You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR
Laganac High School
Laganac Balatan, Camarines Sur

ARALING PANLIPUNAN 9 – EKONOMIKS


IKATLONG MARKAHAN
GAWAING PAGKATUTO BILANG 2 – PAMBANSANG KITA

Pangalan: _______________________________ Seksiyon______________ Petsa: __________

Pinakamahalagang

Kasanayang Pampagkatuto

Narito ang mga kasanayan na inaasahang malilinang sayo kapag iyong isinapuso ang pagsagot sa
mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pambansang kita sa ekonomiya

Mga Tiyak na layunin:

1. Nabigyang kahulugan ang pambansang kita,


2. Nasusuri ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita; at
3. Natataya ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Panimulang Pagkatuto
Umuunlad ang
Kung ikaw ang tatanungin, maunlad bang ekonomiya ng
maituturing ang Pilipinas? Kung oo o hindi, ano Pilipinas!
ang iyong basehan?

Kung ang ating Pangulo ang tatanungin, walang dudang umuunlad


ang Pilipinas. Buong
pagmamalaki niyang sinabi ito noong 2018. Kung
ganun, ano ang naging basehan ng pangulo para sabihin niya ito?
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y6l58lgo
Nasabi ng pangulo na gumaganda ang ekonomiya
ng bansa dahil patuloy kasi ang pagtaas ng ating Pambansang kita sa nakaraang tatlong taon:
Ang Gross National Product (GNP) at ang Gross Domestic Product (GDP). Kapwa tumutukoy
ang dalawang ito sa kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob at labas ng
bansa. Kinakatawan ng GNP at GDP ang pambansang kita ng ating bansa na pangunahing
economic indicators naman o panukat ng lagay ng ekonomiya.

1
Mga Gawain

Malalaman kung may nararating na pagsulong at pag unlad ang ekonomiya ng isang bansa
pamamgitan ng pagsusuri ng economic performance nito. Sa pamamagitan ng economic
indicators ay nasusukat ang kasiglahan ng ekonomiya. Ito ay instrumento na maglalahad sa
anumang narating na na pagsulong at pag -unlad ng isang ekonomiya. Sa Pilipinas at marami
pang bansa sa buong mundo, dalawa ang economic indicators na ginagamit bilang panukat ng
economic performance ng isang bansa. Ito ay ang Gross Domestic Product (GDP) at Gross
National Income (GNI). Ang GDP at GNI ay parehong ginagamit sa pagsukat ng pambansang
kita ng isang bansa. Tumutukoy ito sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na ginawa sa loob o labas ng isang bansa. Nagkakaiba ang dalawang ito base sa
lokasyon at nasyonalidad ng isang taong nagmamay -ari ng serbisyo o kalakal.
Suriin ang halimbawa sa ibaba:

Lokasyon – Ang kabuuang halaga ng lahat ng kalakal o


serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa ng isang dayuhan
McDonald sa Pilipinas
man o mamamayan nito, ay
Philippines Unites States
kabilang sa pagkompyut ng Gross Domestic Product GDP X GDP
(GDP) ng isang bansa pero hindi ng GNI. X GNI GNI
Halimbawa, ang kita ng Mcdo sa Pilipinas dahil nasa loob Pinagkunan: https://tinyurl.com/y6pe7ol4
siya ng bansa, ay kabilang sa pagkompyut ng
GDP ng Pilipinas kahit pa dayuhan ang may-ari nito.

Jollibee sa Canada
Canada Philippines
GDP X GDP
X GNI GNI

Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4huoz26

Nasyonalidad – Ang kabuuang halaga ng lahat ng


serbisyo o kalakal na ginawa ng isang mamamayan, nasa loob o labas man siya ng kanyang
bansa ay kabilang sa pagkompyut ng Gross National
Income (GNI) ng kanyang bansa. Halimbawa, ang kita ng
Jollibee sa Canada ay kabilang sa pagkompyut ng GNI ng
Pilipinas dahil pagmamay-ari ito ng isang Pilipino kahit pa ito
ay nasa labas ng bansa.

2
Mga Gawain

GAWAIN 1. CONCEPT MAP


Batay sa naging pagtalakay sa
itaas, punan ng mga kauku-
lang salita o konsepto ang
concept map sa kanan.
Isulat ang iyong mga sagot sa loob Pambansang
ng bilog. Kita

Ayon saiyong sariling


pagkakaunawa, ano ngayon ang
ibig sabihin ng Pambansang Kita?

