You are on page 1of 10

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Pagkamit ng Pandaigdigang
Kapayapaan at Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagkamit ng Pandaigdigang Kapayapaan at Kaunlaran
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jhoana Paula D. dela Cruz
Editor: Joy B. Cabonce
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang “Pagkamit ng
Pandaigdigang Kapayapaan at Kaunlaran”!

Pinagkunan: commons.wikimedia.org

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:

Aralin 1 – Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig
Aralin 2 – Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay
na layunin:

1. Naiisa-isa ang mga bansang nanguna sa pagtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan;


2. Nasusuri ang mga pandaigdigang organisasyong naitatag pagkatapos ng digmaang pandaigdig;
3. Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran
(MELC); at
4. Napahahalagahan ang mga hakbang na isinagawa ng mga bansa sa daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, kaayusan at pagtutulungan.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Sino sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatawag na “Big Four”?


A. Trygve Lie
B. Pangulong Woodrow Wilson
C. Punong Ministro Clemenceau
D. Punong Ministro David Llyod George

2. Ano ang binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 na naglalaman ng layunin ng
United States sa pakikidigma?
A. Liga ng mga Bansa C. Labing-apat na Puntos
B. Bansang Nagkakaisa D. Kasunduan sa Versailles

3. Ano ang pandaigdigang samahan ng mga bansa na nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Liga ng mga Bansa C. Kasunduan sa Versailles
B. Bansang Nagkakaisa D. Kasunduang Pangkapayaan sa Paris

4. Ano ang sangay ng Bansang Nagkakaisa ang siyang nagpapasya sa mga kasong may kinalaman
sa alitan ng mga bansa?
A. Kalihim C. Sangguniang Pangkatiwasayan
B. Pagkalahatang Asembleya D. Pangdaigdig na Hukuman ng Katarungan

5. Alin sa sumusunod ang itinatag upang hindi na masundan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Atlantic Charter C. Bansang Nagkakaisa
B. Liga ng mga Bansa D. Kasunduang Pangkapayaan sa Paris

1
Modyul
Pagkamit ng Pandaigdigang
3 Kapayapaan at Kaunlaran
Maraming pandaigdigang kasunduan at samahan ang nabuo at itinatag upang
maiwasan ang muling pagsiklab ng mga digmaan na maaaring magdulot ng malawak
na pinsala sa mga bansa sa daigdig. Mahalagang maunawaan ang mga pandaigdigang
samahang naitatag na ang pangunahing layunin ay mapanatili ang kapayapaan sa
daigdig.

Balikan
Ilagay ang wastong impormasyong hinihingi sa dayagram tungkol sa dahilan at resulta
ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Dahilan Resulta

1. Unang Digmaang
Pandaigdig

2. Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

Tuklasin
Ano-anong salita o pahayag ang
iyong naiisip kapag naririnig mo ang
salitang “Kapayapaan”? Ilista sa
kahon ang mga ito.

Mga Tanong:
1. Ano ang mga salita na iyong naiugnay sa salitang “Kapayapaan”?
2. Mahalaga ba na mapanatili ang kapayapaan sa daigdig? Bakit?
3. Sa paanong paraan kaya mapananatili ng mga bansa ang kapayapaan sa
daigdig?

2
Suriin
Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasang muli ang pagsiklab ng
digmaan na pinaniniwalaan na salot sa kapayapaan. Bumalangkas sila ng Kasunduang
Pangkapayapaan sa Paris noong 1919 – 1920 na pinangunahan ng mga pinuno na tinawag na
BIG FOUR: Pangulong Woodrow Wilson (United States), Punong Ministro David Llyod George
(Great Britain), Vittorio Emmanuel Orlando (Italy), at Punong Ministro Clemenceau (France).
Ang nilalaman ng kasunduan na ito ay ibinatay sa Labing-apat na Puntos o Fourteen Points ni
Pangulong Wilson.

Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

Ito ay binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 na


naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikipagdigma.
Naglalaman din ito ng kaniyang ideya tungkol sa isang
“kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng lahat
ng bansa. Anim sa mga puntos na napagkasunduan ang
sumusunod:

1. Pagwawakas ng mga lihim na pakikipag-ugnayan;


2. Pagkakaroon ng kalayaan sa karagatan;
3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa
suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng
mga mamamayan;
4. Pagbabawas ng mga armas;
5. Pagbabawas ng taripa; at
Pinagkunan:
https://upload.wikimedia.org/wikipedi
6. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa.
a/commons/5/53/Thomas_Woodrow_
Wilson%2C_Harris_%26_Ewing_bw_pho
to_portrait%2C_1919.jpg

Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson


Ang ibang miyembro ng alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan na lingid sa
kaalaman ng Great Britain, France, at iba pang bansa. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya
at teritoryo ng Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman
nito sakop. Ang bansang Turkey naman ay maaaring paghatian ng ibang maiimpluwensiyang
bansa.

