You are on page 1of 26

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

Modyul 4 – PAGKAMULAT: KAUGNAYAN


NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA
REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO
(Week 5, 6, 7)

Naikonseptwalisa ni
Melissa Ordeneza
CCNSHS

1
Modyul 4: Pagkamulat: Kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa
makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng
mga kaisipan sa agham, politika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang
kamalayan.

Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang
bansa, komunidad at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo
sa makabagong panahon.

Kakayahan
: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses.
Paksa/ Subject
Code
Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at
Pranses / AP8PMD-IIIi9

Subukin
Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 4 sagutin muna natin ang mga
katanungan sa Paunang pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit
subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang
tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa insidente na nagpakilala ng malabis na galit ng mga kolonyang
Amerikano sa Britanya dahil sa pagdaragdag ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkat?
A. Battle of Waterloo C. Saratoga Massacre
B. Boston Tea Party D. Unang Kongresong Kontinental
2. Alin sa sumusunod ang labintatlong kolonya sa Timog Amerika ng Britanya na
lumawak mula sa Massachusetts sa Hilaga at _______________ sa timog?
A. Carolina B. Georgia C. Missisipi D. Nueba York
3. Sino ang kinikilalang bayani ng digmaan sa paghahangad ng kalayaan sa Amerika?
A. George Washington C. Thomas Paine
B. Thomas Jefferson D. Paul Revere

2
4. Sino ang abogado na nagsulat ng deklarasyon ng kalayaan ng dating labintatlong
kolonya sa Britanya at pagbubuo ng Estados Unidos?
A. George Washington C. Thomas Paine
B. Thomas Jefferson D. Paul Revere
5. Kinilala itong Oath of the Tennis Court dahil sapilitang sumumpa ang mga miyembro ng
National Assembly upang kaagad silang makabuo ng Konstitusyon para sa Pransiya. Saan
ito naganap?
A. Badminton Court C. Basketball Court
B. Baseball Court D. Tennis Court
6. Ano ang tawag sa kasunduan nang matapos ang digmaan sa labintatlong kolonya at ng
Britanya?
A. Kasunduan sa Ausburg C. Kasunduan ng Tordesillas
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Vienna
7. Ano ang isang insidente sa Pransiya kung saan maraming mga “royals” ang pinutulan
ng ulo sa pamamagitan ng guillotine dahil sa paghahangad ng mga taong patalsikin ang
hari at magtatag ng republika?
A. Pagbagsak ng Bastille C. Reign of Terror
B. Rebolusyong Pranses D. Tennis Court Oath

8. Kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng
Europa na Iberian Peninsula. Ano ang ibang pangalan nito?
A. Napoleonic War C. Reign of Terror
B. Rebolusyong Pranses D. Tennis Court Oath

9. Kailan naganap ang Declaration of the Rights of Man?


A. Agosto 27, 1789 C. Setyembre 23, 1881
B. Agosto 29, 1790 D. Setyembre 26, 1883
10. Saan nangyari ang Tennis Court?
A. Bregenz, Austria C. Georgia, USA
B. Bristol, UK D. Versailles, France
11. Ano ang tawag sa panahon na nakasentro ang ideya sa paggamit ng rason o katuwiran
sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya?
A. Balance of Power C. Panahon ng Kaliwanagan
B. Kaisipang Politikal D. Rebolusyong Pangkaisipan
12. Ano ang Napoleonic Wars?
A. Mga pangyayaring naganap sa Pransiya.
B. Ito ay tungkol sa mga rebolusyon laban sa Pransiya.
C. Serye ng mga digmaang pinangungunahan ni Bonaparte.
D. Tawag sa mga Aleman na naglalaban para sa kalayaan at pagkapantay-pantay.

