You are on page 1of 11

FILIPINO SA PILING LARANGAN POINTERS

MODULE 5.1 PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

A. KAHULUGAN NG POSISYONG PAPEL


 Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin,
karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na identidad tulad ng isang partidong political.

 Gingamit din ang mga posisyong papel ng malalaking organisasyon upang isapubliko ang mga
opisyal na paniniwala at mga rekomendasyon ng pangkat.

B. MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL


Ang iba’t ibang anyo ng posisyon papel ay may mga batayang katangiang
ipinagkakatulad:

1. depinadong isyu;
2. klarong posisyon;
3. mapangumbinsing argumento at;
4. angkop na tono.

1. Depinadong Isyu

 Ano’t ano man ang pinagmulan ng isyu, kailangang maipaliwanag nang malinaw ng manunulat
an isyu. Dagdag pa sa pagpapatotoo na ang isyu ay umiiral, kailangan ding mabigyang-kahulugan
ng manunulat ang isyu para sa layunin ng pagsulat.

2. Klarong posisyon

 Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangang amilahad nang malinaw ng awtro ang kanyang
posisyon hinggil doon.

3. Mapangumbinsing Argumento.

 Upang makumbinsi ang mga mambabasa, kailangang magbigay ang awtor ng matalinong
pangangatworan at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon.

1) Matalinong Katwiran. Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang


argumento, kailangang malinaw na maipaliwanag ang mga pangunahing puntong
sumusuporta sa posisyon.

2) Solidong Ebidensya. Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba’t ibang uri ng
ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon kasama ng mga pinaghanguang ng
impormasyon.

3) Kontra Argumento. Kailangang ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang


pananaw na maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan.
4. Angkop na Tono

 Isang ideyal kasi na makakuha ng tiwala at respeto ng mga mambabasa sa pamamagitan ng


katuwiran at ng gamit sa pagsulat.

 Ano’t nao man ang pipiliing tono sa pagsulat, kailangang batay ito sa maingat na pagsasaalang a
sa bigat ng isyu, sa mga target na mambabasa, sa layunin ng manunulat at iba ang salik uoang
maging angkop ang tono ng isang espesipikong posisyong papel.

C. ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

Para sa pagsulat ng mahusay na possyong papel, iminungkahi sa


http://homeworktips.about.com ang sumusunod na hakbang:

1. Pumili ng paksa.

 Pumili ng paksang malapit sa iyo, nang maisapuso mo ang pagsulat nito. madalas, ang
wastong pagpili ng paksa ay humahantong sa higit na mabuting resulta.

2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.

 Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung may mga ebidensyang


sumusuporta sa iyong posisyon. Hindi mo gugustuhing madikit sa isang posisyong
guguho kapag inatake.

3. Hamunin ang iyong sariling paksa.

 Kailangang alam mo hindi lamang ang iyong sariling posiyon, kundi maging ang sa
salungat sa iyo.
 Kailangang alam mo ang mga posibleng hamong iyong kahaharapin.
 Kailangan kasing makontra mo sa iyong posisyong papel ang salungat na argumento sa
pamamagitan ng iyong mga kontra-argumento.

4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya.

 Sikaping makakoekta ng iba’t ibang suporta tulad ng opinyon ng mga eksperto at mga
personal na karanasa. Ang pagsangguni sa mga kaugnay na aklat babasahin, maging sa
mga site na may mabuting reputasyon at pakikipanayam sa mg awtoridad ay
makatutulong nang lubos.

5. Gumawa ng balangkas.

 Ang posisyong papel ay maaaring ayusin ayon sa kasunof na pormat:


Module No. 5.2: PAGSULAT NG BIONOTE

A. KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa sang indibidwal upang
maipakilala siya sa mga tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Binibigyang-
diin ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at
mga katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang upang ipabatid ito sa mga
mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad.

Mga maaaring paggamitan ng isang Bionote:


1. Aplikasyon sa trabaho;
2. Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
3. Pagsasalita sa mga pagtitipon; at
4. Pagpapalawak ng network propesyonal.

B. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote ang iminungkahi sa artikulong
Guidelines in Writing Biographical Notes (sa http://www.kaowarsom.be). Ito ay kinabibilangan ng mga
sumusunod:

1. Balangkas ng pagsulat. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang prayoritisasyon ng mga


impormasyong isasama sa bionote.

2. Haba ng bionote. Kadalasang maikli lamang ang bionote.binubuo lamang ito ng isa hanggang
tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote. Ayon
kay Brogan (2014), isang kilalang social media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa haba
nito: micro-bionote, maikling bionote, at mahabang bionote.

3. Kaangkupan ng nilalaman. Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at


mahahalagang impormasyon tulad ng propsesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong
isama sa bionote. Ang bionote ay isinusulat para sa tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang
tiyak na pagkakataon.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang
gagamitin sa bionote. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa
bionote sa mismong audience at sa klima ng mismong okasyon na paggamitan nito.

5. Larawan. Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng
larawan at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan.
Module 5: Pagsulat Ng Agenda At Katitikan Ng Pulong

A. ANG AGENDA
Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin na agree na nangangahulugang gagawin. Sa
pananaw na ito, mabibigyang depinisyon ang agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng listahan
ng mga pag-uusaoan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.

Binanggit ni Lachica, T. (2016) sa https://www.slideshare.net/ na ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi


itong gabay na nagbibigay ng malinaw na direksyon kung paano mararating nang mabilis ang
patutunguhan.
Ayon naman kay De Guzman, M. (2018) sa kanyang ulat sa https://www.youtube.com/watch?
v=AhlLUR7bDC0, ang ageda ay tumutulong sa paghahanda para sa katitikan ng pulong na pagagamitan
ng pagbibigay ng isang listahan ng mga gawain at isang malinaw na hanay ng mga paksa, mga layunin, at
mga takdang oras na kailangan sa tatalakayin sa pulong.

B. MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA


Sa artikulong How to Desigh an Agenda for an Effective Meeting, nagpanukala si Swartz (2015)
ng mga konsiderasyong dapat tandaan sa pagdidisenyo ng isang agenda. Ayon sa artikulong ito,
kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Saloobin ng mga kasamahan. Para maging mas proaktibo ang mga kalahok sa pagpupulong,
mahalagang malaman ang kanilang saloobin at kung ano ang mga nais din nilang matalakay sa
pagpupulong.

2. Paksang mahalaga sa buong grupo. Sa mga isasamang paksa sa agenda, makabubuti kung ang
mga ito ay mga paksang mhalaga sa buong grupo o organisasyon.

3. Estrkturang patanong ng mga paksa. Nag-iimbita ang isang tanong ng aktibong partisipasyon ng
mga kalahok.

4. Layunin ng bawat paksa. Dapat maging malinaw kung layunin nito ang pagbabahagi ng
impormasyon, pagkuha ng panukala para sa gagawing desisyon, o pagdedesisyon.

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa. Mahalagang pagtuonan ito ng pansin dahil kadalasang may
itinatalagang oras ng pagsasagawa ng pulong. sa mga desisyon.

C. MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA

Kapag napagdesisyonan na ang agenda batay sa mga konsiderasyon sa pagdidisenyo nito,


maaari na itong sulatin. Narito naman ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng agenda para sa
isang pagpupulong:

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong.


2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong.
3. Simulan sa mga simpleng detlye.
4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda.
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa.
6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.
D. ANG PULONG

Mula sa isang maayos na agenda, maisasagawa naming ang isang maayos na pulong o meeting.
Ang pagpupulong ay pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal upang pag-usapan ang isang komon na
layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o grupong kinabibilangan nila. Ipinatatawag
ang ganitong pagtitipon kung may sapat na dami ng paksa o isyun dapat pag-usapan (Certified Generla
Accontants, 2012).

Para masabing balido ang isang pulong, dapat mapatupad ang mga sumusunod na konsidyon:

1. Ang nagpapatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito.


2. Ang pabatid na magkakaroon ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.
3. Ang quorum ay nakadalo.
4. Ang alituntunin o regulasyon ng organisasyon ay nasunod.

