You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 6:

Yamang Tao ng Asya


Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Yamang Tao ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod,


Lungsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evelyn B. Mojica
Editor: Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Jun S. Nicolas, Vernida Pitos, Mary Ann Ang, Leonilo C. Angeles I
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Juan C. Obierna, Chief, CID
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Yamang Tao ng Asya
Paunang Salita
Ang Modyul na ito sa Araling Panlipunan 7- Kasaysayan ng Asya ay nababatay
sa Most Essential Learning Competencies (MELC) upang magsilbing gabay ng mga
mag-aaral sa ika-pitong baitang sa pag-aaral ng Yamang Tao sa Asya.
Sa araling ito, matututunan ng mga mag-aaral ang populasyon, komposisyon
ayon sa haba ng buhay, bilang ng marunong bumasa at sumulat, dami ng
pinapanganak, bahagdan ng paggawa, migrasyon, at mga pangkat etniko ng mga
rehiyon.

Sa paggamit ng Modyul na ito, inaasahang matututunan ang kaalamang


itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon alinsunod sa K-12 Curriculum.

Para sa guro:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na matutunan sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Yamang Tao ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili .

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong maturuan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.Ang
modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

ii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong mahasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iii
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang magtanong ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Yamang Tao ng Asya

Maraming bansa sa Asya ang maituturing na mauunlad at ang iba


naman ay papaunlad pa lamang. Ang kalagayang pang-ekonomiko ng mga
bansang ito ay bunsod ng pinagsama-samang galing at lakas ng mga
naninirahan dito. Ang Asya ang pinakamataong kontinente sa daigdig. Narito
ang maraming pangkat ng tao na humubog sa sarili nilang pagkakakilanlan.
Bilang isang Asyano at Pilipino, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung gaano
karami ang mga naninirahan dito? Naisip mo ba kung may pagkakatulad ba
ang iyong wika at kultura sa ibang mga Asyano? Kung hindi pa, halina’t
tuklasin ang komposisyon ng populasyon sa Asya at kung ano ang epekto nito
sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Ang Modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang malaman mo ang


mahahalagang datos ukol sa komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng
yamang tao sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya, kasama na ang mga pangkat-etniko
sa mga rehiyon sa Asya.

Sa araling ito, bibigyang pansin sa pagtalakay ng yamang tao ang mga


sumusunod:
 Kahulugan ng yamang tao
 Kahalagahan ng yamang tao
 Pangkat etnolingguwistiko
 Batayan ng pagkakahati ng mga Pangkat Etnolingguwistiko
 Komposisyon ng populasyon
 Katangian ng populasyon sa Asya

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:

 Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang


tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon.

(AP7HAS-li1.9)

1
Mga Tiyak na layunin:
 Naibibigay ang mga bumubuo sa komposisyon ng populasyon.
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng demograpiya, populasyon, at yamang tao.
 Natatalakay ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko ng mga bansang
Asyano.
 Nasusuri ang mga datos hinggil sa komposisyon ng populasyon ng mga
bansang Asyano.
 Napahahalagahan ang yamang tao ng mga bansang Asyano sa pagpapaunlad
ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Subukin

Panimulang Pagtataya
Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang
iyong sagot sa isang papel.

1. Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng mga magulang sa


kanilang mga anak. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsisikap ng mga
magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak?
A. Magiging tagapagtaguyod ng kanilang pamilya
B. Mas madaling makahanap ng trabaho kapag nakapagtapos ng pag-
aaral
C. Madaling mangibang bansa upang maghanap ng trabaho
D. Makabibili ang anumang nais

2. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay biniyayaan ng maraming likas na


yaman dahil sa mainam na klima nito, kung kaya’t mas marami ang bilang
ng tao dito. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan dito?
A. Pagtotroso B. Paghahayupan C. Pagsasaka D.Pagmimina

3. Ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga tao ay may kaakibat na suliraning


pangkapaligiran. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng kakulangan ng espasyo
sa pook panirahan?
A. Pagkawala ng biodiversity C. Pagkakalbo ng kagubatan
B. Pagkagutom D. Pagdami ng polusyon

4. Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa bilang ng lakas-paggawa.


Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng yamang tao sa isang bansa?
A. Marami ang makikinabang sa mga likas na yaman
B. May gagawa ng mga kalakal at serbisyo
C. May lilinang sa mga likas na yaman upang matugunan ang mga
pangangailangan
D. Magkakaroon ng kumpetisyon sa paggamit ng mga likas na yaman

2
5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na may maraming bilang ng mga
nangingibang bansa. Ano ang pangunahing dahilan ng patuloy na pagdami
ng kanilang bilang?
A. Kakulangan sa trabaho sa kanilang lugar
B. Mataas na sahod sa ibang bansa
C. Matakasan ang problema sa pamilya
D. Kawalan ng tiwala sa gobyerno

6. Ang Asya ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko.Ano ang pangunahing


pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko?
A. kasuotan at mga palamuti
B. relihiyon at kultura
C. wika at kultura
D. edukasyon at kaugalian

