You are on page 1of 26

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Talaarawan at Anekdota
Filipino – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan o
Nabasang Talaarawan at Anekdota
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Girlee B. Dilioc


Co-Author - Content Editor : Virginia S. Macabuhay
Co-Author - Language Reviewer : Julieta S. Refuerzo
Co-Author - Illustrator : Ramcess Joy D. Pinili
Co-Author - Layout Artist : Girlee B. Dilioc

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Jeolfa G. Reyes, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Rodrigo S. Panlaque Jr
Teacher District LRMDS Coordinator : Omar S. Manalansan
District SLM Content Editor : Jeolfa G. Reyes, EdD
District SLM Language Reviewer : Jeolfa G. Reyes, EdD
District SLM Book Designer : Omar S. Manalansan

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Firstname MI. Lastname
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Talaarawan at Anekdota
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino- Ika- anim na Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Talaarawan at Anekdota
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Kuwento; Talatang Nagpapaliwanag at
Nagsasalaysay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kamusta kaibigan? Ako si Yoyo. Ako naman


ang makakasama mo sa pag-aaral para sa modyul
na ito. Sa ating pag-aaral, lilinangin natin ang
tungkol sa talaarawan at anekdota.Masusi nating
pag-aaralan ang mga halimbawa nito upang
masagot ng tama ang mga tanong tungkol sa
napakinggan o nabasang talaarawan at anekdota.
Gayundin, matututunan natin ang tamang
pagsulat o mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng talaarawan at anekdota.

Narito ang mga inaasahang layuning dapat


mong makamit pagkatapos ng modyul na ito:

• 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


napakinggang/ nabasang talaarawan at
anekdota F6RC-IIdf-3.1.1
a. Nababahagi ang isang pangyayaring
nasaksihan F6PS-IIh-3.1

1
Subukin

Kaibigan, subukin natin


ang iyong kaalaman ukol
sa anekdota at
talaarawan.
Sagutan natin nang
maayos ang nasa ibaba.
Galingan mo kaibigan!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang
titik ng tamang sagot sa isang malinis na papel.
1. Ang pakikipag-usap sa masayang paraan na kasingkahulugan ng panunudyo ay ang
_________________.
a. pamimintas b. pamumuna c. pagbibiro

2. Ang uri ng birong dapat iwasan ay ang birong ____________.


a. nakakatakot b. maanghang c. nagpapalalim ng kaisipan.

3 Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan sa isang taong _________.


a. nasa pamahalaan b. kilala c. nakatapos ng pag-aaral

4. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay ____________.


a. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon
b. nagwawagi ang pangunahing tauhan
c. nag-iiwan ng aral

5. Kailangang maisalaysay o maisulat ang anekdota sa paraang ____________.


a. maikli b. maligoy c. mabulaklak ang mga pahayag

6. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng pagtatala ng
mga pangyayari ____________.
a. kapag may araw b. araw-araw c. lingguhan

7. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga


__________________.
a. tauhan b. tagpuan c. pangyayari

8. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa _______________.


a. madaling-araw b. umaga c. gabi

9. Madalas na ang susulating talaarawan ay __________________.


a. inililihim b. ipinababasa sa iba c. pinagtatalunan

10. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na _____________.


a. personal b. makabayan c. masaklaw

2
Aralin
Talaarawan at Anekdota
1

Bago natin pag-aralan ang unang aralin sa Filipino para sa ikalawang markahan, nais ko
itanong ang mga sumusunod;
1. Matagumpay mo ba na napapag-aralan ang mga naunang modyul?
2. Nasagot mo ba ng buong husay ang mga tanong?
3. Mataas ba ang markhang nakuha mo sa pagsusulit?
Kung oo ang iyong sagot, magaling kung ganoon. Masaya ka dapat dahil napatunayan mo sa
iyong sarili na kaya mong mag-aral mag isa.
Kung sa mga naunang modyul ay naging seryoso ka habang binabasa ang mga aralin, sa
modyul na ito ay medyo mapapangiti ka sapagkat kaaliw-aliw ang mga mga mababasa mong
teksto.