F. ANG KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ay ang opisyal na record ng pulong ng isang organinsasyon, korporasyon, o


asosasyon. Ito ay tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong.

Ito rin ang nag sisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at
sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.

Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong ang sumusunod:

1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan.


2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunann
3. Ang mosyon para sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala
4. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang-ayon sa isang mosyon
5. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hinihiling ng isang kalahok na itala
ang paraan ng kanyang pagboto.

G. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN

Upang hindi masayang ang oras at maayos na maisulat ang katitikan ng pulong, mahalagang
maisaalang-alang ang mga tanong na inihayag ni Lyn Gaertner-Johnston (2006) sa kanyang artikulong
Tips for Writing Meeting Minutes. Ayon sa artikulo, dapat masagot ang mga sumusunod na katangunan:

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo? (isama ito kung kinakailangan)
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano-ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano-ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan at bakit
kailangan?
Ayon naman sa ulat na ginawa ni Lachica T. (2016) sa https://www.slideshare.net/, mahalagang
ideya na hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang
pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip.

Module No. 7: PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

A. KAHULUGAN, URI, AT KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng
mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Idinagdag pa niya na sa isang
panukalang proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto
(project justification), panahon sa pagsasagawang proyekto (activities and implementation timeline), at
kakailanganing resorses (human, material, and financial resources required).

Ang isang panukalang proyektong isinagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal ay tinatawag na solicited proposal, samantalang kung wala
naman at kusa o nagbaka-sakali lamang ang proponent ay maituturing itong unsolicited. Tinatawag ding
invited o imbitado ang soficited, at prospecting ang unsolicited (Lesikar, Pettit, & Flatley, 2000).

B. MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon sa American Red Cross (2006), kapag susulat ng isang panukalang proyekto,
kailangang gawin ang sumusunod:

1. Magplano nang maagap. Kung maagap ang pagpaplano, binibigyang- pagkakatoon ng


nagsasagawa nito na makausap ang mga stakeholder, matalakay ang kanilang pangangailangan,
at masuri ang panukalang proyekto nang may sapat na oras.

2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan. Kung may kasama sa panukala, makabubuting bigyan
ngtungkulin ang bawat isa upang maging kolaboratibo ang paghahanda.

3. Maging realistiko sa gagawing panukala. Dapat maisalang-alang ng nagpapanukala kung ano


lamang ang kakayanin sa loob ng panahong nakatalaga at kung ano ang posibleng makamit
batay sa mga nag-e-exist na resorses. Tandaan na ang nilalaman ng panukula ay laging SMART
(specific, measurable, attainable, realistic, at time-bound).

4. Matuto bilang isang organisasyon. Matuto sa sariling karanasan at sa karanasan ng iba.

5. Maging makatotohanan at tiyak. Huwag maging masaklaw sa mga pahayag sa panukaia.


Kailangang maging tiyak sa mga ipinapanukala. Kaakibat ng pagiging tiyak ng mga ito, kailangan
ding maging makatotohan ang bawat elemento ng panukala

6. Limitahan ang paggamit ng teknikal najargon. Ang mga teknikal na jargon ay para sa mga
teknikal o espesyalisadong indibidwal. Makabubuti sa isang proposal na naisulat ito sa isang
wikang pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat.

7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin. Makatutulong ito ng malaki sa
taong nagbibigay ebalwasyon sa panukala.
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal. Tiyakin na ang layunin ng
panukalang proyekto ay isa sa mga top of the list na prioridad ng hinihingian ng suportang
pinasyal o ng mag-aapruba sa panukala.

9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto. Kabilang sa mga salitang
kilos na maaaring gamitin ang simulan, ikumpara, maghandog, mangulo, mag-organisa,
suportahan, magpakuahulugan, gumawa, gumamit at iba pa.

C. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Binalangkas ni Besim Nebiu sa kanyang aklat na Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing
(2002) ang mga hakbang na kailangang isagawa ng isang indibidwal o organisasyong nagnanais gumawa
ng isang panukalang proyekto. Ayon sa aklat, kailangan ang:

1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo. Makatutulong ito upang maging


mas tiyak at makatotohanan sa mga detalye ng susulating panukala.

