You are on page 1of 1

Jan Lucila E.

Platero
12-Juan Luna (HumSS)

Ang Aking Binaon Mula sa Probinsya ng Quezon


Noong Ika-20 ng Abril, ay nagtungo kami sa bayan ng Mauban na matatagpuan sa probinsya ng Quezon. Doon ay nagtampisaw kami sa
makinang-kinang nitong dagat sa ilalaim ng araw. Ang araw noon ay tirik na tirik na para bang ang iyong balat ay matutusta sa isang segundo ng
pagtama ng araw sa iyo. Hindi lang aking pamilya ang nagtungo roon, kasama rin naming ang pamilya ng mga kapatid ng aking ina, at ang pamilya
ng isa sa kaniyang matatalik na kaibigan. Sa Quezon ay matutuklasan ang tagong ganda nito. Bilang ang mga tao ang mga dumadayo rito kumpara
sa ibang mga isla na kalapit ng karagatan tulad ng Aurora at Batangas kung kaya ay masaya at mapayapa mamalagi rito.
Noong kami ay nagbakasyon dito, dito ko unang naranasan ang matulog sa kubo. Hindi
ganoon karangya ang aming tinuluyan doon sapagkat ang kubo naming doon ay may aircon, ilaw,
at iba pang mga pangangailangan upang hindi ka mainitan sa tag-araw at sa pagsapit ng gabi. Isang
sungaw sa durungawan ay hindi lamang sang bughaw na karagatan ang matutuklaan kung hindi
isang buhay na nag-aasam na iyong maranasan. Sa lugar na ito, magkakadikit lahat ng mga bahay
sa likod na bahagi ng isla. Halos lahat ng mga tao rito ay hindi lang mga magkakapit-bahay ngunit
sila nagtuturingang bilang isang malaking pamilya. Sa tag-araw, ang dagat sa mauban ay malayo
sa daungan na aabot ng iilang metro ang layo dahil sa High Tide. Dahil rin dito, nagkalat ang mga
starfish dito. Kasing-init ng araw ang init ng pagmamahal na yumayapos sa mamamayan ng
Mauban, Quezon. Ang mga tao ay nagsasaya, may mga malalakas na musika, may mga
sumasayaw, at may ibang mga lumalangoy tulad ng mga alon sa dagat. Muli, aking napansin ang
halos magkabilang mundo ng buhay sa syudad at sa probinsya. Aking naisip na sa parehas na
mundong ginagalawan ay nakamit ko ang kasiyahan, ngunit sa probinsya ko lamang naranasan ang magkaron ng oras upang pahalagahan ang araw,
ang dagat, ang mga tao, ang buhay sa kabuuan dahil hindi katulad sa syudad na iyong hihilingin na magkaroon ka ng mas maraming oras upang
matapos ang lahat, dito ay tila hawak mo ang mundo. Hindi na kinailangan pa ng salipawpaw upang maabot ang mga tala.
Bilang pangwakas, minsan sa buhay, hindi lang dapat puro trabaho o mga responsibilidad ang ating bibigyang-pansin sa pang-araw-araw
kung hindi, maalaga rin ang pagpapahalaga sa sarili. Nang ako ay lumakad sa buhangin noong sumapit ang gabi, iba ang saya ag aking naramdaman.
Hindi ko kailanman naransan ang pagiging kalmado, ang pagsulyap sa aking paligid na walang alinlangan o tatandaan na mga problema sapagkat
dito sa probinsya, hindi oras ang may hawak sa iyo, kung hindi ikaw ang may hawak sa oras mo.Dito ay malaya ka upang ilaan lang iyong mga
panahon para sa sarili mo at ditto ay maipapamalas mo ang matimyas at matamis na mga ngiti mo. Nakakatakot man mamuhay sa simpleng
pamumuhay ng mga tao sa probinsya dulot ng ating kasanayan sa kabilisan ng mundo at ang pagiging bahagi ng teknolohiya ng ating buhay, buo
kong galak na inireekomenda na ikaw rin ay magtungo rito sa Quezon at iyong tuklasan ang mundo na naghihintay sa iyo. Ang mga bato na
nagpapabigat sa iyong kalooban ay mawawaglit.

You might also like