You are on page 1of 36

8

10 Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 4: Pagkamulat:
Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at Amerikano
AP8PMD-IIIi-9
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan
Sa Rebolusyong Pranses at Amerikano
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aniceta B. Cortes
Tagaguhit: Cecil R. Dalisay
Tagalapat: Daisy H. Cruz
Tagasuri: Belinda DG. Bermido
Editor: Marcelino S. Cosico

Tagapamahala:
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Educational Program Supervisor – LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Virgilio L. Laggui, PhD
EPS-Araling Panlipunan
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Joannarie C. Garcia
Librarian II of Education, Schools Division of Bulacan
Department
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound Guinhawa St. City of Malolos, Bulacan
Email address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagkamulat: Kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at
Amerikano
AP8PMD-IIIi-9
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling ukol sa Pagkamulat: Kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Rebolusyong Pangkaisipan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na may kaalaman. Laging itanim sa iyong isipan
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw. Ako si Pepe, ang katuwang mo sa


pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Ang modyul na
ito ay nagpapamalas ng malawak at malalim na
pang-unawa sa kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano

Kamusta, at ako naman si Pilar. Ang modyul na ito


ay nahahati sa mga sumusunod na aralin:
• Aralin 1: Rebolusyong Pangkaisipan
• Aralin 2. Rebolusyong Amerikano: Sanhi,
Karanasan, at Implikasyon.
• Aralin 3: Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno ng
Karaniwang Uri.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiiisa-isa ang mga personalidad na nakilala sa rebolusyong


pangkaisipan;
2. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng rebolusyong pangkaisipan ng
mga rebolusyong Pranses at Amerikano;
3. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng
nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Salitang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan


A. rebolusyon B. kaisipan C. teorya D. katuwiran

2. Panahon kung saan nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reson o katwiran sa
pagsagot ng mga suliraning panlipunan, pang ekonomiya at pampolitikal.
A. Enlightenment B. Renaissance C. Philosophes D. Liberal

3. Nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang politika, drama, kasaysayan.,


pilosopiya at kasaysayan. Kilala siya sa tawag na Voltaire
A. Denis Dederot B. Froncois Marie Arouet
C. Thomas Hobbes D. Jean Jacques Rousseau

4. Tawag sa mga taong naniniwala sa ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng
yaman.
A. physiocrat B. Laizzes faire
C. aristocrat D. middle class

5. Binigyang diin ng kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi


nararapat pakialaman ng pamahalaan
A. Merkantilismo B. Bullionismo C. Laizzes faire D. Rebolusyon

6. Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na ang pangunahing layunin ay


pag-isahin ang kontinente ng Europe
A. Repormasyon B. Napoleonic Wars
C. Digmaan sa Waterloo C. Battle of Ulm

7. Nagpakilala ng ideyang balance of power na kumikilala sa pagkakahati ng tatlong


sangay ng pamahalaan ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura
A. Baron de Montesquieu B. John Locke
C. Francois Marie Arouet D. Thomas Hobbes

8. Batas na ipinasa ng Parliamento noong 1765 na naglalayong magdagdag ng buwis


para sa pamahalaan ng Britanya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
selyo sa mga produkto na dadalin sa Britanya mula sa mga kolonya.
A. Boston Act B. New York Stamp C. Stamp Act D. Moscow Act

9. Kinilala sa kanyang kahusayan sa pagsusulat ng mga sanaysay na nagbibigay


pagpapahalaga sa kahalagahan ng kalayaang indibidwal (individual freedom)
A. Voltaire B. Mary Wallstonecraft
C. Jean Jacques Rousseu D. Napoleon Bonaparte

2
10. Taong 1808 nagkaroon ng digmaan laban sa pamamahala ng Pranses sa Spain at
Portugal, ang Napoleonic war na ito ay mas kilala sa tawag na______________
A. Insular War B. Reign of Terror
C. Peninsula War D. Scandinavian War

11.Tawag sa grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na


naniniwalang ang katuwiran o reason ay mahalagang aspeto magagamit sa
pamumuhay.
A. Philosophes B. Physicrats C. Bourgeoisie D. Creole

12. Ang mga sumusunod ay ang mga pinagsama-samang pwersa ng mga bansang
tumalo kay Napoleon Bonaparte MALIBAN sa:
A. Russia B. Great Britain C. Unites States D. Austria

13. Haring naluklok na emperador ng France matapos maipatapon si Napoleon


Bonaparte sa St. Helena
A. Louis XVIII B. Louis XV C. Louis XIII D. Louis XX

14. Isang mahusay na manunulat at manananggol na sumulat ng Deklarasyon ng


Kalayaan ng Amerika
A. Thomas Jefferson B. Maximilien Robespierre
C. Abbe Sieyes D. Geoges Danton

15. Ilan ang kolonya ng British na bumubuo sa North America?


A. 18 B. 15 C. 16 D. 13

3
Aralin

1 Rebolusyong Pangkaisipan

Balikan

Sa bahaging ito, ating balikan ang iyong mga nalalaman ukol sa mga
nakaraang aralin. Tukuyin at isulat ang titik RS kung ito at tumutukoy
sa Rebolusyong Siyentipiko, PE kung panahon ng Enlightenment at RI
kung Rebolusyong Industriyal

