You are on page 1of 41

8

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Kabihasnang Greek
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Greek
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kim Michael P. Gonzales
Editor: Marlene Q. Ting
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Sa unang markahan,


nalaman mo ang pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan sa Asya, Ehipto, at Olmec sa
Mesoamerica. Sa modyul ito, iyong pag-aaralan ang
kabihasnang klasikal ng Europe na nagsimula sa
Greece. Tinawag itong kabihasnang klasikal dahil
ang kanilang mga kontribusyon sa iba’t ibang
larangan ang naging batayan ng mga sumunod na Pinagkunan: https://www.britannica.com/topic/Parthenon
kabihasnan maging sa kasalukuyang panahon. Isa
lamang ang guhong gusali ng Parthenon bilang bakas ng kahusayan sa arkitektura ng
kabihasnang Greek.

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency
- MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang heograpikal na katangian ng Greece;
2. Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean, at kabihasnang klasiko ng Greece
(MELC);
3. Natatalakay ang mga pangyayaring humubog sa kabihasnang Greek at Hellenistic; at
4. Napatutunayan ang halaga ng mga kontribusyon ng kabihasnan ng Greece sa
kasalukuyang panahon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ito ang sinaunang kabihasnang Greek na nabuo sa pulo ng Crete at sinunod sa


pangalan ng kanilang hari.
A. Macedonian B. Maya C. Minoan D. Mycenaean
2. Ito ang tawag sa lungsod-estado sa sinaunang Greece tulad ng Athens at Sparta.
A. acropolis B. agora C. Parthenon D. polis
3. Ito ang pagsasama ng kulturang silangan (Asya) at kanluran (Greek) na higit na
nagpaunlad sa kabihasnang Greek.
A. Hellas B. Hellenes C. Hellenic D. Hellenistic
4. Kinilalang pinakamahusay na pinuno ng Imperyong Macedonian at nagpalaganap ng
kaisipang Greek sa silangan.
a. Alexander the Great C. Darius the Great
b. Cyrus the Great D. Sargon the Great
5. Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan ng nakararami na nagsimula sa Athens, Greece?
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Oligarkiya D. Teokrasya

Modyul

1 Kabihasnang Greek
Ang kabihasnang Greek ay maituturing na isang transisyon sa kasaysayan ng daigdig
mula sa sinaunang panahon na nakatuon sa Asya tungo sa pasimula ng makabagong panahon
kung saan ang Greece ang naging lunduyan ng kabihasnang klasiko ng Europe. Tatalakayin ng
modyul na ito ang mga naging pamana at impluwensiya ng kabihasnang ito sa sangkatauhan.

1
Balikan
Hanapin at bilugan ang mga sagot sa loob ng Wordhunt Puzzle. Isulat din ang tamang sagot
bago ang bawat bilang sa ibaba.
Mga Tanong:

1. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng


dalawang ilog”.
2. Sa lambak na ito umusbong ang mga lungsod ng
Harappa at Mohenjo-Daro.
3. Tinatawag din itong Yellow River kung saan
umusbong ang kabihasnan sa China.
4. Ito ang pinaniniwalaang lambak-ilog ng
kabihasnang Egyptian.
5. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa
America.

Tuklasin

1. G
2. R
3. E
4. E
5. C
6. E

Suriin
Heograpiya ng Greece
Ang Greece ay nasa dulong timog ng Balkan Peninsula sa may Timog
Europe. Isang bulubunduking lupain ang Greek Peninsula na pinaliligiran ng
tatlong dagat – Aegean sa silangan; Ionian sa kanluran, at Mediterranean sa
Timog. Ang mga dagat na ito ang dahilan sa pagiging mahusay na mandaragat ng
mga Griyego kaya’t karamihan sa mga pamayanan ay matatagpuan sa 60
kilometro lamang mula sa baybaying dagat. Sa kabilang banda, dahil sa malaking
bahagi ng Greece ay kabundukan na naghati sa mga rehiyon, ito ay nagresulta
sa pagkakawatak-watak ng mga sinaunang pamayanang Greek. Subalit, ang
heograpikal na katangian na ito ay nakatulong laban sa banta ng mga pagsalakay.

Kabihasnang Minoan
Pinagpapalagay sa pagitan ng 1600 at 1400 BCE, sumibol ang dalawang
sinaunang kabihasnan sa Greece – ang Minoan at ang Mycenaean, sa pulo ng Crete
at baybayin ng Aegean Sea sa silangang bahagi ng Mediterranean. Pinaniniwalaan ng
mga arkeologo, ang kauna-unahang kabihasnang Aegean ay ang Minoan na hinango mula sa pangalan ng

2
maalamat na haring si Minos. Patunay ang guho ng isang palasyo na natagpuan ng arkeologong British na
si Arthur John Evans, na nakapagpatibay sa pag-aaral ukol sa kulturang Minoan. Isa ang mga frescoes o
pinta sa mga dingding sa palasyo ng Knossos, ang kabisera ng kabihasnang Minoan, na kakikitaan ng tila
kasiyahan o paligsahan ng bull-leaping. Tinatayang may 200 taon na pinagharian ng mga Minoan ang
buong Aegean ngunit pinapalagay na nagwakas ito dulot ng isang malakas na lindol, pagsabog ng bulkan
o di-kaya nang sakupin ng mga mananakop.

Kabihasnang Mycenaean
Itinatag ng mga Mycenaean ang lungsod ng Mycenae matapos ang kanilang
pagsalakay sa Knossos at iba pang isla ng Crete at tuluyang napabagsak ang
kabihasnang Minoan sa Aegean Sea. Tinawag na mga Achaeans ang mga
Mycenaean nang dumating sa Greece mula sa Balkan noong 2000 BCE.
Ipinagpatuloy at higit na pinaunlad ng mga Mycenaean ang impluwensya ng
kabihasnang Minoan tulad ng mitolohiyang Greek at ilang disenyo pang-artisano
para sa mga alahas, banga at mga kasangkapan. Kasabay ng paghiram ng
kulturang Minoan ang pagpapalawak ng imperyo ng mga Mycenaean sa pamamagitan ng pakikidigma at
pakikipagkalakalan sa Aegean Sea.
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga
Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din
kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may
hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala
sila bilang mga Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300
taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba
pang gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Halaw sa: “Araling Panlipunan III, EASE Modyul 4, Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego, pp. 10-11

Trojan War
Nakasaad sa akda na Iliad ni Homer, ang naging sanhi ng Digmaang Trojan ay
nang agawin ni Paris, prinsipe ng Troy, si Helen na asawa ni Haring Menalaus, hari ng
Sparta. Si Menalaus ay kapatid ni Haring Agamemnon ng Mycenae, na nanguna sa
hukbong Greek upang bawiin si Helen.
Naging estratehiya ng mga Mycenaean upang pasukin ang lungsod ng Troy,
gumawa ng isang higanteng estatuwang kahoy na kabayo. Lingid sa kaalaman ng mga taga-Troy, nasa loob
ng estatuwa ang mga sundalong Mycenaean. Hinintay lamang ang pagsapit ng gabi upang buksan ang
tarangkahan ng lungsod at tuluyang magapi ang mga Trojan.
Sa mga unang pag-aaral, pinaniniwalaang isa lamang alamat ang salaysay ng
Trojan War. Gayunman, dahil sa mga nahukay na mga labi ng lungsod ng Troy ng mga
arkeologo ay napatunayan na may katotohanan ang mga nasabing digmaan. Patunay dito
ang maskarang ginto na nahukay taong 1876 – 1878, ng arkeologo na si Heinrich
Schliemann, na pinaniniwalaang mukha ni Agamemnon.

Ang Panahong Hellenic


(800-338 BCE)
Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na “Hellenes”. Ito ay hango sa salitang Hellas
na tumutukoy sa sinaunang lupain ng Greece.

Ang Polis
Nagtatag ng mga unang pamayanan o malalayang lungsod-estado ang
mga Griyego na tinawag na polis. Ito ay may sariling kalayaan sa pamahalaan
kung kaya’t iba-iba ang uri ng sistema ng pamahalaang umiiral sa bawat isa
dahilan ng pagiging watak-watak ng mga rehiyon ngunit nagkakaisa kapag may banta ng pananakop.
Ang polis ay binubuo ng tatlong bahagi. Una sa mga bahaging ito ang acropolis na dito itinatayo
ang templo dahil ito ang pinakamataas na lugar sa lungsod-estado. Ang ikalawang bahagi ay ang agora o
pamilihan kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao. Ito ay nasa ibaba ng acropolis.
Ang ikatlong bahagi ng polis ay ang mga kanayunan na nakapaligid sa labas ng lungsod. Sakaling may
banta ng pananalakay, upang matiyak ang kaligtasan ang mga mamamayang nakatira sa labas ng polis ay
pumapasok sa loob ng lungsod na pinalilibutan ng mga matitibay na pader na gawa sa bato.

Sparta: Isang Estado-Militar


Ang Sparta ay maituturing na isang estado-militar na itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na
nasa timog na bahagi ng isang lambak sa Greece. Hindi tulad ng ibang lungsod-estado, ang Sparta ay hindi

3
napalilibutan ng malalaking pader ngunit may malakas na hukbong militar upang maiwasan ang pag-aalsa
ng mga Helot o tagasaka ng mga sakahan na sinakop.
Nahahati sa tatlong antas ang lipunan ng mga Spartan. Ang mga inapo ng mga Dorian o mga
orihinal na nanirahan sa Sparta ang pinakamahalagang pangkat. Pumapangalawa ang mga Perioeci o mga
malalayang tao subalit hindi mamamayan ng Sparta. Kadalasan sila ay mga mangangalakal sa bayan
ngunit hindi kailanman maaaring kilalaning mga mamamayan ng Sparta. Ang pangatlo at
pinakamababang antas ay mga helot o mga aliping magsasaka ng Sparta.
Ang naging pangunahing layunin ng Sparta ang magkaroon ng isang hukbong militar at magtatag
ng isang pamayanan ng mga mandirigma kayat ang bagong silang na sanggol palamang na mahina o may
kapansanan ay iniiwan sa kabundukan at hinihayaang mamatay doon. Sa pagsapit ng pitong taong gulang,
ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplinang
militar at sanayin sa pakikipaglaban kasama ang paghubog ng katapatan sa pagtatanggol sa Sparta. Sa
gulang na 20, ang kalalakihan ay ganap nang mga sundalo at ipinapadala na sa mga hangganan ng
labanan. Sa edad na 30, sila ay papayagang mag-asawa subalit kailangan pa rin nilang manirahan sa
kampo. Sa kanilang ika-60 taong gulang, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Pinamahalaan ang Sparta ng dalawang pangkat, ang Asambleya ng Mamamayan at ang Konseho
ng Matatanda (Council of Elders). Ang Asambleya ay binubuo ng kalalakihan ng may edad na tatlumpu
pataas at humihirang ng mga opisyal ng pamahalaan. Samantala, ang Konseho ng Matatanda ay binubuo
ng dalawang hari at dalawampu’t walong miyembro na nasa edad 60 na may tungkulin magpanukala ng
batas sa Asambleya. Mayroon ding limang ephor, na nagpapatupad ng mga batas at tagapangasiwa sa
edukasyon at kapakanan ng publiko.

