You are on page 1of 21

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Modyul 2:
Katangian ng Pagsulat ng Sulating
Akademik

AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Modyul 2: Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jenny Lyn R. Buenaobra


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Catherine A. Miranda, Mary-nor A. Concubierta,
Kimberly S. Estoque, Moises M. Lopez III
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jackielyn G. Calderon

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Modyul 2:
Katangian ng Pagsulat
ng Sulating Akademik

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Sapulin

Magandang araw muli sa iyo, minamahal naming mag-aaral. Kumusta ang


unang sesyon mo sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa Piling Larang- Akademik?
Nawa’y naging malinaw sa iyo ang iba’t ibang katuturan ng pagsulat na binigyang
kahulugan ng mga dalubhasa sa nasabing erya. Kaya mo na rin bang matukoy ang
iba’t ibang uri ng pagsulat base sa pangangailangan o okasyon? Segurado akong oo
ang iyong tugon sapagkat muli na naman tayong magkakasama sa paglalakbay
patungo sa batis ng karunungan sa pamamagitan ng modyul na ito.

Ang Modyul 2 ay gagabayan ka upang lubos mong maintindihan ang iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo nito. Makababasa
ka rin ng halimbawa ng sanaysay at sulatin na seguradong matutuwa ka sa mga
mapupulot mong aral at estratehiya sa pakikibaka sa totoong buhay.

Sa pangkalahatan, ang layunin ng modyul na ito ay mabigyang impormasyon at


mga gawain na tutulong upang palawakin ang inyong kaalaman sa pagsulat.

Pagkatapos mabasa at masagutan ang modyul ay inaasahang:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b)Gamit
(c) Katangian (d) Anyo (CS_FA/12PN-0a-c-90); at
2. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
(CS_FA11/12EP-0a-c-39).
Mga Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang ibat ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian at anyo;
2. Nabibigyang kahulugan ang ibat ibang sulating akademiko;
3. Naiisa isa ang mga sulatin bagay sa layunin, gamit, katangian at any nito;
at
4. Nakasusulat ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan at katangian ng ibat ibang anyo ng sulating akademiko.

Handa ka na bang makita ang hiwaga ng karunungang iyong makakamtan


kapag binuklat mo ang modyul na ito sa susunod na pahina? Halika na, tunghayan
na natin ang panibago na namang oportunidad upang matuto.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Aralin Katangian ng Pagsulat
ng Sulating Akademik
2.1
Simulan

Ang bahaging ito ay gawain bilang pag-alala sa iyong mga natutuhan sa ating
nakaraang talakayan na magbibigay idea sa iyo kung ano ang mga pag- aaralan
natin sa kit na ito. Basahing mabuti ang panuto at sagutin ang gawain.
Paunang Pagtataya
Panuto: Bago tuluyang lumusong sa pagtalakay sa aralin, isagawa ang
sumusunod na gawain. Gawin ito sa loob ng diagram. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Uri ng Akdang Nasulat

Dahilan Kung Bakit ito Sinulat Katangian ng Akdang Naisulat

Lakbayin

MAIKLING PAGTALAKAY:

Sa ating nakaraang gawain, pinagnilayan mo ang mga katanungan na may


kaugnayan sa ating aralin. Ngayon atin nang simulan ang pagtalakay sa ating
paksa. Maaaring humingi ng gabay sa inyong magulang o nakatatandang kapatid
sa pag- unawa rito.
Sa nakaraang gawain, sinagot mo ang mga katanungan hinggil sa pagsulat,
anong uri ng sulatin na ang iyong nasulat, para kanino ito at may isinaalang alang
ka ba habang nagsusulat?
Gayundin ang akademikong pagsulat ay may mga bagay na kinakailangang
isaalang-alang sa paggawa ng mga ito upang maging matagumpay at mas
maunawaan ang mensaheng nais nitong iparating.
Ang mga dapat ninyong bigyang-pansin ay ang katangian ng akademikong
sulatin. Ano nga ba ito?

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Pansinin ang tsart na nasa ibaba.
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin - ang Gamit at Katangian nito.