GAWAIN 2: GDP o GNI?


Suriin ang dalawang larawan sa ibaba. Saan kaya ibibilang ang kita ng kumpanya
at

indibidwal. Lagyan ng tsek o ekis ang kahon kung saan angkop na nabibilang ang
kita ng mga sumusunod na halimbawa. Pangatwiranan ang iyong sagot.

Tandaan: Ang Toyota ay isang Japanese-owned company at ang Filipino naman sa ikalawa
ay isang OFW sa England

Toyota Philippines Filipino Caregiver sa England

Philippines Japan Philippines England


GDP GDP GDP GDP
GNI GNI GNI GNI

Pinagkunan: https://tinyurl.com/yyxemkcx Pinagkunan: https://tinyurl.com/y2w3erqt

Paliwanag__________________ Paliwanag__________________
___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________

BASAHIN MO! Mga Pamamaraan ng Pagsukat ng Pambansang Kita


Sa pagsukat ng pambansang kita, tatlo ang pamamaraang ginagamit. Basahin at
unawain ang teksto sa ibaba upang matukoy ang pagkakaiba ng mga
pamamaraang ito.

1. Paraan batay sa paggasta o Expenditure Uri ng Gastusin 2015 2016


Approach - Nakatuon sa pagkompyut sa gastusin ng 4 na Gastusin ng
6,557,890 7,478,098
sambahayan (C)
pangunahing sektor ng ekonomiya: Sambahayan,
Pamahalaan (G) 2,567,210 3,103,278
bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor. Mamumuhunan (I) 1,890,820 2,567,322
Tingnan ang halimbawa sa kanan. Kapag in-add ang Panlabas na sektor
90,420 82,344
(X-M)
Statistical
0 0
Discrepancy (SD) 3
GDP 11,106,340 13,231,042
NFIFA 3,401,901 3,998,167
GNP 14,508,241 17,229,209
gastusin ng apat na sektor makukuha ang GDP na 11,106,340. Kapag isinama sa pagkompyut ang
NFIFA o ang kita ng mula sa labas ng bansa, makukuha naman ang GNP na
14,508,241

2. Paraan batay sa pinagmulang Industriya, o Mga


2015 2016
Industriya
Industrial Origin/Value added Approach- Kinukompyut
Agrikultura 1,557,890 1,878,098
ang kabuuang halaga ng produksyon ng mga pangunahing Industriya 1,567,210 2,103,278
Paglilingkod 5,890,820 6,567,322
industriya ng bansa tulad ng agrikultura, industriya at sektor ng GDP 9,015,920 10,548,698
aglilingkod. Tingnan ang halimbawa sa kaliwa NFIFA 2,401,901 2,998,167
GNP 11,418,821 13,546,865
3.Paraan batay Income/Kita 2015 2016
sa kita or Sahod ng mga Income Approach -
3,557,890 3,878,098 kinokompyut ang pinagsama samang
manggagawa
sahod at kita ng Kita ng mga mga manggagawa, pribadong
korporasyon, pribadong 2,567,210 2,933,278 depresasyon at pagbubuwis
korporasyon
Buwis 1,590,820 1,967,322
GDP 7,715,920 8,778,698
NFIFA 1,881,901 2,298,167
GNP 9,597,821 11,076,865

GAWAIN 3. SAAN ISASALI PAGKOMPYUT?


Suriin kung saan maaaring ibilang ang kita ng mga sumusunod na
sitwasyon o halimbawa sa ibaba. Isulat ang titik nito sa loob ng tamang
bilog.

A. Gumastos ang pamahalaan ng


bilyung-bilyong piso sa pagbili Expenditure
ng bakuna kontra COVID sa Approach
ibang bansa.
B. Umabot ng mahigit 20 Bilyong
piso ang halaga ng inaning
palay sa buong bansa sa unang
kwarter ng taon
Paraan ng
C. Dahil sa COVID pandemic, Pagsukat ng
Pambansang
nakapagtala ng mataas ng kita Kita
ang mga kumpanyang
gumagawa ng sani- tation Industrial Origin Income
products tulad ng alcohol at
Approach Approach
face mask

D. Gumastos si Jun ng 10 milyong


piso sa pagpa- patayo ng kanyang pinangarap na
restaurant.
E. Dahil sa Work from Home na ipanatupad F. Nakapagtala ng matinding pagkalugi
Noong lockdown, kalahati lang ng kanyang ang industriya ng Turismo dahil pa rin sa
Sweldo ang natanggap ni Mike. Covid Pandemic.