3
13. Ano ang kalagayan ng lipunang Pranses noong 1789?
A. Itinuring na makapangyarihan ang pinuno ng isang nasyon.
B. Nagkaroon ng suliraning pananalapi ang Lipunang Pranses.
C. Maraming digmaan ang sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay
sa kalayaan ng Amerikano.
D. Lahat ng nabanggit.
14. Ano ang naging pangunahing islogan na ginamit ng labintatlong kolonya sa Timog
Amerika bilang protesta sa Parlyamento ng Britanya?
A. Maging malaya ay isang karangalan .
B. Walang pagbubuwis kung walang representasyon.
C. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan.
D. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan
ng himagsikan.
15. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng labintatlong kolonya sa Timog
Amerika sa Britanya dahil sa __________.
A. paghingi ng karagdagang buwis.
B. paghangad na patalsikin ang hari ng Britanya.
C. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan.
D. malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya.

Aralin
1 Rebolusyong Pangkaisipan

Alamin
Magiliw na pagbati sa bagong kaalamang matututunan tungkol sa Rebolusyong
Pangkaisipan. Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto, inaasahan ang mga
sumusunod:
A. Naipaliliwanag ang Rebolusyong Pangkaisipan.
B. Naipahahayag ang paghanga sa mga maimpluwensyang philosophes/pilosopo sa
Rebolusyong Pangkaisipan.
C. Naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa kalayaan at pagkapantay-pantay.

4
Panimulang Gawain

Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3M’s): Pakinggan ang awiting TATSULOK. Maaari itong
awitin gamit ang sumusunod na lyrics. Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob
dito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

TATSULOK
Bamboo
Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy, makinig ka, 'wag kang magpa-gabi
Baka pagkamalan ka't humandusay d'yan
sa tabi
Totoy, alam mo ba kung ano ang puno't
dulo 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito? sumulat ng awit?

Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban 2. Sino ang kumakatawan ng batang si


Ang kulay at tatak ay 'di s'yang dahilan Totoy?
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
3. Bakit kaya ibig ng kompositor ng
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
awitin na baliktarin ang tatsulok? Ano
Habang may tatsulok at sila ang nasa kaya ang kaugnayan ng awiting ito sa
tuktok paksang rebolusyon? Ipaliwanag.
Hindi matatapos itong gulo
Ililigtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo'y
sementeryo
Totoy, kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa
tuktok
Hindi matatapos itong gulo

5
Tuklasin at Suriin

REBOLUSYONG PANGKAISIPAN

Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang


pagbabago ng isang institusyon o lipunan.
Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang
kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa
isang tahimik at konserbatibong pamumuhay.
Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham
ang pagbabagong ginawa nito sa iba’t ibang
aspeto ng buhay ng tao. Marami ang
nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito
upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at
maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng
Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang
ideyang ito sa paggamit ng ‘reason o katuwiran’
https://oll.libertyfund.org/people/charles-louis-de-
sa pagsagot sa suliraning panlipunan, secondat-baron-de-montesquieu

pampulitikal at pang-ekonomiya. Nagsimula ito Baron de Montesquieu


sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga Mas kinilala ang kaisipang
pilosopo. balance of power na
tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan ng
Kaisipang Politikal pamahalaan sa tatlong sangay
(ehekutibo, lehislatura at
Umunlad ang Enlightenment o Panahon ng hudikatura).
Kaliwanagan sa ika-18 siglo. Isa sa kinilalang
pilosopo sa panahong ito si Baron de
Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang
tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France ng panahong iyon.
Sa kaniyang aklat na pinamagatang The Spirit of
the Laws (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang
pamahalaang namayani sa Europa. Hinangaan
niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang
uri ng pamahalaang monarkiya na ang
kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament.
Ngunit mas kinilala ang kaniyang kaisipang
balance of power na tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay.

6
Philosophes
Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga pilosopo na tinatawag na
philosophes (FIHL-uh-SAHFS) ang nakilala sa Pransya. Limang mahahalagang kaisipan ang
bumubuo sa kanilang pilosopiya:

Sumasang-ayon
ka ba sa 1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan
mga philosophes
(truth) ay maaaring malaman gamit ang katwiran.
sa
kanilang 2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan
paniniwala na (nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o
maaaring natural ay mabuti. Naniniwala din sila na may likas na
maranasan ang batas (natural law) ang lahat ng bagay.
kaginhawaan
habang ikaw ay 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay
matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng
nabubuhay? kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay
ay maaaring maranasan sa mundo.

