You are on page 1of 32

Malikhaing Pagsulat

Unang Markahan – Modyul 4:


Uri ng Panulaan
Malikhaing Pagsulat – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Uri ng Panulaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sylvia D. Gatus


Editor: Jennifer S. Dominguez
Tagasuri: Carolyn R. Reyes
Tagaguhit: Ann Gelai O. Navarro / Merlie T. Navarro
Tagalapat: Aldrine S. Teleron
Cover Design: Firstname MI. Lastname

Management Team:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
District Supervisor, Orani : Arlene S. Carlos
Division Lead Book Designer : Donna T. Santos-Villanueva
District LRMDS Coordinator, Orani : Hilda V. Sayson
School LRMDS Coordinator : Michelle B. Cruz
School Principal : Loreta Michelle W. Bamba
Lead Layout Artist, Malikhaing Pagsulat : Maybel B. Cerezo
Lead Illustrator, Malikhaing Pagsulat : Mae Laine Villaruel
Lead Evaluator, Malikhaing Pagsulat : Carolyn R. Reyes
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Malikhaing Pagsulat
Unang Markahan – Modyul 4:
Uri ng Panulaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Malikhaing Pagsulat sa Ikalabing-


isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Uri ng
Panulaan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Malikhaing Pagsulat sa Ikalabing-isang Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Uri ng Panulaan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang matukoy

at maunawaan ang anyo, kumbensyunal at makabagong teknik ng tula.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. natutukoy ang mga tiyak na anyo at kumbensyon sa panulaan

(HUMSS_CW/MP11/12c-f6); at

2. nakatutuklas ng mga makabagong teknik sa pagsulat ng tula

(HUMSS_CW/MP11/12c-f9).

1
Subukin

Bago tayo magpatuloy, alamin natin ang lalim ng iyong kaalaman sa uri,
kumbensyonal at makabagong teknik ng panulaan.

1. Isang akdang pampanitikan na nagpagising sa kamalayan ng mga


Pilipino upang mabuhay ang dugo ng damdaming makabayan.
a. dula b. tula c. sining d. maikling kuwento

2. Walang sinusunod na sukat at tugma ngunit nagtataglay ng kaisipan


at talinghaga.
a. tradisyonal
b. malaya
c. berso Blangko
d. kumbensyonal

3. Tulang may sukat ngunit walang tugma.


a. tradisyonal
b. malaya
c. berso blangko
d. kumbensyonal

4. Tula na nagpaparangal sa Panginoon.


a. dalit
b. elihiya
c. oda
d. soneto

5. Tulang nagpaparangal sa alaala ng namatay.


a. soneto
b. elihiya

2
c. oda
d. dalit

6. Tulang may labing-apat na taludtod, nagsasaad ng aral ng buhay.


a. dalit
b. elihiya
c. oda
d. soneto

7. Uri ng pagkakabuo ng tula na naglalahad ng mahahalagang tagpo sa anyong


pasalaysay.
a. tulang liriko
b. tulang patnigan
c. tulang pantanghalan
d. tulang pasalaysay

8. Tulang naglalahad ng mga katuwiran na may paksang pinagtatalunan.


a. tulang pasalaysay
b. tulang patnigan
c. tulang Pantanghalan
d. tulang liriko

9. Tulang itinatanghal sa dulaan o teatro


a. tulang liriko
b. tulang patnigan
c. tulang Pantanghalan
d. tulang pasalaysay

10. Panulaang mula sa tradisyon, kaugalian na nasa katutubong anyo


ng tula.
a. kumbensyunal na anyo
b. eksperimental na anyo
c. malayang Anyo
d. tulang may himig paawit

3
11. Makabagong tuklas na panulaan na gumagamit ng aspetong biswal.
a. makabagong teknik
b. kumbensyunal
c. tradisyunal
d. malaya

12. Binubuo ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig. Ito ay may


isahang tugma.
a. diona
b. dalit
c. tanaga
d. diyamanteng tula

13. Bakit mas higit na nagpapakita ng mabilis na daloy ng kaisipan ang


makabagong teknik ng panulaan?
a. sapagkat ito ay hindi nakasunod sa tradisyunal na pagsulat ng tula
b. sapagkat nagpapakita ito ng mahahalagang tagpo ng tula
c. sapagkat ito ay may tugma bagamat walang sukat
d. sapagkat ito ay nakasunod sa lumang paraan ng pagsulat

14. Tanggapin mo anak inipon kong mamiso,


Ang kapalit nito ay pawis
Kakambal ay pagod
Sa maghapong pakikipagtunggali sa pabrika

Anong kaisipan ang ipinababatid ng tula?

a. ang magulang ay maghapong nagpapakapagod sa trabaho may maiabot


lang na kita sa anak.
b. Maghapong nagtatrabaho sa opisina ang magulang upang kumita ng pera
c. Pawis ang kapalit ng hirap at pagod ng magulang
d. Kita ang hinahanap ng magulang kaya sila naghahanap- buhay.

