You are on page 1of 17

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

LADDARAN, JHAZAVEE C. – 11 STEM MARCASITE MRS. MARIANNE T.


DANAO

3RD QUARTER
(MODULE 1 – WEEK 1)

GAWAIN 1 A AT B: PAHINA 3 – 4

GAWAIN 1
1. Uri ng babasahin na naglalaman ng mga love story o tungkol sa pag-ibig. - POCKETBOOK
2. Sikat na elektronikong babasahin sa website na naglalaman ng iba’t ibang genre.
- WATTPAD
3. Kakayahan ng utak na maproseso ang mga bagay na nalaman. – PAG-IISIP
4. Resulta o makukuha sa palagiang pagbabasa. - KAALAMAN
5. Nilalaman ng tesktong babasahin batay sa tunay na buhay. - KARANASAN
6. Teknik sa pagbasa na matiim, malawak at mapanuri ang pagkilala sa mensahe o nilalaman ng teksto. -
KRTIKAL
7. Uri ng babasahin na naglalaman ng mga balita, editoriyal, isport at iba pang impormasyon sa lipunan. -
PAHAYAGAN
8. Bahagi ng katawan na maaaring magproseso sa iniisip. - UTAK
9. Ang pokus o pinalulutang sa tuwing nagbabasa mula sa nais iparating ng awtor. - MENSAHE
10. Proseso ng pagkilala, paunawa, aplikasyon at integrasyon ng mga binasang aklat o teksto. -
PAGBASA
11. Hanguan ng kaisipan batay lamang sa sariling pag-unawa, saloobin o guniguni. - OPINYON
12. Babasahing mayroong kasamang mga larawan na may kasamang diyalogo. - KOMIKS
13. Paraan ng pagbasa na ginagamit lamang ang mata. - TAHIMIK
14. Naglalaman ng mga makabuluhang ideya, pananaw o kaalaman sa binabasa. - TEKSTO
15. Paraan ng pagbasa na ginagamit ang boses. - MALAKAS
16. Inaasahang taglay na maunawaan ang binasa o “Read between the lines.” -
KOMPREHENSIYON
17. Ito ang nagsisilbing ilaw o ekstensyon ng utak upang makabasa. - MATA
18. Uri ng babasahin may kinalaman sa mga fashion style, estilo sa pamumuhay, produkto o maging sikat na
personalidad. - MAGASIN
19. Unang proseso upang mabasa o makilala ang simbolong nakalimbag sa pagbabasa. – PAGKILALA
20. Pangunahing kailangan sa kapag nagbabasa upang hindi wala sa pokus. -
KONSENTRASYON
GAWAIN 2

A. SA LOOB NG CROSSWORD PUZZLE KILALANIN ANG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO NA


MAAARING BINABASA SA MGA AKLAT O IBA PANG URI NG BABASAHIN. PUNAN NG
TAMANG LETRA ANG MGA KAHON.

1. DESKRIPTIB
2. PERSUWEYSIB
3. ARGUMENTATIB
4. REFERENSYAL
5. IMPORMATIB
6. PROSIDYURAL
7. EKSPOSITORI

B. BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG. KILALANIN ANG MGA


PAKSA AT URI NG TEKSTO BINASA. PUMILI SA KAHON NG SAGOT AT ISULAT SA PATLANG
ANG NAPILING KASAGUTAN.

1. ARGUMENTATIBO
2. NARATIBO
3. IMPORMATIBO
4. IMPORMATIBO
5. PROSIDYURAL
6. ARGUMENTATIBO
7. ARGUMENTATIBO
8. IMPORMATIBO
9. DESKRIPTIBO
10. IMPORMATIBO

REFLEKSYON PAHINA 15 - 16
REFLEKSYON: Mamili ng isang gawain bilang pagsuporta sa pinapatupad na ordinansa sa inyong lugar at
makaiwas sa COVID-19
a. Gumawa ng isang slogan at/o poster para sa promosyon ng pag-iwas ng COVID-19 sa iyong lugar. Isagawa
ito sa oslo paper. Sundin ang mga pagbuo ayon sa krayterya. Tandaan: Pamantayan sa Islogan (8-10 na salita
lamang ang gagamitin)

