You are on page 1of 3

Clydylyn Jane Pastor

Ang Karanasang Hindi Ko Malilimutan


Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay may mga karanasang hindi makakalimutan. Mga
karanasang nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Ang karanasan daw
ay isang ala-ala ng kahapon na nangyari noon, masaya man o malungkot ngunit kailangang
magpatuloy ang buhay alang-alang sa ngayon at sa darating na bukas. Habang tumatakbo ang
panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng marka sa ating buhay. Minsan, itoy
masaya at minsan ay malungkot. Minsan naaalala ko ang mga iyon at sa paglipas ng mga araw
ang mga masasakit na karanasang iyon ay tinatawanan ko nalang. Ganito talaga ang buhay ng
tao, lahat ng masakit na pangyayari sa iyong buhay ngayon, bukas tatawanan mo nalang. At
ngayon ay nais kung ibahagi ang aking kwento at sana ay mayroon kayong mapulot na aral dito.
Lumaki ako sa simpleng pamilya. Masaya kami kahit mahirap lang ang buhay namin.
Ang ama ko ay isang magsasaka pero ipinagmamalaki ko aking ama kasi isa siyang huwarang
ama na handang magsakrapisyo para sa aming magkakapatid at ang ina ko naman ay
businesswoman. Lagi kaming masaya at nagkukulitan araw-araw. Paggising namin sa umaga ay
abala na ang aming ina sa paghahanda ng pagkain sa hapag kainan at sabay-sabay kaming kakain
ng agahan. Lumipas ang ilang taon na lahing masaya ang aming pamilya. Ngunit ang di ko
inaasahan ay darating pala ang araw na ang mga ngiti sa aming mga labi ay mapapalitan ng
lungkot.
Noong Marso 12, 2016 isang araw na hindi ko malilimutan. Ang araw na iyon ay nasa
Ozamiz ako, tapos aking mga magulang ay nasa amin lang pati bunso kong kapatid. Gumising
ako ng umaga kahit Sabadong-sabado ang araw na iyon. Tumunog ang cellphone ko, tumawag

ang aking kaibigan, sabi niya tatawagan ko daw aking kapatid at nagtaka naman ako kung bakit
naman tatawagan ko aking kapatid. Sabi ng kaibigan ko Ano kasi yung Starlight bus na
disgrasya daw, nandun ang kapatid mo sa bus. Napanga-nga nalang ako sa sinabi ng aking
kaibigan. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano aking gagawin. Tumawag ako kay
mama hindi niya ito sinagot. Tumawag ako ulit, sumagot ito. Nagkontrol ako sa aking sarili na
hindi maiyak para hindi na rin mahawaan si mama sa drama ko. Pasimple kong tanong sa kanya,
Ma, san ka ngayon? Sabi naman ni mama, nasa bahay lang. Si Bea ma, na saan? tanong
ko. Gang ano si Bea, inutusan ko pumunta sa Molave. Tapos, ang sinakyan niyang bus ay
nadisgrasya paiyak na sagot ni mama. Nagdalidali ako magbihis papunta ng Pagadian. Nang
nakarating na ako sa ospital nakita ko aking kapatid nakahiga na lumuluha sa hapdi ng kanyang
kamay na nabali. Hindi ko makaila na mapaiyak na nakita ko aking kapatid na nagdusa. Yung
gabi na iyon agad-agad na pinaoperahan ang kapatid ko sa kanyang kamay dahil nabali ito pero
unang ooperahan ay ang balat niya dahil marumi ang sugat niya ng dahil sa mga nabasag na
salamin ng bintana ng bus. Grabe! hindi ko maintindihan ang nararamdam ng mga oras na iyon
lalong lalo na aking mama hindi rin mapakali, kulang nalang sumugod siya sa operating room
kung ano na ang nangyayari sa loob. Mga ilang dalawa o tatlong oras natapos rin ang operasyon.
Salamat sa Dios ok naman. Pero hindi pa natatapos ang pagdudusa ng aking kapatid akoy
awang-awa na sa kalagayan niya. Mga ilang linggo kailangan na naman niya ooperahan sa buto
dahil nga nabali ito. Pero wala pa kaming sapat na pera para sa susunod na operasyon ng aking
kapatid. Nagtanong ako kay mama Ma kaya pa kaya natin to? Ang laking ng babayarin natin
nito sa ospital. Oo naman, dapat kakayanin natin to para sa kapatid mo, hahanap tayo ng
paraan matapang na sagot ni mama. Napaiyak ako sa sagot ni mama. Sa mga ilang araw na
yun, salamat sa Dios sa kabila ng aming paghihirap hindi kami pinababayaan ng Panginoon.

Tumulong ang may-ari ng bus sa gastusin namin sa ospital. Mga ilang linggo kami nasa ospital
dahil sa pabalik-balik ang lagnat ng aking kapatid. May isang gabi na hindi ko talaga
makalimutan yung oras na yun ang sarap umiyak pero hindi ko ginawa kasi gusto ko matapang
na ate ang makikita ng aking kapatid na may masasandigan siya sa kabila ng kanyang sitwasyon.
Ang hirap magpanggap. Sabi ng bunsong kapatid ko Ang hirap magpaggap na ok lang ang
lahat pero hindi naman, pagod na ako umiyak siya sa sinabi niya pero ako pinigil kong tumulo
ang aking mga luha, kumbaga nagpakabato ako sa oras na iyon para naman mahawaan ng
tapang aking kapatid ko kahit na gusto na sana niyang bumitaw. Sinabi ko nalang sa kanya
Magiging ok din ang lahat gang, tiwala lang. Kung nahihirapan ka mas nahihirapan sina
mama at papa kasi ayaw nilang makita kang ganyan, magdasal ka lang may awa ang Dios
niyakap ko siya at nagdasal kami. Araw-araw sinasamahan ko aking kapatid sa pag eehersisyo sa
kanyang nabaling kamay para mabalik daw sa dati ang kamay niya, yun din utos ng doktor niya.
Ngayon, limang buwan na nakalipas parang panaginip lang ang lahat. Ang bilis ng
panahon. Parang kahapon lang nangyari at naging ok na ngayon. Pero sa kabila na mga problema
dumating sa aking buhay at sa aking pamilya doon ko nalaman na dapat maging matapang at
positibo sa mga pagsubok sa buhay dahil sa kabila ng mga problema ay mayroong pag-asa. May
Dios na nandyan palagi para tumulong sa paglutas ng ating sakit, pighati at kalungkutan. Kaya,
sa lahat ng mga tao na dumadaan sa problema at kabiguan, wag kayong mawalan ng pag-asa
dahil masarap mabuhay sa mundo ng liwanag. Harapin natin ang mundo na may ngiti sa ating
mga labi. Wag tayong mawalan ng pananalig sa Diyos.

You might also like