You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 4
(Week 4)
Kontribusyon ng Kabihasnang Kasiko sa Pag-
unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4 (Week 4): Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-
unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alben B. Basil Jenny F. Hiyas
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4 (Week 4)

Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa


Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


Tayahin
sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Modyul 1 ka, napag-aralan mo ang tungkol sa Heograpiya at mga
sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
ukol sa mga kabihasnan na umusbong sa daigdig hindi lamang tungkol sa mga
sinaunang kabihasnan, kundi maging sa iba pang kabihasnan na umusbong sa
magkaibang panahon at magkaibang lugar.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo para makilala ang kabihasnang
klasiko, maitala ang mahahalagang kaganapan sa klasikal na kabihasnan,
mapahalagahan ang mga kontribusyon ng klasikal na kabihasnan at maiugnay ito sa
kasalukuyan. Mahalagang malaman mo ang mga klasikal na kabihasnang sumibol
upang matukoy natin kung saan natin nakuha ang mga ibat-ibang paniniwala,
kaalaman, pamahalaan, sining, sistema at iba pa na hanggang ngayon ay ginagamit
parin sa araw-araw nating pamumuhay.
Handa ka naba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan (AP8DKT-IIf-8);
2. Natutukoy ang mga kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan;
3. Naitatala ang mga mahahalagang kaganapan at kontribusyon ng mga klasikong
kabihasnan at;
4. Naiuugnay ang mga kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa kasalukuyan.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ano ang posibleng dahilan sa pagbagsak ng Kabihasnang Maya?
A. Pagkasira ng kalikasan
B. Paglaki ng populasyon
C. Patuloy na digmaan at pag-aagawan ng teritoryo
D. Paglaganap ng epidemya

2. Ano ang tawag sa kalakalan sa Hilagang Africa na tumawid sa Disyerto ng Sahara?


A. Kalakalang Caravan C. Barter
B. Kalakalang Trans-Sahara D. Kalakalang Ginto

3. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?


A. Pakikipagkalakan C. Agrikultura
B. Pananakop D. Pagmimina

4. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamayan sa Polynesia?


A. Pagmimina C. Pagsasaka at pangingisda
B. Paghahayopan D. Pakikipagkalakalan

5. Ano ang nakatulongsaGhana upangumunlad ang kanilangpamumuhay?


A. Pananakop C. Pagbibinta ng mga alipin
B. Pakikipagkalakalan D. Pagsasaka at Paghahayopan

6. Ano ang tawag sa proseso ng pagtabon ng mga Aztec ng lupa sa mga sapa upang
madagdagan ang kanilang lupang tinanamnan?
A. Reclamation C. Chinampas
B. Kaingin D. Slash and Burn

7. Payak sa pamumuhay ang mga Aztec at wala silang kasangkapang pangbungkal ng


lupa o hayop na pantrabaho. Ano ang kanilang kasangkapang ginagamit sa pagtatanim?
A. Piko C. Matulis na kahoy
B. Kalabaw D. Traktor

8. Ano ang tawag ng mga kanluraning mananakop sa Africa?


A. Dark Continent C. Gold Continent
B. Great Continent D. Pure Continent

9. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai?


A. Malawak na nasasakupan C. Pananakop
B. Pakikipagkalakalan D. Malalawak na mga sakahan

10. Ano ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian?


A. Pagsasaka at pangingisda C. Pakikipagkalakalan
B. Pagmimina D. Pagpapalitan ng produkto

2
Aralin Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa
4 Pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan
Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Modyul 1 ka, napag-aralan mo ang tungkol sa Heograpiya at mga
sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman
ukol sa mga kabihasnan na umusbong sa daigdig
Marami ang nabighani sa ganda ng mga Arkitektura na matatagpuan sa Europa dahil
rito ang Europa ay isa sa mga sikat na destinasyon ng mga turista at malamang ay
papangarapin mo rin na mapadpad o manirahan sa mga lugar na ito. Marahil marami sa
inyo ang hindi pa nakakaalam na ang Europa ay tahanan ng mga klasikong kabihasnan
gaya ng kabihasnang klasikal ng Greece at Rome. Sa mga kabihasnang ito makikita natin
ang magaganda at sikat na gusali gaya ng sikat na Colosseum, Leaning Tower of Pisa at
Parthenon. Dagdag pa ang mga klasikong kabihasnan sa America, Africa at mga pulo ng
Pacific. Mahalagang malaman at makilala mo ang nasabing mga klasikal na kabihasnan
upang iyong maunawaan kung paano unti-unting umunlad ang ating daigdig mula sa
sinaunang kabihasnan, klasikong kabihasnan at sa mga sumunod pang mga pangyayari sa
daigdig.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa
pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan (AP8DKT-IIf-8);
2. Natutukoy ang mga kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan;
3. Naitatala ang mga mahahalagang kaganapan at kontribusyon ng mga klasikong
kabihasnan at;
4. Naiuugnay ang mga kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa kasalukuyan.

Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Mesopotamia?
A. Pagitan ng dalawang ilog B. Pag-aaral ng mga ilog C. Lupain ng mga ilog

2. Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Ang mga
sumusunod na bansa ay ang bumubuo nito sa kasalukuyan MALIBAN sa isa:
A. India B. Pakistan C. Oman

3
3. Saan nagsimula ang kabihasnang India?
A. Sa mga ilog ng Tigres at Euphrates
B. Sa paligid ng Indus River
C. Sa kabundokan ng Himalayas

4. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing isa sa “Seven Ancient Wonders of the
World?
A. Hanging Gardens of Babylon
B. Statue of Athena
C. Statue of Liberty

5. Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnang China ay umusbong sa


malapit sa anong ilog?
A. Huang Ho B. Zhonggou C. Indus

6. Ano ang kabihasnangnagmulasalambak ng Nile River?


A. Egypt B. China C. Mesopotamia

7. Ano ang kabihasnang kinikilalang lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan sa


America?
A. Mexico B. Mesoamerica C. Aztec

8. Ano ang unang imperyong itinatag sa daigdig?


A. Akkad B. Mali C. Songhai

9. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?


A. Harappa at Mohenjo-Daro
B. Mohenjo at Daro
C. Qatar at Oman

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Arya”?


A. Marangal B. Matapang C. Makapangyarihan

4
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: KILALANIN AT ALAMIN MO KABIHASNAN KO!
A. Panuto: Suriin ang mga arkitektura sa ibaba. Makikita natin sa mga mauunlad na
kabihasnan ang mga magagandang arkitektura na may malaking ambag sa pang araw-
araw na pamumuhay ng mga tao noon. Kilalanin ang mga larawan sa kabihasnan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba. Ilagay ang inyong mga sagot sa
espasyo.

Ilarawan kung ano ang 1 3


ipinapahiwatig ng
Ano ang iyong masasabi
hugis ng arkitektura sa
sa talento ng mga taong
larawan.___________
gumawa nito?
__________________
____________________
__________________
____________________
__4
2
Ano ang pangalan
Ano ang dahilan ng Arkitekturang
kung bakit ito ito?_____________
ipinagawa? ________________
_____________ ______
_____________
5
__________
Saan ito matatagpuan?
___________________
6 _________________
Ilarawan kung ano
ang ipinapahiwatig 8
ng hugis ng Ano ang iyong
arkitektura sa masasabi sa talento ng
larawan._________ mga taong gumawa
________________ nito?______________
_____ ____________
9
7
Ano ang pangalan ng
Ano ang dahilan kung bakit ito 10 Arkitekturang ito?
ipinagawa?________________ ________________________
_________ Saan ito
__________
matatagpuan?____________
___________________

5
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: ISANG TITIK KA LANG!
B. Panuto: Gawin ang Crossword Puzzle sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita
mula sa mga pahayag na makikita sa ibaba nito.Ilagay ang sagot sa kahon na nakalaan.

PAHALANG: PATAYO:
1. Maliliit na isla
6. Ang “diyos ng araw” ng 2. Pangkat ng mga taong magkakasamang
mga Inca. naglalakbay
7. Tumutukoy sa mga taong 3. Binansagang "Dark Continent"
nagsasalita 4. Maitim na isla
ng mga wikang nabibilang 5. Tumutukoy sa lugar sa disyerto na kung
sa Malayo-Polynesian. saan ay may tubig na bumubuhay sa
9. “Maraming Isla” halaman at hayop
6. Salitang nangangahulugang "imperyo"
8. Relihiyong lumaganap sa Timbuktu,
Africa

6
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: BIYAHE AT VLOG
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang sanaysay. Gawin ang Data Retrieval
Chart upang makuha ang mga impormasyong may kaugnayan sa aralin.

Si Vida at Vira
Jenny F. Hiyas

Si Vira at Vida ay kambal na magkapatid ngunit sila ay magkahiwalay na lumaki.


