You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Pag-unlad ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Stella Maris A. Belardo
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:( Week 4)
Pag-unlad
ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng (AralingPanlipunan 8) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-unlad ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa AralingPanlipunan 8 (Sinaunang Tao)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan
kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikatlong Aralin para sa Ikawalong Baitang!
Nagpag-aralan mo sa ikalawang Modyul ang tungkol sa iba’t-ibang kabihasnan
na umusbong sa buong daidig. Lalong-lalo na ang tungkol sa wika, relihiyon at
pangkat-etniko. Ngayon iyo namang pagtuunan ng pansin ang kaalaman tungkol sa
Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko. Ang araling ito ay makatutulong sa
iyo upang lalo mong maintindihan ang kaganapan sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad
sa kasaysayan ng mga sinaunang tao sa mundo.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahan na:
A. Nasusuri ang yugto ng pag –unlad sa panahong prehistoriko
B. Naipakilala ang mga sinaunang tao sa pag unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko
C. Naiisa-isa ang katangian ng ibat-ibang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
panahong prehistoriko;
D. Naiuugnay ang kahalagahan ng mga pangyayari sa bawat yugto ng pag –
unlad ng kultura sa panahong prehistoriko sa kasalukuyang pamumuhay
ng tao.

1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. May dalawang magkasintahan na namamasyal sa isang malaking kagubatan
upang mag hiking, at maka relax narin at upang makalanghap ng sariwang hangin,
huminto muna sila sa isang lugar, habang sila ay namamahinga may napansin silang
isang kweba, at itoy kanilang sinilip may nakita silang isang bagay, ito ay isang buto
at hindi nila alam kung ito bay hayop o buto ng tao, maingat nilang dinala ito, at
pinasuri nila kakilala nilang siyentista na si Charles Darwin at sabi niya ito ang buto
ng sinaunang tao na nagsimula sa Unggoy o ape . Anong konsepto ang
ipinahihiwatig nito?
A. Pagmamahal B. Ebidensya C. Paniniwala D. Maparaan

2. Sa pagpapatuloy, habang galing sila sa isang laboratory nag uusap sila sa isang
Native restaurant , habang naghihintay sila sa kanilang inu-order na pagkain may
napansin sila na isang nakapaskil na larawan nakapaloob sa frame, ito ay mga
mahahalagang yugto ng kaniyang buhay, dala ng kanilang pagka usisa, sabi ng
kanyang apo, dito nabuo ang kanilang pag iibigan, na noong sinaunang panahon daw
habang nangangalap ng pagkain ang kanyang lola at nangangaso din ang kanyang
lolo, at doon nagsimula ng kanilang pamumuhay bilang isang mag asawa. Ayon sa
sitwasyon ano ang pamumuhay nila?
A. Pangingisda C. Pagkakaibigan
B. Pagmamahal, at pagtitinda D. Pangangalap at Pangangaso
3. Sinasabing nagmula sa salitang "Austra" na nangangahulugang TIMOG (south) at
"Pithecus" na nangangahulugang APE (Bakulaw). Pagpinagsama ang mga salita, ito
ay nangangahulugang "SOUTHERN APES". Tinawag na ganun sapagkat lahat ng
mga labi at buto ng mga ito ay natagpuan lahat sa TIMOG AFRICA. Anong ang
ipinahihiwatig nito?
A. Lucy B. Homo Habilis C. Chimpanz D. Australopithecus

4. Ito Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi sa


ibang genus ng mga tao sapagkat tuwid kung tumayo kumpara sa ibang tao na
medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan ding gumawa ng mga
kagamitan(tools) at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan. Anong
katangian ang ipinahiwatig nito?
A. Matuwid B. Artistic C. Mahusay D. Matulungin
5. Kahit saan mang sulok sa mundo makikita natin ang mga bagay na gawa ng mga
sinaunang tao tulad ng mga sinaunang palayok, sibat,kutsilyo at iba pa na may
malaking kontribusyon sa kasaysayan kanilang bansa. May mga ilang lugar na
nagpapatayo ng mga museo upang makita sa buong mundo upang lubos nilang
kagalakan . Anong ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Karunungan C. Responsible
B. Pagmamahal D. Pasasalamat

