You are on page 1of 41

12 12

Filipino sa Piling Larang


(Academic)
Unang Markahan – Modyul 3:
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)
Unang Markahan–Modyul 3:
Aralin 3.1
MGA URI NG TALUMPATI
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Uri ng Talumpati!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Mga Uri ng Talumpati!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming


paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iii
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

MGA URI NG TALUMPATI

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin. (CS_FA11PU-0d-f-92)
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11PUOd-f-93)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Nahihirapan ka bang bumuo ng


isang akademikong sulatin kagaya ng talumpati? Ito na ang sagot sa iyong
problema!

Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay mo sa kung ano at


paano ang paggawa ng isang talumpati. Ito ay makatutulong sa iyo upang
matutuhan ang mga paraan o hakbang sa paggawa ng isang maayos na
talumpati. Bilang isang mag-aaral at mananalumpati sa hinaharap,
mahalagang malaman ang tamang pagsulat ng isang mahusay na
talumpati sapagkat ito ang magsisilbing gabay mo upang malaman kung
paano mahikayat ang tagapakinig na pakinggan ang iyong ginawang
talumpati.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagbibigay ng kahulugan, proseso o tamang hakbang sa paggawa ng


talumpati;

2. Nakasusulat ng talumpati na sinusunod ang tamang hakbang nito; at


3. Naisasaalang-alang ang etika sa pagbubuo ng mahusay na talumpati.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot. Piliin
lamang sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Extemporaneous Paghahanda
Impromptu Kasukdulan
Impormatibo Pagbaba
Mang-aliw Pag-unlad
Nanghihikayat Okasyonal
Nangugulat Espesyal

___________ 1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


___________ 2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.
___________ 3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang isang
bagay.
___________ 4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
___________ 5. Talumpating walang paghahanda.
2
___________ 6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
___________ 7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagpukaw sa atensyon ng tagapakinig.
___________ 8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
___________ 9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang paglikha
ng tensyon sa talumpati.
___________10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagtatapos ng talumpati.

Magaling!Naismo bang dagdagan pa


ang kaalaman na iyong natamo tungkol sa
talumpati?Ang modyulna ito ay sadyang
ginawa upang ipaintindi sa iyo ang nasabing
paksa. Kung handa ka na, ipagpatuloy mo
ang pagkatutosa pamamagitanng mga
inihandang gawain.

TUKLASIN
GAWAIN 1

Makikita sa ibaba ang isang Converging Map na may salitang “Talumpati” sa gitna. Isulat sa
loob ng bilog ang mga mga salita/ parirala na maaari mong maiugnay sa salitang “talumpati”
upang makabuo ng isang maikling kahulugan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

3
______

______ _____

TALUMPATI

SURIIN

PAGSUSURI

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Base sa gawain, anong kahulugan ang iyong nabuo para sa salitang


talumpati?
2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-
aaralan?

4
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Mga Uri ng Talumpati

Talumpati ayon sa Layunin


❖ Impormatibo - ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na
paksa. Hal. Talumpati tungkol sa Mental Health.
❖ Nanghihikayat - nanghihikayat sa tagapakinig na magsagawa ng isang kilos o
kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. Hal.
Talumpati tungkol sa masamang dulot ng aborsyon.
❖ Mang-aliw - talumpating nang-aaliw o nagpapatawa sa tagapakinig. Hal.
Pagpapatawa ng mga komedyante sa comedy bar.
❖ Okasyonal - talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na
okasyon katulad ng kasal, kaarawan at parangal.

Talumpating ayon sa Kahandaan


❖ Impromptu - halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati.
Hal. Biglaang pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling
talumpati.
❖ Extemporaneous - pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng
speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas.

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati


⚫ Paghahanda - Mahalaganag mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa unang
pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng introdukyon, kailangan silang
ihanda at isama sa paglalakbay.
⚫ Pag-unlad - sa bahaging ito kailangang lumikha ng tensyon, magkuwento o
magbigay ng halimbawa at mga tayutay ang tagapagsalita upang hindi sila
bitawan ng tagapakinig.
⚫ Kasukdulan - ito ang tuktok na bahagi ng talumpati. Inilalahad dito ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
⚫ Pagbaba - ito ang pagtatapos na bahagi ng talumpati. Paano ba ito tapusin?
Maaring ibuod ang mahalagang puntong tinalakay o mag-iwan ng tanong o

5
parirala. Anumang paraan ng pagtatapos, kailangang mahuli ang kongklusyon
ang diwa ng talumpati.
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

Tuon
✓ Bakit ako magsusulat ng talumpati?
✓ Ano ang paksa?
✓ Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
✓ Ano ang gusto kong mangyari sa aking tagapakinig?
✓ Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

Tagapakinig
✓ Sino ang aking tagapakinig?
✓ Bakit sila makikinig sa talumpati?
✓ Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?