____________1. Thomas Alva Edison ____________6. Galileo


____________2. Nicolaus Copernicus ____________7. John Locke
____________3. Alexander Graham Bell ____________8. Johannes Kepler
____________4. Francis Bacon ____________9. Voltaire
____________5. Samuel B. Morse ____________10. Eli Whitney

Tuklasin
Kaisipan sa Kasaysayan
ni: Daisy H. Cruz

Enligtenment ang tawag sa Rebolusyong Pangkaisipan


Mga kaisipang pumukaw sa ating kamalayan
Binigyang diin paggamit ng katuwiran
Pilosophes ang nagsulong ng kamalayan

Halina’t ating kilalanin mga tao sa nasabing panahon


Handog ay kaisipang pinanday ng kasaysayan
Nariyan si Baron de Montesquieu
Balance of Power ang kaisipang pinagyaman

Pahuhuli ba ang manunulat na si Voltaire


Higit 70 aklat kanyang nasulat
Gayundin ang mahusay na si Denis Diderot
Encyclopedia ang kanyang gamay

4
Si Jean Jacques Rousseau indibidwal na kalayaan kanyang isinulong
Pagkat tamo niya kahalagahan nitong tunay
Ang magkaibang kaisipan ni Hobbes at Locke
Ang nagpakulay sa pamahalaang nararapat

Magkakaiba man ang paniniwala at kagalingan


Sang-ayon man o hindi
Bukas ang mga kaisipang
Nagpapamalas ng kahusayan

Pamprosesong mga tanong


1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2. Sino-sino ang mga taong nabanggit sa tula?
3. Tukuyin ang mahahalagang kaisipan ng mga taong nabanggit.
4. Pumili ng isang kaisipan at ipaliwanag ang halaga nito sa kasalukuyang
panahon.

Suriin

Kahulugan ng Rebolusyong Pangkaisipan

Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay tumutukoy sa


mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan.
Nagdudulot ng pansamantalang kaguluhan sa mga
taong nasanay sa tahimik at konserbatibong
pamumuhay. Tinatawag na din ito bilang Panahon ng
Kaliwanagan o Enlightenment. kaisipang iminungkahi
ng mga pilosopo.

Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o


katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa
batayang
Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao
sa larangang pangkabuhayan, pampolitika,
panrelihiyon, at maging sa edukasyon.

5
Kaisipang Politikal

• Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika- 18 na


siglo (1700s).

• Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si


Baron de Montesquieu dahil sa kaniyang
tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang
nararanasan sa France ng panahong iyon.

• May akda ng “The Spirit of the Laws” (1748),


tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang
namayani sa Europe. Hinangaan niya ang mga
British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng
pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay
nililimitahan ng parliament.

• Kinilala ang kaisipang balance of power na


tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng
pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo,
lehislatura, at hudikatura). Ayon sa kanya, ang
paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay
nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa
pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Philosophes

Isang pangkat ng tao na nakilala sa France noong kalagitnaan ng ika-8 siglo na tinawag
na philosophes na naniniwala sa paggamit ng katuwiran o reason sa lahat ng aspekto
ng buhay, tulad ni Sir Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham.

Limang mahahalgang kaisipan ang bumubuo sa pilosopiya ng mga Philosophes;

1. Paniniwala na ang katotohanan (truth) ay maaring malaman sa paggamit


nga katwurian, ayon sa Philosophes ang katuwiran ay ang kawalan ng
pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay.
2. Paggalang sa kalikasan (nature) ng isang bagay, ang likas o natural ay
mabuti. Naniniwala rin sila na may likas na batas (natural law) ang lahat
ng bagay. Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod, ang
ekonomiya, at politika ay gayon din.
3. Paniniwalang ang kaligayahan ay matatagpuan ng mga taong sumusunod
sa batas ng kalikasan at ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan
sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin
ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa
kabilang buhay.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring
umunlad kung gagamitin ng “makaagham na paraan”.
5. Pagnanais ng kalayaan tulad ng mga British, ninais nilang maranasan
ang kalayaan sa pag papahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan,
at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang
reason.