INTERPRETASYON

WEEK 2
GAWAIN 1 PAHINA 18 – 20
PAGSULAT 1. Isang kasanayan na maging maingat sa paglalahad ng mga kaisipan sa loob ng papel o
dokumentasyon.
WIKA 2. Isang kasanayan na maging maingat sa paglalahad ng mga kaisipan sa loob ng papel o
dokumentasyon.
SANAYSAY 3. Ginagagamit upang maipamalas ang kaisipan sa pagsulat.
EDITORYAL 4. bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
Naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol
sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa.
TALAMBUHAY 5. Isang anyo ng panitikan at uri ng sulatin na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang
taohango sa tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
TRAVELOG 6. Uri ng sulatin na ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan,
gabay, o damdamin sa paglalakbay. Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
TULA 7. Ito ay isang anyo ng panitikan at uri ng sulatin na binubuo ng mga taludtod at saknong.
Ginagamit ito upang mabisa at malikhaing.
DAGLI 8. Uri ng kwento na mas maiksi pa sa maikling kwento. Layunin nitong magkwento nang hindi
naisasakripisyo ang kabuuan ng mga pangyayari sa pinakakaunting salita.
TALUMPATI 9. Buod ng kaisipan na isinulat at binibigkas sa harap ng mga manonood. Naglalayon itong
makahikayat o mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na paksa.
KUWENTO 10. sang masining na anyo ng panitikan at uri ng sulatin na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
DEBATE 11. Ito’y gantihang gamit panananggol ng panig na pinili upang sila’y paniwalaan o manalo kung
sa kanilang ito’y ginawang kontest na ihaharap sa madla.
RECIPE BOOK 12. Isang aklat na nagsasabi o naglalahad ng mga proseso kung paano maghanda at magluto
ng pagkain.
BIONOTE 13. Isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga
klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito ang
pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pagaaral, at pagsasanay ng may akda.
PANANALIKSIK 14. Uri ng sulatin na nagtataglay ng masistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isangtiyak na paksa o suliranin.

REPORT 15. Isang ng paraan ng pagpapahayag na maaaring pasalita o pasuulat ng iba't ibang kaalaman. Ito
ay bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag- usap sa mga taong may tanging kaalaman o
pagmamasid sa mga bagay-bagay.
DYORNAL 16. Isang arawang tala ng pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama.
TALAARAWAN 17. Uri ng sulatin na itinatala ang mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga
obserbasyon na arawan o paminsan- minsang ginagawa.
LIHAM 18. Uri ng sulatin na isinulat ang mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na
pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
REPLEKSYON 19. Ito ay isang pagsulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni
tungkol sa isang tiyak na paksa. Ito ay maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin, sa isang lektyur o
karanasan katulad ng internship, volunteer experience, retreat and recollection o educational tour.
REAKSYONG PAPEL 20. Uri ng sulatin na inilalahad ng may kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni
tungkol sa isang tiyak na paksa.

GAWAIN 2 PAHINA 20

“ Edukasyon New Normal: Handang Isip Handa Bukas”

Ang Edukasyon sa New Normal ay isang malaking pagsubok at sakripisyo para sa lahat. Maraming
pagbabago sa paraan ng pag-aaral na kinakaharap ng mga mag-aaral, guro at ng mga magulang na malayo sa
dating kinasanayan nating normal na pumapasok sa paaralan. Hindi na tulad ng dati na sa loob ng silid-aralan
magtuturo ang mga guro sa mga-aaral. Isa itong malaking pagsubok para sa lahat. Paano na nga ba ang
Edukasyon sa new Normal?