Naisagawa ang sumusunod na pangyayari ng pormal na mabuo ang Kasunduan sa


Versailles:

1. Nawala ang lahat ng kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen,
Kanlurang Prusya, at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay naging
malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga alyado bilang mandato.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim ng
pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat.
Binawasan ito ng maraming hukbo at ang pinaglalakbayang ilog. Ipinagbabawal ang
kanilang partisipasyon sa anomang digmaan.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglalakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal.
6. Ang Germany ay pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon.
7. Pinagbabayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala ang Germany bilang
reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang
pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang
kapayapaan ng daigdig.

3
Liga ng mga Bansa

Ang pagkakaroon ng isang


pandaigdigang samahan ng mga bansa ay
matagal ng pangarap ni Pangulong Wilson.
Nagtagumpay siya sa paghihikayat sa mga
pinuno ng mga bansang Alyado na itatag at
sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang
konstitusyon nito ay nakapaloob sa Pinagkunan:
Kasunduan sa Versailles na may sumusunod https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/cd/
Waffenstillstand_gr.jpg/1024px-Waffenstillstand_gr.jpg
na layunin:

1. Maiwasan ang digmaan;


2. Maprotekahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng ibang bansa;
3. Lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at
5. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa:

1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920,
Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato.
3. Pinamahalaan ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.
Marami ang naging dahilan kung bakit nabigo ang Liga ng mga Bansa. Hindi lahat ng
makapangyarihan at malalaking bansa gaya ng United States ang kasapi sa samahan. Ang
Germany ay hindi pinayagang sumali ngunit kalaunan ay pinayagan din. Lumahok lamang
ang Russia noong 1934 at sa kasabay na taon ay tumiwalag naman ang Germany at Japan.
Hindi magiging matagumpay ang isang pandaigdigang organisasyon kung karamihan ng mga
bansa ay hindi kasapi nito.

Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Upang hindi na masundan pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, humanap ng


paraan ang mga bansa upang tuluyang makamit ang kapayapaan. Isa sa mga hakbang na
kanilang ginawa ay ang pagkatatag ng Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations.

Ang mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)

Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,


naisip na ni Pangulong Roosevelt (United States) na muling
magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng
mga Bansa.

Apat na buwan bago salakayin ng Japan ang Pearl Harbor


ay bumalangkas na nang deklarasyon sina Pangulong Roosevelt
(United States) at Punong Ministro Winston Churchill (England),
Pinagkunan: ito ay ang Atlantic Charter na siyang naging saligan ng 26 na
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/
commons/c/c5/Un-flag-square.png bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations). Sa isang kumperensya sa Moscow noong
Oktubre 1943, nagkasundo ang United States, Great Britain, at
Soviet Union na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sandaling
matalo ang Axis Powers. Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat na
Bansa, kasama ang China, para maitatag ang isang
pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang
kapayapaan at kaligtasan ng mundo.
Pinagkunan:
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/1/1f/Atlantic_Chart
er_FDR-Churchill.jpg

4
Limampung bansa ang nagpulong sa
California, United States, upang balangkasin
ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Pormal
na itinatag ang Bansang Nagkakaisa o United
Nations noong ika-24 ng Oktubre, 1945.
Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga
bansa sa London noong 1946 at nahalal na
unang Secretary-General si Trygve Lie ng
Sweden.

Pinagkunan:
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/52
/Emblem_of_the_United_Nations.svg/800pxEmblem_of_the_Unit
Ang mga Bansang Nagkakaisa ay may ed_Nations.svg.png

anim na pangunahing sangay. Ang Pangkalahatang Asembleya (General Assembly) ang


sangay tagapagbatas na binubuo ng kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito
isinasagawa ang pangkalahatang pagpupulong.

Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap na


binubuo ng 11 na kagawad na ang lima ay permanenteng miyembro, samantalang ang anim ay
inihalal na nanunungkulan ng dalawang taon.

Ang Kalihim (Secretariat) ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na


nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.

Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang


sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa.

Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ang sangay na


namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko, at
pangkalusugan ng daigdig.

Sa kabuuan, ang mga Bansang Nagkakaisa (United Nations) ang pinakamahalagang


naidulot ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na hanggang sa kasalukuyan ang
nagpapanatili ng kapayapaan ng daigdig upang maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaang
pandaigdig.

Halaw sa Learner’s Manual ng AP 8, pp.457-460; 484-486

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Pagkamit ng


Pangdaigdigang Kapayapaan at Kaunlaran,” halina’t sagutin ang ating gawain.

Gawain 3.1
Ayusin Mo. Ayusin ang mga letra na nasa loob ng kahon upang malaman ang mga
bansang nanguna na matamo ang pandaigdigang kapayapaan.