• Ano-ano ang mga makikita natin na detalye sa talaarawan at anekdota?

• Sino ang gumagawa ng talaarawan at anekdota?

• Bakit tayo sumusulat ng talaarawan at anekdota?

• Paano natin masasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan o nabasang


talaarawan at anekdota?

• Paano ang pagsulat ng isang talaarawan at anekdota?

3
Balikan

Bago ka magpatuloy sa bagong


aralin, tingnan mo muna kung
natatandaan mo pa ang huling
aralin sa unang markahan.

Panuto: Iguhit ang thumbs up icon sa isang sagutang papel kung ang mga sumusunod
na pangungusap ay nagpapahayag ng tamang pagsulat ng kuwento at thumbs down icon
kung hindi.
______1. Sa pagsulat ng kuwento ay dapat maging malinaw ang mensahe..
______2. Sa pagsulat ng kuwento ay dapat ay may iba-ibang ideya inilalahad mula sa simula
hanggang sa hulihan.
______3. Magkaroon ng kaalaman sa paksang isusulat.
______4. Magkaroon ng maganda at kaakit-akit na simula at wakas.
______5. Magkaroon ng organisasyon o paraan kung paano ilalahad ang mga ideyang nais
ilalagay sa talata.

Kung tama ang lahat ng iyong naging sagot kaibigan.


binabati kita! Bigyan mo ng limang palakpak ang
iyong sarili!

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makalikha at mailarawan ang mga hugis ng katawan ayon sa
kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.

4
Tuklasin

Kaibigan, nasasabik ka na bang magbasa? Kung


ganoon, halina at basahin natin ang mga sumusunod
na teksto.Pagkatapos basahin ay sagutang natin ang
mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno.

Mahal kong Talaarawan,

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako,
nagbihis nang maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom
agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at
pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa aming silid-aralan. Nag-
aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o
pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal,
Shekainah
Mga Tanong

1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?


2. Ano ang unang ginawa ni Shekainah bago pumasok sa paaralan?
3. Sino ang naghatid sa kanya sa paaralan?
4. Ano ang nangyari kay Shekainah ng siya ay nasa paaralan na?
5. Saang subject nagkaroon ng pagsubok o pagsasanay si Shekainah?

Ang Matandang may Ketong


(Anonymous)

Isang gabi, mayroong matandang pulubi na may sakit na ketong (leprosy) na


balot na balot ang mukha ang sumakay ng jeep. Nag-aalala ang driver dahil alam
niyang ang ketong ay nakakahawang sakit. Nang bababa na ang matanda,
pinahinto nito ang sasakyan at iniabot ang bayad sa pasahe.

Ang sabi ng driver, "Huwag na po Lola."


5
Ang sagot ng pulubi, "Huwag naman iho. Naghahanap-buhay ka rin."

Nagpumilit ang matanda pero natatakot ang driver na hawakan ang pera dahil
baka mahawa siya. Ang sabi uli ng driver, "Huwag na po kayong magbayad Lola.
Mas dapat pa nga kayong tulungan at kaawaan."
Natuwa ang matanda. Sabay yakap at pinaghahalikan ang driver sa tuwa.

1. Ano ang sakit ng matandang babae na sumakay sa jeep?


2. Bakit ayaw ng driver na kuhanin ang bayad ng matandang babae?
3. Ano ang ginawa ng matandang babae bilang pasasalamat sa driver?
4. Kung ikaw ang driver, gagawin mo din ba ang ginawa niya? Bakit?
5. Ano ang ibinigay na aral sa anekdota?

Kamusta kaibigan? Naaliw ka ba sa iyong binasa? Alam mo ba kaibigan


na ang binasa mo sa bahaging tuklasin ay halimbawa ng talaarawan at
anekdota.

Tara kaibigan, pag-aralan natin kung ano nga ba ang kahulugan


talaarawan at anekdota. Basahin natin ang ilang mga halimbawa nito
upang masagot natin ng tama ang ilang mga katanungan.