AKADEMIKONG
SULATIN LAYON/GAMIT KATANGIAN

Hindi gaanong
1. Ito ay tumutukoy sa kabuoan ng mahaba,
ABSTRAK patapos ng pag-aaral. organisado ayon
sa pagkakasunod
- sunod ng
nilalaman.

Ang kalimitang ginagamit sa Kinapapalooban


2. ng overview ng
mga tekstong naratibo para
Sintesis mabigyan ng buod, tulad ng akda.
maiklling kwento. Organisado ayon
sa sunod- sunod
na pangyayari sa
kuwento.

Ginagamit para sa personal


3. profile ng isang tao, tulad ng May makatotohan
Bionote kanyang academic career at iba ang paglalahad sa
pang impormasyon ukol sa isang tao.
kanya.

Pormal,
Makapaglatag ng proposal sa
4. Panukalang proyektong nais ipatupad.
nakabatay sa uri
Proyekto ng mga
Naglalayong mabigyan ng
tagapakinig at
resolba ang mga problema at
may malinaw ang
suliranin.
ayos ng ideya.

5. Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay


nagpapaliwanag ng isang sa uri ng mga
Talumpati paksang naglalayong tagapakinig at
manghikayat, lumugod, may malinaw ang
mangatwiran at magbigay ng ayos ng ideya.
kabatiran o kaalaman.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
6. Ito ay dapat na
Ito ay ang tala o rekord o organisado ayon
Katitikan ng pagdodokumento ng mga sa pagkakasunod-
Pulong mahahalagang puntong nailahad sunod ng mga
sa isang pagpupulong. puntong napag-
usapan at
makatotohanan.

7. Layunin nitong ipakita o Pormal at


ipabatid ang paksang organisado para
Agenda tatalakayin sa pagpupulong na sa kaayusan ng
magaganap para sa kaayusan ng daloy ng
organisadong pagpupulong. pagpupulong.

8. PICTORIAL Organisado at
ESSAY Kakikitaan ng mas maraming may
(Larawang larawan o litrato kaysa sa mga makabuluhang
Sanaysay salita. pagpapahayag sa
litrato na may 3-5
na pangungusap.
9.
LAKBAY- Ito ay isang uri ng sanaysay na
SANAYSAY makakapagbalik tanaw sa Mas marami ang
paglalakbay na ginawa ng teksto kaysa sa
(Travelogue) manunulat. mga larawan.

MGA HALIMBAWA

Upang lubos niyong maunawaan kung ano ang mga akademikong sulatin, narito
ang ilang mga halimbawa.

1. Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase


2. Pakikinig ng lektyur
3. Panonood ng video o dokumentaryo
4. Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum
5. Pagsulat ng sulatin o pananaliksik

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Galugarin

Pagsasanay 1
Panuto: Pag-aralan ang halimbawa ng sulating akademik na nasa ibaba. Tukuyin
kung anong uri ito at isulat ang katangian ng tamang sagot sa iyong mga
sagutang papel.

1. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang Lebel ng Kasanayan sa


Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikawalong Baitang ng Subic National High School,
Subic, Zambales, taung- panuruan 2020- 2021 at makabuo ng interbensyong materyal
na magpapaunlad sa kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang isasagawang
disenyo ng pananaliksik ay palarawang pamamaraan na kung saan ang mga datos
ay inilalahad kung gaano karami o kalaki ang isang bagay at inilalahad din ang
resulta sa pamamagitan ng mga bahagdan, naglalarawan kung ano ang kasalukuyan
at kinabibilangnan ng deskripsyon, pagtatala, pag-aanalisa at pagpapakahulugan ng
kasalukuyang kalagayan at komposisyon.
KEYWORDS : Lebel ng kasanayan, Pagkilala ng Salita, Pang-unawa, Kahirapan,
Interbensyon.

Sanngunian: Hosenia E. Quintino at Baby S. Abagon, “LEBEL NG


KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG
BAITANG NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SUBIC,”
AJHSSR Journal, Volume-5, Issue-6, pp-463-472 (2021)
www.ajhssr.com.

