You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Epekto ng Ideolohiya, Cold War
at Neo-Kolonyalismo sa Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Epekto ng mga Ideolohoya, Cold War at
Neokolonyalismo sa Daigdig.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Heizel V. Padua
Editor:
Tagasuri: Marilou C. Gilay, Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Mark Jason C. Diaz
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph

ii
8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Epekto ng Ideolohiya, Cold War
at Neo-Kolonyalismo sa Daigdig

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan
mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahanang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod
na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan naming nasa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

iv
Alamin Natin
Magandang araw sa iyo aking mag-aaral. Natatandaan mo pa ba ang
iba’t ibang ideolohiyang umiral sa daigdig? Sinikap ng mga tao na umahon
mula sa pagkawasak dulot ng digmaan. Tinanggap ng mga tao ang iba’t ibang
ideolohiya sa pag-asang ito ang magbibigay kalutasan sa kanilang mga
problema.
Sa modyul na ito ay matutunan mo kung ano ang naging epekto ng
iba’t ibang Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo sa kinakaharap natin sa
kasalukuyan.
Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencies
para sa Baitang 8 na: Natataya ang epekto ng mga Ideolohiya, ng Cold War
at ng Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. (AP8AKD-IVi-10)

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod:


• Ang Konsepto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonysalismo.
• Mga Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo


ang sumusunod:
1. natatalakay ang mahahalagang konsepto ng Ideolohiya, Cold War at
Neokolonyalismo;
2. natutukoy ang naging epekto ng Ideolohiya, Cold War at
Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Subukin Natin
Handa ka na ba?

Subukan mong sagutin ang mga tanong kung mayroon kang mga kaalaman
sa paksa natin sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa
sagutang papel.

1. Bakit nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan


ng Amerika na tapusin na ang Arms Race?
A. Upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo.
B. Upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon.

1
C. Upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng
nakararami.
D. Upang mapayapa ang pamumuhay sa halip na makipaglaban pa sa
digmaan.

2. Bakit nauwi sa tunggalian ang dating magkaalyado at magkasamang


bansa na Estados Unidos at Unyong Sobyet na nagtatag ng
“nagkakaisang bansa”?
A. Dahil sa pagkaiba ng kanilang paniniwala at layunin.
B. Dahil sa pag-nanais na mahirang na pinakamakapangyarihang
bansa sa daigdig.
C. May hidwaan ang dalawang bansa dulot ng nakalipas na Ikalawang
Digmaan Pandaigdig.
D. May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tensyon
dahil sa paglalaban ng ideyolohohiyang kanilang pinaniniwalaan.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng HIGIT na epekto


ng ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?
A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa.
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling
kaisipan o ideya tungo sa pagbabago ng pamumuhay ng tao.

4. Ano ang naging bunga ng pagkakahating ideolohikal ng Europe na


tinawag ni Winston Churchill na “Iron Curtain”?
A. Mahigpit na patakaran ng turismo.
B. Paglaganap ng makabagong paraan ng pananakop.
C. Nagdulot ng kahirapan sa ekonomiya ng maraming bansa.
D. Pagtigil sa ugnayan sa pagitan ng Kanluran at Silangang Europe sa
iba’t ibang larangan.

5. Kailan lubos masasabi na ang isang bansa ay nasa demokratikong


pamahalan?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga
mamamayan.

6. Maituturing bang mapanganib ang Ideolohiyang Pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.

2
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga
mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa
kagalingan ng estado at hindi para sa kanilang kapakanan.

7. Ang Neokolonyalismo ay tumutukoy sa patuloy na impluwensya ng


mga mananakop sa bansang dati nilang sakop. Alin sa sumusunod ang
HINDI kabilang sa anyong Neokolonyalismo?
A. Umaasa nang labis ang mahihirap na bansa sa mayayamang
bansa.
B. Naalis ang pagkatali sa impluwensiya ng mga mananakop na
bansa.
C. Kadalasan napipilitang sumunod ang bansa sa posisyon ng dating
mananakop.
D. Ang mga bansa sa Asya at Africa ang madaling mabiktima ng
neokolonyalismo.