6
Ilan sa maimpluwensiyang philosophes

• Nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang


Francois Marie Arouet kasaysayan,pilosopiya, politika, at maging drama. Madalas
o Voltaire gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga
katunggali tulad ng pari, aristocrats, at maging
pamahalaan.
• Ilang beses na nakulong dahil sa tahasang pagtuligsa at
ipinatapon sa England ng dalawang taon na kaniyang
nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. Nang
makabalik sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos
sa batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong
Kristiyanismo.
• Nagkaroon man siya ng maaring kaaway dahil sa kanyang
opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang
matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at
pagpili ng relihiyon at tolerance.
• Nagmula sa isang mahirap na pamilya, kinilala dahil sa
Jean Jacques kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay
Rousseau sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibiduwal o
individual freedom. Naniniwala na ang pag-unlad ng
lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa kabutihan
ng tao.
• Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao, nagiging masama
lamang sa impluwensiya ng lipunan na kaniyang
kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang
sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pag-kakapantay-
pantay. Binigyang diin ang kasamaan ng lipunan o evils of
society ay mula sa hindi pantay na distribusyon ng yaman
at labis na kagustuhan sa pagkamal nito.
• May akda ng aklat na The Social Contract, nakapaloob dito
na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung
ito ay nilikha ayon sa “pangkalahatang kagustuhan”
(general will). Samakatuwid isinusuko ng tao ang kanyang
will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang akdang ito ang
naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France.

Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal

Denis Diderot • Pinalaganap niya ang ideya ng mga philosophe sa


pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na
Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa. -
Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng
mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong
kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya, at
relihiyon.
• Binatikos niya ang Divine Right at ang tradisyunal na
relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at
simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan
ang mga Katolikong bibili at babasa nito.

7
Denis Diderot • Sa Kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na
20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-
1789.Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap
ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe
kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at
Africa.

Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment

“Kalayaan at pagkakapantay-pantay”
.m
• Ang islogang ito ay tinitingnan ng mga philosophes na hindi akma sa
kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan
kung ihahambing sa kalakalan.

• Nagbago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo nang


magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon
nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan.

Sa akdang ‘A Vindication of the Rights of the Woman’ ni Mary Wallstonecraft ay hiningi


niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan
upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan. Na
sinasabing naimpluwensyahan ng mga kaisipang isinulat ni Catherine Macaulay.
Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw:
naisatinig sa panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan.

Kaisipang Pang-ekonomiya

Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito.


Kinuwestiyon ang nakagisnang sistema ng Merkantilismo kung saan ibinatay ang
yaman ng isang bansa ay naayon sa dami ng ginto at pilak. Sa panahong ito kinilala
ang polisiyang laissez faire na isang kaisipang ng malayang daloy ng ekonomiya na
hindi pinakikialaman ng pamahalaan.

Sa ilalim ng sitemang ito, tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan
ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman at tinawag na physiocrats ang mga
naniwala at nagpalaganap ng ganitong kaisipan.

Francois Quesnay • Isang ekonomistang Pranses na naniniwala sa doktrina


ng malayang ekonomiya at sa kahalagahan ng
kalikasan sa pag-unlad ng ekonomiya (Rule of Nature).

• Ayon sa kanyang akda na Tableau économique" o


Economic Table - upang magkaroon ng balanse at
ekwilibriyong ekonomiya kailangang gamitin ng wasto
ang likas na yaman upang umunlad. Noong 1758, ang
naging pundsasyon ng mga kaisipan ng mga
Physiocrats.

8
Adam Smith • Isang ekonomistang Ingles na may akda ng Wealth of
Nations
• Ayon kay Smith, kailangan ang produksiyon upang
kumita ang tao, at ipinanukala niya na ang market o
pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang
hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
• Tungkulin ng pamahalaan ang proteksiyunan ang
mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at
pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko
tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng
mga tulay at kalsada.

Aralin
Rebolusyong Amerikano: Sanhi,
2 Karanasan at Implikasyon

• Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika na lalong kilala sa katawagang


Rebolusyong Amerikano

Sanhi: Labis na pagbubuwis.

• Nagsimula nang ang mga Ingles na migrante sa Timog Amerika


ay nagrebelde sa labis buwis na ipinataw ng Parliamentong Ingles
dahil sa kawalan ng kinatawan upang sabihin ang kanilang
hinaing
Karanasan:

• Noong 1776 nagdeklara ng paglaya sa mga Ingles at nagbuo ng


isang malakas na hukbo na siyang tagapagtanggol sa British.
• Ang pagnanais na makamit ang kalayaan ay nagresulta sa
pagbuo ng United State of America.
• 1775 nagsimula ang digmaan sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog
Amerika at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na
naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan
Implikasyon:
• Nagbigay daan sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa
France at sa isang madugong himagsikan noong 1789.
• Malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng
Europe at iba pang panig ng mundo. Iniwan nito ang tatlong
mahahalagang prinsipyo ng pagbuo ng isang nasyon-estado; ang
kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran

9
Ang Labintatlong Kolonya

Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang


lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong
ika-17 na siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas
ng persecution dahil sa kanilang bagong
pananampalataya na resulta ng Repormasyon at
Enlightenment sa Europe. Sa kalagitnaan ng ika-18
na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay
na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay
Massachusetts at sa timog ng Georgia. Bawa’t isa sa
kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan.