15. Damdamin ay nagkutkot sa iyong palasong tingin


Tumarak sa dibdib ko ang punyal mong nagtaksil
Kung ayaw mo na sa aking piling
Lumayo kang tahimik sa akin giliw

Ano ang impresyon mo sa tulang iyong binasa?

a. pagpapalaya
b. pagtataksil
c. pagmamahal
d. pagtanggap

4
Aralin

4 Uri ng Panulaan

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagbabago ng panulaan.


Pagpapatunay na walang tigil ang daloy ng mga ideya at pagbuo ng mga bagong
konsepto ng panulaan.

Balikan

Pahintulutan mo akong tayahin ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin.

Buoin ang tula, punan ang nawawalang salita. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

Sa pusod ng 1_________ masisisid ang perlas

Ang mabangong 2__________ sa hardin napipitas

Ang matamis na manga ay isang uri ng 3 __________

Pagpapala ng 4_____________ talagang mababakas.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makagawa ng isang tula gamit ang makabagong teknik sa
panulaan. Ang kahirapan mo bilang mag-aaral ay
matutulungan ng modyul na ito.

5
Tuklasin

Ngayong alam kong handa ka na, maglakbay tayo sa nakaraan sa


pamamagitan ng time machine upang malaman ang mga pagbabagong nagaganap
sa panulaan dahil sa makabagong teknik sa paggawa ng tula. Huwag kang matakot
sasamahan kita.

Katulad ng pandemyang kinakaharap ngayon na nagdulot ng kakaiba sa kilos


at gawi natin noon, gayundin ang naging anyo ng yumayabong na panitikan. Dahil
sa lubhang matalas ang isip ng tao at patuloy na sumisibol ang maraming ideya,
umagos ang iba’t ibang anyo ng panulaan sa pamamagitan ng mga bagong tuklas o
adaptasyon ng makabagong teknik sa pagsulat ng tula.

Ang mabilis na lagaslas ng kaalaman ay aanurin ng sari-saring emosyon at


ang daloy nito ay magpapatingkad sa ating panulaan.

Gamit ang mga larawan sa ibaba bumuo ng isang saknong ng tula na


walang sinusunod na sukat at tugma.

Mga tanong:

1. Paano mo binuo ang iyong tula?


2. Anong damdamin ang naghari sa iyo habang isinusulat mo ang tula?

6
Suriin

Nakamamangha ang iyong galing sa pagbuo ng tula. Saglit nating iiwanan


ang mundo ng pandemya upang makapasok sa mundo ng panulaan. Tara na at
tuklasin ang mga pagbabagong naganap sa panulaan dulot ng nagbabagong
panahon. Handa ka na ba?

Ano nga ba ang uri ng tula? Ano-ano ang mga anyo o uri ng tula sa
pagkakabuo nito? Paano nagiging malikhain ang tula sa adaptasyon ng
makabagong teknik sa panulaan?

Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, malaki ang naging


kontribusyon ng panulaan sa kalayaang tinatamasa ng ating bansa. Isa ang tula sa
akdang pampanitikan na nagpagising sa kamalayan ng mga Pilipino upang
mabuhay ang dugo ng damdaming makabayan. Narito ang iba’t ibang anyo ng
panulaan na nagpagising sa diwang inalipin ng mga dayuhan.

Uri/Anyo ng Tula

1.Tradisyonal

✓ Sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat ng tula na may


sukat, tugma, kaisipan at talinghaga.

Halimbawa: Bumangon ka!

