You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 1V-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MALVAR SENIOR HIGH SCHOOL
POBLACION, MALVAR, BATANGAS

Filipino sa Piling
Larang-Akademik
Kuwarter 3 – Modyul 1:
Kahulugan ng Akademikong
Pagsulat

Address: San Joaquin Road, Poblacion, Malvar, Batangas


 09171601390
 info@shsinmalvar.org
 www.shsinmalvar.org
Panimulang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay isang instrumento upang matugunan ang


pangangailangan ng isang tao upang makapag-aral sa ano mang pagkakataon.
Bilang isang tagapagdaloy, tiyaking maging malinaw sa mag-aaral kung paano
gagamitin ito at sasagutan ang mga gawain sa bawat bahagi. Ipaalala sa mag-aaral
na hindi sila magsusulat sa modyul dahil magkakaron sila ng hiwalay na sagutang
papel.

Para sa mag-aaral:

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


panimulang pagtataya na inihanda ko para sa iyo. Isulat ang titik sa
iyong sagutang papel.
 Basahin at unawain ang panuto ng mga gagawin sa bawat bahagi ng
modyul.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o karakter bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng mga piling gawain sa dulong bahagi ng modyul.
 Maging tapat sa pagsagot sa modyul.
Alamin

Tampok na paksa sa modyul na ito ang pagbibigay-kahulugan sa akademikong pagsulat


gayundin ang pagkilala sa iba’t ibang anyo ng sulatin.
Kasanayang Pampagkatuto:
 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat CS_FA11/12PB-0a-c-101
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian at;
d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay:


1. Natutukoy ang pagkakaiba ng akademikong pagsulat sa iba pang uri ng sulatin.
2. Nakapagbibigay ng halimbawang sulatin ayon sa anyo ng pagsulat ayon sa layunin.

Subukin

Panuto: I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)
1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang
nakalimbag.
A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng
mga halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring
aktwal na naganap.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng
isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

Aralin
Akademikong Pagsulat
1
Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang
isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa
papel o minamakinilya sa kompyuter.May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na
iisaisahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng
teksto. Bago tayo magpatuloy ay narito ang ilang mga pagsasanay na aakay sa iyo patungo sa
aralin.

Balikan

Panuto: Magbigay ng mga halimbawang pangungusap na:


1. Naglalarawan: ____________________________________________________
2. Nagsasalaysay: ____________________________________________________
3. Naglalahad:_______________________________________________________
4. Nangangatuwiran:_________________________________________________

Tuklasin

Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang


pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat na panahon upang maging
mahusay rito. Hindi ito dapat katakutan dahil ang pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit
na pagkatuto at pag-unlad sa ating pagkatao. Ang isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa
larangang ito ay nangangailangan magkaroon ng malawak na kaalaman lalo na sa mga uri ng
pagsulat na ginagawa sa iba’t ibang larangan.
Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o estruktura, layunin
at maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na mambabasa. Natatangi sa mga ito ang
akademikong pagsulat.
Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na
ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay nakalaan sa mga paksa at tanong
na pinag-uusapan at intertesante sa akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng
argumento. Ito ay isang masinop na at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
Maituturing na natatangi ang akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat na
naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa mga
katangian taglay nito ang pormal at piling-piling paggamit ng pananalita, pagiging obhetibo, may
paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan
siyang mangalap ng mahahalagang datos, magorganisa, ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay
magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng
sintesis.( Arrogante et .al 2004)
Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasalang-
alang ang mga mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas at baybay ng mga salita
dahil nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula at nobela)
ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng
sulatin. Layunin nitong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang. Layunin din nitong: - manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng
sagot o dahilan at ebidensiyang maaari mong paniwalaan; - mag-analisa sa pamamagitan ng
paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;
magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman ng
mambabasa.
Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang
mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag
ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula kung saan nakalahad ang
introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon , at rekomendasyon.
Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong pagsulat:
1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa
proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag- aalinlangan.
2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng
paglalantad ng mga katangian nito.
3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na
pangyayari.
4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.
-halaw mula sa modyul ng Region V – Bicol,
Piling Larang-Akademik