Athens: Isang Demokratikong Estado


Ang Athens ay isang maliit na bayan sa hilagang-silangan ng Peloponnesus na tinatawag na Attica,
isang polis sa gitnang tangway ng Greece. Itinayo ang lungsod-estado ng Athens ng mga Ionian sa isang
mabatong burol sa acropolis na napaliligiran ng matibay na pader.
Isang demokratikong estado ang Athens kung saan nahubog ang konsepto
ng demokrasya o ang pamahalaan ng nakararami sa paraang tuwiran o hindi
tuwirang pakikilahok ng mamamayan. Sina Draco, Solon, Pisistratus, at
Cleisthenes, ang mga nagsulong ng demokrasya bilang isang sistemang
politikal sa Athens. Binalangkas ni Draco ang unang kodigo ng mga batas ng
Athens na tinawag na Kodigo ni Draco (Draconian Code). Nakasaad dito ang
mga batas upang maunawaan ng lahat ngunit dahil sa mahigpit na
pagpapatupad ng kaparusahang kamatayan gumawa ng reporma si Solon, sa
pagtatag ng Konseho ng Apat na Raan (Council of 400), na binubuo ng 100
kasapi mula sa apat na tradisyonal na tribo sa lungsod. Ang konseho ay naghahain ng mga batas na
pinagbobotohan sa Asambleya at pagbuo sa korte upang dinggin ang mga kaso at bigyan ng pagkakataon
na ipagtanggol ng mamamayan ang kanilang sarili. Dahil sa mga nagawang pagbabago ni Solon, sa
kasalukuyang panahon ang kanyang pangalan ay nangangahulugang isang mahusay na mambabatas.
Samantalang, si Pisistratus naman ay isang aristokrato na nagbahagi ng mga lupain at ari-arian ng mga
maharlika at ipinamahagi ito sa mga magsasakang walang lupa.
Sa panunungkulan ni Cleisthenes, pinairal ang sistema ng ostracism o ang pagpapaalis ng
sinomang mapang-abusong opisyal na pinaniniwalaang isang panganib para sa Athens. Pinairal din ni
Cleisthenes ang Assembly na binubuo ng lahat ng mamamayang lalaki na may gulang 18 taon pataas. Ang
konseho ang nangasiwa sa ugnayang panlabas at mga pagpapanukala ng batas.

Draco Solon Pisistratus Cleisthenes

Ang Banta ng Persia


Ang mga lungsod-estado ng Greece ay nagkaisa laban sa banta ng
pananakop ng Persia, isang malakas na imperyo mula sa silangan na may
hangarin na higit pang palawakin ang nasasakupan nito sa kanluran.
Nagsimula ang digmaan noong 499 B.C.E, sa labanang pandagat sa Miletus,
nang nagpadala ng tulong ang Athens sa mga kalapit na kolonyang itinatag nila
laban sa mga Persiano. Sa pangyayaring ito, ay nagbunsod sa layunin ni Darius
I sa pagsakop ng buong Greece.
Tinawag na digmaang Graeco-Persia ang unang pagsalakay ng Persia
sa Marathon, Greece noong 490 B.C.E. Inilarawan ni Plutarch, isang Griyegong
manunulat, ang isang tagapagbalita na si Pheidippides ang tumakbo mula Marathon hanggang Athens
upang ipaalam ang pagkapanalo ng 10,000 puwersa ng Athens laban sa tinatayang 25,000 hukbo ng
Persia. Pagkatapos niyang takbuhin ang kabuuang 25 milya ang katagang “Rejoice, we conquer” ang
kanyang isinigaw bago sya namatay.

4
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang sumunod na labanang naganap sa
Thermopylae noong 480 B.C.E. Dito sinalubong ni Haring Leonidas ng Sparta
kasama ang 300 sundalong Spartan ng buong katapangan at kahusayan sa
pakikidigma ang napakalaking hukbo ng Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang
Greek ang lihim na daanan patungo ng Thermopylae dahilan ng pagkatalo ng
Sparta. Ngunit sa kabila nito sa pamumuno ni Themistocles, isang heneral ng
Athens, ipinag-utos na iwanan ng mga Athenian ang Athens at lumikas sa isla ng
Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Dito natalo muli ang hukbo ni
Xerxes dahil nahirapang makaposisyon at maiwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang pagbangga ng mga
sasakyang pandagat ng Athens. Samantala, tuluyang natalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng
Greece ang nalalabing hukbo ng mga Persiano sa labanan sa Plataea. Ang pangyayaring ito ang nagtulak
kay Xerxes upang bumalik na lamang sa Asia Minor hudyat sa pagwawakas ng digmaang Graeco-Persian.

Leonidas Themistocle Xerxes


s

Ang Digmaang Peloponnesian


Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga
kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak
din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging daan na pagiging imperyo ng Athens
sa ilalim ng Delian League.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa
Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kaya’t ang mga lungsod-estado
na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth, at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa
sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig-pook ng Athens na naging simula ng
Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan
kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala,
inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na
may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BCE.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece.
Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan
ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.

Ang Panahong Hellenistic


(336-263 BCE)

Sa panahon ng pamamayani ng imperyong Macedonian nakabuo ng isang malakas na hukbo


na nagresulta sa pagsasakatuparan ng pagsakop ng buong Greece, maliban sa Sparta sa pamumuno
ni Alexander the Great. Matapos nang pag-isahin ang mga lungsod-estado ng Greece, matagumpay
niyang naitatag ang isang imperyo na sumasakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at India. Ito
ang pagsisimula ng kulturang Hellenistic o ang ang pagsasanib ng kaalaman at kulturang Greek at
Asya. Pinalaganap niya ang mga kaisipang Greek sa silangan. Ang lungsod ng Alexandria sa
Egypt ang naging sentro ng kulturang Hellenistic. Mayroon itong isang parolo na may taas
na 400 talampakan, paaralan, silid-aklatan na naglalaman ng mga kasulatan tungkol sa
mga sinaunang kabihasnan, obserbatoryo at iba pang institusyon sa pananaliksik.
Noong 323 BCE sa gulang na 32 taon ay namatay si Alexander sa Babylon sa hindi
matiyak na karamdaman. Nahati ang Imperyong Macedonian sa kaniyang tatlong heneral-
si Ptolemy sa Egypt, Seleucus sa Fertile Crescent, at Antigonus sa Greece at Macedonia.
Nagpatuloy ang impluwensya ng kulturang Hellenistic bagamat unti-unting humina ang
malawak na imperyong minsan tiningala ang kadakilaan.

Mga Kontribusyon ng Greece


Sining at Panitikan
• Ang Iliad at Odyssey ni Homer. Tinaguriang dalawa sa
pinakadakilang epiko ng Greece.
• Pagtatanghal ng dalawang uri ng dula sa amphitheater, ang
sinaunang teatrong Griyego: ang trahedya ay isang dula na may
malungkot na wakas at komedya na masaya ang katapusan
Homer subalit patungkol sa pagkutya sa mga opisyales ng pamahalaan.
• Pagsulat ni Herodotus sa mga kaganapan sa Digmaang Persia.
Itinuring siyang “Ama ng Kasaysayan.”
Amphitheater
Arkitektura at Iskultura

• Pagkilala sa Parthenon bilang pinakamagandang arkitekturang


Greek. Ito ay itinayo para sa diyosang si Athena.
• Paggawa ni Phidias sa rebulto ni Athena sa Parthenon.
• Tatlong estilo ng kolum na ginamit sa mga gusali ng arkitekturang
Greek.

5
Pilosopiya
• Sina Socrates, Plato at Aristotle ang tatlong kilalang pilosopo ng
Greece. Si Socrates ay nakilala sa kanyang paraang Socratic
Herodotus
Method o paggamit ng tanungan at sagutan sa pangangatwiran.
Isinulat naman ni Plato ang The Republic patungkol usaping
pulitikal. Samantalang si Aristotle ay tagasunod ni Plato. Sinulat
Athena nya ang aklat na “Politics” nagpapaliwanag sa kabutihan at
kasamaan ng monarkiya, aristokrasya at demokrasya.
Medisina

• Pagkilala kay Hippocrates bilang “Ama ng


Medisina” dahil sa kanyang siyentipikong
pamamaraan ng paggamot. Isinulat niya ang
Hipporatic Oath, ang sinumpaang kodigo ng mga Hippocratic
nagtapos sa pag-aaral ng medisina. Oath

Pananampalataya
• Pagsamba ng mga Greek sa maraming diyos at diyosa na
pininiwalaang nakatira sa Mt. Olympus. Si Zeus ang hari ng mga
diyos.
Palakasan
• Pagdaraos ng palarong Olympics tuwing
ikaapat na taon bilang parangal kay Zeus.

Pagkatapos mong maunawaan ang


aralin tungkol sa “Kabihasnang Greece”,

Pagyamanin tiwala akong masasagot mo ang sumusunod


na gawain.

Gawain 1.1
Guess Who???
Ayusin ang mga titik sa
loob ng kahon upang
makuha ang tamang
sagot. Isulat ang bawat
sagot sa hiwalay na
papel.

Gawain 1.2
Guess What??? Punan
ang mga kahon ng mga
titik ng salitang tinutukoy
sa sumusunod na
pahayag. Piliin sa loob ng
kahon sa ibaba kung ano
ang tinutukoy ng bawat
bilang.

Gawain 1.3
Guess How???
Sa tulong ng venn
diagram, paano
nagkatulad at nagkaiba
ang lungsod estado ng
Sparta at Athens ng
sinaunang Greece.

6
Gawain 1.4
Isaisip Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay
na papel.
Kamusta ka? Sagutin ang
mga tanong sa pisara.

1. Ano ang mahalagang papel ng


kalagayang heograpikal ng Greece sa
pagsibol ng kanilang kabihasnan?
2. Paano nagsimula ang kabihasnang
Greek?
3. Ano ang epekto ng mga digmaang
kinasangkutan ng Greece sa paghubog
ng kanilang kabihasnan?

4. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng


pagyabong ng kulturang Greek sa kabihasnang
klasiko sa Europe?
5. Ano ang kahalagahan ng pananakop ni Alexander the
Great sa paglaganap ng kulturang Greek?

Isagawa
Gawain 1.5
What If Notepad? Kung sakaling ikaw si
“Alexander the Great” sa sinaunang
panahon ng Greece. Para sa iyo, anong
larangan ang higit na dapat pagyamanin ng
sangkatauhan sa kasalukuyang panahon
mula sa mga naging kontribusyon ng
kabihasnang Greek? Ipaliwanag ang iyong
sagot sa isang notepad.

7
Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa mga isla ng Crete.


A. Macedonian B. Mayan C. Minoan D. Mycenaean
2. Pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado
ng Greece?
A. Acropolis B. Agora C. Olympus D. Pantheon
3. Ang tawag sa mga bihag ng digmaan ng mga Spartan na nagsilbing tagapagsaka ng
kanilang malalawak na lupain.
A. Hellenes B. Helot C. Hellenic D. Hellenistic
4. Ang digmaan sa pagitan ng lungsod-estado ng Sparta at Athens.
A. Battle of Marathon C. Peloponnesian War
B. Battle of Salamis D. Trojan War
5. Ang uri ng pamahalaan ng pakikibahagi ng nakararaming mamamayan na nagsimula sa
Athens.
A. Aristokrasya B. Oligarkiya C. Monarkiya D. Demokrasya

Karagdagang Gawain

Gawain 1.6 Movie reviews ng sumusunod Guro: “Pumili


lamang ng isang
na pelikula:
pelikula at sundin
1. Troy (2004) ang nakatakdang
2. 300 (2006) pormat.” Isulat sa
3. 300: Rise of an Empire (2014) isang buong
4. Agora (2009) papel.
5. Alexander (2004)

1. Troy (2004)
https://www.youtube.com/watch?v=Fzv44jVMZpY

2. 300 (2006)
https://www.youtube.com/watch?v=geRDTsZpFBI

3. 300: Rise of an Empire (2014)


Download at https://dramamovie539.wordpress.com/tag/300-
rise-of-an-empire-torrent-download/

4. Agora (2009)
Download at https://vextorrents.com/download/agora/

5. Alexander (2004)
Download at
https://moviesglobeblog.wordpress.com/2016/06/26/alexander-
the-great-2004-full-movie-watch-online-free-download/

Pormat ng Panunuring Pampelikula:


I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari
(a.) Tagpuan
(b.) Protagonista o mga bida
(c.) Antagonista o mga kontrabida
(d.) Suliranin
(e.) Mga Kaugnay na Pangyayari o
Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
(f.) Mga ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Kabihasnang Rome
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Kabihasnang Rome
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eleanor D. Lapeña
Editor: Rizal P. Cantiller
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw sa iyo! Ang


modyul na ito ay ginawa ng may-akda
upang matutuhan ang paksang
“Kabihasnang Rome”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ng sumusunod:

Aralin 1 – Heograpiya ng Italy


Pinagkunan: https://mapswire.com/download/countries/italy-simple-map.jpg
Aralin 2 – Sinaunang Rome
Aralin 3 – Republika ng Rome

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay
na layunin:

1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Italy;


2. Nasasalaysay ang mahahalagang pangyayari mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome;
3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano mula sinaunang Rome hanggang
Republika ng Rome (MELC); at
4. Nabibigyang-reaksyon ang mga nagawa ng mga tanyag na Romano sa Republika ng Rome.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Dagat Mediterranean na binubuo ng mga
kabundukan at ilang kapatagan.
A. Greece B. Sweden C. Italy D. United Kingdom
2. Sila ang kambal na magkapatid na naging pinagmulan ng Rome.
A. Remus at Romulus C. Mars at Rhea
B. Ramos at Remolus D. Superbus at Estrucan
3. Tawag sa uring panlipunan sa sinaunang Rome
A. Tribune at Consul C. Patrician at Plebeian
B. Maharlika at Alipin D. Roman at Greeks
4. Paano nagsimula ang Kabihasnang Romano?
A. Nagsimula ito noong panahon ng Karimlan.
B. Sumibol ang Kabihasnang Romano sa Ilog Tiber na itinatag ng kambal.
C. Nagsimula ito nang manirahan ang mga latino sa silangang bahagi ng Italy.
D. Ito ay umusbong dahil sa mga barbaro na nagpalibot-libot sa Italy.
5. Ang sumusunod ay mga pamana ng Romano sa kabihasnan maliban sa isa.
A. Parthenon B. Colosseum C. Pantheon D. Batas

Modyul

2 Kabihasnang Rome

Isa sa mga umusbong na kabihasnan sa Europe ay ang kabihasnang Rome. Ang Rome
ay isang maliit na bayan na matatagpuan sa bansang Italy. Nakilala at naging makapangyarihan
ang Rome sa buong bahagi ng Italy at Dagat Mediterranean. Sa puntong ito, matutunghayan mo
kung paano ba naging tanyag ang kabihasang Rome sa mundo.

1
Balikan
Word Hunt: Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa kabihasnang Greek, gamitin
ang pananda sa paghahanap ng tamang sagot.

1. Sa PANITIKAN – Ito ay isa sa S B D M D T D D R W Y


pinakadakilang epiko ni Homer.
O A H K S Y A Z E X Z
2. Sa PILOSOPIYA – Siya ay kilala sa
pangangatwiran sa pamamagitan ng C C E L A I G W P D F
pagtatanong at pagsagot. R V G U L U B F Y O H
3. Sa OLYMPIYADA – Isa sa mga paligsahan A M P I T H E A T R E
ng pagtakbo sa mahigit 192 metro.
T R O T F I J J T I H
4. Sa ARKITEKTURA – Isang payak na
disenyo na inilalagay sa kolum ng isang E S W E J L M L L C N
gusali.
S T R Q N O I D A T S
5. Sa TEATRO – Ito ay isang bukas na
tanghalan.

Tuklasin
Bago ang pagsisimula
ng aralin, sagutin ang
nasa ibaba upang mas
lalo mong maunawaan
ang paksang
tatalakayin.

Ang tawag sa gawain na


ito ay 4Pics 1 Word,
tukuyin kung ano ang
kaugnayan ng 4 na
larawan para makabuo
ng isang salita.

Pamprosesong Tanong:

1. Saang bansa matatagpuan ang mga larawang ipinakita?


2. Ano kaya ang ginampanan ng mga larawan sa pagkakabuo ng kabihasnang Rome?

Suriin
Heograpiya ng Italy
Nagmula ang salitang Italy sa isang Latin na “Vitulus” o orihinal na pangalan na “Vitalia” na ang
ibig sabihin ay “Calf-land” o “Land of Cattle.” Ito ay ipinangalan ng mga mamamayan sa Italy dahil ito ay
sagana sa bovine. Samantalang sa karaniwang pagpapakahulugan ng salitang Italy ay sa isang toro na
ang ibig sabihin ay “Italos.”

Mapapansin sa mapa ang hugis-bota ng bansang Italy na kung saan makikita ito sa kanlurang
Europe, isang peninsula sa timog na bahagi ng Dagat Mediterranean.

2
Hindi lang ang dagat na ito ang nakapaligid sa Italy kundi na rin ang Dagat Adriatic (Hilagang-
silangan), Ligurian (Hilagang kanluran) at Tyrrhenian (Timog-kanluran). Bukod sa mga dagat na
nakapalibot sa bansang ito, may mga ilang bulubundukin kagaya ng Apennine at Alps na nagsisilbing
pananggalang sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, gayundin ang aktibong bulkang Vesuvius na
pumutok noong 79 AD. Mayroon ding limang ilog na matatagpuan katulad ng Ilog Arno, Po, Liri, Tiber at
Volturno na mainam sa pakikipagkalalan sa mga karatig-bayan. Dahil sa topograpiya ng Italy, ang klima
dito ay mainam sa pagsasaka at pagpapastol ng hayop kung kaya’t mataas ang bilang ng populasyon ng
bansang ito.

Sinaunang Rome
Ang pinagmulan ng Rome ay nagmula sa isang
mitolohiya patungkol sa isang prinsesa, Rhea Silvia at si
Mars, diyos ng digmaan ay nagkaroon ng kambal na anak
na pinangalanang Remus at Romulus.

Ang kambal ay itinapon sa ilog ngunit sila ay nakita


ng isang “she-wolf.” Sila ay inalagaan at pinalaki hanggang
sa nalaman nila ang kanilang tunay na pinagmulan, bumuo
sila ng isang imperyo sa gitna ng Italy malapit sa Ilog Tiber.
Ang kambal ay magkaiba ng pananaw kung kaya’t sila ay
nagtalo na nauwi sa pagpatay ni Romulus kay Remus. Dahil
sa nangyari, si Romulus ang nagpatuloy ng kanilang
adhikain at nagpalawak ng imperyo sa kalagitnaan ng 8 BCE na tinawag niyang Rome hango sa kaniyang
pangalan. Ang Ilog Tiber ang lunduyan ng kabihasnang Rome.

Mga Taong nanirahan Pinagmulan Lugar sa Italy Ambag


sa Italy

LATINO Indo-Europeo Latium-Timog na Tanso


bahagi ng Ilog Wikang Latin
Tiber
Sining
Paligsahan (Gladiator)
ETRUSCAN Asia Minor Hilagang Kanluran Sandatang gawa sa bakal
ng Italy Forum (pambayang plasa)
Arch
GREEK Greece Timog ng Italy at kulturang Griyego
Sicily alpabeto
sistemang politikal at pandigma
Noong 1000 BCE, ang mga Latino ay nagtatag ng iba’t ibang
lungsod-estado, wikang Latin ang gamit nila na naging pinagmulan ng
Rome. Pinag-isa nila ang kanilang pederasyon na tinawag na Latin
League. Mahilig sila sa sining at paligsahan. Ang mga Etruscan naman
ang naging unang guro ng mga Romano pagdating sa pakikidigma,
paggawa ng gusali, at lansangan. Ang Greek naman ay lumipat mula
Greece patungong Sicily, Italy upang magtatag ng kolonya, pinalaganap
nila ang kulturang Greek at sistemang politikal.

Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/Latins#/media/File:Italy_400bC_en.svg
Republika ng Rome

Ako si Lucius Junius


Brutus, noong 509 BCE itinatag ko
ang pamahalaang Republika ng
Rome matapos kong pamunuan ang
pagpaalis sa mga Etruscan kasama
ang kanilang huling lider na si
Lucius Tarquinis Superbus. Isa ako
sa mga napapabilang sa Patrician o
https://commons.wiki
tinatawag na mayayamang media.org/wiki/File:Lu
nagmamay-ari ng lupa. cio_Giunio_Bruto.PNG

3
KONSUL DIKTADOR SENADO

2 KONSUL – Pinuno ng 1 Diktador- 6 na buwan 300 miyembro ng konseho ng Patricians


pamahalaan; 1 taon na na panunungkulan; Kumukontrol sa paggamit ng salapi at
panunungkulan; nagsisilbing gumagawa ng batas at; ugnayang panlabas; Hukbong Romano-
hukom; pangunahan ng hukbo at; sumasama sa digmaa. SPQR (The Senate and the People of
tagapag-ingat ng salapi. Rome).

Mapapansin na ang mga Patrician ang may kapangyarihan sa aspekto ng


pamamahala samantalang ang Plebeian naman ay nasa malaking porsiyento ng
tao ngunit kaunti lamang ang karapatang tinatamasa. Ang tungkulin ng bawat isa
ay mahalaga sa pagpapatakbo ng pamahalaan ng Rome.

Ang mga Plebeian ay hindi natamasa ang pantay-pantay na karapatan


kung kaya’t nagbanta sila ng digmaang sibil laban sa mga Patrician; upang
maiwasan ang labanan ay binigyan ng karapatan ang mga Plebeian na makagawa
ng sariling Asembleya na gagawa ng batas para lamang sa kanila ito ay ang –
Tribunes o mahistrado (isang halal na opisyal na nagpoprotekta sa Karapatan ng
Plebeian)

Gawain ng Tribunes 1.) Sila ay maaaring tumutol sa anumang batas sa Senado


2.) Ang pagtutol na ito ay maisasagawa nila sa pagsigaw ng “VETO!” na ibig sabihin
https://en.wikipedia.org/wiki
/Twelve_Tables#/media/File:T
ay “Tutol ako!”
welve_Tables_Engraving.jpg
Noong 451 BCE, Ang Twelve Tables ay matagumpay na nabuo ng Plebeian para sa batas na nagbibigay
proteksyon sa mga mahihirap at pang-aabuso ng mga Patrician. Noong 287 BCE, nagkaroon ng pantay na
karapatang legal ang bawat panig.

Makikita sa timeline ang


sunod-sunod na pagkapanalo ng
hukbong sandatahan ng Rome (Legion)
sa kanilang mga katunggali sa pag-
angkin ng Italy at Dagat
Mediterranean. Una ay itinaboy ng
hukbong Romano ang mga Latino at
Estruscan. Sumunod naman ay ang
Greek. Nahirapan silang kalabanin ang
hukbong Greek dahil humingi sila ng
tulong kay Haring Pyrrhus (Hari ng
Epirus) – pinsan ni Alexander the
Great. Nanalo ang Greek laban sa
Romano sa labanan ng Heraclea noong
280 BCE. Ito ay dahil sa paggamit ng
elepante sa pakikidigma. Kalaunan,
natalo din nila ito sa labanan sa
Beneventum noong 275 BCE tuluyang
nasakop ng Rome ang buong peninsula ng Italy. Sinunod ng hukbong sandatahan ng Romano ang
Carthage, Dagat Mediterranean, Hilagang Africa, Macedonia, Kanlurang Asya, at Silangang Asya.

Sa kabila ng tagumpay na nakamit ng Rome, nagkaroon ng epekto matapos ang


Digmaang Punic; ilan sa mga pagbabagong ito ay pagbaba ng kita ng magsasaka,
paghina ng Tribune at Asemblea, at pag-aalsa ng mga alipin sa pamumuno ni
Spartacus. May mga taong nagtangkang lumutas ng suliranin ng mga mahihirap
na tao sa Roma, babasahin at uunawain mo ang kanilang hakbang at motibo sa
suliranin na ito.