4. Ang mga philosophes ang unang Europeong


naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng
“makaagham na paraan”.
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes.
Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang
kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon,
pakikipagkalakalan at maging sa paglalakbay. Mangyayari
lamang ito kung gagamitin ang reason.

Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes ay si Francois


Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit
sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at maging drama.
Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali
tulad ng mga pari, aristocrats at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang
pagtuligsa sa mga ito, ilang beses na siyang nakulong. Matapos nito’y
ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at
hinangaan ang pamahalaang Ingles.

Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa


batas at kaugalian ng Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Hindi
siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan
sa pamamahayag at pagpili ng relihiyon, at tolerance.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong aspeto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire?


2. Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Voltaire sa pamahalaang Ingles?

7
Samantalang bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John
Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mga
mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean
Jacques Rousseau (roo-SOH).
Si Rousseau ay kilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom).
Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala
na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa ‘kabutihan’ ng
tao.
Ayon sa kaniya, ‘likas na mabuti ang tao’. Nagiging masama lamang ang tao
dahil sa impluwensya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Binigyang-diin niya na
ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na
distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamali nito.
Ang Social Contract ay naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France.

Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal

Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa


pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba’t
ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya at relihiyon.
Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyunal na relihiyon. Bilang
tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang
mga Katolikong bibili at babasa nito.

Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment

Pinangungunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng


kababaihan. Sa akdang “A Vindication of the Rights of the Woman ni Wallstonecraft ay hiningi
niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang
magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan.
Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw:
naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan.

Kaisipang Pang-ekonomiya

Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito.


Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal na namayani sa Europa at kinilala ang
polisiyang laissez faire. Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya
na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan. Si Francois Quesnay ay isa sa mga
naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay, naniniwala sa Adam
Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British
na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos ng hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.

8
Isaisip

Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang


ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging
epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng
karapatang makapili ng sariling pilosopiya.
Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba’t ibang pananaw ang kanilang
natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga
kaugalian at tradisyong matagal ng sinusunod.
Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan
samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito.
Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon: Ang Rebolusyong
Politikal.

Isagawa at Pagyamanin
A. Tama o Mali: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang T kung ang
naturang impormasyon ay Tama at M naman kung ito ay Mali. Isulat ito sa sagutang papel.
_____1. Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga taong
tinatawag na philosophes ang nakilala sa Pransya.
_____2. Marami sa mga may pinag- aralang Europeo ang nagnais na basahin ang
Encyclopedia at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at
kaugalian.
_____3. Magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon
sa ‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will).
_____4. Ang islogang ‘kalayaan at pagkakapantay’ ay tinitignan ng mga philosophes
na hindi akma sa mga kabataan.
_____5. Pinalaganap ni Voltaire ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng
pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia.
_____6. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay hindi lumaganap sa Europa at iba’t
ibang bahagi ng daigdig.
_____7. Walang epektibong pag-impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng
mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya.
_____8. Naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita
ang tao.
_____9. Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban
ng kababaihan.
_____10. Ang mga pamahalaan ang unang Europeong naniwala na maaaring
umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan.”

9
B. Paglapat

1. Alin sa mga philosophes ng Rebolusyong Pangkaisipan ang mas hinahangaan mo? Bakit?
2. Kung ikaw ay isa sa mga philosophes, ano ang iyong pananaw tungkol sa kalayaan at
pagkapantay-pantay?

Aralin REBOLUSYONG AMERIKANO:


2 SANHI, KARANASAN AT
IMPLIKASYON

Alamin
Magandang Buhay! Mapag-aaralan mo sa araling ito ang Rebolusyong Amerikano. Sa
modyul na ito, ikaw ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:
A. Natatalakay ang dahilan at pagsimula ng digmaan para sa Kalayaan sa
Amerika.
B. Nabibigyang-kahalagahan ang pagmamahal sa bayan at labis na
pakikihamok para makamit ang kalayaan.
C. Nakababahagi ng sariling pananaw tungkol sa pamumuhay ng mga
Amerikano sa paglaya bilang kolonya ng Britanya.