Pagsulat
✓ paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?
✓ Anong lenggwahe ang gagamitin ko?
✓ Ao ang tono ng aking talumpati?
✓ Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
✓ Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Mga Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong na makikita sa ibaba. Sagutin ito ng
maayos.

1. Bakit mahalaga ang pokus sa pagsulat ng talumpati?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?


_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang papel ng tagapakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang sa pagsulat
ng talumpati?

6
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

ISAISIP

Ang talumpati ay ang


pagpapahayag ng kaisipan o opinion
tungkol sa isang paksa, sa pamamagitan
ng pagsasalita ssa entablado. Ito ay
ginagawa sa harapan ng pangkat ng mga
tagapakinig. Ang talumpati ay maaring
basahin isaulo o ibalangkas.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

_______________________________________________________________

Gawin Mo!
Bilang isang masigasig na estudyante at lider, ikaw ay naimbitahan ng
inyong barangay kapitan na magbigay ng isang talumpati para sa iyong kapwa
kabataan kontra sa paggamit ng mga ipinagbabawal na droga. Ikaw ay gagawa
ng isang talumpating handa na may temang nanghihikayat sa kabataan na huwag
gumamit ng mga illegal na droga. Makikita sa ibaba ang krayterya ng iyong
bubuuing talumpati. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Krayterya 25pts. 15pts. 7pts.

7
Nilalaman at klarong-klaro ang Hindi gaanong Hindi klaro ang
Pamamaraan kaisipang nais klaro ang kaisipang nais
ipabatid. kaisipang nais ipabatid.
ipabatid.
Wastong gamit at Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng
pagbaybay ng pagkagamit ng pagkagamit ng salita ay mali sa
mga salita mga salita at sa mga salita at sa paggamit at
pagbaybay nito. pagbaybay nito. pagbaybay.
Istilo/Pananalita Direkta at Hindi gaanong Hindi klaro ang
naiintindihan naiintindihan ang pananalita at
nang maayos ang pananalita isitilong ginamit
istilo at /istilong ginamit sa binuong
pananalitang sa binuong abstrak. Hindi
ginamit sa abstrak. Hindi nanghihikayat
gaanong ang binuong
binuong talumpati.
talumpati. Ito rin nanghihikayat
ay nanghihikayat ang binuong
sa mga talumpati.
tagapakinig.
Orihinalidad Sariling gawa ang Sariling gawa ang Kinopya lamang
talumpati at talumpati ngunit mula sa
purong orihinal. may iilang bahagi internet/ibang tao
na kinopya mula ang buong laman
sa ibang tao. ng talumpati.

Kabuuan 100 puntos

8
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sa iyong sariling pagkakaintindi, isa-isahin ang mga hakbang o proseso sa


pagbuo ng isang mahusay na talumpati. Magbigay ng limang hakbang
lamang. Isulat mo ito sa iyong kuwaderno.

1. Unang Hakbang

2. Pangalawang hakbang

3. Pangatlong hakbang

4. Pang-apat na hakbang

5. Panlimang hakbang

REFLEKSIYON

PANUTO: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay…


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________.

9
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot. Piliin
lamang sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Extemporaneous Paghahanda Nanghihikayat


Impromptu Kasukdulan Nangugulat
Impormatibo Pagbaba Okasyonal
Mang-aliw Pag-unlad Espesyal

___________1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


___________ 2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.
___________ 3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang isang
bagay.
___________ 4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
___________ 5. Talumpating walang paghahanda.
___________ 6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
___________ 7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagpukaw sa atensyon ng tagapakinig.
___________ 8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
___________ 9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang paglikha
ng tensyon sa talumpati.
___________10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pagtatapos ng talumpati.

10
.