Kami ang magkapatid na Gracchus, napapabilang kami sa Tribune. Isa sa mga


https://commons.wikimedia.o hakbang namin sa paglutas ay pagbaba ng presyo ng butil, paghahati-hati at
rg/wiki/File:Eugene_Guillaum
e_-_the_Gracchi.jpg pagbibigay ng lupa para sa mahihirap. Ang motibo namin ay muling mahalal na
Tribune, at magkaroon ng suporta sa mga mahihirap.

Gaya ng magkapatid na Gracchus, sina Gaius Marius at Lucius Cornelius Sulla ay lumutas din ng
suliranin ng mga mahihirap sa Roma ngunit sila din ay nabigo. Nakamit ni Sulla ang kanyang hangarin.
Naging diktador siya sa loob ng 2 taon. Samantala, noong 60 BCE, may tatlong mayaman at magiting na
heneral ang nagpamalas ng kanilang kagalingan sa politika at pamamahala ng Rome – tinawag silang
Triumvirate (o alyansa ng tatlong tao.)

4
Unang Tungkulin/Katangian Sinakop/ Resulta
Triumvirate Napuntahang Lugar
Hukbong heneral at estadista Gitnang Silangan Nakakuha ng suporta sa
Gnaeus (Asia Minor), Senado.
Pompey Kanlurang Asya Kinalaban si Caesar na
(Armenia) naging dahilan ng
kaniyang pagkamatay
Marcus Mayamang tao sa Rome at Parthia (Iran) Namatay sa laban
Licinius tumalo kay Spartacus sa laban
Crassus Dives
May ambisyong politikal Gaul (France), Spain, Ginawang diktador na
Asia Minor, Egypt, panghabambuhay
“The die is cast” (isang hakbang
Julius Caesar na hindi na maaaring baguhin
anuman ang kahinatnan)
“Veni, Vedi, Veci” (Nagtungo ako,
Nakita ko, at nilupig ko)

Si Julius Caesar ang naging pinuno ng Rome matapos mamatay ni Pompey, kinilala siyang dakilang heneral,
estadista, at pinakamahusay na pinunong Romano. Marami siyang ginawa sa kaniyang panunungkulan.
Halimbawa nito ay binago ang pamamaraan ng pagbubuwis, pamamahagi ng lupa para sa beteranong sundalo,
nagpagawa ng daan at pagawaang bayan at marami pang iba na patungkol sa kabutihan at kaayusan ng
mamamayan ng Rome; dahil sa kaniyang mga nagawa ay marami ang gustong pabagsakin siya.

Ang kaniyang kaibigan na sina Marcus Brutus at Gauis Cassius Longinus ay pinatay siya noong Marso 15, 44
BCE. Tinawag ito na Ides of March.

Pumalit si Cicero sa pangasiwa ng pamahalaan ngunit hindi rin nagtagal ang kaniyang pamumuno. Nabuo ang
Ikalawang Triumvirate (kaalyado ni Caesar) dahil sa pagnanais na mahuli ang pumatay kay Caesar.

Ikalawang Tungkulin/Katangian Sinakop/ Resulta


Triumvirate Napuntahang Lugar

Nahumaling kay Cleopatra (Reyna


Tinyente at kalihim ni ng Egypt) hiniwalayan si Octavia
Mark Antony Caesar; asawa ni Syria dahil dito, nagkaroon ng alitan sa
Octavia (kapatid ni Egypt kanila ni Octavius
Octavius); bayaw ni
Octavius
Marcus Nagprotesta kaya itiniwalag
Aemilius Heneral ni Caesar Africa
Lepidus
Pamangkin at Naglaban sina Mark Antony at
Octavius tagapagmana ni Rome Octavius sa Actium, Greece – natalo
Julius Caesar si Mark Antony kaya tumakas siya
kasama si Cleopatra

Si Octavius ang nanatili at naiwan sa Ikalawang Triumvirate kaya siya ang namuno sa Rome. Sa
kaniyang pamumuno, nagwakas ang Republika ng Rome.

Tinanghal na emperador si Octavius at naging Augustus Caesar

Augustus – Natatanging-Dakila/Kapita-pitagan o Highly Honored,

Caesar – Emperador o Emperor (kinuha sa kanyang tiyuhin na si Julius),

Princep – Unang Mamamayan o First Citizen at;

Imperatur - Heneral

Kontribusyon ng Rome sa Kabihasnan


Kilala ang Rome sa taglay nitong kadakilaan ng bansa. Nakilala sila sa anumang larangan ng
kultura. Pagmasdan mo ang talahanayan ng mga kontribusyon ng Rome. Lumaganap ang kultura ng Rome
dahil sa bansang Greece. Ginamit at pinaunlad nila ang kultura ng Greece kung kaya’t may pagkakahawig
ang naturang bansa. Gayunpaman, makikita mo pa rin na iba ang pokus ng kontribusyon nila kaysa sa
bansang Greece. Makikita mo ang mga kontribusyon na ito sa kasalukuyan at naging pangunahing
atraksyon ng bansang Italy.

5
Larangan Kontribusyon
Batas Twelve Tables- mga nakatalang batas na sumasaklaw sa karapatan ng mga mahihirap na tao sa
Rome.
Wika at Wikang Latin – orihinal na wika ng Rome
Panitikan Plautus (komedya) Aulularia (The Pot of Gold) Captivi (The Prisoners)
Terence Eunuchus (The Eunuch) at Ennius "Father of Latin Poetry"
Pananamit Panlalaki (Tunic – kasuotang pambahay, Toga – sinusuot sa ibabaw ng tunic)
Pambabae (Stola – kasuotang pambahay, Palla – sinusuot sa ibabaw ng stola)

Paggamit ng Arko, bobida (dome), Daanan ng tubig (aqueduct)


hanay ng mga arko (vault)

Pantheon – templo ng diyos,


Colosseum- isang bukas na teatro, na Forum – sentro ng lungsod
ginawang simbahan at libingan
katulad ng sa Greece (amphitheater) (pampublikong plasa)
noong Panahong Renaissance.

Stucco – ito ay isang plaster na Basilica – isang bulwagan na Gladiator- “swordsman” isang
pampahid at pantakip sa pader, nagsisilbing korte at paligsahan ng pakikipaglaban ng
pinagpupulungan ng kasapi ng
pinamana ng mga Etruscan. mga mandirigma sa isa’t isa.
Assembly (Republika ng Rome)

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kabihasnang Rome: Heograpiya hanggang
Republika ng Rome”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 2.1

Crossword Puzzle. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.

6
Gawain 2.2

Analohiya ng mga Konsepto. Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag.

Halimbawa:

(Kontribusyon ng Rome at 3. (Kontribusyon ng Rome)


Greece)
Kasuotang pang-ibabaw ng babae: ________;

Bukas na teatro ng Rome: Colosseum; (Sagot) Kasuotang pang-ibabaw ng lalaki: _________.


Templo ng diyos: Parthenon (Sagot)

1. (Sinaunang Rome) 4. (Republika ng Rome)

Remus at Romulus: _______________________; 6 na buwan na panunungkulan: __________;

_______________________: Uri ng tao sa Rome. 1 taon na panunungkulan: _______________.

2. (Republika ng Rome) 5. (Heograpiya ng Italy)

Lucius Junius Brutus: ____________________; Silangang bahagi ng Italy: ________________;

Lucius Tarquinis Superbus: _______________. Hilagang Kanlurang bahagi ng Italy: ______.

Isaisip

Gawain 2.3
Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel.

Kamusta ka? Sagutin ang mga tanong sa pisara.

1. Ano ang naging papel ng heograpiya


ng Italy sa pag-usbong ng Rome?
2. Ano ang kahalagahan ng Plebeians
at Patricians sa paghubog ng
Republika ng Rome?
3. Ano-anong pangyayari ang naging
daan sa paglaganap ng
impluwensiya ng Rome?
4. Mahalaga ba ang naging resulta ng
mga digmaang Punic sa Rome?
5. Paano nakatulong ang mga kilalang
pinunong Roman sa paglakas ng
Rome?

Isagawa

Gawain 2.4
Slogan-Policy Making. Ikaw ay Pilipino na isa sa mga ambassador ng Rome na nag-aaral at nagpapanatili ng kultura
ng mga sinaunang kagamitan. Ikaw ay naatasan na gumawa ng isang adbokasiya na makatutulong sa paghikayat na
alagaan at pahalagahan ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano. Ito ay bilang pagtupad ng patuloy na
pagmamahal at pagmamalasakit sa mga naiwang pamana ng mga sinaunang kabihasnan. Ikaw ay gagawa ng isang

7
slogan na naglalaman ng mga polisiya tungkol sa pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging pamana ng Rome.
Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan:

1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng oslo/bondpaper, lapis, pangkulay at mga panulat.
2. Gumawa ng mga patakaran o mga pamantayan kung paano mapangangalagaan at
mapahahalagahan ang pamana ng Rome hanggang sa susunod na henerasyon. (mga ideya sa
pagbuo ng slogan)
3. Sundin ang mga bahagi upang makabuo ng isang slogan:
a. Buuin ang mga nagawang patakaran mula sa maliit na detalye hanggang sa kabuuan nito;
b. Gumuhit ng angkop na larawan na naglalarawan ng iyong slogan.
4. Ipakita at ipaliwanag ang iyong nagawang Slogan-Policy Making sa iyong miyembro ng
pamilya, kaibigan, o kamag-aral, mapa-online o offline.
5. Nasa ibaba ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Wasto ang nilalaman at angkop sa panuto ng gawain. 10

Presentasyon ng Malinaw at organisado ang gawang slogan. 10


Slogan
Pagkamalikhain Mahusay ang paglapat ng kulay, larawan, at orihinal ang gawa. 5
Pagbabahagi Nakapagbahagi ng gawang slogan. 5
Kabuuan 30

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Itinuturing sila na unang guro ng mga Romano dahil tinuruan ito sa pakikidigma, paggawa ng gusali,
at lansangan. Sino sila?
A. Latino B. Griyego C. Etruscan D. Phoenician
2. Ang sumusunod ay probisyon sa Twelve Tables maliban sa isa, ano ito?
A. Pag-aasawa ng mataas na angkan sa ordinaryong tao
B. Pagiging kasapi ng senado ng Plebeian
C. Pagkakaroon ng kasaping maharlika sa opisyal ng tribune
D. Hindi na maaaring makulong o maging isang alipin ang Plebeian dahil sa pagkakautang
3. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Dagat
Mediterranean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspektong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga
karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at
Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
D. Naisakatuparan ang pagkakaroon ng malawakang kalakalan.
4. Bakit pinaslang si Julius Caesar ng kaniyang mga tauhan at kaibigan?
A. Pinag-utusan lamang sila na paslangin si Caesar.
B. Hindi naging mabuting pinuno si Caesar.
C. Inggit at pangambang alisin sa pwesto ni Caesar.
D. Di-pagkakaunawaan ng bawat panig ng pamahalaan.
5. Paano mapatutunayang dakila ang ambag ng mga Romano sa kasalukuyan?
A. Naging makapangyarihan ang Rome sa iba’t ibang panahon.
B. Napaunlad nila ang kanilang kabihasnan dahil sa kanilang mga ambag.
C. Nais nilang maalala ang kanilang mga ambag hanggang kasalukuyan.
D. Ang kanilang kontribusyon ay kapaki-pakinabang pa rin hanggang ngayon.

