You are on page 1of 11

Pagsulat sa

Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2- Modyul 9:
Posisyong Papel
Subukin
GAWAIN 1
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI

BALIKAN
GAWAIN 2
1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang leksyon, ano ang lakbay sanaysay?
Lakbay-sanaysay, na sa Ingles, ay tinatawag na travel essay o travelogue.
Isa itong anyo ng pagsulat na maaaring maging gawing propesyon o
hanapbuhay. Sa mundong pinatatakbo ng paglalakbay at turismo,
mahalaga ang mga anyo ng lakbay sanaysay tulad ng mga travel guide at
mga artikulo upang ipakilala at itaguyod ang isang lugar para sa mga
manlalakbay. Ito ay kadalasang naglalaman at nagtatala ng mga
karanasan ng may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik, at pagtuklas ng
isang lugar.

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?


Magtala ng importanteng detalye at kumuha ng larawan para sa
dokumentasyon.
Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
Ilahad ang mga realisasyon o natutuhan sa ginawang paglakbay.
Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


Opo, sapagkat ang lakbay sanaysay ay isang mahalagang aralin upang
mas pagtuunan natin ng pansin. Gaya nalang sa word na "lakbay
sanaysay" ito ay kilala sa Ingles na "travel essay " na kung tawagin ay mga
pananaw, kuro-kuro o opinyon ng isang awtor o akda. Sobrang halaga ito
sa ating mga mag aaral dahil sa pamamagitan nito mas mapapalalim ang
ating natututunan sa ibat ibang lugar.
TUKLASIN
GAWAIN 3
ISYU : Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Sang-ayon Pagpapaliwanag :
Sumasang-ayon ako Sumasang-ayon ako, dahil malaki ang
naiitutulong ng K-12 kurikulum sa mga mag-
aaral. Ang K-12 system ay naglalayon na
pagbutihin ang kakayahan ng mga
estudyanteng Filipino sa matematika, agham,
at linggwistika upang higit na maipakita ang
kakayahan sa pandaigdigang merkado ng
trabaho. Sa bagong kurikulum, nangangako
ang Kagawaran ng Edukasyon na mag-aalok
ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa
pamamagitan ng mga strands.
Di Sang-ayon Pagpapaliwanag :
GAWAIN 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
PUP hinggil sa pagtatanggal ng Filipino sa mga kolehiyo at Unibersidad at ibigay ang mga
sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga kolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyong:
Panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.Huwag patayin ang pambansang
karapatan ng wikang filipino,mga guro ng filipino,kabataang pilipino at mamamayang pilipino.

Argumento 1:
Peligrosong hakbang ang ginawa ng komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)
nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang memerandum order Blg.20 na may
petsang Hunyo 23 serye 2013.
Ebidensiya 1:
Sa hakbang na ito,tila unti-unting nilulusaw ang mga matatag na
kagawaran/departamento ng filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.
Ebidensiya 2:
Hindi pumapayag ang kagawaran ng filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay
na ito.Sapagkat malinaw na isinaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas artikulo XIV,itinakda ang
filipino bilang wikang pambansa.

Argumento 2:
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas(PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng higit
kumulang 70,000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang ng bansa katuwang ang iba pang
mga organisasyon ay matatag na nanindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa
Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
Ebidensiya 1:
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng
Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang
pangwika,pangliteratura,pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at
pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan.
Ebidensiya 2:
Bukod pa rito,ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa
bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya sa PUP. Ngunit ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa
bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino.Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung
hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito sa kolehiyo.

Aksyon kaugnay ng isyu:


Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino.Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at
kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa kolehiyo.Kung hindi pa
magbabago ang ihip ng hangin,at hindi pa rin matiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto,tiyak na gagawa ng malaking
hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo.
ISAISIP
GAWAIN 5
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang posisyong papel hinggil
sa isyung pagtanggal ng asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at unibersisad. Isulat ang iyong
sagot nakalaang espasyo.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?


tungkol sa isyung pagtanghal Ng asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad.