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan


ng Ideolohiya?
A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista
at senador.
D. Ito ang naging gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng
mamamayan sa isang bansa.

9. Malaki ba ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa


sa Asya at kanluranin?
A. Hindi, dahil pinabayaan ng Russia at USA ang bansang kaalyado.
B. Hindi, dahil pwersahan ipinatupad ng Russia at USA ang kanilang
ideolohiya.
C. Oo, dahil tinulungan ng Russia at USA ang mga bansang kaalyado.
D. Oo, dahil naimpluwensiyahan ng Russia at USA ang kultura ng
mga kaalyadong bansa.

10. Paano higit na naapektuhan ng patakarang neo-kolonyalismo ang


ekonomiya ng mga bansang papaunlad pa lamang?
A. Paglago sa larangan ng ekonomiya
B. Uunlad ang larangang politikal at military.
C. Hindi sila aasa sa tulong ng mga karatig-bansa.
D. Maging “Over dependence” sa mayayamang bansa at may loss of
pride o kawalan ng karangalan.

3
Aralin Natin

Marahil ay may mga tanong na naglalaro sa inyong isipan tungkol sa iba’t


ibang paniniwala o prinsipyo ng mga bansa. Halina’t basahin ang teksto
tungkol sa epekto ng mga ideolohiyang napaloob tungkol sa Cold War at
Neokolonyalismo.

Ano nga ba ang Cold War?

Ang Cold War ay ang labanan ng ideolohiya ng mga bansang


demokratiko at komunista (Soriano, C. et al 2020). Ito ay isang labanan na
hindi ginagamitan ng dahas, ito ay tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya
ng bawat bansa na kapanalig ng dalawang makapangyarihang bansa na
tinaguriang Super Power.

Pagsisimula ng Cold War at Labanan ng Ideolohiya

Matapos ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig, naging makapangyarihan


bansa ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Ang dalawang bansa na ito ay
tinaguriang superpower. Subalit, hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga
bansang ito na dati magkakampi ay nauwi sa tunggalian ng ideolohiya na
naging hudyat ng pagsiklab ng isang Cold War.

Ang Cold War ay bunga ng matinding kompetensya na naganap sa


pagitan ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian
ng kapangyarihan kundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa. Ayon kay
Celia D. Soriano, et al sa kanilang aklat na Kasaysayan ng Daigdig, ang
Estados Unidos ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang
ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo.

Sa muling pag-aayos ng daigdig, malaki ang papel ng Estados Unidos


bilang pinakamalakas na kapangyarihang kapitalista. Gumawa ito ng mga
hakbang upang mapigil ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng
USSR.

Tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang


kapanalig sa kanluran sa pamamagitan ng Marshall Plan. Sa Silangan,
tiniyak din nito ang pagbangon ng Hapon sa pamamahala ni Heneral Douglas
MacArthur.

Mga Tunay na Sanhi ng Cold War

Magkakampi at magkakasama ang Estados Unidos at Unyong Sobyet


sa mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Dumating ang

4
pagkakataon na sila’y nagkaroon ng tunggaliang hindi tuwirang labanan
kundi magkaribal na militar at pagkawala ng tiwala.

May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tensyon


dahil sa paglalaban ng Ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Hindi lamang
tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa Ideolohiya ang dahilan nito.
Ang Estados Unidos ang pangunahing bansang demokratiko, samantalang
ang Unyong Sobyet ay komunista. Ang kanilang sistemang pulitikal ay
nakaapekto sa maraming bansa sa kasalukuyan. May mga bansa na naging
demokratiko at komunista.

Pinutol ng Unyong Sobyet ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning


bansa upang mapanatili nito ang kapangyarihan sa Silangang Asya. Nahinto
ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin,
aklat, at programa sa radio. Dulot nito ay tinagurian ni Winston Churchill na
Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-
Kanluran. Mas lumala ang di pagkakaunawaan dahil sa hindi pagkakaroon
ng bukas na kalakalan ng mga ito.

