You are on page 1of 27

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1 (Week 1)

Kabihasnang Minoan, Mycenaean at


Klasikong Greece
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1 (Week 1): Kabihasnang Minoan, Mycenean at Klasikong
Greece
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ritchel B. Casul, Ma. Grace Z. Carreon
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1 (Week 1)

Kabihasnang Minoan, Mycenaean at


Klasikong Greece

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kabihasnang Minoan, Mycenean at Klasikong Greece.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kabihasnang Minoan, Mycenean at Klasikong Greece.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang ibat’-ibang antas sa pag-
unlad ng mga bansa sa daigidg. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman tungkol
sa makasaysayang nakaraan ng mga bansa o rehiyon sa daigdig sa harap ng pagsubok at
pakikibaka sa buhay.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang magkaroon ng malawakang
kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga mahalagang kontribusyon sa pag-usbong at pag-
unlad ng kabihasnang klasiko ng Greece na napapakinabangan hanggang sa kasalukuyan.
Mahalagang malaman mo na ang pag-aaral tungkol sa klasikong kabihasnan ng Greece
upang matuklasan mo ang kanilang kauganayan at impluwensiya sa paghubong ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikong Greece

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasikong Greece
(AP8DIKT-IIa-1/2 MELC 1);
2. Naihahambing ang kabihasnang Minoan, Mycenaean at kabihasnang klasiko ng
Greece;
3. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Greece mula sa pag-
unlad ng kabihasnang Minoan hanggang sa pananakop ng Macedonian Empire;
4. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng kabihasnang Minoan, Mycenaean at
kabihasanang klasiko ng Greece sa pamamagitan ng pagsulat-sanaysay /essay
writing.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pag-isipang mabuti kung ano ang pinakawastong
sagot sa bawat katanungan.

Subukin

1. Ang Kabihasnang Greece na nagsisimulang umunlad sa Aegean Sea ay isa sa itinuturing


na klasikal dahil sa naging impluwensiya ng kultura nito sa iba pang kabihasnan.
Kinakitaan din ang kanilang kasaysayan ng pagkilala sa mga kakayahan ng tao tungo
sa pagtamo ng kagalingan o excellence. Alin sa mga sumusunod na katawagang
nakilala ang Greece dahil sa ambag nito sa iba’t ibang larangan ng kultura?
A. “The grandeur that was Greece” C. “Land of the Free”
B. “Land of the Rising Sun” D. “The glory that was Greece”

