You are on page 1of 20

AP7-Q2-01

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GABAO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAING PAGKATUTO BILANG 1
(IKALAWANG MARKAHAN)

Pangalan: ________________________Grado/Seksyon: ___________Q2-Aralin 1

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.


 Naiisa-isa ang mga batayang salik sa pagkakabuo ng kabihasnan
 Nailalahad ang kahulugan ng konsepto ng kabihasnan at sibilisas-
yon

II. PANGKALAHATANG IDEYA

Sa bahaging ito ng aralin malalaman mo ang konsepto at kahulugan ng


kabihasnan at kung paano ito sumibol at umunlad. Matatalakay din ang
iba’t ibang pagbabago at pangyayari sa bawat panahon, kapaligiran, at mga
tao na naging dahilan ng pag-usbong ng kabihasnan.
Mahalaga na malaman mo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
upang mas lalo mo pang bigyan ng pagpapahalaga ang mga pamanang
ipinagkaloob nila sa atin.

III. GAWAIN
A. Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa
ibaba. Ang salita ay maaaring pahaba, pahalang, o pabaliktad.

1. Kabihasnan 6. Tigris
2. Sibilisasyon 7. Euprates
3. Ilog 8. Huang-Ho
4. Kuweba 9. Indus
5. China 10.Mesopotamia
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang salita/kosepto ang bago sa iyo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga
salita/konseptong ito? ___________________________________________________
_________________________________________________________________________________

B. Panuto: Basahin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa


kabihasnan at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay punan ang Venn
Diagram ng mga hinihinging impormasyon at sagutin ang mga
pamprosesong tanong.
Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa
lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang
isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating
nagiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa
sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mga lambak-ilog. Nalinang nila ang
pamumuhay tulad ng pangangaso, pangingisda at pagsasaka dahil sa
kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang
pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang
hanapbuhay. Dahil dito nabuo nila ang konsepto ng kabihasnan na
pamumuhay na nakasanayan o nakagawian. Ang sibilisasyon naman ay
tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak-ilog
tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi na kapag
namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung hindi sa lungsod ay
hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa
pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan.
Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap
sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad
sa kanyang pagkatao
Ugnayan:
__________________________________________________________________________
Pagkakaiba:
__________________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga bagay ang makapagpapatunay na nagkakaroon ng
kabihasnan ang sinaunang Asyano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

C. Panuto: Suruin kung anong mensahe ang nais iparating ng


sumusunod na larawan . Isulat ang iyong kasagutan gamit ang callouts

Pamprosesong tanong:
1. Tungkol saan ang ipinahihiwatig ng larawan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Alin sa mga larawan ang nakapukaw ng iyong interes? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang
panahon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
D. Panuto: Sa bahaging ito ay gagawa ka ng isang repleksyon batay sa
mga araling iyong natutuhan. Gawing gabay ang sumusunod na tanong:

1.Bilang isang mag-aaral, nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa mga


sinaunang kabihasnan sa Asya? Ipaliwanag.

2.Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa mga


kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?

IV. RUBRIK SA PAGMAMARKA


RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGGAWA NG REPLEKSYON
Lalim ng nilalaman 50%
Organisasyon ng mga sagot at ideya 50%
Kabuoan 100%

V. SUSI SA PAGWAWASTO
A.
1. Kabihasnan
2. Sibilisasyon
3. Ilog
4. Kuweba
5. China
6. Tigris
7. Euprates
8. Huang-ho
9. Indus
10. Mesopotamia
(Paalala- ang sagot ng mga mag-aaral sa pamprosesong taong ay
nakabatay sa sariling pag-unawa at natutuhan sa aralin.)

B.
(Paalala – ang sagot ng mga mag –aaral sa Venn Diagram para sa ugnayan
at pagkakaiba at sa pamprosesong tanong ay nakabatay sa sariling
pag-unawa at natutuhan sa aralin.)
C.
(Paalala – ang sagot sa Callouts at pamprosesong tanong ay nakabatay sa
sarling pag-unawa at natutuhan sa aralin.)
D.
Ang puntos na ibibigay ng guro sa paggawa ng repleksyon ay nakabatay
sa rubriks
VI. SANGGUNIAN
Lazaro, M. (2002). Asya sa Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,Unang
Edisyon. Quezon City: Bookman,Inc.

