You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bicol)
Dibisyon ng Catanduanes
Paaralan ng Sining at Pangkabuhayan ng Pandan
Pandan, Catanduanes
T.P 2022 - 2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)
Pangalan: Petsa: ___
Baitang/Pangkat: Iskor:________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Huwag mag

Overthink, madali lang ito kung nag-aral ka 😊P.S. Dito na kayo sasagot sa questionnaire.

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sulating akademiko ang magkatulad ang kahulugan ng terminong “paksa”?
A. Bionote at abstrak
B. Pictorial essay at agenda
C. Katitikan ng pulong at agenda
D. Panukalang proyekto at posisyong papel

2. Ang terminong ____________ ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan sa Bionote.

A. Paksa
B. Pagkakakilanlan ng tao
C. Edukasyon kung saan natapos ang pinag-uusapan
D. Mga natatanging ambag ng tao s alipunang ginagalawan

3. Ang Layunin, Rasyunal, Katwirang lohikal, at Konklusyon ay mga katawagan sa

_________________.
A. Bionote C. Posisyong Papel
B. Panukalang Proyekto D. Talumpati

4. Ano ang tanging pahayag sa ilalim ng larawan?

A. Banggit C. Kapsyon
B. Indensyon D. Lebel

5. Ang legal o nasusulat na batayan ng posisyong papel ay tinatawag na ___________.

A. Batayan C. Legal
B. Konklusyon D. Rasyunal

6. Aling hanay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ang nagpapakita ng kronolohikal na

organisasyon ng mga pahayag?
I. Naiwan kong tiwangwang ang mga tools dahil sa pagkabigla.
II. Habang nagkukumpuni ako ng motor, biglang nagliyab ang tangke ng langis.
III. Dahil sa narinig kong kalampag ng makina kahapon, naglaan na ako ng panahon ngayon upang
baklasin ito.
IV. Narinig kong muli ang masamang tunog nang magrebolusyon ako nang tatlong ulit.

A. III, IV, II & I B. III, I, IV & II C. I, II, III & IV D. IV, III, I & II

7. Alin ang hindi nabibilang sa diwa ng sumusunod na mga salita at nagpapahina sa organisasyon
nito?
I. Siyensya II. Pilosopiya III. Politika IV. Enerhiya

A. I & II B. I, II & IV C. III D. IV

8. Sumusulat ka ng isang piyesang pantalumpati na ilalahok mo sa isang timpalak. Bibigkasin ito sa
harap ng iyong mga katunggali. Paano mo ipamamalas ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng
pinakamasidhing agresyon ng pagpapakilala ng iyong sarili nang hindi napipinsala ang iyong persona
bilang isang maginoong kalahok?
A. Ako’y walang nais na masama sa aking kapwa mananalumpati. Ikinagagalak ko na kayo’y
makatunggali.
B. Nakatayo ngayon sa inyong harapan ang mag-uuwi ng karangalan!
C. Akala ko’y nasa peryaan ako. Marami kasing unggoy sa paligid ko.
D. Bakit pa kayo dumalo kung naririto na ako?

9. Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawan ang angkop na gamitin sa pangungusap upang
ipakita ang pagiging malikhain ng manunulat.
“Kung __________ ko ang salapi sa layaw, parusahan mo ako.”
A. ginasta B. ginugol C. sinayang D. winaldas

10. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang higit na kapani-paniwala?

A. Sabi sa balita, tumataas daw ang kaso ng biktima ng Covid-19. Sinang-ayunan naman ito ng mga
kapitan at tanod sa mga barangay kaya’t pinaghahanda na ang publiko sa posibleng lock down.
B. Ayon kay Enriquez (2021), ipinahayag ng WHO na hindi tataas ang bilang ng mga nagkakasakit
kung sumusunod ang mga mamamayan sa pagsusuot ng face shield.
C. Mababasa sa trending ngayon sa social media na hindi naman na kailangan ang face shield o
obligahin ang tao na magsuot nito.
D. Isang nurse ngayon ang nasawi dahil sa pagkahawa sa Covid-19 kaya’t paghandaan ang mas
mahigpit na lock down.

II. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay naglalahad ng katotohanan at Mali
naman kung hindi katotohanan.

1. Ang sulating abstrak ay nagpapakita ng larawan at gumagamit ng terminong kapsyon.

2. Ang kahulugan ng paksa sa Bionote ay taong inilalarawan.
3. Target na budget ang naglalaman ng iskedyul kung gaano katagal ang proyekto.
4. Ang apila sa madla ay mababasa sa isang pyesang pantalumpati.
5. Ang konklusyon ay listahan ng mga batayan kung saan hinango ang mga impormasyon.
6. Ang lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng terminong budget.
7. Abstrak ang nagtataglay ng mga natatanging ambag ng may-akda.
8. Ang bawat posisyong papel ay kinakailangang gumagamit ng terminong rasyunal.
9. Ang resulta ng pag-aaral at pagsusuri sa mga datos ay tinatawag na kinalabasan ng pag-aaral.
10. Siniping pahayag ang mga patunay sa kaisipan na pinatutunayan sa sulatin.
11. Ang mga larawang binisita at itinatampok sa paglalakbay ay tinatawag na Larawan ng mga tampok
na lugar.
12. Mga petsa at oras ang hudyat ng organisasyon ng sanaysay batay sa panahon ng pagkakaayos ng
paglalahad ng sanaysay.
13. Ang mga gugolin ang mga presyo o halaga ng gastusin ng isang manlalakbay na nagsisilbing
gabay at panghikayat sa mga mambabasa dahil ito ang malimit na hinahanap sa mga Lakbay-
sanaysay.
14. Ang mga pamamaraan kung paano makararating sa lugar habang naglilibot sa lugar ay elementong
transportasyon.
15. Ang mga pagkain ay mga kilalang lugar na madaling tandaan at karaniwang alam ng lahat ng mga
manlalakbay.

III. Panuto: Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ang (AIIOCLPRT AESSY) ay may layuning maipabatid ang nilalaman ng isang akda sa
pamamagitan ng mga larawan at deskripsyon.
2. (AAIOODGNSR) ang katangiang ito ng Pictorial Essay sapagkat ang mga larawan at kaisipang
nakapaloob dito ay nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
3. Kinakailangang ang mga pipiliing (AEIHM) ng lilikhaing Pictorial Essay ay tunay na may kalidad ang
komposisyon.
4. Karaniwang umiikot lamang sa iisang (AAKPS) ang Pictorial Essay bagaman ito ay binubuo ng mga
serye ng mga larawang magkakaugnay.
5. Nararapat na isaalang-alang ang target na (AAAABBMMS) sa pipiliing paksa, gagamiting wika at
mga larawan na nakapaloob sa Pictorial Essay.
IV. Ibigay ang mahahalagang impormasyon na dapat makita sa bawat bahagi ng abstrak.
Mga Bahagi ng Abstrak
I. Layunin (5pts.)
__________________________________________________________________________________

II. Pamamaraan o Metodolohiya ng Pananaliksik (5pts.)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
III. Resulta o Kinalabasan ng Pananaliksik (5pts.)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
IV. Konklusyon at Rekomendasyon (5pts.)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

DORINA S. BONIFACIO
Guro sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Susi sa Pagwawasto
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
I.
1. D 2. A 3. C 4. B 5. A 6. D 7. C 8. D 9. B 10. A
11. D 12. D 13. A 14. B 15. C 16. B 17. D 18. A 19. B 20. C
21. D 22. A 23. B 24. B 25. A 26. D 27. A 28. C 29. B 30. B
31. D 32. C 33. A 34. C 35. A 36. D 37. A 38. E 39. B 40. C
41. E 42. A 43. D 44. B 45. E 46. D 47. A 48. B 49. C 50. C
51. B 52. C 53. E 54. E 55. D
II.
1. BIONOTE
2. ABSTRAK
3. TALUMPATI
4. KATITIKAN NG PULONG
5. PANUKALANG PROYEKTO
6. POSISYONG PAPEL
7. REPLEKTIBONG SANAYSAY
8. PICTORIAL NA SANAYSAY
9. TRAVELOGUE
10. LAKBAY SANAYSAY

You might also like