6
Suriin

Ang anekdota ay isang maikling salaysay na kung saan ay may nilalaman ng mga katangi-
tanging pangyayari na lubhang kawili-wili. May mga aral na napupulot ang mga mambabasa
nito kasabay ng pagkawili dito. Paano nga ba ang tamang paraan ng pagsulat ng anekdota?
1. Ang pagsulat ng anekdota ay dapat maging makatotohanan ang paksa o ito ay dapat
batay sa tunay dapat na karanasan.
2. Ang pagsulat ng anekdota ay dapat may iisang paksa lamang.
3. Sa pagwawakas ng anekdota ay dapat na isaalang-alang ang mga aral na matututunan ng
mambabasa.

Narito ang ang isang halimbawa kanina ng anekdota.

Ang Matandang may Ketong


(Anonymous)

Isang gabi, mayroong matandang pulubi na may sakit na ketong (leprosy)


na balot na balot ang mukha ang sumakay ng jeep. Nag-aalala ang driver dahil
alam niyang ang ketong ay nakakahawang sakit. Nang bababa na ang matanda,
pinahinto nito ang sasakyan at iniabot ang bayad sa pasahe.
Ang sabi ng driver, "Huwag na po Lola."
Ang sagot ng pulubi, "Huwag naman iho. Naghahanap-buhay ka rin."
Nagpumilit ang matanda pero natatakot ang driver na hawakan ang pera dahil
baka mahawa siya. Ang sabi uli ng driver, "Huwag nap o kayong magbayad
Lola. Mas dapat pa nga kayong tulungan at kaawaan."
Natuwa ang matanda. Sabay yakap at pinaghahalikan ang driver sa tuwa.

7
Ano naman ang talaarawan? Ano ang pagkakaiba nito sa anekdota? Malaki ang pagkakaiba
ng talaarawan sa anekdota. Kung sa anekdota ay nakaaaliw, may pagkaseryoso naman ang
mga pangungusap na gagamitin sa talaarawan.
Ang talaarawan ay isang kalipunan ng mga bugtong-bugtong o baha-bahaging mga sulatin.
Ito ay nakasulat o nakaayos ng sunod-sunod na ayon sa petsa o araw na sumusunod sa
kalendaryo. Ilan sa mga nakasulat dito ay ang mga nagawa, mga dapat gawin, saloobin o
nadarama, iniisip, pantasya, kabiguan, tagumpay, at iba pang mga nangyari o pangyayari sa
buhay ng isang tao. Ang pagsusulat sa talaarawan ay parang pakikipag-usap sa isang tao,
na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan
na parang isang tunay na tao ang sinusulatan.
Narito naman ang halimbawa din kanina ng talaarawan.

Mahal kong Talaarawan,

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako,
nagbihis nang maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom
agad ako ng gamot upang mawala agad ang saki.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at
pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa aming silid-aralan.
Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng
pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal,
Shekainah

Naintindihan mo bang mabuti ang ating aralin ngayong araw?


Ngayon maghanda ka at ating simulan ang pagpapalawak ng iyong
mga natutunan sa ating aralin lalo na sa pagsagot ng mga tanong at
pagsagot sa talaarawan at anekdota.

8
Pagyamanin
Kaibigan, ngayon naman ay
mas palawakin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan
ng pagsasanay. Galingan
mo muli kaibigan!

A. Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng titik
ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

TSINELAS NI PEPE
(Anekdota ni Jose Rizal)

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang


humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at
pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako
dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali
dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas. “Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng
kasamahan ko sa bangka.“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino
man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang
katulad ko.