Walang Pagbubuwis Kung Walang


Representasyon

• Walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London ang mga kolonya, kaya’t


sila ay nagprotesa sa pagbabayad ng buwis na ipinapataw sa kanila.
• Ang islogan na naging paborito nila ay “Walang pagbubuwis kung walang
represenatsyon”
• Nooong 1773 isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga
katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng Ingles.
• Itinapon ang tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor sa
Massachusetts, sila’y nagprotesta dahil sa ipinataw na buwis sa tsaa na
inaangkat ng mga kolonya. Ang pangyayarin ito ay nakilala sa kasaysayan bilang
“Boston Tea Party”

Stamp Act -ipinasa noong 1765 ng parliamento na nagdagdag ng buwis para sa


pamahalaan ng Britanya. Isinagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.

Mga pangyayari sa Rebolusyong Amerikano:

Unang Kongresong Kontinental

Binuo ng 13 kolonya ang Ang Unang Kongresong Kontinental, ang


pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala
ng kanilang laban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa
kanila. Setyembre 05, 1774-56 na kinatawan ng mga kolonya ang dumalo, binigyang
diin ng grupo mula sa kilalang kinatawan na si Patrick Henry;

1.wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania,


New York, at New England,

2. dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para


sa kapakanan ng kabuuang kolonya at

3. nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y


nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.

10
Ang Pagsisimula ng Digmaan

Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa
Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa
bayan ng Concord. Ngunit isang amerikanong panday na si Paul Revere ang
nagbalita na may parating na sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay
sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga
tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga
tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga
sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington.

Ang Ikalawang Kongresong Kontinental

Mayo 1775- muling nagpulong sa ilawang pagkakataon at idineklara ang


tinawag nilang United Colonies of America (Pinagbuklod na mga Kolonya ng
Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental Army at
naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng
hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa
Bunker Hill.

ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775 at


. idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Colonies of America
Ang Deklarasyon
(Pinagbuklod na mgangKolonya
Kalayaan
ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay
tinawag na Continental Army at ang naatasan na commander-in-chief ay si
• Washington.
George Hunyo 1776Sinubukan
- nagpadala
ngng malaking
hukbong tropana
militar ang Great Britain
makuha sa
ang Boston
Atlantiko
ngunit natalo upang
sila sa tuluyang
Digmaan duruginHill.
sa Bunker at pahinain ang puwersang
Amerikano.

• Hulyo 4, 1776- inaprubahan ng Kongresong Kontinental ang


Deklarasyon ng Kalayaan, ang nasabing dokumento ay isinulat halos
lahat ni Thomas Jefferson na isang manananggol.Binigyang diin ng
dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang
teritoryo ng Great Britain. Kinilala sila sa panahong iyon bilang
malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.

Paglusob mula sa Canada

• Simula noong 1777 ay sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa


Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay
napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki
at umaabot halos 20,000 sundalo.

• Oktubre ng taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga


Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake
ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay
mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong
pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates.

11
Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan

. • Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga


French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano
simula pa lamang ng labanan.
• Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng
pamahalaang France ang United States of America bilang isang
malayang bansa. Nagpadala sila ng bapor pandigma upang matulungan
ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British.
• Dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Great
Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong
Disyembre 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah
at at nakontrol ng buo ang Georgia.

Ang Labanan sa Yorktown

• Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis


ay tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina. Ngunit sa
pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at
Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain
noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa Cowpens ng mga unang
bahagi ng 1781.

• Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya


pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan
pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na
bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Heneral George
Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong
Oktubre 19, 1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Charles
Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang
kanilang kalayaan.
.

Paghahangad ng Kapayapaan

Malaking pagkamangha ang pagkapanalo ng Amerikano.Ang Great Britain na


itinuturing na malakas at makapangyarihan na may mahuhusay na mga sundalo ay
tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa
pakikipaglaban.

Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Great Britain


ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa
Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa Canada
na nanatiling kolonya ng Great Britain.

Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng


mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad
at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap.

12
Aralin
Rebolusyong Pranses: Ang Pamumuno
3 ng Karaniwang Uri

Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses:

1. Kawalan ng katarungan ng rehimen.


2. Oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan.
3. Walang hangganang kapangyarihan ng hari.
4. Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga
pinuno.
5. Krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.

Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789

Ang lipunang Pranses ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates.

Unang estate Obispo, pari, at ilan pang may katungkulan sa simbahan

Ikalawang estate mga maharlikang Pranses

binubuo ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng


Ikatlong estate magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro,
manananggol, doktor, at mga manggagawa.

• Noong 1780 nangailangan ang pamahalaang Pranses ng malaking halaga para


maitaguyod ang pangangailangan ng lipunan.

• Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di


ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad.
Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang
pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate.

• Maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay sa


digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin
sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses.

13
Ang Pambansang Asemblea

Minabuti ni Haring Louis XVI na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng


kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles upang matugunan ang
kakulangan sa salapi ng France. Hindi nabigyang lunas ang suliranin sa
pananalapi, dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng
pagboto.

Bawat estate ay may isang boto Karaniwan na magkatulad ang boto ng una
at ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli.
Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate
ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789.
Inimbitahan nila rito ang una at ikalawang estate.

Humiling ang ikatlong estate na may malaking bilang kasama ng mga


bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-iisang
boto. Sapagka’t humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa
ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais
na mga reporma.

