You are on page 1of 24

 

KABANATA III
Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
 

MGA B AHAGI 
 Disenyo ng Pananaliksik
 Lokal ng Pag-aaral
 Respondante
 Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik
 Paraan ng Pangangalap ng Datos
 Kompyutasyong Istadistika
 

DISENYO NG PANANALIKSIK 

 Inilalahad dito ang uri ng pananaliksik na gagamitin.


Ito ay magagamit sa pagtugon sa mga inilatag na
mga suliranin sa pag-aaral. Maaring deskriptibo,
historikal o eksperimental.
  Maari ring ilahad kung ang pananaliksik ay
kwalitatibo o kwantitatibo.
  Kinakailangang tukuyin ng mananaliksik ang
kahalagahan ng ginamit na disenyo sa
pananaliksik.
 

MGA PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK 
  HISTORIKAL NA PAMAMARAAN
~ Layon nitong muling dalumatin o balikan ang
mga naganap o nangyari na at ang kaugnayan nito
sa mga kasalukuyang panahon.

  DESKRIPTIBONG PAMAMARAAN
~ Mailarawan ng sistematiko ang katayuan o salik ng
interes nang tumpak at makatotohanan.
 

   DEBELOPMENTAL NA PAMAMARAAN
~ Masuri ang patern o sekwensya ng paglago
o pagbabago sa takbo ng panahon.

o   CASE AT FIELD NA PAMAMARAAN


~ Masusing mapag-aralan ang bakgrawnd,
kasalukuyang katayuan at kaligirang inter-aksyon
ng isang indibidwal, pangkat, institusyon o
komunidad.
 

 Halimbawa ng Disenyo ng Pananaliksik


Deskriptibo ang uri ng pamamaraan na ginamit
ng mga mananaliksik. Ayon kay James P. Key
(1997), ang pamamaraang ito ay kumukuha ng
mga impormasyong hinggil sa kasalukuyang
kalagayan ng isang pangyayari para mailarawan
kung ano ang nagaganap. Isa sa mga metodong
maaaring gamitin gamit ang pamamamaraang ito
ay ang sarbey na tutugon sa kung ano ang
 pananaw ng mga kalahok sa dulog na Historikal
at/o Rehiyonal sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.
 

LOKAL NG PAG- AARAL 
  Inilalahad
ang lokasyon na
paggaganapan ng pag-aaral.
 

RESPONDANTE 
  Inilalahad at inilalarawan ang mga respondante ng
pag-aaral.

  Inilalarawan ng bahaging ito ang ginamit na


pamamaraan sa pagkuha ng sampol ng
populasyon na maaring gawan ng pag-aaral o
kaya’y tutugon sa talatanungan ng pananaliksik.
 

FORMULA SA PAGKUHA NG SAMPOL 
 SLOVIN’S FORMULA 

n = bilang ng sampol
N = Bilang ng populasyon
e = pagitan ng pagkakamali (0. 05)
 


 

TEKNIK SA PAGKUHA NG SAMPOL 
  PROBABILITY SAMPLING
1. Random Sampling
2. Systematic Sampling

o   NON-PROBABILITY SAMPLING
1. Purposive Sampling
2. Quota Sampling
3. Convenience Sampling
 

PROBABILITY SAMPLING 
  Random Sampling
~ Sa pamamaraang ito ay may pantay na
pagkakataon ang bawat kabahagi ng populasyon
na mapabilang sa sampol.
~ Halimbawa nito ay ang fishbowl teknik.

o   Systematic Random Sampling


~ Ito ay isang estratehiya sa pagpili ng
maaring maging kabilang sa sampol ng populasyon
sa pamamagitan ng sistema o pagkakataon.
~ Gumagamit ng table of Random Digits.
 

PORMULA SA PAGKUHA NG INTERVAL 

 

NON-RANDOM SAMPLING 
  Purposive o Deliberate Sampling
~ Ang kraytirya o layunin sa pagpili ng mga
respondente ay siyang batayan sa pagpili ng
magiging sampol.

o  Quota Sampling
~ Tinitiyak muna ang mahalagang katangian
ng populasyon at saka pipili ng sampol sang-
ayon sa itinalagang quota.
 

  Convenience Sampling
~ Ito ay amg pagkuha ng sampol o tagatugon
pabor sa katayuan o kalagayan ng mananaliksik.
 