11
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)
Unang Markahan–Modyul 3:
Aralin 3.2
PAGSULAT NG TALUMPATI

ALAMIN

1
PAGSULAT NG TALUMPATI

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang/ nabasang halimbawa.

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta kayo sa tinatawag nating “New Normal”


ngayon? Marahil ay nagagalak kayo na basahin at buksan ang mga isipan
para sa isang makabuluhang pag-aaral.

Ang modyul na ito ay patungkol sa kung ano ang isang mabisang


talumpati, paano ito isusulat at ang kahalagahan nito sa ating pang araw-
araw na pamumuhay. Dahil kahit na sa bahay o labas man ng komunidad
ay marami tayong kanya-kanyang opinion

at pananaw tungkol sa isang bagay, mapa isyu, ideya o sa isang paksa na


napapanahon. Malilinang rin dito ang inyong kasayanayan sa pagsulat ng
isang mabisang akademikong sulatin gaya ng talumpati na may kumpyansa
na siguradong kawili-wili sa mga mambabasa man o manunulat.

Binabati ko kayo sa pagsisimula ng inyong bagong kabanata bilang


isang mag-aaral.

2
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga wastong hakbangin sa pagsulat ng talumpati;


2. Nakasusulat ng sariling talumpati batay sa mga wastong hakbangin sa pagsulat
nito.
3. Nabibigyang halaga ang mga tuntunin sa maayos at wastong pagsulat ng isang
mabisang talumpati.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

______________1. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa


isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig.

_______________2. Sa gabay ng paggawa, ito ay kailangang suriin ang sarili kung ang
paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.

_______________3. Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales


na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon.

_______________4. Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at


pangwakas.

_______________5. Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa


mga pangunahing kaisipan na inilahd sa balangkas.

_______________6. Sa bahaging ito ng balangkas ng talumpati ay yaong kaakitakit ng


pansin ng madla.
3
_______________7. Sa bahaging ito naman ay nagtataglay ng mga mahahalagang
kaisipang ninanais ihatid sa mga nagtatalumpati.

_______________8. Sa bahaging ito naman ay magiiwan ng mahalagang kaisipan, saloobin


at damdamin ng mga nakikinig.

Sa pagsulat ng talumpati ay dapat isaalang-alang ang _________9. At ___________10. Na


magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig o mambabasa.

Magaling! Nasubukan mong gawin ang


panimulang pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman… Handa ka na ba?

TUKLASIN

GAWAIN 1

PANUTO:
Basahin nang may pag-unawa ang talumpati na pagtatapos ni Keith Andrew D.
Kibanoff (2015 Valedictory Address) na matatagpuan sa link na ito
https://bit.ly/3mzKLNF.

4
SURIIN

PAGSUSURI

Sagutin ang mga sumusunod nang may buong katapatan.

1. Ano ang napapansin mo sa Gawain 1 pagkatapos mo itong basahin?

2. Ano ang iyong damdamin sa aktibiti na ito?

3. Sa iyong palagay ano kaya ang hangarin ng may akda sa kanyang talumpati?

4. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing ito upang mas maunawaan mo paksang
tatalakayin sa modyul na ito?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD
PAGSULAT NG TALUMPATI

Naaala mo pa ba ang kahulugan kung ano ang isang Talumpati? Ano kaya ang mas
madali? Ang pagbabasa nito o ang pagsusulat?
5
Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na nangangatwiran, or tumatalakay ng isang
paksa para sa tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng
mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan. Sa paghahanda
nito kinakailangang tandaan na anag isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-
impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga konsepto at
paninindigan sa mga manonod at tagapakinig.

Sa pagsulat ng Talumpati ay dapat isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na


salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig. Maghanda ng isang
balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati Simulan ang pagsulat ng
introduksyon. Isulat rin ang konklusyon.

Mga Gabay sa Paggawa ng Talumpati

1. Pagpili ng paksa-kailangang suriin ang sarili kung ang paksang naplili ay saklaw ang
kaalama, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales-kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap
ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa
isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalamanat mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay
ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya-ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi
panimula, katawan at pangwakas. Ang pagsulat ng Simula
4. Paglinang ng mga kaisipan-dito nakapaloob ang mga mahalagang impormasyon na
sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.

Ang talumpati ay handa ng sulatin kapag naihanda na ang balangkas. Ang talumpati ay tulad
rin ng anupamang komposisyon na may simula, pinakakatawan at wakas.