Ang ama nila ay isang Amerikano at ang ina nila ay isang Filipina. Si Vira ay lumaki
sa Amerika samantalang si Vida naman ay lumaki dito sa Pilipinas. Kahit ganito ang
sitwasyon ng dalawang kambal hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng
magandang relasyon sila sa isa’t-isa. Isang araw, nakapagpasya ang magkapatid na
magkita upang makapagbonding sila. Para sainyong kaalaman si Vira ay isang sikat
na vlogger habang si Vida naman ay isang guro.

Umaga ng Lunes dumating si Vida sa Amerika. Masayang masaya siya dahil


makikita na niya ulit si Vira at ganoon rin ang nararamdaman ni Vida. Biglang
naisip ni Vira na bakit hindi nalang sila pumunta sa mga “historical places” para
naman ma sulit din ang pag-iikot na kanilang gagawin at magiging magandang
paksa din ito para sa vlog. Gumala ang dalawang magkapatid at masayang-
masaya ang dalawa dahil alam nila na ang Amerika ay may mayamang
kabihasnan gaya ng Maya, Aztec at Inca.
Unang pinuntahan ng dalawa ang Chichen Itza na matatagpuan sa Mexico
sa kasalukuyan. Ito ay isang piramide na katulad ng Pyramid of Egypt. Ang
Chichen Itza ay ipinatayo sa panahon ng kabihasnang Maya. Tuwang-tuwa ang
dalawa habang pinag-usapan nila ang kanilang nalalaman tungkol sa
kabihasnang Maya habang kinukunan ito para sa vlog. Namangha ang dalawa
dahil sa laki, ganda at detalye ng pagkagawa ng nasabing arkitektura. Si Vida ay
biglang nagtanong sa namamanghang kapatid.
Vida: Vira alam mo ba na malaking papel ang ginampanan ng piramide sa buhay
ng mga tao noon?.
Sumang-ayon si Vira naisip niya na malamang malaki ang naging ambag nito sa
lipunan. Nakikita ni Vira sa kasalukuyan na ang arkitektura ay nakakapag-
ingganyo ng maraming turista na siya ring ikinabubuhay ng marami sa mga
mamamayan na naninirahan dito.
Vira: Ano naman ang naging papel ng mga piramide noong unang panahon?,
Vida: Ang mga piramide ay naging sentro ng mga pamayanan. Ito ay itinuturing
na tahanan ng kanilang diyos, dito isinasagawa ng mga tao ang panrelihiyong
seremonya.
7
Nagtungo ang dalawang magkapatid sa isa pang sikat na distinasyon walang iba
kundi ang Peru, kung saan matatagpuan ang tinaguriang “Lost City of the Incas” ang
sikat na Machu Picchu. Nakita nila na ang Machu Picchu ay isang pamayanan na ang
mga estruktura ay gawa sa mga bato gaya ng piramide. Mayroon din silang maayos na
sistema ng pinagkukunan ng tubig, na malamang ay ginagamit ng mga sinaunang tao
para sa pagtatanim na kanilang ginagawa gaya ng Chinampas o mga artipisyal na pulo
na tinatawag na “floating garden”.

Naalala ng kambal na mayroong ginawang pelikula tungkol sa katapusan ng


mundo na ang pamagat ay “2012”. Sinasabi na magwawakas ang mundo sa taong 2012
dahil ang Mayan Calendar ay nagtatapos sa taong ito. Natawa ang dalawa sapagkat
naging usap-usapan ang pelikula at maraming tao ang nag-alala.

Masayang ipinaliwanag ni Vida na isa siya sa mga researchers nanapiling


imbitahan para makapunta sa Afrika. Lumipad ang dalawa kasama ang mga kasamahan
ni Vida patungo Africa. Iprenesenta ni Vida ang kaniyang bagong research na may
pamagat na “Ang uri ng Pamumuhay ng Tao sa mga Pulo ng Polynesia, Melanesia at
Micronesia at Paano Ito Naging Salik sa Pag-unlad ng Ekonomiya”.
Pinuntahan ng dalawa ang Sahara Desert at hindi pinalampas ang pagsakay sa
kamelyo. Noong unang panahon ay kamelyo na ang isa sa mga paraan ng
transportasyon lalong-lalo na sa pagdadala ng mga kalakal. Kalakalan ang pangunahing
hanapbuhay ng mga taga Africa. Ang Africa ay tahanan ng Sahara Desert na
pinakamalaking disyerto at napakainit ng klima dito. Hindi rin angkop ang lupa para sa
pagsasaka kaya nakikipagkalakalan ang mga tao sa ibang lugar. Ang magkapatid ay
lubos na nagpapasalamat at nasaksihan nila ang kakaibang ganda ng kalikasan ng
Africa.
Maraming nag-abang sa bagong upload ni Vira sa social media. Bilang
pasasalamat ng magkapatid sa patuloy na suporta ng mga subscribers at viewers ni
Vira. Si Vira ay nagbigay ng pasulit sa mga loyal niyang tagasunod. Nagbigay din siya
ng mga rubrics upang maayos na mabigyan ng gantimpala ang maswerteng mananalo.