Ang Pagbagsak ng Bastille

Ang Bagong Asembleya ay nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris, noong


Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, ay nagpadala ng mga
sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan.

Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga
galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan at
kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga
nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay
naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.

Karaniwang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw ang mga rebolusyonaryo
na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay
matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France.

Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, at Kapatiran

• Taong 1789 nagpalabas ng isang bagong saligang batas ang Constituent


Assembly bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal.

• Ang pambungad na pananalita sa saligang batas ay ukol sa Deklarasyon ng


mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Ang lipunang Pranses ay kailangang
nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.

• Setyembre 1791 lubusang napapayag si Haring Louis XVI na pamahalaan ang


France sa pamamagitan ng bagong saligang batas.

• Agosto 27,1789, isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights of Man.

14
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon

• Ang rebolusyon ay lumakas at lumaki sa pamumuno ng isang abogadong si


Georges Danton.

• Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyunaryo na posibleng ang mga noble ng


France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang
muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong
pinasimulan.

• Hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya at pinatay sa


pamamagitan ng paggamit ng guillotine.

• Tinawag ang pangyayaring ito sa France bilang September Massacres.

• Noong Enero 1793 ay napugutan ng ulo si Haring Louis XVI. Sa taong ding iyon
ay sinunod naman nila Reyna Marie Antoinette. Dahil sa sunod-sunod nitong
pangyayari ay idineklarang isang Republika ang France.

Ang Manananggol na si Maximilien Robespierre

▪ Aktibong miyembro ng rebolusyonaryo at


masidhing republikano.

▪ Pangunahing gawain niya ay ang


pagpapadala ng mga sundalo na uubos
sa mga kaaway ng Republika.

▪ Ang mga kaaway ay pinatay sa


pamamagitan ng guillotine at tinawag ang
panahong ito na reign of terror.

▪ Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa


pagitan ng 1793-1794 at may 20,000 ang
namatay sa kulungan.

15
Ang Pagiging Popular ni Napoleon Bonaparte

Taon Pangyayari
Ipinanganak sa Corsica, France (ika
1769
15 ng Agosto)
Nagpadala ang mga pinuno ng Austria at
Prussia ng hukbong sandatahan upang
lusubin ang Pransiya, dulot ng
matagumpay na napaalis at
1792
napahina ang kapangyarihan ng
monarkiya sa Pransiya. At ito ang
naging hudyat ng simula ng
Napoleonic Wars.
Nagpasimulang lusubin ng mga
rebolusyonaryong Pranses ang
Netherlands. Upang mapigil ang
1793
papalakas na puwersa ng mga Pranses ay
minabuti ng Britanya, Espanya, Portugal
at Russia na sumali sa digmaan.
Naging pinakapopular at matagumpay na heneral ang
1799 pinakapopular at matagumpay na heneral ay si
Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno.
Sa panahon ng kanyang pamumuno ay nasakop
1804 niya ang malaking bahagi ng Europe at kinilala
bilang Emperor Napoleon I
Tinalo ang mga Austrians sa Battle of
Ulms (Ika 16 – 19 ng Oktobre)
Tinalo ang pinagsanib na pwersa ng
mga Austrians at Russians sa Battle
1805 of Austerlitz (Ika 16 – 19 ng Oktobre)
at tinawag din bilang the Battle of
Three Emperors. Kasunod ang
matagumpay na pagsakop niya ang
Hilagang Italya, Switzerland at ang
Timog Alemanya
Dinurog ang mga hukbo ng mga Prusians sa Battle of
Jenna na naging dahilan sa matagumpay na
1806
pagsakop ng gitnang Germany na nakilala bilang
Rhine Confederation
Tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland at nasakop
ang bansang Poland
1807 Itinalagang ang isa sa kanyang mga kapatid na si Joseph, bilang hari ng
Naples nang lumaon bilang hari ng Espanya at ang isa pa niyang kapatid
na si Louis ay naging hari ng Holland.
Nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga
Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga
sundalo ang Britanya sa 32 mga rebelde nguni’t tinalo sila ng
1808
mga Pranses at tinawag ang bahaging ito ng Napoleonic Wars
bilang Peninsular War (dahil ang Espanya at Portugal ay nasa
bahagi ng Europa na Iberian Peninsula)