Mula sa: Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral


at iba pang karagdagang hanguan

Ang Pagsulat ng Simula


Ang isang magandang simula ay yaong nakaakit ng pansin sa madla. Ang pag-akit sa
nakikinig sa pamamagitan ng mapang-akit na simula ay maisasagawa sa ibat-ibang paraan.
Maaring simulant ang talumpati sa pamamagitan ng isang dipangkaraniwang pahayag isang
pagtatanong, isang naangkop na anekdota o isang pagpapatungkol sa okasyon.

Ang Pagsulat ng Pinaka-katawan


Ang pinaka-katawan ng talumpati ang nagtataglay ng mga mahahalagang kaisipang ninanais
ihatid sa mga nagtatalumpati. Sa pagbuo ng pinkakatawan ay maaaring sundin ang mga
paraan pagbubuo o pagpagpahayag ng kaisipan na tinatalakay sa leksiyon sa ilalim ng
sanaysay. Upang ang katawan ng talumpati ay maging makabuluhan at kapanipaniwala ito ay
dapat magtaglay ng mga paliwanag, paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa,
pagbanggit sa mga tunay na pangyayari, estadistika at patotoo.
6
Ang Pagsulat ng Wakas
Ang talumpati ay mahalaga sapagkat ito ay tumitiyak kung matatandaan ng madling nakikinig
ang ninanais ng nagtatalumpati na matandaan nila. Sa pamamagitan ng isang mahusay na
wakas, ang paggitnang diwa ng talumpati ay iniiwan sa isipan ng nakikinig. Maaaring
wakasan ang isang talumpati sa pamamagitan ng paglalayon, pagtatanong, paggamit ng
naaangkop na siniping pahayag at iba pang kaparaanan na makatutulong sap ag-iiwan ng
mahalagang kaisipan, damdamin at saloobin sa nakikinig.
Laging isaalang alang sa pagsulat ng talumpati kung sino ang iyong mambabasa o
tagapakinig. Mas magiging makabuluhan ito kung bibigyang halaga ang tamang pag-
oorganisa ng mga ideya na sinasabayan ng angkop na kilos at galaw.

Mula sa: Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral


at iba pang karagdagang hanguan

Mga Gawain

Panuto: Ibigay ang inyong mga opinion/reaksiyon hinggil sa mga paksang inilahad para sa
pagsulat ng isang makabuluhang talumpati:

1. Ang mga estudyante sa “New Normal” Edukasyon ngayon.


2. Ang kakaibang Pagtatapos ng SY 2019 -2020
3. Pandemyang COVID 19 sa Pilipinas

7
ISAISIP

Ma
Magiging mabisa at makabuluhan
ang bubuuing talumpati kung
bibigyang halaga ang tamang pag
oorganisa ng mga ideya na
sinasabayan ng angkop na kilos at
galaw. Dapat ito ay kaakit -akit sa
madla at napapanahon.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ng isang talumpati na kinapapalooban ng tatlo hanggang limang (3-5)


talata tungkol sa pandemyang COVID 19. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka

1. Hitik sa angkop na nilalaman at mga patunay ……………….. 25 puntos


2. Kaayusan sa paglalahad at pagtalakay sa paksa ……………. 15 puntos
3. Kawastuang Panggramatika …………………………………… 10 puntos

KABUUAN 50 puntos

8
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Makinig sa isang talumpati ng ating Pangulong Duterte at itala ang mga
mahahalagang datos na kanyang binanggit. Isulat sa iyong kuwaderno

TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

______________1. Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa


isang mahalagaat napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig.

_______________2. Sa gabay ng paggawa, ito ay kailangang suriin ang sarili kung ang
paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.

_______________3. Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales


na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon.

_______________4. Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at


pangwakas.

_______________5. Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa


mga pangunahing kaisipan na inilahd sa balangkas.

_______________6. Sa bahaging ito ng balangkas ng talumpati ay yaong kaakitakit ng


pansin ng madla. (Kalakip sa iyong sagot ay sumulat ng isang
halimbawa.)

9
_______________7. Sa bahaging ito naman ay nagtataglay ng mga mahahalagang
kaisipang ninanais ihatid sa mga nagtatalumpati. (Kalakip sa iyong
sagot ay sumulat ng isang halimbawa.)