2
6. Naging malawakan na ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong
paraan sa pagpapatigas nito. Dahil dito natutong makikipagkalakalan ang mga tao sa
karatig pook. Mas mainam rin na ikaw ay sumubok na makikipag halobilo sa mga
negosyante sa iyong pook upang mas lubos na malalaman mo ang kanilang sistema
ng pakikipagkalakalan. Anong panahon ang pinahihiwatig sa sitwasyong ito?
A. Panahon na maging negosyante
B. Panahong magiging Mausisa at mapanuri
C. Panahon na ikaw ay makikipag kaibigan
D. May pagpapahalaga sa pakikipagkalakalan

7. Napakalaking ugnayan ang bawat yugto ng pag unlad ng ating kultura sa


kasalukuyang pamumuhay ng tao, ito ay utang natin sa mga sinaunang tao dahil sa
kanilang abilidad at kakayahan sa paggawa ng mga kagamitan, na nagiging
batayan natin upang mapa- unlad din ang iyong sarili kaalaman at kakayahan.
Anong katangian ang ibig ipahiwatig nito?
A. Pagpapahalaga C. Pagkakaroon ng disiplina
B. Pagiging Masinop D.Pagtanaw ng utang na loob

8. Nang malinang ang sistema agrikultura, paghahabi at pag aalaga ng hayop ay


nagkaroon na rin ng permanenteng pamamahay ang mga tao. Pagkalipas ng ilang
taon marami ng marami ng mga tao ang naghahangad ng mga lupain, sa halip, may
mga magka angan na nagkaroon ng hidwaan dahil sa lupa. Ano ang ibig ipahiwatig
nito?
A. Pagkakaroon ng respeto C. Pagkaroon ng hidwaan
B. Pagkaroon ng yaman D. Pagkaroon ng pagpapahalaga

9. Nagtatrabaho ang iyong kapatid sa ibang bansa nang kayo ang nag video call
pinakita niya ang kanyang tinitirahang pamayanan na matatagpuan sa kapatagan ng
Konya Gitnang Anatolia ( turkey) ngayon. Magkadikit ang mga dingding ng
kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa
hagdan. Habang kayoy nag uusap sabi niya may mga inililibing na yumao sa loob ng
kanilang mga bahay. Anong konsepto ang mabubuo mo?
A. Sementeryong bahay C. Nakatira sa Squatters
B. Nakatira sa Catalhuyuk D. Nakatira sa condominium

10. Marami mga turista at mga arkeologo ang pumupunta dito sa Pilipinas isa na rito
ang lugar na Palawan dahil sa likas na kagandahan nito. Isa na rito si Robert fox na
nakatagpo ng isa sa mga labi ng Taong Tabon sinasabing isa ito sa mga labi ng mga
sinaunang tao. Marami ring mga lugar na kung saan sabi nila sa kanilang bansa unang
natatagpuan ang sinaunang tao. At sila ang unang tao sa mundo dahil sa mga labi
nitong nahuhukay. Anong konsepto ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang unang tao ay tinatawag na Taong Tabon
B. Ang unang tao ay nakatira sa kweba
C. Ang unang tao ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes
D. Ang sinaunang tao ay nakatira sa kahoy

3
Aralin
Pag-unlad ng Kultura sa
3 Panahong Prehistoriko
Ang aralin tungkol sa mga Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko ay
napakahalagang mapag-aralan mo dahil dito mo malaman at maintindihan ang
ebolusyonng kultural at ang bawat yugto na dinaanan ng tao sa pag-unlad ng
kabihasnan.

Kaya halina at alamin no ang mga mahahalagang natuklasan at natutuhan ng tao


sa bawat yugto at paano binago ng agrikultura ang pamumuhay nila!

Balikan

Panuto: Sagutan at hanapin ang wastong sagot .Bilugan ang sagot.


1. Kung nabuhay ka sa sinaunang panahon ano kaya ang sistema ng iyong
paniniwala na nagsisilbing gabay mo sa pamumuhay
A. bibliya B. relihiyon C. ari arian D. kultura

2. Ikaw ay sumasamba sa simbahan ng Inglesia ni Cristo, marami karing kaibigan


na sumasamba Katoliko, sa palagay mo ano kayang relihiyon ang may
pinakamalaking bahagdan nga tagasunod?
A. Katoliko B. Islam C. Hinduismo D. Budismo

3. Kung ang bansang Bangladesh ay may wikang Sino-Tibetan, tapos ikaw ay may
wikang Filipino anong pamilyang wika ka nabibilang ?
A. Austronesian B. Visayan C. Indo European D. Indo-european