16
Nagpadala si Napoleon ng 600,000
mga sundalo na binubuo ng Polish,
German, Italyano, at mga Pranses
upang lumaban sa mga Russians sa
1812 Battle of Borodino. Marami sa
sundalong ang namatay sa labanan
kaya kinulang ang bilang ng mga
sundalo na magpatuloy ng
pagkikipaglaban.
Tinalo si Napoleon ng pinagsamang puwersa ng Great Britain, Austria,
Prussia, at Russia. ang imperyong binuo niya ay bumagsak at siya ay
1813
sumuko. Ipinatapon siya ni Haring Louis XVIII sa isla ng Elba, malapit sa
kanlurang bahagi ng Italya.
Humina ang kapangyarihan ni Napoleon sa Pransiya noong
1814 at siya ay ipinatapon sa isang isla sa Mediterranean, ang isla
ng Elba.
Nakatakas siya sa Elba at muling
nagpasimula ng digmaan sa popular na
katawagan na Isandaang Araw (dahil inabot
siya at ang kanyang bagong tayong hukbo
ng isang daang araw patungong Paris upang
agawin ang trono kay Louis XVIII)
Ika – 18 ng Hunyo, tuluyang nagapi ng si
Napoleon at ang kanyang hukbo sa Labanan
1815
sa Waterloo, Netherlands sa pamumuno ng
Duke ng Wellington na si Arthur Wellesley
ng British Gebhard von Blucher ng
puwersang Prussia.
Sumuko sa mga British noong ika – 22 ng
Hunyo at ipinatapon na sa isla ng St.
Helena sa timog ng karagatang ng
Atlantiko
Namatay siya sa St. Helena dahil
1821 sa arsenic poisoning batay sa mga
bagong pasusuri.

Bunga ng Rebolusyon

Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig. Ayon


sa mananalaysay na si John B. Harrison, “Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang
mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa
halos lahat ng sulok ng daigdig.”Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at
pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw
ng maraming mga kilusang panlipunan, politikal, at pangkabuhayan.

17
Pagyamanin

Gawain A: Punan Mo, Ideya Ko!


Panuto: Punan ng wastong letra ang mga sumusunod na kahon upang
mabuo ang mga impormasyong hinihingi. Ang mga salitang mabubuo sa
araling ito ay may kaugnayan sa araling ating tinatalakay.

1. Nakasentro ang paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot ng mga


suliraning panlipunan.
E T

2. Kinilala sa kanyang kaisipang balance of power.

M T

3. Tawag sa mga pangkat ng tao sa France na naniniwala na mapapunlad


ang buhay sa paggamit ng maka agham na pamamaraan.

P S

4. Naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France.

DO O T

5. Pinalaganap niya ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng pagsusulat


at pagtitipon ng 28-volume ng encyclodedia.

D I T

6. May akda ng “ A Vindication of the Rights of the Women “ na naglalayong


mabigyan ng sapat na karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral.

7. Binibigyang diin nito ang kaispan ng malayang daloy ng ekonomiya na


malayo sa pakikialam ng pamahalaan.

L Z F

18
8. Isang ekonomistang British na nininiwala sa laissez faire o malayang
daloy ng ekonomiya.

A H

9. Tawag sa mga taong naniniwala sa ideyang ang lupa ang tanging


pinagmumulan ng yaman.
P H S

10. Si Francois Marie Arouet ay mas kilala sa tawag na:


V T

Gawain B: Tama o Mali

Panuto: Lagyang ng T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman


kung mali.
____1. Pinakapopular at matagumpay na heneral si Napoleon Bonaparte at
nahirang na pinuno.
____2. Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte.
____3. Sa Digmaan ng Ulm ay natalo ang pwersa ng Aleman.
____4. Nakilala sa pangalang Rhine Confederation ang Germany matapos ang
Digmaang Jena.
____5. Nanalo ang pwersa ng Ruso sa Digmaan ng Friedland noong 1807.
____6. Si Joseph Bonaparte ay naging hari ng Naples noong 1806 at lumaon
naging hari ng Espanya.
____7. Si Louis Bonaparte ay nagging hari ng Great Britain.
____8. Sa Digmaang Borodino taong 1812, lumusob ang 700, 000 na
sundalong Polish, German, Italyano, at mga Pranses sa Russia.
____9. Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly ng puwersang British at si
Gebhard von Blucher ng puwersang Prussia ay ang naging pangunahing
actor sa pagpapahina ng puwersa ni Napoleon Bonaparte.
___10. Sa Waterloo, Netherlands natalo ang hukbo ni Napoleon Bonaparte at
ipinatapon siya sa isla ng St. Helena.

19
Gawain C: Pag ugnay-ugnayin Mo!
Pag-ugnay-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng
wastong sagot bago ang bilang.
Hanay A Hanay B.

_____1. Ang digmaan para sa kalayaan ng A. Boston Tea Party


America ay kilala sa katawagang:
______ 2. Bansang sumakop sa 13 kolonya B. Rebolusyong Amerikano
ng Timog Amerika.
______3. Pangyayari sa kasaysayan kung C. Deklarasyon ng Kalayaan
saan ang mga katutubong Amerikano ay
nagprotesta sa buwis na ipinapataw sa
kolonya.
______4. Ipinasa ng Parlamento noong 1765 D. Great Britain
na naglalayong dagdagan ng buwis para sa
pamahalaan ng Britanya.
______5. Dokumentong sinulat ni Thomas E. France
Jefferson sa nagsasaad ng kalayan ng
Estados Unidos
______6. Bansang tradisyonal na kalaban ng F. Stamp Act
British at lihim na taga suporta ng mga
rebeldeng Amerikano.
______7. Pinuno ng hukbong British na G. Timog Carolina
natalo sa labanan sa Saratoga
______8. Lugar sa Amerika na tinangkang H. Heneral Johne Burgoyne
sakupin ni Heneral Charles Cornwallis
______9. Ang Unang Kongresong Kontinental I. George Washington
ay dinaluhan ng 13 kolonya maliban sa
______10. Commander- in- chief ng hukbong J. Georgia
Continental Army

