Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Naikonseptwalisa ni
Princess L. Mondejar
DSOSMNHS
1
Pambungad sa Araling Panlipunan 8
Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Tagalikum/
Tagakontekstuwalisa: Princess L. Mondejar, T- III, Don Sergio Osmeña Sr. MNHS
Rowena C. Pantaleon, MT- II, Don Carlos A. Gothong MNHS
Miah C. Auman, T- III, Tisa National High School
Melissa Ordeneza, T-I, Cebu City National Science High School
2
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
3
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:
4
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
5
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
6
Modyul 1: Kabihasnang Minoan,
Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng
Greece
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa
Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan
ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na
Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.
Kakayahan
Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece.
Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 1, sagutin muna natin ang mga
katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit
subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin
ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.
1. Ang digmaang Trojan ay ikinuwento sa epikong Iliad at Odyssey. Sino ang may-
akda nito?
A. Homer B. Paris C. Pericles D. Socrates
2. Ang kabihasnang Minoan ay nadiskubre ng isang British historian at arkeologo.
Sino ang tinutukoy na siya ring nanguna sa paghuhukay ng Knossos?
A. Arthur Evans C. Heinrich Schliemann
B. Chris Evans D. Richard J. Evans
3. Ang polis na ito ang may pinakamalaking populasyon at lunduyan ng
demokrasya. Anong lungsod-estado ang tinutukoy sa pahayag?
7
A. Athens B. Megara C. Sparta D. Thebes
8
14. Ang mga mamamayan ng polis ay may karapatang bumoto, magkaroon ng ari-
arian, at ipagtanggol ang sarili sa korte. Sa edad na 15, natatamasa na ba ng isang
mamamayang Pilipino ang karapatang bumoto?
A. Hindi, dahil ang nakakaboto lamang dito sa Pilipinas ay mga 18 taong gulang
pataas.
B. Hindi, dahil wala pang tiwala ang pamahalaan sa kakayahang mamili ng mga
kabataan.
C. Oo, dahil lahat ng tao na lehitimong mamamayan ng Pilipinas ay may karapatang
bumoto maging mga bata.
D. Oo, dahil ang mga kabataan na may edad 15 pataas ay mayroon nang karapatang
bumoto sa halalan ng SK.
15. Pinaiiral ang sistemang Demokratiko sa Pilipinas na kung saan ang mga
mamamayan ay may pantay na karapatan bilang tao, mayaman man o mahirap.
Bilang isang ordinaryong mamamayan, paano niya nagagampanan ang
responsibilidad na makilahok sa pamamahala ng bansa?
A. maagap na pagbabayad ng buwis
B. matapat at matinong pagboto sa halalan
C. paggalang at pagsunod sa mga batas ng Pilipinas
D. lahat ng nabanggit
9
Aralin Kabihasnang Minoan at
1 Mycenean
Alamin
Panimulang Gawain
GAWAIN 1: LARAWAN KO, SURIIN MO!
Capilla Santa Ana Museum and A. Pansinin ang larawang nasa
Community Center (Toledo City, Cebu) kaliwa.
1. Ano ang iyong nakikita sa
https://www.cebutraveller.com/toledo-maze-garden/ larawan?
2. Alam mo ba kung anong uri ng
estruktura ang nasa kaliwa?
3. Naniniwala ka ba sa mga mito
o alamat? Bakit?
10
Tuklasin at Suriin
http://irenevillanueva12.blogspot.com/2014/09/kabihasnang-klasikal-ng-greece.html
Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Gresya?
2. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Gresya sa pag-usbong
ng mga kabihasnan?
11
KABIHASNANG MINOAN
Gabay na Tanong:
1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?
2. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?
12
KABIHASNANG MYCENAEAN
Gabay na Tanong:
1. Ano ang sanhi ng digmaang Trojan?
2. Paano natalo ng mga Mycenaean ang Troy sa labanan?
13
Isaisip
Gawain 2: Tara’t Mag-Isip!
Mula sa binasang teksto tungkol sa sibilisasyong sumibol sa Aegean, punan ng angkop
na impormasyon ang talahanayan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang spapel.