4. Bakit malaki ang bahaging ginampanan ng ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang


indibidwal at kasapi ng isang lipunan.
A. Dahil nagiging malaking salik ito sa pagtagtag at pagbagsak ng mga kaharian,
at pagkasawi ng maraming buhay.
B. Dahil dito nakasalalay pag unlad at pag iral ng mga kultura
C. Dahil nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon
D. Lahat sa nabanggit

5. Kung may kaibigan ka sa facebook na taga France, siya nagsasalita ng French,


anong pamilya ng wika kaya siya nabibilang?
A. Austronesian B. Indo-European C. Niger-Congo D. Sino-Tibetan

4
Tuklasin
Gawain 1: MAGIC THREE!

A. Panuto: Pumili ng tatlong bagay na sa palagay mo mahalaga para ikaw ay


mabuhay. Isulat ang iyong napiling sagot sa ibaba na may patlang. (Maaring
magkakaiba ang mga sagot).

1. Kung ikaw ay isa sa mga nabubuhay sa daigdig noong


sinaunang panahon, pumili sa mga larawan ng tatlong
bagay na sa tingin mo ay makakatulong sa iyo sa pang
araw- araw na pamumuhay. Isulat sa kwaderno ang iyong
napiling sagot.

BATO KAHOY

Photo originally owned by the writer


Photo originally owned by the writer

__________________________________ ________________________________

__________________________________ _______________________________

5
BANGA PAGSASAKA

Photo originally owned by the writer

_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________

APOY PAG-AALAGA NG HAYOP

Photo originally owned by the writer

_________________________________ ____________________________________

_________________________________ ____________________________________

1. Sa palagay mo bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili? Ano ang mga
katangiang pinagbabasehan mo?

6
Sagot: ________________________________________________
________________________________________________
_ kaugnayan ba ang mga larawang ito sa pag –unlad ng ating
2. May
pamumuhay sa kasalukayang panahon? Patunayan .

Sagot: ________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________________________
_
3. Sa iyong palagay, anu- ano kaya ang mga yugto ng pag- unlad sa panahong
prehistoriko at kung paano sila nabubuhay?

_____________________________________________________
Sagot: ________________________________________________
________________________________________________
_
4. Subukan mong punan ang nawawalang titik sa salitang tinutukoy sa ibaba na
may kaugnayan sa mga yugto ng pag- unlad sa panahong prehistoriko .

K L U R A
_____________________________________________________
5. Batay sa mga larawan, ano ang iyong pagkaunawa sa salitang “ KULTURA”?
Sagot: ________________________________________________
________________________________________________
_
6. Para sa iyo, nararapat bang pangalagaan ang bawat yugto ng kultura sa
panahong prehistoriko? Ipaliwanang ang sagot.

_____________________________________________________
Sagot: ________________________________________________
________________________________________________
_

_____________________________________________________

7
Gawain 2: CROSSWORD PUZZLE

B. Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa mga yugto ng pag unlad ng mga
prehistorikong tao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan sa bawat
bilang.

A. Crossword Puzzle
1. P

3. E O L S O 2. N

E E

L L
I
T

5. H I T I E

4. B O N E O

Pababa:
1. Ang unang gumamit ng apoy
2. Panahon na pinakinis ang mga kasangkapang bato

Pahalang:
3. Ano Teorya ni Charles Darwin
4. Pinaghalong tanso at lata upang makagawa ng higit na matitigas
na bagay
5. Isang pangkat ng mga Indo Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya at
syang nakatuklas ng bakal.