Hiniling ni Stalin na magtayo ng Base militar sa bahagi ng Black Sea


at Aegean noong 1945. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet,
samantala, isang patakaran ang pinalabas ni Harry S. Truman, Pangulo ng
Estados Unidos noon, ang Truman Doctrine, bilang pagtugon sa
isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet noong 1947. Layunin nito
ang pagpapadala ng hukbong Amerikano sa Gresya at Turkey upang
hadlangan ang pagpapalaganap ng Komunismo.

Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA

Nauna ang USSR sa USA sa pagpapadala ng sasakyang


pangkalawakan. Noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan (Space
Age), ay sinimulang buksan ang pagpapalipad ng Sputnik. Ang pagsaliksik sa
espasyo ay nagsilbing isa pang dramatikong arena para sa kumpetisyon sa
Cold War. Noong Oktubre 4, 1957, isang Soviet R-7 intercontinental ballistic
missile ang naglunsad ng Sputnik (Russian para sa "manlalakbay"), ang
unang artipisyal na satellite ng mundo at ang unang gawa ng tao na inilalagay
sa orbit ng Lupa.

Ang paglulunsad ng Sputnik ay dumating bilang isang sorpresa, at


hindi isang kasiya-siya, sa karamihan sa mga Amerikano. Sa Estados Unidos,
ang puwang ay nakita bilang susunod na hangganan, isang lohikal na
extension ng engrandeng tradisyon ng Amerikano ng pagsaliksik, at
mahalaga na huwag mawalan ng labis na sukat sa mga Sobyet. Bilang
karagdagan, ang pagpapakita na ito ng labis na kapangyarihan ng R-7

5
misayl-na tila may kakayahang maghatid ng isang nukleyar na warhead sa
US space, ginawang pagtitipon ng intelihensya tungkol sa mga aktibidad sa
militar ng Soviet.

Noong 1961 ipinapadala ng USSR ng isang cosmonaut na si Yuri


Gagarin sakay ng isang Vostok 1capsule, tinagurian na ang unang taong
umikot sa kalawakan.

Subalit, naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa


mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang
Friendship 7. Hindi nagpahuli sa mga imbensyon ang Estados Unidos.
Ipinadala nito si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong
astronaut na nakarating sa kalawakan. Sinundan pa ng matagumpay na
misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga
Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin
Aldrin.

Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika.


Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar,
ang USS Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang
lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa
medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng
Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pang-komunikasyong
satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng USA. Sa
pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at
makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa.

EPEKTO NG COLD WAR SA KALAGAYAN NG MGA BANSA

Bagamat may layunin ang dalawang bansa na tinatawag na


“superpower”, ang Cold War ay nagkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalagayan
ng mga bansa.

Mabuting Epekto ng Cold War

Nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya ang Estados


Unidos at Unyong Sobyet. Tiniyak din ng Estados Unidos na maayos ang
takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista bukod sa
larangan ng militar. Upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa
mundo binuo ang International Monetary Fund (IMF). Kasabay ring inayos
ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World
Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon.

Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang Peaceful


Coexistence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na pakikipaglaban sa

6
digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng
pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa
ekonomiya.

Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng


Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa
ekonomiya at pangangailangan ng nakararami.

Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang


pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang
cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang nagpalipad ng
Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa
digmaan kundi pati na sa medisina at komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika,


pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga
manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-
ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot dahil sa Cold War, pilit iginigiit ng
dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na
pagkakaisa. May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang
pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO),
WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang
nonaligned.

Neo-kolonyalismo

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng


makabagong uri ng pananakop na magpapanatili sa kanilang kapangyarihan,
ang Neo-kolonyalismo at Interbensyon.