Nakadiskubre
Nagtatag
Sanhi ng pagbagsak
Isagawa at Pagyamanin
14
Aralin KABIHASNANG KLASIKO NG
2 GREECE
Alamin
Balikan
Tuklasin at Suriin
KARAPATAN RESPONSIBILIDAD
P
✓ Bumoto ✓ Makilahok sa pamahalaan
✓ Magkaroon ng ari-arian O ✓ Ipagtanggol ang polis sa panahon
✓ Humawak ng posisyon sa L ng digmaan
pamahalaan ✓ Ipagkaloob ang katapatan at
✓ Ipagtanggol ang sarili sa korte I paglilingkod sa polis
S ✓ Pagpapalago sa kalakalan
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano naman kaya ang mga karapatan at tungkulin
nating mga Filipino bilang isang mamamayan?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapaglilingkuran ang
ating bansa tungo sa kaunlaran?
16
▪ Sparta at Athens
ATHENS SPARTA
Lungsod-
Estado
Ng Gresya
https://en.wikipedia.org/wiki/Athenian_demo https://www.youtube.com/watch?v=piAEzVOqHHU&
cracy app=desktop
Demokratiko Militarismo
* demokrasya mula sa demos - nasa ilalim ng pamamahala ng
‘mga tao’ at kratos militar
‘pamahalaan’
Pamahalaan - pamahalaan ng nakararami - mahigpit ang kanilang
kung saan may malaking bahagi pamamahala dahil layunin
ginampanana ang mga nilang magtatag ng
mamamayan sa pamamalakad pamayanan ng mga
ng kanilang pamahalaan mandirigma
Pinag-aaral sa pribadong Ang mahihinang bata o yaong may
Papel ng paaralan upang matuto sa kapansanan ay pinapatay at
mga pagbasa, matematika, musika, tanging malulusog lamang ang
Kalalakihan sining, politika at iba pang pinapayagang mabuhay.
larangan.
Sa edad na 18 taong gulang, ang Sa edad na 7 taon, nagsisimula na
mga lalaki ay nagsasanay sa ang pagsasanay sa militar at
militar ng 2 taon bago maging paninirahan sa kampo.
ganap na mamamayan.
Nangangasiwa sa gawaing- Nag-aasikaso ng mga lupain
Papel ng bahay. habang ang asawa ay nasa kampo-
Kababaihan militar o digmaan.
Liga na Delian League na binuo ni Peloponessian League
Itinatag Pericles
17
▪ Banta ng Persia
Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Ang mga kalapit
na kolonyang Greek ay sinalakay ng Persia at nakipaglaban sa Miletus noong 546 B.C.E.
Tinulungan ng Athens ang mga kolonya na ikinagalit ni Haring Darius I kung kaya’t
ginusto niyang parusahan at sakupin ito. Ang digmaang Graeco-Persia ay nagkaroon
ng mga makasaysayang labanan. Ang unang labanan ay naganap sa Marathon noong
490 B.C.E nang sumalakay ang mga Persiano sa pamumuno ni Haring Darius I. Tinalo
ng 10,000 na Athenian sa pamumuno ni Miltiades ang 25,000 na mandirigmang
Persiano. Ipinagpatuloy ni Xerxes noong 480 B.C.E ang nasimulan ng kanyang amang
si Darius I.
Isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, ito ay makipot na
daanan sa gilid ng bundok. Pinamunuan ni Leonidas ang 300 na sundalong Spartan
noong 480 B.C.E. Nasawi man ang magigiting na mga Spartans, nabigyan naman ng
sapat na oras ang mga Griyego upang makalikas at makapaghanda sa mas malaking
digmaan. Sa parehong taon, sinalakay ni Xerxes ang Athens subalit dinala ni
Themistocles ang labanan sa makipot na dagat ng Salamis. Binangga at pinalubog ng
mga Griyego ang mga malalaking barko ni Xerxes.
Noong 479 B.C.E, nagapi nang tuluyan ng mga Griyego sa Plataea ang natitirang
hukbo ni Xerxes. Ito ay pinamuan ng mga Spartans na nilahukan naman ng Athens,
Corinth at Megara.
▪ Imperyong Macedonian
Isaisip
Panuto: Basahin ang talata at piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita sa bawat
patlang ayon sa inilaang kaisipan ng mga pahayag sa ibaba.