8
Suriin
Gawain 3: Family Goals
Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang gawain.

Kwento ng Tagumpay
Isinulat ni: Stella Maris A. Belardo

Sa isang Barangay may magkapatid na ipinanganak sa isang malayong Barangay


Bato, na sina , Orang at si Utang nakatira sila sa isang kweba, at paminsan minsan sila ay
lagalag , dahil namatay ang kanyang mga magulang ng maaga palang,at inilibing lang nila
sa kanilang bahay. Maraming pagsubok ang kanilang dinanas, Isa na rito yong mga
mababangis na hayop na makasagupa nila, Init at lamig. Nangangalap at nangangaso sila
upang may pagkain at mabuhay. Gumamit din sila ng mga kagamitang bato na iniwan ng
kanilang mga magulang. Sila ay galing sa mga angkan na mga matatag at matitikas na mga
Apes at may tatlong tanyag pa na HOMO, Una HOMO HABILIS , nangangahulugang
taong marunong gumawa ng gamit o kagamitan.("HANDY MAN"), pangalawa HOMO
ERECTUS nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo, gumawa ng
kagamitan o tools HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao".
Pagkalipas ng ilang taon lumaki sila at may kanya kanyang talento o kakayahan Si
Ora ay mahusay magpinta, at gumawa ng mga kasangkapang yari sa bato. Maraming
mga problema ang dinanas ng magkapatid at di sila nagpatinag . Nadiskobre nila ang kani
kanilang mga kakayahan. Si Utang naman ay mahusay magluto, maghahabi at kaya niyang
magpa amo ang mga hayop.
Dahil sila ay pagala –gala noon may napansin silang isang buto na bumagsak sa
lupa pagkalipas ng ilang linggo napansin nila na may isang maliit na halaman na tumubo,
dito nakakuha sila ng kaalaman na ang buto pala ay tumutubo. Hanggang sila ay
nangunguha narin ng mga buto at itinanim nila ang mga ito. Nagtayo sila ng bahay sa may
bukana ng lambak at nag aalaga ng hayop, may mga pananim na silang ibat-ibang uri
halaman at marami na silang ani at hindi parin sila tumigil sa pagtuklas at paggawa ng mga
bagay bagay. Mula sa mga kagamitan bato, pagkalipas ng ilang taon napakinis nila ang mga
ito, at tinatawag na neolitiko.
Marami na silang mga agawang mga nagawang obra, naisipan nilang dalhin ito sa
karatig pook upang makikipagakalakalan.
Naging mabilis ang pag unlad nila Ora at Utang ng simulang nilang nadiskobre ang
tanso at bronse. May Ibat-ibang kagamitan at armas ang nagawa nila mula sa tanso tulad ng
espada, palakol, kutsilyo, punyal, martelyo pana at sibat.
Patuloy silang nakikipagsapalaran hanggang nakikilala nila ang mga Hittite na nakatuklas
sa bakal. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal. Nang lumaon, lumaganap
ang paggamit ng bakal sa iba pang pook at marami na ring gumamit nito hanggang sa
kasalukuyan. May lugar narin silang napasyalan is ana rito ang catalhuyuk pamayanang
matatagpuan sa kapatagan ng konya ng gitnang Anatolia Turkey ngayon

Naging maunlad ang buhay nila Ora at Utang dahil sa kanilang mga katangian at
talento na sinamahan ng sipag at tiyaga at naipasa pa nila ito sa kanilang mga angkan.

9
MAGANDANG KATANGIAN HINDI KATANGI TANGI

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang binabanggit ng kwento?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang kwento?
3. Kung pagbabasehan mo ang talahanayan masasabi mo bang may mahalagang
katangian at hindi katangi tangi ang bawat yugto sa kwento? kung ikaw ay nalalagay
sa mga pangyayari sa kwento?
4. Bilang isang mag aaral paano mo ito maiuunay sa iyong buhay ngayong
kasalukuyan?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kwento?

Pagyamanin
Gawain 4: PAGTAPAT -TAPATIN
Panuto: Sa ibaba suriin ang mga larawan subuking pagtapat tapatin ang hanay A. Sa hanay
B. Sa hanay A. Nakasulat ang mga tanyag na prehistorikong tao at ang yugto ng pag-unlad
ng mga sinaunang tao sa daigdig at sa hanay B. Naman ay ang mga kayangian ng bawat
yugto.

HANAY A HANAY B
________ 1. Homo Habilis A. Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung
________ 2. Homo erectus tumayo, gumawa ng kagamitan o tools
B. Modernong tao”. Ang genus ng mga homo nabubuhay
________3. Homo Sapiens hanggang ngayon.
________4. Paleolitko C. Tinatawag na “ Handy man”
D. Hango sa salitang Greek na neos o bago at lithos o bato
________5. Neolitiko E. Pamayanang matatagpuan sa kapatagan ng konya ng
________6. Metal gitnang Anatolia Turkey ngayon
F. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng
________7. CATALHUYUK
mga kagamitang yari sa tanso
________8. Middle Paleolithic age G. Naganap ang rebolusyong agricultural-sapagkat
natustusan ang pangangailangan ng pagkain.
________9. Neanderthal
H. Nagkaroon ng unang campsite na kadalasang
_______10. Cro-Magnon matatagpuan sa mga lambak
I. Taong may kaalaman na sa paglilibing
J. Lumikha ng sining ng pagpipinta sa kweba
10
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa binigay mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa iyong mga sagot? Patunayan.
3. Sa ibinigay mong sagot, paano ito makakatulong sa iyo upang malaman mo na
mabuti ang mga paraan kung paano mapanatili ang

Isaisip:

PINAGMULAN KO, GALUGARIN MO!

