You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 7 (3 hours/week)
Second Quarter
Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa Ika-16 na Siglo

Week- 1
Lesson-1
L1: KAHULUGAN NG KONSEPTO NG KABIHASNAN AT MGA KATANGIAN NITO

Teacher: Joniel P. Galindo

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-7
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

Pangunahing Pang-unawa: Ang pagkakakilanlang Asyano ay nagawang mapaunlad ng sinaunang tao.

Pangunahing Tanong: Paano hinubog at nagawang mapaunlad ng sinaunang tao ang pagkakakilanlang Asyano?

I. LEARNING COMPETENCY
 Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, 100% na mag-aaral ay:
 Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito
 Ano ang kahulugan ng kabihasnan?
 Ano ang pinagkaiba ng kabihasnan at sibilisasyon?
 Ano-ano ang mga katangian ng kabihasnan?
 maipamamalas ang Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 nakakukuha nang hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin: Magagawa kong… _______________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

Lesson 1: Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito

Materials:
LIPS

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=Bj53f9ui5Cs

III. LESSON PRESENTATION

Ang Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating
kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang
kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pag-
unlad ng kabihasnang Asyano?
Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago
at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na
katanungan:

Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya?


Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano?

Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip nating sibilisado ang
mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng
magkakahiwalay o bahagi lámang ng isang tribo.

Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura,
edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong
konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang
tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran.

Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig
sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno,
espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga
elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang
ang maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas,
magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya.

Ang sibilisasyon ay ang klase o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar. Ito ay estado ng lipunan kung saan may
sariling historical at cultural na pagkakaisa o unity.

Ang ibig sabihin ng sibilisasyon ay ang mga ibinahagi o itinuro sa bansang sinakop nito.
Buong sistema ng pamumuhay pagiisip, at pagkilos ng mga tao sa isang lugar
Ang sibilisasyon ay nagmula sa salitang-ugat na civitas, na salitang Latin. Ibig-sabihin ng civitas ay lungsod. Kung gayon, ang
sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUO NG KABIHASNAN

Una, ang pagkakaroon ng Organisado at sentralisadong pamahalaan- upang maiayos ang pagkilos ng bawat miyembro ng lipunan.
Kasama sa salik na ito ang ma batas at mga pinuno ng lipunan.

Ikalawa, ang pagkakaroon ng Sistema ng paniniwala at pilosopiya.

Ikatlo, ang pagkakaroon ng sistema ng pagsusulat-

Ikaapat, ang pagkakaroon ng uring-panlipunan-tumutukoy ang salik na ito sa pag-uuri ng mga mamamayan batay sa kanilang
tungkulin sa lipunan.

Ikalima, ang pagkakaroon ng kaalaman sa sining at arkitektura. Sa salik na ito, mababakas ang pagiging malikhain at
mapamaraanng mga mamamayan ng isang lipunan

Ikaanim, ang pagkakaroon ng mataas na antas na kaalaman sa agham at teknolohiya- Sa isang sibilisadong lipunan, mahalagang
salik ang agham at teknolohiya upang mapadali at maging maayos ang sitema ng pamumuhay.kasama sa salik na ito ang mga gawaing
pang-indistriya, sistemang transportasyon, sistemang pangkomunikasyon, at mga gawaing pangkabuhayan.

Nais mo bang malaman ang tungkol sa pagsibol at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya? Sa bahaging ito ng aralin ay
sisikapin nating tuklasin ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan at kung paano ito sumibol, umunlad at nagpatuloy sa
kasalukuyang panahon. Lil- inangin ang dating mga kaalaman,at pag-unawa. Magsasagawa ng mga kasanayan para sa pag- tuklas ng
mga kaalaman na may kaugnayan sa pagusbong ng kabihasnan sa Asya. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at pagsasagawa ng
mga gawain.

Grapikong pantulong sa
aralin
Gawain # 1 Halinat Tuklasin

Panuto : Tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba. Makikita mo ang salitang kabihasnan at sibilisasyon. Magbigay ka ng iyong ideya o
kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong saril- ing pananaw at pag-unawa. Isulat mo ito sa pamamagitan ng pangungusap
na makikita sa ibaba. Matapos mong masagutan ay ilahad mo at ibahagi sa mga kamag-aral upang ang lahat ay makabuo ng konsepto
at kahulugan.

Pamprosesong Tanong :
1. Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano ang maipapakahulugan mo sa salitang kabihasnan at sibilisasyon?
Ang kabihasnan ay ________________________________________________________________________________________
Ang sibilisasyon ay _________________________________________________________________________________________
2. Mayroon kaya silang mga pagkakaiba? Anu-ano ang mga ito?
___________________________________________

Gawain 2: Larawan Suri

Panuto : Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin mo at


bigyan kahulugan kung ano ano ang mga ito. Bigyan mo ng kahulugan
at kung ano ang naging halaga nito sa Sinaunang Asyano. Matapos
mong masuri ay sagutin mo ang mga katanungan na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong :

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bagay na nasa larawan?


_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa sinaunang kabihasnan?


____________________________________________
_______________________________________________________

3. Bakit kaya kinailangan ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito? __________________________________________
_______________________________________________________

4. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon? ___________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________

Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan pati na ang mahahalagang lugar sa Asya ay
marahil nais mo nang malaman kung bakit naging mahalaga ang mga ito noong sinaunang panahon. Subalit bago tayo magpatuloy sa
pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang itinakdang gawain na nasa ibaba.

Gawain 3: Magsaliksik ka at magbasa

Panuto : Ngayon naman ay isulat mo sa bawat kahon kong ano ang mga salik at batayan sa pag- buo ng kabihasnan.

Pamprosesong Tanong :
1. Balik mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan?
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

2. Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang
mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot. ___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Gawain 4: Bahagdan ng aking pag-unlad

Panuto: Sagutan ang unang kahon na Ang aking Alam at ang ikalawang kahon Nais malaman. Samantala,ang ikatlong kahon Mga
Natutuhan ay mapupuna na may takip at kalakip na tandang pananong dahil masasagutan mo lamang ito kapag natapos mo na ang
pag aaral sa paksa kaya't ito ay muli mong babalikan
_______________________________________________________
_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

BINABATI KITA!
Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon ay marahil nais
mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol dito, at maraming katanungan ang nabuo sa iyong isipan at sarili na nais
mong masagot at matuklasan. Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng modyul na ito sa
pamamagitan ng ibat ibang gawain na may kaugnayan sa aralin. Surin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa bagong
kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan.

You might also like