7. Ang Asya ang bumubuo sa higit 60 porsyento populasyon sa daigdig. Ano ang
kaakibat na suliranin kapag patuloy na dumadami ang bilang ng tao sa isang
bansa?
A. Lumalaki ang bilang ng mga walang trabaho
B. Dumarami ang nagkakahawaan ng sakit
C. Tumataas ang bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral
D. Maraming pinagkukunang yaman ang kailangang gamitin

8. Ang mga bansa sa Asya ay may iba’t ibang grupong etnolingguwistiko. Sa


Pilipinas makikita din ang maraming pangkat etniko. Paano mo
pahahalagahan ang kulturang mayroon ang pangkat na iyong
kinabibilangan?
A. Igalang at ipagmalaki ang pamanang kultura ng inyong pangkat
B. Gamitin ang social media para ipakilala ang inyong kultura
C. Parangalan ang mga tagapagtaguyod ng inyong pangkat
D. Sumulat ng liham pasasalamat sa mga natitirang grupong etniko

9. Ang pamilyang Asyano ay kadalasang inilalarawan bilang patriyarkal.


Sa sistemang ito ang lalaki ang mas may higit na may kakayahang
magpatakbo ng pamilya. Ano ang mahihinuha mo dito?
A. Ang lalaki ay may mas malakas na pangangatawan.
B. Walang kakayahan ang mga babaeng lagpasan ang mga lalaki.
C. Maraming bilang ng mga lalaki ay tagapagtaguyod ng pamilya.
D. Mas magaling ang mga lalaki kaysa mga babae.

10.Ang yamang tao ay ang tagapaglinang ng mga likas na yaman ng bansa


upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng mga tao.
Ngunit sa kabila nito, marami pa din ang nananatiling hindi kabilang sa
lakas-paggawa. Ano ang pinakamagandang solusyon para dito?
A. Magkaroon ng mga programa ang gobyerno na magbibigay ng
trabaho na naangkop sa kakayahan ng mga walang trabaho.

3
B. Unahing bigyang pansin ang mga nakapagtapos ng pag-aaral.
C. Ipatupad ang balik-probinsya program kahit tapos na ang pandemya
upang mabawasan ang walang trabaho sa kamaynilaan.
D. Manghikayat ng mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo na
mapapasukan ng mga nangangailangan ng trabaho.

11.Ang wika ang pangunahing batayan ng pagkakakilanlan ng isang pangkat


etniko. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng wika maliban sa,
A. mabilis na naipaaalam ang mga napapanahong isyu.
B. nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
pakikipagtalastasan sa kapwa.
C. sukatan ng pagpapangkat ng uri ng lipunan.
D. pangunahing batayan sa paghubog ng kultura.

12.Marami sa pamilyang Pilipino na ang nais ay isa o dalawang anak lamang.


Ano ang pangunahing dahilan ng mababang bilang ng anak?
A. Maraming babae ang nag-aasawa nang may edad na kung kaya maliit
na ang porsyento na mag-anak ng marami.
B. Malaking porsyento ng mga may-asawa ang nangingibang bansa.
C. Mataas na antas ng edukasyon at pamumuhay.
D. Bukas ang isipan sa mga programa higgil sa pagpaplano ng pamilya.

13.Ang lakas paggawa ay isa sa mga salik sa kaunlaran ng bansa. Paano


mapangangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga manggagawa?
A. Manghikayat ng mga mamumuhunan sa mga pook rural
para sa maiwasan ang pagdami ng mga tao sa mga pook urban.
B. Maglaan ng malaking pondo para sa mga maliliit na negosyo
C. Bigyang- pansin ang mga benepisyo at kaligtasan ng mga
manggagawa.
D. Limitahan ang paggamit ng makinarya upang mas maraming
manggagawa ang maaaring makapagtrabaho.

14.Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay sagana sa likas na yaman, ngunit


sa kabila nito mataas pa din ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan.
Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Marami ang kulang sa pinag-aralan.
B. Pabilis na pagdami ng mga ipinapanganak.
C. Maraming nakapagtapos na hindi pa nagtatrabaho.
D. Nagkakaroon ng agawan sa mga pinagkukunang-yaman.

15.Ang migrasyon ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang


ng tao sa isang lugar. Ano ang kahulugan ng migrasyon?
A. Paninirahan ng isang taon sa ibang lugar
B. Pansamantalang pagtigil sa mga nadadaanang lugar.
C. Permanente ang paglipat ng lugar.
D. Malapit ang nililipatang lugar

4
Modyul

6 Yamang Tao ng Asya

Masasabing ang kaunlaran ng isang bansa ay batay sa bilang ng lakas-


paggawa nito. Naisasakatuparan ang layuning matugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan kung ang mga pinagkukunan ay nakasasapat
sa bilang ng tao na naninirahan dito. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng
sama-samang pagharap sa anumang hamon ng buhay, isang katangiang
mayroon ang mga Asyano. Magkakaiba man ng wika at tradisyon, patuloy na
sinisikap ng mga Asyano na makasabay sa pagbabago ng panahon.

Balikan

Matapos mong matutunan ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya,


muli mong balikan ang mga natutunan mo upang higit mong maihanda ang iyong
sarili sa susunod na paksa.

A. Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat ang sagot sa kalahating


bahagi ng papel.