Suriin

Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay kabilang sa isang akademikong sulatin o sa


malikhaing pagsulat. Isulat ang AS kung akademikong sulatin ang tinutukoy at MP naman kung
malikhaing pagsulat.
1. Balita sa Radyo at Telebisyon - ____
2. Ang Kuwento ni Mabuti - ____
3. Talambuhay ni Jose Rizal - ____
4. Katitikan ng Pulong - ____
5. Saliksik - ____
6. Patalastas - ____
7. Debate - ____
8. Sanaysay - ____
9. “Ang Guryon” - ____
10. “Si Malakas at si Maganda” - ____

Pagyamanin

Panuto: Sa pamamagitan ng venn diagram ay pagkumparahin ang Malikhaing Pagsulat at


Akademikong Pagsulat ayon sa napagtalakayan.
Akademikong
Pagsulat Malikhaing Pagsulat

Isagawa

Panuto: Pumili sa apat na paraan ng pagpapahayag ng akademikong sulating nasa ibaba. Sumulat
ng isang halimbawang sulatin na aangkop sa iyong napiling paraan. Tiyaking magtataglay ito ng
mga katangiang tinalakay sa bawat paraan. Isaalang-alang ang nakalatag na Pamantayan sa
Pagmamarka
1. Paglalahad
2. Paglalarawan
3. Pagsasalaysay at;
4. Pangangatuwiran
Pamantayan sa Pagmamarka

10 Buong husay na naisatitik ang kaisipan at ideya nang naaangkop sa napiling paraan
ng pagpapahayag.

7 Naisatitik ang ang kaisipan at ideya nang naaangkop sa napiling paraan ng


pagpapahayag

4 Naisatitik ang kaisipan at ideya, subalit hindi gaanong angkop sa napiling paraan ng
pagpapahayag

2 Naisatitik ang kaisipan at ideya subalit hindi nagging angkop sa napiling paraan ng
pagpapahayag.
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang AKADEMIK kung ito ay tumutugon
sa mga katangiang taglay ng akademikong pagsulat at DI-AKADEMIK kung ito ay taliwas.
_______________1. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay-impormasyon, mag-
analisa at manghikayat.
_______________2. Sa pagsulat ng akademikong sulatin hindi maaaring magkaroon ng
kombinasyon ng mga paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto.
_______________3. Ang wikang ginagamit sa akademikong pagsulat ay karaniwang di-pormal
pagkat ito ay angkop na angkop sa mga mambabasa sa akademikong institusyon.
_______________4. Masusi ang proseso ng akademikong pagsulat pagkat ito ay
nangangailangan ng pananaliksik ng mga paktwal na datos na magagamit sa paglalahad ng mga
impormasyon at pag-aanalisa.
_______________5. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksang interesante at
pinag-uusapan ng lahat ng tao sa kahit na anong antas at estado ng lipunan.

Karagdagang Gawain

Matapos mong basahin, aralin at isakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito, isulat sa
iyong kuwaderno ang mga konseptong iyong natutuhan sa tulong ng graphic organizer sa
kasunod na pahina. Ipakita at palagdaan sa magulang ang ginawang graphic organizer.
Susi sa Pagwawasto

5. Di-akademik 10. MP AS 5.
4. Akademik 9. MP AS 4.
3. Di-akademik 8. MP AS 3.
2. Di-akademik 7. MP MP 2.
1. akademik 6. MP AS 1.

Tayahin Suriin

B 5.
D 4.
C 3.
A 2.
D 1.

Subukin

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied SubjectFilipino sa
Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.

Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling LarangAkademik


(Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang Limbag 2016.

Santos, Corazon L at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling LangAkademik


(Patnubay ng Guro). Kagawaran Ng Edukasyon. Unang Limbag 2016.

Filipino Piling Larang –Akademik Modyul 1: Tara, Sulat Tayo!: Region V – Bico Region
2021

You might also like