20
Gawain D: Matandaan Mo Kaya!
Tukuyin ang personalidad, kaisipan, pangyayari o konseptong hinihingi ng
bawat bilang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Georges Danton Declaration on the Rights of Man


Pambansang Asembleya Constituent Assembly
Bastille Maximillien Robespierre
Rebolusyonaryo September Massacres
Estate Divine Right Theory

ssasa

___________________1. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang


hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para
pamunuan ang bansa.
___________________2. Tawag sa lipunang France na nahahati sa tatlong
pangkat.
___________________3. Tawag sa deklarasyon ng ikatlong estate sa panukala ng
isang pari na si Abbe Sieyes.
___________________4. Isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng
kasalukuyang monarko.
___________________5. Katawagan sa mga taong sumama sa pakikipaglaban.
___________________6. Bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal.
___________________7. Ito ay isinulat ng mga Pranses noong Agosto 27, 1789.
___________________8. Isang abogadong namuno at lalong nagpalakas ng
rebolusyon.
___________________9. Tawag sa pangyayaring pagpatay sa hari at mga nobles.
__________________10. Isang masidhing republikano at aktibong miyembro ng
Committee of Public Safety.

21
Isaisip

Panuto: Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa Pagkamulat: Kaugnayan ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.

Tumutukoy ang _________________ sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon


o lipunan. Tinatawag itong Panahon ng ________________________ o
___________________ na nakasentro sa ideyang paggamit ng
______________________ sa pagsagot sa suliraning panlupinan, pampolitika, at
pang-ekonomiya.
Ang digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa
katawagang__________________.
Ang mga salik sa pagsiklab ng Rebolusyong Pranses ay kawalan ng
___________________, oposisyon ng intelektuwal sa_____________________, walang
hangganang kapangyarihan ng __________________________,kahinan
nina_________________________, at krisis sa _________________________.

Isagawa

Diyagram ng Pagkakatuto
Tukuyin ang mga hinihinging impormasyon gamit ang diyagram

Rebolusyong Rebolusyong
Amerikano Pranses
Pagkakatulad

22
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad ng mga pangungusap. Isulat ang
titik ng wastong kasagutan.
1. Isang mahusay na manunulat at manananggol na sumulat ng Deklarasyon
ng Kalayaan ng Amerika
A. Thomas Jefferson B. Maximilien Robespierre
C. Abbe Sieyes D. Geoges Danton

2. Ilan ang kolonya ng British na bumubuo sa North America?


A. 18 B. 15 C. 16 D. 13
3. . Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa
kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
A. Divine Right Theory
B. Manifest Destiny
C. White Mans Burden
D. Sinocentrism
4. Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na ang pangunahing
layunin aybpag-isahin ang kontinente ng Europe
A. Repormasyon B. Napoleonic Wars
C. Digmaan sa Waterloo C. Battle of Ulm

5. Nagpakilala ng ideyang balance of power na kumikilala sa pagkakahati ng


tatlong sangay ng pamahalaan ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura
A. Baron de Montesquieu B. John Locke
C. Francois Marie Arouet D. Thomas Hobbes

6. Batas na ipinasa ng Parliamento noong 1765 na naglalayong magdagdag ng


buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng selyo sa mga produkto na dadalin sa Britanya mula sa mga
kolonya.
A. Boston Act B. New York Stamp C. Stamp Act D. Moscow Act

23
7. Kinilala sa kanyang kahusayan sa pagsusulat ng mga sanaysay na
nagbibigay pahpapahalaga sa kahalagahan ng kalayaang- indibidwal
(individual freedom)
A. Voltaire B. Mary Wallstonecraft
C. Jean Jacques Rousseu D. Napoleon Bonaparte

8. Taong 1808 nagkaroon ng digmaan laban sa pamamahala ng Pranses sa


Spain at Portugal, ang Napoleonic war na ito ay mas kilala sa tawag
na______________
A. Insular War B. Reign of Terror
C. Peninsula War D. Scandinavian War
9. Salitang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o
lipunan
A. rebolusyon B. kaisipan C. teorya D. katuwiran

10. Panahon kung saan nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o
katwiran sa pagsagot ng mga suliraning panlipunan, pang ekonomiya at
pampolitikal.
A. Enlightenment B. Renaissance C. Philosophes D. Liberal

11. Nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang politika, drama,


kasaysayan., pilosopiya at kasaysayan. Kilala siya sa tawag na Voltaire
A. Denis Dederot B. Froncois Marie Arouet
C. Thomas Hobbes D. Jean Jacques Rousseau

12. Tawag sa mga taong naniniwala sa ideyang ang lupa ang tanging
pinagmumulan ng yaman.
A. Physiocrat B. Laizzes faire
C. aristocrat D. middle class