MGA SINAUNANG TAO

11
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
"PALEOS- MATANDA O LUMA",
PANAHON NG BATO PANAHON NG METAL
LITHOS - BATO
➢ Panahong Paleotiko ➢ Panahong Tanso
➢ Panahong Mesolotiko ➢ Panahong Bronse
➢ Panahong Neolitiko ➢ Panahong Bakal

PANAHON NG PALEOLITIKO

"PALEOS- MATANDA O LUMA"


LITHOS - BATO

OLD STONE AGE Photo


LOWERoriginally owned by
PALEOLITHIC the writer
MIDDLE UPPER
PALEOLITHIC
-Pagsisimula sa PALEOLITHIC
-Homo habilis ay
paggamit ng mga -Paglitaw ng mga
nangangahulugang 40,000-8500 taon
kasangkapan bato LITHOS - BATO
able man o handy makabagong tao
-Nagkaroon ng unang noong 1000 taon na
-Unang gumamit ng man dahil sila ang

Ph
campsite na ang nakalipas
apoy unang species ng
hominid na marunong kadalasang -Umusbong ang
- nangangaso at "PALEOS-
gumawa ng MATANDA O LUMA",
matatagpuan sa mga
pagiging artistiko ng
nangangalap sila kagamitang bato lambak mga tao sa
nga pagkain LITHOS - BATO pagpipinta sa
katawan at pagguhit
sa bato

12
PANAHONG MESOLITIKO

➢ Transisyonal na panahon
➢ Mula sa mga salitang Griyego na: mesos (gitna) lithos
(bato)
➢ Iniwan na ng mga tao ang kuweba
➢ Pag-aamo ng hayop
➢ Paggawa ng “canoe”

PANAHONG NEOLITIKO
Hango sa salitang Greek na neos o bago at lithos o bato

- Kilala ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, may


permanenteng paninirahan (pagsisimula ng urban rebolusyon) sa
pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.
- Pagkatuto ng ng mga sinaunang tao sa pagtanim at pagsaka
(tinawag din itong rebulosyong Agricultural)

-Terminong ebolusyong neolitiko ay - Naganap ang rebolusyong


ginagamit sa arkeolohiya at agricultural-sapagkat natustusan
antropolohiya upang italaga ang isang ang pangangailangan ng pagkain.
antas ng ebolusyon upang - CATAL HUYUK- pamayanang
pagkalinangan o pagbabago sa matatagpuan sa kapatagan ng
pamumuhay at teknolohiya konya ng gitnang Anatolia Turkey
LITHOS - BATO
Panahon ng bagong bato (new stone ngayon
age)

"PALEOS- MATANDA
13 O LUMA",
LITHOS - BATO
PANAHON NG METAL

PANAHON NG TANSO
• Naging mabilis ang pag –unlad ng tao,
• Nagsimulang gamitin ang tanso 4000 Bc sa ilang lugar sa Asya at 2000
Bce sa Eirope at 1500 BCE sa Egypt.
• Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang
yari sa tanso

PANAHON NG BRONSE
"PALEOS- MATANDA O LUMA",
• Pinaghalong tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na
bagay. LITHOS - BATO
• Ibat-ibang kagamitan at armas ang nagawa mula sa tanso tulad ng
espada, palakol, kusilyo, punyal, martelyo pana at sibat.
• natutong makikipagkalakalan ang mag tao sa karatig pook.

PANAHON NG BAKAL
-Natuklasan ang bakal ng mga Hittite-isang pangkat ng Indo Europeo na
nanirahan sa kanlurang asya dakong 1500 BCE. Natutuhan nilang magtunaw
at magpanday ng bakal
-Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian

14
Isagawa
Gawain 5. ANO NGAYON CHART

Panuto: Isulat ang kahalagahan sa kasalukuyan.