_______________8. Sa bahaging ito naman ay magiiwan ng mahalagang kaisipan, saloobin


at damdamin ng mga nakikinig. (Kalakip sa iyong sagot ay sumulat
ng isang halimbawa.)

9-10. Sa pagsulat ng talumpati ay dapat isaalang-alang ang ________ at __________ na


magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig o mambabasa. (Pagkatapos punan ang
patlang ay ipaliwanag nang may buong diwa ang linyang ito.)

10
12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)
Unang Markahan–Modyul 3:
Aralin 3.3
KATITIKAN NG PULONG

ALAMIN
11
KATITIKAN NG PULONG

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng


katitikan ng pulong at sintesis. CS_FA11/12PN-0j-l-92

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Ngayong araw ay isang panibagong paksa


ang ating tatalakayin at ito ay tungkol sa katitikan ng pulong. Ito ay ginagamit sa
halos lahat ng grupo, organisasyon, at kompanya na may pulong na kailangang
irekord ang mga pag-uusap tungkol sa partikular na paksa, mga napagpasiyahang
aksiyon, mga rekomendasyon, mahahalagang isyung lumulutang sa pulong. Ito ay
mahalagang malaman at maunawaan ng isang mag-aaral dahil bilang

isa sa napabilang sa akademikong track sa Senior High School ay maaari itong


maging gabay at tulong sa hinaharap lalo na sa mundo ng trabahong pang -
opisina.

MGA LAYUNIN

12
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng
katitikan ng pulong.
2. Nakasusulat ng isang angkop na katitikan ng pulong batay sa tamang konsepto nito.
3. Masusing nasusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Piliin sa mga salita na nasa kahon ang mga maaaring nakatala sa katitikan ng
pulong. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

O R A S N G P A G S I S I M U L A I O L
A N M I Y T V N K P V B N U J K L A A N
R G Y U Q W E R T Y U I O P A S D O F G
H J K L L Z X P C V B N N M Q W E R R T
Y U I O P A S D A F G H J K L Z X A C V
B N P O O K M Q W K E R T Y U I O S P L
A S D F G H J K L Z S X C V B N M W E R
T Y U I O P A S D F G A J K L L P U I B
Q W E T Y U M N B V G H J K L I B V C X
U I N Y H N B T V R C L K U R E I V C B
V B U I Y U P E T S A V R T Y U E C X K

13
Magaling! Nasubukan mong gawin ang
panimulang pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman…

TUKLASIN

GAWAIN 1

PANUTO:Masdan at suriin nang mabuti ang detalye ng larawan. Isulat sa iyong


kuwaderno ang iyong mga magiging obserbasyon.

https://bit.ly/33Uokud

14
SURIIN

PAGSUSURI

1. Ano ang napapansin mo sa mga larawan na nakikita mo sa gawain 1?


2. Sa tingin mo, ano kaya ang ugnayan ng dalawang larawan sa isa’t isa?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawain 1 tungo sa pag-unawa mo sa paksang
iyong pag-aaralan?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag na


katitikan ng pulong. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon.
Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte. Maaaring maikli at tuwiran o detalyado.

Kahalagahan ng katitikan
Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Nagsisilbing gabay upang
matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong. Maaaring maging
mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. Ito’y magiging hanguan
o sanggunian sa mga susunod na pulong. Ito’y batayan ng kagalingan ng idibidwal.

Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:


-Paksa
-Petsa
-Oras
- Pook na pagdarausan ng pulong
- Mga taong dumalo at di dumalo
- oras ng pagsisimula
15
- oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

Mahalagang Ideya!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang
pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pagiisip.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan


• Bago ang Pulong
Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali ang
pagsulat. (Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong). Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol
sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa. Maaaring gumamit
ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.
• Habang nagpupulong
Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi
pagkatapos.
Tandaan: hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat
nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang
bawat sasabihin ng kalahok.
• Pagkatapos ng pulong
Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at
tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para
sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam na may numero ang bawat linya
at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagprerepaso o pagsusuri sa
susunod na pulong. Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay
ng salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos
ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa
hinaharap.
Hango mula sa: https://bit.ly/3iZFgWB.