1
2. Sumisibol ang unang kabihasnan ng Greece sa pinakamalaking pulo ng Crete.
Tinatawag ang kabihasnang ito hango sa pangalan ni Haring Minos na pinanini-walaang
nagtatag ng kaharian sa Crete. Ano ang tawag sa kabihasnang ito?
A. Kabihasnang Cretan C. Kabihasnang Mycenaean
B. Kabihasnang Minoan D. Kabihasnang Greece
3. Ang malaking bahagi ng Greece ay bulubundukin. Ang ganitong katangian ay
nakasagabal sa pakikipagtalastasan nito sa iba’t ibang lungsod-estado. Gayunpaman,
nakabubuti rin ang ganitong katangian upang mapanatili nito ang kanyang natatanging
kultura. Alin sa mga sumusunod na anyong lupa ang naglalarawan sa heograpiya ng
Greece?
A. Peninsula B. Isla C. Arkipelago D. Kapuluan
4. Sa pamamagitan ng kalakalan, muling nabuhay ang ugnayan ng mga Griyego sa ibang
kabihasnan tulad ng Phoenicia, Egypt, at mga kaharian sa Asia Minor. Sa mga panahong
ito, unti-unting nabuo ang ilang mga pamayanan na isa sa mga pangunahing salik sa
paghubog ng Kabihasnang Helleniko. Ano ang tawag sa mga pamayanang ito na hango
sa salitang Griyego para sa city-state o lungsod estado?
A. Metropolis B. Acropolis C. Polis D. Agora
5. Nakilala ang lungsod-estado sa pagtatatag ng Sistema ng pamamahala na tinatawag na
Demokrasya. Hinubog ang unang Demokrasya ng unang mga lider tulad nina Draco,
Solon, Pisistratus, at Cleisthenes. Ano ang tawag sa lungsod estado na ito?
A. Sparta B. Athens C. Knossos D. Mycenaea
6. Sa Sparta ang bagong silang na sanggol ay sinusuri, kapag nakitang mukhang mahina
at sakitin ang isang sanggol ito ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang
mamatay doon. Kung ikaw ay isang babaeng Spartan na nagsilang ng sanggol na
mahina at sakitin, ano ang gagawin mo?
A. Makikiusap na panatilihing buhay ang aking anak
B. Itatakas ang aking sanggol mula sa kapahamakan
C. Magdasal na hindi mapapansin na mahina at sakitin ang aking anak
D. Isasakripisyo ang aking sanggol sa mithiin ng aking lungsod-estado
7. Si Plato ang pinakasikat na mag aaral ni Socrates ang nagsumikap na maitala ang lahat
ng ideya ng kanyang guro. Samantalang si Aristotle naman ang pinakamahusay na mag
aaral ni Plato na nagpakadalubhasa sa biyolohiya at kinikilalang “Ama ng Biyolohiya”.
Bilang isang mag aaral paano mo ito mapahalagahan?
A. Mag aral ako ng mabuti para magkaroon ng malaking sahod
B. Pagbutihan ang pag aaral upang mas malamangan ko ang guro
C. Pagsikapin mapagtapos ang pag aaral para makatulong sa magulang
D. Pag ibayuhin ko ang pag aaral upang may halaga ang natutunan
8. Bilang isang mag-aaral, bakit kinakailangan ng isang bansa na may isang payak na uri
ng pamahalaan alang alang sa buong sambayanan, mahirap man o mayaman?
A. Dahil ang pamahalaan ang nagsisilbing tulay sa pagtamo ng katiwasayan, kaayusan,
pagkakailanlan at mapayamang kaunlaran sa mga mamamayang may iisang
pinanggalingan at kinagisnang bansa.
B. Dahil ang pamahalaan ang tulay sa pagkakaroon ng isang pagiging Malaya ng ating
bansa laban sa mga dayuhan
C. Dahil ang pamahalaan ang tulay ng pag-angat at asenso ng bawat mamamayan
D. Dahil ang pamahalaan ang kakambal at kaluluwa ng kultura

2
9. Bakit ang nasabing pamantayan ng isang pinuno ay kinakailiangang magkaloob ng mga
aspetong bubuo sa kanyang pagkatao gaya ng matalino, matapang, at may
pagmamahal sa bayan?
A. Dahil kung wala ang nasabing pinuno sa nabanggit na aspeto ay hindi siya magiging
matagumpay sa kanyang pagiging pinuno
B. Dahil kung ang nasabing pinuno ay magkaloob ng ganitong mga aspeto sa buhay ay
mapapatakbo niya ang estado ng maayos at matiwasay at higit sa lahat malayo sa
gulo ang kapwa mamamayan
C. Dahil kung taglay ng isang pinuno ang ilang mga aspeto sa buhay ay pwedi na siyang
hirangin bilang pinakamagaling na lider ng bansa o estado
D. Wala sa nabanggit sa mga inilahad na pangungusap sa itaas
10. Bakit sinabi ni Socrates na upang malaman ang tutuong kasagutan hinggil sa
pagtatanong sa pinanggalingan ng ilang mga isyu patungkol sa mga bagay-bagay dapat
patuloy na magtanaong ang mga tao upang matiyak ang nasabing kasagutan hinggil sa
mga katanungan, at ang nais ipahiwatig dito ay?
A. Dahil kinakailangang makuha ng tao ang tamang sagot kung kilalanin niya muna ang
kanyang sarili
B. Dahil gusto ng tao na wala nang magiging problima sa kanyang kapwa tao
C. Dahil ang pagiging matanong ay paraan ng pagkamit ng kalayaan sa buhay
D. Dahil kung walang magtatanong ay walang magiging kasagutan