Mga pangyayari sa ibat ibang Kahalagahan sa kasalukuyan


yugto ng pag unlad
1. Paggamit ng apoy

2. Pagsasaka

3. Pag-iimbak ng labis na pagkain

4.Paggamit ng pinatulis na bato

5. Paggamit ng kasangkapang metal

6.Pagtayo ng permanenteng tirahan

7. Pag- aalaga ng mga hayop

Gabay na katanungan:
1. Gaano kahalaga ang mga pag unlad na naganap sa sinaunang
panahon?
2. Paano hinuhubog ng mga pagbabago ang pamumuhay ng tao
3. Sa palagay mo alin kaya ang pagbabago sa pamumuhay ng tao ang
pinakamalaking epekto sa kasalukuya

15
Gawain 6: PANAHON MO NA!
Panuto: Ilagay ang tamang yugto ng pag - unlad ng kultura. Isulat sa patlang.

PANAHONG NG BATO PANAHON NG METAL

1. ______________________________ 2. _____________________________________

3.________________________________ 4. _____________________________

5. _______________________________ 6. ______________________________

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang mga napapansin mo sa iyong mga sagot?
2. Mula sa mga napapansin mo, natutukoy mo ba kung nasa tama bang yugto ng
pag – unlad ang sagot mo base sa nakita mo sa larawan? Sa anong paraan?
3. Bilang isang mag-aaral at miyembro sa lipunan, paano mo magagamit ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga sinaunang yugto ng pag –unlad ng
kultura?

16
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. May dalawang magkasintahan na namamasyal sa isang malaking kagubatan upang
mag hiking, maka relax narin at upang makalanghap ng sariwang hangin. Huminto
muna sila sa isang lugar. Habang sila ay namamahinga, may napansin silang isang
kweba at itoy kanilang sinilip’. May nakita silang isang buto at hindi nila alam kung
ito ba ay sa hayop o buto ng tao. Maingat nila itong kinuha at pinasuri sa kakilalang
siyentista na si Charles Darwin. Ang sabi niya ito ang pinagmulan ng sinaunang tao
na nagsimula sa unggoy o ape. Anong konsepto ang ipinahihiwatig nito?
A. Lucy pinakatanyag na autrolapithicine afarensis
B. Chimpanzee pinaglalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa sitentista
C. Homo Habilis--- Nangangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o
kagamitan ("HANDY MAN")
D. Austro; apithecus salitang "Austra" nangangahulugang TIMOG (south) at
"Pithecus" na nangangahulugang APE (Bakulaw).

2. Habang galing sila sa isang laboratory nag-uusap at kumain sila sa isang native
restaurant. Habang naghihintay sila sa kanilang inu-order na pagkain, may
napansin silang isang larawan nakapaloob sa frame na naka sabit sa may dingding.
Ito ay mga mahahalagang yugto ng buhay ng mga ninuno ng may-ari, ito ay larawan
sa nabuong pag iibigan. Noong sinaunang panahon daw ay habang nangangalap
ng pagkain ang kanyang lola at nangangaso din ang kanyang lolo, ang simula ng
kanilang pamumuhay bilang isang mag asawa. Ano ang iyong masasabi nito?
A. Pangingisda at pangangaso ang sinaunang pamumuhay ng mga sinaunang tao
B. Pakakaibigan ng bawat tribu upang maka pagtitinda ng mga gulay
C. Pangangalap at pangangaso ang unang pamumuhay ng sinaunang tao sa daigdig
D. Pagpapastol at pangangalap ang pinakamainam na uri ng pamumuhay

2. Sinasabing nagmula sa salitang "Austra" na nangangahulugang TIMOG (south) at


"Pithecus" na nangangahulugang APE (Bakulaw). Pagpinagsama ang mga salita,
ito ay nangangahulugang "SOUTHERN APES". Ito ang katawagan sapagkat lahat
ng mga labi at buto ng mga ito ay natagpuan lahat sa TIMOG AFRICA. Anong ang
ipinahihiwatig nito?
A. Lucy pinakatanyag na autrolapithicine afarensis
B. Chimpanzee pinaglalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa
siyentista
C. Homo Habilis na angangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o
kagamitan. ("HANDY MAN")
D. Autrolapithecus sa salitang "Austra" nangangahulugang TIMOG (south) at
"Pithecus" na nangangahulugang APE(Bakulaw)