Pagsasanay 2

Ayon naman kay Ariola et. al (2016), “ang replektibong pagsulat ay


tumutulong sa atin na mag-isip nang higit pa hinggil sa ating sarili, kung sino tayo
at paano ba tayo nagbabago; kung paano natin nasusuri ang ating sariling mga
karanasan sa buhay; kung paano tayo binabago at pinauunlad ng mga karanasan
at mga pananaliksik sa buhay dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa sarili” (118).

Panuto: Sa pagsasanay na ito, bubuo ka ng isang replektibong sanaysay batay sa


teksto na nasa ibaba. Tandaan ang katangian nito sa pagsulat ng isang
sulatin. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

GURO….Karanasan at Tagumpay
(Replektibong Sanaysay ayon sa Karanasan)
Ni: Jenny Lyn R. Buenaventura

Tayong mga guro ay isa sa mga pinakamahalagang parte ng ating lipunan.


Layon natin ay hindi upang lumikha ng mga mag-aaral sa kanilang sariling imahe,
ngunit upang bumuo ng mga mag-aaral na maaaring gumawa ng kanilang sariling
imahe. Ngunit hindi madali ang pagiging guro dahil maraming sakripisyo,
responsibilidad at tungkulin na dapat gawin. Tulad ko na isang guro sa tersyarya ay
napakaraming dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa aking napiling

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
bokasyon sa buhay.
Nasa hayskul pa lamang ako noon ay pangarap ko ng maging isang guro
ngunit dahil sa kahirapan sa buhay ay huminto ako ng dalawang taon
pagkagraduate ko ng sekundarya bago nagpasyang mag-aral sa kolehiyo sa sariling
sikap. Masasabi kong dugo at pawis ang aking ipinuhunan makapagtapos lamang
ako ng aking pag-aaral. Lahat halos ng trabaho ay pinasok ko na upang matustusan
ang aking pag-aaral. At sa awa ng Diyos, pagkalipas ng apat na taon at tinanggap
ko ang bunga ng aking pagtitiis, ang aking diploma na nagpapatunay na nagtapos
ako ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Pinilit ko ring
makapagtapos ng Master of Arts in Educational Management na sinundan pa ng
Master in Education Major in Filipino. At ngayon ay umaasa ako na makakamit ko
rin ang aking digri sa PhD in Language Education Major in Filipino sa takdang
panahon.
Alam ko na bilang isang guro ay may mga gampanin ako una sa aking sarili.
Sabi nga ng isang manunulat “You cannot give what you do not have!” Bilang
pangunahing tagapagturo at tagapagbahagi ng kaalaman, ang isang guro na tulad
ko ay dapat na hindi huminto sa pag-aaral pormal man ito o hindi; sa pagkauhaw
sa mga kaalaman na makatutulong sa aking propesyon at sa tuwina ay pagtuklas
ng mga pamamaraan upang higit na mapaunlad ang aking pagtuturo. Ikalawa, ako
ay may gampanin sa aking mga estudyante. Bilang ikalawang magulang sa paaralan,
pananagutan ko ang aking mga mag-aaral. Ang mga ugali at pagpapahalaga nila ay
tungkulin kong hubugin sa pamamagitan ng pagiging isang modelo sa kanila. Dapat
nating tandaan na mas malakas ang boses ng ating mga gawa kaysa ng ating mga
sinasabi. Higit sa mga kaalaman at kasanayan na kanilang dapat matutuhan sa atin
ay dapat ding matanim sa isipan ng mga kabataan kung bakit ba nila kailangang
matutuhan ang mga kaalamang ito upang sa hinaharap ay maging kapaki-
pakinabang na miyembro ng ating lipunan at sa dakong huli ay hindi dapat
kalimutan ng isang guro na sila ay kasapi ng isang organisasyon, ang paaralan.
Dahil dito marapat lamang na ako ay matutong sumuporta sa mga patakaran at
programang makatutulong sa kapakanan ng aking mga mag-aaral at hindi laging
ituon ang pansin sa pangangailangan at sa sariling karapatan. Ayon nga sa isang
islogan “Bayan muna bago ang sarili!”
Kung magkagayon ay malaki ang pananagutan ko bilang isang guro sa isang
matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang buong katauhan,
saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaaring maging sanhi
ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng aking mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral. Maraming tungkulin ang aking ginagampanan sa loob ng silid-
aralan tulad ng: a) pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng kaalaman; b)
paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang natamong
kaalaman; c) pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng
iba’t iba at kawili-wiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang
natutuhan; d) pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa
ng mga mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o
pagkabahala; e) binibigyang sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga papuri. Itoý nagbibigay ng lugod sa mga mag- aaral dahil kinikilala ang
kanilang kakayahan sa klase; at f) palaging may ginagawang pagtataya at
ebalwasyon sa pagkatuto nila.
Lalong magiging matagumpay ang aking pagtuturo kung mayroon akong
kabatiran at nauunawaan ko ang mga katangian ng aking mag-aaral. Ang
sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mag-aaral: a) nagagawa niyang
manghula hinggil sa pinag-aaralang paksa at sinusubukan niya ang mga ito sa
pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa isang mabisang
paraan. Gumagamit din siya ng mga hudyat na maririnig, makikita niya sa paligid;
b) mataas ang kanyang motibasyon upang makipagtalastasan at humahanap siya