QUALITY ASSURANCE TEAM FOR LEARNING ACTIVITY


SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 7

Manunulat: SYRIL J. GABITO


Guro III

Mga Editor: ROSEMARIE H. DOROTAN


Guro I

OFELIA F. GABIONZA
Guro I

Tagasuri: EMELITA V. FURTON


Guro III

Nagdisenyo ng Pahina: MARICRIS F. BARAQUIEL


Dalubguro I

Kasangguni: JOSEPHINE B. ENTERIA


Punongguro I
AP7-Q2-02

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GABAO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAING PAGKATUTO BILANG 2
(IKALAWANG MARKAHAN)

Pangalan: ________________________Grado/Seksyon: __________ Q2-Aralin 2

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO

Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,


Tsina)
 Natatalakay ang sistemang Panrelihiyon at Panlipunan ng
kabihasnang Sumer, Indus at Shang
 Nabibigyang halaga ang mga kaisipan ukol sa sistemang panrelihiyon
at panlipunan sa kasalukuyang panahon

II. PANGKALAHATANG IDEYA


Sa aralin na ito ay matutunghayan mo ang mga sinaunang kabihasnang
Sumer, Indus at Shang. Matatalakay ang mga pagkakatulad ng bawat
kabihasnan at kung paano nila hinarap ang mga hamon ng kalikasan.
Mauunawaan din ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang
itinatag nga mga sinaunang Asyano. Ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon, kultura, at agham
at teknolohiya ay lubos na kapakipakinabang hindi lang sa kanilang
panahon kundi maging sa panahon natin ngayon.
Mapapansin na ang tatlong sinaunang kabihasnan sa Asya ay pare-
parehong umusbong sa tabi ng ilog. Ano kaya ang naging dahilan nito?
Anong mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ang
natustusan ng mga lambak-ilog?
Sa pamamagitan ng aralin na ito ay matutunghayan mo ang
paghahambing sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya at kung paano nila
naitatag at nalinang ang kanilang sariling kabihasnan.

III. MGA GAWAIN


A. Panuto: Suriin ang mga larawan at alamin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng bawat isa.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang mga ilog na ito sa pagbuo ng kabihasnan?
____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
B. Panuto: Punan ng tamang letra ang mga patlang upang mabuo ang
angkop na salita para sa mga larawan at sagutan ang mga pamprosesong
tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga larawan na nasa itaas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano ito nakatulong sa paghubog ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang?
Larawan A. _____________________________________________________
Larawan B. _____________________________________________________
Larawan C. _____________________________________________________
Larawan D. _____________________________________________________
Larawan E. _____________________________________________________
Larawan F. _____________________________________________________
Larawan G. _____________________________________________________
Larawan H. _____________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin sa mga sinaunang kabihasnan ang may
pinakamahalagang kontribusyon sa sangkatauhan? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

C. Panuto: Ipagmalaki ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan


sa Asya. Gumawa ng isang islogan na nagsasaad ng isang positibong ambag
na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng wasto sa inyong
tahanan, paaralan, o pamayanan. Ang puntos na ibibigay ay nakabatay sa
rubrik. Kaalaman (10pts.), presentasyon (10pts.), malikhaing pagsulat
(10pts.)

IV. RUBRIK SA PAGMAMARKA


RUBRIK SA PAGMAMARKA NG IYONG ISLOGAN

V. SUSI SA PAGWAWASTO
A.
(Paalala - Ang sagot ay nakabatay sa tamang pananaw ng mga mag-
aaral mula sa mga ibinigay na larawan.)
B.
A. Cuneiform
B. Ziggurat
C. Gulong
D. Irigasyon
E. Calligraphy
F. Pictogram
G. Mohenjo Daro
H. Oracle Bones
(Paalala - Ang sagot ay nakabatay sa sariling pag-unawa at natutuhan
sa aralin

C.
Ang puntos na ibibigay ng guro sa paggawa ng Islogan ay nakabatay sa
rubriks

VI. SANGGUNIAN
Jasmin E. Docog, e. a. (2001). Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng
Pagkakakilanlang Asyano (AP7KSA-LLc-1.4). Legazpi City: Regional
Center Site,Legazpi City 4500.