2. Ano ang pangunahing layunin nito?


layunin nitong maibigay ang kasipagan nga mga Filipino sa mga kolehiyo
at unibersidad.

3. Napatibay ba ang mga ebidensiyang inihain sa argument? Ipaliwanag ang sagot.


Napatibay dahil Ito ay sinupportaan ng ating pangulo at hg gobyerno.

4. Naging kongkreto ba Ang aksyon sa ginagawang kongklusyon? ipaliwanag Ang iyong


sagot.
Naging kongkreto ang aksyon sa ginawang kongklusyon dahil umiiral sa
realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.Pangunahing
gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at
pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili
ang Filipino sa kolehiyo.Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino,kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas
ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,tinanggal natin ang identidad
natin bilang Pilipino.

5. Sang-ayon ka ba sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
Hindi ako sang-ayon sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad. Dapat apanatili ng asignaturang Pilipino nang sa gayon ay
mapanatili pa din ang wika ng bansa. Makakalimutan na din natin ng
tuluyan ang wikang itinuring nating kayamanan.
6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa
mga kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.
Para po saakin hindi po ako pabor na tanggalin ang Filipino sa kolehiyo.
Sapagkat atin itong wika kaya dapat natin ito pahalagahan. Dahil
ipinaglaban ito ng ating mga ninono.

ISAGAWA
GAWAIN 6
Isyu Mga Sagot Dahilan
Pabor Di-pabor
1. K-12  Malawak at
nakakatulong ang
naiibigay na
edukasyon ng K-12 sa
mga estudyante.
2. diborsyo  Hindi lahat ng
relasyon ay maaayos,
ginagawa ang
diborsiyo bilang isang
kinakailangang
hakbang sa proseso
ng pagpapagaling at
paglipat sa isang mas
malusog na
hinaharap.
3. pagpapalagla  Ang mga ginahasa na
g babae ay binibigyan
ng pagpipilian kung
gusto nilang
ipanganak ang bata o
hindi.
4. War on Drugs  Naiiwasan ang
paglaganap ng droga
sa ating bansa.
5. Extra Judicial  Nagiging biktima ang
killings mga mahihirap at
naaabuso ang
karapatang pantao.
TAYAHIN
GAWAIN 7
Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna natin kung lubos
mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.

MALI 1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng tradisyunal
MALI 2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi kinakailangang
taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng isang mananaliksik.
TAMA 3. Ang mga iba't ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay hindi lamang
humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na argumento, kundi ito ay naghahasa rin
sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
TAMA 4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa itong
makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraangkaakit-akit at lohikal ay mas madali
makuha ang impormasyong hatid nito.
TAMA 5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o kwaderno upang
itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang obserbasyon sa isang lugar.
TAMA 6. kailangang mapatunayang tama ang counterargument na nailahad
TAMA 7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensiya ang akademikong sulatin.
MALI 8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa kongklusyon.
MALI 9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita, narinig, naamoy at
nadama.
TAMA 10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng awtoridad (pulis,
abogado, doctor, atbp).
KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN 8.1
Panuto: Gamit ang venn diagram, ihambing at ihalintulad ang nakalarawang
sanaysay at lakbay sanaysay