Mga Tanong
1.Sinong Pepe ang tinutukoy sa anekdota?
a. Jose Rizal b. Jose Burgos c. Jose Corazon de Jesus

9
2.Kanino sumama si Pepe?
a. Sa kanyang b. Sa kanyang guro c. Sa kanyang kapatid

3.Saan naganap ang kuwento?


a. Sa parke b. Sa bakuran c. Sa ilog

4.Paano nagsimula ang kuwento?


a.Humalagpos ang kanyang isang tsinelas at nahulog sa ilog.
b.Nakataas ang mga paa ni Pepe sa kahoy na upuan ng kanyang ama.
c.Gustung-gustong pagmasdan ni Pepe ang lumilipad na mga ibon.

5. Ano ang suliranin sa kuwento?


a. Ang paglipad ng mga ibon.
b. Ang paghulog ng tsinelas sa ilog.
c. Ang pagsakay sa bangka.

6. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento?


a. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon.
b. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe.
c. Itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas.

7. Aling bahagi ng kuwento ang maaaring pagtalunan?


a. Kung isasama si Pepe ng kanyang ama sa pamamangka.
b. Kung sabay-sabay na lilipad ang mga ibon.
c. Kung itatapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas.

8. Aling bahagi ng anekdota ang kapupulutan ng aral?


a. Ang pagtulong sa taong nangangailangan.
b. Ang pagpapanatiling malinis ng ilog.
c. Ang pagtanggap sa kamalian.

9. Ano ang naging wakas ng kuwento?


a. Hinangaan si Pepe ng kanyang ina.
b. Nagtampo kay Pepe ang kanyang ama.
c. Lumubog ang bangka.

10. Alin sa mga katangian ng anekdota ang taglay ng kuwento?


a. Kawili-wili
b. May aral
c. Lahat ng sagot

10
B. Basahin ang talaarawan. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng
titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

Mahal kong Kaibigan,

Napakarami talagang pangyayari ngayon na ibang-iba sa dati. Noong


nakaraan kasi gigising ako ng maaga upang pumasok sa paaralan.
Pagdating, tutulungan ko ang aking mga kamag-aral at guro sa paglilinis ng
aming silid-aralan at bakuran. Pumupunta kami sa covered court ng aming
paaralan upang mag-exercise.

Naaalala ko pa noon na kasama ako sa mga sumasayaw sa stage upang


gayahin ng mga kapwa ko mag-aaral. Paborito kong sayawin ang tala ni Sarah
Geronimo. Mahilig din ako sumali sa mga competition noon. Hindi ko
makakalimutan na nanalo ako sa Spelling Contest sa aming distrito.

Ngayon,tuwing Biyernes ng hapon kukuhanin ng aking mga magulang


ang aking mga modyul na sasagutan at ibabalik naman ang mga nasagutan
ko na noong mga nakalipas na araw. Sisimulan ko ang aking pag-aaral sa
pagbabasa sa modyul. Babasahin ko ito ng mabuti at kung may katanungan
man ako ay tatanungin ko si ate o si kuya. Nasa trabaho kasi ang aking mga
magulang Nahihirapan kasi ako sa ilang mga aralin namin lalo na sa English
at Math. Paborito ko naman sagutan ang Filipino. Kung mayroon man na
hindi din masagot ng aking mga kapatid, ang aking guro na Ginang Ramos ay
aking tatawagan.

Mahirap pero alam ko na kakayanin ko sa tulong ng aking pamilya at


guro. Ngayon ay simula na ng ikalawang markahan namin. Bagong aralin,
bagong pagsubok pero kayang kaya ko ito. Hinihiling ko lang na sana ay
bumalik na sa dati. Gusto ko na pumasok muli sa aming paaralan. Nais ko
na makita ng aking mga kaklase lalo na ang aking mga kaibigan. Maglaro sa
labas. Masyado na ata mahaba ang kwento ko sa iyo aking kaibigan.

Hanggang dito muna dahil magsasagot na ko muli ng aking modyul.


Bukas uli aking kaibigan.

