You are on page 1of 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang mga larawan, sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap na

maiuugnay sa natutuhan mo sa teknikal-bokasyunal na makikita mo sa mga larawan.

1. Nang dahil sa aking pagkatuto sa teknikal-bokusyanal, may kakayahan na akong lumikha at


humubog ng kagamitan sa pag hiwa ng mga iba’t ibang bagay tulad ng karne, bato, kahoy, at ib
pa. Hinubog ng teknikal-bokasyonal ang aking kapabilidad, at marahil ay mapapabilang ako sa
mga taong nasa ganitong propesyon at larangan.
2. Sa tulong ng aking mga natutunan sa teknikal bokasyunal, labis na nahubog ang aking kakayahan
sa paghuhurno ng iba’t ibang uri ng tinapay. Nang dahil dito, maaring makipili ako ng iba’t ibang
propesyon sa larangang ito.
3. Sa pamamagitan ng aking natutunan sa teknikal-bokasyonal, mayroon na akong kakayahan na
kumumpuni ng mga electronics at gadgets sa larangan ng software at hardware. Dahil dito,
maari ko ng maisagawa ang mga gawaing may kinalaman sa programming, circuitry, at wiring.
4. Natutunan ko ang pagpapanatili ng mga paraphernalia ng mga computer sa pamamagitan ng
pag sasagawa ng diagnostics at masinsinang pag susuri sa mga ito. Dahil sa pag unawa sa aking
mga natutunan sa teknikal bokasyunal, may kakayahan na akong sumuri at kumumpuni ng mga
computer maramihan man o kaunti.
5. Hinasa ng teknikal bokasyunal ang kakayahan ko sa pananahi sa manual na paraan o kahit sa
pamamagitan ng makina. At dahil dito, labis akong natuto sa iba’t ibang pamamaraan ng
pagtatahi tulad ng backstitch, cross stitch, running stitch, at iba pa.

You might also like