Nakalarawang
Sanaysay Lakbay Sanaysay
Ang pagkakatulad
Nakalarawang Ang lakbay
Ang nakalarawang
Sanaysay at Lakbay sanaysay ay
sanaysay ay
Sanaysay ay pareha nagtatala ng mga
koleksyon ng mga
silang nag maging karanasan
imaheng inilalagay
sasalaysay ng sa paglalakbay
sa isang particular
kwento
na pagkakasunod-
sunod.
GAWAIN 8.2
POSITION PAPER
PAKSANG-ARALIN: PARUSANG KAMATAYAN
Ang parusang kamatayan ay parusang kamatayan na pinahintulutan ng
gobyerno. Ang kamatayan ang parusa sa Pilipinas ay nakasaad sa Republic Act No. 7659 na
isang batas sa magpataw ng parusang kamatayan para sa ilang mga karumal-dumal na krimen,
na nagsususog para sa layuning iyon binagong mga batas sa penal, gaya ng binago, iba pang
mga espesyal na batas ng penal, at para sa iba pang mga layunin. Sapagkat, ang mga krimen na
mapaparusahan ng kamatayan sa ilalim ng Batas na ito ay karumal-dumal dahil sa pagiging
malubha, kasuklam-suklam, at mapoot na mga pagkakasala at kung saan, dahil sa kanilang likas
o hayag kasamaan, kasamaan, kalupitan at kasamaan ay kasuklam-suklam at kasuklam-suklam
sa karaniwang pamantayan at pamantayan ng pagiging disente at moralidad sa isang
makatarungan, sibilisado at maayos lipunan
Ang parusang kamatayan ay hindi praktikal sa Pilipinas dahil ang ating estado ay
may depektong sistema ng hudisyal, sinasalungat nito ang kultura ng nakararami at sadyang
hindi katugma sa ating kapus-palad na uri ng ekonomiya kaya hindi ito isang napatunayang
pagpigil sa krimen. Ayon sa isang sanaysay tungkol sa pagiging praktikal ng parusang kamatayan
ni Valderrama, nakasaad doon na. Ang sistema ng hustisyang kriminal ay mahalaga.
Gayunpaman, ang sistema ng hustisyang kriminal sa ating bansa ay puno ng mga depekto tulad
ng maling gawain ng pulisya, sapilitang pag-amin, walang kakayahan na tagapagtanggol,
perjured testimony, at trial court desisyon batay sa tila walang tiyak na katibayan. Bilang
karagdagan, ang Korte Suprema, sa isang desisyon noong 2004, ay gumawa ng 72% na mga
pagkakamali sa hudisyal.
Ang parusang kamatayan ay hindi na mababawi at ito ay maaaring humantong sa
mga tao na magbayad para sa mga krimen hindi man lang sila nag-commit. Nangyayari ang
ganitong bagay kahit gaano kaunlad ang isang bansa at ang sistema ng hustisya nito ay dahil ito
ay laging madaling kapitan ng pagkabigo ng tao. Gayundin, hindi katulad mga sentensiya sa
bilangguan, ang parusang kamatayan ay hindi na mababawi.
Maraming tao ang naniniwala na ang mga taong hinatulan ng parusang
kamatayan ay dapat makakuha ng pangalawang pagkakataon dahil, para sa kanila, ang mga
taong nasa death row ay hindi naunang nakakuha pagkakataon. At para din sa kanila kung bakit
ang isang kriminal ay kahirapan, rasismo, kapabayaan, karahasan na nagmula sa lipunan o mga
magulang, at mga sakit sa isip, na maaaring gamutin at bawasan ang mga epekto sa kanila o
maaaring baguhin ang mga ito upang maging isang mas mahusay na mga indibidwal sa
pamamagitan ng rehabilitasyon. Walang ebidensyang nagpapatupad ng death penalty na
makakabawas sa antas ng krimen. Oo, maaaring natatakot ang mga tao sa nasabing parusa
ngunit hindi ito naaangkop sa lahat. Maaaring ang pagpapatupad ng parusang kamatayan, lalo
na sa mga inosenteng tao ang dahilan kung bakit magpoprotesta ang mga tao laban sa
gobyerno o mas masahol pa, magiging ang mga kriminal mismo ay naghahanap ng paghihiganti.
Samakatuwid, napagpasyahan namin na ang mga disadvantage ng parusang
kamatayan sa huli higit sa mga pakinabang nito. Kaya, ang parusang kamatayan ay hindi
praktikal, hindi kapaki-pakinabang, at hindi kailangan. Gaya ng sinabi ng sikat na Mahatma
Gandhi, "Ang mata para sa isang mata ay gagawin lamang bulag ang buong mundo.

You might also like