Karagdagang Gawain
Gawain 2.5
Gawain 2.6
Notable Quotes. Mula sa napag-aralan, may mga salitang
binanggit ang mga makasaysayang tao sa Rome. Ang nasa ibaba ay Palalimin mula sa LM. Pumili ng
ilan sa mga binitiwang pahayag ng mga tanyag na Romano sa gawaing mula sa Learner’s Module
Republika ng Rome. Magbigay ng reaksyon o karanasan sa iyong ng Araling Panlipunan 8-
sarili tungkol sa pariralang nabanggit. Isulat ang sagot sa hiwalay Kasaysayan ng Daigdig. Isulat ang
na papel. sagot sa hiwalay na papel. Kunin
ang Learner’s Module ng Araling
1) “The die is cast” ~Julius Caesar Panlipunan 8. Buksan sa pahina
2) “Whatever happens, it happens because we choose for it. 178. Gawin ang Gawain 20 na
We decide our fates.” ~Spartacus pinamagatang “E-Postcard”.
3) “I shall be a good politician. Even if it kills me. Or it kills
anyone else, for that matter” ~Mark Antony 8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Kabihasnang Rome
Ikalawang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kabihasnang Rome- Ikalawang Bahagi
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jocelyn D. De Leon
Editor: Rizal P. Cantiller
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang tungkol


sa “Kabihasnang Rome”. Sa mapang ito ay makikita
mo ang Imperyong Romano.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong


aralin. Ito ay ang sumusunod
Aralin 1 – Imperyong Romano
Aralin 2 – Imperyong Byzantine
Pinagkunan: _https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Roman_Empire_full_
Aralin 3 – Paghina at Pagbagsak ng Rome _Referenced.jpg
________________

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning
competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutunton ang mga pangyayari mula Imperyong Romano hanggang Imperyong
Byzantine;
2. Nakikilala ang mga tanyag na kontribusyon ng Kabihasnang Romano;
3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng Kabihasnang Romano mula Imperyong Romano
hanggang Imperyong Byzantine (MELC); at
4. Natataya ang mga nagawa ng mga pinuno ng Imperyong Romano at Byzantine.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ang pinakaunang emperador ng Imperyong Romano.
A. Julius Caesar B. Nerva C. Augustus Caesar D. Justinian
2. Bakit tinawag ang isang panahon sa kasaysayan ng Rome bilang Pax Romana?
A. Panahon ito ng kaguluhan at kawalang pag-asa.
B. Maraming digmaan at kaguluhang panloob.
C. Panahon ito ng kasaganaan at kapayapaan.
D. Panahon ito ng pamamahala ng mga emperador.
3. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang pamana ng Rome sa daigdig?
A. Kristiyanismo C. Batas at pamahalaan
B. Batas at pamahalaan D. Public bath
4. Maraming emperador ang namuno sa Imperyong Romano. Sinong emperador ang
nagmalupit sa mga Kristiyano?
A. Caligula B. Nero C. Nerva D. Trajan
5. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano?
A. Pagpili ng emperador C. Pagsalakay ng mga barbaro
B. Paghina ng ekonomiya D. Lahat ng nabanggit

Modyul
Kabihasnang Rome
3 Ikalawang Bahagi
Ang sunod-sunod na tagumpay ng Rome sa mga kinasangkutang digmaan sa iba’t ibang
lugar sa palibot ng Mediterranean ang isa sa pangunahing dahilan ng pagiging
makapangyarihan ng Rome. Bunsod ng tagumpay ni Octavian laban sa puwersa ni Mark Antony
sa labanan sa Actium. Ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng Imperyong Romano.

1
Balikan
Buoin mo ang palaisipan sa ibaba tungkol sa pasimula ng Rome. Sagutan ang crossword
puzzle sa iyong kuwaderno.

Tuklasin
Magandang araw sa iyo! Handa ka na ba ngayong araw? Bago natin
talakayin ang ating paksa ngayon ay mayroon akong tanong. Isulat mo
ang iyong sagot sa kuwaderno.

Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang katangian na dapat taglay ang


isang mahusay na lider para siya ay igalang at sundin ng kaniyang mga
pinamumunuan? Gayahin ang larawan at ilagay ang iyong sagot sa
arrow batay sa katangiang ipinapahiwatig sa bahagi ng katawan.

2
Suriin
Imperyong Romano
Si Augustus Caesar na kilala rin bilang Octavian ang itinalagang unang emperador ng
Imperyong Romano. Ang hangganan ng imperyo ay mula sa Euphrates River sa silangan; ang
Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara Desert
sa timog. Sa pamamahala ni Augustus, lumaki ang populasyon ng imperyo na umabot sa 100
milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian.

Sa kabuuan, naging payapa at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng


imperyo. Tinawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Romano. Naging
maunlad ang imperyo, ligtas sa mga tulisan at pirata ang mga daan at karagatan. Ang imperyo
ay sagana sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Sa
labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi
ng Asya. Ang mga seda, mga pampalasa o rekado, pabango, at mamahaling bato ay dumarating
sa Rome mula sa India at China.

Mga Ambag ng Imperyong Romano

Panitikan
Nakilala ang mga manunulat na sina:

• Virgil – sinulat niya ang Aeneid. Ito ay ulat ng paglalakbay ng mga Aeneas pagkatapos
bumagsak ang Troy.
• Ovid -binigyang-buhay ang mitong Greek at Romano sa kaniyang akda na
Metamorphoses.
• Livy – sinulat niya ang “from the Founding of the City”, ang kasaysayan ng Rome.
• Tacitus – sinulat niya ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa pamumuno ng
mga Julian at Flavian Caesar.

Arkitektura at Inhenyeriya

• Aqueduct – isang artipisyal na daluyan para makarating ang tubig sa lungsod.


• Colosseum – isang amphitheater kung saan nagaganap at pinanonood ang labanan ng
mga gladiator.
• Appian Way – ito ang kalsada na nagdurugtong sa Rome at Timog Italy.

Batas

• Kilala ang mga Romano bilang dakilang mambabatas. Ang pinakamahalagang ambag ng
mga Romano ay ang sistema ng pagbabatas.
• Twelve Tables (451 BCE)- ang pinakaunang batas sa Rome. Ito ay batas para sa lahat,
mayaman man o mahirap.

Kristiyanismo

• Marami ang nagsasabi na ang Kristiyanismo ang isa sa pinakamahalagang pamana ng


Rome. Isang relihiyon na itinatag ni Hesus.

MGA TANYAG NA EMPERADOR NG IMPERYONG ROMANO


Noong 14 CE, namatay si Augustus. Iginawad ng Senado ang titulong imperator o
emperador kay Tiberius na pinili ni Augustus na humalili sa kaniya.

3
Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian

PINUNO NAGAWA
Tiberius (14-37 CE) Isang diktador subalit magaling na tagapamahala.
Caligula (37-41 CE) Ginamit niya ang pera ng imperyo sa maluluhong pagdiriwang
at palabas tulad ng labanan ng gladiator.
Claudius (41-54 CE) Nagtatag siya ng isang burukrasya na binubuo ng mga
magagaling na tagapamahala.
Nero (54-68 CE) Naparatangan siya ng pagsunog sa Rome. Pinapaslang niya
ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan.

Mula sa Dinastiyang Flavian

Vespasian (69-79 CE) Nagpatayo ng pampublikong paliguan at amphitheater para sa


labanan ng mga gladiator.
Ang Limang Mabubuti na Emperador

PINUNO NAGAWA
Tinulungan niya ang mga ulila mula sa kinitang interes sa
Nerva (96-98 CE)
pagpapautang.

Naabot ng imperyo ang pinakamalawak na hangganan sa


Trajan (98-117 CE)
ilalim ng kaniyang pamumuno.

Ipinatupad niya ang pagpapanatili ng hangganan at lalawigan


Hadrian (117-138 CE)
ng imperyo. Ipinatayo niya ang tinawag na pader ni Hadrian.
Antoninus Pius Ang pagpapahirap sa mga Kristiyano ay kaniyang
(138-161 CE) ipinagbawal.
Marcus Aureliu Ipinatupad niya ang sistemang merit bilang batayan sa
(161-180 CE) pagtaas ng ranggo at tungkulin ng isang kawani.

Roman Amphitheater Aqueduct Colosseum

Imperyong Byzantine
Pagkatapos ng ilang siglo, naharap sa malaking problema ang Imperyong Romano dahil
sa mga digmaang sibil at sa mga hangganan ng imperyo. Sinikap ni Diocletian at Constantinople
na iligtas ang imperyo subalit hindi sila nagtagumpay.

Hinati ang imperyo, ang Kanlurang Imperyong Roman at Silangang Imperyong Roman.
Ang Silangang Imperyong Roman ang naging Imperyong Byzantine. Mula sa Byzantium ang
sinaunang tawag sa Constantinople.

Isa sa mga naging tanyag na emperador ng Imperyong Byzantine ay si Justinian.


Hinangad niya na maibalik ang kapangyarihan ng Imperyong Romano. Sa kaniyang
pamamahala ay napalawak niya ang imperyo sa buong Italy, Hilagang Africa, Asia Minor
(Turkey), Syria, at timog ng Spain. Ngunit hindi siya nagtagumpay na masakop ang hilaga at

4
gitnang Europe dahil sakop pa rin ng mga tribong Germanic. Dahil
dito, tuluyan niyang kinalimutan ang kaniyang hangarin na muling
itayo ang kanlurang Imperyong Romano.

Mga Nagawa ni Justinian:

1. Corpus Juris Civilis o Lupon ng Batas Sibil – pinagsama-


samang batas ng Rome na binuo ng mga abogado at
hukom sa utos ni Justinian.

2. Hagia Sophia – nagawa io noong 537 CE. Natatangi ang


simbahang ito dahil sa dome o bubong na hugis
kalahating-bilog.

Paghina at Pagbagsak ng Rome


Ang pagsisikap nina Diocletian at Constantine na maisalba ang imperyo ay nawalan nang
saysay dahil sa matinding suliraning panloob ng Imperyong Romano. Ayon sa mga pagsusuring
isinagawa sa mga dahilan sa pagbagsak ng Roma, kapansin-pansin na ang suliranin ay
nagsimula sa pundasyon ng imperyo na unti-unting nagpahina sa kapangyarihan nito bago pa
man sumalakay ang mga tribung barbaro.

1. Ang Pagpili ng Emperador


Walang batas na nagsasaad ng pagiging emperador. Naging dahilan ito para mag-agawan
ang mga legion sa paglalagay ng emperador at lumikha ng krisis sa pamahalaan.

2. Ang Paghina ng Ekonomiya ng mga Lungsod


Napabayaan ang mga kanluraning lungsod na isa sa pinagkukunan ng salapi ng imperyo
mula nang inilipat ang kabisera ng imperyo sa Constantinople. Ang mga manggagawa at
craftsmen na nasa lungsod ay naging magsasaka na lamang sa kanayunan.

3. Ang Pagtaas ng Buwis


Upang makabawi sa bumagsak na kita ng pamahalaan, naniningil pa rin ito ng mataas
na buwis na lalong nagpahirap sa mga hikahos sa buhay.

4. Ang Pagbaba ng Populasyon


Lumiit ang mga pamilya dahil hindi na kayang tustusan ang pangangailangan ng
maraming anak. Dulot ito ng paghina ng ekonomiya.

5. Ang Pagsalakay ng mga Barbaro


Sinakop ang malaking bahagi ng imperyo ng mga barbarong Aleman noong huling bahagi
ng 300 CE hanggang sa tuluyan itong bumagsak subalit nanatiling buhay ang kaniyang kultura.

MGA KONTRIBUSYON NG IMPERYONG BYZANTINE


Pangangalaga ng Kaalaman

Ang panitikan, pilosopiya, agham, matematika, batas at sining ng Greece at Rome ay


pinag-aralan ng mga iskolar ng Byzantine. Ito ay nakatulong sa pagpapanatili ng kaalaman at
nagbigay–sigla sa mga mag-aaral sa Europe. Kaunti man ang orihinal na kaalamang Byzantine
na naiambag sa daigdig ay nakapagbigay naman ito ng inspirasyon sa mga iskolar na Muslim.