18
Ang lungsod-estado ng Athens ay itinatag sa (1)__________ habang ang Sparta
naman ay sumibol sa (2)___________. Ang tawag sa uri ng pamamahala sa Athens ay
demokrasya. Mahigpit naman ang pamamalakad ng mga Spartans dahil sa
militarismong pamamahala. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Athenians sa
edukasyon. Sa edad na (3)_________, ang mga batang lalaki ay nagsasanay sa militar ng
2 taon. Sa edad na pito, ang kabataang Spartan ay nagsisimula ng magsanay
(4)_____________ at manirahan sa kampo. Samantalang ang mga mahihinang (5)
____________ ay pinapatay dahil malulusog lamang ang pinapayagang mabuhay.
Isagawa at Pagyamanin
Paggawa ng A-K-B Chart
LABAN SA ______________________
________1. Sinalakay ni Xerxes ang Athens subalit natalo ito dahil dinala ni
Themistocles ang laban sa makipot na dagat ng Salamis at pinalubog ang plota ng
Persia.
________2. Nagapi nang tuluyan ng mga Griyego ang natitirang hukbo ni Xerxes sa
pamumuno ng mga Spartans at pagtutulungan ng Athens, Corinth at Megara.
________4. Nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens at ito ay nauwi sa
mahigit 27 taon na hidwaan at pakikipagdigma.
________5. Nasawi man si Leonidas at ang mga magigiting na Spartans, nabigyan naman
ng sapat na oras ang mga Griyego upang makalikas at makapaghanda sa mas malaking
digmaan.
19
Tayahin
Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, subukin natin ang iyong natutunan.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Isang bagong sibilisasyon ang umusbong sa pagwawakas ng Dark Age. Ano ang tawag
ng maraming Griyego sa kanilang bansa?
A. Hellas B. Hellenes C. Heleniko D. Polis
2. Nahukay ang archeological sites ng kabihasnang Mycenaean noong 1870. Sino ang
German archeologist ang nakadiskubre nito?
A. Adolf Hitler C. Heinrich Schliemann
B. Arthur Evans D. Heinz Schneider
3. Ginalit ni Haring Minos si Poseidon at bilang kaparusahan, nagpadala si Poseidon ng
toro para mapaibig si Pasiphae (asawa ni Minos). Nagbunga ito ng maalamat na
nilalang, ano ang tawag dito?
A. Helot B. Minotaur C. Toro D. Trojan Horse
4. Ito ay isa sa mga bahagi ng polis kung saan makikita ang mga palasyo at
templo. Ano ang tawag sa pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar?
A. Agora B.Acropolis C. Knossos D. Metropolis
5. Ang digmaang Trojan ay ikinuwento sa epikong Iliad at Odyssey. Sino ang may-akda
nito?
A. Homer B. Paris C. Pericles D. Socrates
6. Ang kabihasnang Minoan ay nadiskubre ng isang British historian at arkeologo. Sino
ang tinutukoy na siya ring nanguna sa paghuhukay ng Knossos?
A. Arthur Evans B. Chris Evans
C. Heinrich Schliemann D. Richard J. Evans
7. Ang polis na ito ang may pinakamalaking populasyon at lunduyan ng
demokrasya. Anong lungsod-estado ang tinutukoy sa pahayag?
A. Athens B. Megara C. Sparta D. Thebes
8. Ito ay digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal ng mahigit 27 taon. Anong
digmaan ang tinutukoy sa pahayag?
A. Digmaang Plataea C. Digmaang Thermopylae
B. Digmaang Salamis D. Digmaang Peloponnesian
9. Ang kabihasnang Mycenaean ay tahanan ng tanyag na haring si Agamemnon,
na siyang tumulong sa kanyang kapatid upang mabawi ang asawa nito. Anong
higanteng estatwa ang iniwan ng kanyang hukbo sa labasan ng Troy?
A. Estatwa ni Zeus B. Parthenon C. Trojan Horse D. Venus de Milo
10. Sinalakay ng Persia ang mga kalapit na kolonyang Greek noong 546 B.C.E upang
palawakin ang kanilang imperyo sa kanluran ngunit wala silang plano na sakupin ang
Gresya. Bakit ito nauwi sa digmaang Graeco-Persia?
