You are on page 1of 6

7

Activity Sheet Sa
Araling Panlipunan 7
Quarter 2 - MELC 2

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

REGION VI – WESTERN VISAYAS

Kuwarter 2, Linggo 2-3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA
ARALING PANLIPUNAN 7
(Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon)

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,
Tsina). AP7KSA-IIc-1.4 (Week 2-3)

Panimula (Susing Konsepto)

Bunsod ng patuloy na pagbabago sa lipunan, umusbong ang tatlong
kabihasnan sa Asya—Sumer, Indus at Shang. Kapansin-pansin umusbong
sa magkaparehong katangiang pisikal ang lambak-ilog. Bagamat hindi
sabay-sabay umusbong ay hindi maitatanggi ang pagkakapareho sa iba’t
ibang aspeto ng buhay.

Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at

Educational Sites)

Mula sa Aklat:
 Project Ease Araling Panlipunan VIII
Aralin I: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Pahina 99-110
 Batayang Aklat sa Araling Panlipunan VII
Aralin I: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Pahina 105-109

2
Mga Gawain

PANUTO. Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga gawain na

magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at unawain
ang bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan
upang mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na
itatakda sa learning activity sheet na ito.

Gawain 1
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer

ang itinuring na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na
nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile
Crescent

2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pan

daigdig?
A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na

kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China
B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden

4. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang

organisado at planadong lipunan
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasna
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na
bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng
lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito

3
5. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng
hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa
kasaganaan ng lahat ng nasasakupan
B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay
nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang
ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao
D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi
lang panrelihiyon.

Gawain 2. Kabihasnan-----Ano ka?

Panuto: Basahin ang teksto mula sa Project Ease Baitang VIII; Pahina 111-
113. Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang
Asyano ay tuklasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga
kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos maari mong
sagutin ang mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman.

Gawain 3. Kabihasnan-----Pagproproseso

Panuto: Matapos mong basahin ang pahina 113 ng Project EASE tungkol sa
iba’t ibang sinaunang kabihasnan sa Asya, sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat kabihasnan? Saang aspeto sila

nagkakatulad?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

2. Paano nalutas ng bawat kabihasnan ang mga hamon ng kalikasan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

3. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus? Paano ito

naglaho? Ipaliwanag ang iyong sagot
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

4
4. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho sa kabihasnang Shang? Paano nagwakas ang
kabihasnang ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Gawain 4. Likumin ang Datos

Panuto: Ngayon nalaman mo na ang lahat ng impormasyon sa mga

Sinaunang Kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga
natutuhan mo mula sa pagtalakay sa paksa. Sikapin na maisulat ang lahat batay
sa pahina 111-113 ng Project Ease

MGA LUGAR na MGA MAHAHALAGANG

KABIHASNAN PINAGMULAN KATANGIAN AMBAG
SUMER
INDUS
SHANG
1. Alin sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong lubusang
hinangaan? Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga kabihasnan na

nakatulong ng malaki sa kasalukuyang panahon?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Bakit pinanatili ng mga Tsino ang ambag na sistema ng pagsulat ng kanilang

kabihasnan ? Ano ang naging malaking tulong nito sa kanila hanggang sa
ngayon?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay may epekto kaya ang mga katangian ng mga unang kabihasnan
sa katangian ngayon ng mga estado at imperyo sa Asya? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5
Repleksiyon

Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa

payak na pamumuhay patungo sa pagtatatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya.
Paano namuhay ang mga sinaunang tao sa Asya? Papaano sila umunlad? Bumagsak?
________________________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Links at iba pang sanggunian

You might also like