Pilipino bumangon ka, sa kinabaunang dusa


Ang nakamarka mong hirap, burahin sa iyong mata
Magpatuloy na lumaban, buhayin naabang saya
Larawan ng kalakasan, sayo ay magsilbing grasya

2. Malayang Taludturan

✓ Walang sinusunod na sukat at tugma ngunit nagtataglay ng kaisipan


at talinghaga

7
Halimbawa: Kapalit ng Mamiso

Tanggapin mo anak ang ipon kong mamiso


Kapalit nito ay pawis
Kakambal ay pagod
Sa maghapon kong pakikipagtunggali sa pala at martilyo

3. Berso Blangko

✓ Tulang may sukat bagamat walang tugma

Halimbawa: Malaya ka na!

Damdamin ay nagkutkot sayong palasong tingin


Tumarak sa dibdib ko ang punyal mong nagtaksil
Kung ayaw mo na sakin palalayain kita
Ako ay magtitiis maging masaya ka lang

Uri ng tula ayon sa pagkakabuo

1. Tulang liriko

✓ Ang paksa ay ukol sa iba't ibang damdamin

a) Soneto
✓ Tulang may labing-apat na taludtod, nagsasaad ng aral sa
buhay at may kabatiran sa likas na pagkatao

b) Oda
✓ Walang tiyak na bilang ng pantig, nagpapahayag ng papuri o
parangal sa isang dakilang gawain.

c) Awit
✓ Inaawit upang ipahayag ang damdamin, kaugalian, karanasan
at iba pa.

d) Elihiya
✓ Tulang nagpaparangal sa ala-ala ng namatay

e) Dalit
✓ Nagpaparangal o pumupuri sa Panginoon.

8
2. Tulang Pasalaysay

✓ Naglalarawan ng mga pangyayari o mahahalagang tagpo na


makikita sa taludturan ng tula na inilalahad ng pasalaysay o
pakuwento.

a. Epiko/ Tulang Bayani

✓ Nagsasalaysay ng kabayanihang mahirap paniwalaan sapagkat


nauukol sa kababalaghan

b. Awit at Korido

✓ Nagsasalaysay nang pagkamaginoo, kagitingan at


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ang korido ay may
sukat na walong pantig sa bawat taludtod habang ang awit
naman ay may labindalawang pantig bawat taludtod

3. Tulang Patnigan

✓ Tulang tagisan ng mga katwiran layunin nitong manghikayat at


magbigay-linaw sa paksang pinagtatalunan

A. Duplo

✓ Hango ang mga katwiran sa bibliya, salawikain at kasabihan.

B. Karagantan

✓ Libangang pagtatalo nanggaling sa isang alamat ng singsing ng


dalaga na nahulog sa dagat

C. Balagtasan

✓ Tagisan ng talino sa pagbigkas ng palitang katwiran sa isang


paksa. Ito'y hango sa karangalan ni Francisco "Balagtas"
Baltazar.

4.Tulang Pantanghalan

✓ Tulang itinatanghal sa dulaan o teatro. Binibigkas sa saliw ng


musika upang mas maging kasiya-siya sa manonood. Ang mga

9
halimbawa nito ay panunuluyan, sarswela, moro-moro,
senakulo at iba pa.

Kumbensyunal na anyo ng tula

✓ Ang salitang kumbensyunal ay nangangahulugang kaugalian,


tradisyunal o matagal ng ginagawa batay sa tiyak na
pamantayan. Ito ay katutubong anyo ng tula.

1.Diona

✓ Binubuo ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig (7,7,7) at


may kabuuan na dalawampu't isang pantig. Ito ay manorima o
isahang tugmaan (a, a, a)

Halimbawa: Duterte

Pamahalaan natin
Huwag nating hamakin
Anuman ang sapitin

2. Tanaga

✓ Binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong pantig (7,7,7,7)


bawat saknong ay binubuo ng dalawampu't walong pantig. Ito
ay manorima o isahang tugmaan (a,a,a,a)

Halimbawa: Ganti ng Api

Lamok ba ang dumikit?


Sa binting sumasakit
Ako ay napapikit
Ito ay hinagupit

3. Dalit

✓ Binubuo ng apat na taludtod na may tigwawalong pantig


(8,8,8,8) Bawat saknong ay binubuo ng tatlumpu't dalawang
pantig. Ito ay ginagamitan ng manorima o isahang tugmaan
(a,a,a,a)