A. Nagalit si Darius I nang tulungan ng Athens ang mga kolonya.
B. Gustong bawiin ng Persia si Helen mula sa kamay ni Paris.
C. Ipinaghigante ni Xerxes ang napaslang niyang Ama sa gitna ng digmaan.
D. Naisip ni Darius na mahina at kulang ang sandatahang pandigma ng Athens
kahit paman sa kasaganahan
11. Ang mga mamamayan ng polis ay may karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian,
at ipagtanggol ang sarili sa korte. Sa edad na 15, natatamasa na ba ng isang
mamamayang Pilipino ang karapatang bumoto?
A. Hindi, dahil ang nakakaboto lamang dito sa Pilipinas ay mga 18 taong gulang
pataas.
B. Hindi, dahil wala pang tiwala ang pamahalaan sa kakayahang mamili ng mga
kabataan.
C. Oo, dahil lahat ng tao na lehitimong mamamayan ng Pilipinas ay may
karapatang bumoto maging mga bata.
D. Oo, dahil ang mga kabataan na may edad 15 pataas ay mayroon nang
karapatang bumoto sa halalan ng SK.
20
12. Pinaiiral ang sistemang Demokratiko sa Pilipinas na kung saan ang mga
mamamayan ay may pantay na karapatan bilang tao, mayaman man o mahirap.
Bilang isang ordinaryong mamamayan, paano niya nagagampanan ang
responsibilidad na makilahok sa pamamahala ng bansa?
A. maagap na pagbabayad ng buwis
B. matapat at matinong pagboto sa halalan
C. paggalang at pagsunod sa mga batas ng Pilipinas
D. lahat ng nabanggit
13. Ang digmaan ng Thermopylae ay isa sa pinakatanyag na labanan ng Gresya laban
sa Persia. Bakit mahalaga ang labanan na ito para sa tagumpay ng digmaang Salamis?
A. Dahil nasawi ang lahat ng mga sundalo ng hukbong Persia
B. Dahil ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng mga lungsod-estado.
C. Dahil sa labanan ng Thermopylae, namatay si Xerxes at natalo ang Persia
D. Dahil nabigyan ng sapat na oras ang mga Griyego na lumikas at magkapaghanda
14. Ang tunggalian ng Athens at Sparta ay umabot sa isang madugo at mahabang
labanan, ang digmaang Peloponnesian. Ano ang naging epekto nito sa sinaunang
Gresya?
A. Ang digmaan na ito ang naging daan upang maging imperyo ang Gresya.
B. Naghari ang Athens sa buong Gresya na tumupad sa pangarap ni Pericles.
C. Sa pagkapanalo ng Sparta, naging mas mayaman, masagana at mapayapa ang
lungsod-estado.
D. Ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian at lubhang
kakulangan sa pagkain na siyang nagpahina sa kabuuang Gresya.
15. Sa digmaang Salamis, malalaking barko ang ginamit ng mga Persiano ngunit sila
ay natalo sa huli. Ano ang dahilan ng kanilang pagkatalo?
A. Karamihan sa sundalo ng hukbong Persiano ay hindi marunong humawak ng
sandata.
B. Mas marami ang sundalong Griyegong lumahok sa digmaan kaysa sa
imperyong Persia.
C. Ang makipot na dagat ng Salamis ang nagbigay kalamangan sa plota ng Gresya
sa pagpapalubog ng mga barko ni Xerxes.
D. Pinagtaksilan si Xerxes ng isa sa kanyang mga heneral at pinagkanulo ang
kanyang buong plano at stratehiya sa pagsalakay.
Karagdagang Gawain
Minoan Mycenaean
p
Pagkakaiba Pagkakaiba
a
g
k
a
k
a
t
u
l
a
d
21
Sanggunian
Aklat:
Online Links:
22
Dexter Reyes: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon (2014)
Retrieved October 30, 2020 from
https://www.slideshare.net/dexterlreyes1/modyul2-
angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon140807210600phpapp01?from_
m_app=ios&fbclid=IwAR0jMga-
E21XC_udZTsfYgs9_HVsGftonTtCBtfl5kyWJ6MGYSx-wh3CEqY
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
24