You are on page 1of 7

Ekonomiks sa Diwang Pilipino

Ni: Tereso S. Tullao, Jr.

Introduction
● Maraming bagay na esoteriko na nakapaligid sa pag-aaral ng ekonomiks
○ Madalas hindi nauunawaan ng karaniwang estudyante
● Madaling maunawaan ang ekonomiks
○ Pag-aaral na nakatuon at naglalarawan sa ating kabuhayan
○ Pagsusuri ng ating lipunan na tugma sa ating mga karanasan
● Makakatulong ang paggamit ng ating wika sa pag-unawa ng mga konsepto at teorya na
naglalarawan ng ating pang-araw araw na karanasang pangkabuhayan

Ano ang Ekonomiks


● Kadalasang depinisyon
○ Diwa ng kalakalan
○ Pera
○ Pagtaas ng presyo
○ Pambansang produkto
○ Bilihan ng stock
○ Pamumuhunan at kawalan ng trabaho
● Depinisyon sa paaralan
○ Isang pag-aaral tungkol sa paggawa at paggamit ng kayamanan
○ Memoryado ito ngunit ilan lang ang nakakaunawa sa mahalagang implikasyon
nito
● Depinisyon ng ibang ekonomista
○ Lahat ng bagay na pinagkakaabalahan ng mga ekonomista
○ May kayabangan dahil sakop nito ang lahat ng bahagi ng araling panlipunan

Pamantayang depinisyon ni Paul Samuelson


Isang sangay ng agham panlipunan na nagtutungkol sa pamamahagi ng iba’t iba ngunit
limitadong mga kayamanan upang tugunan ang paparami at halos walang hangganang hilig ng
tao
*​layunin ng pagtalakay​- upang ipakita ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks sa buhay
ng bawat mamayang Pilipino

mga pangunahing konsepto:


1. Agham panlipunan
2. Kayamanan
3. Hilig ng tao
4. Kagahupan
5. Pamamahagi
MGA PANGUNAHING KONSEPTO

Ekonomiks at pamamaraang siyentipiko (Agham Panlipunan)


● Ang ekonomiks ay higit sa lahat isang pag-aral kung paano ang isang lipunan ay
tumutugon sa problema ng kabuhayan at kaunlaran
● Agham panlipunan
○ Sumusuri sa papel na ginagampanan ng mga miyembro ng lipunan at ng
kanilang interaksyon at relasyon sa isa’t isa upang sagutin ang pangunahin
lipunan ng lipunan
○ Milton Friedman
■ Positibo- what is
● Paglalahad at paglalarawan kung papaano ang isang lipunan ay
nagpapatakbo ng isang sistemang pangkabuhayan
■ Normatibo- what ought to be
● Ano ang karapat-dapat
● Paano patatakbuhin ang isang lipunan ayon sa isang pamantayan

○ Pangunahing problema as agham panlipunan


■ Ano ang papatingkarin positive or normative

Ang kayamanan at pinagkukunang-yaman

Hilig ng mga Pilipino


● Dapat nating suriin rin ang istruktura ng pangangailangan, hilig, at kagustuhan

● Hilig pantao
○ Kalipunan ng kagustuhan, mithiin, pagnanasa, at hilig ng mga miyembro
ng isang lipunan batay sa mga pangunahing pangangailangan, hilig at
kagustuhan ng mga tao upang mabuhay.
○ Naiiba sa pangunahing pangangailangan
■ Dahil pinagbago ng kultura, panlasa, kita, kapaligiran, edad, antas
ng edukasyon, estado sa lipunan, advertising at ipa ba
● Nagbubunga ng artipisyal na hilig
○ Ex lux vs perla (advertising)
○ Damit na branded (Esprit, Levis, USED, Pepe, Oleg
Cassini, Pierre Cardin, etc.)
● Lalong napapalayo sa tunay na layong ng pangunahing
pangangailangan ng tao
● Pangunahing pangangailangan bilang isang Pilipino
○ Paghahalo
■ Halo-halo, sapin-sapin, pakbet
■ Altar na may idols
■ Iba’t ibang pictures na may awards
■ Iba pang mga halo-halong bagay
○ Pagtitingi
■ Mga sari-sari store
■ Mga nabebenta sa kalsada
■ Pag-aaral at pagbabayad
■ Pagmamahal at pagpapamilya
○ Iba pang mga hilig depende sa event
■ Kandila araw ng patay
■ Bilog bilog bagong taon
■ Kendi at tsokolate valentines
■ Lusis at paputok
Problema sa Iskarsidad
● Hilig ng tao ay napakarami at lalo pang dumarami ayon sa impuho
● Limitado lamang ang lahat ng ito - iskarsidad at kagahulan
● May mga taong di naniniwala sa iskarsidad
○ Nangyayari lamang sa lipunang hinahayaang hangarin ang lahat ng hilig
at kagustuhan
○ Kung mapagtimpi ang lipunan, walang saysay ang iskarsidad
■ Tama na may mga lipunang mapagtimpi ngunit ang batayan ay
malakas na pwersa tulad ng kultura at estado
○ Bakit kailangan magtimpi?
■ Iskarsidad / limitado
● Hindi dapat hayaang hindi kontrolin ng mg tao ang kanilang hilig