Halimbawa ng katitikan ng pulong:


Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora
Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo

16
1 KGG. Anthony Dominic Sanchez
2 KGG. Mark Vincent Cabana
3 KGG. Elizar Valenzuela
4 KGG. Rendell Solano
5 KGG. Onille Paul Bernardino
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia
Daloy ng Usapan
Panimula

1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa

PANIMULA:

KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:


Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo,
2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para na rin sa
kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating


nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon. KGG. ADS: Sige
KGG. Bernardino.

KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run
upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali
dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay
mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon? KGG.
Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo ng benta
ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan
ito ng publiko. Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.

17
KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run.
Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at
maging sakanilang mga tatakbo.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?

KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan


upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.

KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang
nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.

KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang
gusto ninyong maging registration para dito?

KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking iminumungkahi na


ito ay gawing 250.00php.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro
500.00php ang kakailanganin natin.

KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong
300.00php.

KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.

KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:


Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo

Tubig = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php

KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari
nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250
na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund
Raising activity na ito.
18
Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

ZIA CZARINA GARCIA (lgd)


Kalihim ng barangay

Pinapatunayang totoo:

KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ (lgd)


Punong Barangay
Kgg. na taga-pangulo

Ang halimbawang ito ay hango mula sa: https://bit.ly/3kLYsaM

Mga Gawain

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa araling tinalakay. Isulat sa


kuwaderno ang iyong mga sagot.

1. Ano ang isang katitikan ng pagpupulong?


2. Bakit mahalagang mag-ingat ng katitikan ng pagpupulong ang anumang
organisasyon/institusyon?
3. Bakit isang mahalagang kasanayan para sa bawat mag-aaral ang pagsulat ng isang
katitikan ng pagpupulong?
4. Sino ang kadalasang naaatasang maging tagatala ng katitikan? Ano-ano ang
kanyang mga pananagutan?
5. Kung ikaw ang tagatala ng katitikan, paano mo masisigurong tumpak at
mapananaligan ang nilalaman ng iyong mabubuong kasulatan?

B. Sumulat ng isang katitikan ng pulong gamit ang halimbawang agenda na nasa ibaba.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

19
ISAISIP

Mahalagang ideya! Katulad ng iba


pang uri ng dokumnto sa pagtrabaho,
nakasalalay sa pagpaplano o
paghahanda ang kahusayan ng isinulat
mong katitikan ng pulong.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Kinuha mula sa: https://bit.ly/2RWyxRq

Panuto: Manood ng isang pagpupulong mula sa telebisyon, radyo, social media, o di kaya’y
sa inyong komunidad. Mula sa mga detalye ng kanilang pinag-usapan, bumuo ng isang ng
katitikan ng pulong.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 15
pagsulat ng katitikan ng pulong at sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na 10
nabuo at nakapagbibigay ng komprehensibong
sintesis tungkol dito.
Nakasusulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang 25
maingat, wasto, at angkop ang paggamit ng wika
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan 10
ng pulong at angkop ang sintesis na nabuo.
Kabuuang puntos 60

20
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang maaaring gamiting teknik na puweding makatulong sa pagpapabilis ng


paggawa ng katitikan ng pulong?
2. Kakailanganin paba ang tatag ng iyong pagpopukos upang maging matagumpay
ang gagawing katitikan? Pagtibayin ang iyong sagot.
3. Paano nakatutulong ang maayos na gramatika sa pagsusulat ng katitikan?

PANGWAKAS NA
TAYAHIN
PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang pinaka pinag-uusapan sa pagpupulong.


A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook

2. Araw o panahon nagpagtatakda ng pagpupulong.


A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook

3. Tagapagpadaloy ng pulong, pangalan ng lahat ng dumalo kasama ang mga


panauhin, at pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda

4. Oras kung kalian nagwakas ang pulong.


A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda

5. Ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D.
Lagda
21
6. Pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran, petsa, lokasyon at
maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D.
Lagda

7. Galing sa "tindig" na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at


maaari ding pagiging tama.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

8. Galing sa salitang "tuwid" na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may


direksiyon o layon.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

9. Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula,


dula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o
artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik).
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu

10. Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kaniyang mga pagninilay,


pananaw, at paghuhusga tungkol sa gawa.
A. Katwiran B. Pagsusuri C. Mungkahi D. Rebyu

22
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik.


Diwa Learning Systems Inc., 2016.
Alviola, Jess., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Negros Oriental.

23

You might also like