Aralin
Kabihasnang Minoan, Mycenaean at
1 Klasikong Greece
Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Sa naunang modyul, natutunan mo ang mga katayuan sa pag-unlad ng mga bansa
sa daigdig. Ngayon, mas mapapalawak at mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa
paglinang o pagsulong ng mga estado sa bawat bansa, kaugnay dito ang pag-aaral tungkol
sa kabihasnang klasiko ng Grrece. Hindi lingid sa iyong kaalaman na may mga bagay o
katangian sa iyong paligid na kanais-nais at nagpapakita ng sagisag na may kaugnayan sa
kasaysayan ng daigdig na nagagamit hannggang sa kasalukuyan.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyongkaalamantungkolsamga kabihasnang
klasikal na naipamana mula sa nakaraan na nagagamit sa kinabukasan. Naranasan at
napapansin natinna may mga bagay, pangyayari, pamamahala, sining, arkitektura, agham
at iba pang larangan na napapakinabanagan natin, ngunit hindi natin alam kung paano tayo
naimpluwensyahan at naging parte na ng ating buhay. Sa pagtuklas ng klasikong
kabihasnan, ay dito mo makilala at matunton ang kahalagahan ng bawat kontribusyon na
nagapapakilala sa mga bansa sa daigidig partikular sa bahagi ng kabihasnang klasiko ng
Greece.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

3
Balikan
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pag-isipang mabuti kung ano ang pinakawastong
sagot sa bawat katanungan.
1. Ang unang sibilisasyon sa India ay umunlad sa_____.
A. Indus Valley C. Silangang Ghats
B. Talampas ng Deccan D. Nile Valley
2. Hinubog ng ilog na ito ang unang sibilisasyon sa Egypt.
A. Indus B. Hwang C. Nile D. Tigris
3. Ang kaisipang pang medisina ay dakilang ambag ng_____.
A. China B. India C. Egypt D. Persia
4. Ang mga pamayanan na naging sentro ng kabihasnan noong unang panahon ay
nasa____.
A. Dagat-ilog C. Lambak-kapatagan
B. Lambak-ilog D. Tabing dagat
5. Bakit mahalaga ang sistema ng panulat sa mga pari sa sinaunang kabihasnan?
A. Upang itago ang mga tumpak na talaan
B. Kailangan ang tumpak na impormasyon sa seremonya
C. Ang matutuhan ang sining ng pagsusulat ay isang status symbol
D. Masubaybayan ang mga buwis, ari-arian, at dokumento ng mga tao

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: PAMANA SA ATIN, IPAGMALAKI NATIN!
Panuto: Basahin ang mga salitang makikita sa loob ng kahon. Iugnay ang salitang may
bilang na makikita sa itaas na bahagi sa mga salitang walang bilang na makikita sa ibabang
bahagi. Sulatan ng kaparehong bilang ang mga salita sa ibabang bahagi na direktang
kaugnay sa mga konsepto sa itataas na bahagi ng kahon. Ang bilang 1 ang ginawa na para
maging halimbawa.

4
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: TANONG KO, E BOARD GAMES MO!
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng “Board Games” at isulat sa patlang ang
mga salitang mahahanap mo sa mga kasunod na mga rolyong papel.

KABIHASNANG GREEK MAPA DEMOKRASYA

PANANAKOP LUNGSOD-ESTADO GREECE

PILOSOPER OLYMPICS EUROPE

Gawain sa Pagkatuto Blg.3: BOGGLED WORDS!


Panuto: Iayos ng mga sumusunod na mga ginulong titik upang mabuo ang hinihinging
konsepto. Isulat ang inyong mga sagot sa mga patlang na nakalaan.

1. Y L M O I C P S
=____________________________________
HINT: Isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula
sa iba’t ibang bansa

5
2. P O M Y A L I

=____________________________________
HINT: Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa lungsod-
estado na ito ng sinaunang Greece.
3.
O M N I N A

=_____________________________________
HINT: Ayon sa mga arkeologo, ito ang unang sibilisasyong Aegean.

4.
A N Y E A M E N C
=_____________________________________________
HINT: Ang kabihasnang nakilala sa Panahon ni Homer

5.
I L S P O
=_______________________________________
HINT: Ang salitang katumbas ng city-states o lungsod-estado ng Greece.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: STORY-PYRAMID
Panuto: Punan ang pyramid sa ibaba ng mga impormasyon tungkol sa kabihasnang
Minoan at Mycenaean. Mula sa mga pagpipiliang sagot na makikita sa Selection Box, isulat
ang titik sa pyramid katabi ng nakakahong tanong ang titik o mga titik na mga napiling sagot.
Sa bawat tanong ay may nakalagay na bilang ng posibleng sagot o titik na isusulat katabi
nito.

