You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Kabihasnan at mga
Katangian Nito

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Joanna Mae L. De la Cruz
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Region 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulag, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Kabihasnan at mga
Katangian Nito

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education- Region 10 at region10@deped.govph

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 1 ukol sa Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin ---------------- 3
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 5
Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 12
Isagawa ---------------- 12
Tayahin ---------------- 13
Karagdagang Gawain ---------------- 14
Susi sa Pagwawasto ---------------- 15
Sanggunian ---------------- 16
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol sa kung paano nabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya at kung
paano namumuhay ang mga sinaunang Asyano.

Saklaw ng modyul na ito ay ang pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at ang
mga Konsepto kung Paano Nabuo ang mga Sinaunang Pamayanan

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

(AP7KSA-IIb-1.3)

1. matutukoy ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya


2. mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad ng
sinaunang tao sa Asya
3. makakalikha ng isang poster na nagpapakita ng kaibahan ng kabihasnan
at sibilisasyon.

1
Subukin

Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Sa larangan ng siyensya, ang Teorya ng Ebolusyon ng biologist na


si Milford Wolpoff ay ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa
pinagmulan ng unang tao sa daigdig.
________ 2. Ang fossils ay ang anumang mga kasangkapang ginagamit ng
sinaunang tao na siyang isa sa mga ginagamit na pangunahing ebidensya sa
ebolusyon ng tao.
________ 3. Hominid ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga
siyentipiko sa sinaunang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures)
na naglalakad ng tuwid sa panahong prehistoriko.
________ 4. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid.
________ 5. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may kakayahang
gumawa ng mga kasangkapan.
________ 6. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng
Homo species na nagtungo sa ibat-ibang panig ng daigdig at nakarating sa Asya
at Europa.
________ 7. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa
isang lugar.
________ 8. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at mag-
alaga ng hayop.
________ 9. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko.
________ 10. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa
kalikasan.
________ 11. Ang terminong kabihasnan at sibilisasyon ay may iisang kahulugan.
________ 12. Ang sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Griyego na “Civitas” na ang
ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugang “ng mga mamamayan”.
________ 13. Ang Uruk ay isa sa mga kinilalang unang lungsod-estado na nabuo
sa Asya.
________ 14. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nabuo malapit sa mga lambak-
ilog.
________ 15. Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na “hasa” sa wikang
Filipino na ang ibig sabihin ay sanay o ang pagsasanay upang maging bihasa.

2
Australopithecine

Aralin Konsepto ng Kabihasnan at


mga Katangian Nito

Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay


maraming tanong sa ating isipan tungkol dito at sa mga pangyayaring nagbigay-
daan sa pagsibol ng Kabihasnan sa Asya. Saan nagmula ang mga unang tao sa
Asya? Paano sila namumuhay? Paano nabuo ang sinaunang kabihasnan sa
Asya?

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na Aralin, balikan muna natin ang iyong mga
natutunan sa mga nakaraang modyul.

Panuto: Sagutin. Bakit kailangan mong matutung bumasa at sumulat?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3
Tuklasin

Gawain 1: GAMIT NILA NOON, GAMIT KO NGAYON, LEVEL UP!

Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na nasa


unang kolum. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito
ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang nasa halimbawa.
Hal. 1. Dahon = A = F
MGA KAGAMITAN NOON NGAYON
1. A. F.
Dahon
2. B. G.

Puno

C. H.
3.

Clay o luwad

D. I.
4.

Balat ng
hayop

E. J.
5.
Buto ng
hayop
F. K.
6.
Bato

4
Suriin

1. Ano ang naging batayan ng pinagmulan ng tao sa Asya?

2. Paano naitatag, namuhay, at umunlad ang pamayanang Asyano noong unang


panahon?

Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig

Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t-


ibang bahagi ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pag-
aaral sa ebolusyon ng tao. Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng mga
halaman, hayop at tao samantalang ang artifacts ay anumang mga
kasangkapang ginagamit ng tao. Ganunpaman, mayroon ding dalawang
aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang bayolohikal at
kultural. Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad
ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay ang
siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag- unlad. Batay naman sa
ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay
ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

Fossils Artifacts

5
Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng Ebolusyon
ng Tao ng isang French naturalist na si Jean Baptiste Lamarck (1809) subalit
kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag hanggang sa
nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858.
Pinag- ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanang sa kanyang aklat na Origin of
Species noong 1859. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan (ladder) ang
pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang nagsilbing pundasyon ay ang
ninunong malabakulaw (apelike ancestors) at ang mga modernong tao (Homo
sapiens) ang nasa pinakatuktok.

Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng bipedal


primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang silangang
bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng mga hominid. Ang mga ito
ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong pangkat- ang Ardipithecus Ramidus,
Australopithecine at Homo.

Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar,


Ethiopia na ardi na nangangahulugang ground floor at ramid na
ang ibig sabihin ay root. Tinatayang sila ay may taglay na
katangian ng chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa
Ardipithecus Ramidus
pagiging bipedal).

Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na


nangangahulugang Southern Ape. Ito ay nagtataglay ng
magkaparehong katangiang tao at bakulaw. Sila ang sinasabing mga ninuno ng
makabagong tao.

6
Gayunpaman, ang Homo naman ay nagmula sa
salitang Latin na nangangahulugang “tao”. Sila ay may mas
malalaking utak at may kakayahang makalikha ng mga
kagamitan.

Homo

Ang Homo ay nahahati sa tatlong species Homo Habilis (handy man),


Homo Erectus (upright man), at Homo Sapiens (wise man). Ang mga Homo
Erectus ay ang unang pangkat na lumabas sa kontinenteng Africa at nagpunta sa
iba’t ibang kontinente kasama na ang Asya.

Homo Habilis Homo Erectus Homo Sapiens

Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang Asyano

Ang Panahon ng Bato ay ang panahon ng paglilinang ng tao na nahahati


sa dalawa: Paleolitiko (Lumang Bato) at Neolitiko (Bagong Bato)

A. Panahong Paleolitiko ang mga tao ay:

 Nomadiko (walang permanenteng


tirahan)
 nangangaso at namumulot ng
pagkain
 gumagamit na ng kamay di
kagaya ng hayop
 nakapagsalita at nakatanggap ng Panahong Paleolitiko
anumang impormasyon

7
 mas malaki ang utak bunga ng pagiging mas matalino sa mga hayop
 nakakalakad na ng maayos at may pisikal na katangian
 mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba
 gumagamit ng apoy

B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay:

 napag-aralang gumamit ng matalas, makinis at matulis na kasangkapang


yari sa bato
 natutong magsaka at mag-alaga ng
hayop
 namuhay sa permanenteng lugar
 naging malikhain gaya ng paghahabi
ng tela, paggawa ng lutuan, basket,
palayok at gamit sa bahay
 namuhay na magkasama na naging Panahong Neolitiko
sanhi sa pagkabuo ng isang pamayanan,
pagkaroon ng lider, at pagtatag ng organisadong pamahalaan

C. Panahon ng Metal ang mga tao ay:

 gumamit ng mga bagay na yari sa


metal (tanso o copper)
 gumawa ng mga mamahaling bagay
gaya ng alahas at kagamitang
pandigma
 nakaimbento ng bronze, pinaghalong
metal na tanso at metal na tin
 nakalikha ng mga kagamitang
pansaka at kagamitang panlaban o mga armas na may matatalim na bahagi
 sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang- alay sa mga diyos at mga
bariles na mula sa bronse
 nadiskubre din ang iron o bakal

8
 gumawa ng kagamitang yari sa bakal na siyang panlaban sa mababangis
na hayop
 natutong maghabi at mag-ukit sa mga kahoy
 mangalakal gamit ang sistemang barter at barya
 gumawa ng mga sasakyang pandagat para sa kanilang kalakalan

Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa


Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na
“SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na
ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan namang “ng mga
mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.

Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman ay isang terminolohiya ng


mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang
ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon ang
kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng
tao. Sakop nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa
lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at
sining.

May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan, mataas
na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng
pagsusulat.

9
Saan nabuo ang mga unang kabihasnan?

Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya ay nagsimula sa


mga mataas na lambak na nasa tabi ng pinagmumulan ng mga anyong tubig gaya
ng ilog.

