You are on page 1of 10

Araling Panlipunan 10

First Quarter Learning Packet w1 – w2


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

ST. PAUL SCHOOL, BAROTAC VIEJO, ILOILO INC. LEP-AP-G10


SitioAmbulong, Brgy. Natividad, Barotac Viejo Iloilo

CURRICULUM CONNECTION
LIFE PERFORMANCE OUTCOMES:
LPO3: Credible, Responsive COMMUNICATORS and TEAM PLAYERS

ESSENTIAL PERFORMANCE OUTCOMES:


EPO2: Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuan,
pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito
dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba.

CONTENT STANDARD: PERFORMANCE STANDARD:


Pag-isip ng mabuti sa pahayag pasalita man o Ang bawat Paulinian ay pinag-iisipang
pasulat upang matasa ang kawastuan, mabuti ang pahayag pasalita man o
EPO7:Remain focused on fully completing projects of pre-established quality in a timely manner
pagkamakatotohanan at kalinawan sa pag- pasulat upang matasa ang kawastuan,
unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga pagkamakatotohanan at kalinawan sa
hamong pangkapaligiran upang maging nakabubuo ng angkop na plano sa
bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pagtugon sa among pangkapaligiran
pamumuhay ng tao at maipaliwanag ang mga tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
pangunahing elemento ng epektibong mga ng tao at ipaliwanag ang mga
pamamaraan. pangunahing elemento ng epektibong mga
pamamaraan.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCE/S:


► Nakapagsuri ng kahalagahan ng pagaaral ng Kontemporaryong Isyu

INTENDED LEARNING OUTCOMES:


Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang
kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa:
• Pagpapaliwanag ng konsepto ng Konteporaryong Isyu
• Pagsusuri ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig

For SPSBV Student’s Use Only 2|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

Activity menu
YUNIT 1: Mga isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya
Aralin 1: Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu

1. Basahin
2. Mga Gabay na Katanungan:
1. Magbigay ng halimbawa ng mga kontemporaryong isyu.
2. Ano ang itinuturing mong pinakamahalagang konremporaryong isyu sa Pilipinas sa ngayon? Bakit?
Tiyakin 1:
Tukuyin ang uri ng pahayagan na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
patlang.
Tiyakin 2:
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Linangin:
Basahin ang bawat isyu. Lagyan ng tsek ( ) kung maituturing itong kontemporaryong isyu. Lagyan ng ekis
(X) kung hindi.

Panimula

Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya,


pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon, at pananagutang pansibiko na kinahaharap mga
bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba't ibang
sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at
matalinong pagpapasiya.
Basahin:
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Dalawang mahahalagang salita ang pinanggalingan ng konsepto-kontempo raryo at isyu. Upang mas
maunawaan nang mabuti ang konsepto, tingnan natin ang kahulugan ng mga salitang pinanggalingan
nito.
Ang salitang "kontemporaryo" ay ginagamit sa iba't ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang
paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naaalala pa ng mga tao sa ngayon.Isa
pang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman sa
panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang mga
panyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na nakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay
bahagi ng kontemporayong panahon. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay
sadyang maituturing na kontemporaryo.
Ang salitang "Isyu" ay nanganga hulugan ng mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan dahil
sa ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate ng mga tao sa lipunan, at may malaking epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin; may ilang isyu
rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning buma bagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga

For SPSBV Student’s Use Only 3|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon,
ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan. Para
maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay:
• mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan;
• may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan;
• nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng
kasalukuyang panahon; at
• mga temang napag-uusapan at may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan.

Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu


Kailangang malaman ang mga aspektong ito dahil makatutulong sila sa tamang pag-unawa at pagtugon
sa mga nasabing isyu. Ilan sa mga gabay na tanong ang nakalista upang masuri nang mabuti ang
kontemporaryong isyu. Ito ay ang sumusunod:
Kahalagahan
• Bakit mahalaga ang isyu?
• Sino ang tumuturing na mahalaga ang mga ito?
• Sino ang naaapektuhan ng isyu?
• Sino ang nakikinabang sa isyu? Sino ang napipinsala ng isyu?
• Kailan/Saan/Paano nagsimula ang isyu?
Pinagmulan
• Gumamit ba ito ng iba't ibangsanggunian, kabilang ang mga pangunahing sanggunian o primary
sources, upang
• mapag-aralan ang isyu?
• Mapagkakatiwalaan ba ang mga sangguniang nagpapaliwanag ng isyu?
• Paano itinuturing ng media ang isyung nabanggit?
Perspektibo o Pananaw
• Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung ito? (Hal. perspektibong pangkapaligiran, pang-
ekonomiya, politikal, panlipunan, at iba pa)
• Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa isyu? Bakit?
• Kaninong mga pananaw ang hindi napakikinggan?
• Ano ang papel ng media sa paglikha o pagpapalaganap ng isyung ito?
Mga Pagkakaugnay
• Paano nabago ang isyung ito sa paglipas ng panahon? Ano-ano ang maaaring maging
konsiderasyon sa hinaharap?
• Paano maiuugnay ang isyung ito sa iba pang mga isyung pangkapaligiran, panlipunan, o pang-
ekonomiya?

• Ang isyu bang ito ay bahagi ng isa pang mas malawak na isyu o suliranin? Paano naaapektuhan
ng isyung ito ang kapaligiran? Ekonomiya? Lipunan? Kalidad ng buhay?
• Bakit nananatiling suliranin ang isyung ito? Sino ang tumuturing na isa itong suliranin?
Personal na Damdamin
• Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu matapos ang pagsusuri tungkol dito?
• Paano kaya naiwasan o napigilan ang isyung ito? Ano-ano ang maaaring ibang nagawa?
• Ano-ano pang mga tanong ang kailangang masagot?
• Epekto (Pangkapaligiran, Panlipunan, Politikal, Pang-ekonomiya)
• Ano ang nagaganap sa lokal, pambansa, at pandaigdigang lebel tungkol sa isyu?

For SPSBV Student’s Use Only 4|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

• Ano-anong pagkilos ang isinasagawa ng mga mamamayan, negosyante, at iba pang mga
pangkat tungkol sa isyu?
• Ano-ano ang posibleng pangmadalian at pangmatagalang epekto ng mga pagkilos tungkol sa
isyu?
Maaaring Gawin
• Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol sa isyu? Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
• Ano-ano ang balakid o pagtataya sa pagkilos tungkol sa isyu?
• Ano ang maitataya tungkol sa isyu? .
• Paano kikilos tungkol sa isyu?
• Paano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol sa isyu?
Mga Sanggunian Tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu:
Pahayagan, magasin, radio, telebisyon, Internet. impormal na talakayan (sa bahay o sa komunidad),
pormal na talakayan (sa paaralan o sa pamayanan)
Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Sa pagsusuri ng isang isyu, kailangang malaman kung kailan nagsimula, saan ga ling, at paano
nagsimula ang isyung sinusuri upang matiyak na ito ay hindi gawa-gawa o kathang-isip lamang.
Kailangang mabatid kung mapagkakatiwalaan ang pinag-uga tan ng isyu. Mahalagang alam natin ang
mga maapektuhan ng isyung ito, sino-sino ang makikinabang dito, at sino-sino ang mapipinsala nito.
Mahalaga rin na alam na tin kung paano ito itinuturing ng mga tao at ng media. Kailangang malaman
kung paano nagkakaiba ang mga pananaw sa isyung si nusuri at kaninong mga pananaw ang hindi
napakikinggan. Tiyaking mahalaga ang pa pel ng media sa paglikha o pagpapalaganap ng isyung ito.
Alamin kung may mga pag kilos na isinasagawa ang mga mamamayan, negosyante, at iba pang mga
pangkat. Kai langang masusing suriin ang kahalagahan nito sa ating kapaligiran, ekonomiya, politi ka, at
lipunan. Mahalagang alam din natin ang magiging pangmadalian at pangmata galang epekto nito sa
ating kapaligiran, pa mayanan, bansa, at mundo. Suriin ang mga balakid sa paglutas ng isyu at kung
paano mahihikayat ang mga tao na kumilos upang ito ay malutas.
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, kailangan ang mga kasanayan sa:
1. Pagkilala sa Primarya at Sekondar yang Sanggunian
Maraming mga bagay, pangyayari, suliranin, at isyu sa ating kapaligiran ang nalalaman natin sa iba't
ibang paraan: sa pamamagitan ng mga sanggunian tulad ng mga liham, pahayagan, telebisyon, radyo,
litrato, video, email, social media, text messages, mga kuwento ng ibang tao, at mga komentaryo.
Nakalilikom tayo ng mga impormasyon tungkol sa iba't ibang kaganapan. Mahalaga ang mga sanggunian
ng impormasyon sapagkat sa tulong ng mga ito, higit na nauunawaan ang mga kaganapan at isyu sa
ating bansa. Nakatutulong ito sa paggawa ng mahalagang desisyon at sa pakikilahok sa iba't ibang
proyekto ng paaralan, lipunan, at ng bansa.
Upang higit na masuri at mabigyang interpretasyon ang mga nalikom na datos, ang mga manunulat ng
balita, kasaysayan, o ang mananalaysay ay dapat sumangguni sa mga primarya at sekondaryang
sanggunian.
Ang primaryang sanggunian o pinagkunan ng impormasyon ay mga orihi nal na tala ng mga
pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito. Halimbawa ng mga ito ay mga sulat,
journal, legal na dokumento, guhit, at larawan.
Ang mga sekondaryang sangguni an ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang
pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian at inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa
mga pangyayaring itinala. Kadalasang ginagamit ng mga mananaliksik ang mga primaryang sanggunian
upang maunawaan ang nakaraang mga pangyayari, subalit sila mismoang gagawa ng mga
sekondaryang sanggunian. Ang ilang mga sekondaryang sanggunian ay mgaulat, teksto, guhit, at kahit