SELECTION BOX

6
A. Haring Minos G. Palasak ang digmaan sa kaharian
B. Mahusay gumamit ng metal H. Maunlad na sistema ng pagsasaka
C. May sistema ng pagsusulat I. Mahusay na mangangalakal
D. Napakalakas na mandaragat J. Unang nakagawa ng arena sa daigdig
E. Nasira ang mga Palasyo ng K. Nakaimbento ng Hieroglyphics
sunod-sunod
F. Nasunog at nasira ng kalamidad L. Inhenyero, mangangalakat at
mandirigma

Gawain sa Pagkatuto Blg.5: TULA PA MORE!


Panuto: Basahing mabuti ang isang tula. Tuklasin ang kasaysayan tungkol sa dalawang
kaharian. Matapos unawain ang tula ay ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
nasabing kaharian gamit ang Venn Diagram.

Ngayon, Alam Ko Na
Ritchel B. Casul Pagsusulat nila’y gawa sa luwad,
Hirap hanapan ng katulad;
Pag-unlad, pagbabago, pananakop, Linear A ng Minoan, Linear B ng
kasaysayan, karanasan, Mycenaean,
Iyan ang mga salitang bumabagabag sa Ang mga ito’y nagpapakita ng husay at
aking isipan; kagalingan.
Bakit at paano kaya?
Sa pananakop ng Mycenaean,
Sa aking pagpapakabuhay sa mundong Kultura nila’y umunlad at yumaman;
ito, Maskara, palamuti, Sandata at Libingan,
Ako’y nalito at handang matuto; Kagalingan nila’y napapatunayan.
Natuklasan?
Sa aking pagbabasa, ako’y
Oo, maraming natuklasan at pag- naliwanagan,
aalinlangan, Kabihasnan pala’y malaki ang ugnayan;
Maraming katanungan na naghahanap ng Buhay ng tao sa kasalukuyan,
kasagutan; Ngayon, ay Alam Ko Na.
Sana ako ay matulungan,
Sa aklat kong ito na ngayon ko palang Pangalagaan ang lahat ng Pamana
binasa at napakinabangan.

7
VENN DIAGRAM
Mga aspeto ng pagkakatulad at pagkakaiba:
a. Lokasyon b. Namuno c. Arkeologo d. Pagsusulat
b. e. Sining

MINOAN MYCENAEAN

KAIBAHAN
KAIBAHAN

PAGKAKATULAD

Pamprosesong mga tanong:


1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang tula?
3. Kung pagbabasihan mo ang mga impormasyon sa loob ng isang Venn
Diagram, masasabi mo bang ito’y naaayon sa paghahambing ng dalawang
kabihasnang nalinang sa sinaunang Greece?
4. Paano nakatulong sa iyo ang kaalaman tungkol sa kasayasayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa Greece batay sa kanilang lokasyon, sining, kultura at pamumuhay?
5. Paano mo maipapakita at maipagmamalaki sa ibang tao ang iyong pagpapahalaga
tungkol sa mga klasikal na pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
6. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang tula?

Gawain sa Pagkatuto Blg.6: BASAHIN UPANG HANAPIN!


Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba at punan ng mga hinihinging
impormasyon ang data retrieval chart.

Klasikal na Kabihasnang Greece: Halina’t Ating Lakbayin!


Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta
ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok
upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang
mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod- estado o
polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya,
politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na
dapat bumuo ng isang polis ay 5,000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang
nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado.

8
Klasikal na Kabihasnang Greece: Halina’t Ating Lakbayin!
Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na
lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang
naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan
ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at
relihiyon ng mga Greek Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o
pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay
daan sa Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng
pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang
katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito.
Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-
arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang
kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga
polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay
nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki
ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang
mga Greek.
Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat
napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa
pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang panig
ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga
Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang
sariling alpabeto. Ginagamit rin nila ang teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas
malalaki at mabibilis na mga barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang Sistema
ng panukat. Mula sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa
pakikipagkalakalan.

Batay sa binasang teksto, isulat ang kahulugan ng sumusunod na salita. Isulat sa patlang
na nakalaan ang hinihinging kahulugan.