DATA RETRIEVAL CHART


KABIHASNAN KONTRIBUSYON DEKSRIPSYON
1. America

2. Africa

3. Mga Pulo ng Pacific

Pamprosesong mga tanong:


1. Tungkol saan ang sanaysay?
2. Paano pinahalagahan ng dalawang karakter sa kuwento ang mga klasikal na
kabihasnan?
3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga kabihasnang klasiko?

8
Pagyamanin
Gawain 4: KABIHASNAN KO, PAG-ISIPAN MO!
Panuto: Mag-isip ng mga ambag o kontribusyon ng mga klasikal na kabihasnan at
sagutin ang mga tanong nakalahad sa ibaba.

Kabihasnang klasikal Mga Ambag o Kontribusyon sa


Larangan ng:

1. Maya Pamahalaan:
Sining:
Arkitektura:
Relihiyon:

2. Aztec Pamahalaan:
Sining:
Arkitektura:
Relihiyon:

Pamahalaan:
3. Inca Sining:
Arkitektura:
Relihiyon:

Pamahalaan:
4. Africa Sining:
Arkitektura:
Relihiyon:

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang masasabi mo sa mga isinulat mong mga sagot?
2. Nararapat bang pahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga klasikal
na kabihasnan? Bakit?
3. Paano mo mapapahalagahan ang mga kontribusyon na
klasikalnakabihasnan?

9
Isaisip

Mga klasikal na kabihasnan ng


MESOAMERICA, AFRICA at PULO SA PACIFIC

Iugnay ang mga ambag ng klasikal na kabihasnan sa kasalukuyan

KABUHAYAN PAANO NAKAKATULONG?

CHINAMPAS Ang Chinampas ay malaking tulong sa


mga magsasaka. Sa pamamagitan nito
-artipisyal na pulo na kung tawagin na dadagdagan ang mga lupain na
ay “floating garden”. tinataniman nila sa paglikha ng mga
artipisyal na pulo.

ARKITEKTURA PAANO NAKAKATULONG?

PYRAMID OF KUKULCAN-ipinagawa Malaki ang naging papel ng pyramid na ito


ang templo para dausan ng sa buhay ng mga tao. Dito nila isinasagawa
seremonyang panrelihiyon. ang mga ritwal na panrelihiyon. Gaya sa
kasalukuyan bilang bansang Kristiyano, tayo
ay pumupunta sa ating simbahan at ditto
nagdarasal.

PANINIWALA

10
Isagawa

Gawain sa Pagkatuto Blg.5: IGUHIT MO, KABIHASNAN KO!


Panuto: Gumawa ng isang poster at bigyang-pansin ang mga batayan sa
pagmamarka nito na nakalahad sa ibaba.

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng tema tungkol sa


pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga kabihasnang klasiko sa daigdig.
Ilagay ito sa long bondpaper.

Batayan ng pagmamarka:

Pagigingorihinal = 30%

Kaangkupan sa Konsepto = 50 %

Pagkamalikhain = 20 %

100%

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo
ang pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangunahing kabuhayan ng mga
Micronesian?
A. pagtatanim ng niyog at pandan
B. pagmimina ng mgaginto at diyamante
C. pagpapalitan ng produkto
D. pagbibinta ng mgakalakalsamgakaratiglugar

2.Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai?


A. Pagkakaroon ng malawak na nasasakupan
B. Dahil sa heograpiya nito hindi angkop ang lupain sa pagsasaka
C. Pananakop sa mga mahihinang bansa
D. Malalawak na mga sakahan at lupain

3. Bakit tinatawag na dark continent ang Africa?


A. Saganasalangis ang mgalupainsa Africa
B. Maitim ang kulay ng mgalupainsa Africa
C. Dahil maitim ang mgataongnaninirahandito
D. Dahil hindiitonagalugadkaagad ng mgaKanluranin