2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto. Sa pamamagitan nito, mabibigyang-


kamalayan sa mga naging pagkakamali ng mga nauna nang panukala.

3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto. Mabibigyan ng tamang datos


kung titignang muli ang ebalwasyon ng mga nakalipas na proyekto. Upang hindi magkamali, o
malito, balikang muli ang mga ulat sa mga proyektong iniharap sa oraganisasyong
pinagpapanukalaan.

4. Pag-organisa ng mga focus group. Tiyakin lamang na ang mga taong magiging bahagi ng
proyekto ay may pagnanais na makisangkot at mag-ambag. Magiging malaking suliranin kung
walang pakikibahagi mula sa kanila.

5. Pagtingin sa mga datos estadistika. Maging sigurado sa mga datos na ibibigay. Huwag hayaang
ibang tao pa ang makadiskubre sa mga kamalian sa mga estadistika at datos na inilahad.
Sikaping ibalida ang ano mang datos na ginamit sa proposal.

6. Pagkonsulta sa mga eksperto. Mapatataas ang kredibilidad ng panukala kung ikinonsulta ang
mga ito sa mga eksperto. Ang kontribusyon mula sa mga eksperto ay makapagbibigay bigat sa
halaga ng panukala.

7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa. Mangalap ng preliminaryong impormasyon at datos para
ipakita ang komitment at dedikasyon sa panukalang proyekto.

8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad. Makukuha ang kooperasyon ng


komunidad kung mayroong tuwirang pagsasangkot sa kanila.
D. PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGA ELEMENTO NITO

I. Titulo ng Proyekto
Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa
tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto pangalan ng nagpapanukalang
organisasyon, lugar at petsa ng preparasyor; ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng
panukala.

II. Nilalaman
ldagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit pang pahina.
Mahalaga ang pahinang ito upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal. Naglalaman ito ng
titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.

III. Abstrak
Ginagawa ang abstrak upang magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan ng
masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito.

IV. Konteksto
Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng
panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na
naitala mula sa Pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na nakolekta mula sa iba't ibang mga
sors.

V. Katwiran ng Proyekto

Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon

1. Pagpapahayag sa Sutiranin. Tinatalakay sa bahaging ito ang tiyak na sultraning pinagtutuunang


solusyunan ng panukala..

2. Prayoridad na Pangangailangan. Pinagtutuunan ng bahaging ito ang pagpapaliwanag sa


pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakaroon ng suliranin.
Ipinatiliwanag din sa bahaging ito kung paano napagdesisyunan ang mga isasaad na
pangangailangan.

3. Interbensyon. lialarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung papaano sosolusyunan
ang suliranin at gayon din tatalakayin kung papaanong magdadala ng pagbabago ang gagawing
hakbang.

4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito, ilalarawan ang kapabilidad ng


nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliranin inilahad.

VI. Layunin
lnilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng layong
ito, iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.
Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga
sumusunod:
1. Dapat isa lamang ang masaidaw na layunin ng panukala;
2. Dapat na konektadoang masaldaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti;
at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon.

I. Target na Benepisyaryo

Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at kung
paano sita makikinabang dito.

VII. implementasyon ng Proyekto

Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita rito kung
sino ang gagawa sa mga aktibidad, at kailan at saan ito gagawin. Mahahati sa dalawang sub-seksyon ang
bahaging ito:

1. Iskedyul. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat maipakita. Magagamit ang mga
talahanayan at Gantt chart sa pagpapakita ng mga ito.

2. Alokasyon. Ipakikita dito ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa
iskedyul. Tinutukoy sa bahaging ito ang ibait ibang kategorya ng gastusin upang magkaroon ng
buod ng impormasyon ukol sa gastusin na kakailanganin para sa pagbabadyet. Halimbawa ng
mga aytem sa bahaging ito ang mga kagamitan, sahod, at mula rito'y maiuugnay ang yunit,
bilang, presyo at iba pa.