Maraming pangyayari ang naganap sa taong 2020. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng pandemya na
tinatawag na COVID-19 na kung saan ay maraming tao ang naapektuhan sa buong mundo. Marami ang
nagbago at ipinagbabawal gawin simula nang mag umpisa ang COVID-19. Malaki rin ang epekto nito sa aming
pag-aaral dahil dito ay maraming pagbabagong kailangang sundin.
Ang Edukasyon sa New Normal ay may iba’t-ibang paraan upang patuloy na matuto ang mga mag-aaral
kahit hindi na pumapasok sa paaralan. Ang pagbibigay ng mga guro ng modules sa mga mag-aaral ay isa sa
mga alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Makikita sa modules ang mga aralin at
mga pagsasanay na kailangang gawin ng mga mag-aaral. Nariyan din ang iba’t-ibang teknolohiya at gadyets
tulad na lamang ng laptop, computer at cellphone na malaki ang  naitutulong sa pag-aaral upang makagamit ng
Facebook, Zoom at Messenger sa tulong na rin ng internet connection. Dahil dito ay nagkakausap-usap ang mga
guro at mag-aaral tungkol sa aralin lalo na kung mayroong hindi maintindihan sa mga modules. Ito rin ang
paraan upang kumustahin ng mga guro ang mga mag-aaral. Gayon man, hindi pa rin maiwasan na minsan ay
nagkakaroon ng problema dahil sa mahinang koneksyon ng internet kaya ang ilang mag-aral ay nahihirapan din
sa New Normal. Maaari din matuto sa pamamagitan ng TV at radio, dito ay mapapanood  at ipinapaliwanag din
ang mga aralin tulad na lamang sa DEPED TV.

Huwag susuko sa kahit ano mang pagsubok sa ating buhay. Kailangan ang mabisang panalangin at
pananalig sa Diyos na matapos na ang pandemyang ito upang manumbalik na ang lahat sa normal na buhay.

    Maraming pagbabago ang kailangan gawin upang patuloy na matuto ngayong New Normal. Malaking
sakripisyoa ng ginagawa ng mga guro para sa patuloy na pagkatuto ng mag-aaral ganon din ang mga magulang
na sumusuporta at gumagabay sa kanila. Kahit mahirap ay kailangan pa ring magsikap ng mga mag-aaral upang
makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang mga minimithing pangarap sa buhay.

GAWAIN 4 # 3 PAHINA 24

“KALINGA”

Magmula nang imulat mo ang iyong mga mata


Hanggang sa unang hakbang ng iyong mga paa
At sa pag-iyak tuwing gabi
Sila ay nanatili sa iyong tabi.

Ang taong nagpakilala sa ‘yo


Sa mundong ginagalawan mo
Nakakita at nakasaksi
Habang ikaw ay lumalaki.

Sa aking pagmulat sa mundo ng kaligayahan


Kayo ang aking lagging nadadamhan
Sa aking paglaki dama pa rin ang aruga
Hindi ko makalimutan ang pagmamahal at aruga.

Sa pag aaruga at pag aalaga


Sa pag ibig at iyong pagkalinga
Sadyang tinakda ng ating kapalaran
Patungo lamang sa tuwid na daan.
Ang pagbibigay ng natatanging aral
Ang inyong anak ay nabusog sa pangaral
Ang inyong pag ibig na para sa akin
Tanging kabutihan ang nais hatid.

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad


Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap
Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.

Walang hanggang pasasalamat aking iaalay


Sa mga magulang kong sa akin ay gumabay
Sa lahat ng oras ay nagiging karamay
Aking mga magulang na mamahalin ko habang buhay.

GAWAIN 5 PAHINA 26

“BULGAR”

Ang PISA o (Programme for International Student Assessment) ay naglalayon ng proyekto ng PISA
para sa mga paaralan: Palakasin ang mga pinuno at guro ng paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila
ng pagsusuri na batay sa ebidensya ng pagganap ng kanilang mga mag-aaral. Sukatin ang kaalaman, kasanayan
at kakayahan ng mga mag-aaral na magbibigay ng kasangkapan sa kanila para sa tagumpay sa edukasyon at sa
mundo ng trabaho. Isang malaking impluwensya ang kahirapan sa pang-akademikong pagganap (Academic
Performance) ng mga mag-aaral. Ang Socio-Economic Status o antas ng buhay, Upper, Middle, Lower ay may
kaakibat na relasyon sa mga Academic performance ng mga mag-aaral, sapagkat bilang isang estudyanteng
nabubuhay sa isang pamilyang mababa ang antas ng buhay, hindi madaling makapasok sa paaralan. Ang
madalas na hindi pagpasok sa paaralan ay marahil dahil sa kakulangan ng pambayad sa transportasyon at iba
pang gastusin ng eskwelahan. Ngunit marami pang mga kabataan ang hindi humihinto sa pag-aaral taliwas sa
dinaranas kahirapan ng buhay.