QUALITY ASSURANCE TEAM FOR LEARNING ACTIVITY


SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 7

Manunulat: SYRIL J. GABITO


Guro III

Mga Editor: ROSEMARIE H. DOROTAN


Guro I

OFELIA F. GABIONZA
Guro I

Tagasuri: EMELITA V. FURTON


Guro III

Nagdisenyo ng Pahina: MARICRIS F. BARAQUIEL


Dalubguro I

Kasangguni: JOSEPHINE B. ENTERIA


Punongguro I
AP7-Q2-03

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GABAO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAING PAGKATUTO BILANG 3
(IKALAWANG MARKAHAN)

Pangalan: ________________________Grado/Seksyon: __________ Q2-Aralin 3

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO

Natataya ang impluwensiya ng kaisipang Asyano sa kalagayang


panlipunan at kultura sa Asya.
 Nabibigyang kahulugan ang tradisyon, relihiyon at pilosopiya
 Nakapagpapahayag ng sariling pananaw o saloobin hinggil sa
kahalagahan ng tradisyon,relihiyon at pilosopiya

II. PANGKALAHATANG IDEYA


Ang nabuong kabihasnan ng mga Asyano ay bunga ng kanilang mga
paniniwala at kaisipan. Ang mga kaisipan ding ito ay nakatulong upang
matamo ng mga Asyano ang mataas na moralidad ng pamumuhay. Higit sa
lahat ito ang gumising sa isipan ng mga Asyano upang malinang ang mga
kahanga-hangang pagbabago sa lahat ng aspekto ng kanilang pamumuhay.
Sa gawaing pagkatuto na ito ay mahalagang malaman mo kung paano
nakaimpluwensiya ang kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at
kultura sa Asya.

III. GAWAIN

A. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang tinutukoy ng


pangungusap, MALI kung ito ay nagsasaad ng maling impormasyon.

_________1. Sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan sa pamumuhay na ki-


nagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
________2. Ang pamahalaan,relihiyon,sining, arkitektura at pagsusulat ay
batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan.
________3. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay umusbong sa mga
lambak – ilog.
________4. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven na
nangangahulugang ang emperador ay pinili ng langit upang ma-
muno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.
________5. Sa Pilipinas, tulad ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, ang mga na-