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1. Ano-anong pangkaisipang politikal at pilosopikal ang sumibol at kumalat sa


malaking bahagi ng Europa?
2. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga
Philosophes? Pangatuwiranan.

10
Tuklasin at Suriin

Pagkatapos mong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang salik ng


pag-usbong ng Rebolusyong Pampolitikal, napapanahon na upang pagtuunan ng pansin ang
mga estadong dumaan sa Rebolusyong Pampolitikal partikular ang Rebolusyong Amerikano
at Rebolusyong Pranses.

Pagsusuring Panteksto

Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi
ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng
Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa
dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao. Ang
ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa America
at France.
Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa South America at
Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa
lipunan. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng himagsikan sa France sa
kabuuan ng Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong
mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan,
pagkakapantay-pantay at ang kapatiran.

REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON


Ang digmaan para sa kalayaan sa America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong
Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa
Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng
Parlyamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parlyamento upang sabihin ang
kanilang mga hinaing. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng
United States of America.

11
ANG LABINTATLONG KOLONYA
Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at manirahan sa Hilagang
Amerika noong ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa
kanilang bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa
Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na
kolonya na hangganan sa Hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia. Bawat isa sa
mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng
napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang
imperyo ang 13 kolonya. Nais ng mga kolonya na mag-ambag sa kanilang gastusin sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis.

Ang Stamp Act


na ipinasa ng
Parlyamento
noong 1765 ay
nagdagdag ng
buwis para sa
pamahalaan ng
Britanya.

Dahilan: Walang Pagbubuwis Kung Walang Representasyon


Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parlyamento ng British sa London kaya sila ay
nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging
paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon.” Noong 1773 ay
may isang pangkat ng mga kolonista na nagsuot ng kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at
nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-
toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw
na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito
bilang Boston Tea Party.

Unang Kongresong Kontinental


Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa America ay dagliang
sumaklolo sa naging kahihinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang
Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa
Georgia. Ang Pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala
ng kanilang kalaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila.

12
Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito.
Binigyang diin ng mga grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na
si Patrick Henry, na wala nang dapat na makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia,
Pennsylvania, New York, at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-
samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa na itigil na ang
pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y nagsimula pagkatapos ng Setyembre,1775.

Ang Ikalawang Kongresong Kontinental


Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang
pagkakataon noong Mayo,1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang
“United Colonies of America” (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang
hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na
commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar
na makuha ang Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill.
Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada ngunit natalo rin
sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay
hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hangga’t tuluyang napaalis nila ang mga
sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776.

Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na


pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawat kolonya ay bumuo ng
magiging kabilang sa boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng
digmaan.

Ang mapa sa kaliwa ay


nagpapakita ng digmaan sa
pagitan ng Amerikano laban sa
mga mananakop na British.

Ang Deklarasyon ng Kalayaan


Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko
upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang
ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang
Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni
Thomas Jefferson, isang manananggol. Sa panahong iyon ay kinikilala na bilang
malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.

13
Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga
sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000
sundalo lamang ang bilang. Napilitan ang puwersa ni George Washington na umatras
sa labanan.
Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya naglunsad siya at
ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng
hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak.

Ang Labanan sa Yorktown


Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay
tinangkang sakupin ng Britanya ang South Carolina. Ngunit sa pamamagitan ng
magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa
Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens ng
mga unang bahagi ng 1781.
Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang
humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong
Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni
Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay
minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga
Amerikano ang kanilang kalayaan.

Paghahangad ng Kapayapaan

Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga


British sa mundo. Ang Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na
kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga
Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban.
Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng
mundo sa dahilang ito ang pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang
makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa
kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa
kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses.

Isaisip

Ang Digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong


Amerika. Nagsimula ito dahil sa pagtutol ng dating 13 kolonya na dagdagan ang buwis
na pinapataw sa kanila ng pamahalaan ng Britanya. Taong 1783 sa pamamagitan ng
isang Kasunduan sa Paris ay kinilala na ang kalayaan ng Estados Unidos ng Amerika ng
pamahalaang Britanya. Bilang kabataan, paano mo maipakita ang pagmamahal sa bayan
at labis na pakikihamok para makamit ang Kalayaan? Sumulat ng tatlong pangungusap
sa sagutang papel.

