You are on page 1of 15

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4
(Week 4)
Ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas
sa Heograpiya Nito
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Nasusuri ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa
Heograpiya Nito
Unang Edition 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Debisyon ng Lapu-Lapu City

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cindy I. Formentera


Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas Evelyn B. Estrera
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit: : Keno Pulo Estrera
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala: Keno Paulo Estrera
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintenden t: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 420-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
(Week 4)
Nasusuri ang Ugnayan ng Lokasyon ng
Pilipinas sa Heograpiya Nito

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng AralingPanlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Nasusuri ang Ugnayan ng Lokasyon ng
Pilipinas sa Heograpiya Nito!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng AralingPanlipunan 4 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Nasusuri ang Ugnayan ng Lokasyon
ng Pilipinas sa Heograpiya Nito!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang maligayang bati para sa iyo!


Ako’y nagagalak at napagtagumpayan mo na ang una at ikalawang aralin
sa baiting na ito. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa
bansang Pilipinas na siyang pangkalahatang pokus sa baitang na ito.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo sa pagtukoy sa mga hangganan
at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa. Mahalagang malaman din natin
ang lawak at hangganan ng teritoryo ng ating bansa.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Nasusuri ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya Nito

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng PIlipinas sa heograpiya nito;
AP4AAB-ld-6
2. Nakikilala ang limang tema ng heograpiya;
3. Naiuugnay ang lokasyon ng bansa sa uri ng klima nito sa mundo;
4. Nabibigyang halaga ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo.

Subukin
Panuto: I. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng T kung ang
sinasaad ay tama at M naman kung mali tungkol sa heograpiya ng Pilipinas.
_____1. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng panahon.
_____2. Ang Pilipinas ay napaplibutan ng mga anyong tubig lamang.
_____3. Ang Pilipinas ay kabilang sa rehiyon ng Timog-kanluran Asya.
_____4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa mababang latitude at malapit sa
ekwador.
_____5. Ang Pilipinas ay sakop sa kontinente ng Europa.

1
Panuto: II. Tukuyin kung Mabuti o Hindi Mabuti ang mga katangian ng
heograpiya nga ating bansa sa ibaba.
_____1. Ang ating bansa ay may estratihikong lokasyon para sa kalakalan sa
ibang bansa.
_____2. Ang ating bansa ay nasa daanan nga bagyo na nagdudulot ng pinsala
sa kabahayan, kabuhayan at pati buhay ng tao.

_____3. Ang ating bansa ay may maraming aktibong bulkan.


_____4. May mainam na klima para sa pagtatanim.
_____5. May masaganang likas na yaman.

Aralin
Ang Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa
4 Heograpiya nito

Masayang pagbati para sa iyo! Sa narakaang modyul napag-aralan mo


ang lawak at hangganan ng ating bansang Pilipinas. Ngayon atin namang alamin
ang ugnayan ng Pilipinas sa geograpiya nito!
Laging tandan na ang heograpiya ay may limang tema ito ang Lokasyon,
Lugar, Rehiyon, Paggalaw ng Tao at Interaksyon ng Tao at Kapaligiran.
Tara na umpisan naman nating matuto sa bagong aralin!

Balikan

Sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng _____________.
A. tao B. lupa C. Tubig D. hayop
2. Ang direksiyon ng Cambodia mula sa Pilipinas ay nasa gawing_________.
A. Hilaga B. kanluran C. Timog D. Silangan
3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _____________________
A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-silangang Asya

2
4. Ang kabuuang sukat ng lawak ng bansang Pilipinas_____
A. 1107 kilometro C. 1851 kilometro
B. 1000 kilometro D. 300 000 kilometro kuwadrado
5. Bilang ng pulo sa Pilipinas______________
A. 1,107 na pulo C. 1,200 na mga pulo
B. 1,150 na pulo D. 1,117 na mga pulo

Tuklasin

Lokasyon

Heograpiya ng Pilipinas

Mga Gabay na katanungan:


1. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
____________________________________________________________

2. Ano ang Heograpiya?


____________________________________________________________
3. Paano maiugnay ang lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya?

