You are on page 1of 18

12

Filipino sa Piling Larang


(Academic)
Unang Markahan – Modyul 7:
PAGSULAT NG TALUMPATI
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Augustina O. Enerlan
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)

Unang Markahan–Modyul 7:
PAGSULAT NG TALUMPATI
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Talumpati!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsulat ng Talumpati!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

PAGSULAT NG TALUMPATI

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang/ nabasang halimbawa.

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta kayo sa tinatawag nating “New


Normal” ngayon? Marahil ay nagagalak kayo na basahin at buksan
ang mga isipan para sa isang makabuluhang pag-aaral.
Ang modyul na ito ay patungkol sa kung ano ang isang
mabisang talumpati, paano ito isusulat at ang kahalagahan nito sa
ating pang araw-araw na pamumuhay. Dahil kahit na sa bahay o
labas man ng komunidad ay marami tayong kanya-kanyang opinion
at pananaw tungkol sa isang bagay, mapa isyu, ideya o sa isang
paksa na napapanahon. Malilinang rin dito ang inyong kasayanayan
sa pagsulat ng isang mabisang akademikong sulatin gaya ng
talumpati na may kumpyansa na siguradong kawili-wili sa mga
mambabasa man o manunulat.
Binabati ko kayo sa pagsisimula ng inyong bagong kabanata
bilang isang mag-aaral.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga wastong hakbangin sa pagsulat ng talumpati;


2. Nakasusulat ng sariling talumpati batay sa mga wastong hakbangin sa
pagsulat nito.
3. Nabibigyang halaga ang mga tuntunin sa maayos at wastong pagsulat
ng isang mabisang talumpati.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

______________1. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan


tungkol sa isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.

_______________2. Sa gabay ng paggawa, ito ay kailangang suriin ang sarili kung


ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at
interes.

_______________3. Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng


materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon.

_______________4. Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,


katawan at pangwakas.

_______________5. Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na


sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahd sa
balangkas.

2
_______________6. Sa bahaging ito ng balangkas ng talumpati ay yaong kaakit-
akit ng pansin ng madla.

_______________7. Sa bahaging ito naman ay nagtataglay ng mga mahahalagang


kaisipang ninanais ihatid sa mga nagtatalumpati.

_______________8. Sa bahaging ito naman ay magiiwan ng mahalagang kaisipan,


saloobin at damdamin ng mga nakikinig.

Sa pagsulat ng talumpati ay dapat isaalang-alang ang _________9. At


___________10. Na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig o
mambabasa.

Magaling! Nasubukan mong gawin ang


panimulang pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman… Handa ka na ba?

TUKLASIN

GAWAIN 1

PANUTO:
Basahin nang may pag-unawa ang talumpati na pagtatapos ni Keith Andrew
D. Kibanoff (2015 Valedictory Address) na matatagpuan sa link na ito
https://bit.ly/3mzKLNF.

3
SURIIN

PAGSUSURI

Sagutin ang mga sumusunod nang may buong katapatan.

1. Ano ang napapansin mo sa Gawain 1 pagkatapos mo itong basahin?

2. Ano ang iyong damdamin sa aktibiti na ito?

3. Sa iyong palagay ano kaya ang hangarin ng may akda sa kanyang talumpati?

4. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing ito upang mas maunawaan mo
paksang tatalakayin sa modyul na ito?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

4
PAGSULAT NG TALUMPATI

Naaala mo pa ba ang kahulugan kung ano ang isang Talumpati? Ano kaya
ang mas madali? Ang pagbabasa nito o ang pagsusulat?

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na nangangatwiran, or tumatalakay


ng isang paksa para sa tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan,
husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan. Sa paghahanda nito kinakailangang tandaan na anag isang mahusay
na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa,
nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonod
at tagapakinig.

Sa pagsulat ng Talumpati ay dapat isaalang-alang ang uri ng wika at mga


angkop na salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig.
Maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati Simulan
ang pagsulat ng introduksyon. Isulat rin ang konklusyon.

Mga Gabay sa Paggawa ng Talumpati

1. Pagpili ng paksa-kailangang suriin ang sarili kung ang paksang naplili ay


saklaw ang kaalama, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales-kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay
paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon
na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga
impormasyon ay ang dating kaalamanat mga karanasan na may kinalaman
sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang
napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya-ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi
panimula, katawan at pangwakas.
Ang pagsulat ng Simula
4. Paglinang ng mga kaisipan-dito nakapaloob ang mga mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas.

Ang talumpati ay handa ng sulatin kapag naihanda na ang balangkas. Ang talumpati
ay tulad rin ng anupamang komposisyon na may simula, pinakakatawan
at wakas.

Mula sa: Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral


at iba pang karagdagang hanguan

5
Ang Pagsulat ng Simula
Ang isang magandang simula ay yaong nakaakit ng pansin sa madla. Ang
pag-akit sa nakikinig sa pamamagitan ng mapang-akit na simula ay maisasagawa
sa ibat-ibang paraan. Maaring simulant ang talumpati sa pamamagitan ng isang di-
pangkaraniwang pahayag isang pagtatanong, isang naangkop na anekdota o isang
pagpapatungkol sa okasyon.