14
Isagawa at Pagyamanin
I. Enumerasyon: Isa-isahin ang labintatlong kolonya ng British sa North America.

1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9.
5. 10.

II. Kompletuhin ang Pangungusap: Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng


pagpili ng tamang sagot sa loob ng kahon.

Britain Massachusetts United States of America


Buwis Rebolusyong Amerikano
Georgia United Colonies of America

1. Ang digmaan para sa Kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagang


___________.
2. Ang digmaan para sa Kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng
___________.
3-4. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo sila ng labintatlo(13) magkakahiwalay
na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay __________ at sa Timog ay ___________.
5. Noong Mayo 1775 idineklara ng pamahalaan ang tinatawag na _________.
6. Ang bansang _________ ay itinuring bilang malakas at mahusay na mga sundalo subalit
tinalo ng mga Amerikano.
7. Nais ng mga kolonya na mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga __________.

III. Isip Mo! Ibahagi Mo!: Ano ang iyong sariling pananaw tungkol sa pamumuhay ng mga
Amerikano sa paglaya bilang kolonya ng Britanya? Isulat sa loob ng bubble callout.

15
Aralin
Rebolusyong Pranses
3

Alamin

Magiliw na pagbati sa bagong kaalamang matututunan tungkol sa Rebolusyong Pranses.


Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto inaasahan ang mga sumusunod:

A. Natatalakay ang mga dahilan sa pagkakaroon ng Rebolusyong Pranses;


B. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang tatlong pangunahing ideya ng rebolusyon – ang
pagkapantay-pantay, kalayaan at kapatiran.
C. Nakalilikha ng isang poster tungkol sa bunga ng Rebolusyong Pranses sa
pampulitikang aspekto ng Pransiya.

Panimulang Gawain
Hula- Larawan: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang-pansin ang mga
simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng
ipinahihiwatig. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang iyong nakikita sa


larawan?
2. Mayroon bang pagkakahati o
pagkakapangkat ang mga
taong makikita rito?
3. Ano kaya ang mensaheng
nais ipabatid ng larawan?

https://www.slideshare.net/Jeancess/rebolusyong-pranses-137101866

16
Tuklasin at Suriin

Magbasa at Matuto
Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses

Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ang
kawalan ng katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning
kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari, personal na kahinaan nina Haring
Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng
pamahalaan.
Ang France ngayon ay mayaman at maunlad na bansa ngunit taliwas ito kung ano sila
noon. Ang France noon ay nahahati sa tatlong estado:

• Unang estado- ito ay binubuo ng mga pari at iba pang may mga katungkulan sa
simbahan.
• Pangalawang estado- ito ay binubuo ng mga maharlika at mayayaman.
• Ikatlong estado- ito ay binubuo ng mga pangkaraniwang-tao o mababang uri ng tao
sa lipunan. Sila lang ang tanging estado na nagbabayad ng buwis. Nagkaroon sila ng
krisis sa pananalapi dahil imbes na lahat ng estado ay nagbabayad ng buwis, tanging
ang ikatlong estado lamang ang nagbabayad na kung saan napupunta ito sa hari na
siya namang ginagastos sa sariling luho lamang. Nang lalong lumala ang krisis
napagpasiyahan ni Haring Louis XVI na magdaos ng isang pagpupulong na tinatawag
nilang Pambansang Asembleya.

Ang Pambansang Asembleya

Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang


panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng
kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles.

Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang
mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estado.
Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estado ay may isang boto. Karaniwan na
magkatulad ang boto ng una at ikalawang estado laban sa ikatlong estado kaya naman laging
talo ang huli.

Dahil dito humiling ang ikatlong estado ng malaking bilang kasama na doon ang mga
bourgeoisie kung saan bawat delegado ng asembleya ay magkaroon ng tig-iisang boto.
Humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estado, malaki ang
pagkakataon na ito upang maisakatuparan ang nais na mga reporma.