Ilan sa mga unang lungsod estado na nabuo sa Sumer o Mesopotamia na


Iraq sa kasalukuyan ay ang Uruk, Catal Huyuk, Jericho, Ur, Lagash at Umma.

10
Pagyamanin

Gawain 2: PICK IT UP!


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng
pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum.

pagsasaka kariton alahas permanenteng tirahan

apoy nomadiko kweba magaspang na bato


barya
organisadong pangangaso
barter
pamahalaan
makinis na kasangkapang yari sa bakal na
sasakyang kasangkapan na panlaban sa mga mababangis na
pandagat yari sa bato hayop

PANAHONG PALEOLITIKO PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL

1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

11
Isaisip

1. Ang ________ at ________ ay ang ginamit na pangunahing ebidensya sa


pinagdaanang ebolusyon ng tao.
2. Ang pinagbatayan ng pinagmulan ng unang tao ay ang Teorya ng
_____________ ng biologist na si Charles Darwin.
3. __________ ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko
sa mga unang tao at iba pang nilalang na malatao na naglalakad ng tuwid
noong panahong prehistoriko.
4. Ang Homo species ay binubuo ng tatlong pangkat, ang mga ito ay ang
______, ______ at ______.
5. Ang _______ ay nag-ugat sa salitang Pilipino na hasa, samantalang ang
sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Latin na _______ at ______.

Isagawa

Gawain 3: POSTER

Panuto: Gumawa ng poster na naglalarawan sa iyong naunawaan tungkol sa


pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon. Ikolum ito at ilagay sa isang long
bondpaper.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

12
Tayahin

Panuto: Ibigay ang tamang sagot na hinihingi sa bawat aytem. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
_____1. Ito ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa
mga unang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures) na
naglalakad nang tuwid noong panahong prehistoriko.
_____2. Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa
pinagmulan ng unang tao sa daigdig?
_____3. Ito ay ang pangkat ng Homo species na tinatawag na taong nag-iisip.
_____4. Ang tawag sa anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at
tao na siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pinagdaanang ebolusyon ng
tao.
_____5. Ito ay kabilang sa pangkat ng Hominid na nagtataglay ng katangian
ng isang ganap at tunay na tao.
_____6. Sa kontinenteng ito nagmula ang unang pangkat ng Homo erectus na
nagtungo sa ibang panig ng daigdig na nakarating sa Asya at Europa.
_____7. Sa panahong ito, ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
_____8. Ito ang tawag sa mga taong palipat- lipat o walang permanenteng
panirahan sa panahon ng Paleolitiko.
_____9. Sa panahong ito, natutong pakinisin ng mga tao ang kanilang
kasangkapan na yari sa bato.
_____10. Ito ay nag-ugat sa salitang Latin na “civitas” at “civilis”.
_____11. Ito ay nag-ugat sa salitang Filipino na “hasa” na ang ibig sabihin ay
sanay.
_____12. Dito naitatag ang pinakaunang siyudad sa buong Asya at daigdig.

13
_____13. Ang pisikal na katangian ng isang lugar na may malaking
impluwensiya sa pagkakabuo ng mga sinaunang kabihasnan.
_____14. Ito ay maituturing na isang mataas na antas ng pamumuhay.
_____15. Ito ay tawag sa Mesopotamia sa kasalukuyan.

Karagdagang Gawain

Gawain 4: I-SEARCH MO!

Magsaliksik sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus at Shang).


Maaring sa google or sa mga batayang aklat ng Araling Panlipunan. Punan ng
tamang sagot ang kolum na nasa ibaba mula sa mga nasaliksik.

KABIHASNAN LUGAR SAAN ILOG NA SISTEMA NG


UMUNLAD MATATAGPUAN PANULAT

1. SUMER

2. INDUS

3. SHANG

14
Sanggunian

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan:


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon: VIBAL Publishing House,
Inc., p. 128-31

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: EDURESOURCES Publishing Inc., p. 105-
111

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan Ikatlong Taon: VIBAL Publishing House, Inc., p. 22- 39

pixabay.com

https://www.slideshare.net/jennyvinluan96/pamumuhay-ng-mga-sinaunang-pilipino

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like