13. Binigyang diin ng kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi
nararapat pakialaman ng pamahalaa

A. Merkantilismo B. Bullionismo C. Laizzes faire D. Rebolusyon

14. Ang mga sumusunod ay mga pinagsama samang pwersa ng mga bansang
tumalo kay Napoleon Bonaparte MALIBAN sa:
A. Russia B. Great Britain C. Unites States D. Austria

15. Haring naluklok na emperador ng France matapos maipatapon si


Napoleon Bonaparte sa St. Helena
A. Louis XVIII B. Louis XV C. Louis XIII D. Louis XX

24
Karagdagang Gawain

Tukuyin ang pagkakaiba ng Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses


batay sa mga sumusunod na pagkakakilanlan o pangyayari

Rebolusyong Pranses Kaganapan Rebolusyong Amerikano

Sanhi

Personalidad

Daloy ng pangyayari

Bunga

Opinyon sa
pangyayari

25
Susi sa Pagwawasto

26
27
Isaisip
1. rebolusyon
2. kaliwanagan
3. enlightenment
4. reason o katwiran
5. rebolusyong amerikano
6. katarungan
7. namamayaning kalagayan
8. hari
9. Haring Louis XV at Haring Louis XVI
10. pananalapi
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
Posibleng kasagutan
Posibleng kasagutan 1. A
1. digmaan para sa Kalayaan 2. D Rebolusyong Pranses
1. kawalan ng katarungan
2. labis na pagbubuwis 3. A
2. Georges Danton
3. 13 kolonya 4. B 3. Namayani ang mga karaniwang tao
4. Nakamit ang katarungan at Kalayaan
4. Boston Tea party 5. A
5. Kailangan ipaglaban ang sa tingin ay
5. stamp act 6. C nararapat.
7. C
Rebolusyong Amerikano
Pagkakatulad 8. C 1. Pananakop ng Great Britain
2. George Washington
Nakipaglaban para makamit ang 9. A
3. Nagkaroon ng 13 kolonya
Kalayaan at katarungan 10. A 4. Nakamit ang Kalayaan
5. Kailangan ng rebolusyon para sa
11. B
pagbabago.
1. kawalan ng katarungan 12. A
2. krisis sa pananalapi 13. C
3. mahina ang hari 14. C
4. estate 15. A
5. badges
28
Subukin Balikan Pagyamanin
Tuklasin
1. B
Halimbawa ng posibleng
2. A 1.RI Gawain A
sagot:
3. B 2.RS 1. Ang ipinahihiwatig ng
4. A 3.RI 1.Enligthtenment
tula ay tungkol sa
5. C 4.PE Enlightenment o 2.Montesquieu
6. B 5.RI Rebolusyong
7. A 6.RS 3.philosophes
Pangkaisipan.
8. C 7.PE 2. Ang mga taong 4.social contract
9. C 8.RS
nabanggit sa tula ay sina
10. C 9.PE 5.Denis Diderot
Baron de Montesquie,
11. A 10.RI Voltaire, Denis Diderot, 6.Wallstonecraft
12. C
Jean Jacques Rosseau,
13. A 7.laissez faire
Hobbes, at si Locke.
14. A
3. Ang mga 8.Adam Smith
15. D
mahahalagang kaisipan
9.physiocrats
ay ang mga sumusunod:
Balance of power, 10.Voltaire
70 aklat na naisulat,
encyclopedia, indibidwal
na kalayaan, at
pamahalaang nararapat.
4. Para sa akin, ay ang
indibidwal na Kalayaan
para mabigyan ang isang
tao ng Kalayaan sa gusto
niyang gawin basta hindi
lang siya lalabag sa
batas.
Pagyamanin Pagyamanin
Gawain B Gawain C
1. T 6. T 1. B 6. E
2. T 7. M 2. D 7. H
3. M 8. M 3. A 8. G
4. T 9. T 4. F 9. J
5. M 10. T 5. C 10. I
Pagyamanin
Gawain D
1. Divine Right Theory 6. constituent assembly
2. estate 7. Declaration of the Rights of Man
3. pambansang assembly 8. Georges Danton
4. Bastille 9. September Massacres
5. rebolusyonaryo 10. Maximillien Robespierre
Sanggunian

Blando Rosemarie C. et al. 2014 Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan-


Modyul ng Mag-aaral . Department of Education- Instructional Materials
Council Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City Vibal
Group, Inc.

K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Baitang 1-10. Deped Learning


Portal. Mayo 2016. https://lrmds.deped.gov.ph/

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling


Panlipunan. Deped Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/
18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Manwal ng Guro. Department of


Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City. Vibal Group, Inc. 2014.

Project EASE Araling Panlipunan III. “Modyul 15 Pagkamulat: Kaugnayan ng


Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano”
http://www.lrmds.depedldn.com/

Vivar, Teofista L. et. al. 2000. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat Para sa
Ikatlong Taon. Kagawaran ng Edukasyon-Instructional Materials Council
Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: SD Publications,
Inc.

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like