Matapos ang isang linggo’y ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlong estado nang
kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estado sa pambansang Asembleya.
Maituturing ang pangyayaring ito na unang pagwawagi ng ikatlong estado.

17
Ang Pagbagsak ng Bastille
Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo
ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga
sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang
payapain ang lumalaganap na kaguluhan.
Isang malaking kaguluhan ang nangyari
noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga
galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang
kulungan ng mga napagbintangan at kalaban
ng kasalukuyang monarko sa kanyang
pamamahala. Pinakawalan ang mga
nakakulong dito.
Ang pagbagsak ng Bastille ay
palatandaan na ang mga tao ay naghahangad
ng pagbabago sa pamahalaan. Karaniwan
silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at
bughaw na naging kulay ng rebolusyon.
Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito
ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang
France.
Ang Tennis Court na nangyari sa Versailles, France
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Oath_of_the_Tennis_Court;_the_deputies_of_the_third_estate_m_Wellcome_V0048256.jpg

Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran


Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembleyang
Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita
ng saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan.
Binigyang-diin nito na ang lipunang Pranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng
kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.
Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI
na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan
ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa
Asembleyang bubuo ng mga batas ay idinaos.

18
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito? Bakit?
2. Bakit mahalaga na paniwalaang inosenti ang nasasakdal hanggat hindi napatutunayan
ang kanyang sala?

Ang Pagsiklab ng Rebolusyon


Maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhan sa pagsiklab ng French
Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga
kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay
nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong
tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong
Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay
tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong
tumulong upang sila’y patigilin.
Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at
malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang Georges Danton
https://desmoulinscamille.tumblr.c/georges-danton-
abogadong nagngangalang Georges Danton.
Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng France ay
bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang
kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong
pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang
mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan
ng paggamit ng guillotine.
Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang
September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan
Guillotine
naman ng ulo ang haring si Louis XVI. Sa taong ding https://www.theparisreview.org/blog/2018/04/06

iyon ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod nitong
pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya.

Ang Reign of Terror


Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sa digmaan
laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang
sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika. Noong Abril 1794

19
ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng
Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang
manananggol na si Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano.

Ang Manananggol na si Maximillien Robespierre

Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang


maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng
maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng
Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay
sa pamamagitan ng guillotine at tinatawag ang
panahong ito bilang reign of terror. Umabot sa 17,000
Maximillien Robespierre katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at
https://speakola.com/political/maximilien-robespierre- may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan.

Humina ang mga rebolusyon at pinatay sina


Robespierre at Danton gamit ang guillotine kaya
pinamunuan sila ng isang heneral na si Napoleon
Bonaparte na kung saan nasakop ang malaking bahagi
ng Europe at pinalaganap ang republika na naglalayon
ng kapatiran, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay.

Napoleon Bonaparte
https://www.Slideshare.net

https://speakola.com/political/napoleonbonaparte-

Ang Napoleonic Wars


Ito ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng France noong
1799 at nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europe. Ang
Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang pinangungunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang
digmaan ay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815.
Ang Pangunahing dahilan ng digmaan
Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebousyong Pranses.
Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng hari
sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot
ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng
magpabagsak sa kanilang mga pamumuno.
Noong 1792, nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong
sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusynaryong Pranses kaya sa
papanaw nila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa
karatig-bansa. Noong 1793 ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang
Netherlands. Upang ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Great
Britain, Spain, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan.