Ang neo-kolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang uri ng


pananamantala sa mahihirap na bansa, sa pag-aaral ng agham-pampulitika
ito ay patungkol sa pananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista. Sa
pamamagitan ng mas malumanay at patagong (subtle) pamamaraan at
pagmamanipula sa isang bansa. Layunin nitong patatagin ang
pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang
mas malaking kita mula sa negosyo. Palakasin ang imperyalismo sa usaping
pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang
bansa.

Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang Neo-


kolonyalismo ay ang pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan para sa
pagluluwas ng pamumuhunang industriyal at pinansyal. Kabilang dito ay ang

7
pagbuo ng iba’t ibang uri ng lipunan at kumpanya, pandaigdigan at
pampribadong pondo, pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum
(samahan ng mga namumuhunan), pagsisiguro ng pamumuhunan,
paglalaan ng mga pautang na makakatulong hindi lamang sa
nangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat na tubo para sa
magpapahiram, at iba pa.

Ang mga Imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang


inilalagay sa mga negosyo ng papaunlad na mga bansa. Ang mga kumpanya
ng langis ang kadalasang kumikita ng malaki lalo na sa kanlurang Asya,
Venezuela, Cambodia, Argentina, Brazil, Bolivia, at Aprika. Ang pagluluwas
ng puhunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga internal at pribadong
kumpanya upang makagawa ng konsorsyum at makakuha ng mas
magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga bansa. Halimbawa
nito ay ang Atalantic Community Development Group for LATIN America
(ADELA) na itinayo ng 120 pribadong kumpanya at mga bangko ng kanlurang
Europa, USA, Canada at Hapong na ang layunin ay magbibigay ng pondo sa
mga bansang Brazil, Ecuador, Nicaragua at Chile.

Ang Neo-kolonyalismo ay suliraning pampulitika at pang-ekonomiya na


ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring maapektuhan.

MGA PAMAMARAAN AT URI NG NEOKOLONYALISMO

Ang mga pamamaraang ginamit ng Neo-kolonyalismo upang makuha


ang kanilang gusto sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring
pang-ekonomiya at pangkultura. May mga pagkakataong ginamit din ang
militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pangespiya.

1. Pang-ekonomiya - Naisasagawa ang neo-kolonyalismo sa pamamagitan


ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan
ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong.

2. Pangkultura - Sa pamamaraang ito, nababago ng neokolonyalismo ang


pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito.
Bunga ng kulturang dala ng dayuhang tumutulong o bansang dayuhan,
nababago ang pinahahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungan
bansa sa pananamit, babasahin, maging sa pag-uugali.

Halimbawa, itinuro ang kabihasnan, kasaysayan at wika ng mga


Amerikano kaya naapektuhan ang sariling kalinangan pati na ang paggamit
ng sariling wika. Ilan lamang ito sa naging dahilan ng pagtataglay ng mga
Pilipino ng kaisipang kolonyal na pumupuri at dumarakila sa anumang bagay

8
na gawa ng Estados Unidos at nagwawalang-bahala sa mga bagay na gawa
sa sariling bayan.

Bahagi rin ng neo-kolonyolistang kultural ang pagpasok ng iba’t ibang


pagkaing Amerikano na ngayo’y palasak na sa panlasang Pilipino – hotdog,
hamburger, at mansanas na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaing
tulad ng kalamay, puto, latik, ginatan, bibingka at marami pang iba. Maging
ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo.

Naghangad ang mga Pilipino ng mga materyal na bagay na naging


batayan ng katayuan sa lipunan. Sa pananaw ng mga katutubong pinuno sa
politika at ekonomiya, nakaugnay ang pambansa o pansariling interes sa
interes ng mga neo-kolonyalista. Dahil dito, madaling maimpluwensiyahan
ang mga Pilipino upang gawin ng mga Amerikano ang mga nais nila.

3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid - Isa pang instrumento ng mga


neokolonyalismo ang nakapaloob sa dayuhang tulong o “ foreign aid” na
maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar. Sa una’y maiisip na
walang kundisyon ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata
o pamamahagi ng mga aklat.

Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang “libreng” pagtulong.


Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga “imported” na produkto sa
bansang tinulungan kaya nga’t bumabalik rin sa kanya ang malaking tubo
ng kanyang puhunan.

4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt - Gayundin, anumang pautang na


ibigay ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may
kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang
pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng
halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi
susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang na bansa.
Dahil dito, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap
ang itinawag dito.

5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) Kung hindi mapasunod nang


mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neo- kolonyalista upang guluhin
ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.

Epekto ng Neo-kolonyalismo

Maraming naging epekto ang Neo-kolonyalismo sa mga bansang


sinakop at pinagsamantalahan nito. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga
naging epekto ng Neo-koloyalismo.

9
1. Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba - Malinaw na umasa ng
labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa lalung-lalo na sa may
kaugnayan sa United States.

2. Loss of Pride o Kawalan ng karangalan - Sanhi ng impluwensya ng mga


dayuhan, nabuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay
mabuti at magaling, na siyang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng
interes sa sariling kultura at produkto.

3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin - Totoo ngang ang


mga umuumlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang mga maliliit na bansa ay patuloy pa
ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.
Ang lahat ng aspekto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ngkanluran.

Gawin Natin
GAWAIN 1: TALAHANAYAN, PUNAN MO!

Ngayon, susubukin natin ang iyong kaalaman sa paksang binasa.

Panuto: Punan ng mga mahahalang impormasyon ang hinihingi ng Data


Retrieval Chart sa ibaba. Isulat sa gitna ang mga bansa na nagtaguyod ng
mga ideolohiya at sa kanang bahagi naman kung ano ang naging epekto nito
sa kanilang bansa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

IDEOLOHIYA BANSANG NAGTAGUYOD EPEKTO

Komunismo

Demokrasya

10
Nasismo

Sanayin Natin
Gawain 2 : Opinyon ko ‘to?

Sagutin mo ang tanong sa loob ng kahon batay sa iyong natutunan sa


pagbasa ng teksto ng ating leksiyon. Basahin din ang rubriks para sa
pamantayan ng pagwawasto sa gawaing ito. Isulat ang iyong sagot sa isang
malinis na papel.

Bilang isang mag-aaral at miyembro ng lipunan na iyong


kinabibilangan sa makabagong henerasyon. Para sa iyo, ano
ang naging epekto ng cold war sa iyong pamumuhay sa
kasalukuyan sa koteksto ng inyong lugar?
________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Rubriks
Pamantayan 5 3 1
Nagpapaliwanag ng Nagpapaliwanag ng Hindi naipapaliwanag
may kaangkupan, may kaangkupan ang tanong subalit
Nilalaman kritikal, at ang opinyon nagbigay ng kaunting
makabuluhan ang hinggil sa tanong. opinyon sa tanong.
opinyon hinggil sa
tanong.
Nailalahad nang buong Nailalahad nang Hindi gaanong nailahad
husay ang ideya hinggil maayos ang ideya ang ideya hinggil sa

11
Organisasyon sa tanong at hinggil sa tanong tanong at hindi gaanong
ng Ideya nagsasaaad ng at nagsasaaad ng nagsasaaad ng
kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa kaugnayan sa paksa.
paksa.

Tandaan Natin
Gawain 3: Punan Mo!

