You are on page 1of 22

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pangwakas na Gawain
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pangwakas na Gawain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

JUNIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Jessa P. Patiño


Co-Author - Content Editor : Sheila Marie S. Manuel
Co-Author - Language Reviewer : Erlin B. Carag
Co-Author - Illustrator : Merlie M. Navarro
Co-Author - Layout Artist : Gemi G. Nuque
Co-Author - Team Leader : Grace B. Lopez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pangwakas na Gawain
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikasiyam na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para Pangwakas na Gawain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikasiyam na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pangwakas na Gawain.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang magandang araw ang pagbati ko sa inyo mga mag-aaral!

Isang gawaing pampagkatuto na naman ang inyong matutunghayan sa araw na ito


na sigurado kong maiibigan ninyo. Ang Pangwakas na Gawaing ito ay maglulunsad
ng maraming pagkatuto sa inyo.

Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa pagpapakahulugang semantika na


makatutulong sa pag-unawa sa parabula at sa paglalahad ng mga pangyayari.

Ang lahat ng inyong sagot sa mga gawain at kasanayan sa modyul na ito ay isusulat
sa isang buong papel.

Dahil sa handa na kayo! Inaasahang kong matutuhan ninyo ang mga kasanayang
ito:

1. Naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang


orihinal (F9PN-IIi-j-49)
a. Naisasalaysay na muli ang mga bahagi ng napakinggang akda.
b. Nailalahad ang damdaming umiiral sa akdang napakinggan.
2. Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
damdamin. (F9PB-IIi-j-49)
a. Nailalahad ang sariling kaisipan at damdamin batay sa nabasang
akda.
b. Natutukoy ang bisa ng paggamit ng akda sa pagpapahayag ng aral
nito.
3. Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa parabola; ang mga
salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan;
( F9PT-IIi-j-49)

1
Subukin

A. Kopyahin ang dayagram sa sagutang papel. Ihanay ang mga salitang


nasa vineyard batay sa kahulugan nito.

kaharian ng langit Diyos


taniman ng ubas

may-ari ng
salaping kanang-
ubasan
pilak kamay
oras
(Ikasiyam,
ikalabinda manggagawa
buhay na
lawa, walang
ubas
ikatlo at hanggan
ikalima)

Literal na Kahulugan Simbolikong Kahulugan Ispiritwal na Kahulugan

2
Balikan

A. Pag-ugnayin ang dalawang kaisipan upang makabuo ng pangungusap


Piliin ang wastong pang-ugnay sa loob ng kahon .

dahil sa na sa ngunit

ayon kay si kaya lamang kahit na

1. a. Nais ng ina ni Boy na maging palasamba ang anak _________


b. Madalas nitong idahilan na siya ay tinatamad sumamba.

2. a. Kinukumbinsi ni Tiyo Simon ang kaniyang pamangkin na


sumamba _________
b. Siya mismo ay matagal nang tumigil sa pagsamba.

3. a. _________ Tiyo Simon, hindi makabubuti sa isang tao ang mawalan


ng pananalig _________
b. Hindi pa ito lubos na maunawaan ng musmos na isipan ni Boy.

4. a. Binalikan ni Tiyo Simon ang mapait na alalang iyon _________


b. Alam niyang makapagdudulot lamang ito ng kalungkutan.
5. a. _________ batang iyon, nagbago ang pananalig ni Tiyo Simon sa

Lumikha sa kaniya.

Kwentuhan mo Ako!
B. Gamit ang dayagram sa ibaba, ibahagi ang iyong damdamin matapos
mabasa ang dulang Tiyo Simon mula sa nakaraang aralin.

Ano ang iyong


nadama?

Ano ang binago nito


sa iyong pag-uugali?

Anong sitwayon ang


nagpabago sa buhay
ng pangunahing
tauhan?
Paano ipinakita sa
akda ang
kahalagahan ng
kaugnayan ng Diyos
at tao?
3
Tuklasin
Hanapin ang mga hinihinging salita sa loob ng crossword puzzle.
Matapos nito ay subukang ayusin para mahulaan ang paksa sa araw
na ito.

p t a o b a t a t e
a h a s m u a e l j talinghaga
r a y m n b l n u h
may-ari
a d u g i a i d y e
b b k e t s n a s s tungkol
u o a s s a g m a m ubasan
l o n o l n h a h a ang
a n g p k o a n i l
sa
x w v q i n g d g h
y j m a y a r i c ng
parabula

Ang ating paksa ay tungkol sa : _____________________________________

4
Ang Talinghaga Tungkol
Aralin sa May-Ari ng Ubasan
Parabula: Kanlurang Asya
Mateo 20:1-16

Bago natin simulan ang pagbasa ng parabula, alam mo ba ang ibig sabihin ng
parabula?
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad na dalawang
bagay (na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari) para paghambingin. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa Banal na Kasulatan. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay asa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula
ay isinulat sa patalinghagang pahayag.
Ang araling matutunghayan ay hinango sa Mateo 20: 1-16 ng Banal na
Kaulatan na may layuning linangin ang mabuting asal na dapat nating taglayin
sapagkat ito ang bubuo sa ating moral at espiritwal na pagkatao.

