You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
Cabid-an, Sorsogon City

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________ Antas/Seksyon: ______ Q:3 - Lesson 2

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

*Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga

Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang

Asya.

1. Nailalahad ang mga nabago at nanatili sa iba’t ibang aspeto sa ilalim ng


kolonyalismo.
2. Natatalakay ang mga epekto sa edukasyon, ekonomiya, pulitika at sosyo-
kultural na aspeto ng kolonyalismo saTimog at KanlurangAsya.
II. Pangkalahatang Ideya

Umiral ang ibat ibang aspeto ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya, at

ang pangunahing salik ng imperyalismo. Nagkaroon din ng epekto ang kolonyalismo sa

mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa ekonomiya, edukasyon, pulitika, at

tradisyon.

III. Mga Gawain:

Iba’t Ibang Aspeto ng Imperyalismo saTimog at Kanlurang Asya

1
Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo umiral ang prinsipyong pang-

ekonomiyang merkantilismo sa Europa. Ang mekantilismo ang ginamit na dahilan ng

mga Europeo upang mag-unahan na makakuha ng mga lupaing masasakop sa Asya,

at upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin

ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop

upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.

Ang imperyalismo ay nagmula sa sasalitang Latin na imperium na ang ibig

sabihin ay command. Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang

makapangyarihang nasyon–estado sa mahina at maliit na nasyon-estado upang

maging pandaigdigang makapangyarihan.

Apat na Pangunahing Salik ng Imperyalismo:

1. Dahil sa udyok ng nasyonalismo. 3. Ang kapitalismo.

2. Dulot ng Rebolusyong Industriyal. 4. The White’s Man Burden.

Mga nanatili at nabago batay sa iba’tibang aspekto:

Ekonomiya- kinontrol ng mga British ang kalakalan sa India sa pamamagitan ng

pagtatag ng East India Company. Ito ang naging dahilan ng pagiging mayaman ng

nasabing kompanya.

● Upang mas mapalaganap ang pangunahing interes sa kalakalan sa India,

ipinaayos ang mga estadong may hidwaan.

● Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

● Ipinakilala ang makabagong kaalaman sa teknolohiya.

2
● Nagpagawa ng daan, tulay, riles ng tren, mga pagawaan, sistema ng

komunikasyon at irigasyon.

● Nagpagawa ng mga ospital para mabigyan ng medikal na atensyon ang

kalusugan ng mga Indian.

● Nagpatayo ng paaralan, ginamit ang Ingles na panturo sa paaralan.

● Pinaunlad ang agrikultura at sapilitang pinatanim ang mga magsasaka ng mga

produktong kailangan ng England para sa pag-unlad.

Lipunan:

Hindi lamang kalakalan ang kinontrol ng mga British, kundi nagpasimula rin

silang magpasok at magturo ng mga kultura na bago sa India. May mga umiral na

tradisyong Hindu at Muslim na ipinagbawal tulad ng sutte o sati, ang bolutaryong

pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng asawa. Ang

babaeng balo sa paniniwalang Hindu ay pinagbabawalang mag-asawa. Ito ay binago sa

panukalang batas ng Ingles na sila ay pinapayagan nang mag-asawa.

Pulitika:

Ang pamahalaang Ingles ang direkta nang mamamahala sa India mula sa

British East India Company. Nagtalaga ng viceroy na nagiging kinatawan ng

pamahalaang Ingles.

Mga Epekto ng Kolonyalismo saTimog at Kanlurang Asya

Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot na

pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Pinakinabangan nang

husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga nang nagaganap na

3
Rebulosyong Industriyal na nagdudot ng pagdagsa ng mga kapitalista sa mga kolonya.

Ito ang mga naging dahilan ng pagtaas ng ekonomiya ng mga Kanluranin at nanatiling

nakatali ang ekonomiya ng mga Asyano

Mga Epekto:
Ekonomiya: -natutong maging mangangalakal o middle men ang mga Asyano, sila ay

umunlad sa pamumuhay.

Edukasyon: - ang edukasyon ang naging instrumento para makalaya sa kamay ng

mga mananakop; natuto silang ipaglaban ang kanilang karapatan at nagising ang

damdamin para sa pagmamahal sa bayan, reporma ang kanilang sigaw, ang iba naman

na mas nakakarami separasyon ang nais.

Pulitika: - ang mga Asyano ay hindi nabigyan ng pantay na posisyon sa pamahalaan.

Ang mga Kanluranin ang mga nasa matataas na posisyon at ang nasa

mababangposisyon naman ay ang mga katutubo; - nagkaroon ng paghahati-hati ng

mga rehiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed boarder o takdang

hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.

Tradisyon: - pinanghimasukan ang kanilang tradisyon. Ang mga kaugalian ay

nahaluan tulad ng mga pagkain at estilo ng pamumuhay ay ginaya; - maging paniniwala,

pilosopiya at maging pananampalataya ng mga Asyano ay pinalitan ng mga dayuhan

kaya mas lalo pang nagtagal ang kanilang pananakop. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi

ang mga katutubo at mga Kanluranin para mas lalo pang makuha ang katapatan ng

kolonya.

Pagsasanay 1

Panuto: .Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

4
1. Ano-ano ang dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na lalong maghangad ng

kolonya saTimog at Kanlurang asya?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Tunay ba na ang mga Kanluranin ay nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng

mga Asyano? Pangatwiranan.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang E kung ekonomiya, P kung politika, at S/K kung sosyo-kultural ang

epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.

________1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at

pamilihan ng produktong Kanluranin.

________2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristyanismo.

________3. Nagkaroon ng fixed-boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat

bansa.

________4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.

________5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang

mapanatili ang katapatan ng kolonya.

IV. Repleksyon

Panuto: Pagkatapos matukoy at maunawaan ang ang mahahalagang pangyayari sa

sinaunang kabihasnan sa Asya. Maari mo nang balikan ang mga natutuhan at nahinuha

sa nakalipas na mga aralin at sagutin ang mga sumusunod na gawain

5
Tatlong bagay (fact) na matutuhan ko sa araling ito

1.

2.

3.

Dalawang kamangha-manghang bagay (creative thoughts) na aking


malalaman sa pag-aaral ng araling ito.
1.
2.
Isang tanong na kukumpleto sa pag-aaral ko at tutugon sa kabuuan ng pag-
aaral ko tungkol sa mga sinaunang kababihan sa Asya na aking malalaman
sa pag-aaral ng araling ito.
1.

V. Rubrik para sa Pagsasanay


PAMANTAYAN ISKOR
Nilalaman 45 %
Kaugnayayan sa paksa 30 %
Paggamit ng salita 25 %
Kabuuan 100%

VI. Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; Araling PAnlipunan Modyul sa
Mag- aaral,pp. 206-212

Prototype and Contextualized DLPs in AP7, Mga Nabago at Nanatili sa Ibat


Ibang Aspeto ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Inihanda ni:

RHEA D. DIGO – T1
San Isidro National High School
Bacon District, Sorsogon City

You might also like