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
ng posibleng istratehiya para maiparating niya sa iba ang kanyang naiisip o
nadarama; c) hindi rin niya pinipigilan ang sarili na makipagsapalaran para matuto;
at d) humaharap siya ng mga pagkakataon upang matuto at manguna sa
pagsisimula ng isang usapan sa kanyang guro at mga kaklase at palaging
sinasamantala ang mga pagkakataong makapagsalita sa klase.
Ang isang guro na tulad ko na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga
gustong estilo ng mga mag-aaral ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang
matagumpay at mabisang pagkatuto.
Sa ngayon ay inilalaan ko ang aking panahon sa aking ina. At sa darating na
pasukan ay panibagong mga pagsubok na naman ang aking kakaharapin lalo na sa
larangan ng pagtuturo. Ngunit naniniwala ako na lahat ng paghihirap at pagtitiis ay
may kaakibat na ginhawa at tagumpay. Wala nang sasaya pa sa isang guro na
makita na ang kanyang estudyante ay nagtagumpay sa larangang pinili nila. Bilang
karagdagan, napakalaki ng naitulong sa akin ng aking propesyon una sa aking
pansariling kapakanan, araw-araw ay natututo ako at nagkakaroon ng panibagong
kaalaman na naibabahagi ko sa mga mag-aaral kahit maraming pagsubok ang aking
nararanasanan. Ikalawa, natutulungan ko ang aking pamilya kahit sa maliit na
paraan lamang na hindi na kailangang magmakaawa pang manghiram sila ng
pinansyal na bagay sa ibang tao. At pangatlo ay natupad na ang aking pangarap na
makapagpatayo ng sarili kong bahay, bahay na matatawag kong akin, na siyang
pinangarap kong ilaan at ibigay sa aking mga magulang habang sila ay nabubuhay
ngunit sa kasamaang palad ay ang nanay ko na lamang ang nakabahagi sa
tagumpay kong ito.
Bilang pagwawakas, malaki ang gampanin ng lahat ng guro, intstruktor at
propesor upang maabot ang tugatog ng tagumpay sa buhay. Ang mga karanasan ang
siyang magsisilbing tagahubog sa ating pagkatao upang ganap na makamit ang
tugatog ng tagumpay, tagumpay na siyang inspirasyon at magiging kasangkapan
para mas lalong makatulong sa mga mag-aaral na makamit din nila ang kanilang
pangarap.

Palalimin

Gawain:
Panuto: Gumupit ng mga larawan ng lugar na napuntahan na at gumawa
ng isang halimbawa ng lakbay sanaysay. Tandaan ang katangian
at gamit ng sulating ito. Idikit lamang sa kahon ang mga larawan
at pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Sagutin
lamang ito sa inyong sagutang papel.
Mga Katanungan:

1. Ano anong mga larawan ang inilagay?

2. Bakit itong mga larawan na ito ang iyong nilagay para sa lakbay
sanaysay?

3. Nakatulong ba ang mga ito upang maisagawa ang pagsulat ng lakbay


sanaysay?