1. Suliraning Pangkapaligiran na dulot ng kawalan ng sapat na suplay ng tubig.

E T IC I

2. Tumutukoy sa dumi, ingay at amoy sa kapaligiran.

L________ O

3. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.

F E A N

4. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kailang


kapaligiran.

L GI B __ A E

5. Ang dinoflagellates ay na palutang-lutang sa dagat na nagbubunga ng

E I

B. Isulat ang tsek( )kung ang pahayag ay nagpapakita ng pangangalaga ng


kalikasan at ekis(X) naman kapag ang pahayag ay hindi nagpapakita ng
pangangalaga sa kalikasan. Ilagay ang iyong sagot sa papel.

5
1. Pakikiisa sa mga proyekto ng barangay tulad ng “ Tapat Ko, Linis Ko”.

2. Pagsama-sama ng mga basura sa iisang lalagyan.

3. Pagtatanim ng halaman at puno.

4. Paggamit ng plastik sa pamimili.

5. Paggamit ng bisikleta sa malapitang patutunguhan

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang Tanong
Paano nakaaapekto ang populasyon sa pag-unlad ng
kabihasnang Asyano?

Mahahalagang Terminolohiya:
- Yamang tao
- Demograpiya
- Populasyon
- Densidad ng populasyon
- Migrasyon

Tuklasin

Gawain 1: Suri-larawan

Sa pamamagitan ng dalawa hanggang tatlong pangungusap, bigyang


interpretasyon ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

6
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang nais ipinahihiwatig ng nasa larawan?
2. Nangyayari na ba sa kasalukuyan ang ipinahiwatig sa larawan? Bakit?.
3. Nakaaapekto ba sa pag-unlad ng isang bansa ang patuloy na paglaki ng
populasyon? Ipaliwanag.

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Mag-isip ng limang lahing Asyano na alam mo. Iguhit ang katulad na
grapiko sa malinis na papel at isulat ang sagot sa mga nakalaang bilog.

LAHI

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong lahi ng pangkat etniko ang iyong naisulat?


2. Saang bansa sa Asya sila naninirahan?
3. Paano mo mailalarawan ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga katangiang
pisikal?

Suriin

Mahusay! Natapos mo na ang unang pagsubok sa araling ito. Sa bahaging


ito ay inaasahang mas mauunawaan mo ang tungkol sa yamang tao sa Asya at
kAung YpaanaonigtoTnakay
ao apte
ukmtoutsuakpoaygs-u
anbliala
dnnggnKgatbaio
haosnpaannggk
Aastyanngot.a
Poagntauunan ng
pansin ang mga mahahalagang terminolohiya at datos ukol sa komposisyon ng
populasyon at etniko sa Asya.Handa ka na ba?

7
Pangkat
Etnolingguwistiko
Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang lahi . Kinikilala ang mga nakatira dito
bilang Asyano, ngunit may iba pang pagkakakilanlan ang mga tao dito.Ito ay
tinatawag na pangkat etnolingguwistiko. Ano nga ba ang etnolingguwistiko? Ang
etnolingguwistiko ay tumutukoy sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa
isang bansa ayon sa kultura, wika, , at etnisidad.Ito ay pag-aaral ng ugnayan sa
pagitan ng wika at kalinangan, at ang paraan kung paano tinatanaw at dinarama ng
mga pangkat etniko ang mundo. Isa itong kombinasyon sa pagitan ng etnolohiya at
ng lingguwistika. Ang etnolohiya ay tumutukoy sa paraan ng buhay ng isang buong
pamayanan, o iyong lahat ng mga katangian kung bakit naiiba ang isang pamayanan
mula sa isa pa.
Ang pangunahing batayan ng pagpapangkat ng tao ay ang wika. May
dalawang kategorya ng wika; tonal language at non-tonal language. Ang tonal
language ay kategorya ng wika kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap
ay nababago batay sa tono ng pagbigkas nito. Samantalang ang non-tonal languange
ay may pagbabago sa tono at pangungusap ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan
at salita at pangungusap. Ang wika ay mahalaga dahil ito ay instrumento ng
komunikasyon at kasangkapan sa pagbuo ng kultura.
Ang kultura ay batayan din ng pagkakakilanlan ng grupong
etnolingguwistiko. Ito ay sumasalamin sa mga paniniwala, kaugalian at mga
kasanayang gawain ng pangkat ng tao.
Maaari ding batayan ng pagkilala sa mga grupong etnolingguwistiko ang
pagkakapareho ng pinanggalingan, kasaysayan, tradisyon, saloobin, paniniwala,
ideolohiya. Kapag ang isang tao ay nakadarama na siya ay tanggap sa isang pangkat,
siya ay kabilang sa kabuuan.
Mahalagang maunawaan na sa kabila ng magkakaibang wika, kultura, at
etnisidad, namamayani pa rin ang tunay na pagkakaisa ng lahing Asyano.

