You are on page 1of 1

CHARLES ADRIAN C.

RABANAL
STEM - GENESIS

Edukasyon: Sandata ng Tagumpay

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa, ay isang saligan upang

mabago ang takbo ng ating buhay. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit

sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng

nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat oras ng ating

buhay, tayo ay nababasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at

makasabay sa kung ano mang kakaiba ang sumaklaw sa ating lipunang kinabibilangan.

Hindi lingid sa ating kamalayan, subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa

lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang

pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating

“abakada” tayo ay nabibilang sa pundasyon ng edukasyon.

Sa loob ng labindalawang taon na pananatili ko sa paaralan, masasabi kong ito

ay isang paraiso. Dahil maraming pagkakataon sa ating buhay ang nagpapaunawa, na

ang DepEd Mission ay patuloy na umaangkla sa ating pagkatao at maging sa ating

kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang

implikasyon sa pagbabago ng ating pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito na

lamang tayo katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-

akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsisilbing

balangkas upang mabuksan ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din

ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng ating kapwa tao at

mga karanasang ating daldalhin habambuhay.

Ang pagunlad ay hindi lamang sa mga markang nais nating matamo, subalit

nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa ating puso’t

isipan sa kalagitnaan ng ating paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating

mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang

layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing

proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang

pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

You might also like