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Aralin
Mga Gawaing Pampag-iisip
2.2 sa Akademya

Sapulin

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Pagbalik Tanaw


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, itala ang mga akademikong sulatin na
natalakay at isulat ang kanilang layon o gamit at ang katangian ng bawat
sulatin.

SULATING AKADEMIK LAYON O GAMIT KATANGIAN


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod na


bahagi ng modyul ay ating matutuklasan ang kahulugan ng akademya.

Kahulugan ng Akademiya

Alam mo bang…
Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin na
academia, at sa Griyego na academeia. Ang huli ay mula naman sa academos,
ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.

a. Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar,


artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at
palawakin ang kaalaman at kasanayan ng pangkaisipan upang mapanatili
ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad
ng mga iskolar.
b. Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, Malaki ang maitutulong ng
kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang
masiguro ang tagumpay sa buhay-akademiya.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
c. Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang
mag-isip ng kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at may malayang
magbago at makapagpabago. Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinubog ng
akademiya.

MALIKHAIN AT MAPANURING PAG-IISIP

d. Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,


pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon
sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di- akademiko.
e. Hindi nasasakupan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao.
Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban (impluwensya) ang dalawang kakayahang
ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili
ng kurso, karera. o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa
kapwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa
komplikadong mundong ating ginagalawan.

Gawain 2: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Ibigay lamang ang hinihingi ng grap. Sagutin ito sa inyong sagutang
papel.

Mapanuri Malikhain

Pagkakatulad

Pagkakaiba Pagkakaiba

Gawain 3: Pagpupuno
Panuto: Punan ang dalawang kahon batay sa kanilang hinihingi. Piliin lamang ang
sagot sa mga pagpipilian. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

MALIKHAING PAG--IISIP MAPANURING PAG-IISIP

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
MGA PAGPIPILIAN:
A. Pagbubuo ng hinuha
B. Pagguhit
C. Paggawa ng mosaic
D. Pagpapangkat ng mga impormasyon
E. Pagsusuri
F. Paghahambing
G. Paggawa ng family tree
H. Paggawa ng puppet
I. Paggawa ng collage
J. Pagbubuo ng timeline

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain! Sakali mang


may mga konsepto kang hindi maunawaan, maaari mo itong balikang muli.
Magpatuloy pa tayo upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman hinggil sa paksa

Lakbayin

AKADEMIKO VS. DI- AKADEMIKO

a. AKADEMIKO o academic ay mula sa wikang Europeo (Pranses: academique;


Medieval Latin: academicus)
b. Tumutkoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan
ng pag-aaral na nagbibigay –tuon sa pagbabasa, pagsusulat, at pag-aaral, kakaiba
sa praktikal o teknikal na gawain
c. Ang akademik o akademiko ay tumutukoy sa mataas na edukasyon sa kolehiyo
d. Tumutukoy din ito sa tao (akademik, team) gawain ( akademikong aktibidad, at
bagay (akademikong usapan o institusyon)
e. Halos katumbas rin ng akademik ay akademiya
f. Pinagtutuunan ng pansin sa akademiya ang mga gawaing pang-akademiko at ang
mga gawaing labas naman dito na tinatawag na di- akademiko .
g. Tinatawag na mga larangan, akademik, akademiko, akademiks o akademikong
pagpipilian ng mga mag-aaral.
h. Sa akademiya nililinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Nakapaloob dito ang :kasanayan sa
pagbabasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napapaunlad sa
pagsasawa ng mga gawain sa larangan.
i. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, eksperimentasyon ang mga isinasagawa
rito. Ginagabayan itong etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng
pagsusuri.
j. Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
k. Pormal at Intellektwal
l. DI- AKADEMIKO naman ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan at common
sense.
m. Ordinaryo, pang-araw-araw
n. Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)

10

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
AKADEMIKO DI- AKADEMIKO
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon

Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:


Obserbasyon, pananaliksik, Sariling karanasan, pamilya at
pagbabasa komunidad
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisayon ng Ideya: Organisayon ng Ideya:
-Planado ang ideya -Hindi malinaw ang estruktura
-May pagkakasunod-sunod, estruktura -Hindi kailangang magkakaugnay ang
ng mga pahayag mga ideya
-Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw
-Obhetibo - Nasa una at pangalawang panauhan
-Hindi direktang tumutukoy sa
damdamin kundi sa mga bagay, i ang pagkakasulat
Facts
-nasa pangatlong panauhang
pagkakasulat