mumuno ay kinikilala batay sa katapangan, kagalingan at katali-


nuhan nito.
________6. Sa mga Muslim, ang kanilang pinuno ay tinatawag na Caliph
ayon sa utos at basbas ni Buddha.
________7. Ang Divine Origin ay paniniwala ng mga Hapones na banal ang
pinagmulan ng kanilang emperador.
________8. Ang pangkat ng “Maharlika” ay kinabibilangan ng mga aliping
namamahay.
________9. Ang kahulugan ng Devajara ay “ Haring Diyos “
_______10. Ang Caste System ay sinaunang paghahati –hati ng lipunan sa
India.
B. Panuto: Isulat sa ikalawang kolum ang rehiyon kung saan matatagpuan
ang mga sumusunod na bansang Asyano. Sa ikatlong kolumn ay ang
paniniwala o kaisipang Asyano ng bawat bansang nabanggit.( Maaaring
gumamit ng Internet para sa karagdagang sagot)
C. Panuto: Basahin ang teksto tungkol sa mga kaisipang Asyano, pagkata-
pos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang kanilang nasyon at naniniwala sila
na ang kanilang Imperyo ang sentro ng daigdig. Ang emperador ng mga
Tsino ay Anak ng Langit ( Son of Heaven ) na namumuno dahil sa
kapahintulutan ng Langit ( Mandate of Heaven ) na may taglay ng virtue
( birtud ng kabutihan). Kadalasan, may mga palatandaan sa kalikasan tulad
ng pagkakaroon ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan at kaguluhan.
Kapag ito’y naranasan ng imperyo, isa itong palatandaan na hindi
nasisiyahan ang kalangitan sa nakaupong emperador.
Para naman sa mga Hapones, ang kanilang emperador ay nagsimula
kay Amaterasu. Ayon sa mitilohiyang Shinto, ang Japan ay nilikha ng mga
dios na sina Izanami at Izanagi. Ang kanilang apo na si Amaterasu OmiKami
ang diyosa ng araw ang lumikha sa mga Hapones at pinagmulan ni Jimmu
Tenno, kauna-unahang emperador ng Japan. Dahil dito, mas lumaki ang
paniniwala ng mga Hapones na ang kanilang pinuno ay banal ( Divine
Origin) at dakila na nararapat na sundin at igalang.
Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog- Silangang Asya ang mga
namumuno ay batay sa katapangan, kagalingan at katalinuhan ( men of
prowess) . Maaring ikategorya ang mga sinaunang datu bilang men of
prowess sa dahilang pinili sila sa kanilang barangay bunga ng kanilang
katapangan, katalinuhan o kagalingan.

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang kahulugan ng kaisipang “ Mandate of Heaven” ng sinaunang
Tsino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
.__________________________.
2. Paano nagsimula ang kaisipang “ Divine Origin” ng mga Hapones”?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________.
3. Masasabi mo bang “ men of prowess” pa rin ang pagpili natin ng ating
mga pinuno? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________.
D. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat ang letra ng
tamang sagot sa mga patlang.
1. Ang mga sumusunod ay katangian ng mga pinuno sa Timog-Silangang
Asya maliban sa _____________.
A. Mapagkunwari B. Matalino C. Malakas D. Magaling
2. Ang mga ___________ ay hindi naniniwala sa Mandate of Heaven.
A. Koreano B. Tsino C. Hapone D. Pilipino
3. Kay Amaterasu nagmula ang unang emperador ng Hapon, kaya itinutu-
ring nila itong _________.
A. Banal B. Makapangyarihan C. Mito D. Anito
4. Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng kaga -
napan sa daigdig kaya tinawag itong ____________.
A. Dinastiya B. Zhongguo C. Middle East D. Famous
5. Naniniwala ang Hindu na ang hari ng daigdig o ___________ay mamumuno
ng may paggalang at kakalmahan sa buong mundo.
A. Cakravartin B. Devajara C. Sarvabhauma D. Deva
6. Ang “ Son of Heaven o Mandate of Heaven” ay kaisipan mula sa _________.
A. Tsino B. Hapon C. Korea D. India
7. Ang “Mandate of Heaven” ay kaisipan mula sa _____________ Asya .
A. Silangang B. Timog-Silangang C. Hilagang D. Kanlurang
8. Para sa mga Tsino, Hapones at Korea banal ang pinagmulan ng kanilang
____________.
A.Pamilya B. Lahi C. Dinastiya D. Emperador
9. Si Abu Bakr ang unang caliph ng mga ______________.
A.Muslim B. India C. Pilipino D. Koreano
10.Nakaimpluwensiya ang pagpapalaganap ng _________ sa pagtatatag ng
kaharian ng mga Muslim.
A. Katolisismo B. Hinduismo C. Shintoismo D.
Islam
E. Panuto: Ang kaisipang Asyano ay nakaimpluwensiya sa kalagayang
panlipunan at kultura sa Asya. Gumuhit ng larawan sa loob ng trianggulo
na nagpapakita ng nais mong ayos ng kalagayan ng bawat mamamayan sa
Pilipinas.

Nilalaman (10%) Ebidensiya (10%)


IV. RUBRIK SA PAGMAMARKA

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG LARAWAN

V. SUSI SA PAGWAWASTO
A. (1-10)
1. Tama 6. Mali
2. Tama 7. Tama
3. Tama 8. Mali
4. Tama 9. Tama
5. Tama 10. Tama

B.

