You are on page 1of 20

4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Ugnayan ng Lokasyon ng
Pilipinas sa Heograpiya
Nito

i
Araling Panlipunan – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya Nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricor L. Alforque
Editor: Name
Tagasuri: Mary Abegail S. Baclayon
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Joan L. Pajarilla
Tagapamahala: Ronald G. Gutay, Allan B. Matin-aw, Mary Jane J. Powao, Aquilo A. Rentillosa,
Cristina T. Remocaldo, Elena C. Labra, Ryan B. Redoblado

Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division Department of Education – Region VII


Central Visayas
Office Address: Department of Education-Carcar City Division (Learning
Resources Management Section)
Telefax: (032) 4878495
E-mail Address:carcarcitydivision@yahoo.com

ii
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 4:
Ugnayan ng Lokasyon ng
Pilipinas sa Heograpiya Nito

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 4) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling, Ugnayan ng
Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya Nito.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 4) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas
sa Heograpiya Nito.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


AlaAlamain mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Su Subukin
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


B Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
T T Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

v
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isa Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
I Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
T Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Ga Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

S Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sa Sanggunian: pinagkuhanan sa paglikha
o paginang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.

vi
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo. Ito ay tutulong


sa iyo para matutunan mo ang kaugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa
heograpiya nito. Ang modyul na ito ay maaring magagamit sa paaralan o
sa bahay. Inaayon at isinasaayos ayon sa nararapat na pamantayan ang
mga aralin na napapaloob dito.

Ang modyul na ito ay may aralin tungkol sa:


• Ugnayan ng Lokasyon ng Pilipinas sa Heograpiya Nito

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Makakasuri sa ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya
nito.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Markahan ng


tsek (/) ang kahon na nagpahayag na nagsasabi ng katotohanan tungkol
sa Pilipinas at heograpiya nito ekis (x) naman ang ilagay kung ito ay mali.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog- Silangang Asya.


2. Binubuo ng mahigit 7, 107 na malalaki at malilit na mga
isla ang bansa.
3. Ito ay tinagurian ding, “Pintuan ng Asya” dahil sa lokasyon
nito.
4. May katangi-tanging heograpiya ang bansa.
5. Hindi importanteng mapag-aralan ang heograpiya ng
bansa.

1
Aralin
Ugnayan ng Lokasyon ng
4 Pilipinas sa Heograpiya Nito

Mahalagang malaman natin ang kaugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa


heograpiya nito. Nararapat lang na ang isang Pilipino ay may alam sa
bansang kaniyang tinitirahan.

Balikan

Panuto: Ano- ano ang mga Anyong Tubig ang nakapalibot sa ating
bansa? Isulat sa patlang ang mga Anyong Tubig na matatagpuan sa mga
sumusunod na direksiyon.

https://www.kindpng.com/imgv/ibhTxxi_transparent-
background-philippine-map-png-png-download/

2
Mga Tala para sa Guro
Ano ang nais mong iparating sa iyong guro?

3
Tuklasin

Magandang tanong iyan,


Juan!
Hanapin natin didto sa
aklat, upang malaman
Gng, Reyes, ano ninyo!
kaya ang
kaugnayan ng
lokasyon ng
Pilipinas sa
heograpiya nito?

https://www.freepik.com/premium-vector/kids-boy-girl-study-with-teacher_6192702.htm

4
Suriin

Ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan.


Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na 7,107 mga
pulo na mahahati sa tatlong bahagi: Luzon, Visayas
at Mindanao. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng
daigdig. Kabilang ito sa lupalop o kontinente ng Asya.

Heograpiya
Ang Pilipinas ay bansang nakahimlay sa
rehiyong tropical at may 100 kilometro ang layo mula
sa kontinente ng Asya. Ito ay matatagpuan sa pagitan
ng 116˚ at 127˚ silangang longhitud, at 4˚-21˚
hilagang latitud. Dahil sa lokasyon ng bansa ito ay
tinagurian ding “Pintuan ng Asya”. Mainit at
maalinsangan ang klima ng Pilipinas tuwing tag-araw
na magsisimula mula Pebrero hanggang Mayo.
Samanatalang mahalumigmig kung tag-ulan tuwing
Hunyo hanggang Setyembre. Magsisimulang umihip
ang hanging Amihan pagdating ng Oktubre,
bagaman ang ilang bahagi ng kapuluan ay
makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan.
Angkop na angkop ang naturang klima para sa
pagsasaka, paghahayupan, pagbubuo ng industriya,
at kahit sa paglalakbay.
http://phipress.blogspot.com/2012/08/heograpiya-at-kasaysayan-ng-pilipinas.html

5
Iba-iba ang topograpiya ng bawat rehiyon, may
mga matatarik na bundok na mkikita sa iba’t-ibang
dako ng bansa. Mayroon ding mahahabang hanay
ng mga kabundukan. Taglay din ng bansa ang
malalapad na mga kapatagan. Ito’y mayroon ding
mga kagubatan na pinamamahayan ng mga iba’t-
ibang hayop at halaman.
Mayroon din itong iba’t-ibang anyong tubig na
nagbibigay buhay sa mga pananim at mga hayop na
ditto naninirahan.
Ang heograpiya ng Pilipinas ay isa sa mga
aspetong nagbibigay ng kagandahan at hiwaga ng
bansa kaya ito dinarayo ng mga turistang dayuhan at
local na nagbibigay kabuhayan sa mga
mamamayan.