Ang pagkakaroon ng tsansa na makasalil o maging parte ng PISA ang siyang magbibigay ideya nga
saatin para malaman natin ang mga dapat paghusayin sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ngunit huwag sana
maging panatag ang mga tagapamahala ng Department of Education na lagi tayong may “pag – asa na umunlad
sap ag – aaral” kung sila mismo ay hindi nagbibigay ng kalidad at kasiguraduhan na tayo ay makakabawi.
Lingid naman sa ating kaalaman na sinasabing ang edukasyon ang may pinakamalaking bahagi ng taunang
badget alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon; pero lagi pa ring kulang. Sa kadahilanan neto karapat dapat
lamang na ibigay ang mga salapi sap ag ensayo o pagpaptalas sa mga guro upang maging tanyag o matalinong
guro kung nais natin bumawi sa PISA o maabot ang educational excellence. Hinding hindi magbabago at
yayabong ang pag asa at kaisipan na may pag-asa pang umangat sa susunod na pagsusulit. Kung ninanais natin
na magkaroon ng mga taong kalidad at naaayon sa umuunlad natin bansa kelangan natin mag invest sa ating
mga guro. Walang bata ang mahirap matuto, mang-mang at walang pinagaralan kung simula’t sapul marunong
ang gobyerno na magbigay solusyon o gumawa ng anumang policy changes ibigsabihin neto magbigay
atensyion or mag invest sa guro. Huwag lagi tayo magbigay atensiyon o aksiyon sa mga infrastraktura ng isang
classroom katulad na alamang ng air-conditioned rooms at mga tiles. Mangyayari at mangyayari ito kahit saan
antin tignan. Ngunit kapag an gating mga guro ay walang experience o hindi nila natutupad at walang kalidad
ang kanilang pagtuturo no learning happens.

Ang kagandahan lang nito, dahil nga nasa ilalim tayo, may pag-asa pang umangat sa susunod na
pagsusulit. Kumbaga sa eleksyon na kulelat ang isang politiko sa ratings, ang pampalakas ng loob niya eh—
there’s no way but up. Pero lagi nating tatandaan ang resulta sa PISA ay hindi lamang nagpapakita kung ano
ang laman ng ating mga estudyante kundi pati narin ang mga taong nasa likod ng edukasyon rito sa Pilipinas.

WEEK 3
GAWAIN 1 PAHINA 31

MGA PUWEDENG GAWIN UPANG MAKAKUHA NG MAS MAGAGANDANG MARKA SA


PAARALAN

Maraming mga paraan upang makakuha ng mataas na grado sa paaralan. Ang bawat isa ay may sariling
natatanging estilo. Dahil ito ay tungkol sa edukasyon, bilang isang mag-aaral kailangan naming makahanap ng
mga paraan upang makakuha ng mas mahusay sa aming pag-aaral. Sa bagong siglong ito, ang edukasyon ay
nakuha ng matinding araw, lalo na sa Mataas na Paaralan.Halimbawa ang pagtuturo ng mga guro, mga bagong
paraan kung paano haharapin ang sitwasyon sa pag-aaral, mga bagong teknolohiya,at ect. Sa pag-aaral,
hinahanap natin ang lahat ng mga sagot sa aming mga aklat. Ganito ang mga paksang gusto nating malaman,
tulad ng mga diksyunaryo at encyclopedia. Anuman ang panahon na nabubuhay natin kailangan nating gamitin
ang mayroon tayo hanggang sa araw na ito. Hindi lamang ang mga libro ngunit kailangan din natin ang social
media. Dahil nakakatulong ito sa amin kapag hindi namin mahanap ang ilang impormasyon sa aklat. Ang social
media ngayon ay isang araw kung ano ang ginagawa ng mga mag-aaral kapag dumating ito sa pag-aaral. Hindi
lamang ang mga libro ngunit kailangan din natin ang social media. Dahil nakakatulong ito sa amin kapag hindi
namin mahanap ang ilang impormasyon sa aklat. Ang social media ngayon ay isang araw kung ano ang
ginagawa ng mga mag-aaral kapag dumating ito sa pag-aaral. Dahil ang internet ay ang pinaka-
makapangyarihang gamitan dito sa mundo na makakatulong sa aming pag-aaral.