10
Halimbawa: Kanlungan

Ikaw ang aking kanlungan


Maykapal kong dalanginan
Hindi pinababayaan
Binibigay ang kaylangan

Eksperimental o Makabagong teknik ng Panulaan

✓ Hindi nakasunod sa tradisyunal na pagsulat ng tula. Ito ay


pagtuklas ng makabagong porma, anyo o uri ng panulaan na
magpapakita ng mabilis na daloy ng mga kaisipan at
kamangha-manghang paglalapat ng imahinasyon ng manunulat
sa kanyang akdang pampanulaan.
✓ Ang paggamit ng mga aspetong biswal ay nagbibigay ng
kahulugan sa paksa. Makikita ito sa tulang nasa ibaba

Pusong bigo

Ni Chubs Vhia

Sira bigo
Bagsak lugapi
Sagatan ang puso, hanap ikaw
Paralumang ipinedestal ko
Mabubuhay ka sa isip
Mananati sa puso
Mamahalin ka
Pangako
Ko

11
Tulang Diyamante

✓ Ito ay isang uri ng tulang biswal na nagpapakita ng geometric shape.


Basahin ang halimbawang tula sa ibaba.

Sipnayan

ni Shane Senobio

Matematika
Madalang ang letra
Kalkulasyon ng numero'y ipapakita
Kaya dapat ay bihasa
Magkuwenta

Tulang Parallel
✓ Ito ay isang uri ng tula na pahalang o pababa na makabubuo ng
mensahe.

Halimbawa:
Ang Agham

Kapnayan
Hapnayan
Sipnayan
Enerhiya
Puwersa
Iyan ang
Siyensya

12
Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang uri ng tula, nararapat lamang na


subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing inihanda.

Gawain 1:

Bigkasin ang tula sa harap ng magulang o nakatatandang kasama sa bahay.


Matapos itong bigkasin, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sagutang
papel.

Alwage
ni Sylvia de Mesa

Kumorte ako ng palasyo bitbit ang aking pinsel,


Sinimulang lagyan ito ng hugis
Gamit ang aking martilyo at pako.
Graba at buhangin ang mababakas sa aking hininga;
Pala ang tanging saksi sa pagod ng pagbabata.
Mahigpit kong hawak ang barenang nakikipagkaibigan,
Humalo ang pawis ko sa sementong aking hinahalo
Dugo ng paghihirap ang tanging puhunan ko
Sa matibay na pundasyon ng palasyong aking inaasam .

Mga Tanong:

1. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.


a. kumorte ako ng palasyon
b. bitbit ang aking pinsel
c. mababakas sa aking hininga
d. pagod ng pagbabata
e. matibay na pundasyon

2. Sa anong uri ng tula nabibilang ang akda? Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong
sagot?

3. Anong kaisipan ang nakapaloob sa tulang binasa?

4. Paano nakikipagsapalaran sa buhay ang nagsasalita sa tula?

5. Ikaw, sa paanong paraan ka nakikipagsapalaran sa mundo upang mabuhay?

13
Gawain 2:

Bigkasin ng may angkop na damdamin ang tula kasama ang isa sa kasambahay.
Suriin ito at sagutin ang mga tanong na matatagpuan sa ibaba.

Tunay na Banal
ni Shane M. Senobio

Panginoon naming mahal


Sa amin ika’y nagpagal
Sayo kami nagdarasal
Ikaw ang tunay na banal

Mga tanong:

1. Sa anong uri ng kumbensyunal na anyo ng tula nabibilang ang akdang “Tunay


na Banal”?
2. Ano ang pagkakaiba ng tulang “Alwage” sa tulang “Tunay na Banal” sa anyo ng
pagsulat ng tula?
3. Bakit ito nabibilang sa kumbensyunal na anyo ng tula?
4. Bilang kabataan na nagsisimula pa lamang lumikha ng tula, paano mo
mapapanatili ang kumbensyunal na anyo ng tula?

Gawain 3:

Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba na
may kaugnayan sa teksto. Ilagay ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ito’y

Mataas,

Nagmamalaki,

Nahahaplos ang ulap;

Dikit sa pintuan ng langit,

Ngunit ngayon ay pinapatag ng tao,

Kinakalbo ka ng walang kinatatakutang sinuman;

Sinasalanta ang mga puno na sayo’y humuhugot ng lakas

Panahon na upang ikaw ay ingatan dahil biyaya ka sa sangkalupaan.

14
Katha ni Chubs Vhia

Mga tanong:

1. Kung ikaw ang may akda ng tula ano ang ibibigay mong pamagat dito?

2. Suriin ang tula, anong imaheng biswal ang Nakita mo mula rito? Makdaragdag

ba ito sa kaisipang nais ipahatid ng teksto?