17
3. Ito ay nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo. Natatangi
sa ibang genus ng mga tao sapagkat tuwid kung tumayo kumpara sa ibang tao
na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan ding gumawa ng mga
kagamitan(tools) at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan. Anon
ang ipinahiwatig nito?
A. Lucy pinakatanyag na autrolapithicine afarensis
B. Chimpanzee pinaglalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa
siyentista
C. Homo Habilis nangangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o
kagamitan.("HANDY MAN")
D. Autrolapithecus sa salitang "Austra" nangangahulugang TIMOG (south)at
"Pithecus" na nangangahulugang APE(Bakulaw)
5. Kahit saan mang sulok sa mundo makikita natin ang mga bagay na gawa ng
mga sinaunang tao tulad ng mga sinaunang palayok, sibat,kutsilyo at iba pa na
may malaking kontribusyon sa kasaysayan kanilang bansa. May mga ilang
lugar na nagpapatayo ng mga museo upang makita sa buong mundo upang
lubos nilang kagalakan. Anong katangian ang ipinapakita ng sitwasyon?
A. Karunungan sa paggawa ng mga kagamitan
B. Responsable sa kanilang kontribusyon
C. Pagmamahal sa kanilang bansa
D. Pasasalamat sa mga pre-historikong tao dahil sa kanilang kontribusyon sa
daigdig

6. Naging malawakan na ang paggamit nang bronse nang matuklasan ang


panibagong paraan sa ng pagpapatigas nito. Dahil dito natutong
makikipagkalakalan ang mga tao sa karatig pook. Mas mainam rin na ikaw ay
sumubok na makikipag halobilo sa mga negosyante sa iyong pook upang mas
lubos na malalaman mo ang kanilang sistema ng pakikipagkalakalan. Anong
panahon ang pinahihiwatig sa sitwasyong ito?
A. Panahon ng paleolitiko C. Panahon ng bronse
B. Panahon ng neolitiko D. Panahon ng bakal

7. Napakalaking ugnayan ang bawat yugto ng pag unlad ng ating kultura sa


kasalukuyang pamumuhay ng tao, ito ay utang natin sa mga sinaunang tao dahil
sa kanilang abilidad at kakayahan sa paggawa ng mga kagamitan, na nagiging
batayan natin upang mapa- unlad din ang iyong sarili kaalaman at kakayahan.
Anong katangian ang ibig ipahiwatig nito?

A. Pagpapahalaga sa mga nagiging kontribusyon ng mga sinaunang tao at


tularan ang paggamit nila ng wasto sa mga likas na yaman upang ito ay
magamit pa sa susunod na henerasyon
B. Masinop ka sa pag –aaral sa upang makatulong sa mga magulang
C. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili upang umunlad ang bayan
D. Pagtanaw ng utang na loon sa mag sina unang tao

18
8. Nang malinang ang sistema agrikultura, paghahabi at pag aalaga ng hayop
ay nagkaroon na rin ng permanenteng pamamahay ang mga tao. Pagkalipas
ng ilang taon marami ng marami ng mga tao ang naghahangad ng mga lupain,
sa halip, may mga magka angan na nagkaroon ng hidwaan dahil sa lupa. Ano
ang ibig ipahiwatig nito?
A. Pagkakaroon ng respeto sa isat -isa
B. Pagkaroon ng yaman upang umunlad ang sarili
C. Pagkaroon ng hidwaan na magdulot ng pagkawasak sa buhay
D. Pagkaroon ng pagpapahalaga at pagpupugay sa mga nagawa ng mga
sinaunang tao

9. Nagtatrabaho ang iyon kapatid sa ibang bansa nang kayo ang nag video call
pinakita niya ang kanyang tinitirahang pamayanan na matatagpuan sa
kapatagan ng Konya Gitnang Anatolia (Turkey) ngayon. Magkadikit ang mga
dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa
bubungan pababa sa hagdan. Habang kayoy nag uusap sabi niya may mga
inililibing na yumao sa loob ng kanilang mga bahay. Anong konsepto ang
mabubuo mo?
A. Sementeryong bahay ang tinutukoy
B. Nakatira sa Squatters ang kanyang pinsan
C. Nakatira sa condominium na magkadikit ang mga dingding ng kabahayan at
ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan.
D. Nakatira sa Catalhuyuk pamayanan na matatagpuan sa kapatagan ng Konya
Gitnang Anatolia (Turkey) ngayon. Magkadikit ang mga dingding ng kabahayan
at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa
hagdan.