Dahil katotohanan at hindi sariling opinion ang batayan ng tekstong impormatibo, ikaw ay susulat ng
halimbawa ng tekstong impormatibo gamit ang mga nakalap mong datos mula sa iyong mga kasapi ng
pamilya:

Ang isa pang paraan upang makakuha ng mataas na marka sa “Self Study”. Ito ay kung saan ang mag-
aaral ay nag-aaral ng kanyang sarili. Upang pag-aralan ang sarili, dapat gumawa ng isang tagaplano upang
matiyak na ang mag-aaral ay organisado upang hindi siya mawawalan ng kanilang mga tract sa pag-aaral. At isa
pang bagay ay ang gumawa ng isang reviewer, upang ang kabuuan ng mag-aaral ay maipaliwanag ang buong
paksa kapag siya ay magsasagawa ng exam o mag-quize sa kanyang classroom. Ang iba pang mga paraan sa
pag-aaral sa sarili ay gumawa ng datos at subukan na gawin itong maikli para sa mag-aaral,upang maunawaan
nang maayos. Sa paaralan, ang bawat paksa ay tatagal lamang ng isang oras o dalawang oras. Mahalaga na
tandaan ang bawat paksa upang maiwasan ang kakulangan ng kaalaman.Halimbawa sa
Math( Algebra,Geometry,Calculus) kailangan mag sutal ng mga formula para maunawaan ang paksa, dahil sa
Math kailangan kabisaduhin lahat upang pumasa sa exam o sa mga pagsusulit.
GAWAIN 2 PAHINA 32

1. Naging epektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit oo o bakit hindi?


- Naging epektibo ang ginawang paglalarawan sapagkat, nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang
buong linaw at may kaisahan ang kaisipan. Nagtataglay ng tiyak na impormasyon patungkol sa paksa.

2. Magtanong sa mga kamag-anak at kapitbahay at pumili ng natatanging tanawin, produkto o pagkain


mayroon ang iyong komunidad at ilarawan ito. Maaari mo ring idikit ang larawan nito.

- “ Napakasarap nito kainin lalo na sa panahon ng taginit, nakakawala talaga ito ng pagod at init ng
katawan. Parang lahat ng sangkap na taglay nito ang siyang representasyon ng pagkakaibqa nating mga Pilipino
na kung tayo ay pinagsama sama o nagsamsa at nagtulungan magkakaroon tayo ng isang makulay, kapatiran at
kapayapaan. Tila ba ay ito ang nagsisilbi ng ating pagkakaisa. Hindi lamang siya isang ordinaryong halo halo
tila ba ito ay mayroong libo libong ibig sabihin. Ang pagiging parte niya ng pagiging paghimagas ay hindi
lamang doon nalilimita. Tila pagkatapos ng nakakapagod na gawain andiyan ang buko halo na siyang iibsan ang
mabigat na iyong nararamdaman.” Wika ni Aling Vicky.
GAWAIN 3 PAHINA 32