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot ayon sa tinutukoy sa


bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

Iron Curtain Komunista Truman Doctrine Demokrasya

Mayayamang Neokolonyalismo Kultural Kolonyal

Maliliit/Mahihirap Yuri Gagarin Continued Enslavement

1. Ang Cold War ay ang labanan ng ideolohiya ng mga bansang demokratiko


at ____________________________.
2. Ang Estados Unidos ang nagtaguyod ng ________________________ at
kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa
sosyalismo at komunismo.
3. Isang patakaran ang pinalabas ni Harry S. Truman, pangulo ng Estados
Unidos noon, ang _______________________, bilang pagtugon sa
isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet noong 1947.
4. Tinagurian ni Winston Churchill na _____________________________ o
pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran.
5. Ang ___________________ ay isang anyo ng pananakop ng mga
mayayaman at makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang
pananakop.
6. May dalawang uri ang neokolonyalismo: Ekonomiko at
_______________________.
7. Si _____________ ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng
Vostok I noong 1961.
8. Patuloy na inaalipin ang mga bansang _______ dulot ng neo-kolonyalismo.
9. Malinaw na umasa ng labis ang mga tao sa mga
____________________________ bansa lalung-lalo na sa may kaugnayan sa
United States.
10. Ilan lamang ito sa naging dahilan ng pagtataglay ng mga Pilipino ng
kaisipang __________________________ na pumupuri at dumarakila sa
anumang bagay na gawa ng Estados Unidos at nagwawalang-bahala sa
mga bagay na gawa sa sariling bayan.

12
Suriin Natin
Gawain 6: Kaya Mo ‘To!

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin


ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Bakit nauwi sa tunggalian ang dating magkaalyado at magkasamang


bansa na Estados Unidos at Unyong Sobyet na nagtatag ng
“nagkakasiang bansa”?
A. Dahil sa pagkaiba ng kanilang paniniwala at layunin.
B. Dahil sa pag-nanais na mahirang na pinakamakapangyarihang
bansa sa daigdig.
C. May hidwaan ang dalawang bansa dulot ng nakalipas na Ikalawang
Digmaan Pandaigdig.
D. May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tensyon
dahil sa paglalaban ng ideyolohohiyang kanilang pinaniniwalaan.

2. Bakit nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan


ng Amerika na tapusin na ang Arms Race?
A. Upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo
B. Upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon
C. Upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng
nakararami.
D. Upang mapayapa ang pamumuhay sa halip na makipaglaban pa sa
digmaan.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng higit na epekto ng


ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?
A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa.
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling
kaisipan o ideya tungo sa pagbabago ng pamumuhay ng tao.

4. Ano ang naging bunga ng pagkakahating ideolohikal ng Europe na


tinawag ni Winston Churchill na “Iron Curtain”?
A. Mahigpit na patakaran ng turismo.
B. Paglaganap ng makabagong paraan ng pananakop.
C. Nagdulot ng kahirapan sa ekonomiya ng maraming bansa.
D. Pagtigil sa ugnayan sa pagitan ng Kanluran at Silangang Europe sa
iba’t ibang larangan

13
5. Kailan lubos masasabi na ang isang bansa ay nasa demokratikong
pamahalan?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga
mamamayan.

6. Maituturing bang mapanganib ang Ideolohiyang Pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga
mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa
kagalingan ng estado at hindi para sa kanilang kapakanan.

7. Ang Neokolonyalismo ay tumutukoy sa patuloy na impluwensya ng


mga mananakop sa bansang dati nilang sakop. Alin sa sumusunod ang
HINDI kabilang sa anyong Neokolonyalismo?
A. Umaasa nang labis ang mahihirap na bansa sa mayayamang bansa.
B. Naalis ang pagkatali sa impluwensiya ng mga mananakop na bansa.
C. Kadalasan napipilitang sumunod ang bansa sa posisyon ng dating
mananakop.
D. Ang mga bansa sa Asya at Africa ang madaling mabiktima ng
neokolonyalismo.

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan


ng Ideolohiya?
A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at
senador.
D. Ito ang naging gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng
mamamayan sa isang bansa.

9. Malaki ba ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa


sa Asya at kanluranin?
A. Hindi, dahil pinabayaan ng Russia at USA ang bansang kaalyado.
B. Hindi, dahil pwersahan ipinatupad ng Russia at USA ang kanilang
ideolohiya.
C. Oo, dahil tinulungan ng Russia at USA ang mga bansang kaalyado.
D. Oo, dahil naimpluwensiyahan ng Russia at USA ang kultura ng mga
kaalyadong bansa.