Nagmamahal,
Regina

Mga Tanong
1.Sino ang nagsulat ng talaarawan?
a. Sheila b. Regina c. Jamaica

2. Ano ang ipinangalan niya sa kanyang talaarawan.


a. Kaklase b. Kaibigan c. Kapatid
11
3. Saan sila pumupunta upang mag-ehersisyo?
a. Sa covered court b. Sa plaza c. Sa bakuran

4. Ano ang paboritong sayawin ng sumulat ng Talaarawan?


a. Marikit b. Binibini c. Tala

5. Anong competition nanalo si Regina?


a. Spelling Contest b. Takbuhan c. Math Contest

6. Kailan kinukuha ng mga magulang ni Regina ang kanyang modyul?


a. Lunes ng hapon
b. Biyernes ng umaga
c. Biyernes ng hapon

7. Sino-sino ang tumutulong sa kanya sa pagsasagot ng modyul?


a. Magulang b. lola c. Kapatid

8. Ano ano ang mga subject na hirap si Regina na sagutin?


a. Filipino at Mapeh
b. English at Math
c. English at Science

9. Ano ang subject na paborito ni Regina?


a. Filipino b. English c. Science

10. Sino ang isa pang tumutulong kay Regina sa pagsagot ng modyul bukod sa kanyang
mga kapatid?
a. Magulang b. guro c. kaibigan

12
Isaisip

Matapos nating pag-aralan ang kahulugan, pagsagot sa


mga tanong, at pagsulat ng anekdota at talaarawan ay
siguradong handang-handa ka na para sagutin ang mga
sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

A. Kopyahin ang talahanayan sa ibaba at sagutan ito.


Ano ang iyong mga Gaano ito kahalaga?
natutuhan?

B. Isulat ang pagkakaiba at pakakapare-pareho ng talaarawan at anekdota sa iyong


kwaderno. Gayahin ang format sa ibaba.

ANEKDOTA TALAARAWAN
ANEKDOTA AT
TALAARAWAN

Munting tulong aking kaibigan upang hindi ka


magkamali. Sa pulang bilog ay ilalagay mo ang katangian
ng isang anekdota. Sa berdeng kahon naman ay ang
katangian ng talaarwan. Sa asul ay ang kanilang
pagkakapareho.
Alam ki kaya mo iyan kaibigan. Galingan mo!

13
Isagawa
Ngayon naman kaibigan ay
gawin natin ang pagsulat ng
isang talaarawan. Gawin ang
mga sumusunod na
pagsasanay sa ibaba. Isulat
ito sa iyong kwaderno.

A. Itala sa kwaderno ang mga pangyayari naganap o nasaksihan mo personal man o sa


telebisyon mula Lunes hanggang Biyernes. Sundin ang format sa ibaba:
Araw Pangyayari
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes

B. Sumulat ng sariling talaarawan base sa sagot mo sa itaas sa Isagawa titik A. Sundin ang
format sa ibaba. Isulat ito sa iyong kwaderno.

__________________

__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

____________________,
_____________________
Tayahin
Yehey! Binabati kita kaibigan sapagkat
nakarating tayo sa bahaging ito. Alam ko
na matapos ang mga pag-aaral natin at
mga pagsasanay na ginawa natin ay
masasagutan mo ang mga ito ng tama.
Galingan mo muli kaibigan!

A. Isulat sa iyong kwaderno ang T kung ang mga sumusunod na pangungusap ay


nagpapahayag ng katotohanan at M kung Mali.

______1. Ang talaarawan ay isang kalipunan ng mg bugtong-bugtong o baha-bahaging mga


sulatin.

______2. Ang pagsulat ng anekdota ay dapat maging makatotohanan ang paksa o ito ay
dapat batay sa tunay dapat na karanasan.

______3. Ang anekdota ay may maraming paksa.

______4. Ang pagsusulat ng talaarawan ay parang pakikipag-usap sa isang tao.

______5. Sa pagwawakas ng anekdota ay dapat isaalang-alang ang mga aral na matutunan


ng mga mambabasa.

B. Isulat ang mga pangyayari ng nakalipas na isang linggo sa pamamagitan o halintulad ng


isang talaarawan.
Karagdagang Gawain

Masayang-masaya ko kaibigan sapagkat


narito na tayo sa panghuling bahagi ng
ating aralin. Sana ay naging masaya ka
at marami kang natutunan kaibigan.
Huling gawain na lang kaibigan para
matapos natin ang aralin na ito.