3. Bakit ito nabibilang sa makabagong anyo ng panulaan?

4. Bumuo ng isang saknong ng tula na gagamit ng aspetong biswal o

eksperimental na anyo ng panulaan.

15
Isaisip

Ibigay ang mga natutunan sa aralin. Ito ay itala sa talahanayan.

Mga Anyo ng Panulaan


Kumbensyonal Malaya Eksperimental

16
Isagawa

Tunay nga na napakahusay mo na! Sa pagkakataong ito, hahasain natin


ang iyong kaisipan sa pamamagitan ng makabagong teknik sa pagsulat ng tula.

Bibigyan kita ng pagkakataong pumili ng sarili mong paksa upang higit na


mailabas mo ang iyong kakayahan sa makabagong teknik sa pagsulat ng tula

Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng iyong sulatin.

Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos

Kaangkupan Malinaw na Di gaanong Medyo magulo Walang


ng nilalaman naiparating naipakita ang ang mensahe mensahe ang
ng tula ang mensahe mensahe ng ng tula tula
ng tula tula

Tumutukoy sa Lutang ang Hindi gaanong Hindi gaanong Hindi


mga salitang pagiging lutang ang luting ang malikhain at
ginamit at malikhain at pagiging pagiging walang
estilo sa estilong malikhain at malikhain at estilong
pagsulat ng ginamit sa estilong may konting ipinakita sa
tula pagsulat ng ginamit sa estilong pagsulat ng
tula pagsulat ng ginamit sa tula
tula pagsulat ng
tula

Kalinisan at Napakalinis Malinis ang Di gaanong Walang


kaayusan ng ng pagkakabuo malinis at kalinisan at
akda pagkakabuo at may ilang may kaunting maraming
ng tula at mali sa pagkakamali maling bantas
gumamit ng ginamit na sa ginamit na
mga tamang bantas bantas
bantas

17
Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay sa sagutang papel.

1) Kung dumating ang pagsubok, buhay nap uno ng dagok


Lalagyan ito ng tuldok, prinsipyo’y di mabubulok
Tukuyin ang anyo ng tula.
a. malaya
b. tradisyunal
c. blangko berso
d. dulaan

2) Kung dumating man ang araw ng taglagas,


At wala akong nakita kundi ang pagkabulok nito;
Ang bawat dahon na nalagas ay aking ikahihiya,
Sapagkat lilisan akong walang naiwang magandang sibol.
a. berso blangko
b. malaya
c. tradisyunal
d. kumbensyunal

3) Sa ating pagkadapa, kumpunihin ang sira.


Ito ay isang _______.
a. soneto
b. oda
c. dalit
d. awit

4) Ang buhay ay babalik sa alabok,


Kapag si kamatayan ang kumatok.
At sa kasamaan ikaw ay marupok,
Paglisan mo ay isang malaking pagsubok.
Ang tula ay isang halimbawa ng ______.

18
a. dalit
b. awit
c. elihiya
d. soneto

5) Ang “Papuri sa Diyos” ay isang halimbawa ng ________.


a. awit
b. dalit
c. soneto
d. elihiya

6) Kung karapatan ay ginigiba,


dumakot ng malaking panlaban;
wag palupig sa iyong kaaway,
salita ng Diyos ang gamitin.
Tukuyin ang anyo ng tula.
a. berso blangko
b. malaya
c. tradisyunal
d. kumbensyunal

7) Sa bawat pagkakamali,
Patawad ang hinihingi;
Yayapusin ang iyong kahinaan
Ako mahal ang gawing kalakasan.
a. liriko
b. patnigan
c. elihiya
d. pantanghalan

8) Hango ang mga katuwiran sa bibliya, salawikain at kasabihan.


a. karagatan
b. balagtasan
c. bukanegan
d. duplo

19
9) Tagisan ng katuwiran sa pagbigkas na hango sa karangalan ni Francisco
Baltazar.
a. duplo
b. karagatan
c. balagtasan
d. bukanegan

10) Matagal ng ginagawa batay sa tiyak na pamantayan na nasa katutubong anyo


at tradisyunal na kaugalian sa paggawa ng tula.
a. kumbensyunal
b. malaya
c. tradisyunal
d. berso blangko

11) Naglalarawan ng mga pangyayari o mahahalagang tagpo sa paraang


pasalaysay na makikita sa tula.
a. tulang patnigan
b. tulang pantanghalan
c. tulang pasalaysay
d. tulang pandulaan

