You are on page 1of 2

Ilaw sa Kadiliman

Nang magsimula ang pandemyang ito ay hindi ko aakalaing hahantong pala ito sa kung
nasaan man tayo ngayon. Ang inaakala ko lamang noong una ay panandalian lamang ito at agad
din natin itong mahahanapan ng lunas sapagkat ang mga kagamitan natin ay advanced na. Parang
panaginip ang lahat, parang isang aksidente na biglang nagbago sa takbo ng buhay ng isang tao.
Ang buhay ay puno ng kagalakan, ngunit ito ay natatakpan ng anino. Mabilis na nagbabago ang
kapaligiran, ngunit patuloy parin tayong lumalabanpara sa ating kinabukasan. Ito ay isang
mahirap na pagsubok na kailangan nating malapagpasan lahat.
Isang taon na ang nakalipas nang magsimula ang pandemyag ito, ngunit kahit matagal na
itong naganap ay di parin kami mapakali sa nangyayari at pinipilit parin ang aming mga sarili na
tanggapin na ganito na ang sitwasyong ating haharapin. Kayraming bagay ang nabago dulot ng
malubhang sakit na ito, tulad na lamang ng pagkahinto ng ilang mga mamamayang Pilipino sa
pagtatrabaho dahil sa pagbabawas ng mga empleyado ng kompanyang kanilang pinapasukan o
kaya naman ay ang permanenting pagsasara mismo ng kompanya dahil sa kakulangan sa mga
kostumer.
Ngunit kahit na tayo ay nasa kalagitnaan ng isang pandemic ay di parin tayo nagpatinag
at gumawa parin tayo ng paraan upang maktulong sa ating kapwa. Upang smalagpasan ang
pagsubok sa pandemya, lumakas ang kooperasyon at sama-samang suporta. Sa mga sandali ng
kawalan ng katiyakan, nagbigay buhay ang aming pag-ibig. Ang buhay ay nagpatuloy tulad ng
dati, at ang pasensya at pagtitiyaga ay naging isang pamumuhunan. Ang katalinuhan at pasensya
ng lahat ng mamamayan ay sinubukan upang mailigtas ang mga nanganailangan mula sa
pagkagutom at mula sa panghihina ng ating katawan. Kapit bisig ang sigaw ng karamihan sa mga
mamamayan upang sa gayon ay makatulong tayo sa ating kapwa na mas kinakailangan ng
tulong.
Ang aking pamamaraan ng pag-aaral ay nabago dahil sa pandemyang ito. Di ko na ito
masyadong napaglaanan ng pansin sapagkat kayrami ko ring mga bagay na kailangan kong
asikasuhin sa aming tahanan. Ako ang tumatayong katulong ng aking nanay sa mga gawaing
bahay tulad na lamang ng paglalaba, pagluluto, at paglilinis ng bahay kaya naman ay di ko na
masyadong napagtuunann ng pansin ang aking pag-aaral. Ngunit kahit na marami akong
pagsubok na hinaharap ay pinpilit ko parin itong lagpasan,
Ang isa pa sa hindi ko inaasahang pagbabago sa atin ngayon ay ang pamamaraan ng ating
pakikisalamuha sa ating kapwa. Kung dati ay kahit sino pa man ay ating pwedeng yakapin o
kausapin man lang, ngayon ay ipinagbabawal na ito sapagkat ang malubhang sakit na mayroon
ngayon ay di natin nakikita kaya naman ay ang pakikisalamuha sa ating kamag-anak ay
ipinagbabawal para na rin sa ating kaligtasan. Hindi ko ito matanggap noon sapagkat ako ay
nasanay na parati kaming nagkikita-kita ng aking mga pinsan. Pero dahil bawal muna ang
makisalamuha ngayon ay naghanap na lang kami ng paraan upang kami ay makakapag-usap
parin kahit na kami ay magkalayo. Ganun din ang aking ginawa sa aking mga kaibigan. Ngayon
ay nagkakaroon na lamang kami ng movie marathon sa pamamagitan ng google meet na kung
ikukumpara mo noon ay gagala kami sa kung saan-saan.
Kahit na kayrami ng nabago simula nang dumating ang pandemyang ito ay di dapat tayo
panghinaan ng loob at patuloy parin tayong babangon para sa ating pamilya at para na rin sa
ating kinabukasan. Maging matatag at sundin ang pagpapala ng Panginoon sa bawat sitwasyon.
Pinatibay nito ako habang nakaharap ako sa mga hindi inaasahang pagsubok. Dapat tayong
manatiling matatag nang sa gayon ay mahanap muli natin ang ilaw na gagabay satin patungo sa
maliwanag na kinabukasan. Hindi tayo dapat panghinaan ng loob dahil malapit na ang isang
bagong pagsisimula. Nalaman ko na sa mga mahihirap na panahon, dapat nating tandaan na
tumingin sa Panginoon, na ating tagapagtanggol at gabay.

You might also like