Gawain 3: Say Ko Say Mo


Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa mga Rehiyon sa Asya
Rehiyon Mga Pangkat Etnolingguwistiko
Hilagang Asya Kazakh, Uzbek, Tajik, Turkmen, Kyrgyz, Armenian, Azeri,
Baloch
Silangang Asya Han, Yamato, Korean, Uighur, Manchu, Mongol, Tibetan,
Hapones, Ainu
Timog-Silangang Indochina, Khmer, Lao, Burman, Malay, Tagalog,
Asya Vietnamese, Javanese
Timog Asya Dravidian, Sinhalese, Tamil, Sri Lankan, Dzognkha,
Punjabi, Indian
Kanlurang Asya Turkish, Arab, Kurdish, Jewish, Kuwaiti, Iranian, Baluchi

8
Pamprosesong mga Tanong
1. Paano naiiba ang mga pangkat etnolingguwistiko sa isa’t isa?
2. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kulturang Asyano?
3. Paano mo pinahahalagahan ang kultura ng iyong pangkat na
kinabibilangan?

Yamang Tao sa Asya

Kilala ang mga Asyano na mahusay sa iba’t ibang larangan mula pa sa


sinaunang panahon. Napagtagumpayan nila ang bawat hamon ng buhay sa gitna ng
masalimuot na pamumuhay. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisikap ng mga
Asyano na paunlarin ang kanilang sarili at higit lalo ang bansang kanilang
kinabibilangan. Paano nga ba matatawag na yaman ang isang tao?

Ang Yamang Tao ay ang pinakamahalagang salik sa kaunlaran ng isang


bansa. Ito ay tumutukoy sa bilang ng tao, o pangkat ng tao na mayroong kakayahan
na maghanap buhay upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang
kinabibilangan. Ang yamang tao ay gumagamit ng talino, kakayahan, kasanayan,
abilidad at lakas sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang lakas-paggawa ay
mahalaga sa pagpapaunlad ng isang bansa dahil sila ang lumilinang ng mga likas
na yaman upang matamo ang kapakinabangan nito. Sa patuloy na pagtaas ng bilang
ng tao ay dumarami rin ang kinakailangang linangin na mga likas na yaman upang
masuportahan ang mga pangangailangan nito. Ayon sa United Nations, ang Asya
ang nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng populasyon sa daigdig. Sa
kasalukuyan, higit 60 poryento ng populasyon sa daigdig ay nagmumula sa Asya.
Populasyon ay tumutukoy sa bilang ng tao na nakatira sa isang lugar o pook.Ang
pag-aaral ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng
demograpiya.Ito ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki, estruktura at pamamahagi
ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong pagbabago nito ayon sa
ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.Ang densidad ng populasyon o
kapal ng populasyon ay ang dami ng naninirahan sa isang lugar o bansa sa bawat
kilometro kuwadrado.Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na
densidad ng populasyon. Mababa naman ang densidad ng populasyon kung kaunti
ang tao sa isang lugar.

Ang yamang tao sa Asya ay isa sa humaharap sa suliranin ng pagkalat


hindi pangkaraniwang sakit na COVID19 na nararanasan sa maraming bansa sa
daigdig. Maraming bilang ng mga Asyano ang nawalan ng trabaho at tumigil din ang
operasyon ng malalaking negosyo. Sa Pilipinas, patuloy na nadaragdagan ang bilang
ng mga dinadapuan ng sakit na ito, bagama’t may mga ilang namamatay, marami

9
din naman ang bilang ng mga gumagaling. Ang tanging maitutulong natin upang
maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit na COVID19 ay sumunod sa mga safety
protocol tulad ng pagsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at ipamalas ang
pagsunod sa “social distancing”.

Gawain 4: Magsaliksik Tayo


Talahanayan 1: Bilang ng Populasyon sa Asya
Pag-aralan at suriin ang sumusunod na datos tungkol sa tinatayang
populasyon sa Asya.

Bilang ng Populasyon sa Asya

Taong 2018 - 2020(Hunyo 27)

Taon Populasyon Taunang Densidad Porsyento ng


Pagbabago ng Populasyon sa
Populasyon Daigdig
(
2020 4,640,560,324 39,189,126 150 59.8
2019 4,601,371,198 40,704,090 148 59.7
2018 4,560,667,108 41,627,081 147 59.8

Sa taong 2018,umabot sa mahigit apat na bilyon ang populasyon sa Asya,


halos 60 porsyento ito sa kabuuang dami ng tao sa mundo.Ang bilang na ito ay
nadagdagan ng mahigit 40 milyong katao o 89 porsyento sa taong 2019.Ayon sa
United Nations, noong Hunyo 27, 2020 tinatayang umabot na sa 4, 640,560,324
bilyon na ang populasyon sa Asya. Makikita ang patuloy na pagtaas ng densidad ng
populasyon partikular sa mga pook urban.Nananatili sa 60 porsyento ng kabuuang
bilang ng populasyon sa daigdig ang dami ng tao sa Asya kung kaya’t nangunguna
pa rin ang Asya sa may pinakamataong kontinente sa daigdig.

Mga Pamprosesong Tanong


1. Gaano kalaki ang itinaas na porsyento ng populasyon sa Asya sa
taong 2020 mula sa taong 2019?
2. Bakit hindi pantay ang distribusyon ng tao sa mga rehiyon ng Asya?
3. Bakit napakaraming tao ang ibig manirahan sa mga pook-urban?