20
Peninsular War (1808)
Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses
sa Spain at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Great Britain sa mga rebelde
ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Spain kaya minabuti ng mga British na tutokan na
lamang ang Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang
Peninsular War sa dahilang ang Spain at Portugal ay bahagi ng Iberian Peninsula sa Europe.
Ang Pagkatalo ng France
Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa
nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang sundalo sa kaniyang nakasama
sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa France. Sila
ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima, o napatay ng mga Russians. Mga 20,000
sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France.
Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga
British ang Spain at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban.
Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na
puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang France. Napulbos ang
hukbo ng mga Pranses sa Digmaan Leipzig at unti-unting bumagsak ang imperyong itinayo
ni Napoleon.
Pagtatapos ng mga Labanan
Tumakas si Napoleon noong taong 1813 nang siya’y talunin ng pinagsamang puwersa
ng Great Britain, Austria, Prussia, at Russia. Ang imperyong binuo at itinatag ni Napoleon
ay bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang
kapatid ni Louis XVI (ang haring pinatay sa panahon ng rebolusyong Pranses ) ang naging
hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang
baybayin ng Italya.
Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte
Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon at nakabalik sa France. Nang ipahayag
ang kaniyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng kaniyang mga sundalo. Bumuo
na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring
si Louis XVIII.
Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng
digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa
Netherlands. Dahil sa pinagsamang puwersang militar ng Britain at Prussia, madaling natalo
si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang
kaniyang “Isang Daang Araw”. Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na
kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic
poisoning. Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng France pagkatapos na
maipatapon si Napoleon sa St. Helena.

21
Bunga ng Rebolusyon
Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig. Ayon
sa isang mananalaysay na si John B. Harrison “Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang
mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos
lahat ng sulok ng daigdig.” Ang simula ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at
pagkakapatiran, bagamat iba-iba ang naging pagpapakahulugan, ang naging tanglaw ng
marami ay ang mga kilusang panlipunan, politikal, at pangkabuhayan.

Isaisip

Paano mo mapahahalagahan ang tatlong liberal na ideya: ang kalayaan, pagkapantay-


pantay at kapatiran?

Isagawa o Pagyamanin

I. Talasalitaan: Isulat sa papel ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

Constituent Assembly Rebolusyon


Declaration of the Rights of Man Reign of Terror
Divine Right Theory September Massacres
Estate Tariff
Guillotine Tennis Court

1. Ang buwis na naipinapataw sa mga inaangkat at iniluluwas na produkto.


2. Isinulat sa prinsipyong ito ang karapatan ng kalalakihan.
3. Tinawag ang pangyayaring ito na _________ na nagsasagawa ng mass killings.
4. Ito ay ginamit sa pagpatay ng maraming katao.
5. Binubuo na _________ ang lipunang Pranses.
6. Ito ay tawag sa pag-aalsa laban sa pamahalaan na nagresulta ng pagbabago.
7. Ito ay tawag sa paniniwala na ang kapangyarihan ng hari ay nagmula sa
kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
8. Dito naganap ang Oath of the Tennis Court.
9. Isang insidente sa Pransiya kung saan maraming nga royals ang pinutulan ng
ulo.
10. Ang bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal.

22
Karagdagang Gawain

Iguhit Mo!: Gumawa ng isang poster tungkol sa bunga ng Rebolusyong Pranses sa


pampulitikang aspekto ng Pransiya. Iguhit ito sa short bond paper.

Rubrik sa pagmamarka ng paggawa ng poster


Pamantayan Indikador
Nilalaman (25%) Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa
ng poster.
Kaangkupan ng konsepto (25%) Maliwanag at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto.
Pagka-orihinal (Originality) (20%) Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster.

Pagkamalikhain (Creativity) (15%) Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay


upang maipahayag ang nilalaman, konsepto
at mensahe.
Kabuuang Presentasyon (15%) Malinis at maayos ang kabuuang
presentasyon.

Tayahin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, subukin natin ang iyong natutunan. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nakapagsulat ng mga sanaysay na tumalakay sa kahalagahan ng kalayaang


pang-indibidwal?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes
2. Sino ang nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika
at maging drama?
A. Isaac Newton C. Thomas Hobbes
B. John Locke D. Voltaire
3. Ano ang tawag sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan?
A. Balance of Power C. Panahon ng Kaliwanagan
B. Kaisipang Politikal D. Rebolusyong Pangkaisipan
4. Ano ang tawag sa panahon na nakasentro ang ideya sa paggamit ng rason o katuwiran sa
pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya?
A. Balance of Power C. Panahon ng Kaliwanagan
B. Kaisipang Politikal D. Rebolusyong Pangkaisipan

