You are on page 1of 5

KABANATA I

KASASA

1.1 Panimula
Laganap na ngayon ang iba’t ibang klase ng gadgets hindi lamang sa mga nakatatanda
kundi lalo na sa mga kabataan ng henerasyon na ito. Ang nasabing kagamitan ay ginawa bilang
katuwang ng mga tao. Ano man ang kailanganin ay maaaring matagpuan sa ating mga tinatawag
na gadgets.

Ang gadgets kagaya na lamang ng cellphone/smartphone, tablet at iba pa ay ang mga


kagamitan na nakapaloob sa teknolohiya. Ito ay uri ng kagamitan na intensyong makatulong sa
mga tao para sa mas ikadadali ng ating buhay. Halimbawa nga nito ay ang smartphones na uri ng
gadget, na talaga namang patok na patok ngayong panahon dahil sa patuloy na umuunlad na
teknolohiya. Ito ay may napakaraming kakayahan kagaya ng pagkuha ng litrato/larawan, video,
pag-browse sa internet at napakarami pang iba. Gaya nga ng nabanggit ay tumutulong ang
gadgets na gaya nito sa mga tao lalo na sa mga mag-aaral. Ngunit ang paggamit nito ay may
epekto, positibo man o negatibo.

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga epekto ng mga gadgets sa mga mag-aaral.
Nais malaman ng pag-aaral na ito hindi lamang ang masamang epekto ng mga kagamitan na ito
kundi pati narin ang mga positibong epekto nito sa mga mag-aaral. Sa kanilang pang-araw-araw
na buhay, pakikisalamuha, relasyon sa pamilya, performance sa paaralan at marami pang iba,
mayroong epekto ang pag-gamit nito sa kanila na siyang aalamin ng aming pananaliksik.
1.2 Paglalahad ng
Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay pagsusurisa epekto ng gadgets sa lahat
mga mag-aaral sa loob ngpaaralan ng Sta.Lucia High School, S.Y. 2017-2018.

Nilalayon nito na matutugunan ang mga sumusunod na tiyak na suliranin:


1.Ano ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit hindi nila maiwasan na hindi gumamit ng
gadget?
2.Ano ang motibo o pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng gadgets sa loob ng paaralan?
3.Ano ang epekto ng paggamit ng gadget sa loob ng paaralan?
4.Ano ang naitutulong ng paggamait ng gadget sa loob ng paaralan?
5.Kaya ba ng mga mag-aaral na hindi gumamit ng gadget sa loob ng paaralan?
Pinili namin itong mga katanungan na ito upang mas malaman at maintindihan namin kung ano
nga ba ang mga epekto ng gadgets sa mga mag-aaral.
1.3 Kahalagahan ng
Pag-aaral
Ang kahalagahan nito ay upang malaman ang mga epekto nito sa mga kabataan o mag-aaral sa
panahon ngayon. Laganap na sa ating lipunan ang mga kabataang naadik sa mga iba’t-ibang
gadgets tulad na lamang ng cellphone at iba pang mga nangungunang gadgets na kinaadikan ng
mga kabataan. Ngunit sa paggamit nga ba ng gadgets ay nakakatulong sa kanila o para lamang sa
sariling kasayahan. Mahala ang pananaliksik na ito upang maipakita sa mga tao ang epekto at
malaman kung ano ang nangyayari sa mga batang masyadong nalululon sa mga gadgets.
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga tao tulad na lamang ng mga sumusunod:
Mga kabataan/Mag-aaral: Mas malilinawan at maiintindihan ng mga kabataan kung ano nga ba
ang mangyayari sa kanila kung masyado nilang binibigay ang oras nila sa paggamit ng mga
iba’t-ibang gadgets. Mas maiintindihan nila ang kabutihan at kasamaang epekto nito at mas mag-
karoon ng disiplina sa sarili at malaman ang tamang paggamit.
Mga magulang: Malalaman nila ang magiging epekto ng gadgets kapag masyadong naadik ang
mga anak nila sa gadgets. Mas malilinawan ang iba’t-ibang magulang kung ano ang mangyayari
sa kanilang mga anak. Di na sila mag-dadalawang isip pa at mas ididisiplina pa nila ang kanilang
ang sa paggamit ng mga gadgets.