Pumunta kami sa isang handaan kung saan kaarawan ito ng aking pinsan. Byumahe kami ng mga
sampung minutos sapagkat malapit lapit naman saamin ito. Habang kami ay papunta sa aming pinsan,
nagbiruan ang lahat ng andoon sa loob ng sasakyan. Sabi ng aking mama, “ Yung may pinakamaring balik daw
sa mga pagkain siya mag uurong.” , dagdag naman ng aking ama, “Ang unang gagalaw sa shanghai siya uubos
ng matitira.” . Nagtuluyan pa ang bangayan, hanggat sa makarating na nga kami. Maraming tao ang dumalo,
nakaupo narin kami ng aking mga kapatid sa pwestong para saamin, nakahiwalay pala ang mga bata sa
matatanda para naman magkaroon ng usapan na makakarelate talga. Makalipas noon nag start ng magdasal
upang simulant ang programa maikli lang ito ngunit sobrang saya, pagtapos ng programa, oras na para ang
pinsan ko naman ang magsalita sa harap upang magpasalamat. Sumunod na pangyayari nag dasal narin para
kumain. Talaga namang ang bangayan kanina sa saksakyan ay ginawang katotohanan at eto na nag walang
gusto maunang kumuha sa shanghai. Pagkatapos ng aming kainan na may kasamang kwentuhan, napagusapan
naming magpipinsan na mag swimming na dahil overnight talaga ang birthday niya. Habang nagsasayahan at
nagkakantahan na ang mga matatanda,nauna ng umuwi ang mga ibang bisita. Natira na lamang ang aming
kamag – anak. Tila ba kami ay naglalaro sa pool habang kumakain ang iba sa gilid. Nagpatuloy kami hanggat sa
magsawa. Pagkatapos noon umahon na rin kami ng pumatak ang oras ng alas – onse. Kami ay naligo at
naghanda na apr amatulog sa iisang kwarto kasama ang aking mga pinsan, ang mga matatanda naman ay
nagayos narin sa kanilang pwesto para matulog. Pagkapasok naming sa kwarto habang hinhintay na
makumpleto nanood muna kami ng Netflix. Nang kami ay nakahanda na para matulog pinatay na naming ang
mga ilaw at tv, hinintay nalang din naming na madatnan ng antok, masasabi kong napakaganda at saya ng araw
na iyon.

GAWAIN 4 PAHINA 34

Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa facebook.


Magpunta sa www.google.com.ph site. Iclick ang facebook account.
Itype ang iyong pangalan. Pagkatapos ay umisip ng username at i-type sa kinauukulang kahon. I-type
ang araw ng iyong kapanganakan.
Ang sumunod ay ang pagpili ng iyong password. Sa huli ay mag - log - in.
Hayan, maaari ka nang gumamit ng facebook.

WEEK 4

GAWAIN 1 PAHINA 36

2. Gawain para sa mga walang internet connection:Isulat ang mahahalagang nilalaman ng teksto sa
pamamagitan ng paghahabi sa malinis na papel.

PROYEKTONG PANGKABUHAYAN, TANGKILIKIN

MGA KONSEPTONG NAKAPALOOB SA TEKSTO


1. Isa rito ang naisagawang pambansang rekonsilasyon ang nagbigay sa mga dating komunista at humiwalay sa
pamahalaan ng tulong sa mga proyektong pangkabuhayan. Ang layunin ng proyekto ay maiangat ang kalagayan
sa lipunan.

2. Kabilang sa mga proyektong pangkabuhayan ay produksyon ng bigas at mais, pag-aalaga ng baboy, at sari-
sari store, manukan at pag-aalaga ng kambing at “see weeds farming”.

3. Nais ring matulungan ang mga dating rebelde na maging produktibo at magkaroon ng mapayapang buhay.
Ang ayaw na manirahan sa dati nilang lugar ay ipadadala sa iba’t ibang sentro ng bayanihan sa buong kapuluan.

4. Ang Departamento ng Pamahalaang Panglokal ang pangunahing ahensya ng pamahalaan ang nagtaguyod sa
Pambansang Rehabilitasyon at Programang Pangkalinangan sa pakikipag-ugnayan sa Departamento ng Kalakal
at Industriya, Departamento ng Agrikulttura, Repormang Pang Sakahan, “National Housing Authoriy” at iba
pang pangunahing ahensya ng pamahalaan.

5. Sa proyektong ito, umasa ang pamahalaan na maraming rebelde ang susubok at maaaring makatutulong sa
paglutas ng problemang “insurgency” upang matamo ang tunay na kapayapaan sa sariling bansa.

GAWAIN 2 PAHINA 37

1. Sarili ( unang grupo )


A. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na maaaring maiugnay mo sa iyong sarili bilang isang
mag-aaral?
B. .Ipaliwanag sa pamamagitan ng karanasan.

GAWAIN 3 PAHINA 38

Para sa may mga internet connection gamit ang online chatting sagutin ang mga sumusunod na
katanungan at para sa mga walang internet connection isulat sa malinis na papel ang kasagutan sa mga
sumusunod na tanong.

a. Ano ang mensahe ng tekstong nabasa?Sino ang nagsasalita ?