Kung nakahanda ka na, simulan na nating basahin ang parabula!

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-


maaga upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak[a] sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang
mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa
palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking
ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga sila.
Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres
ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon,
siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya
sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing
magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon,
pumunta rin kayo sa aking ubasan.’

8 “Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin


mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa
unang nagtrabaho.’ 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay

5
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala
nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-
iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng
ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling
dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong
init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ 13 Sumagot
ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't
pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa
iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo
ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’”

16 At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

6
Suriin

A. Pagsusuring Pangnilalaman: Kilalanin ang mga tauhan sa parabula gamit


ang kanilang mga naging pahayag. Ilagay ang kanilang mga katangian sa
kahon na nakalaan.

1. “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo


ng karampatang upa.”
- May-Ari ng ubasan

2. ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho.”


- mga manggagawa

3. “Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling dumating,


samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong
init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’’
-mga manggagawang unang tinawag

4. “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't pumayag ka sa isang salaping


pilak?Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig
kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba
akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba'y
naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’’

7
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa nabasang parabula.
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa
dalawang uri ng mga manggagawa sa ubasan? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.
2. Kung ikaw ay isa sa mga manggagawang nagtrabaho at nagtiis maghapon
sa nakapapasokng init ng araw ngunit ang tinanggap mong upa ay kapreho
rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
3. Kung isa ka naman sa mga mangggawang tumanggap ng kaparehong upa
kahit kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang mararamdaman mo?
Tatanggapin mo rin ba ang upang ibinigay sa iyo? Pangatuwiranan ang
iyong sagot.
4. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin bang upa ang ibibigay
mo sa mga manggagawa? Bakit?
5. Ipaliwanang ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na, “Ang nahuhuli
ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”?
6. Ano ang naging tugon ng may-ari ng ubasan sa mga manggagawang
naunang magtrabaho at nagrereklamo sa naging upa sa kanila?

Pagyamanin

A. .Suriin ang mga salitang ginamit sa parabula. Sa iyong palagay, saan nais
ihambing ni Hesus ang mga ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Mga salitang binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at Patungkulan

ubasan

manggagawa

upang salaping pilak

Oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo


at ikalima)

8
Nais ihambing ni Hesus ang ubasan sa pagpapalang kakamtin ng mga
lingkod ng Diyos na handang sumunod sa Kaniya. Ito ang kaharian kung
saan mayroong buhay na walang hanggan na naghihintay sa mga lingkod na
magtitiyagang manatili sa pagsunod sa Diyos.

Maihahalintulad din natin ang ubasan sa pagpapala sa puntong kailangan


natin itong pagsumikapang matamo, mapapansing ang mga manggagawa ay
kinailangang maghirap at magtiyaga para matamo ang pagpapala.

Ikaw naman ang sumubok!

B. Balikan mo ang naging gawain mo sa unang bahagi. Gawin itong gabay sa


paghahalintulad ng mga salitang nasa talaan . Bakit dito mo inihalintulad
ang bagay na ito?

Bagay Maihahalintulad ko ito sa…

1. asin

2. puti

3. bulaklak

4. ilawan

5. buto ng gulay o prutas .

9
Isaisip

A. Sa tulong ng susing salita sa loob ng habilog, punan ng angkop na


impormasyon ang mga parisukat upang maitala ang mensaheng nais ipabatid
ng parabulang Ang Talinghaga Tungkol sa May- Ari ng Ubasan.

mensahe ng
salitang ubasan

bilang kaisipan

bilang bilang
pangkaasalan pandamdamin

Isagawa

A. Sa iyong palagay, sino kaya sa kasalukuyang panahon ang mga


tinutukoy na naunang manggagawa? Sino naman ang mga
manggagawang huling tinawag ng may-ari ng ubasan? Ipaliwanag ang
iyong sagot sa pamamagitan ng Venn Diagram.

naunang tinawag nahuling tinawag

mga
manggagawa

10
Tayahin

A. Tukuyin ang hinihingi ng sumusunod na bilang. Piliin titik ng tamang sagot


at isulat sa sagutang papel.