For SPSBV Student’s Use Only 5|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

anong nabuo batay sa primaryang pinagkunan tungkol sa pangyayari. Sa pag susuri ng mga datos,
kailangang sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang paksa na pinagmulan ng datos?
2. Kailan naganap ang pangyayari?
3. Kailan isinulat ang tala ng pangyayari?
4. Naroon ba sa mismong pangyayari ang may-akda?
5. Ang tala ba ay primarya o sekondarya?
Narito ang mga halimbawa ng primarya at sekondaryang sanggunian:

Primaryang Pinagkunan Sekondaryang Pinagkunan


sariling talaarawan, talambuhay, talumpati aklat, komentaryo, encyclopedias,
ulat ng saksi, political cartoons, biography, articles, kuwento ng hindi
dokumento, ulat ng gobyerno o nakasaksi sa pangyayari
pahayagan, larawan, sulat, accounts, guhit

Ang mga halimbawa ng primarya at sekondaryang sanggunian ay makikita sa iba't ibang anyo tulad ng
nakasulat, biswal, pasalita, napapanood, nakalarawan, digital. Mahalaga ang mga pinagkukunan ng
impormasyon, primarya o sekondarya man, ngunit ang mga ito ay may limitasyon sa paglalahad ng
katotohanan at tunay na kaganapan sa mga nangyari.
Ang mga sanggunian ay may mga limitasyon, tulad halimbawa ng primaryang sanggunian; maaaring
hindi lahat ng detalye ng mga pangyayari ay matandaan ng nakasaksi sa pangyayari. Kapag
nagkaganoon, nadadagdagan o nababawasan ang paglalahad ng mga t impormasyon tungkol sa isang
pangyayari. Maaaring magkakaiba-iba ang salaysay ng mga saksi sa pangyayari. Ang sekondaryang
sanggunian naman ay nagbabago ang impormasyon ayon sa sumulat o naglalahad ng mga pangyayari.
Inilalahad at isinusulat ng isang tao ang pangyayari ayon sa kanyang sariling opinyon, pagkaunawa,
pananaw, at ideya. Ang mga anyo ng mga sanggunian ay may limitasyon din sapagkat ang mga ito ay
maaaring masira, mabura, mawala, at maapektuhan ng mga kalamidad.
Sa modernong panahon ngayon, marami nang mga sanggunian ang ma pagkukunan natin ng mga
impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu. Kabilang dito ang telebisyon, radyo, Internet, social
media, text messages, at mga nakalat halang materyal tulad ng billboards, anunsi yo, flyers, pahayagan,
at magasin. Ang bawat uri ng sanggunian ay nagbibigay ng sarili nitong perspektibo at pananaw tungkol
sa mga kontemporaryong isyu. Ang isang ma halagang pagsasanay sa kritikal na pag-iisip ay ang
pagsusuri at pagkukumpara kung paano tinatalakay ng iba't ibang sanggunian ang iisang isyu. Bukod pa
rito, mahalaga ring suriin nang mabuti ang mga sangguniang ating binabasa, pinanonood, o pinakiking
gan. Makatutulong ang sumusunod na mga tanong:
• Ano-ano ang inilalahad na mga impormasyon?
• Alin sa mga ito ang tunay na nangyari at alin ang pawang mga opinyon?
• Mapagkakatiwalaan ba ang sangguniang ito?
2. Pagtukoy sa katotohanan at Opinyon
Ang katotohanan ay mga totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na
datos. May mga ebidensiyang magpapatunay na totoo ang mga pangyayari. Halimbawa: Tinatayang
umabot sa milyon-milyong halaga ang pinsalang dulot ng bagyong Yolanda sa Tacloban.
Ang opinyon (kuro-kuro, palagay, im presyon, o haka-haka) ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan
ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan. Ang opinyon ay hindi kailangang patunayan. Halimbawa:
Dapat ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pangangasiwa sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