10
Gawain 5: Mapanuri Ka Ba?
Talahanayan 2: Tinatayang Populasyon ng mga Bansa sa Asya (Hunyo
28,2020)
Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba.
Bansa Populasyon Porsyento ng Paglaki ng Densidad Porsyento ng
Populasyon (Kilometro Kuwadrado) mga
Pinapanganak
1.China 1,447,470,092 0.39 153 1.7
2.India 1,380,004,385 0.99 464 2.2
3.Indonesia 273,523,615 1.07 151 2.3
4.Pakistan 220,892,340 2.00 287 3.6
5.Bangladesh 154,689,383 1.01 1,265 2.1
6.Japan 126,476,461 -0.30 347 1.4
7.Philippines 109,581,078 1.35 368 2.6
8.Vietnam 97,338,579 0.91 314 2.1
9.Turkey 54,558,067 1.09 110 2.1
10.Iran 83,992,949 1.30 52 2.2
11.Thailand 69,799,978 0.25 137 1.5
12.Myanmar 54,409,800 0.67 83 2.2
13.South Korea 51,269,185 0.09 527 1.1
14.Iraq 40,222,493 2.32 93 3.7
15.Afghanistan 38,928,346 2.33 60 4.6
16.Saudi Arabia 34,813,871 1.59 16 2.3
17.Uzbekistan 33,469,230 1.48 79 2.4
18.Malaysia 32,365,999 1.30 99 2.0
19.Yemen 29,825,964 2.28 56 3.8
20.Nepal 29,136,808 1.85 203 1.9
21.North Korea 25,778,816 0.44 214 1.9
22.Taiwan 23,816,776 0.18 673 1.2
23.Sri Lanka 21,413,249 0.42 341 2.2
24.Kazakhtan 18,776,707 1.21 7 2.8
25.Syria 17,500,658 2.52 95 2.8
26.Cambodia 16,718,965 1.41 95 2.5
27.Jordan 10,203,134 1.00 115 2.8
28.Azerbaijan 10,139,177 0.91 123 2.1
29.United Arab Emirates 9,890,402 1.23 118 1.4
30.Tajikistan 9,537,645 2.32 68 3.6
31.Israel 8,655,535 1.60 400 3.0
32.Laos 8,655,535 1.48 32 1.3
33.Lebanon 6,825,445 -0.44 667 2.7
34.Turkmenistan 6,031,200 1.69 34 2.1
35.Singapore 5,850,342 1.50 13 3.7
36.State of Palestine 5,101,414 0.79 8,358 2.9
37.Oman 5,106,626 2.41 847 2.1
38.Kuwait 4,270,571 2.65 16 2.1
39.Georgia 3,989,167 1.51 240 2.9
40.Mongolia 3,278,290 -0.79 47 1.8
41.Armenia 2,963,242 1.65 2 1.9
42.Qatar 2,881,053 1.73 248 2.0
43.Bahrain 1,701,575 3.68 2,239 4.1
44.Timor-Leste 1,318,445 1.96 89 1.3
45.Cyprus 1,207,359 0.73 131 2.0
46.Bhutan 771,608 1.12 20 1.2
47.Maldives 540,544 1.81 1,802 1.9
50.Brunei 437,479 0.97 83 1.8
Ipinakita sa talaan ang tinatayang bilang ng tao sa bawat bansa sa Asya,
porsyento ng paglaki ng bilang nito, bilang ng tao sa bawat kilometro kuwadrado, at
porsyento ng mga pinapanganak . Ang China ay ang pinakamalaking bansa sa Asya
na may populasyong 1,447,470,092. Ang Singapore ang pangalawa sa pinakamaliit
na bansa na may populasyong 5,850,342. Paano nakatulong ang bilang ng
populasyon sa pag-unlad ng kanilang bansa?

11
Makikita sa talaan na ang South Korea ang may pinakamababang porsyento
ng pagtaas ng bilang ng populasyon, nangangahulugan ito na mas kaunti ang batang
populasyon sa bansang ito, ano ang epekto nito sa pag-unlad ng kanilang bansa?

Mga Pamprosesong Tanong


1. Anong bansa ang may pinakamataas na densidad ng populasyon? Bakit?
2. Bakit mahalagang masuri ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa isang
lugar?
3. Paano nakaaapekto ang pagtaas ng bilang ng pinapanganak sa pag-unlad
ng isang bansa?

Gawain 6: Suriin Natin


Talahanayan 3: Katangian ng Populasyon
Pag-aralan at suriin ang talahanayan sa ibaba.