BASAHIN MO! Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems and
Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang mga sumusunod:

4
1. Ang Sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas
ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksyon ng bansa.
2. Ang nakalap na impormasyon mula sa pamabansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpapalano sa ekonomiya upang bumuo ng patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas ng economic performance ng bansa
3. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pamabansang kita haka-haka lamang
ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi
kapanipaniwala
4. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng
ekonomiya.
5. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang
direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pagunlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

GAWAIN 4. UMUUNLAD NGA BA?


Sa kabila ng paggamit ng mga batayang ito, nananatiling maraming Pilipino ang
mayagam -agam sa sinasabing-unlad
pag ng ekonomiya ng bansa. Bakit kaya
maramiang hindi naniniwala sa sinasabing
-unlad
pagng ating bansa ayon sa
ipinapakita GDP
ng at GNI?
Ipaliwanag ang iyong sagot gamit
cartoon
ang
sa ibaba
.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/yxb2re87

Gawaing Pagganap at

Rubrik sa Pagmamarka

Bilang iyong Performance Task sa araling ito, gagawa ka ng alinman sa mga


sumusunod: Collage, Editorial Cartoon o kaya’y Doodle Art tungkol sa kahalagahan ng
pagsukat sa Pambansang Kita. Isa lang sa tatlong nakalista ang iyong gagawin bilang
iyong PT. Anuman ang iyong mapili, tandaan ang mga sumusunod na panuto:
• Gagawin ang output sa isang short size bond paper.
• Ipasa ito kasama ng iyong answer sheet sa itinakdang araw ng
retrieval/distribution ng module
• Gamiting gabay ang rubrik sa pagmamarka sa kabilang pahina

10 7 5 3

5
Nilalaman Naipakita ng Di-gaanong Medyo magulo ang Malayo ang
maayos ang naipakita ang mensahe mensahe ng
mensahe ng mga mensahe naipakita
larawan
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw Maganda ngunit Di- maganda at
napakalinaw ng ang pagkakagawa di-gaanong Malabo ang
pagkakagawa malinaw ang pagkakagawa ng
pagkagawa collage
Kaugnayan sa May malaking Di-gaanong may Kaunti lang Walang kaugnayan
paksa kaugnayan sa kaugnayan sa ang kaugnayan ng sa paksa ang
paksa ang collage collage collage sa paksa collage
Kalinisan Napakalinis ng Malnis ang Di-gaanong malinis Marami ang
pagkakabuo ng pagkakabuo ang pagkakabuo pagkakagawa
collage

Binabati kita dahil iyong napagtagumpayan


ang mga
gawain sa Learning Activity Sheets na ito. Keep it up!

Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1. (Ang sagot ay ayon sa sariling pagtataya ng mag-aaral) GAWAIN 2.

Ang kita ng Toyota


Philippines ay kabilang sa pagkompyut ng GDP ng PIlipinas dahil nasa loob ito ng PIlipinas. Dahil itoy
isang dayuhang kumpanya hindi ito kabilang sa pagkompyut ng GNI ng Pilipinas sa halip ng Japan
kung saan orihinal na nagmula ang Toyota. Ang kita naman ng Filipino caregiver ay ibibilang sa GDP
ng Canada kung saan siya nagtatrabaho at GNI ng PIlipinas kung saan siya mamamayan

GAWAIN 3. Expenditure Approach – A, D


Industrial Origin Approach – C, F
Income Approach – B, E
GAWAIN 4. (Ang sagot ay ayon sa sariling pagtataya ng mag-aaral)

SANGGUNIAN:

Bernard E. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group Inc.
https://tinyurl.com/y6l58lgo Date retrieved: February 5, 2021 https://tinyurl.com/y6pe7ol4 Date
retrieved: February 5, 2021 https://tinyurl.com/y4huoz26 Date retrieved: February 4, 2021

https://tinyurl.com/yyxemkcx Date retrieved: February 6, 2021 https://tinyurl.com/y2w3erqt Date

retrieved: February 7, 2021 https://tinyurl.com/yxb2re87 Date retrieved: February 8, 2021

You might also like