You are on page 1of 5

Bea Jorisse U.

Chan May 4, 2021


12 STEM 1 Iskor:
Pamagat ng Gawain: PAGTUKOY SA PAKSA (Katamtaman)
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FAPU-0d-f-93

Panuto/Direksiyon: Basahin ang halimbawa ng panukalang proyekto. Suriin ito batay sa


tseklist sa ibaba. Lagyan ng masayang mukha ( ☺) kung nakitang maayos na nasunod ang mga
dapat taglayin ng bahaging nakatala. Samantala, lagyan ng malungkot na mukha () kung hindi.
Sumulat ng maikling paliwanag sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang Proyekto Mukha Paliwanag


(☺) o ()
☺ Ang pamagat ay inihango mismo
Pamagat sa inilahad na
pangangailangan ng proyekto.
☺ Maayos na nailahad ang suliraning
Pagpapahayag ng Suliranin nararanasan ng Barangay Bacao at
ang pag-uukalan ng proyekto.

 Bagamat naipaliwanag ang


Layunin kahalagahan ng proyekto, hindi
maayos na naisaad ang tiyak na
petsa kung kalian ito matatapos at
ang basehan o patunay na maisasa
katuparan ang proyekto.
☺ Realistic ang ginawang plano at
Plano na Dapat Gawin naitala nang maayos ang
pagkasunod-sunod ng gawaing
isasagawa at nabanggit rin ang
mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
☺ Maayos na naitala ang gastusin at
Badyet wasto ang kalkulasyon ng mga
guguling gagamitin sa
pagsasagawa ng proyekto.
☺ Espisipikong nailahad ang mga
Pakinabang grupo ng taong makikinabang sa
pagsasakatuparan ng proyekto at
nailahad rin ang magiging
benepisiyo nito sa komunidad.
Bea Jorisse U. Chan May 4, 2021
12 STEM 1 Iskor:
Pamagat ng Gawain: PLANO MO...ISULAT MO! (Mapanghamon)
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FAPU-0d-f-93
Panuto/Direksiyon: Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto mula sa mga
datos sa ibaba. Isaalang-alang ang mga bagay na napag-aralan para sa epektibong sulatin.
Gamiting format ang halimbawang panukala sa Pagsasanay 1 at ang pamantayan sa ibaba
upang magsilbing gabay.

Pamagat ng Proyekto Sugpo-Basura

Layunin Nakatutulong sa komunidad upang


mabawasan ang pagkalat ng basura
sa barangay

Panahon Paglulunsad:Nobyembre 2020

Suliranin Panganib sa kalusugan sanhi ng basura

Plano (Idetalye ang nais na plano)

Badyet 10,000 ang kakailanganin


(idetalye kung saan gugugulin)

Pakinabang Mga mamamayan ng barangay

Sugpo-Basura
Mula kay Bea Jorisse U. Chan
421 Balilang Street
Baranggay Libsong East
Lingayen, Pangasinan
Nobyembre 1, 2020

Haba ng Panahong Gugulin: 3 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Libsong East sa may pinakamabilis na pagdami ng
populasyon sa bayan ng Lingayen sa Pangasinan. Kasama sa patuloy na
pagdami ng populasyon ay ang patuloy na pagdami ng produktong basura
ng mamamayan nito.
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng baranggay Libsong East ay
ang panganib sa kalusugan ng mga mamamayan na karaniwang epekto
ng pagdami ng nakakalat na basura sa baranggay. Ang pangunahing
sanhi ng problema sa pagdami ng nakakalat na basura ay ang kawalan
ng waste collection bins sa bawat kalye ng baranggay.

Dahil sa kinakaharap na suliraning ito, nangangailangan ang


baranggay ng sapat na waste collection bins na nakakalat sa bawat kalye
ng baranggay upang mabawasan ang pagkalat at pagtambak ng basura
at upang magkaroon ng wastong pagkolekta sa mga basurang ito. Kung
ito ay matagumpay na maiisagawa, maiiwasan ang pagtambak ng basura
sa mga kalye at drainage systems ng baranggay. Higit sa lahat,
maiiwasan ang pagdami ng sakit na dulot ng pagdami ng basura.
Kinakailangang maisagawa ang proyektong ito sa madaling panahon para
sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapaglagay ng waste collection bins sa bawat 100m ng kalye at sa mga
pampublikong espasyo sa baranggay upang mapanatili ang kalinisan at
maiwasan ang panganib sa kalusugan dulot ng pagtambak ng basura.
Makatutulong ang proyekto sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan
pati na rin sa pagresolba sa problema sa baha sapagkat maiiwasan ang
pagtambak ng mga basura sa drainage systems ng baranggay. Inaasahang
matatapos ang proyekto sa ika-16 ng Nobyembre 2020.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw).
2. Paghahanap ng mga boluntaryo mula sa mga iba’t ibang organisasyon upang
isagawa ang paglagay ng waste collection bins sa bawat 100m ng kalye at
pampublikong espasyo sa baranggay. (3 araw).

3. Pagbili ng waste collection bins (2 araw).


 Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kabuuang gastos sa pagbili
ng waste collection bins
4. Pagpupulong ng konseho ng barangay at mga boluntaryo para plano
ukol sa pagsasagawa ng proyekto (1 araw).

5. Pagpapalagay ng waste collection bins sa bawat 100m ng kalye at


pampublikong espasyo sa Barangay Libsong East (2 araw).
6. Pagpapasinaya at pagsusuri sa proyekto (1 araw).

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
1. Halaga ng Php 9,000.00 waste collection bins batay sa
isinumite ng contractor
2. Gastusin para sa pagpapasinaya Php 1,000.00 at
pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 10,000.00

Ang paglalagay ng waste collection bins sa mga kalye at pampublikong lugar ay


magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Libsong East. Ang
panganib sa kalusugan ng mga mamamayan na dulot ng solid waste pollution ay maiiwasan
dahil maibababa ang mga kaso ng mga sakit na may kaugnayan sa polusyon sa basura
tulad ng bacillary dysentery, diarrhea, amoebic dysentery, at iba pa.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay at mga
trabahador sa paglilinis ng mga kalye at mga drainage systems ng baranggay na dulot ng
pagtatambak ng basura.
Bea Jorisse U. Chan May 5, 2021
12 STEM 1 Iskor:
Pamagat ng Gawain: (Pagpapayaman)
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nakakasusulat nang maayos na
akadamikong sulatin CS_FA11/12PU- 0d-f-92
Panuto/Direksiyon: Punuan ang talahanayan sa ibaba ng maaring maging datos/ nilalaman ng
sitwasyon ayon sa bahagi ng panukalang proyekto na dapat isaalang-alang:

Sitwasyon Layunin Panahon Suliranin Pakinabang

Project- Ang proyekto ay Paglulunsad: Mababang rate of Makatutulong sa


BASA naglalayong magorganisa Hunyo 2021- literacy at reading mga kabataang
(Bata ay ng programa ng Agosto 2021 comprehension ng mag-aaral pati na
lingguhang pagbasa sa mga bata sa rin sa mga guro.
Akayin at mababang paaralan ng mababang paaralan
Sama-samang Libsong simula Hunyo ng Libsong.
ipakilala ang 2021 hanggang Agosto
2021 upang makatulong
mga
sa pagtaas ng literacy
Akda) rate at reading
comprehension ng mga
kabataan sa komunidad.

You might also like