C. Paalala - Ang sagot sa pamprosesong tanong 1-3 ay nakabatay sa


sariling pag-unawa at natutuhan sa tekstong binasa.
D. Paala - Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sariling kasagutan
batay sa kanilang naunawaan sa aralin. Gagamitin ang Rubric para
sa pagpupuntos.
E. (1-10)
1. A 6. A
2. C 7. A
3. A 8. D
4. B 9. A
5. A 10. D

VI. SANGGUNIAN
Jasmin E. Docog, e. a. (2001). Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng
Pagkakakilanlang Asyano (AP7KSA-LLc-1.4). Legazpi City: Regional
Center Site,Legazpi City 4500.

QUALITY ASSURANCE TEAM FOR LEARNING ACTIVITY


SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 7

Manunulat: SYRIL J. GABITO


Guro III

Mga Editor: ROSEMARIE H. DOROTAN


Guro I

OFELIA F. GABIONZA
Guro I

Tagasuri: EMELITA V. FURTON


Guro III

Nagdisenyo ng Pahina: MARICRIS F. BARAQUIEL


Dalubguro I

Kasangguni: JOSEPHINE B. ENTERIA


Punongguro I
AP7-Q2-04

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GABAO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
(IKALAWANG MARKAHAN)

Pangalan: ________________________Grado/Seksyon: __________ Q2-Aralin 4

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO

Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa


paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
 Naiisa-isa ang mga mahahalagang ambag sa kabihasnan ng mga sina-
unang imperyo sa Asya.
 Napahahalagahan ang mga sinaunang paniniwala at kaisipan ng si-
naunang panahon sa Asya.

II. PANGKALAHATANG IDEYA


Ang gawaing pagkatuto na ito ay kabahagi pa rin ng natapos mong
sinagutan noong nakaraan. Sa araling ito, patuloy mong lilinangin ang
iyong kaalaman tungkol sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo
ng pagkakakilanlang Asyano.

III. MGA GAWAIN


A. Panuto: Pagmasdan ang larawan. Isulat ang titik na AS sa patlang kung
ang natatanging pook ay matatagpuan sa Asya. HA naman kung hindi ito
matatagpuan sa Asya.
1.______________ 2._____________ 3.______________

MECCA

4._____________ 5._____________ 6._____________

7.____________ 8._____________ 9.___________ 10.____________


B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at Isulat ang
letra ng wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagsilbing gabay ng mga Asyano sa
pagpapaunlad ng kanilang kabihasnan.
A. Kaisipan B. Konsepto C. Ideya D. Kaalaman
2. Ang paniniwala ng mga Tsino kung saan naniniwala sila ay superyor sila
sa lahat ng lahi.
A. Confucianism B. Taoism C. Sinocentrism D. Buddhism
3. Para kay Confucius ang alin ang pinakamataas na Confucian Virtue?
A. Katapatan sa estado C. Kapatapan sa pamilya
B. Paglilingkod sa estado D. Pagmamahal sa sarili
4. Ang simbolo ng Taoism ay ang YinYang. Alin ang tumutukoy sa
kaliwanagan, kasiglahan o pagiging matibay.
A. Ming B. Yang C. Yin D. Chin
5. Alin sa mga sumusunod ang aklat na sinulat ni Lao Tzu?
A. Tao The Ching B. The Travels of Marco Polo C. Kayamanan D. Asya
6. Siya ang inapo ng isang magaling na mandirigma. Ang kaniyang
pangalan ay nangangahulugang “ siyang Dakila”.
A.Akbar B. Babur C. Shah Jahan D. Genghis Khan
7. Kanino inialay ni Shah Jahan ang Taj Mahal?
A.Aurangzeb B. Genghis Khan C. Mumtaz Mahal D. Venus
8. Ang borobudur temple ay isa sa pinakamalaking buddhist temple sa
buong mundo. Kaninong kaisipan itong akritekturang ito?
A. Gunadharma Hartarto B. Gautama Buddha
C. Vishnu D. Shih Huang Ti
9. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pamanang Asyano?
A. Mahalin at pagyamanin ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan
B. Dumalo sa mga pagdiriwang kung kinakailangan
C. Laging dumalaw sa mga pook na pamana ng sinaunang kabihasnan