11
4. Payak sa pamumuhay ang mga Aztec at wala silang kasangkapang pangbungkal
ng lupa o hayop na pantrabaho. Ano ang kanilang kasangkapang ginagamit sa
pagtatanim?
A. Gumagamit sila ng mga metal gaya ng piko
B. Gumagamit sila ng bato
C. Gumagamit sila ng matulis na kahoy
D. Traktor ang kanilang ginagamit

5. Ano ang ibigsabihin ng Chinampas?


A. Tawag sa pagpapalawak ng lupain sa isang siyudad
B. Tawag sa proseso ng pagsunog sa kagubatan
C. Tawag sa proseso ng pagtabon ng mga Aztec ng lupa sa mga sapa
D. Slash and Burn
6. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang
pamumuhay?
A. Dahil hiwalay ito sa ibang kalapit na lugar
B. Dahil napapaligiran ito ng mga kabundukan
C. Dahil sa lokasyon nito sa Timog na dulo ng Trans-Sahara
D. Dahil sa magandang lokasyon ng pagsasaka at paghahayupan

7. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?


A. Pagmimina ng mga ginto at mamahaling bato
B. Pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop
C. Pangunahing kabuhayan ay ang pangingisda at pagsasaka
D. Pagbebenta ng mga kalakal sa ibang bansa

8. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana?


A. Ang pabebenta ng mga kalakalgaya ng ginto at diyamante
B. Ang paglusob sa mga karatig bansa at pagsakop nito
C. Ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop
D. pagmimina

9. Bakit tinatawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?


A. Dahil ito ay binubuo ng mga mangangalakal sa Sahara
B. Dahil nanggaling sa Sahara ang lahat ng mga kalakal
C. Dahil mga taga-Sahara ang lahat ng mga mangangalakal
D. Dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara

10. Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay
inabanduna o iniwan at tuluyang bumagsak ang Kabihasnang Maya. Sinasabing
walang ganap o tiyak na patunay o paliwanag kung bakit bumagsak ang
Kabihasnang Mayan. Ang mga sumusunod ay ang mga maaaring dahilan sa
pagbagsak ng Kabihasnang Maya MALIBAN sa:
A. Pagkasira ng kalikasan bunga ng Climate Change
B. Paglaki ng populasyon dahil sa kawalan ng Family Planning
C. Patuloynadigmaan at pag-aagawan ng teritoryo.
D. Paglaganap ng epidemya gaya ng bulutong at mga sakit

12
Karagdagang Gawain

Gawain sa Pagkatuto Blg.7: ALAM KO NA!


Panuto: Ilahad ang iyong mga natutunan at mga napagtanto sa arali at paksang
nakapaloob sa modyul na ito.

EXIT VISA AKING NAPAGTANTO


3-2-1 chart Share To Many

Marami ka na bang natutunan sa Binabati kita! Malugod at ikina-gagalak


modyul na ito? Tingnan at alamin namin ang iyong matagumpay at
natin sa pamamagitan nitong 3-2-1
chart. makabuluhan na pagsagot sa modyul na
ito.
Nagkaroon ka na ng sapat na kaalaman
3 pinakamagandang natutunan ko
1. ____________________________ tungkol sa paksa at aralin ng modyul na
2. ____________________________ ito at makatutulong ang iyong pag-unawa
3. ____________________________
sa magiging desisyon mo sa totoong
buhay.
Ibahagi ang iyong personal na mga ideya
2 nakakuha ng aking atensyon
1. _____________________________ sa mga sumusunod:
2. _____________________________ Natutunan ko na _______________

Napagtanto ko na _______________

1 gusto ko pang matutunan at alamin Gagamitin ko ito sa _____________


1. _____________________________

13
Susi sa Pagwawasto
8.Islam
10. A 10.A 10.D
6.Inca
9. B 9. A 9. D 5.Oasis
8. D 8. B 8. A 4.Melanesia
7. C 7. A 7. C 3.Africa
6. C 6. A 6. D 2.Caravan
5. C 1.Micronesia
5. D 5. A
4. C Patayo
4. C 4. B 9.Polynesia
3. A 3. B 3. D
7. Austronesian
2. D 2. A 2. B 6.Inti
1. D 1. A 1. A Pahiga
GAWAIN 2
Subukin Balikan Tayahin
Tuklasin

Sanggunian
Project EASE Araling Panlipunan III-Modyul 7: Kabihasnang klasikal sa Amerika at
Pacifico

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18512

https://www.slideshare.net/jaredram55/ap8-lm-q2

https://www.academia.edu/8459079/Modyul_2_ANG_DAIGDIG_SA_KLASIKAL_AT_
TRANSISYUNAL_NA_PANAHON

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

14

You might also like