Pamamahagi at Alokasyon ng mga Yamang-Bayan


● Pamamahagi
○ Pamamaraan ng isang lipunan kung papaano pinaghahati-hati ang mga
yaman nito upang gamitin sa produksyon ngmga bagay at serbisyo na
makapagbibigay ng kagalingan sa mga miyembro ng lipunan
○ Produksyon at distribusyon
○ Dalawang pamamaraan
■ Paggamit at pagpapalawak sa mga limitadong yamang-bayan
● Wastong paggamit
○ Oras
○ Kalusugan
○ Iba pa para maging malakas malusog matalino
kreatibo at produktibo
● Pagpapaunlad sa mga katangiang panlipunan
○ Pakikisama
○ Pakikipag-kapwa tao
○ Pakikialam
○ Pakikipagtulungan/bayanihan
● Pag-aalay sa bayan
○ Pagtuturo
○ Pagtatrabaho sa loob ng bansa
● Pagtitipid ng mga likas na yaman
○ Recycling
○ Pagtatanim
○ Pangangalaga sa kabukiran etc
○ Paglilinis
○ Wastong pagtapon
○ Pag-iingat
● Mga salawikain:
○ Sa kasipagan:
■ Hipong tulog ay nadadala ng anod.
■ Kung may sinuksok sa dingding ay may
titigalain.
■ Daig ng maagap ang masipag
○ Sa kahalagahan ng pag-aaral at kaalaman:
■ Ang karununga’y sa pag-aaral,
At sa kabaita’y sa katandaan.
○ Sa pagtitipid at sakripisyo:
■ Walang ligaya sa lupa,
Na di dinilig ng luha.
● Ayon kay Teodoro Kalaw (1935), kaugalian ng mga
Pilipino ang pagpapaunlad ng kayamanang-tao at ito ay
nagbibigay daan sa mabuting pakikitungo
● Limang tuntunin ng moralidad:
○ Katapangan
○ Kalinisan ng loob
○ Pagkamagalang
○ Pagkamatimpiin
○ Pagkakaisa ng pamilya
○ +* mabuting pakikipagkapwa-tao
● Timothy Church (1986)
○ Tagapamahala ng mga manggagawa ay
pagpapahalaga sa
■ Magalang
■ Mabait
■ di -palasigaw
■ Marunong makisama
■ Masaya
■ Mapagkumbaba
■ Maunawain
○ Di gaanong nabibigyang-halaga ang
■ Wastong pamamahala
■ Kakayahan
■ Kaayusan
■ Kasanayan
● H. Oshima (1985) naudyok na magmungkahi na lalong
pagyamanin ang pakikipagkapwa-tao at pakikitungo para
sa pagpapalawak at pagpapayaman sa yamang-pantao ng
ating bansa
● Kaugalian ayon sa relasyon sa kagamitan
○ Paniniwala na ang mga kagubatan ay
pinangangallagaan ng mga anito at diwata
■ Dati ay naniniwala tayo kaya maayos ang
kagubatan, ngayon ay hindi na
● Paggamit ng salaping kapital
○ Mas mabisa ang pangungutang sa mga impormal
na sektor (patubuan, etc.) kaysa sa bangko
■ Hindi nagbabayad sa bangko dahil walang
katauhan at hindi kailangan
makipagkapwa-tao
■ Nagbabayad sa mga impormal na
pautangan para sa pakikitungo
■ Pagtitimpi o Pagkontrol sa dumaraming hilig ng tao
● Kinakailangan upang makayanan ng limitadong
yamang-bayan ang pagtugon sa hilig ng tao
● Pag-aayos ng pagtitimpi ay nakaayon sa:
○ Isang panlipunang pananaw sa tao
○ Kalayaan
○ Pangangailangan
○ Pagnanasa
○ Pagpapahalaga
○ Lipunan
○ Pamahalaan
● Tatlong pangunahing modelo
○ Pamamaraang tradisyonal
■ Kultura at tradisyon ang siyang nagiging
mekanismo
■ Sinumang magnasa ng makabago ay
kinakastigo at sinesensura ng batas ng
tradisyon
■ Tradisyon ang nagtatalaga kung ano ang
gagawin sa produksyon, kung paano
gagawin, kung sino gagawa at kung paano
ipapamahagi ang bunga
○ Pamamaraan na pagpaplanong sentral
■ Ang pagpaplano ay ginagawa ng isang
institusyong pambayan batay sa isang
pamantayang kagalingang panlipunan
■ Pagtitimpi ay hindi galing sa mamamayan
■ Pinakamaselan at pinakamabigat na
kritisismo sa mga bansang sosyalista na
humahadlang sa kalayaan
■ Walang halaga ang kritisismo kung
ihahambing sa kagalingang panlipunan na
natamo
■ Mabisa sa pagsugpo ng problema ng
kahirapan, gutom, kawalan ng tirahan,
kakulangan ng pananamit, atbp.
○ Pamamaraan ng bilihan
■ Tinatalaga ng mekanismo ng presyo
■ Presyo bilang palatandaan ng iskarsidad
● Mataas = dahop kumpara sa
mapaggagamitan
■ Kusa ng mamamayan
● Hindi nila kayang bilhin
■ Mabisa matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan
■ May mga katanungan kung ito ay
makatarungan
● Ang mga mahihirap ay may
kapansanan
■ Matingkad na luwang sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap
Konklusyon
● Limang pangunahing konsepto ng ekonomiks
● Paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran
● Pagibayuhin ang ating lakas, kaisipan, at katalinuhan para sa interpretasyon at
solusyon sa paghihirap ng mga Pilipino
● Pulitika, kultura, sikolohiya, at sosyolohiya
● Salain natin ang mga modelong kanluranin dahil hindi lahat ay angkop sa Pilipino
● May mga advantages and disadvantages ang bawat modelo ng pagtitimpi
● Alamin kung pano mag-isip ang Pilipino at ang konsepto ng kanyang mabuting
buhay
● Pamimilosopiya ang unang hakbang sa pagtatalaga
● Inaasahan na ang katangian, kaugalian, kultura, at pananaw ng mga Pilipino ay
mabisang maihalo sa mga prinsipyo ng ekonomiks upang lutasin ang
problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran

You might also like