6
Pagyamanin

Panuto: Isulat ang nawawalang salita upang mabuo ang pahayag sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit-kumulang ____________ na
mga malalaki at maliliit na mga pulo.

2. Ang Pilipinas ay kabilang sa kontinenteng ______________.

3. Saang bahagi ng bansa matatagpuan ang Kipot ng Luzon?

4. Ito ay isang pag-aaral sa katangiang pisikal ng bansa.

5. Ang Pilipinas ay tingurian ding ______________ dahil sa lokasyon


nito.

7
Isaisip

https://www.freepik.com/premium-vector/happy-cute-little-kids-boy-girl-study-with
teacher_6854112.htm#page=1&query=teacher%20with%20kids&position=15

8
Isagawa

Panuto: Mag- iisip ng mga sitwasyon na magpapatunay na may


kaugnayan sa lokasyon ng bansa sa heograpiya nito. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon.

https://www.kindpng.com/imgv/ixoRRwR_png-pinterest-bullet-lined-paper-clipart-transparent-png/

9
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga katanungan sa bawat bilang at isulat ang titik
ng tamang sagot sa inyong kwaderno.
1. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog- kanluran
B. Hilagang- silangan
C. Timog- silangan
D. Timog-kanluran
2. Bakit tinaguriang “Pintuan ng Asya” ang Pilipinas?
A. Dahil masyado itong malapit sa ekwador.
B. Dahil sa kinalalagyan nito sa rehiyong asya.
C. Dahil napakaraming pulo ang bumubuo nito.
D. Dahil napakaraming pinto sa bansa.
3. Bakit kailangang pag-aralan ang heograpiya ng isang bansa?
A. Upang malaman kung gaano ito kalayo mula sa ekwador.
B. Upang malaman kung papano ito mapuntahan.
C. Upang malaman ang katangiang pisikal ng bansa.
D. Upang matukoy kung ito ba ay maganda o hindi.
4. Bakit dinarayo ng mga turista ang bansa?
A. Dahil sa maganda at katangi-tangi nitong heograpiya.
B. Dahil nahahalina sila sa mga bulkang dito lang makikita.
C. Dahil mura lamang ang pamasahe papunta dito.
D. Dahil marami ditong pasyalan katulad ng mga “malls.”
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng
katotohanan tungkol sa kaugnayan ng lokasyon sa heograpiya ng
bansa?
A. Dahil sa lokasyon ng bansa nagkakaroon ito ng kaaya-aya at
kakaibang heograpiya.
B. Walang kinalaman ang lokasyon ng bansa sa heograpiya nito.
C. Hindi tiyak ang lokasyon ng bansa kaya hindi rin tiyak ang
heograpiya nito.
D. Lahat na nabangit sa itaas ay tama.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Ang Pilipinas ay bansang binubuo ng mahigit- kumulang


(1) ________________ na mga malalaki at maliliit na mga pulo.
Ito ay matatagpuan sa (2) ____________________ Asya.
Ito ay matatagpuan sa pagitan ng silangang longhitud, at
4˚-21˚ hilagang latitude. Nasa hilaga nito ang kipot ng Luzon; ang
Karagatang Pasipiko sa (3) ________________; ang Dagat
Kanlurang Pilipinas at Dagat Sulu sa kanluran at ang dagat (4)
___________________ sa timog.
Naroon ang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa at
ang Malaysia naman sa timog-kanluran. Sa silangan makikita
ang Palau at sa hilaga matatanaw ang Taiwan.
Dahil sa lokasyon ng bansa ito ay tinagurian ding (5)
__________________________.

11
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN


1. T Ang iyong guro na ang 1. 7 107
bahala sa pagtatama ng
iyong sagot sa parteng
2. T ito 2. Asya
3. T 3. hilaga
4. T 4. heograpiya
5. M 5. Pintuan ng Asya
ISAGAWA TAYAHIN KARAGDAGANG
GAWAIN
Ang iyong 1. C 1. 7, 107
guro na ang 2. B 2. Timog Silangan
bahala sa 3. C 3. Silangan
pagtatama 4. A 4. Celebes
ng iyong 5. A 5. Pintuan ng Asya
sagot sa
parteng ito

12
Sanggunian

K to 12 Araling Panlipunan 4, Kagamamitan ng Mag-aaral, pp. 9-10.

http://phipress.blogspot.com/2012/08/heograpiya-at-kasaysayan-ng-
pilipinas.html
https://www.kindpng.com/imgv/ibhTxxi_transparent-background-
philippine-map-png-png-download/
https://www.freepik.com/premium-vector/kids-boy-girl-study-with-
teacher_6192702.htm
https://www.freepik.com/premium-vector/happy-cute-little-kids-boy-girl-
study-with-
teacher_6854112.htm#page=1&query=teacher%20with%20kids&positio
n=15

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Carcar City Division ( Learning Resources


Management Section)

P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu, Philippines 6019

Tel. No.: (032) 487-8495

Email Address: carcarcitydivision@yahoo.com

13

You might also like