- Ang mensahe ng tekstong aking nabasa ay patungkol sa pamahalaan at pagbigay sa mga dating
komunista at humiwalay sa pamahalaan ng tulong sa mga proyektong pangkabuhayan. Upang maiangat ang
kalagayan sa lipunan sa pagsasagawa o taga pagsalita na si john enrico comia.

b. Paano nakakikipag-usap ang sumulat ng teksto sa mambabasa?


- Nakikipagusap ang sumulat ng teksto sa mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga facts o
mga makatotohanan na impormasyon at kanyang opinyon. Inilalathala niya ang proyektong pangkabuhayan
kung saan pinapangunahan ito ng pamahalaan upang maiangat ang kalagayan ng lipunan at mamamayan nito.

c. Sino ang tiyak na kinakausap sa teksto? Ipaliwanag.


- Ang tiyak na kinakausap sa teksto ay ang mga tagapagbasa o makakakita ng teksto, tagapakinig na
nakikinig ng nagbabasa sa teksto at higit sa lahat ang mga mamamayan. Isa rin rito ang mga mamamayan
sapagkat nais nitong maipaabot ang kaisipan na ang pamahalaan ay may maitutulong sa larangan ng kabuhayan
ng mga Pilipino para sa sama samang pag unlad ng mamamayan at lipunan.

GAWAIN 5 PAHINA 39

Magsaliksik ng isa pang artikulo na nauukol sa binasang teksto at iugnay ito. sa sarili, pamilya,
kominidad, bansa at daigdig at paano makatutulong ang pamahalaan na magkaroon ng
pangkabuhayang kaunlaran ng bawat mamamayan bilang pinakamahalagang yaman ng bansa.

- Nagsisikap ang pamahalaan na magkaroon ng pambansang kaunlaran sa lalong madaling panahon


upang maramdaman ng mga mamamayan na sila ang pinakamahalagang yaman sa bansa. Nagpatupad ang ating
pamahalaan ng mga gawaing pangkabuhayan sa produksyon, distribusyon at paggamit ng mga produkto at
serbisyo. May kanya kanya itong organisasyon na naitatag upang ito ay mapaunlad. Kung ito ay ating iuugnay
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig, totoo ngang malaki ang epekto at may magandang naidulot ang
pamahalaan upang makapagbigay ng pangkabuhayan sa mamamayan nito. Marami ang napagaral, ng mga
kabuhayang ipinagkaloob ng gobyerno sa kadahilanan na ang kanilang magulang ay nasasakop nito o scholar
ng isang organisayon, hindi man Makita ng iba ngunit may nangyayari progreso. Marami itong nabuksan na
oportunidad upang mairaos ang pang – araw araw na buhay. Ang paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng
bansa sapagkat kung ang ekonomiya ay maganda, ang mga mamamayan ay magkakaroon ng mas maraming
oportunidad na magkaroon trabaho sa sariling bayan na maaaring makapagbigay ng mas magandang buhay sa
kanila.

Hindi na aalis ang maraming Pinoy para lamang magtrabaho sa ibang bansa. Nagpatupad ang ating
pamahalaan ng mga proyekyong pangkabuhayan na siyang ang kalidad ng buhay ng mga tao dito ay magiging
maunlad din at kapag ito ay nangyari, magiging mas pursigido ang mga tao na linangin ang kanilang talent at
kaalaman. Sapagkat, Ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas ay siguradong makakapagpabago sa lipunan
nito sapagkat anuman ang magaganap sa ekonomiya ay direktang makakaapekto sa mga tao nito. Higit sa lahat
ang proyektong pangkabuhayan na hinaitd saatin ng pamahalaan ang siyang hakbang upang mapaglinang ng
kakayahan at kasanayan ng mga mamamayan ang makakatulong upang sila ay maging produktibo at aktibong
miyembro ng lakas paggawa, kung walang kasanayan ang mga tao, mahihirapan itong makatulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
WEEK 5

GAWIAN 2 PAHINA 41 – 43

1. Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?


- Ang mga impormasyon na aking nalaman sa teksto ay ang Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang
bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga
lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at
Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. .Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng
Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212.

2. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?


- Matatagpuan ang lalawigan ng Iloilo sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay.

3. Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng Iloilo?


- .Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si
Marikudo noong 1212.

4. Ano ang ipinambayad ng mga datu?


- Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng mga datu.

5. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?