Arkitektura

Ang arkitekturang Byzantine ay makikita sa Hagia Sophia. Ang simbahang ito ay


parihaba subalit may dome. Ang pillar at pader nito ay gawa sa marmol. Mayroon ding
ginintuang mosaic at iba pang dekorasyon sa loob ng simbahang ito.

Sining

Bunga ng Iconoclastic Controversy, lumayo ang Byzantine sa paksang pananampalataya.


Higit na binigyang-diin ang pisikal na lakas at kagandahan ng tao tulad ng tradisyon ng
sinaunang Greece. Kilala ang kabihasnang Byzantine sa kanilang sining, Nagtatag ng isang
paaralan sa sining kung saan binigyang-diin ang paglalarawan kay Hesus at sa mga santo gamit
ang matingkad na kulay at magarbong pamamaraan tulad ng makikita sa mga Byzantine
mosaic. Ang Mosaic ay ang pinagdikit-dikit na maliliit na pirasong bato o bubog upang bumuo
ng disenyo. Ang mga kurbada ng mga arc at dome ng mga gusaling Byzantine.

5
Kilala rin sila sa Enameling o ang sining ng paghahalo at pagpapahid ng enamel sa
ibabaw ng metal o luwad bilang proteksiyon o dekorasyon. Ang enamel ay isang uri ng mala-
kristal, makinis, makintab, at matigas na materyal.

Mga mamahaling tela na gawa ng Imperyong Byzantine tulad ng seda, linen, bulak at
lana na kilala at hinahanap ng maraming mamimili.

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kabihasnang Rome”, masasagot
mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 3.1
Kilala Mo Ba Ako? Kilalanin ang sumusunod na pinunong Romano at itala sa katapat na kahon
ang kanilang mga nagawa o ambag sa Imperyong Romano.

EMPERADOR NAGAWA

Augustus

Vespasian

Hadrian

Neru

Antoninus Pius

Gawain 3.2

Inform-atics (FYI). Punan mo ng wastong datos ang mga kahon sa ibaba.

POLITIKA EKONOMIYA KULTURA AMBAG

Imperyong
Romano

Imperyong
Byzantine

6
Isaisip

Gawain 3.3
Tanong-Sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel.

Kamusta ka. Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Ano ang naging papel ni Augustus


Caesar sa kasaysayan ng kabihasnang
Rome?
2. Bakit tinawag na Pax Romana ang
isang panahon sa Imperyong Romano?
3. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng
panitikan sa kasaysayan ng Rome?

4. Mahalaga ba ang papel na ginagampanan ng isang mabuting


pinuno sa pananatili ng matatag na imperyo? Bakit?
5. Paano napanatili ng Imperyong Byzantine ang mga pamana
ng Rome?

7
Isagawa
Gawain 3.4
Photo Collage. Natapos mo na ang mithiin at nais na malamang
impormasyon tungkol sa kabihasnang Rome. Mahalaga na maunawaan
mo na ang iyong tungkulin o papel na gagampanan para magtagumpay
ang gawaing ito.
Hahanap ka ng mga larawan o sariling guhit ng mga ambag ng Imperyong
Romano at Byzantine at ikaw ay gagawa ng “COLLAGE”. Ang Collage ay
may disenyo na may kinalaman sa aralin, halimbawa ay simbahan,
kasulatan at iba pang mga larawan/guhit sa Imperyong Romano at
Byzantine. Kailangan ang mga gagawin mo ay tama dahil ito ay may kaukulang marka.
Rubriks sa pagmamarka ng Photo Collage.

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Tama at maayos ang ginamit na mga larawan/guhit. 10
Pagkakagawa Mahusay at naaayon sa paksa ang disenyo. 10
Kalinisan at
Malinis ang pagkakasulat ng nabuong gawain. 10
Kaayusan
Kabuuan 30

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Sa loob ng isang libong taon, pinalikom niya ang lahat ng batas ng Rome sa mga hukom
at abogado at tinawag itong Corpus Juris Civilis.
A. Augustus Caesar B. Hadrian C. Justinian D. Nero
2. Sa pamumuno ni Augustus Caesar, naabot ng Imperyong Romano ang kasaganaan at
malawak na kapayapaan. Ano ang tawag sa panahon na ito?
A. Pax Romana B. Gintong Panahon C. Mare Nostrum D. Krusada
3. Bakit marami ang naniniwala na ang isa sa pinakamahalagang ambag ng kabihasnang
Rome ay ang Kristiyanismo?
A. Dahil nasa Rome ang Papa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Dahil naging makapangyarihan ang Simbahan noong unang panahon sa Europe.
C. Dahil mas marami ang mga Kristiyano sa Europe.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Ang sumusunod ay ambag ng Imperyong Romano maliban sa isa. Ano ito?
A. Appian Way B. Colosseum C. Hagia Sophia D. Aqueduct
5. Sila ang tinaguriang mahuhusay o mabubuting emperador. Sino ang hindi kabilang?
A. Marcus Aurelius B. Nero C. Nerva D. Hadrian

Karagdagang Gawain

8
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Mga Klasikong Kabihasnan
sa Africa, America, at
mga Pulo sa Pacific
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Tessie P. Real
Editor: Lynn C. Demafeliz
Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga


klasikong kabihasnan na nabuo sa Africa, America, at mga pulo sa Pacific. Sa Africa
sumibol ang tatlong uri ng kabihasnan. Ito ay ang Songhai, Mali at Ghana.
Samantalang, ang Inca, Aztec at Maya naman sa America. Sa mga Pulo ng Pacific
naman ay may naganap na kabihasnang sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ang
modyul na ito ay tungkol sa pag-usbong at pag–unlad ng bawat kabihasnan sa
sandaigdigan. Ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang
dahilan ay palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan. Makikita sa larawan na
may mataas na ang kaalaman ang bawat kabihasnan sa larangan ng arkitektura,
inhenyeriya at matematika.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:

Aralin 1 – Mga Klasikong Kabihasnan sa Africa – Songhai, Mali, atbp.


Aralin 2 – Mga Klasikong Kabihasnan sa America – Aztec, Maya, Olmec, Inca
Aralin 3 – Mga Klasikong Kabihasnan sa mga Pulo sa Pacific

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay
na layunin:

1. Nailalarawan ang heograpiya ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa
Pacific;
2. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific (MELC);
3. Naihahambing ang klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga pulo sa Pacific; at
4. Napahahalagahan ang mga impluwensiya ng mga klasikal na lipunan sa Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific sa kasalukuyang panahon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Alin sa sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng “imperyo”?
A. Songhai B. Inca C. Maya D. Aztec
2. Alin sa sumusunod na bahagi ng Africa ang naging tahanan ng klasikong kabihasnan na Ghana,
Mali at Songhai?
A. Sahara Desert B. Egypt C. Kanlurang Africa D. Carthage
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific?
A. Pagsasaka at pangingisda C. Pangingisda at pagpipinta
B. Pagsasaka at pagmimina D. Pangingisda at pangangalakal
4. Sa kontinenteng ito nagmula ang mga “Trans-Sahara Caravan Trade Route” na nagpayabong sa
kanilang klasikong kabihasnan.
A. Africa B. Europe C. South America D. Asia
5. Bakit binansagang “The Dark Continent” ang Africa?
A. Dahil sa kulay ng balat ng mga taong naninirahan doon.
B. Dahil hindi nila ito nagalugad agad.
C. Dahil malayo ito sa kontinenteng Europe.
D. Dahil matatapang ang mga Afrikano.

Modyul Mga Klasikong Kabihasnan

4 sa Africa, America, at mga


Pulo sa Pacific
Sa panahong ito, makikita mo na may mauunlad na pamayanan nabuo sa bawat bansa sa daigdig.
Malaking kapakinabangan ang mga kontribusyon at impluwensiya ng bawat klasikong kabihasnan sa
Africa, America, at Mga Pulo sa Pacific sa kasalukuyang panahon.

1
Balikan
Hanapin mo sa anumang direksiyon sa loob ng crossword puzzle ang may kaugnayan sa mga
ambag ng Rome sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Ito ay isang templo na nangangahulugang “para sa
lahat ng Diyos”.
2. Ito ay nagsasaad ng karapatan ng mamamayan at ang
pamamaraan ng pagpaparusa na naayon sa batas.
3. Ito ay isang amphitheater para sa labanan ng gladiator.
4. Mahusay at tuwid na daan na nag-uugnay sa Rome at
timog Italy.
5. Siya ay kinilala sa larangan ng pantikan bilang isang
manunulat at magaling na orador na nagpapahalaga ng
batas.

Tuklasin
Pagmasdan mong maigi ang konsepto at mapa ng mga pulo sa Pacific at globo
ng Africa at America sa ibaba.

Sa iyong kuwaderno, gayahin ang word web. Isulat ang mga kaisipan/
kaalaman na may kaugnayan sa konseptong nakatala. Pagkatapos magbigay
ng natatanging katangian ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific.
Halimbawa: Africa – pangalawa sa pinakamalaking kontinente.

Suriin

Klasikong Kabihasnan sa Africa


Ang Africa ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa mundo. Ang kagubatan dito ay may
malaking epekto sa pagtatag at pagpapalawak ng kabihasnan at kaharian dito. Ito ay mahirap pasukin
dahil sa kapal nito at ang kawalan ng malalaki at malalawak na ilog na maaaring daanan ng mga sasakyang
pantubig. Dahil sa kalagayang ito, hindi agad ito nagalugad ng mga Kanluranin. Ang Africa din ang
kontinenteng huling nahati-hati at naging limitado lamang ang kanilang kaalaman dito. Kung kaya’t
binansagan ng mga Kanluranin na “Dark Continent” ang Africa. Ang malapit sa equator na bahagi ng Africa
ay pinakamainit at pinakamaulan, na kung saan matatagpuan ang rainforest. Sa hilagang bahagi ng
equator naman makikita ang grassland, dito matatagpuan ang rehiyong Sudan. Makikita naman ang
Sahara (pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa mundo) sa bandang hilaga ng rehiyon ng Sudan.
Mas malaki ang Sahara kumpara sa Europa ngunit hindi ito natitirhan maliban sa oasis nito.

Ang mga kultura at kabihasnang sumibol sa Africa ay kalat-kalat at hiwa-hiwalay. Ang rehiyon na
malapit sa Sahara ay sinasabing isa sa mga may maunlad na kultura sa Africa. Ang pangunahing
hanapbuhay nila ay pakikipagkalakalan, dahil dito narating nila ang Europe at iba pang bahagi ng Asya.
Ang kalakalang ito ay tinawag na “Trans-Sahara Caravan Trade Route”. Madaling nakilala ang relihiyong
Islam sa Kanlurang Africa dahil sa mga mangangalakal na Berber na galing sa Hilagang Africa.

2
Makikita sa ibaba ang mga kabihasnang sumibol sa Africa. Ito ang sumusunod.

Kabihasnang Nabuo sa Africa

Axum (350 CE).

Ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia. Naging sentro ito ng kalakalan noong 350 CE. Pinaniniwalaan
nakilala ang Axum sa pakikipagkalakalan sa mga Greek.

Dahil sa kalakalan, mabilis na lumaganap ang Kristiyanismo at naging opisyal na relihiyon noong 365 CE.

Noong 1936 ito ay nasakop ng Italy.

Kush

Sa kahabaan ng Nile sa timog Africa matatagpuan ang Kush. Ang pangunahing hanapbuhay ay
pakikipagkalakalan sa loob at labas ng Africa. Dahil dito sila ay naging mayaman at malakas. Bukod sa
pakikipagkalakalan, nag-aalaga rin sila ng mga hayop gaya ng tupa at kambing. Humina ang Kush noong
magapi sila ng mga Romano at tuluyang bumagsak noong 350 CE.