10. Maraming mga turista at arkeologo ang pumupunta dito sa Pilipinas. Isa na rito
ang dinarayo ang lugar na Palawan dahil sa likas na kagandahan nito. Isa na
rito si Robert Fox na nanguna sa grupong naghukay at nadiskubre ang labi ng
Taong Tabon na sinasabing isa ito sa mga labi ng mga sinaunang tao. Marami
ring mga lugar na kung saan sabi nila sa kanilang bansa unang natatagpuan
ang mga labi ng sinaunang tao. At sila ang unang tao sa mundo dahil sa mga
labi nitong nahuhukay. Anong konsepto ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang unang tao ay tinatawag na Taong Tabon
B. Ang unang tao ay nakatira sa kweba
C. Ang sinaunang tao ay nagmula mga specie ng Apes ayon sa mga siyentista
D. Ang sinaunang tao ay nakatira sa kahoy at marunong na maglibing na kanilang
yumao

19
Karagdagang Gawain

Gawain 7: Ang Nalalaman Ko!

I-TWEET KO ! THIS IS IT
ANG ALAM KO! Task: Share, Share, share, like, like,
like!
Mga natutunan ko ngayon

1. ____________________________ Nadiskubre ko na _____________________


________________________________________
2. ____________________________
________________________________________
3. ____________________________ ________________________________________

4. ____________________________
Nakikilala ko na _____________________
5. ____________________________ ________________________________________

Pumukaw sa aking damdamin ________________________________________


________________________________________
1. _____________________________
Papahalagahan ko ang ________________
2. _____________________________
________________________________________
Gusto kong matutunan pa ________________________________________

1. _____________________________ ________________________________________

20
21
Tayahin: Gawain 7:
1. B 6. B I tweet Mo!
2. B 7. B This is It!
3. B 8. D Maaring magkaiba ang sagot!
4. D 9. D
5. B 10. C
Isagawa: Pagyamanin: Suriin:
Gawain 4: Family Goals:
Gawain 5: Ano ngayon Chart Maaring Pagtapat-
magkakaiba ang sagot: tapatin Gawain 3:
1. C Maaaring
Gawain 6: Panahon Mo Na 2. A magkaiba ang
1. Panahon ng Bato 3. B sagot
2. Panahon ng Metal 4. D
3. Panahon ng Bato 5. G
4. Panahon ng Bato 6. F
5. Panahon ng Metal 7. E
8. H
6. Panahon ng Metal
9. I
10. J
Tuklasin: Balikan: Subukin:
1. B
Gawain: Magic Three (Maaring magkakaiba) 1. B
2. B
Gawain 2: CROSSWORD PUZZLE 2. A 3. C
4. D
1. Paleolitiko 3. D 5. B
2. Neolitiko 6. B
4. A
3. Ebolusyon
7. C
4. Bronse 5. A 8. D
5. Hittites
9. D
10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Bando, Rosemarie C., Mercado, Michal M., Mark Alvie C., Cruz, Nagelo C. Espiritu,
De Jesus, Edna L., Pasco, Arthur 11, Paderna, Rowel S., Manalo, Yurina C., Kalamna
Asis, Lorena S., Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig, Modyul ng Mag-aaral.
Unanag edukasyon 2014, Vival group Incorporation
Cruz, Mark Alvin M., et al. (2015)-Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: Vibal Group,
Inc.pp.24-34
Soriano, Cecilia D., et. al. (2015).KAYAMANAN: Kasaysayan ng Daigdig. Manila: REX
Book Store. Pp. 44-46
https://www.slideshare.net/whosign/araling-panlipunan-grade-8-aralin-2-sinaunang-
tao
https://pdfslide.tips/education/araling-panlipunan-mga-sinaunang-tao-sa-daigdig.html
https://www.slideshare.net/lykalzulueta/pagunlad-ng-kultura-ng-sinaunang-tao-
panahon-ng-bato
http://grade9atbp.blogspot.com/2014/08/ang-mga-sinaunang-tao.html

Images:

https://ronilcar.wordpress.com/2016/01/09/opm-expression-of-our-culture-jeep/
https://www.wikiwand.com/tl/Ebolusyon#/overview
https://news.artnet.com/art-world/stone-tools-discovered-2020-1813338
https://www.pinterest.co.uk/pin/681239881106858882/
https://danielah222.wordpress.com/2015/09/04/paleolithic-and-neolithic-art/
https://www.metmuseum.org/toah/hd/shzh/hd_shzh.htm

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

22

You might also like