1. T R E G A 2. E N I U D T 3. R A C F N E 4. A L T I Y
RINATBI ETSSAT

5
Gawain 3.2
Data Chart. Isulat sa talahanayan ang nilalalaman ng bawat pagsisikap ng bansa
tungo sa kapayapaan.

Pagsisikap Tungo sa
Nilalaman
Kapayapaan
Kasunduang
Pangkapayapaan sa Paris
(1919-1920)

Labing-apat na Puntos ni
Pangulong Wilson

Kasunduan sa Versailles

Liga ng mga Bansa

Mga Bansang Nagkakaisa

Isaisip

Gawain 3.3
Tanong-Sagot.

1. Ano ang Liga ng mga Bansa?


2. Bakit nabigo ang layunin ng Liga ng
mga bansa?
3. Ano-ano ang layunin ng Mga
Bansang Nagkakaisa (UN)?
4. Bakit mahalaga na panatilihin ng
mga bansa ang pandaigdigang
kapayapaan?
5. Sa iyong palagay, ano ang maaaring
hakbang na dapat gawin ng mga
bansa upang mapanatili ng
kapayapaan ng daigdig?

6
Isagawa

Gawain 3.4
Ang Aking Larawan ng Kapayapaan. Pakinggan o basahin ng awitin na “Heal the
World” ni Michael Jackson at iugnay ito sa paghahangad ng kapayapaan sa daigdig.
Habang pinapakinggan o binabasa ang awitin ay gumuhit ng larawan na
sumasalamin sa iyong konsepto ng isang mapayapang daigidg.

There's a place in your heart If you want to know why


And I know that it is love There's love that cannot lie
And this place it was brighter than tomorrow Love is strong
And if you really try It only cares of joyful giving
You'll find there's no need to cry If we try we shall see
In this place you'll feel there's no hurt or sorrow In this bliss we cannot feel
Fear of dread, we stop existing and start living
There are ways to get there
If you care enough for the living Then it feels that always
Make a little space Love's enough for us growing
Make a better world
Make a better place
So make a better world
Heal the world
Heal the world
Make it a better place Make it a better place
For you and for me, and the entire human race For you and for me, and the entire human race
There are people dying There are people dying
If you care enough for the living If you care enough for the living
Make a better place for you and for me Make a better place for you and for me
Pinagkunan: https://www.lyrics.com/lyric/9870151/Michael+Jackson/Heal+the+World

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Naipakita ang sariling konsepto ng kapayapaan
Nilalaman 15
sa daidig.
Pagkamalikhain Kaaya-aya at malikhain ang pagkakagawa. 10
Kabuuan 25

7
Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na
papel.

1. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?
A. Liga ng mga Bansa C. Labing-apat na Puntos
B. Mga Bansang Nagkakaisa D. Kasunduan sa Versailles

2. Ano ang tawag sa kasunduang pinangunahan ng mga pinuno na tinawag na Big Four
na ibinatay sa Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson?
A. Liga ng mga Bansa
B. Mga Bansang Nagkakaisa
C. Kasunduan sa Versailles
D. Kasunduan Pangkapayapaan sa Paris

3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Labing-apat na Puntos ni Pangulong


Woodrow Wilson?
A. Kalayaan sa karagatan
B. Pagbabawas ng mga armas
C. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa
D. Pagpapalaganap ng kasunduang pangkapayapaan

4. Bakit nabigo ang Liga ng mga Bansa sa kabila ng layunin nito?


A. dahil wala itong napigil na maliliit na digmaan
B. dahil hindi pa handa ang mga bansa sa isang pandaigdigang samahan
C. dahil walang interes sa pandaigdigang samahan ang karamihan ng bansa
D. dahil hindi lahat bansang makapangyarihan ay kasama sa samahan gaya ng
United Sates

5. Isa sa pinakamahalagang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang


pagkakatatag ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations) kung saan maraming
bansa ang umanib dito, alin sa sumusunod ang naibunga ng pagkakatatag ng
samahan na ito?
A. Napanatili nito ang kaguluhan sa bawat bansa.
B. Nagpatuloy ang alitan sa pagitan ng mga bansang kasapi.
C. Napanatili nito ang kapayapaan at seguridad sa mga bansang kasapi.
D. Naging dahilan upang sumiklab ang panibagong pandaigdigang digmaan.

Karagdagang Gawain

Gawain 3.5
Kapwa-yapaan. Magkipag-usap sa kapwa mag-aaral o kaibigan ukol sa kahalagahan
ng paglutas sa mga pangyayari na maaaring magdulot ng alitan o hindi
pagkakaunawaan. Gumawa ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan sa
bawat isa.

Isaalang-alang ang mga panuntunan sa paggawa:


1. Maaaring makipag-usap sa kaibigan o kamag-aral online.
2. Ilista sa kwaderno ang inyong napagkasunduan.

You might also like