1.4 Saklaw at Limitasyon


kaugnay na Literatura
Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,kagamitan, at
proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Kadalasanginiuugnay ang
katagang “teknolohiya” sa mga imbensyon at gadget na kailan lamangnatuklasan na proseso at
prinsipyong maka-agham. Nakikita ang teknolohiya bilang angkasalukuyang kalagayan ng ating
kaalaman kung paano pagsasamahin ang mgakakayahan upang magbunga ng ninanasang
produkto. Ito rin ay nakatutulong sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag
na kaalaman. Ngunit sa kabila ng mga benepisyong naibibigay ng teknolohiya, paano nga ba
itonakaaapekto sa pamumuhay ng tao? Ano ang nagagawa nito sa paraan ng pag-iisip ngtao?
Totoo nga bang nagiging mangmang ang tao sa halip na madagdagan ang kaalaman?Habang
pinapadali nito ang ating mga gawain, walang kamalay-malay ang tao nasinsakripisyo at
ipinagpapalit niya na ang kanyang mental o pag-iisip sa mas malalim atmakabuluhang paraan at
pasalitang kakayahan.
“Is Google making us stupid?”,
ito ang naging katanungan ni G. Nicholas Carr nanabuo mula sa kanyang kuryusidad o pagiging
mausisa patungkol sa mundo ngteknolohiya. Sa aklat ni G. Carr na pinamagatang
“The Shallows: What the Internet isdoing to our Brains”,
ipinaliwanag niya ang kanyang opinyon kung paano tayo nababagong teknolohiya, partikular,
ang malawakang paggamit ng
Internet
. Ayon sa kanya, angkaisipan ng tao ay matagal nang nahulma sa pamamagitan ng mga sangkap
ng utak; mulasa alpabeto, mapa, mga nailimbag na akda (
literary works), orasan, hanggang sakompyuter. Mga ebidensyang makasaysayan at siyentipiko
na nailahad

—nagbabago angating mga persepsiyon at pagkakaunawa sa mga ito bilang tugon sa mga
karanasan. Angteknolohiya na ginagamit natin sa pagsasaliksik, pag-iimbak, ang pagbabahagi
ngimpormasyon ay maaaring ibahin ang ating landas. Mula sa kabatiran nina Plato atMcLuhan,
si G. Carr ay gumawa ng kapani-paniwalang paliwanag na bawat teknolohiyaay may taglay na
angkop na karunungan (intellectual ethic)—mga patungkol sa uri ngkaalaman at katalinuhan.
Bilang halimbawa, kanyang ipinaliwanag kung paano ang isangaklat ay nakukuha ang ating
atensyon; nag-uudyok sa tao na bumuo ng isangmakahulugang kaisipan. Samantala, ang
Internet
naman ay naghihikayat sa mabilis atmagulong impormasyon na ating nakakalap mula sa iba’t
ibang
sources
. Mas natututotayong maging mapanuri ngunit kasabay nito ay ang unti-unting paglaho ng
atingkakayahan sa konsentrasyon at pagninilay-nilay.Sa araw-araw nating paggamit at
pakikisalamuha sa modernong panahon atmundo ng teknolohiya, ito’y may katumbas na mga
pagbabagong intelektuwal at pagbabago sa pag-uugali (
intellectual and cultural consequences). Ang mga intelektuwalna teknolohiyang ito ay
madaming naging epekto’t nahigitan ang orihinal nitongintensyon o layunin.Ang Internet, ayon
kay G. Carr, ay bahagi pa rin ng literatura at naiiba lang samga naimprintang pahina. Pinagsama-
sama nito ang iba’t ibang klase ng media streams gaya ng tunog, film, at imahe. Iba-iba ang
ating nagiging karanasan sa isang bahagi ng mundo ng teknolohiya—ang media.Ang digital
media ay hindi angkop sa malalim na pag-iisip at pag-unawa. Ang utak, sa metaporikal na
kahulugan, bilang kompyuter ay pinapakawalan an gating memorya.Samakatwid, tayo ay mas
nagiging matalino ngunit sa paraan na naaayon sahinihingi ng
Internet.
Nagiging kontrolado tayo nito. Ang mga karaniwang pamamaraangaya ng
scanning, skimming, browsing,
at
multitasking
ay hindi hinahayaang ang utak namaunawaang mabuti ang ating binabasa. Habang dumarami
ang mga maaaring pagkunanng impormasyon, kung paano natin gamitin ang pamamaaraan at
sangkap na nabanggitay maaaring maging dahilan ng paglabo o pagkasira ng ating
pagkakaunawa sa mgaimpormasyong ating nakalap.Ito ay ilan sa mga linyang binitiwan ni G.
Carr sa kanyang aklat na
“TheShallows: What the Internet is doing to our Brains.”
“Culture is sustained in our synapses...It's more than what can be reduced to binary codeand
uploaded onto the Net. To remain vital, culture must be renewed in the minds of the membersof every
generation. Outsource memory and culture withers.”
Our growing use of the Net and other screen-based technologies has led to the“widespread and sophisticated
development of visual-spatial skills.” We can, for example, rotate objects in our minds better than we used to be
able to. But our “newstrengths in visual-spatial intelligence” go hand in hand with a weakening of
our capacities for the kind of “deep processing” that underpins “mindful knowledgeacquisition, inductive
analysis, critical thinking, imagination, and reflection.”

You might also like