MGA HALIMBAWA

• Pagbasa ng ginagamit na
teksto sa klase • Panonood ng pelikula o
• Pakikinig ng lektyur video upang maaliw o
magpalipas ng oras
• Panonood ng video o
• Pakikipag-usap sa sinoman
dokyumentaryo
ukol sa paksang di-
• Pagsasalita
akademiko
• Pakikipagdiskurso sa loob
• Pagsulat sa isang kaibigan
ng klase
• Pakikinig sa radio
• Pagsulat ng sulatin o
• Pagbasa ng komiks, magasin
pananaliksik
• Pang-eskuwelahan, o diyaryo
pangkolehiyo • Ordinaryo, pang-araw-araw

ESTRUKTURA NG TEKSTONG AKADEMIKO

Elemento
1. Deskripsyon ng Paksa
2. Problema at Solusyon
3. Pagkakasunod sunod o Sekwensiya ng mga ideya
4. Sanhi at Bunga
5. Pagkokompara
6. Aplikasyon

11

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa

1. Estratehiya
2. Hanapin o Tukuyin ang paksang pangungusap
3. Linawin, o bigyang –tuon at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang
binabasa ang teksto.
4. Piliin, busisiin at basahing mabuti ang detalye o ebidensya
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat
6. Alamin ang gamit ng wika
7. Gumawa nang tuloy-tuloy ng mga prediksyon sa mga susunod na pangyayari
8. Pagsikapan gawan ng buod
9. Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon

Galugarin

Gawain 4: Saliksikin Mo!


Panuto: Magsaliksik ng mga sitwasyong nagpapakita ng mga paksang natalakay.
Maaaring ito ay narinig, napanood sa mismong sa talakayan. Gayahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.

AKADEMIKO DI-
AKADEMIKO

Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at


pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong
kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput
sa araling ito.

Palalimin

Gawain 6: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Sumulat ng isang REPLEKTIBONG sanaysay na naglalahad ng iyong
opinyon, sariling kaalaman, pananaw at karanasan sa paksang Ang Pag-
ibig ng Edukasyon…dianmantiles.wordpress.com. Isaaalang-alang ang
rubrik sa pagtataya ng susulating sanaysay.

12

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napa Napakahusay (10)


Ma Mahusay (8) Kata Katamtaman (6)Pap Papaunlad (4) NaNangangailangan
ng gabay (2)
Panimula Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nangangailangang
napakahusay, mahusay na katamtamang papaunlad na paunlarin ang
interaktibo at panimula paraan ng kasanayan sa kasanayan sa
kawili-wiling pagsulat ng pagsulat ng pagsulat
panimula panimula panimula
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat ang
katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa
mga suportang dalawang idea na isang idea na magkakaibang paksang dapat
idea na tumutugon sa tumutugon sa idea na tumutugon talakayin
tumutugon sa kabuoan ng bahagi ng sa kabuoan ng
kabuoan ng sanaysay batay sanaysay batay sanaysay batay sa
sanaysay batay sa isyung sa isyung isyung tinatalakay
sa isyung tinatalakay tinatalakay
tinatalakay
Transisyong Nakagamit ng Nakagamit ng
Katamtamang Papaunlad ang Nangangailangan
Talata katangi-tanging transisyong talatanakagamit ng pagkakagamit ng ng gabay sa
transisyong talata ayon sa tunguhin transisyong talata transisyong talata pagsulat at
ayon sa tunguhin ng buongayon sa tunguhin paggamit ng
ng buong sanaysay ng buong transisyong talata
sanaysay sanaysay
Kongklusyon Naibuod nang Naibuod ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi naibuod
buong husay ang sanaysay ayon sa naibuod ang pagkakabuod ng nang tama ang
sanaysay ayon sa tiyak na sanaysay ayon sa buong sanaysay sanaysay.
pangkabuoang kaisipan/mensahe kaisipan/mensahe
kaisipan/mensahe
Gramatika Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang pagkakalapat ng wastong gramatika
wastong gramatika sa wastong wastong sa sanaysay
gramatika sa kabuoan ng gramatika sa gramatika sa
kabuoan ng sanaysay nang sanaysay sanaysay
sanaysay may kakaunting
kamalian