1. polis = ____ 2. acropolis = 3. agora = ___


____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang
lungsod- estado?
2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado?

9
3. Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek?
4. Paano nakatutulong ang pagiging isang mahusay na mangangalakal sa pagyabong
ng Kabihasnang Greek?
5. Kung ikaw ay isang mangangalakal kagaya ng mga sinaunang Greek anong uri ng
mga kalakal ang nais mong ibahagi? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto Blg.7: PAGHAMBINGIN MO VENN


Panuto: Basahin at unawain ang dalawang teksto sa ibaba tungkol sa Sparta at Athens na
mga kilalang lungsod-estado ng sinaunang Greece at gawin ang Venn Diagram upang
magkaroon ng paghahambing sa dalawang lungsod-estado.

A. Kabihasnang Klasikal ng Greece: Sparta, ang Pamayanan


ng mga Mandirigma
Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus
na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang
Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na
patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. 1`Pinalawak ng mga Spartan ang
kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at
pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala
nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan.
Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na
nag- alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay.
Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin
ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang
maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot.

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng


mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at
hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang
lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila.
Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar
upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na
pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa
pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang
reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng
bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong
mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay
inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung
saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maari nang magretiro sa hukbo.
Ang Sparta ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang
lakas sa buong daigdig. Ang hukbong tinaguriang Phalanx ay karaniwang binubuo ng
hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Ang phalanx ay hindi mga bayarang
mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

10
B. Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang
tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa
pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan,
gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng
mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan
upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang
kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang
mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan.
Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na
umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant
bilang malupit na pinuno sa ating panahon sa kasalukuyan.

Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano
ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay- pantaysa lipunan at binawasan
ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di
kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang
makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas
malaking bahagi sa larangan ng politika.

Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni


Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga
pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga
korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan
sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay
ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing
suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang
repormang ginawa ni Solon.

Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes


ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao
ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa
ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang
Sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinatawag na ostracism.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens,
ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng DEMOKRASYA sa Athens, kung
saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8, nina Mateo et
al. pahina 142-145.

11
PAGKAKATULAD

KAIBAHAN KAIBAHAN

ATHENS SPARTA

Pamprosesong mga tanong:


1. Paano nagkakaiba ang pamumuhay sa Athens at Sparta?
2. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-estado ng Greece?
3. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang isang lungsod-estado ng Greece?
4. Paano nakatulong sa pagkakaroon ng isang maunlad na kabihasnan ang Athens at
Sparta para sa sinanunang Greece?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.8: BULAKLAK MAN AKO SA PANINGIN
Panuto: Magbigay ng isang salita na naglalarawan sa bawat mahalagang pamana ng
klasikal na kabihasnan ng Greece batay sa iyong sariling pananaw at naiintindihan sa mga
naunang mga binasang teksto. Ilagay ang sagot sa loob ng paarkong hugis na makikita sa
ibaba.

12
Gawaing sa Pagkatuto Blg.9: GREECE SA ISANG TINGIN
Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong
tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong
sa mga kahon.

Politika

Heograpiya Ekonomiya

Sinaunang
Kabihasnan ng
Greece

Agham at
Pilosopiya
Teknolohiya

Sining at
Arkitektura

Gabay na mga tanong:


1. Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?
2. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?
3. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8, nina Mateo et al. pahina
154-156.

13
Isaisip

Karagatang Karagatang
Aegaen Mediterranean

GREECE

MINOAN MYCENAEAN

Lungsod: Knossos Lungsod: Mycenae


Bahagi ng Attica Bahagi ng Laconia

●Nakahukay: Sir Arthur Evans ●Nakahukay:Heinrich Schleimann


●Namuno: Haring Minos ●Namuno: Haring Agamemnon
●Sistema ng Pagsusulat: Linear A ●Sistema ng Pagsusulat:Linear B

●Sining: Pagpinta sa mga ●Sining: Paggawa ng estatuwa,


dinding tulad ng fresco maskara,palamutiat sandata
at palayok
●Kabuhayan:Pakiipagkalakalan ●Kabuhayan: Pakikipagkalakalan

●Pananampalataya:sumasamba
●Pananampalataya:sumasamba
sa mga diyos atdiyosa
sa mga diyos at diyosa