Bansa Bahagdan ng Unemployment GDP Per


Marunong Rate Capita
Magbasa
Afghanistan 38.20 11.1 550
Armenia 99.80 18 4,250
Azerbaijan 99.80 4.8 4,050
Bahrain 95.70 4.7 21,890
Bangladesh 61.50 4.3 1,750
Bhutan 64.90 2.4 2,970
Brunei 96.00 8.9 29,660
Cambodia 77.20 0.7 1,390
China 96.40 6 9,460
Cyprus 99.10 _ 28,570
East Timor 67.50 3 1,810
Georgia 99.80 13.9 4,450
India 71.20 23.5 2,020
Indonesia 93.90 5.28 3,840
Iran 86.80 10.9 5,470
Iraq 79.70 7.9 5,040
Israel 97.80 3.5 40,930
Japan 100 2.5 41,310
Jordan 95.40 19 4,200
Kazakhstan 99.80 4.8 8,080
North Korea 100 3.3 _
South Korea 100 3.8 30,620
Kuwait 96.30 2.06 34,290
Kyrgyzstan 99.50 3 1,220
Laos 79.90 0.6 2,450
Lebanon 93.90 6.2 7,920
Malaysia 94.60 6.1 10,590
Maldives 99.30 6.1 9,220
Mongolia 98.40 9.9 3,660
Myanmar 93.10 1 1,310
Nepal 63.90 3.4 970
Oman 91.10 3.1 15,940
Pakistan 57.90 5.8 1,590
Philippines 96.30 5.3 3,830
Qatar 97.30 0.1 61,150
Saudi Arabia 94.70 5.5 21,600
Singapore 96.80 2.3 58,770
Sri Lanka 92.60 5.1 4,060
Syria 86.40 8.3 1,820
Taiwan 98.50 4.1 _

12
Tajikistan 99.80 2.1 1,010
Thailand 96.70 1.1 6,610
Turkey 95.00 _ 10,420
Turkmenistan 99.70 3.9 6,740
United Arab 93.80 2.57 4,880
Emirates
Uzbekistan 99.60 5.2 2,020
Vietnam 94.50 2.17 2,360
Yemen 70.10 12.9 1,460
https://tradingeconomics.com/country-list/unemployment-rate?continent=asia

https://data.worldbank.org/indicator/NY.GNP.PCAP.CD

Mga Pamprosesong Tanong


1. Anong rehiyon sa Asya ang may mataas na bahagdan ng marunong
bumasa at sumulat?Bakit?
2. Paano nakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa ang pagkakaroon ng
mataas na unemployment rate ?
3. Ano ang limang mga bansa may mataas na Gross Domestic Product
(GDP)?

Gawain 7: Tatanda Ka Rin


Pag-aralan ang graph tungkol sa haba ng buhay ng mga Asyano.
Sagutin ang pamprosesong mga tanong. Ilagay ang sagot sa papel.
Grapiko ng Haba ng Buhay ng mga Asyano

https://www.statista.com/statistics/274516/life-expectancy-in-asia/

Pamprosesong mga Tanong


1. Anong rehiyon ang may mataas na life expectancy? Bakit?
2. Bakit mahalagang mabatid ang life expectancy ng isang bansa?
3. Paano nakakaapekto ang haba ng buhay ng mamamayan sa pag-unlad ng
isang bansa? Pangatwiran.

13
Gawain 8: Pagbasa ng Teksto

MIGRASYON SA ASYA

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa migrasyon sa Asya.


Ang pandarayuhan o migrasyon ay ang tawag sa paglipat ng tao sa isang
lugar tungo sa ibang lugar. Maraming bilang ng mga Asyano ang nandarayuhan
bunsod ng kanilang kagustuhang kumita ng mas malaki o di kaya’y kawalan ng
trabahong mapapasukan sa kanilang pinanggalingang lugar. Malaking porsyento sa
kanila ay nasa ibang panig ng Asya at ang iba naman ay nasa ibang panig ng daigdig.
Marami sa mga manggagawang ito ay permanente nang nanirahan sa mga bansa
tulad sa ilang bansa sa Hilagang Amerika at Europa.
Sa Pilipinas, marami ang lumilipat sa mga pookurban upang maghanap ng
pagkakakitaan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang
bilang ng tao sa mga pook urban, tulad ng Lungsod Quezon. Kamakailan lamang,
ipinatupad ang programang “Balik-Probinsya”, upang mapigilan ang pagdami ng
mga nahahawaan ng sakit na COVID19. Ang programang ito ay naglalayon na
mabawasan ang dami ng tao sa pook urban at sa tulong ng kanilang lokal na
pamahalaan ay magkakaroon sila ng hanapbuhay. Ang patuloy na pagdami ng mga
migrante ay may mga mabuti at di-mabuting dulot. Una, nakatutulong sila sa pag-
angat ng ekonomiya ng kanilang bansa dahil sa kanilang ipinapasok na dolyar,
nakatutulong ito upang maging masigla ang kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
Ikalawa, natutustusan nila ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Subalit,
may mga hindi rin mabuting dulot ang pandarayuhan. Una, nahihiwalay sila sa
kanilang pamilya..Ikalawa, nakararanas sila ng mga pan-aabuso at pananakit mula
sa kanilang mga amo, Ikatlo, nababawasan ang lakas-paggawa sa mga
pinanggalingang lugar, ang kanilang kakayahan ay higit na pinakikinabangan ng
mga taga-ibang bansa na tinatawag na brain-drain.
Gawain 9: Pagtitimbang
Batay sa iyong binasa, isulat ang mabuti at di-mabuting bunga ng
pandarayuhan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Mabuting bunga ng migrasyon Di-mabuting bunga ng migrasyon

14
Pagyamanin

Gawain 10: Magtala Tayo


Punan ng wastong impormasyon ang bawat kahon. Isulat ang sagot sa papel.