1. Ang panitikang ito ay makatotohanang pangyayari na naganap noong panahon


ni Hesus , ito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay.
a. parabula b. dula c. pabula d. tula
2. Ang salitang ito ay mula sa Griyego na nagsasaad ng dalawang bagay para
paghambingin
a. parabola b. parabole c. metafrasi d. synkrisi
3. Anong uri ng panitikan ang akdang Ang Talinghaga Tungkol sa May- Ari ng
Ubasan
a. parabula b. dula c. pabula d. tula
4. Sa anong bahagi ng Banal na Kasulatan matatagpuan ang akdang Ang
Talinghaga Tungkol sa May- Ari ng Ubasan?
a. Mateo 20: 1-16 b. Mateo c. Genesis 20: 1-16 d. Genesis
5. Ang mga sumusunod ay nabanggit sa akdang Ang
Talinghaga Tungkol sa May- Ari ng Ubasan, maliban sa:
a. ubasan b. manggagawa c. salaping pilak d. banga
6. Siya ang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng mga
manggagawa sa kaniyang ubasan.
a. may-ari ng ubasan b. manggagawa c. katiwala d. magsasaka
7. Sila ang naatasang magtrabaho sa isang ubasan.
a. may-ari ng ubasan b. manggagawa c. katiwala d. magsasaka
8. Siya ang taong inatasan na magbigay ng karampatang upa sa mga manggagawa.
a. may-ari ng ubasan b. manggagawa c. katiwala d. magsasaka
9. “Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho,” sagot ng mga _______________.

a. may-ari ng ubasan b. manggagawa c. katiwala d. magsasaka

10. “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng


karampatang upa,” wika ng _______________.

a. may-ari ng ubasan b. manggagawa c. katiwala d. magsasaka

11
B. Ihanay ang mga salita sa ibaba sa iba’t ibang kahulugan nito batay sa
parabula.

11. kaharian Literal na Simbolikong Ispirituwal


Kahulugan Kahulugan na
ubasan
Kahulugan
gantimpala
12. manggagawa
tao
tagapaglingkod ng Diyos
13. upa
salaping pilak
gantimpala ng Diyos
14. kanang-kamay
katiwala
Hesus
15. oras (ika-9,ika-12,ikatlo,
ikalima)
iba’t ibang panahon ng
pagtawag ng Diyos
iba’t ibang pagkakataon

12
13
Suriin: Subukin:
Pagyamanin:
A at B Balikan: Literal na
A at B
Kahulugan
Depende sa sagot
Depende sa sagot A. 1. ngunit
ng bata • Taniman ng
ng bata 2. kahit na ubas
3. ayon kay, • oras
kaya lamang
• ubas
4. kahit na
• katiwala
5. dahil sa
Simbolikong
Kahulugan
B. Depende sa bata
• Salaping
ang sagot
pilak
• kanang
kamay
• may-ari ng
ubasan
Ispirituwal na
Kahulugan
• Diyos
• kaharian ng
langit
Susi sa Pagwawasto
14
Tayahin:
A. Isaisip
1. A
A. Depende sa
2. B Isagawa:
sagot ng
3. A bata
4. A A. Depende sa
5. D sagot ng
bata.
6. A
7. B
8. C
9. B
10. A
B.
Literal na Kahulugan
1.ubasan
2. manggagawa
3. upa
4. katiwala
5. oras (ika-9, ika-12,
ikatlo, ikalima)
Simbolikong
Kahulugan
1.gantimpala
2. tao
3. salaping pilak
4. kanang-kamay
5. iba’t ibang
pagkakataon
Ispirituwal na
Kahulugan
1. kaharian
2. tagapaglingkod ng
Diyos
3. gantimpala ng Diyos
4. Hesus
5. iba’t ibang panahon
ng pagtawag ng Diyos
2. Tagapaglingkod ng
Diyos
Sanggunian

ROMULO N. PERALTA, DONABEL C. LAJARCA, ERIC O. CARIŇO, AURORA C.


LUGTU.2014. Panitikang Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino).First
Edition.Pasig City: Department of Education.

https://www.academia.edu/38562953/pangwakas_na_gawain_docx

https://www.youtube.com/watch?v=ivimREaiz5I

https://www.google.com/search?q=ang+talinghaga+tungkol+sa+may-
ari+ng+ubasan&oq=ang+taling&aqs=chrome.0.69i59j69i57j0l3j69i60l3.4898j0j1&s
ourceid=chrome&ie=UTF-8

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like