14
ATHENS:
DEMOKRATIKONG
POLIS: MODELO NG
DEMOKRASYA AT PHILOSOPHERS:
TANYAG NA HUMANISMO
PERSONALIDAD: 1. SOCRATES-
PAMAMARAANG
1. HIPPOCRATES-Ama ng
Medisina
SOCRATIC
2. PERICLES- nakamit ang 2. PLATO-AKADEMYA AT
Golden Age ng Athens THE REPUBLIC
3. HOMER-may akda ng 3. ARISTOTLE- LYCEUM
Iliad at Odyssey
KABIHASNANG AT LOHIKA
KLASIKAL NG
GREECE

MGA DIGMAANG IMPERYONG


KINASASANGKUTAN: MACEDONIAN:
1. PERSIAN *Sinakop ni Alexander
2. PELOPONNESIAN The Great ang Gresya
3. MACEDONIAN *Sumibol ang Kulturang
SPARTA: Hellenistiko
MILITARISTIKONG
POLIS:MODELO NG
SIMPLE AT
DISIPLINADONG
PAMUMUHAY

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.10: OUT OF ORDER AKO

HANAY A

Minoan ang unang kabihasnana na nalinang sa


1 Greece at naging kabisera nito ang lungsod ng
Knossos sa pamumuno ni Haring Minos.

15
Nahukay ang mga labi ng mga Minoans ni Sir
Arthur Evans isang English arkeologo.
2
Natagpuan niya ang palasyo na yari na
napalamutian ng mga makukulay na fresco.

Sumibol ang kabihasnang Minoan at


Mycenaean sa Greece sa mga puloat baybayin
3
ng Karagatang Aegaean at Silangang
Mediterranean.

Sila ay may sariling sistema ng pagsusulat na


tinawtawag na Linear A. Nabubuhay ang mga
4
Minoans sa pakikipagkalakan sa ibayong
dagat.

HANAY B

Bumagsak ang kabihasang Mycenaean dahil sa


1 malwakang pakikipaglaban sa isa’t-isa.

Sila rin ay nagkaroon ng sariling sistema ng


2 pagsusulat na tinatawag na Linear B. Ito ay
batay sa paghuhukay ni Heinrich Schleimann.

Sumalakay ang mga Mycenaean sa lungsod ng


3 Knossos at pinalitan ang kabihasnangMinoan sa
pamumuno ni Haring Agamemnon

Nagtayo ng sariling lungsod ang Mycenaean na


4 tinatawag na Mycenae at ang lungsod ng Troy
ay napasakamay ng mga Mycenaean.

16
B. Panuto: Suriing mabuti ang dalawang larawan at gawin ang Venn Diagram upang
ihahalintulad ang mga katangian ng Demokrasya ng Athens at Pilipinas.

Demokrasya ng Athens – balikan ang mga naunang teksto


Demokrasya ng Pilipinas – maaaring magbasa ng mga lathalain

LARAWAN 1 LARAWAN 2

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftwitter.com%2Fthrowbackedsa86%2Fstatus%
2F704215652601430016&psig=AOvVaw2k2QvW8gAIvxrwfAuhQmv&ust=1595344840869000&source=ima
ges&cd=vfe&ved=

PILIPINAS ATHENS

DEMOKRASYA

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang mga katangian ng Demokrasya para sa iyo?
2. Ano ang nakikita mong pagkakahalintulad o pagkakaiba ng demokrasya sa Athens noon
sa ating bansa?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa
iyong mga tungkulin upang makatulong sa pag-aangat sa kasalukuyang kalagayan ng ating
bansa?

17
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihinging pinakawastong sagot sa bawat tanong.