Pangkat Pinaninirahang Lugar Gamit na Wika Katangian


Etnolingguwistiko

Gawain 11: Data Retrieval Chart


Batay sa Talahanayan 3, itala ang porsyento ng literacy sa mga bansang nasa
kahon.Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Kazakhstan China Philippines Brunei Sri Iran India Yemen Nepal Bangladesh
Lanka

Gawain 12: Pie Graph


Bumuo ng pie graph ng limang bansang may pinakamatataas na
unemployment rate sa Asya. Gawing batayan sa paggawa ang datos ang nasa
Talahanayan 3. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

15
Isaisip

Piliin ang sagot sa ibaba upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Ang ay tumutukoy sa pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga tao sa isang bansa ayon sa wika at pangkat-etniko.
2. Ang ay agham ng pag-aaral na tumutukoy sa bilang ng
tao, o pangkat ng tao na mayroong kakayahan na maghanapbuhay upang
mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang kinabibilangan.Ito ay
gumagamit ng talino, kakayahan, kasanayan, abilidad at lakas sa paglikha
ng mga produkto at serbisyo.
3. Ang ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit
araw-araw upang maipahayag ang nais sabihin na siyang pangunahing
batayan ng pagpapangkat ng tao.
4. Ang ay tumutukoy sa dami o bilang ng tao na
naninirahan sa isang lugar ayon sa bawat kilometro kuwadrado.
5. Ang ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki, estruktura at
pamamahagi ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong
pagbabago nito ayon sa ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.

densidad ng populasyon
Demograpiya migrasyon Yamang Tao
Etnolingguwistiko wika

Isagawa

Sumulat ng pangako tungkol sa pagpapahalaga sa kultura ng pangkat na


iyong kinabibilangan. Gawing gabay sa pagsulat ang mga salitang nasa ibaba.
Isulat ito sa hiwalay na papel.

Ako si , isang
Pilipino na nangangako na sa
pamamagitan ng .

16
Tayahin

Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng wastong
sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang Asya ang kontinenteng may pinakamalaking porsyento ng populasyon sa
daigdig. Anong bansa sa Asya ang may pinakamaraming bilang ng tao?
A. Indonesia B. Yemen C. Pakistan D. China

2. Batay sa Talahanayan Blg. 2 tungkol sa tinatayang bilang ng populasyon sa


Asya. Ang India ay nasa ikalawang pwesto na may pinakamalaking
populasyon sa Asya. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing dahilan ng
mabilis na pagtaas ng bilang mga tao sa naturang bansa,maliban sa;
A. Migrasyon
B. Maagang pag-aasawa
C. Mababang antas ng edukasyon
D. Malayong distansya ng ipinapanganak at namamatay

3. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon. Anong rehiyon ang may


pinakamababang bilang ng populasyon?
A. Silangang Asya
B. Timog-Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Hilagang Asya

4. Ang yaman ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng mga manggagawa


nito.Ano ang kahalagahan ng yamang tao sa pag-unlad ng isang bansa?
A. Nakabubuo ng mas malalaking pangkat etniko na magpapatibay sa
samahan
B. Nadaragdagan ang mga kabataang makapag-aalaga sa mga magulang
kapag ito ay matatanda na
C. Lumilinang sa mga likas na yaman para sa produksyon at nagbibigay
ng serbisyo para sa pangangailangan ng iba
D. Makalilikom ang gobyerno ng malaking buwis para sa mga proyekto
nito

5. Karamihan ng mga lugar o bayan sa mga bansa sa Asya ay patungo sa


urbanisasyon. Ano ang mabuting naidulot nito sa mga mamamayan?
A. Kaaya-ayang kapaligiran dahil sa nagtataasang mga gusali
B. Malaking oportunidad ng trabaho
C. Magagandang paaralan para sa mga anak
D. Mabilis na transportasyon

17
6. Ang patuloy na pandarayuhan ay nagdudulot ng labis na pagdami ng tao sa
isang lugar. Ano ang maaaring solusyon sa suliraning ito?
A. Ipasara ang mga ahensyang nagpapadala ng mga manggagawa sa
ibang bansa
B. Dagdagan ang mga dokumentong kakailanganin sa pangingibang-
bansa
C. Hikayatin ang mga negosyante na mamuhunan sa mga pook rural.
D. Lalaki lamang ang papayagang mandarayuhan

7. Malaki ang implikasyon ng populasyon sa pag-unlad ng bansa. Ano ang dapat


bigyang pansin upang matamo ang kaunlarang ito?
A. Paunlarin ang edukasyon para sa mas maraming oportunidad ng
trabaho
B. Pandarayuhan upang mabawasan ang mga walang trabaho
C. Pamumuhunan ng mga dayuhan para makapagbigay ng trabaho
D. Teknolohiya para sa mabilis na produksyon

8. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang pangkat etniko. Marami sa mga Asyano


ang nakararanas ng diskriminasyon. Anong pagpapahalaga ang maaari mong
ipakita upang maipagmalaki ang kulturang mayroon ang inyong pangkat?
A. Magmasid at punahin ang paniniwala ng ibang pangkat
B. Patuloy na igalang at pagyamanin ang kinagisnang kultura
C. Yakapin ang kulturang dayuhan upang makasabay sa pagbabago ng
panahon
D. Paggamit ng social media para maipabatid ang pakikiisa sa
pagtataguyod ng sariling kultura