 Halimbawa ng Respondante
 Ang mga mag-aaral sa apat na napiling pamantasan sa
kalakhang Maynila ang nagsilbing tagatugon ng pananaliksik. Pinili
ang Pamantasan ng De La Salle (DLSU), Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng Pilipinas (UP), at Unibersidad ng
Sto. Tomas (UST). Napili ang apat na pamantasang nabanggit
sapagkat una, sila ang mga unibersidad na may inihahaing programa
na may kinalaman sa Panitikang Pilipino. Ikalawa, ayon sa websayt
na http://www.topuniversities.com, ang mga unibersidad na ito mga
nangungunang unibersidad sa kalakhang Maynila at Pilipinas.
Systematic Random Sampling ang ginamit na paraan sa
 pagpili ng kalahok. Isa itong konseptong pang-istatistikang may
masistemang paraan sa pagkuha ng mga kalahok sa pagsasagawa
ng isang pag-aaral.
 

INSTRUMENTONG GINAMIT 
  Ipinaliliwanag sa bahaging ito kung ano-ano ang
ginamit na instrumento sa pananaliksik (halimbawa:
talatanungan, mga giya sa panayam, at iba pang
papeles) upang masukat ang mga baryabol na
ginamit sa pananaliksik sang-ayon sa layunin,
target na awdyens, relayability at baliditi,
pagsasaayos at pag-iiskor sa mga talatanungan.
 

 Halimbawa ng Instrumentong Ginamit


Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik upang
makapangalap ng datos para sa kanilang pananaliksik. Nahahati ito
sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa profayl ng mga
kalahok. Kinapapalooban ito ng Pangalan, Taon, Kurso, Unibersidad,
at Koda at Deskripsyon ng Asignatura. Ang ikalawang bahagi ay mga
katanungang ibinatay sa mga suliranin ng pananaliksik. Binubuo ito
ng labing-isang tanong na may tig-aapat na pamimilian. Ang mga
ginawang pamimilian ay hango sa mga pananaliksik, karanasan, at
kaalaman ng mga mananaliksik. Sa katanungan bilang 5, 8 at 9 ay
naglagay ng pamimiliang iba pang kasagutan upang higit na
malaman ang preperensiya ng mga kalahok. Samantalang sa
katanungan bilang 10 at 11 ay naglagay ng tanong na bakit upang
malaman ang dahilan ng mga kalahok sa isinagot nilang lebel ng
kaangkupan at kabisaan ng dulog na ginamit ng kanilang mga guro.
 

P ARAAN  SA PANGANGALAP NG DATOS 
  Malinaw na inilalalarawan ang pagkakasunod-
sunod na hakbang kung aano nakalap ang datos.

  Ipinaliwanag kung paano naipamudmod ang


ginamit na instrumento maging ang ibinigay na
panuto sa respondente o kalahok sa pag-aaral.
 

 Halimbawa ng Paraan ng Pangangalap ng Datos


 Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa iba’t   ibang silid-
aklatan katulad ng Ninoy Aquino Library and Learning
Resources Center ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ,
 Aklatan ng Lungsod ng Quezon, Pambansang
 Aklatan,Aklatan ng Taytay. Gayundin ay gumamit ng computer
 para naman sa pananaliksik ng iba pang datos na makukuha
sa pamamagitan ng internet.
Upang makakuha ng wastong bilang ng mga mag-aaral
sa mga pamantasang nabanggit, ang mga may-akda ay
nagpunta sa mga tanggapan ng mga pamantasang napili
upang humingi ng mga listahan ng mga mag-aaral mula una
hanggang ikaapat na taon sa kursong napili. Ito rin ang
gagamitin sa pagpili ng kalahok.
 

KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA 
  Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula
sa pagkompyut ng mga nakalap na datos.

  Kinakailangang maging malinaw kung ano ang


layunin sa paggamit ng bawat pormula at kung ano
ang tutuguning suliranin ng mga ito lalo na kung
mayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral
 

MGA PORMULA 
   Percentage – sinusukat kung ilang bahagdan sa
kabuuang populasyon ang sumagot sa isang aytem
sa talatanungan.

Kung saan;
f = bilang ng sumagot
n = kabuuang bilang ng kalahok
 

  Weighted Average o weighted mean


~ ang kabuuang product ng frequency at ang
katumbas na bilang ng baryabol ay hinahati sa
kabuuang bilang ng frequency.

kung saan,
x = weighted average
Σfx = kabuuang bilang ng frequecy at iskor  
N = bilang ng baryabol
 

 Chi-square
~ Sinusubok ang makabuluhang pagkakaiba
sa pagitan ng naobserbahang frequency at
inaasahang frequency

You might also like