D. Gayahin ang mga pook na ito at ilagay sa iyong barangay


10. Ano ang kahalagahan ng mga Baroque Church sa Pilipinas?
A. Nagpapaalala sa pagpapalaganap ng relihiyong Islam
B. Ito ang nanguna sa pagpapalaganap ng Katolisismo sa bansa
C. Naghikayat sa mga Pilipino na umanib sa pananampalatayang Judaismo
D. Naipagmamalaki ang makasaysayang pook na ito sa ibang bansa

C. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang mga
pagkakalilanlang Asyano. Isulat ang sagot sa papel.
1.Isang kahanayan ng mga bato at harang upang ipananggalang ang mga
paligid na nasasakupan ng Imperyong Tsina. ( RGAET LLAW )
2. Isang lungsod sa Saudi Arabia naging sentro ng pananampalatayang
Muslim. Dito rin ipinatayo ang gusaling tinatawag na Ka’bah. ( CCAEM )
3. Kilala ito bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa
Indonesia. ( BUROBORUD )
4. Isa sa natatanging gusali sa buong mundo na yari sa puting marmol at
ang pader nito ay napapalamutian ng mamahaling bato. ( JAT ALAHM )
5. Bantog ang simbahang ito sa Ilocos, napabilang na rin ito sa talaan ng
UNESCO World Heritage noong 1993. ( AYAPO CHCHUR )

D. Panuto: Ipaliwanag kung ano ang aral na nais iparating ng mga


sumusunod na pahayag. Sapat na paliwanag (5pts.), Daloy ng ideya (5pts.),
Kaayusan at kalinisan ng pagsulat (5pts.).Kabuoan 15 pts.
1. Kung nais mo na magkaroon ng maayos na mundo, ayusin muna ang
sariling bansa”; Kung nais mong magkaroon ng maayos na bansa,ayusin
mu
na ang sariling pamilya at kung nais mo na magkaroon ng maayos na
pamilya, paunlarin muna ang sarili.”
Confucius
2. “ Ang tao ay maihahalintulad sa karaniwang ilog na patuloy lamang sa
pag- agos patungo sa lupain. Sa kabila nito, ang tubig na nagmumula sa
ilog na ito ang nagbibigay-buhay sa lahat ng nilalang. “
Lao Tzu

IV. RUBRIK SA PAGMAMARKA

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG NAPULOT NA ARAL SA PAHAYAG

V. SUSI SA PAGWAWASTO
A. (1-10)
1. AS 6. AS
2. AS 7. HS
3. AS 8. AS
4. AS 9. AS
5. AS 10. HS

B. (1-10)
1. A 6. A
2. C 7. C
3. A 8. A
4. B 9. A
5. A 10. B

C. (1-5)
1. Great Wall 3. Borobudur 5. Paoay Church
2. Mecca 4. Taj Mahal

D. Paalala - Ang mga kasagutan ng mag-aaral ay bibigyan ng puntos


sa pamamagitan ng rubrik.

VI. SANGGUNIAN
Nora E. Janoras, e. a. (2001). Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng
Pagkakakilanlang Asyano (AP7KSA-LLc-1.4). Legazpi City: Regional
Center Site,Legazpi City 4500.

QUALITY ASSURANCE TEAM FOR LEARNING ACTIVITY


SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 7

Manunulat: SYRIL J. GABITO


Guro III

Mga Editor: ROSEMARIE H. DOROTAN


Guro I

OFELIA F. GABIONZA
Guro I

Tagasuri: EMELITA V. FURTON


Guro III

Nagdisenyo ng Pahina: MARICRIS F. BARAQUIEL


Dalubguro I

Kasangguni: JOSEPHINE B. ENTERIA


Punongguro I

You might also like