You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANG NA AKADEMIK

LEKTYUR V: URI NG PAGLALAGOM – PAGGAWA NG ABSTRAK


LAYUNIN NG PAKSA
A. Nakikilala ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak. (CS_FA11/12PUOd-f-92)
B. Nabibigyang-halaga ang pandiwa bilang pananalitang ginagamit sa pagsulat ng abstrak
gayundin layunin, gamit, katangian at anyo ng sulating akademik na ito. (CS_FA11-12PN-0a-c-90)
C. Nakasusulat ng piniling akademikong sulatin sa tulong ng pagsunod sa mga hakbang sa
pagsulat ng abstrak. (CS_FA11/12PU-Od-f-92)
ANG ABSTRAK
 ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal
lektyur, at mga report.
 bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title
page o pahina ng pamagat.
 Naglalaman ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
 Bagamat maikli ay tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon . Philip Koopman
(1997).
 ang abstrak o halaw ay pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. - Atanacio h.c. Et.Al.
2009
 ginagamit din sa mga papel na inihaharap sa isang komperensya.
 Isa rin itong maikling buod na naglalarawan sa pangunahing ideya o nilalaman ng teksto gaya ng
artikulo, aklat, tisis o disertasyon.
 Ito rin ay naglalaman ng buod ng iyong pananaliksik resulta ng pananaliksik at konklusyon ng
pananaliksik nang hindi lalam pas sa 200 na salita. -(Batay sa aklat ni Asotrga, Jr. E.R. at
Nucasa, W.P.,2010)
 Mahalagang maingat itong naisagawa dahil ito ang karaniwang binabasa ng mga taong interesado
mabasa ang ginawa mong pananaliksik. (Research paper outline na hango sa aklat ni Bernales,
et.al,2013)
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK NA GINAGAMIT NA GABAY SA PAGBUO NG ABSTRAK
1. Buod- Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga binibigay na impormasyon sa maikling
pamamaraan. (hango sa aklat ni Bernales et.al,2013)
2. Layunin ng Pag-aaral at kahalagahan ng pag-aaral- Kahalagahan ng buong pagaaral at kung
ano ang magiging kontribusyon nito sa napiling larangang. Gayundin kung sino ang makikinabang
at ang posibleng implikasyon ng pagaaral.(batay sa aklat ni Astorga,Jr . E.R. at Nucasa, W.
P.,2010)
3. Resulta - Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.
4. Kongklusyon- Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin ang
mahalagang natutunan o nabuo mula sa pananaliksik. Karaniwang sumasagot sa mga tanong o
haypotesis na ibinigay sa panimula ng sulating pananaliksik.
5. Rekomendasyon - Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga
mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi
nagawa dahil sa limitasyon ng pag-aaral.
NILALAMAN NG ISANG ABSTRAK
 Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
 Saklaw at Delimitasyon
 Resulta at Konklusyon
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK
o Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuuan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
o Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
o Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
o Dapat ito ay naka dobleng espasyo.
o Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
o Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
o Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang mambabasa.
o Lagyan din ito ng ilang keywords o susing salita na may malalim na kahulugan batay sa
nilalaman ng tesis
MGA HALIMBAWA NG ABSTRAK
PAMAGAT NG PANANALIKSIK:
Isang Pag-aaral Tungkol sa Positibo at Negatibong Epekto ng Standardized Testing sa mga Mag-
aaral ng Grade 11 Humanities and Social Sciences ng Unibersidad ng San Carlos- South Campus
Taong Panuruang 2017-2018 nina Villarin, Jose Miguel et. Al.
Abstrak
Tinututukan ng pag-aaral ang mga epekto ng Standardized Testing sa mga mag-aaral ng Humanities
and Social Sciences 11 ng Unibersidad ng San Carlos- South Campus. Nakasaad din dito ang uri ng
pagpapatupad ng Standardized Testing, posibilidad na alternatibo nito at ang mga layunin nito.
Tinitipon ang mga datos sa pag-aaral sa pamamagitan ng Interval Scale Sarbey, na may katanungang
masasagot sa pamamagitan ng Frequency Scaling. Nakuha ang average ng bawat salik ng pangunahing
epekto sa pamamagitan ng Average Scaling. Sinusuportahan ng pag-aaral na ito ang Multiple Intelligence
Theory at Multliteracies Theory.
Natuklasan na nagdudulot ng stress at anxiety ang Standardized Test ayon sa nalakap na datos sa
HUMSS 11-D. Sa kabilang banda, nagpapatibay din ito ng Critical Thinking. Pabor ang mga respondents
na hindi epektibo ang Standardized Testing at nangangailangan ito ng alternatibong panukat ng
kaalaman para sa mga mag-aaral.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang pagsasagawa ng pagtataya ng opinyon ng mga estudyante sa
iba pang mga paaralan tungkol sa mga epekto ng standardized tests, bumuo ng mas matibay na
kaligirang teoretikal at pagbuo ng mga epektibong timeframe.

PAMAGAT NG PANANALIKSIK:
Sanhi at Epekto ng Mañana Habit sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng San Jose Del Monte National
High School na nasa Ikalabing Dalawang Baitang na Kabilang sa HUMSS Strand sa Panuruang 2019-
2020 nina Caceres, Jezza Marie, et. Al.
Abstrak
Tinututukan ng pag-aaral ang mga sanhi at epekto sa mga Humanities and Social Sciences 12 ng San
Jose Del Monte National High School ng Mañana Habit, o Prokrastinasyon sa ibang terminolohiyo. Ito ay
ang gawaing ipinagpapasabukas ng isang tao ang mga asignaturang dapat tapusin.
Ginamit ng mga mananaliksik ang metodolohiyang Descriptive Qualitative sa paglakap ng mga datos,
na angkop sa pagtukoy ng mga tugon at manipestasyon ng mga respondent. Karagdagan, Convenience
Sampling at Homogeneous Sampling ang ginamit na proseso sa paglakap ng mga impormasyon. Ang anyo
ng instrumentong pananaliksik ay sa pamamagitan ng Questionnaire.
Natuklasan sa pag-aaral ang paggamit ng cellphones at pagbibigay prayoridad sa mga lakad kasama
ang mga barkada bilang pangunahing sanhi ng Mañana Habit. Samantala, ang pagiging gahol sa oras at
ang pagtanggap ng mababang marka ay ang pangunahing epekto ng Mañana Habit.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang paglimit sa paggamit ng cellphone at sa lakad kasama ang
mga barkada upang maiwasan ang Mañana Habit. Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay
makatutulong sa mga Pilipino na magbigay-linaw sa mga sanhi at epekto ng Mañana Habit.

PAMAGAT NG PANANALIKSIK:
Karanasan ng mga Batang Ina, isang kwantitatibong pananaliksik
Abstrak
Layunin at Suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa
kanilang murang edad. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga pinagdadaan ng mga batang ina sa
anim na salik; emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
Metodo
Ito ay sumailaim sa Quantitative method kung saan gumamit ng sarbey na metodo na nakalahad
kung maaari nilang sagutan lahat ng mga tanong sa survey questionnaire.
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna. Ito ang ibinigay na
lugar ng munisipyo ng Alaminos, Laguna kung saan mayroong pinaka maraming bilang ng mga dalagang
nag buntis ng maaga.
Resulta at Konklusyon
Ang pagbubuntis ng maaga ay mayroong iba’t ibang epekto sa emosyonal, pisikal gayundin sa
sosyal na pamumuhay ng isang batang ina.

You might also like