Imperyong Ghana (700 dantaon)


Ang salitang Ghana ay nangangahulugang “Lupain ng Ginto” dahil masagana ang kanilang lugar sa
ginto. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan dito ay pakikipagkalakalan. Ang pangunahing
produktong pangkalakal nila ay ang ginto at asin. Naging marangya ang buhay ng mga namumuno sa
Ghana dahil sa kinikita nila sa kalakalan. Maraming mangangalakal na banyaga ang nanirahan sa Ghana
gaya ng mga Espanyol at mga Arabeng Muslim. Kung kaya ang Islam ay mabilis na lumaganap sa imperyong
ito. Ang lupang kapatagan ng Ghana ay malawak at mataba. Ang mga kabahayan ay may saganang suplay
ng tubig para sa pangangailangan at irigasyon sa sakahan. Ang sandatang yari sa bakal na nakuha nila sa
kanilang pakikipagkalakalan at kasanayan sa paggamit ng kabayo ay nagdulot sa kanila ng lakas at
kapangyarihan. Nakapagtatag ang imperyo ng isang malakas at mahusay na hukbo na nagresulta ng
pagkakaroon ng isang malawak na imperyo at naging makapangyarihan sa kanlurang Africa. Noong ika-10
siglo nakamit ng imperyong Ghana ang tugatog ng kapangyarihan.
Imperyong Mali (1240 CE)
Sa kanlurang Africa din matatagpuan ang Mali. Ang imperyong ito ay itinuturing na tagapagmana ng
Ghana. Ang estado ng Kangaba na isang mahalagang outpost ng Imperyong Ghana ay sinasabing
pinagsimulan ng Mali, na pinamumunuan ni Sundiata Keita. Lumawak ang Imperyong Mali dahil sa
pagsalakay ni Sundiata Keita sa Imperyong Ghana noong 1240CE (wakas ng kapangyarihan ng imperyong
Ghana). Lumawak ang kaniyang nasasakupan pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia
River, pasilangan patungong Timbuktu at pahilaga patungong Sahara Desert. Katulad ng Imperyong
Ghana, ang Imperyong Mali din ay kilala sa
pakikipagkalakalan. Ginto rin ang pangunahing
kinakalakal dito. Nakontrol ng Mali ang ruta ng
kalakalan na nagresulta ng kanilang pagyaman at
paglakas. Sa kalagitnaan ng ika-13 siglo
nakapagpatayo ang imperyong Mali ng kapitolyo, na
tinawag nilang Niani. Tinaguriang pinakamalaki at
makapangyarihan ang imperyo hanggang mamatay
si Sundiata noong 1255. Noong 1312 si Mansa Musa
ang sumunod na namuno.
Dahil sa kaniyang nagawa, siya ay itinatangi
bilang pinakamabuting halimbawa ng isang haring Muslim. Sa kaniyang pagkamatay noong 1332, unti-
unting humina ang imperyong Mali. Isa sa pinakamalaking dahilan ng paghina ng Mali ay ang kaguluhan
sa pagpalit ng mga hari.

3
Imeryong Songhai 1335
Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Songhai ay pakikipagkalakalan. Sila ay nakikipagkalakalan sa
mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa ilog Niger. Ang relihiyong Islam ay
dinala ng mga Berber sa Songhai. Noong una hindi nila tinanggap ng relihiyong Islam sa Songhai ngunit
noong 1010 CE, ang Islam ay tinanggap sa imperyo sa pamumuno ni Dia Kossoi. Ang imperyong ito ay
sinakop ng Mali noong 1325 pero muling nabawi noong 1335 sa pamumuno ni Sunni Ali. Sa kaniyang
pamumuno, naging malawak ang sakop ng imperyong Songhai. Sakop nito ang Nigeria hanggang Djenne.
Naniniwala si Sunni Ali na sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga
katutubong mangingisda at magsasaka kaya hindi niya tinanggap ang relihiyong Islam sa kaniyang
imperyo. Iginagalang at pinahahalagahan pa rin ni Sunnu Ali ang mga mangangalakal na Muslim at iskolar
na nakatira sa kaniyang imperyo kahit hindi niya tinanggap ang Islam.
Naging makapangyarihan ang klasikong kabihasnang Ghana, Mali, at Songhai dahil sa
pakikipagkalakalan. Ginto ang pangunahing produktong kanilang kinakalakal. Ang mga imperyong ito ang
nagsilbing tagapamagitan sa mga African na mayaman sa ginto at African na mayaman sa asin. Ang asin
ay ginagamit nilang pangreserba ng kanilang pagkain.

Mga Ambag ng Klasikong Kabihasnan sa Africa:

1. Nagpatayo ng gusaling bato na itinayo sa Great Zimbabwe noong ika-11


hanggang ika-15 siglo.
2. Pagpatayo ng stelae o haliging batong may disenyo sa panahon ng kaharian ng
Axum (nagsisilbi itong parangal sa mga naging dakilang pinuno ng kanilang
kabihasnan)
3. Epic of Son-Jaral (tumatalakay sa kabayanihan ni Son-Jaral)

Klasikong Kabihasnan sa America


Ang kontinenteng America ay binansagang
“Bagong Daigdig” (New World) nang ito ay
mapuntahan ni Christopher Columbus. Ang anyong-
tubig ng America ay nahihiwalay sa iba pang bahagi
ng mundo. Libo-libong milya ng karagatan ang
naglalayo rito sa pinakamalapit na malaking lupa, sa
kanluran, katimugan at silangang bahagi nito. Sa
hilaga naman, naghihiwalay ng Kipot ng Bering sa
Siberia, na may kaliitan ang distansiya nito sa isang
anyong lupa. May iba’t ibang uri ng halaman ang
tumutubo dito gaya ng mais, kalabasa, pinya,
patatas, at cinchona (halamang gamot) na nakatulong
sa pagdagdag ng pagkain sa mundo.

Ang unang nagtatag ng kabihasnan sa


Amerika ay ang mga Olmec na nangangahulugang
“taong goma” dahil sila ang unang unang kumuha ng
sapa mula sa punong goma. Tinawag din itong “Ina ng Kabihasnan sa Mesoamerica” (binubuo ng Gitnang America at
Mexico). Ang isa sa pinakakilalang ambag ng mga Olmec ay ang higanteng estrukturang ulong-bato na may bigat na 14
hanggang 18 tonelada at may taas na 14 na talampakan.

Ang isa pang naitayo na kilalang lugar sa Mesoamerica ay ang lungsod ng Teotihuacan na nangangahulugang
“lungsod ng mga diyos” dahil ito ang sentrong panrelihiyon ng siyudad. Ito rin ay kinikilalang kauna-unahang lungsod
sa America. May mga piramide at lansangan na matatagpuan sa loob nito. Ito ay ang piramide ng araw at piramide ng
buwan. Ang piramide ng araw ay pangatlong piramide na pinakamalaki sa buong mundo. Napaliligiran ng iba’t ibang
templo ang ilan sa mga ito para sa pagsamba ng mga Teotihuacan kina ‘Tialoc – diyos ng ulan, Quetzalcoalt – diyos na
sawang may plumahe, pinakamakapangyarihang diyos ng mga taga Teotihuacan.

Ang Inca, Maya, at Aztec naman ang nabibilang sa kabihasnang klasiko sa America dahil sa malawak ang
naging impluwensiya nito sa daigdig. Ang mga kabihasnang Maya at Aztec ay nakilala sa Mesoamerica samantalang ang
kabihasnang Inca naman ay sa Timog America.

Ang kabihasnang Maya ay naitayo sa Yucutan Peninsula (Timog America). Ang Uaxactun, Tikal, Copan at El
Mirador ang mga lungsod na nabuo dito. Ang mga Maya ay gumawa ng sakahan sa gilid ng bundok dahil mataas ang
lugar na ito. Pangangalakal at pagtatanim at ang pangunahing hanapbuhay ng mga Maya. Asin, tapa, mais, pulot-
pukyutan, kahoy at balat ng hayop ang kanilang kinakalakal. Samantalang cacao, mais, papaya, pinya, sili, abokado,
kalabasa at patani ang kanilang itinatanim. Ang sistema ng kanilang pagtatanim ay nagdudulot ng sobrang produkto.
Napakahalaga ng agrikultura sa mga Maya, kaya kanilang sinasamba ang mga diyos na may kaugnayan sa pagtatanim.
Ang lipunang Maya ay nahati sa dalawang antas. Ang unang antas ay ang mga pari at mga namumuno at ang ikalawa
ay ang mga pangkaraniwang tao. Ang mga pinuno at ang kaniyang nasasakupan ay palaging nakikipagdigma upang
makahuli ng alipin na ialay sa kanilang mga diyos. Katuwang ng mga pinuno sa pamamahala ang mga kaparian.
Tinatawag na halach uinic o tunay na lalaki ang mga pinuno. Sila ang nagpalawig ng mga pamayanang urban na naging
sentro ng pagsamba sa kanilang diyos. Matapos ang 600 CE nakamit nito ang rurok ng kabihasnan. Subalit sa pagitan
ng 850 CE at 950 CE iniwan ng karamihan sa mga lungsod ng Maya sa di-malamang dahilan. Ayon sa mga dalubhasa,
maaaring ang paglaki ng populasyon, patuloy na digmaan at pagkasira ng kalikasan ang maaaring dahilan ng pagbagsak
nito.
Ang kabihasnang Aztec ang pumalit sa kabihasnang Maya. “Isang lugar na nagmula sa Azlan”, isang mitikong
lugar sa Hilagang Mexico ang kahulugan ng salitang Aztec. Ang Tenochtitlan (isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng

4
Texcoco) ay itinatag nila noong 1325 CE. Ang pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec. Nagtatanim sila
ng mais, abokado, sili, kamatis, patani at kalabasa. Nag-aalaga din sila ng gansa, pabo, aso, at pato. Ito ay naging sentro
ng kanilang kalakalan. Gaya ng mga Maya, ang mga Aztec din ay may malaking pagpapahalaga sa agrikultura kung
kaya’t sila ay umaasa sa pwersa ng kalikasan at may sinasambang diyos. Si Huitzilpochtli (diyos ng araw), Tialoc (diyos
ng ulan) at si Quetzalcoatl (diyos na sawang may plumahe, pinakamakapangyarihang Diyos ng mga taga-Teotihuacan.)
Sila rin ay nag-aalay ng tao sa kanilang diyos dahil naniniwala sila na kailangang laging malakas ang kanilang diyos
upang mahadlangan ang masasamang diyos sa pagsira ng kanilang pananim at daigdig. Kadalasang bihag sa digmaan
ang kanilang iniaalay at mayroon din mandirigmang Aztec na kusang loob na ialay ang sarili. Naging masagana ang ani
ng mga Aztec dahil dito, natuto silang makipagkalaakalan sa kalapit na lugar na nagbigay-daan sa kanila upang maging
maunlad. Ang pinuno ng mga Aztec ay magaling. Ang mga Aztec ay manlulupig at mandirigma kaya nasakop nila ang
lahat ng pangkat sa kanilang paligid. Bumagsak ang Aztec dahil sa pagsakop ng mga Espanyol sa pangunguna ni
Hernando Cortes (napagkamalan ng mga Azec bilang si Quetzalcoatl).

Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo” o “lider”. Ang mga Inca ay nakatira sa isang maliit na
kahariang bulubundukin. Sila ay mga mandirigma. Sila ay pumasok sa Cuzco (lungsod ng araw) noong 1100 CE sa
pamumuno ni Manco Capac. Sa kalagitnaan ng taong 1400, ang kabihasnang Inca ay isa sa pinakamalaki at
pinakamayanang imperyo. Ang mga Inca ay sumasamba sa maraming diyos at nag-aalay ng mga hayop sa mga ito. Isa
sa kanilang sinasamba ay si Huitzilpochtli (diyos ng araw). Ang mga Inca ay kilalang magsasaka. Umunlad ang
kabihasnang Inca dahil sa matagumpay na pagtatanim. Sila ay gumawa ng alak na mula sa mais na tinawag nilang
chicha at may pinuno sila na nagkokontrol sa mga ari-arian at buhay ng kanyang nasasakupan.