14
10. Paano higit na naapektuhan ng patakarang neo-kolonyalismo ang
ekonomiya ng mga bansang papaunlad pa lamang?
A. Paglago sa larangan ng ekonomiya
B. Uunlad ang larangang politikal at military.
C. Hindi sila aasa sa tulong ng mga karatig-bansa.
D. Maging “Over dependence” sa mayayamang bansa at may loss of
pride o kawalan ng karangalan.

Payabungin Natin
Gawain 4: Datos, Punan Mo!

Panuto: Magbigay ng tatlong sariling kaisipan, pananaw o pagpapaliwanag


sa nakasulat na tanong sa loob ng graphic organizer. Isulat ang iyong sagot
sa loob din ng graphic organizer. Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo
sa mga bansang sinakop at pinagsamantalahan nito. Gawin ito sa malinis na
papel.

Paano nakakaapekto ang


neokolonyalismo sa mga
bansang sinakop at
pinagsamantalahan nito?

Rubriks
Pamantayan 5 3 1
Nagpapaliwanag ng Nagpapaliwanag ng Hindi naipapaliwanag
may kaangkupan, may kaangkupan ang tanong subalit
Nilalaman kritikal, at ang opinyon nagbigay ng kaunting
makabuluhan ang hinggil sa tanong. opinyon sa tanong.
opinyon hinggil sa
tanong.
Nailalahad nang buong Nailalahad nang Hindi gaanong
Organisasyon husay ang ideya hinggil maayos ang ideya nailahad ang ideya
ng Ideya sa tanong at hinggil sa tanong hinggil sa tanong at
nagsasaaad ng at nagsasaaad ng hindi gaanong
kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa nagsasaaad ng
paksa. kaugnayan sa paksa.

15
Pagnilayan Natin
Ang tagumpay ng isang bansa ay nakasalalay sa mamamayan nito. Walang
perpektong ideolohiya na siyang kasagutan sa mga pang-ekonomiko at
pampulitikang hangarin upang makamit ang pagsulong at pag-unlad. Ang
ideolohiya ay mga paniniwala at pamantayan na siyang nagsisilbing gabay ng
pamahalaan upang makagawa ng mga batas na ipatutupad sa kanilang
nasasakupan.

Ang tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya ay walang naidudulot


na mabuting epekto para sa lahat ng mamamayan sa daigdig. May mananalo
may matatalo, at mangingibabaw ang pag-nanasa at pag-kamkam sa
kayamanan ng mga mahihina at mahihirap na mga bansa. Maiaalis ang
kadena ng kahirapan kung ang mga mamamayan ay disiplinado. Mahalaga
na may pagkakaisa at pagsuporta ng mga mamamayan sa mga programa at
proyekto ng pamahalaan.

Sa iyong sagutang papel, sagutin ang tanong : Bilang isang mag-aaral,


Paano ka makakatulong upang mas mapapaigting ang mga makabuluhang
pagbabago at pag-unlad ng ating bansa?

16
17
Subukin Tandaan Natin Suriin Natin
1. C 1. Komunista 1. D
2. D 2. Demokrasya 2. C
3. D 3. Truman Doctrine 3. D
4. D 4. Iron Doctrine 4. D
5. D 5. Neokolonyalismo 5. D
6. C 6. Kultural 6. C
7. B 7. Yuri Gagarin 7. B
8. D 8. Maliit/Mahihina 8. D
9. D 9. Mayayamang 9. D
10. D 10. Kolonyal 10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Celia D. Soriano, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M.


Imperial, Maria Carmelita B. Samson, Kayamanan. Kasaysayan ng
Daigdig, Sampaloc Manila, Philippines, Rex Book Store

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.


Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina
C. Manalo, and Kalenna Lorene S. Asis, Kasaysayan ng Daigdig, Araling
Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral, Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), Meralco Ave.,
Pasig City, Philippines, 2017

Most Essential Learning Competencies (MELCS), 2020, Department of


Education, Pasig City, Philippines

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

hy

You might also like