1. Binigyang diin ng mga Griyego sa kabuuan tulad ng pagkilala sa kakayahan at


karanasanng isang indibidwal o humanism, well-roundedness, kahalagahan ng pag-
aaral, balanseng buhay atang pagtatamo ng kagalingan o kahusayan sa iba’t ibang
larangan. Bilang isang mag-aaral paano maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga
ito para bansa natin?
A. Sisikapin kong maging isang mabuting mag-aaral at mamamayan
B. Susunod ako sa lahat ng mga alituntunin at batas n gating bansa
C. Sundin at makinig sa payo ng nakatatanda at mga magulang ko
D. Gawin ang mga nararapat gawin bilang isang mag-aaral
2. Magkaiba man ang dalawang lungsod-estado ng Athens at Sparta, pero nakitaan sila ng
mga mahahalagang ambag na hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy na
pinahahalagahan. Ang mga Athenians ay modelo ng Demokrasya at binigyang halaga
nito ang humanismo samantalang ang mga Spartans naman, ang pagiging simple at
disiplinadong pamumuhay. Para sa iyo, kung papipiliin ka, ang nais mong manirahan?
A. Manirahan sa Athens dahil sila sumisimbolo ng demokrasya
B. Mas mainam tumira sa Sparta sa disiplinadong pamumuhay
C. Bawat isa sa mga lungsod-estado ay may mga mahalagang katangian
D. Bawat lungsod estado ay mahalaga o nakatulong sa kasalukuyan
3. Ang Minoan ang pinakaunang kabihasnan na nalinang sa Greece. Sila ay umunlad dahil
sa pakikipag kalakalan sa ibayong karagatan sa mga karatig pook nito. Bilang isang tao,
paano mo maisakatuparan ang pag-unlad sa iyong sariling buhay batay sa kinagisnan
mo ngayon?
A. Kung ano ang aking kinagisnan hayaan ko nalang kung saan ako
dadalhin ng aking kapalaran
B. Nakadepende lamang ito sa katayuan ng isang pamilya, kung sila’y ay
may yaman o walang maayosa na katayuan sa buhay
C. Bigyan ng determinasyon at pagsisiskap ang mga plano sa buhay na
may katuturan
D. Aasa nalang ako sa ibibigay na tulong sa aking mga magulang dahil
alam ko na hindi nila ako pababayaan
4. Karaniwang disenyo na ipinipinta ng mga Minoans sa kanilang mga palayok ay ang mga
dolphins at octopus. Ito ang sining na kanilang ipinagmalaki at nagpapakita ng kanilang
kagalingan. Bakit nga ba mahalaga na pangalagaan at ipagmalaki ang mga ambag sa
ating kabihasnan?
A.Dahil sa ito ay makaluma na at kailangang protektahan upang hindi masira.
B.Dahil ito ay ngapapakilala sa ating pagpapakilanlan at nagpapatibay sa ating
ugnayan sa nakaraan.
C. Dahil ito ay nagapapatunay na may kayamanan ang isang bansa.
D. Dahil kung hindi natin ito protektahan, walal tayong patutunguhan
5. Ang larong Olmpics ay isa sa pinakasikat na laro sa Greece na dinadaluhan ng ibat’ibang
atleta sa ibang panig ng mundo. Ito ay kanilang ginagawa bilang parangal ky Zeus na