3. Badyet. lto ang buod ng mga gastusin at kikitain ng panukalang proyekto.

4. Pagmonitor at Ebalwasyon. Nakabatay ang ebalwasyon at pagmonitor sa panukalang proyekto


sa kung paano at kailan isasagawa ang mga aktbidad para mamonitor ang pag-unlad ng
proyekto; anong metodo ang gagamitin sa pagmonitor at pag-evaluate; at sino ang
magsasagawa ng pagmonitor at ebalwasyon.

5. Pangasiwaan at Tauhan. Naglalaman ito ng maikling deskripsyon ng bawat myembro ng grupo


na gumawa ng panukalang proposal

6. Mga Lakip. Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong
mapagtibay ang panukalang proyekto.
Module No. 8: PAGBUO NG MGA PORTFOLIO NG MGA SULATIN

A. ANG PORTFOLIO

Sa pag-aaral ng Pagsulat, ang Portfolio ng mga Sulatin ay isang koleksyon ng mga komposisyon o
awtput. Layunin nitong ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng mag-aaral-
manunulat sa loob ng isang termino o taong-aralan.

B. MGA BAHAGI NG PORTFOLIO

Para sa layunin ng asignaturang Filipino sa Baitang 12, iminumungkahi ng mga may-akda ng aklat
na ito ang sumusunod na bahagi na dapat matagpuan sa iyong gagawing portfolio:

1. Pabalat 5. Mga Sulatin


2. Pamagating Pahina 6. Epilogo
3. Prologo 7. Rubriks
4.Talaan ng Nilalaman 8. Bionote

C. ANG PAGGAWA NG PORTFOLIO

1. Pamagatan ang iyong Portfolio. Tiyaking ang pamagat na mapi pi li ay kakatawan sa nilalaman
ng iyong portfolio, sa iyong mga karanasan sa pagsulat, at maging sa iyong mga natutunan.

2. Gawin ang Pamagating Pahina. Ilagay sa pamagating pahina ang pamagat ng iyong portfolio,
ang iyong pangalan at kinabibilangang pangkat, pangalan ng iyong guro, at ang araw ng
pagpapasa.

3. Isulat ang iyong Prologo. Introduktoring talataan ito. Ipaliwanag dito ang napili mong pamagat
ng iyong portfollo, kung bakit mo iyon napili. Ilarawan ang mga nilalaman ng iyong portfolio.
Maaari ring maglahad dito ng Pag-aalay at Pasasalamat.

4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman. lhanay ang mga sulating iyong ginawa, ang anyo at pamagat ng
bawat isa, mula una hanggang huli. Tukuyin ang pahinang katatagpuan ng bawat isa. Ito ay
giinagawa upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal o portfolio.

5. Tipunin ang iyong mga sulatin. Ayusin ang mga sulatin ayon sa pagkakasunod-sunod. Isulat muli
ang bawat isa o ienkowd sa kompyuter at iprint. Tiyaking ang mga pagkakamali ay iwasto.

6. Isulat ang iyong Epilogo. Sumulat ng isang replektibong talataan. Ilarawan ang iyong mga naging
karanasan sa pagsulat ng mga sulatin at ang mahahalagang kaalamang iyong natutunan.

7. Gawin ang pahina para sa Rubriks. Ilagay dito ang pamantayan sa pagmamarka. Iminumungkahi
ng mga may-akda ang kasunod na rubriks.

8. isulat ang iyong Bionote. Maikli lamang dapat ito. Gamitin muli ang ikatlong panauhan. Lakipan
din ito ng iyong larawan. Ilagay ito sa likod na pabalat.
9. Palamutian ang iyong portfolio. Simulan ang pagpapalamuti sa pabalat. Ipagpatuloy hanggang
sa huling pahina. Gumamit ng mga angkop na dekorasyon para sa bawat sulatin at iba pang
pahina. Sikaping isaalang- alang ang paksa ng bawat sulatin para sa layunin ng kaangkupan ng
palamuti.

10. Ipasa ang iyong portfolio. Itatakda ng inyong guro ang araw, , oras at maging ang lugar ng
pagpapasa. Ipasa ang iyong ginawa sa takdang araw, oras at lugar.

You might also like