Ang Pagsulat ng Pinaka-katawan


Ang pinaka-katawan ng talumpati ang nagtataglay ng mga mahahalagang
kaisipang ninanais ihatid sa mga nagtatalumpati. Sa pagbuo ng pinkakatawan ay
maaaring sundin ang mga paraan pagbubuo o pagpagpahayag ng kaisipan na
tinatalakay sa leksiyon sa ilalim ng sanaysay. Upang ang katawan ng talumpati ay
maging makabuluhan at kapanipaniwala ito ay dapat magtaglay ng mga paliwanag,
paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa, pagbanggit sa mga tunay na
pangyayari, estadistika at patotoo.

Ang Pagsulat ng Wakas


Ang talumpati ay mahalaga sapagkat ito ay tumitiyak kung matatandaan ng
madling nakikinig ang ninanais ng nagtatalumpati na matandaan nila. Sa
pamamagitan ng isang mahusay na wakas, ang paggitnang diwa ng talumpati ay
iniiwan sa isipan ng nakikinig. Maaaring wakasan ang isang talumpati sa
pamamagitan ng paglalayon, pagtatanong, paggamit ng naaangkop na siniping
pahayag at iba pang kaparaanan na makatutulong sap ag-iiwan ng mahalagang
kaisipan, damdamin at saloobin sa nakikinig.
Laging isaalang alang sa pagsulat ng talumpati kung sino ang iyong mambabasa o
tagapakinig. Mas magiging makabuluhan ito kung bibigyang halaga ang tamang
pag-oorganisa ng mga ideya na sinasabayan ng angkop na kilos at galaw.

Mula sa: Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral


at iba pang karagdagang hanguan

Mga Gawain

Panuto: Ibigay ang inyong mga opinion/reaksiyon hinggil sa mga paksang inilahad
para sa pagsulat ng isang makabuluhang talumpati:

1. Ang mga estudyante sa “New Normal” Edukasyon ngayon.


2. Ang kakaibang Pagtatapos ng SY 2019 -2020
3. Pandemyang COVID 19 sa Pilipinas

6
ISAISIP

Ma
Magiging mabisa at makabuluhan
ang bubuuing talumpati kung
bibigyang halaga ang tamang pag-
oorganisa ng mga ideya na
sinasabayan ng angkop na kilos at
galaw. Dapat ito ay kaakit-akit sa
madla at napapanahon.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ng isang talumpati na kinapapalooban ng tatlo hanggang limang


(3-5) talata tungkol sa pandemyang COVID 19. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka

1. Hitik sa angkop na nilalaman at mga patunay ……………….. 25 puntos


2. Kaayusan sa paglalahad at pagtalakay sa paksa ……………. 15 puntos
3. Kawastuang Panggramatika …………………………………… 10 puntos

KABUUAN 50 puntos

7
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Makinig sa isang talumpati ng ating Pangulong Duterte at itala ang mga
mahahalagang datos na kanyang binanggit. Isulat sa iyong kuwaderno.

REFLEKSIYON

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

______________1. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan


tungkol sa isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.

8
_______________2. Sa gabay ng paggawa, ito ay kailangang suriin ang sarili kung
ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at
interes.

_______________3. Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng


materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon.

_______________4. Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,


katawan at pangwakas.

_______________5. Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na


sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahd sa
balangkas.

_______________6. Sa bahaging ito ng balangkas ng talumpati ay yaong kaakit-


akit ng pansin ng madla. (Kalakip sa iyong sagot ay sumulat
ng isang halimbawa.)

_______________7. Sa bahaging ito naman ay nagtataglay ng mga mahahalagang


kaisipang ninanais ihatid sa mga nagtatalumpati. (Kalakip sa
iyong sagot ay sumulat ng isang halimbawa.)

_______________8. Sa bahaging ito naman ay magiiwan ng mahalagang kaisipan,


saloobin at damdamin ng mga nakikinig. (Kalakip sa iyong
sagot ay sumulat ng isang halimbawa.)

9-10. Sa pagsulat ng talumpati ay dapat isaalang-alang ang ________ at


__________ na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig o mambabasa.
(Pagkatapos punan ang patlang ay ipaliwanag nang may buong diwa ang linyang
ito.)

9
10
Panimulang Pagtataya:
1.Talumpati
2. Pagpili ng paksa
3. Pagtitipon ng mga materyales
4. Pagbabalangkas ng mga ideya
5. Paglinang ng kaisipan
6. Simula
7. Katawan
8. Wakas
9. Uri ng Wika
10. angkop na salita
Mga Gawain: (Iba-iba ang kasagutan sa bahaging ito. Na iwawasto at babasahin ng guro)
Pangwakas na Pagtataya
1.Talumpati
2. Pagpili ng paksa
3. Pagtitipon ng mga materyales
4. Pagbabalangkas ng mga ideya
5. Paglinang ng kaisipan
6. Simula (Iba-iba ang kasagutan dito)
7. Katawan (Iba-iba ang kasagutan ditto)
8. Wakas (Iba-iba ang kasagutan ditto)
9. Uri ng Wika
10. angkop na salita
(Ibaiba ang pagpapaliwanag sa kasagutan 9 at 10)
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

AKLAT

Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral: Unang Limbag 2016.


Kagawaran ng Edukasyon.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Batayang Aklat. Vibal Group

Alviola, Jesusito S., Celin Janeth A., Mongcopa, Marie Chona S. Filipino sa Piling
Larang-Akademiko Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino Sanayang Aklat

INTERNET

Kibanoff, Keith Andrew D. Pagtatapos 2015 Valedictory Address. Last Modified April
25, 2015. https://bit.ly/3mzKLNF
Gabay ng Mag-aaral https://teksbok.blogspot.com/2010/09talumpati.html/

Pagsulat ng Talumpati www.tagalog.com/pagsulat-ng-talumpati

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like