____________________________________________________________

3
Suriin

Heograpiya (Geography sa Greyego, geo ay “mundo” at -graphy ay “isulat”)- tumutukoy sap ag-aaral
ng mga katangiang pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang yaman, klima at aspetong pisikal ng
populasyon

➢ Matatagpuan sa kontinente ng Asya, rehiyon ng


Timog-silangang Asya

➢ May tiyak na lokasyon sa pagitan 4 digri


hanggang 21 digri Hilagang-latitud at sa
Pilipinas pagitan ng 116 digri hanggang 27 digri
Silangang-longhitud

➢ malapit sa ekwador at nasa mababang latitud


kaya “ tropical ang klimang nararanasan, may
dalawang panahon ang tag-ulan at tag-araw

➢ Iba’t-ibang direksiyon ng hangin ang


nararanasan na nagbibigay ng mga ulan at
bagyo at malamig na simoy ng hangin (
hanging habagat at amihan)

➢ Nasa typhoon belt ng pasipiko, binibisita ng bagyo


kada taon na nagdadala ng sakuna at peligro

➢ Pagkakaroon ng maraming aktibong bulkan at


pagkaranas ng paglindol dahil ang Pilipinas ay
nasa Pacific Ring of Fire.

➢ Bintana ng Timog-silangang Asya. Estratehiko ang


lokasyon nito para sa kalakalan at sa larangan ng
tanggulang Pambansa.

➢ Binubuo ng kapuluan at nagtataglay ng mga


anyong lupa at anyong tubig, may magandang
epekto ng kapuluan, ito ay nagbibigay sa bansa ng
likas yaman at magagandang kapaligiran. Ang
hindi magandang epekto ay hirap sa
pakikipagugnayan sa mga karatig pulo at mahirap
bantayan ang mga baybayin dahil sa lawak nito.

4
Pagyamanin
Panuto: Ibigay ang maganda at di magandang batay sa heograpita ng Pilipinas sa
pamagitan nga pabuo ng “diagram” sa ibaba.

HEOGRAPIYA NG PILIPINAS

Magandang Epekto:

Di-magandang Epekto:

Isaisip
Tandaan Mo:
Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo
Ang Pilipinas ay Nasa gawing
hilaga
malapit sa ekwador. nito Hongkong,
Tsina, at Taiwan.

Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa
Nasa gawing Timog-Silangang
kanluran nito Asya
ang Vietnam,
Laos, Thailand,
at Cambodia. Nasa gawin
silangan nito ang
Marianas.

Nasa gawing timog nito ang Malaysia, Brunei, at Indonesia.

Eksaktong lokasyon:
116◦-127◦ Silangan-Longhitud : 4◦ -21◦ Hilagang-Latitud

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mahalagang malaman ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo?

5
2. Anong mga karatig bansa ang makikita sa gawaing kanluran ng Pilipinas?
3. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
4. Anong mga bansa ang nasa dakong hilaga ng Pilipinas?
5. Anong klaseng ng klima meron ang Pilipinas?

Isagawa

Basahin ang maikling kwento. Pansinin ang nararamdaman ni Juan kapag


inuutusan siya ng kanyang ina.
Ang Batang si Kikoy
Ni Evelyn B. Estrera

Si Kikoy ang batang masipag at matulungin. Masaya siyang makatulong


sa mga gawain sa bahay. Isang araw inutusan siya ng kaniyang ina na pumunta
sa palayan upang tingnan ang kanilang mga palay. Masayang lumakad si Kikoy,
naalaala niya ang punong mangga na lagi niyang inaakyat tuwing naa palayan
siya.
Naku ang ganda ng panahon walang ulap sa kalangitan ang sabi ni Kikoy.
Sumasayaw-sayaw ang mga dahon ng palay sa ihip ng hangin, kumakanta kanta
ang mga ibong maya na lumilipad-lipad sa palayan. Kay sarap damhin ng hangin
na umuugoy-ugoy sa mga dahon ng mangga. Nagpasalamat si Kikoy sa
panginoon sa magandang uri ng panahon na nararanasan niya sa kanyang
buhay, hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Sagutin ang mga tanong.