- Itinatag noong Marso 10, 1997 ang lalawigan ng Iloilo.

6. Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo.


- Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa
sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape, at iba pang
lamang-ugat na halaman.

7. Ano ang pangunahing pinagkikitaan ng mga taga-Iloilo?


- Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo.

8. Ano ang hangarin ng may-akda sa paglalahad?


- Ang hangarin ng may – akda sa paglalahad ay maipamalas nito ang yamang ng pillipinas lalo na ang
Iloilo, mailathala ang kwento, makasaysayang pook at yaman ng agrikultura.
9. Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay ng
impormasyon? Bakit?
- Opo, sapagkat nailathala niya ito ng maayos, malinaw at sadyang naipahayag niya ang kaisipan ng
teksto. Nagpapakita rin ito ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos na siyang tumulong na
masungkit ang layunin ng may-akda.

GAWAIN 5 PAHINA 47 – 49

1. Anu-ano ang mga kredibilidad na nakita sa nananalumpati?


- Ang mga kredibilidad na nakita sa nananalumpati ay ang paniniwala nito na ang mundo ay umiikot sa
kasakiman, pananampalatay na lubos ay napupukaw at kawalang makatao.

2. Ano - anong mga impormasyon ang inilahad ng mananalumpati na ginamit nya sa panghihikayat?
- Ang mga impormasyon na inilahad ng mananalumpati na ginamit niya sa panghihikayat ay ang mga
salitang galling sa bibiliya para makahikayat o humikayat sa mga tao na magbalik loob sa kanya at huwag
magpaog sa umiital na kasuklaman o kasamaan na nangyayari sa mundong ibabaw.

3. Ano ang pinakamabisang pamamaraan upang mahikayat at mapaniwala ang mga tao sa iyong mga
sinasabi? Paano mo ito maisasagawa?
- Ang mga pinakamabisang pamamaraan upang mahikayat at manapniwala ang mga tao sa iyong mga
sinasabi ay ang mga sumusunod:
- Ang impormasyon sa iyong ilalatag ay nakabase sa napapanahong isyu.
- Mayroong kabulluhan ang mga salitang iyong binibitawan.
- Karapat dapat na magkaroon ng koneksiyon ang mambabasa sa naisagawang teksto at dapat ito ay
kanilang maunawaan.
- Pagbibigay ng malinaw na eksplanasyon at resulta sa mga mambabasa.
- Pagbo o paglalaag ng mga salitang magbibigay ng kasiguraduhan.

4. Ano ang kaisipang nais ipabatid ng tekstong binasa sa mga mambabasa? Ipaliwanag.
- Ang kaisipang nais ipabatid ng tekstong binasa sa mga mambabasa ay kinakailangan natin magbalik
loob o buksan ang ating sarili muli sa ating Panginoon, talikuran moa ng masasamang gawain, iluklok anf sarili
sa pananampalatay sa kanya at punaan ang iyong pagkukulang sa kanya.

5. Anong damdamin ang pumukaw sayo habang binabasa ang teksto?


- Ang damdaming pumukaw pumukaw saakin habang binabasa ang teksto ay pagkabigo, pighati at
pagkukumagho sa kadahilanan makatotohanan na ang mga tao ay patulong parin na gumagawa ng hindi
makataong akto at pagkalimot, hindi pagsunod at pagsawalang bahala sa salita na Diyos.

6. Ano ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng mambabasa sa “kinakausap” ng may-akda sa teksto?


- Ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng mambabasa sa “kinakausap” ng may-akda sa teksto ay
pagbabago o bagong simula.
7. Ikaw ba ang target na mambabasa ay nahikayat, nahimok, kumilos, o napaniwala ng teksto? Paano?

- Malaki ang posibilidad na ako ay parte o isa ako sa target na mambabasa sa pagkta ako ay kasama o
parte ng isang komunidad na gumagalaw at ako ay maari magkaroon ng repleksyon sa talumpati.

GAWAIN 4 PAHINA 47

PATALASTAS SA SABONG SAFEGUARD AT KAGANDAHAN NG PILIPINAS

PATALASTAS SA SABONG SAFEGUARD


PATALASTAS SA KAGANDAHAN NG PILIPINAS

PAGKAKATULAD

You might also like