Sukatin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Pagtapatin ang mga konseptong matatagpuan sa Hanay A sa mga


salitang naglalarawan sa mga ito sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papeL.
Hanay A Hanay B
1. Posisyong papel A. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga
2. Abstrak
problema at suliranin.
3. Replektibong Sanaysay
4. Katitikan ng Pulong B. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang
5. Talumpati paksang naglalayong manghikayat, lumugod,
6. Pictorial Essay mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
7. Lakbay Sanaysay kaalaman.

13

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
8. Panukalang Proyekto
9. Agenda C. Ito ay ang tala o rekord o
10. Akademik pagdodokumento ng mga mahahalagang
puntong nailahad sa isang pagpupulong.
D. Pormal at organisado para sa kaayusan
ng daloy ng pagpupulong.
E. Organisado at may makabuluhang
pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na
pangungusap.
F. Ito ay isang uri ng sanaysay na
Makakapagbalik-tanaw sa paglalakbay
na ginawa ng manunulat.
G. Mula sa wikang Europeo (Pranses):
academique; Medieval Latin: academicus)
noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo
H. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng
buod ang mga akademikong papel.
I. Ito ay nararapat na maging pormal at
organisado ang pagkakasunod- sunod ng
ideya.
J. Nangangailangan ito ng reaksyon at
opinyon ng manunulat.

B. Panuto: Isaayos ang proseso sa metakognitibong pagbasa. Kopyahin muna


bago isulat ang bilang na 1 – 9.
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa
_______ Estratehiya
_______ Alamin ang gamit ng wika
_______ Pagsikapang gawan ng buod
_______ Hanapin o Tukuyin ang paksang pangungusap
_______ Suriin ang paraan ng pagkakasulat
_______ Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon
_______ Piliin, busisiin at basahing mabuti ang detalye o ebidensya
_______ Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksyon sa mga susunod na pangyayari
_______ Linawin, o bigyang –tuon at balik-balikan ang layunin ng may-akda
habang binabasa ang teksto

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong


pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Nakasisigurado
akong kayang-kaya mo nang matukoy ang iba’t ibang uri ng
akademikong sulatin base sa layunin, gamit, at anyo nito.
Ihanda na muli ang iyong sarili sa kasunod na modyul –
Modyul 2: Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik.

14

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
15
Aralin 2.2
Pagsasanay 1
D. ABSTRAK-Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod
sunod ng mga nilalaman.
Pagsasanay 2
Pamantayan Puntos
1. Naisasaalang alang ang lahat ng layon 10
o gamit at katangian ng sulating akademik
2. Malinaw na nailahad ang mensahe ng sanaysay 10
3. Wasto ang gramatika at gamit ng mga
Salita 10
KABUOAN 30
Aralin 2.3
Gawain: Tignan ang paksang nasa aralin 2.2
Gawain 3:
MALIKHAING PAG-IISIP MAPANURING PAG-IISIP
B, C, G, H, I,J A,D,E,F
Gawain 4: Iba iba ang magiging sagot
PANGWAKAS NA PAGTATAYA: II:
1. I 1
2. H 6
3. J 8
4. C 2
5. B 5
6. E 9
7. F 4
8. A 7
9. D 3
10. G
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Abenes, Marlyn,”Akademiko’,2020, https://www.coursehero.com/file//52422464/
AKADEMIKO-HAND -OUTSdocx/

Avatar, Marco,”Mga Katangian ng Akademikong Sulatin”, 2020,


https://.m.facebook.com/ aralin.tv.

Elcomblus,’’Mga Katangian ng Akademikong Sulatin”,December 31,2020, https://


www. elcomblus.com/mga-katangian-ng-akademikong-sulatin

Darko at Drea, “Akademikong Sulatin’, 2020,


https://www.youtube.com/channel/UCQBx

https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND -OUTSdocx/

16

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriclum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like