You are on page 1of 5

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 10 (3 hours/week)


First Quarter
Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

Week-1
Lesson-1
Lesson 1: Pag-aaral ng mga kontemporaryong Isyu

Teacher: Joniel P. Galindo


_________________________________________________

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-10
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga Hamong Pangkapaligiran upang maging bahagi ng
pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao.
Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maging mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan, sa bansa, at sa
buong mundo.

Pangunahing Tanong: Paano natin matimbang ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa
buong mundo?

I. LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Layunin:

 Naipapaliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong isyu


 Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
 Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng: Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?
 Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
 Pagkatapos ng aralin inaasahang makakakuha ng 100% na matutuhan ang mag mag-aaral.
 JUNE fruits of normalization (FRIENDLINESS) Beatitude ( blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.
Sariling Layunin : Ican… ____________________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


Lesson 1: Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya
a. Pag-aaral ng mga kontemporaryung Isyu

Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. (Kayaman Kontemporaryong Isyu page 1-15)
III. LESSON PRESENTATION

Concept Map ng Aralin


Kontemporaryong Isyu
 Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao Kasabay o kapanahon.
Halimbawa:
 Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, at rasismo ( si Pangulong Rodrigo Duterte ay kontemporaryo ni
US Pres. Donald Trump, si Adolf Hitler ay kontemporaryo ni Benito Musolini))
 Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser (Taasan ang buwis sa mga softdrinks pati na ang sa
powdered Juice drink para pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan)
 Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin, ingay, at iba pa)
Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin
Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu
 Ang terorismo ay isa sa mga pinakatampok na kontemporaryong isyu. Dito pa lamang sa Pilipinas, usap-usapan ang walang awang
pagpatay o makataong pagpapalaya sa mga bihag mula sa mga kamay ng mga rebeldeng pangkat. Isyu rin ang pagbibigay ng ransom
sapagkat ang pagtugon dito ay tila pagsuporta na maaaring nagdudulot ng paglago ng kanilang masamang gawain. Sa konteksto
naman ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya,
kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin,
kailangan ng angkop at makabuluhang talakayan o interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang lahat ay nagbibigay ng
kani-kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu.
Halimbawa:
Isa sa mga gustong muling ipatupad ng bagong presidente ng Pilipinas ay ang death penalty. Dahil ito ay mainit na isyu sa pagitan ng
human rights advocates at ng death penalty supporters, maaaring magkaroon ng debate ang mga estudyante ukol dito.
Maaaring hatiin ang klase sa pro at anti. Mahalaga ang paggabay ng guro sa maselang usaping ito.
Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig
Nalilinang ang kritikal na pag-iisi, naiuugnay ang sarili sa isy, napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu nahahasa ang
iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media. Inirerekomenda ng mga
eksperto ang paggamit nito sapagkat nahuhubog nito ang kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa. Sa pagbabasa, nahuhubog din ang
kasanayang pangwika at panggramatika. Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig. Sa dulo nito, makabubuo ng
lipunang mulat, mapanuri, at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.
Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at
malawakang kaisipan.Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat mas maiintindihan ang mundong
ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto. Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabibilis at
mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan. Bukod dito, mas madaling nakaaangkop
sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga kaganapan sa lipunan.
Pagnilayan
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong
kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?
Dagdag Kaalaman
Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang din ang mga napag-
usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon.
Mahahalagang Kaalaman
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa sa kahit anong larangan na may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan,
pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw. Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at
impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng
malalim na pagdukal at aktibong partisipasyon..
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makakatulong sa paglinang ng kritikal at
malawakang kaisipan.

Gawain 1: Frayer Model


Panuto: Punan ng impormasyon ang Frayer model

Gawain 2: ISYU
(Include here the schedule day) Ex. Wednesday
Panuto: Mag-isip ng mga kaganapan o pangyayari sa kasalukuyan na nakatatawag ng iyong
pansin at nakagagambala sa iyo. Isulat sa angkop na kahon sa AlphaBoxes ang isyu
ayon sa unang letra nito.

PAKSA: Mga Isyu ng Lipunan

A- E- I-
B- F- J-
C-orruption G- K-
D- H- L-

M- Q- V-
N- R- W-
O- S- X-
P- T- Y-
Z-

MGA NAPANSIN KO …

Kalimitan sa mga isyu ay tungkol Ayon sa sinabi ng mga kaklase ko, Nakakabahala raw ang mga
sa … ito ang mga napili at naisulat na kontemporaryong isyu na naisulat
mga isyu dahil …
dahil …

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Tungkol sa anong isyu ang mga naisagot mo sa AlphaBoxes?
2. Bakit kaya ito ang mga naisulat ninyo na mga isyu? Ano ang mga pinagbasehan ninyo sa pagpili nito?
3. Bakit ito tinatawag na mga isyu o problema ng lipunan?
4. Nakababahala ba ang mga sitwasyong ito? Bakit?
5. Paano nakakaapekto sa iyo ang mga isyung ito?
6. Paano mo kaya matugunan ang mga isyung ito?
___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
Class Directory

Name Contact number


1.
2.
3.
4.

Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like