1. Anong uri na bata si Kikoy?
2. Ano ang kanyang nararamdaman tuwing siya ay inuutusan ng kanyang ina?
3. Bakit nagpasalamat si Kikoy sa panginoon?
4. Dapat ba nating ipagmamalaki ang uri ng panahon meron tayo sa ating bansa?
Bakit?

6
Tayahin
Panuto : I. Basahin at intindihin ng mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng
Kung ito ay tama at kung mali.
______1. Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya may mga pagkakataong
lumilindol.
______2. Hindi mainam ang klima ng Pilipinas sa pagtatanim.
______3. Dahil sa maraming kapuluan tinatamasa ng mga Pilipino ang likas na
yaman at magagandang kapaligiran ng bansa.
______4. Ang sa heograpiya ng bansa ay nagdudulot lamang ng magandang
epekto sa mamayan.
______5. Ang tamang pangangalaga sa likas yaman ay pagpapahalaga sa ating
bansa.

II. Pagtambalin anf hanay A at hanay B.

B. A.
1. Ito ang dahilan kung bakit mahirap ang A. Tag-ulan at tag-araw
komunikasyon sa Pilipnas
B. Pacific Ring of Fire
2. Ang lokasyon na ito ay makikita sa
C. Pagiging Kapuluan
mapa:116◦-127◦ Silangan-Longhitud : 4◦ -
21◦ Hilagang-Latitud. D. Nasa typhoon belt
3. Uri ng panahon sa Pilipinas E. Tiyak na lokasyon ng
Plipinas
4. Dahilan bakit palaging may bagyo sa
F. Hanging Habagat
Pilipinas.
5. Dahil dito may maraming aktibong bulkan
ang ating bansa.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Isulat sa ikalawang hanay ang
kahalagahan ng klimang tropical sa buhay ng mga Pilipino.
Klima Kahalagahan o Mga Pwede mong Gawin sa Panahong Ito
Tag-init
Tag-ulan

7
8
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
Tel #: (032) 420-4525
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Division of Lapu-Lapu City
Department of Education
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
https://quizlet.com/147609648/heograpiya-ng-pilipinas-flash-cards/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Heograpiya_ng_Pilipinas
https://www.slideshare.net/Jazzyyy11/pagtukoy-ng-lokasyon-ng-pilipinas
Bilang Isang Bansa (Quezon City: Vibal Group, Inc.), 62-75
Gabuat, Maria Annalyn P. , Mercado, Michael M. and Jose, Mary Dorothy dL. , Pilipinas
Corporation,2006), 38-45
Palu-ay, Alvenia P. ,Makabayan Kasaysayang Pilipino(Quezon City: LG and M
Sanggunian
Subkin: Tuklasin:
I. 1. T II. 1. Mabuti 1. Sa tiyak na lokasyon na 4 digri – 21 digri Hilagang Latitud at
2. M 2. Hindi Mabuti 116 digri – 27 digri Silangang Longitud
3. M 3. Hindi Mabuti 2. Heograpiya tumutukoy sap ag-aaral ng mga katangiang
4T 4. Mabuti pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang yaman, klima at
5. M. 5. Mabuti aspetong pisikal ng populasyon.
3. Ang lokasyon ng Pilipinas ay napakahalaga upang matukoy
ang heograpiya ng basa.
Pagyamanin: Tayahin:
Magandang Epekto: Masamang Epekto: I. 1. √
➢ Tropikal na Klima na ➢ Nasa Pacific Ring of Fire at 2. X
mainam sa typhoon belt nagdala ng 3. √
pagtatanim paglindol at bagyo na 4. X
➢ Sagana sa likas maaaring magdulot ng 5. √
yaman sakuna
➢ Estratihikong ➢ Mahirap na kominikasyon II. 1. C
lokasyon para sa dahil sa mga kapuluan 2. E
pandaigdigang ➢ Etc. 3. A
kalakalan 4. D
➢ Etc. 5. B
Susi sa Pagwawasto

You might also like