23
5. Sinong pilosopo na tumuligsa sa absolutong monarkiyang naranasan sa France?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes
6. Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga taong tinatawag na
philosophes ang nakilala sa Pransya. Sino sa sumusunod ang naniniwala na “likas na mabuti
ang tao, nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunan”?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes
7. Sino sa sumusunod ang naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya?
A. Adam Smith C. Francois Quesnay
B. Baron de Montesquieu D. Voltaire
8. Ano ang tawag sa paniniwala at pagpalaganap sa ideyang lupa ang tanging pinagmulan
ng yaman?
A. Agricultural Wealth C. Laissez Faire
B. Divine Rights D. Physiocrats
9. Sino ang commander-in-chief sa ikalawang kongresong kontinental?
A. Cafferson Thomas C. Patrick Henry
B. George Washington D. Paul Revere
10. Anong estado na ito sa lipunang Pranses na binubuo ng maharlikang Pranses?
A. ikalawang estado C. pang-apat na estado
B. pangatlong estado D. unang estado
11. Ano ang naging katawagan ng digmaan para sa kalayaan ng Amerika?
A. Kalayaan sa Amerika C. Rebolusyong Amerikano
B. Less Divine Rights D. USA Rights
12. Ano ang tawag sa ipinasa ng Parlyamento na nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan
ng Britanya?
A. Boston Harbor C. Stamp Act
B. Labintatlong Kolonya D. Rever Bill
13. Ano ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog
Amerika bilang protesta sa Parlyamento ng Britanya?
A. Maging malaya at isang karangalan
B. Walang pagbubuwis kung walang representasyon
C. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan
D. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan
ng himagsikan
14. Ano ang kalagayan ng lipunang Pranses noong 1789?
A. Itinuring na makapangyarihan ang pinuno ng isang nasyon.
B. Nagkaroon ng suliraning pananalapi ang Lipunang Pranses.
C. Maraming digmaan ang sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay
sa kalayaan ng Amerikano.
D. Lahat ng nabanggit.

24
15. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng labintatlong kolonya sa Timog
Amerika sa Britanya dahil sa __________.
A. paghingi ng karagdagang buwis.
B. paghangad na patalsikin ang hari ng Britanya.
C. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan.
D. malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya.

Sanggunian
Sanggunian ng Aklat
Mactal, R.(2015). Kasaysayan Ng Daigdig, Padayon. Quezon City,
Philippines: Phoenix Publishing House.
Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
Mercado, M.(2009). Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City,
Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation.

Link sa Website
Alpha History.(2019).The Tennis Court Oath.
Retrieved Jan. 25, 2021 from
https://alphahistory.com/frenchrevolution/tennis-court-oath/

Billyjawboiles.(2013). Mga Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan.


Retrieved March 20, 2021 from https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/12/12/mga-
rebolusyong-pampolitika-at-panlipunan/

Britannica Kids.(2021). 13 Colonies.


Retrieved Jan. 24,2021 from https://kids.britannica.com/students/article/13-
colonies/338325

Division of Negros Occidental.(2017).LRMDS-Learning Resource Management and


Development System.
Retrieved Jan. 20,2020 from https://sites.google.com/a/deped.gov.ph/mylrmds
Davao City National High School.(2015).LM’s and TG’s.
Retrieved Jan. 20,2020 from
https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

Edward Tanguay.August 15, 2014.The French Revolution.


Retrieved March 3, 2020 from
https://tanguay.info/learntracker/page/lectureNotesItems?idCode=philosophes

25
OLL.(2003).Baron de Montesquieu.
Retrieved Jan. 24, 2021 from https://oll.libertyfund.org/people/charles-louis-de-secondat-
baron-de-montesquieu

Slideshare.(2016). American Revolution, Nov. 29, 2016,


Retrieved January 25, 2021 from https://www.slideshare.net/rijamisu/rebolusyong-
panlipunan-american-revolution
Wikipedia.(2021). French Revolution.
Retrieved Jan. 25, 2021 from
https://en.wikipedia.org/wiki/French_Revolution

Zeugmaweb.(2019). Stamp Act.


Retrieved Jan. 24, 2021 from https://www.zeugmaweb.net/histdocs/stamp_act.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

26

You might also like