18
kinikilala nilang diyos. Kung ikaw ay isa sa mga atletang ito na galling sa ibang panig ng
bansa, saan mo ba ipinaparangal ang larong sinasaluhan mo?
A.Ibahagi ko rin ito ky Zeus tulad ng Griyego dahil sa kanilang lugar ako sumali sa
paligsahan
B.Hindi ko ibigay ang aking parangal para sa kanilang diyos dahil ginagawa ko ito para
sa aking sarili
C. Paligsahan ito, kaya wala kang dapat na abalahin kundi ang layunin mong manalo sa
isang larong sinsalihan mo
D. Bigyang respito ang kanilang paniniwala, anoman ang kanilang pananampalataya sa
palakasang kanilang ipinagdiwang
6. Ang daigdig ay nagkakaroon ng mga pagbabago o transisyon mula sa sa sinaunang
panahon patungo sa makabagong panahon. Ito ay nagpapatunay na ang mga
kaganapan sa ating buhay ay may kaugnayan sa kasaysayan sa nakaraan. Hindi natin
ito pwedeng pigilan o iwasan kaya naniniwala ka ba sa kahalagahan ng kasaysayan?
A. Oo, dahil wala na tayong magawa sa mga nangyayari sa ating nakaraan
B. Oo, dahil ang kasaysayan ay may kaakibat na ugnayan sa kaganapan sa
kasalukuyan, maging masama man o may pakinabang
C. Hindi, dahil kung ano ang naganap sa kasalukuyan iyon ay parte ng iyong kapalaran
D. Hindi, dahil ang kasaysayan ay pwedeng burahin sa mga naganap sa kasalukuyan
7. Ipinamalas ng mga Griyego ang kanilang kagalingan sa iba’t ibang larangan katulad ng
pagpinta, arkitektura, agham, pilosopiya at iba pa. Sa mga ipinapakita nilang kakayahan,
paano mo mailalarawan ang mga taong Griyego?
A. Sila ay nagpapatunay na may kakayahang espesyal na kagalingan na dapat
maipamalas ang kahalagahan nito
B. Sila ay subok lamang sa kanilang panahon kaya magaling sila sa kanilang kakayahan
C. Sila ay nakaranas ng maraming pagsubok sa nakaraan kaya magaling sila sa ganung
kakayahan
D. Batid nila iyon dahil ipinamana rin ito sa kanilang mga ninuno
8. Kung ikaw ay isang Griyego, na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Greece,
aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. May aktibong pakikipag-ugnayan sa pakikipagkalakalan sa mga karatig na pook
B. May isang Sistema ng pamamahala na sinusunod ang mga alintuntunin at batas sa
buong nasasakupan
C. Watak-watak ang mga lungsod-estado at walang pagkakaisa kaya madaling
masakop sa mga mananalakay
D. May magagaling na pinuno na mahusay na namamahala sa mga lungsod-estado
9. Ang tunay na kabihasnan ay kumikilala sa ganap o kabuuang paghubog ng katauhan ng
tao sa lipunan at madama at ipinadama sa iba ang paggalang sa dignidad bilang tao.
Maituturing ba na dakila ang Kabihasnang Griyego?
A. Oo, dahil ipinapakita nila ang kanilang galling sa pamamagitan ng kanilang Sining at
mga Arkitektura
B. Oo, dahil napatutunayan nila sa buong mundo ang kanilang husay at talino sa
pamamagitan sa mga iba’t ibang ambag nito
C. Hindi, dahil marami rin silang mga bansang sinasalakay at sinasakop na
humanatong sa pagkawasak ng buhay at mga ari-arian
D. Hindi, dahil karaniwang nasa kamay ng mayayamang angkan ang kapangyarihang
pulitikal ng Gresya

19
10. May limitasyon ang maging isang mamamayan sa Athens; lalaki lamang at hindi
maaaring ituring na mamamayan ang babae. Bilang isang babae/lalaki, paano mo
maaring ipaglaban ang iyong karapatan sa isang pantay na karapatan?
A. Sasama ako sa mga kilos protesta para malaman ng mga namamahala na hindi ako
sang-ayon sa ganitong uri ng lipunan
B. Makilahok at makibahagi sa mga pagpulong-pulong upang pag-usapan ng
matiwasay ang mga isyung may kinalaman sa pagpapaunlad sa lipunan
C. Manahimik nalang ako at manatili sa bahay lamang para makaiwas sa gulo
D. Maghintay kung kailan gawan ng solusyon ang mga isyung panlipunan

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.11: IKOTIN KO ANG PANGANINAG MO!
Panuto: Ipahayag ang iyong sariling pagkatoto at repleksyon batay sa mga katanungan na
makikita sa loob ng Reflection Wheel tungkol sa Kabihasnang Minoan, Mycenaean at
Klasikong Greece.

1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________
4._______________________________________________________________

20
21
BALIKAN
1. A 2. C 3. C 4. B 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

BOOKS:

Mateo, Grace Estella et. al. 2013. Araling panlipunan Kasaysayan ng Mundo. Kagawaran ng Edukasyon:
Republika ng Pilipinas.

Website :

Ancheta, Joshua. The Return to a Democratic Nation: The 1986 People’s Power Revolution. March 28,2017.
https://www.google.com.
https://www.slideshare.net/danz_03/ap-iii-kabihasnang-minoan-at-mycenaean
http://dignidadngguro.blogspot.com/2018/08/kabihasnang-klasiko-sa-europa.html

https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/12/aralin-11-kabihasnang-minoan-at-mycenaean/

https://rmhalife.wordpress.com/2019/02/24/araling-panlipunan-grade-8-quarter-2/

https://pdfslide.net/education/ang-sibilisasyong-minoan-at-mycenaean-59146c9973d0a.html

22

You might also like