You are on page 1of 3

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 08

Kasaysayan ng Daigdig

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga


sumusunod:
a. natutukoy ang kahulugan at mga uri ng neokolonyalismo;
b. nakakagawa ng isang slogan na nagsasaad sa pagpapahalaga sa mga bagay na
likas na angkin ng bansa;
c. naipapahayag ang mga saloobin upang maibsan ang epekto ng
neokolonyalismo;
d. napapahalagahan ang pagmamahal sa sariling bayan lalong-lalo na sa paraang
pagtangkilik sa sariling kultura at sa pagpapaunlad sa aspetong pang-ekonomiya.

II. PAKSANG ARALIN


Pangunahing Konsepto: Neokolonyalismo
Sanggunian: https://prezi.com/j61cp-h-arbj/neokolonyalismo/
Mga Kagamitan: larawan, visual aids

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
Pagtala sa mga lumiban sa klase
Pagbabalik-aral

B. PAGGANYAK
Magpapakita ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa mga kasalukuyang nakapag-
impluwensiya ng mga Pilipino galing sa dayuhang bansa at ipapatukoy kung ano at sino
ang nasa larawan at kung sa anong bansa ito galing.

C. PAGSUSURI
Paano nakakaimpluwesiya ang neokolonyalismo sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Bakit nakapagdudulot ito ng malaking suliranin sa bansa?
Paano natin maibsan ang matinding dulot ng neokolonyalismo?

D. PAGLALAHAD
Magtatanong sa kanilang ideya tungkol sa neokolonyalismo.

E. PAGTATALAKAY
NEOKOLONYALISMO
(Kahulugan)
Ang patuloy na pang-ekonomiya at pangkulturang impluwensiya ng mga mananakop sa
dating kolonya nito. Naiiba ito sa kolonyalismo sapagkat wala na itong tuwirang military
o politikal na kontrol dito.
(Layunin)
1. Patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa.
2. Pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan.
3. Kunin ang mas malaking kita ng negosyo.
(Instrumento)
1. Ekonomiko - napapalaganap sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa
pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumulong.
2. Kultural - nababago ang pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng bansa, dala ng
ipinakilala ng mga dayuhan.
(Epekto)
1. Labis na pagdepende sa iba
2. Kawalan ng karangalan
3. Patuloy na pang-aalipin

F. PAGLALAHAT
Magtatanong sa mga mag-aaral ng kanilang natutunan sa buong talakayan.
Ano ang neokolonyalismo at ang mga layunin nito?
Bilang isang mag-aaral, ano ang inyong sariling saloobin upang maibsan ang
matinding dulot ng neokonyalismo?
Paano niyo maipapakita ang pagpapahalaga sa aspetong ekonomiko at kultural?

G. PAGLALAPAT
Pang-isahang Gawain
Gumawa ng isang slogan tungkol sa pagpapahalaga sa mga bagay na likas na angkin ng
bansang Pilipinas.

Rubriks:

Pagkamalikhain - 10
Mensahe - 20
Kabuuan - 30 puntos

H. PAGTATAYA
Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at ibigay ang pinakawastong
sagot.
1. Ito ay ang paraan ng di-tuwirang pananakop sa aspetong ekonomiya at kultura.
2. Ang instrumento ng pananakop na nagpapakita ng kunwaring pagtulong sa pag-unlad
ng isyung pangkabuhayan ng bansa.
3. Ito ay tumutukoy sa uri ng neokononyalismo na nagbago sa pananaw sa mga bagay na
likas na angkin ng bansa.
4. Ano ang dulot ng neokolonyalismo sa mga Pilipino?
5. Magbigay ng mga halimbawa ng kultura o tradisyon na lubos na nating kinalimutan
dahil sa impluwensya ng mga dayuhan.

I. KASUNDUAN
Magsasaliksik sa iba’t-ibang pangalan ng pandaigdigang organisasyon at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano-anong mga pandaigdigang organisasyon ang nilahokan ng bansang Pilipinas?
2. Paano ito nakakatulong sa bansa?

You might also like