1990).

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa


Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC). Pasig City: Awtor

Dy, Manuel Jr., et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng Mag-aaral. Unang


Edisyon, 2013. Kagawaran ng Edukasyon

Hartwell F. What Is Low Self-Esteem? - Do You Have Any Of These 7 Indicators of Low
Self-Esteem? Retrieved from http://ezinearticles.com/?What-Is-Low-Self-Esteem?---Do-You-
Have-Any-Of-These-7-Indicators-of-Low-Self-Esteem?&id=5377225 on October 6, 2011

Lee, Patrick. Human Dignity (n.d.) Retrieved January 9, 2010 from


http://www2.franciscan.edu/plee/human_dignity.htm

Mga Larawan

Kuha ni Victor John D. Bate III

Modelo ay si Junvien L. Valiente

Kinuha noong June 01, 2020 sa Upper Centro, Tudela, Misamis Occidental.

Online

http://saksingayon.com/special-report/pagiging-magalang-kulturang-pinoy/

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

18

You might also like