Ang sumusunod ay ang mahuhusay at magigiting na pinuno ng kabihasnang Inca.

Pachacuti Inca Yupagqui Topa Yupanqui


Manco Capac
Siya ang nagtatag ng Siya ay anak ni Pachacuti
lipunang Inca sa Inca. Pinalawak niya ang
Lider ng tribong
pamamagitang ng imperyo hanggang hilagang
Quecha (pangunahing pagkakaroon ng
wika ng imperyong Argentina, Chile, at Bolivia
sentralidadong estado noong
Inca). Siya ay bumuo noong 1471-1493CE.
1438. Siya rin ang
ng isang maliit na nagpalawig ng imperyo. Ang Nasakop din niya ang
estadong lungsod bansang Peru, Ecuador, Chimor o Chimu (kaaway ng
hanggang maitatag Bolivia at Argentina ang Inca sa baybayin ng Peru.
ang Inca. saklaw ng imperyong ito.

Huayna Capac

Tupac Amaru Siya ay anak ni Topa Yupanqui. Sa kaniyang pamumuno nakamit ng Inca ang tugatog ng
kapangyarihan noong 1493-1525CE). Nasakop niya ang Colombia, Ecuador, Peru, Argentina
Siya ang kahuli-hulihang at Bolivia. Siya ay namatay dahil sa epidemyang (bulutong) dala ng naunang mananakop na
lider ng Inca na nadakip Espanyol. Sa kaniyang pagpanaw nag-away ang mga kaniyang anak na sina Atahuallpa at
at napaslang noong 1572 Huascar dahil sa magmamana ng trono na nagbunga ng paghina ng imperyo. Ang hindi
pagkakasundo ng magkapatid ay sinamantala ng mga Espanyol. Noong 1532 nasakop ng mga
na nagging hudyat ng
Espanyol ang Peru sa pamumuno ni Francisco Pizarro.
pagwawakas ng
I Imperyong Inca.

Ambag ng Klasikong Kabihasnan ng America


Aztec Inca
Maya
• nakagawa ng kalendaryong bato • unang gumamit ng
• paggawa ng kalsada at patubig ang mga Aztec (isang bilog na bato inhinyeryang
• nakaimbento ng ideograpiko na may laking apat na metrong
haydrolik sa
(Sistema ng kanilang pagsusulat) talampakan).
• pagpapatayo ng piramide (sentro ng pamamagitan ng
• may kaalaman sa larangan ng
bawat lungsod at ang itaas na Matematika tulad ng paggamit ng paggawa ng kanal
bahagi ay dambana para sa mga zero sa pagkakalkula, paggamit ng na madadaluyan
diyos na si Kukulcan ang sistemang vigesimal at pagbibilang ng tubig
tinaguriang “God of the Feathered ng tig-dalawampu patungong
Serpent”. Sa loob ay may altar na • paggawa ng pyramid of the sun disyertong
kung saan isinasagawa ang pag- • paggawa ng kalsada, templo, at iba bundok.
aalay) pang gusali • paggawa ng
• paggawa ng templo at palasyo • sa larangan ng agrikultura,
mahaba at batong
• pagkakaroon ng kaalaman sa nakapagpatayo sila ng irigasyon at
larangan ng astronomiya tulad ng kalsada
paggawa ng chinampas o floating
kaalaman sa paggalaw at paglaho garden (ginawa nila ito dahil hindi
ng araw at buwan, may ideya sa sapat ang lawak ng lupain kanilang
kung ilang araw mayroon sa isang sinasaka at upang matugunan ang
taon at pag-inog ng planetang pangangailangan ng mamamayan)
Venus

5
Klasikong Kabihasnan sa mga Pulo sa Pacific
Ang mga pulo sa Pacific ay kabilang sa
kontinenteng Oceania. Ito ay may lawak na 300,000
milya kuwadradong kapuluan kung saan ang
pinakamalaking bahagi nito ay sakop ng New Zealand
at New Guinea. Nahahati sa tatlong pangkat ang mga
pulo sa Pacific, ito ay ang sumusunod:

1. Polynesia ay nagmula sa salitang “poly” na


nangangahulugang “marami” at “nesia” na ang ibig
sabihin ay “isla”. Samakatuwid, ang Polynesia ay
nangangahulugang “maraming isla”. Sa gitna at
timog na bahagi ng Pacific Ocean makikita ang
Polynesia. Pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing hanapbuhay dito. Ang mga gabi, ube,
saging, tubo at niyog ang kanilang itinatanim. Kilala
ang mga Polynesian sa pangingisda ng tuna, hipon,
octopus, pating, at iba pa. Bunsod nito, nakilala ang
mga Polynesian na mga bihasang mandaragat at magagaling gumawa ng sasakyang pandagat.
Nakararanas din sila minsan ng kahirapan sa paghahanap ng pagkain, lalo na sa panahon na may malakas
na ulan at bagyo. Naniniwala ang mga Polynesian sa banal na kapangyarihan o mana, na kung saan ang
mana ay nangangahulugang bisa o lakas na maaaring nasa bangka, bato, gusali, at iba pa. Ang paniniwala
ng mga sinaunang Polynesian sa “mana” ay ipinagkaloob ng diyos sa isang tao na may taglay na kakaibang
galing, talino, at katapangan.

2. Melanesia ay nangangahulugang maitim na isla dahil sa kulay ng balat ng mga taong


naninirahan dito. Hango sa salitang “melanin” o maitim at nesia o “isla”. Sa hilaga at silangang baybaying
dagat ng Australia naman ito matatagpuan. Pangingisda, pangangaso, pag-aalaga ng hayop, at
pangangalakal ang kabuhayan ng mga nakatira dito. Nakikipagkalakalan sila sa pagitan ng mga pulo. Ang
ilan sa kanilang ikinakalakal ay mga kahoy, palayok, baboy, asin, at yam. Ang pinuno sa Melanesia ay
isang mandirigma na nagtagumpay sa digmaan kung kaya’t ang kultura nila ay hinubog ng alituntunin ng
mga mandirigma tulad ng karangalan, katapangan, karahasan, at paghihiganti. Ang mga Melanesian ay
naniniwala sa animism o pagsamba sa espiritu ng kalikasan.

3. Micronesia ay hango sa salitang “micro” o maliit at “nesia” o isla. Tinawag ang lugar nila na
Micronesia o maliliit na isla. Sa hilagang bahagi ng Melanesia at silangan ng Asya matatagpuan ang
Micronesia. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay nanirahan sa may malapit sa dagat o lawa para
mapadali ang kanilang paglalayag sa mga karagatang nakapaligid sa kanila. Ang hanapbuhay ng mga
nakatira dito ay pagsasaka (pangunahing hanapbuhay), pangingisda, paggawa ng palayok, at
pakikipagkalakalan. Magsasaka ang karamihan sa mga taong naninirahan sa Micronesia. Nagtatanim sila
ng mga yam, taro, niyog, pandan, bread-fruit at iba pa. Tulad ng mga Melanesian, kilala rin ang mga taga-
Micronesia sa pakikipagkalakalan sa karatig na mga pulo. Bato at shell ang ginagamit nilang paraan ng
palitan. Ang mga Micronesian ay naniniwala din sa animismo. Ang mga rituwal para sa mga
makapangyarihang diyos ay sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang unang ani.

Ang mga ambag ng klasikong kabihasnan ng mga pulo sa Pacific:

1. Nakagawa ng makabuluhan at makukulay na maskara, pigura, kagamitang panseremonya na gawa sa


kahoy, kabibe, at talukab ng pagong.
2. Nakagawa rin ang mga Micronesia ng maskara at pigura na yari sa kahoy.
3. Bihasa sa paglililok sa kahoy ng iba’t ibang disenyo ng mga bulaklak at hayop.
4. Ang mga Polynesian ang nagpasimula ng paggamit ng tattoo (isang sining na makikita sa lipunang
Austronesian)

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga klasikal na kabihasnan sa
Africa, America at mga Pulo sa Pacific”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 4.1
Pagkompleto ng Graphic Organizer. Iguhit ang dayagram at kompletuhin ito sa pamamagitan
ng mga konsepto o ideya tungkol sa kabihasnang klasiko sa Africa, America, at mga Pulo sa
Pacific.

6
Gawain 4.2
Pagkompleto ng Talahanayan.
Iguhit ang talahanayan at
kompletuhin ito sa
pamamagitan ng mga konsepto
o ideya tungkol sa kabihasnang
klasiko sa Africa, America, at
mga Pulo sa Pacific.

Kabihasnan Pag-usbong Paniniwala Hanapbuhay


Ghana
Mali
Songhai
Maya
Aztec
Inca
Polynesia
Micronesia
Melanesia

Isaisip

Gawain 4.3
Tanong-Sagot. Ipinaliwanag sa modyul na ito ang kabihasnang klasikal sa Africa, America, at mga Pulo sa
Pacific. Unawain ang bawat tanong. Pagkatapos, isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Kamusta ka. Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang patunay na may maunlad na


kabihasnang naitatag sa Africa? Magbigay ng
halimbawa.
2. Paano nagkakatulad ang katangian ng mga
kabihasnang naitatag sa America?
3. Mahalaga ba ang papel na ginampanan ng
kalagayang heograpikal sa mga pulo sa Pacific
sa paghubog ng kanilang kabihasnan?
4. May pagkakatulad ba ang pamumuhay noon sa
Africa, America, at mga Pulo sa Pacific sa naging
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
5. Paano nakatutulong sa pagkakakilanlan ng mga
klasikong kabihasnang tinalakay sa modyul na
ito ang mga ambag na kanilang iniwan sa
daigdig?

7
Isagawa

Gawain 4.4
Liham Pasasalamat
Pagsulat ng Liham Pasasalamat. Maraming naiwang pamana
ang klasikong kabihasnan sa Africa, America, at mga Pulo sa
Pacific sa larangan ng sining, agham, at kaisipan na may mataas
na kagalingan na tinitingala sa daigdig. Upang maipakita ang
iyong pagbibigay-halaga sa kanilang kabihasnan, ikaw ay lilikha
ng isang liham ng pasasalamat para sa mga pamana ng kanilang
kabihasnan.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Mahusay na naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga ambag ng
Nilalaman 10
klasikong kabihasnan sa Africa, America at Pulo sa Pacific.
Teknikal na Pagbuo Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng salita at maayos
5
ng Liham ang mga bahagi ng liham.
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat. 5
Kabuuan 20

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa mga pangkat ng pulo na matatagpuan sa Karagatang
Pasipiko?
A. Melanesia B. Micronesia C. Polynesia D. Indonesia
2. Alin sa sumusunod na pinuno ang hindi kabilang sa magiting na pinuno ng Imperyong Mali?
A. Mansa Musa B. Sundiata Keita C. Topa Yupaanqui Sunni Ali D. Sunni Ali
3. Bakit naging tanyag si Mansa Musa?
A. Sa bawat lungsod siya ay nagpatayo ng mosque. C. Naggawa ng chinampas o floating garden.
B. Pinalawak niya ang imperyo. D. Nagpahalaga sa karunungan.
4. Alin sa sumusunod ang dahilan ng paggawa ng mga Aztec ng floating garden?
A. Dahil gusto ng mga Aztec na maging tanyag.
B. Dahil sa utos ng kanilang pinuno.
C. Dahil sa hindi sapat ang lawak ng lupain kanilang sinasaka at upang matugunan ang
pangangailangan ng mamamayan.
D. Dahil sa gusto nilang maging kaaya-aya ang kanilang lugar.
5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo sa Pacific.
B. Naniniwala sa banal na kapangyarihan o “mana” ang mga nakatira sa pulo sa Pacific.
C. Animismo ang sinaunang relihiyon sa mga Pulo ng Pacific.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.

Karagdagang Gawain

You might also like