Panuto: Sumulat sa iyong kwaderno ng isang maikling anekdota batay sa mga pangyayaring
iyong nasaksihan.
Tayahin:
A.
1. T
Karagdagang Gawain: 2. T
- depende sa sagot ng bata
3. M
4. T
5. T
B.
(depende sa sagot ng
bata)
Tuklasin
A.
1. Shekainah
2. Naligo
3. Ang kanyang papa
4. Sumakit ang ngipin
5. Ingles Isaisip:
-depende sa sagot ng
B. bata.
1. Ketong
2. Dahil natatakot siya na mahawa
3. Inakap at hinalikan ang driver
4. Posibleng sagot: Oo/Hindi dahil (depende sa sagot ng bata)
5. Depende sa sagot ng bata
Subukin:
Pagyamanin A
Pagyamanin A
Balikan: 1. c
1. A
1. B 2. A 2. b
2. B 3. C 1. 3. b
3. A 4. A 4. c
2.
4. C 5. B 5. a
5. A 6. C 3. 6. b
6. C 7. C 4. 7. c
7. C 8. A 8. c
8. B 5.
9. A 9. a
9. A 10. D 10. a
10. B
Susi sa Pagwawasto
Rubriks sa Paggawa ng Talaarawan (Isagawa at Tayahin)
Pamantayan 10 8-9 6-7
Nilalaman Lubusang naipakita Naipakita ang mga Naipakita ang mga
ang mga pangyayari pangyayari na pangyayari na
na nangyari sa nangyari sa kanya nangyari sa kanya
kanya mula Lunes sa loob ng 4 na sa loob ng 3 na
hanggang Biyernes. araw lamang. araw lamang.
Paggamit ng Nagamit ng wasto May 1-2 maling May 3 o higit pang
bantas, malaking ang mga lahat ng bantas, malaking maling bantas,
titik at maliit na bantas at walang titik at maliit na malaking titik at
titik mali sa paggamit ng titik. maliit na titik.
mga maliit at
malaking titik.
Paggamit ng mga Walang mali sa May 1-2 maling May 3 o higit pang
salita paggamit ng mga paggamit ng mga na maling paggamit
salita. salita. ng mga salita.
Kalinisan at Maayos at malinis May 1-2 bura sa May 3 o higit pang
kaayusan ang pagkakasulat. pagkakasulat. bura sa
pagkakasulat.

Rubriks sa Paggawa ng Anekdota (Karagdagang Gawain)


Pamantayan 10 8-9 6-7
Nilalaman Ang anekdota na Ang anekdota na Ang anekdota na
sinulat ay sinulat ay sinulat ay
nagpapakita ng 3 nagpapakita ng 2 nagpapakita ng 1
pamantayan. Ito ay pamantayan pamantayan
makakatohanan, lamang. lamang.
may iisang paksa at
may aral.
Paggamit ng Nagamit ng wasto May 1-2 maling May 3 o higit pang
bantas, malaking ang mga lahat ng bantas, malaking maling bantas,
titik at maliit na bantas at walang titik at maliit na malaking titik at
titik mali sa paggamit ng titik. maliit na titik.
mga maliit at
malaking titik.
Paggamit ng mga Walang mali sa May 1-2 maling May 3 o higit pang
salita paggamit ng mga paggamit ng mga na maling paggamit
salita. salita. ng mga salita.
Kalinisan at Maayos at malinis May 1-2 bura sa May 3 o higit pang
kaayusan ang pagkakasulat. pagkakasulat. bura sa
pagkakasulat.
Sanggunian
• Most Essential Learning Competencies (MELCs) F6PU-Id-2.2;
F6PU-If- 2.1; F6PU –Ih-2.1, p.222

• K TO 12 Curriculum in Filipino 2016, p.119-120


• LR Portal
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like