12) Ninais ni Armand Greg na makilala sa larangan ng panulaan, kaya gumawa


siya ng makabagong estilo na hidi nakasunod sa tradisyunal na pagsulat ng
tula. Sa anong anyo ng tula nabibilang ang ginawa ni Armand Greg?
a. berso blangko
b. kumbensyunal
c. tradisyunal
d. makabagong teknik

13) Ang Alteatro ng Orani National High School ay nagtanghal ng isang dula na
binigkas sa saliw ng musika. Ayon sa pagkakabuo, sa anong anyo ito
nabibilang?
a. tulang liriko
b. tulang pasalaysay
c. tulang pantanghalan
d. tulang patnigan

20
14) Bakit higit na pinagtutuunan ng pansin ng mga manunulat na makagawa ng
makabagong teknik ng panulaan?
a. sapagkat mas nalilibang silang gumawa nito
b. mabilis na dumadaloy ang mga kaisipan at kamangha-manghang
paglalapat ng imahinasyon.
c. tuwirang nakasusulat ng akda ng may sukat at tugman na magpapaganda
ng tula.
d. dahil karamihan sa mga manunulat ay makabagong kabataan.

15) Bakit higit na nakabubuo ng mensahe ang eksperimental na anyo ng


panulaan?
a. sapagkat ito ay gumagamit ng imaheng biswal na nagbibigay kahulugan sa
paksa
b. sapagkat ito ay kawi-wili sa mambabasa
c. sapagkat ito ay naglalayon na ipabatid ang kahalagahan ng sukat, tugma
at talinghaga sa tula
d. sapagkat ipinapakita nito ang kahalagahan ng kaugalian at
kumbensyunal na anyo ng panulaan.

21
Karagdagang Gawain

A. Ibigay ang sagot ng mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Pagtuklas ng makabagong anyo ng panulaan na ginagamitan ng imaheng


biswal.
2. Ito ay nangangahulugang kaugalian, tradisyunal at katutubong anyo ng tula.
3. Uri ng tula na walang sinusunod na sukat tugma ngunit nagtataglay ng
talinghaga at kaisipan.
4. Uri ng tula na may sukat ngunit walang tugma.
5. Uri ng tula na sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat na may sukat,
tugma, kaisipan at talinghaga.

B. Buuin ang malayang taludturan ng tula. Lagyan ng angkop na salita.

Ibig kong Lumaya

________ ko’y ibig na lumaya

Sa _______ mong balot ng hiwaga

Ang salita mo’y bunga ng mabulaklak na _______

Ako’y ikinulong ng iyong gahamang ______

At ______ niyayakap ang aking gunita,

Ngunit _______ ng mabuhay sa iyong ________

Mga _______ ko’y tigmak na ng luha

Na sa ______ damdamin ay siyang ________.

22
23
15.a
Pagyamanin:
on 14.a
Gawain 1: Pangino 4. 13.a
prutas 3. 12.a
1. Depende sa sagot ng bata bulaklak 2. 11.a
2. Malayang taludturan, depende dagat 1. 10.a
sa bata Suriin:
9. c
8. b
3.-5 Depende sa sagot ng bata 7. d
6. d
5. b
Gawain 2: 4. a
3. c
1.Dalit
2. b
2.alwage-malayang taludturaa 1. b
Tunay na banal- may sukat at Subukin:
tugma
3.Makasunod sa tradisyunal na
anyo ng tula
4. Depende sa sagot ng bata
Gawain 3:
1-4 Depende sa sagot ng bata
Susi sa Pagwawasto
24
15.a
Karagdagang 14.b Isagawa:
Gawain: 13.c Ang sagot ay
1. Makabago
12.d depende sa pang-
ng teknik
11.c unawa ng mag-
2. Kumbensy
10.a aaral gamit ang
unal 9. c rubriks.
3. Malaya 8. d
4. Berso 7. a
Blangko 6. a
5. Tradisyun 5. b
al 4. c
3. a
6-15 Depende sa 2. b
sagot ng bata 1. d
Tayahin:
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Villaruel, R. (2016) Malikhaing Pagsulat. Quezon City: SIBS Publishing House.Inc.

Mirasol, M. (2003) Ang Bagong Filipino. Quezon City: Saint Bernadette Publications,
Inc.

DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Creative Writing/Malikhaing Pagsulat

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like