9. Ayon sa tala ng United Nations Organization, ang rehiyon ng Timog-Silangang


Asya ang may pinakamaraming bilang ng tao sa Asya. Ano ang pangunahing
dahilan ng patuloy na paglaki ng populasyon sa rehiyong ito?
A. Kawalan ng implementasyon ng “One and Two Child Policy”
B. Migrasyon ng mga tao mula sa maiinit na lugar
C. Magagandang tanawin sa mga bansa
D. Katamtamang klima at angkop na kapaligiran para sa hanapbuhay

10.Sinasabing mas maikli ang buhay ng mga lalaki kaysa sa mga babaeng
Asyano. Ano ang mahihinuha mo sa kaisipang ito?
A. Ang mga babae ay kadalasang nasa tahanan lamang
B. Nalulugmok sa bisyo ang karamihan sa mga kalalakihan
C. Mas mabibigat at delikado ang trabaho ng mga kalalakihan
D. Mas inaalagaan ng gobyerno ang kalusugan ng mga kababaihan

11.Ang mga Dravidian ang sinasabing isa sa mga unang pangkat ng tao na
nakabuo ng kabihasnan sa daigdig. Saang bansa sila matatagpuan?
A. India B. Turkey C. Mongolia D. Thailand

12. Ang pangkat etnolingguwistiko ay makikilala sa tatlong batayan,maliban sa,


A. wika B. pamahalaan C. kultura D. etnisidad

18
13.Higit na mataas ang potensyal ng isang bansa na umunlad ang ekonomiya
kung mas marami ang matandang populasyon sapagkat:
A. mas mataas ang bilang ng mga nagtatrabaho o lakas -paggawa
B. mas marami ang pangangailangan sa produksyon
C. higit na mas malusog kumpara sa batang populasyon
D. mas kaunti ang umaasa sa matandang populasyon

14.Malaki ang naging epekto ng pagkalat ng sakit na COVID19 sa bawat tao.


Bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang manatiling ligtas sa sakit
na ito?
A. Lumabas lamang ng bahay tuwing umaga
B. Magsuot ng mask hanggang sa pagtulog
C. Manatili sa bahay at panatilihing malinis ang pangangatawan
D. Magsagawa ng pagpapausok pagsapit ng alas 6 ng hapon

15.Ang Japan at South Korea ay ilan lamang sa mga mauunlad na bansa sa


Asya. Anong katangian mayroon ang mga taga rito upang matamo nila ang
kaunlaran?
A. Mapagmahal sa kalikasan
B. Pagiging magalang
C. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
D. Pagkamaalalahanin sa kapwa

Karagdagang Gawain

Gawain 13: Reflective Journal


Pansamanta kang tumigil at magnilaynilay tungkol sa paksang
tinalakay. Bilang isang mag-aaral, nakaapekto ba sa iyo ang pagkakaroon ng
maliit o malaking pamilya? Pangatwiran ang iyong sagot.

19
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
 MELC Matrix K to 12 page 33
 Kagawaran ng Edukasyon-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 55-84
 Ruby De Jesus, Erna Golveque, Norma Pacaigue, Tess Busadre , Edited by Jose B. Bilasano)
Education Resources Corporation
 Grace Estela C. Mateo, Ph.D., Ricardo T Jose, Ph.D., Ma. Luisa T. Camagay, Ph.D., Evelyn A.
Miranda, Ph.D., Celestina P. Boncan, Ph.D. - Pag-usbong ng Kabihasnan-NPSBE/SEDIP

https://www.worldometers.info/world-population/population-by-country/--Population(2020)

https://www.worldometers.info/world-population/asia-
population/?fbclid=IwAR3zqg9jktNyqRpxAbPnANGRzIUj7BhtQCZTfL0vScnlYGfBCgMCAnsjTUw

https://www.techpopop.com/2013/06/ang-yamang-tao-ng-asya.html

https://de.slideshare.net/jaredram55/yamang-tao-ng-asya-37426622

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-2-yamangtao-sa-asya-49600677

https://www.studyblue.com/notes/note/n/modyul-4-yamang-tao-ng-asya/deck/11697546

https://brainly.ph/question/184356

https://tl.wikipedia.org/wiki/Populasyon

https://prezi.com/bmjim9pu2dkx/ang-katangian-at-kahalagahan-ng-yamang-tao-ng-pilipinas/

https://tradingeconomics.com/country-list/unemployment-rate?continent=asia

https://data.worldbank.org/indicator/NY.GNP.PCAP.CD

20
https://www.statista.com/statistics/274516/life-expectancy-in-asia/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandarayuhan

https://www.google.com/search?q=man+sketch+full+body&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwj63K_c86bqAhWbd94KHcGaAeoQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=576#imgrc=OZ6US0W8rK9
FxM&imgdii=TpYVDqhcDbT_cM

https://tl.wikipedia.org/wiki/Etnolingguwistika

https://www.scribd.com/document/427378372/Kahalagahan-ng-Kultura

https://www.yourarticlelibrary.com/population/5-main-causes-of-population-growth-in-india-
explained/43909

21

You might also like