For SPSBV Student’s Use Only 6|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

Malinaw na ang isang katotohanan ay mas matimbang kaysa sa isang opinyon lamang. Ang isang
katotohanan ay hindi nagbabago. Ang opinyon, sa kabilang dako, ay maaaring magbago.
3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugayan sa agham panlipunan, kailangang malaman kung ito
ay walang kinikilingan. Ang mga paglalahad ay dapat balanse. Kailangang ilahad ang kabutihan at ang
hindi kabutihan ng isang bagay. Halimbawa: Maraming naipagawang ospital, health center, daan, at
bahay para sa mga maralita ang Administrasyong Marcos, ngunit marami rin ang taong nagdusa noong
ipatupad niya ang Batas Militar dahil may mga proyektong isinulong sa rehimeng Marcos na nakaapekto
nang negatibo sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino.

Ang pahayagan ay mahalagang sanggunian tungkol sa mga kontempo


raryong isyu sa loob ng mahigit sa 200 taon na. Bagama't maraming
mga Pilipi no ang nagbabasa ng mga pahayagan bawat araw, hindi pa
lubos na naga gamit ang mga pahayagan bilang ma teryal para sa pag-
aaral sa mga paaralan.

Halimbawa ng pahayag na may pagkiling:


a. Maraming nagaganap na pagla bag sa karapatang pantao, pang-aabuso, at pagpatay. Ang
Administrasyong Aquino ay walang nagagawa para mapigi lan ito.
b. Maraming Pilipino ang nagpu punta sa United States; ito ay dahil sa mas maginhawa ang pamumu
hay roon kaysa sa ibang bansa.
4. Pagbuo ng Paghihinuha (Inferences), Paglalahat (Generalization), at Kongklusyon
Ang hinuha ay isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay. Ang pagbuo ng
hinuha o inference ay kahalintulad ng pagbuo ng hypothesis. Upang makapaghinuha, kailangang gamitin
ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa paksa o babasahin upang matuklasan ang mga nakatago
nitong mensahe o kaisipan.
Halimbawa:
Maraming napahamak sa bagyong Yolanda dahil hindi nila pinansin ang mga babala tungkol dito.
Ang paglalahat (generalization) ay ang hakbang kung saan binubuo ang mga ug nayan ng mga hindi
magkakaugnay na im pormasyon bago makagawa ng kongklusyon.
Halimbawa:
Tuwing buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, nagaganap ang matitinding bagyo sa bansa. (Batay ito sa
mga talaan ng PAGASA noong mga nakaraang 10 taon.)
Ang kongklusyon ay ang desisyon o opinyong nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at
pagsusuri ng mga mahaha lagang ebidensiya o kaalaman. Sa pag-aaral ng mga pangyayari, nagbibigay
ng genera lization ang mga manunulat o mananaliksik. Ibinabatay ito sa mga impormasyon na sinu suri
at pinag-aaralan.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga pansariling
kakayahan at kasana yan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang ilan:
1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mga mahaha lagang kaganapan na
nakaiimpluwen siya sa mga tao, pamayanan, bansa, at mundo
2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ug nayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari
3.Paggamit ng mga kagamitang tek nolohikal at iba't ibang sanggunian para makakalap ng mga
impormasyon

For SPSBV Student’s Use Only 7|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

4. Paggamit ng mga pamamaraang es tadistikasa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga


pangyayari sa lipunan
5. Pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba't ibang sanggunian, at pagsasaliksik
6.Mapanuring pag-iisip, matalinong pag papasiya, mabisang komunikasyon, pagkamalikhain, at
pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw
7. Malalim na pag-unawa at pagpapa halaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga
pandaigdigang sulir anin
8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito ay naiiba o salungat sa
sariling paniniwala o pananaw
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura, paniniwa la, at paggalang sa
kanilang dignidad at karapatang pantao
10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba

Sa pag-aaral ng mga kontemporar yong isyu, nalilinang tayo bilang mabuting mamamayan. Nalilinang
nito ang:
1. Kaalaman sa sariling mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan upang makalahok sa mga
makabuluhang ga wain para sa ikabubuti ng pamumuhay ng pamayanan, bansa, at dagidig.
2.Pang-unawa at paggalang sa mga ba tas at alituntunin upang maitaguyod ang pagkakaisa, pag-unlad,
at pagka karoon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig.
3. Pag-unawa sa iba't ibang aspekto ng mga suliranin at isyu ng lipunan: heograpiya, ekonomiya, kultura,
pama halaan, at pansibiko gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba't ibang disiplina
4. Pagpapahalaga sa sama-samang pagk ilos bilang isang bansa at pagtugon sa mga pambansa at
pandaigdigang suli ranin.
5. Masidhing damdaming makabayan, makatao, makakalikasan, at makasandaigdigan na mag-uudyok
upang maging produktibo at makat ulong sa paglutas ng mga suliranin sa kasalukuyan at pagpapanday
ng maunlad at mapayapang pamayanan, bansa, at mundo.
6. Aktibong pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.

Mga Gabay na Katanungan:


1. Magbigay ng halimbawa ng mga kontemporaryong isyu.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Ano ang itinuturing mong pinakamahalagang konremporaryong isyu sa Pilipinas sa ngayon?


Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

For SPSBV Student’s Use Only 8|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

Tiyakin 1:
Tukuyin ang uri ng pahayagan na ipinakikita sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa patlang.
___________________ 1. Malaki ang pinsalang naidulot ng bagyong Sendong sa a. Bias
mga kababayan satin sa Leyte. b. Hinuha
___________________ 2. Hindi sana marami ang nasawi sa bagyong Sendong c. Opinion
kung lumikas at pumunta kaagad ang mga tao sa ligtas na evacuation center. d. Kongklusyon
e. Katotohanan
___________________ 3. Malaking pinsala sa mga ari-arian ang idinulot ng mga
bagyo at pagbaha.
___________________ 4. Ang pamahalaang Aquino ay matapat na nagpapatupad ng mabisang
programa para mapigil ang problemang pangkalikasan.

Tiyakin 2:
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Para sa iyo, anog pinakamahalgang benepisyo ang makukuha sap ag-aaral ng kontemporaryong isyu?
1. Para sa iyong sarili
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Para sa iyong bansa
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

For SPSBV Student’s Use Only 9|Learning Packet


Inclusive Paulinian Adaptive Uninterrupted Learning (iPaul) Program

Linangin:
Basahin ang bawat isyu. Lagyan ng tsek ( ) kung maituturing itong kontemporaryong isyu. Lagyan ng
ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Pagsakop ng Espanyol sa pilipinas _____ 11. Korupsyon sa pamahalaan


_____ 2. Pagbabago ng klema sa buong mundo _____ 12. Prostitusyon
_____ 3. Katiwalian sa pamahalaan _____ 13. Pandaraya sa pamilihan
_____ 4. Suliranin ng isang mag-anak _____ 14. Paglaganap ng sakit
_____ 5. Pagtatapos sa pag-aaral ng isang bata _____ 15. Pag-kidnap sa mga dayuhan
_____ 6. Pagkakalbo ng kagubatan _____ 16. Pagtanggal sa mga tiwaling kawani
_____ 7. Pagkatuklas ng Taong Tabon _____ 17. Pagbabayad ng malaking buwis
_____ 8. Pagiging isang archipelago ng Pilipinas _____ 18. Paggamit ng pondo ng pamahalaan
_____ 9. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers _____ 19. Paglaki ng populasyon
_____ 10. Kahirapan ng maraming Pilipino _____ 20. Pagkasira ng mga likas na yaman

References:
Maria Carmelita B. Samson, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M.
Imperial, Celia D. Soriano; Kayamanan 7, Rex book store, pg.1-16.

Prepared by:
Mr. Hordan Jay G. Salle

For SPSBV Student’s Use Only 10 | L e a r n i n g P a c k e t

You might also like